CHAPTER 8: ATHENS by Janella Andrea Galang

Y6- CORTEZ, KENNETH
Likas na sa ating mga tao ang sumabak sa mahihirap na parte ng ating buhay. Ngunit dapat ba natin itong sukuan? Para sa akin ay hindi, marahil sa bawat pinagdaraanan natin sa buhay ay mayroon tayong makukuhang benepisyo mula rito. Ito ay likas lamang sa buhay ng isang tao, sa mga pagsubok na ito ay marami kang matututunan kung ikaw ay magiging positibong tao.  Kung kaya siguro natin ito napagdadaanan marahil ito na lang din ang isang magandang daan upang makuha natin ang mga hinahangad natin sa buhay. Hindi tayo basta- basta dapat na sumuko maging ano man ang ating pagdaanan marahil kinabukasan na tin ang nakasalalay dito. Atin din itong harapin ng buong husay upang tayo ay maging mas malakas at matatag na tao.

G-11 Lagman, Janna Louise P
Ang sagot ay isang maliwanag na HINDI. Ang isang tao ay hindi dapat sumuko sa kabila ng lahat ng pinagdaraanan niyang pagsubok sa buhay.

Ihambing na lamang natin ito sa katagang, “Man is not made for defeat. A man can be destroyed but not defeated.” Maari mang tayo ay mabigo, masaktan at dumaan sa isang pagsubok sa buhay subalit sa kahit anong paraan nito ay hindi tayo natalo. Hindi man natin nakamtan ang kalalabasan na tutugma sa ating pamantayan at mithiin, tayo naman ay may natutunan sa kabila ng lahat ng ito.

Ang bawat kabiguan sa ating buhay ay tila isang paraan upang makarating tayo sa mas higit at dapat nating makamit. Ang pagtanggap natin sa mga pagsubok at kabiguang ito ay ang siyang magtatawid sa atin sa landas na hindi arok ng ating mga isipan, sa mga bagay na hindi mo aakalaing makakamit at mapapasayo, mga bagay na hindi mo pinangarap. Ani nga nila ay “blessing in disguise”. Tayong mga tao ay parang isang espada na patuloy na pinupukpok at sumasailalim sa init ng apoy hanggang sa maging isang magandang klase na walang kasing tibay at ganda.

Ang pagsubok ay parte ng ating buhay. Ang mga ito lamang ang siyang magpaparamdam sa atin ng kahalagahan ng mga panahong tayo ay nasa kaligayahan. Ani nga ni Heraclitus, “Both good and bad have their inevitable place in the order of things.” Mapapahalagahan lamang natin ang ganda at sarap ng buhay kung mararanasan natin ang hirap din nito.

At ang pagsubok ay isang bagay na dumadaan lamang sa ating buhay. Darating ang panahon na mare-realize mo na nalampasan mo na ang isang bagay at walang makakatapat ng saya mo. At magiging ‘proud’ ka sa sarili mo dahil ang isang bagay na akala mo’y hindi mo kakayanin ay nalampasan mo, at ngayon ay dala-dala mo sa araw-araw na buhay ang aral na iniwan sayo nito.

B-20 Ramos, Aeron John E. y1
Ang mga pagsubok na ito ay isa lamang hamon upang makita ang ating katatagan sa buhay. At kung ako ang tatanungin kung dapat ba itong sukuan ang sagot ko ay hindi, Ito ay isa lamang pagsubok na pangkaraniwang dumadating sa buhay ng tao at hindi ito maiiwasan. At hindi ito ang dahilan para sumuko agad. Maaari tayong magpahinga ngunit hindi dapat tumigil sa paglaban. May mga tao din tayo na maaari nating hingan ng tulong kung hindi na natin kaya tulad ng ating mga kaibigan at pamilya. Naniniwala ako na sa bawat pagsubok at paghihirap na ating pagdaanan ay may kapalit itong mas makabubuti para saatin. Dahil sa pagsubok na ito ay binibigyan tayo ng lakas na loob at mga aral na tutulong sa ating upang makamit ang tagumpay sa buhay.

G-14 ONA, Alexandra Marie DJ. y8
Lahat ng tao ay may pinagdaraanan sa buhay, iba-iba nga lamang ang approach ng mga tao dito. Dapat nga bang sukuan ng isang tao ang pinagdaraanan niya sa buhay? Hindi, dahil mula sa salita na pinagdaraanan, ibig sabihin dadaanan mo lang hindi ka dapat dito hininta na lamang upang sumuko. Ang mga pinagdaraanan nating ito ay nandiyan upang tayo ay matuto, tumayo sa sariling paa kung tayo'y pinadapa ng pagsubok. Ginagawa tayo nitong matibay para sa mga kakaharapin pa nating pagsubok sa hinaharap. Tinuturuan tayo nitong mag-grow at mas maging mature. Ang mga pinagdaraanan sa buhay ay di dapat sukuan sapagkat tao ka at pagsubok lamang ito. Maaaring mawasak ang isang tao ngunit kailanman ay di siya magagapi. Walang mangyayari kung susukuan mo ang pinagdaraanan mo sa buhay, di mo parin ito malalagpasan, darating at darating ang panahon kakailanganin mo parin itong kaharapin. Kung nahihirapan ka na ay magpahinga ka ng saglit, ngunit ipagpatuloy mo lamang na daanan ang pagsubok na iyan. Huwag mo itong sukuan dahil sa huli, ikaw lang rin ang mahihirapan. Tandaan rin na hindi ka nag-iisa. Maraming tao ang pwedeng tumulong sa iyo na lagpasan ang kung anomang pinagdaraanan mo ngayon. Magtiwala ka rin sa Panginoon dahil hindi ka Niya pababayaan.

G-23 SANTOS, Mary Joy M. y1
Kailanman ay hindi naging tama ang pagsuko. Kahit may kinakaharap tayong mga problema wala dapat sa ating mga isip o pagpipilian ang pagsuko sa buhay. Lahat ng tao ay may problema, lahat ay may kaniya-kaniyang mga pinagdaraanan sa buhay na sadya nga namang ma-tetest kung paano natin buhayin ang ating natatanging buhay. Naniniwala akong hindi tayo binibigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi naman natin kayang lagpasan. “He chooses His best warriors for the toughest battles” Kung anuman ang iyong pinagdaraanan, naniniwala ang Diyos sayo, kaya sino ka upang hindi magtiwala sa sarili mo? Inaamin ko na kung minsan naiisip ko na sumuko nalang sa mga pagsubok sa buhay dahil sa kapaguran at tila walang hangganang pagdating nito sa buhay ko. Ngunit naiisip ko na lamang na, kung wala akong problema, iisa lang ang ibig sabihin noon, at yun ay ako’y patay na. Kaya’t gaano man kahirap ang iyong pinagdaraanan, huwag na huwag ka sanang susuko. Tayo’y manatiling positibo at i-enjoy na lamang ang buhay kahit na napakaraming pagsubok na nakapaloob dito. Ganyan ang buhay, wala na tayong magagawa kundi tanggapin ito, at gawin ang lahat ng makakaya upang malagpasan ang bawat isa na darating sa ating landas at mga buhay.

PART 1
G17 PEREZ, Grace Rosceth

PART 2
G17 PEREZ, Grace Rosceth

G-15 ONG, Raven Anne S. y8
Hindi. Ang pagsubok sa buhay ang pinakamalaking factor ng ating pag-angat at pagbabago ng ating buhay sa magandang paraan. Ang pagsubok ay nag-exist para turuan tayong maging matatag. Ang pagsubok ang nagbibigay tapang sa atin habang tayo'y nabubuhay. Ang bawat pagsubok na ating kinakaharap ay hinuhulma lamang tayo na maging isang matatag at matapang na taong kaya nang harapin ang mga pagsubok na dadaan pa sa kaniyang buhay sa hinaharap. Kaya hindi kailanman naging tama ang pagsuko na lamang basta-basta ng hindi lumalaban.

G-20 RILLERA, Leidiel G. y10
Pagsubok. Madaling sabihin ngunit kayhirap harapin, depende sa lebel nito sa bawat tao. May iba't-iba rin tayong paraan upang mapagtagumpayan ito. Ngunit, kahit kailan ma'y hindi naging tamang solusyon at option ang pasuko sa paglutas nito. Kaya't hindi. Sapagkat bibigyan ba tayo ng Panginoon ng pagsubok sa buhay kung alam niyang hindi natin ito kakayanin? O malagpasan? Hindi kailanman. Bakit? Sapagkat kung susukuan natin ang mga pagsubok natin sa buhay, hindi tayo makaka-ungos sa buhay. At ito ang tanging paraan na ibinibigay ng Diyos sa atin, pagkakataon, pagkakataong maging better version of ourselves. Kaya wala tayong dahilan o hindi tayo ang makakahanap ng sariling dahilan upang piliing sumuko. Tanging Siya lamang ang nakakaalam kung kailan tayo maaaring sumuko.

B-24 Samson, Erl Francis Y8
Para saakin depende sa problema kung susuko kana o hindi dahil madalas ang ating problema ay kinakaya natin at nasosilusyonan natin dahil nariyan ang ating nga mahal sa buhay at mga kaibigan natin para tayo ay may mahingan ng tulong o kausap pero pede ka ring sumuko kung talagang ayaw mo na lumaban at hindi mo na kaya ang hirap at sakit na nararamdaman mo ngunit ito ay maaaring nagdulot ng pagka dpress mo buong buhay kaya dapat kung susuko ka eh matuto kang kalimutan ang nakaraan at maghanap ng bagong daan sa buhay upang magpatuloy tayo sa ating buhay at harapin ang mga pagsubok na darating sa mga susunod na panahon

B-18 Perez, Vaughn Stephen, P. y9
Ang pagsubok sa buhay ay hindi binigay sa ating nga Panginoon upang hindi natin ito kayanin. Sinusubok lamang tayo nito dahil mas marami pa tayong hamon na madadaan sa buhay natin. Kailangan natin maging matatag sa mga problema at piliin nating labanan ito. Huwag na huwag tayong susuko, maaari tayong magpahinga kung tayo ay napapagod ngunit hindi solusyon ang pagsuko. Ang mga pagsubok sa buhay ay nakakatulong sa atin upang matuto at magrow. Palagi mong tatandaan pagtapos ng tag-ulan, may sisikat na bahag-hari. Pagtapos ng mga pagsubok asahan mong may tagumpay.  Hanggat may buhay may pag-asa. Hindi ka naman nagiisa sa mundong ito, nandyan ang mga kaibigan, pamilya at mga malalapit sa buhay natin upang tayo ay tulungan sa mga pagsubok na ating pinagdadaanan.

B-6 CRUZ, NIÑO ANDREA A. 20Y10
Pagsubok na ito ay isa lamang hamon upang makita kung gaano tayo ka tatag sa ating buhay. At kung ako ang tatanungin kung dapat ba itong sukuan ang magiging sagot ko ay hindi,  isa lamang itong pagsubok na pangkaraniwang dumadating sa buhay ng tao at hindi ito maiiwasan. At hindi ito ang dahilan para sumuko agad. Maaari tayong magpahinga ngunit hindi dapat tumigil sa paglaban. Hindi naman tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kayang ipanalo.

G-12 Manuzon, Ma. Kristina D.
Para sa akin dapat hindi sukuan ng isang tao ang pinagdaraanan niyang pagsubok sa buhay sapagkat ang buhay na pinagkaloob saten ay isa lamang hiram na bagay, hindi natin pagaari kaya hindi tayo ang may desisyon kung dapat ba natin itong tapusin. Naniniwala rin ako na ang bawat pagsubok na binibigay ng diyos ay tutulong sa atin upang tayo ay mas mapatibay at mas mapatatag. Maaring sa tingin mo ay nagiisa ka na lamang sa laban ng buhay, ika'y nagkakamali sapagkat maraming taong andiyan para tumulong saiyo at makinig saiyong mga hinaing, nandiyan sila para suportahan ka at gabayan. Nandiyan ang Diyos na hinding hindi ka iiwan kahit na ikaw ay may mga pagkakasala. Jeremiah 29:11. Ang Diyos ay may planong nakalaan saiyo. Magtiwala ka lamang sakaniya at patuloy na lumaban, dahil ang buhay ay parang laro, minsan ikaw ay natatalo minsan naman ikaw ay nananalo ngunit hindi ibig sabihin ng iyong pagkatalo ay pagsuko, marami pang pagkakataon upang ikaw ay manalo kaya dapat ipagpatuloy mo lang ang iyong laban. Padayon.

Y9-ROBLEDO, Shanigay G.
Dapat nga ba nating sukuan ang ating pinagdadaanan sa buhay? Kapag ang iyong pinagdadaanan sa buhay ay  may mabuting kapalit bakit mo susukuan? Iba-iba ang ugali ng bawat isa sa atin. May ilan na malakas ang loob. Samantalang ang iba naman ay mahihina.  Hindi naman kasi natin masasabing lahat ng tao ay iisa ang pakiramdam at pag-iisip. Sadyang may pagkakaiba, hindi lamang sa hitsura at katayuan sa buhay kundi maging sa paniniwala at pag-iisip.
Maraming pagsubok ang maaaring dumalaw sa ating buhay kaya’t dapat na ma­ging handa tayo.
Dapat ay alam natin o may kakayahan tayo kung paano ito malalampasan o mahaharap. Hindi tayo dapat sumuko sa ating mga problema subalit ay lagi nating tatandaan na kailangan nating sanayin ating ang sarili at itatak sa isip na dapat ay mayroon kang lakas ng loob. Lakas ng loob para maharap mo at malampasan ang bawat problema. At sa kabila din ng nararanasang pagsubok sa buhay, panatilihin ang pagiging positibo.

G-25 Tenorio, Frances Feona GC.
Hindi dapat sukuan ng isang tao ang kahit na anong pagsubok sa buhay. Lahat tayo ay nakakaranas ng iba't ibang pagsubok sa buhay, at kung minsan dahilasa hirap ng katayuan sa buhay ay nanaisin na lamang nating sumuko, ngunit diyan tayo nagkakamali. Isipin mong kung ang pagsubok na kinakaharap mo ngayon ay sobrang laki at mahirap paano pa kaya ang mga taong lumalaban para mabuhay at nalalagpasan ito, paano pa ang mga taong mas malaki rin ang kinakaharap na mga pagsubok ngunit hindi nagpapatinag. Tayo ay ginawa nga Diyos hindi para sumuko, ginawa tayo para lumaban. Atin laging tandaan na hindi tayo bibigyan ng isang pagsubok kung hindi natin Ito kayang lutasin. Lagi tayong magtiwala sa sarili at isipin ang maaaring mangyari kung tapos na ang lahat, pag nalagpasan mo na ang lahat ng kinakaharap mong pagsubok. Hindi ba't ito'y napakasarap sa pakiramdam? Ang maabot ang rurok ng tagumpay. Pag sisikap at pagtatiyaga lamang kaylangan natin kahit na gaano ka hirap ang buhay, patuloy parin tayong lalaban hangga't may hangin tayong hinihinga.

G6- Eusebio, Aliah Marvee P.
Hindi sapat ang simpleng "oo" at "hindi" lamang sa pagsagot sa tanong na ito. Sa 16 na taon ng aking buhay, marami na talagang mga pagsubok ang humarap at humadlang sa akin, at hindi ko ikinahihiyang sabihin na ang ilan sa mga ito ay akin lamang sinukuan. Maaaring tawagin ako ng iba na "mahina" o "quitter", ngunit wala akong pagsisisihan. Sa paglaban sa mga pagsubok, marami kang dapat isipin. Isipin mo kung sa pagtapos ba ay mas mataas ang makukuha mo kaysa mawawala sa iyo, kalkulahin mo kung "worth-it" pa bang lumaban, iyong aralin kung may importante bang maibibigay ito kumg iyong matapos, o may malaki bang mawawala kung ika'y hindi magtagumpay. Ang minsang pagkatalo o pamamahinga ay hindi naman kasingkahulugan ng kahinaan. May mga oras talaga sa ating buhay na dapat ay pinalalagpas nalang kaysa atin pang guluhin. Nakadipende naman sa pag-iisip ng tao ang konsepto ng importante at lakas, kaya ilaw lamang ang makapagsasabi sa sarili mo kung dapat ka na bang sumuko. Iyong tandaan na kung may gabay, oras, at tamang pag-iisip, hindi kailanman magiging mali ang Pagsuko at pagkatalo.

G-9 Gonzales, Milien Hanna E. Y5
Hindi,  bakit kailangan sayangin ang buhay na binigay sa iyo? Baka hindi tumatak sa isip niyo, alalahin natin na binigyan tayo ng Diyos ng buhay kaya't huwag natin ito sasayangin. Lahat tayo ay nahihirapan, marami tayong pwedeng sukuan, pero "Life has many chapters for us,  one bad chapter doesn't mean it's the end of the book." Kung nahihirapan ang isang tao, magpahinga siya, pero huwag siyang susuko. Nasa huli na ng list mo ang pagsusuko, sa pinakahuli ng list mo. "Let's fight 'till the end. Life goes on. Live it well."

B-22 Roxas, Gerold V. Y10
Sa buhay ng tao normal lang ang dumaan sa ibat ibang pagsubok mahirap man o madali padadaraanan talaga ito ng tao. Pero dapat bang sukuaan na lamang ito para sa akin HINDI dahil kung susukuaan mo ang pinaghirapan mo parang nag sayang ka lamang ng oras sa wala. Lagi lang nating tandaan ng may mga tao na maaring makatulong sa atin at mayroong dios na tutulong sa atin. Tulad ng nasusulat sa bibliya sa Corinto 10:13 Walang pagsubok na dumating sa iyo maliban sa karaniwang pagsubok sa tao. Ang Diyos ay matapat, na hindi ka pababayaang masubok nang higit sa makakaya mo. Kasabay ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para makaligtas ka nang sa gayon, makayanan mo ang pagsubok.

B-11 Gaspar, John Edizon y2
Hindi, dahil sinusubukan lamang tayo kung kakayanin ba natin ang lahat ng pagsubok na paparating sa atin. Lahat ng tao ay may problema, iba lang ang pamamaraan kung paano ito haharapin. Hindi natin ito basta basta maiiwasan, kung sa tingin mo hindi mo toh kaya magisa marami namn tayo na mahihingan ng tulong tulad sa ating mga kaibigan at pamilya. Maaari tayo mamahinga ngunit hindi tayo dapat sumuko dahil dito masusukat ang laksas ng loob natin sa pagkamit sa nais nating buhay

G-13 Mendoza, Marionne Querelle Y3
Mahalaga na huwag sumuko sa mga pinagdaraanan na pagsubok dahil may matututunan tayong mahahalagang aral sa buhay. Tanggapin na nararanasan mo ito para malagpasan ang pagsubok na ito. Tandaan na ang mga bagay na ito ay parte ng ating buhay, upang lumago tayo bilang isang malakas at matatag na tao. Manatiling positibo, palaging isipin na malalagpasan mo ito, at tiwala ka sa iyong sarili. Sa halip na sumuko, subukan hanapin ang solusyon sa problemang ito. Manatiling malakas habang pinagdaraanan ang pagsubok na ito, dahil bahagi ito ng ating buhay

B-10 Estrada, Adwene Cliff A. y-4
Sa mga dadaang pagsubok sa ating buhay, ang pinaka mahalaga nating gawin ay ang hindi sumuko. Bakit? Dahil sa mga laban, sa pagsubok na ibinibigay satin ay may isa o ilang dahilan bakit natin ito nararanasan. Lahat ng pagsubok na mararanasan at nararanasan natin ay hindi ibinigay  para tayo ay magpatalo rito kundi para labanan at patatagin ang ating mga sarili.  Ang mga tao ay may kahinaan, at maaring kapag humarap tayo sa ganitong mga pagsubok ay maari tayong masugatan, mahirapan at masaktan dahil dito, ngunit tayo ay nilikha Niya na may kakayahang sugpuin ang mga ito at hindi magpapadaig sa mga hinaharap at haharaping mga pagsubok.

B-3 Capule, Jasper, P. Y2
Hindi, huwag dapat tayo sumuko pag may pagsubok tayong pinagdaraanan dahil kung susukuan lang natin ang pagsubok na iyon, paano ka matututo? paano mo haharapin ang mga pagsubok na ibabato sayo ng buhay? kung sa isang pagsubok palang ay susuko na ka na. Kahit kailan hindi ka makaka angat sa buhay hanggat sa harapin mo ang mga pagsubok na ibabato sayo.

B-21 Regalado, Francis Third G. 20y11
Dapat hindi sumuko ang tao sa mga pagsubok na kanilang kinakaharap. Ang mga pagsubok ay dapat hindi sinusukuan dahil isa ito sa mga bagay na maaaring magpalakas ng ating loob. Hindi naman tayo bibigyan ng Diyos ng mga pagsubok na alam niyang hindi natin kakayanin. Hindi tayo dapat sumuko sa mga problema natin pero maaari naman tayo magpahinga para hindi ka mapagod. Kung sakali mang ikaw ay matalo sa iyong pagsubok, marami pang pagkakataon para makabawi.

B-19, Quinay, Dominic Sebastian Rhay N. y6
Sa buhay nating mga tao lalo na nating mga bata pa, marami tayong pagsubok na pagdadaanan at sa bawat pagsubok na iyon ay tiyak na mayroong mahirap, may madali at may mga panahon na sigurong di natin kakayanin pero dapat hindi natin sukuan. Labing-anim na taon na akong nabubuhay sa mundong ating kinagagalawan, at aaminin ko marami akong pinagdadaanang mga problema, aaminin ko rin na sa mga problema na yon ay minsan ahy hindi ko na alam ang aking gagawin minsan parang pakiramdam ko naparang ako ay naiipit dahil sa sarili kong kagagawa. Kaakibat na nito noong nakaraang taon noong nagsisimula pa lamang ang pandemic ay nakaranas ako ng anxiety o depresyon, ngunit okay naman na ako ngayon nakaya at nalagpasan ko naman. Dahil sa tuwing gabing hirap ako makatulog aking ginagawa ay ang pagiisip ng malalim lalo na patungkol sa aking mga dinadalang problema. Oo napaka hirap lalo na yug parang cornered ka na? At wala ka nang gagalawan. Kailangan mong harapin ang problema mo upang malagpasan mo ito. Kailangan tapat ka sa sarili mo dahil kung dadayain mo pati ang problema mo ay parang niloko mo lang ang iyong sarili. Kumbaga sa pagaaral kung ikaw ay mandadaya ikaw ay walang matututunan. Walang problemang madali, lagi nating tatandaan na ito lamang ay isang pagsubok upang masubok ang ating katauhan at kamalayan sa mga nangyayari. Huwag na huwag tayong susuko dahil darating din ang oras at malalagpasan natin ito. Tayo lamang ay palaging magdasal sa ating Panginoong Diyos dahil sigurado na hinding hindi niya tayo pababayaan, at patuloy niya lang tayong gagabayan sa ating buhay.

B-1 AQUINO,PRANZ EDRICK A. Y9
Normal lang ang pag daan nating mga tao sa mga problema at pagsubok, ito ay mga bagay na tutulong sa ating alamin ang ating makakaya.At hindi rin natin dapat kalimutan na ilan sa mga problemang ito ay resulta ng mga desisyon natin sa buhay. Katulad ng isang line sa isang palabas na aking pinanood, "If I have problems, I shall face it head-on", walang problemang hindi natin kayang solusyunan. kahit merong mga bagay na di natin kaya mag-isa, matatapos natin ito kung magkakaroon tayo ng kasama.

B-14 Lucas, Edrian Andrei Y3
Maraming pagsubok ang dumadating sa buhay ng tao mahirap man ito o hindi ngunit dapat ba na sukuan natin ang mga pagsubok na ito. Maraming pagsubok ang dumadating sa buhay natin ang iba rito ay inisip natin na hindi na natin malalagpasan ngunit alam natin na walang ibibigay na pagsubok ang Diyos na hindi natin kayang lagpasan kaya para sa akin hindi dapat tayo basta basta sumuko sa ating mga laban dahil ang bawat laban natin sa buhay ay may dahilan at hindi natin ito malalaman kung tayo at basta basta nalang susuko kung ikaw ay pagod na sa mga pagsubok sa buhay ay hindi naman masamang magpahinga, magpahinga ka lang at magpatuloy kung handa ka na uli mas masarap sa pakiramdam sa tuwing may nalalagpasan tayong pagsubok sa buhay dahil sa lahat ng hirap nito ay nagawa parin natin itong malagpasan.

G-22 Salamat, Arabella Beatrix F. Y3
Lahat ng tao ay may pinagdadaanan sa buhay, ano man ang kanilang edad o estado sa buhay. Ngunit kung iisipin, bakit mayroon tayong mga lolo at lola? sa tingin ko ay, sa tagal ng kanilang pamumuhay tiyak na madami silang pinagdaanan bago nila marating ang katandaan, ngunit nandito pa din sila at ginagabayan tayo. Bakit kailangang sumuko kung pwede naman magpahinga? Hindi sinusukuan ang buhay, dahil para mo na din sinukuan ang sarili mong kakayahan. Walang ibibigay na pagsubok sa atin na hindi natin makakaya, ang lahat ng ito ay pagsubok upang tayo ay mas patatagin para sa susunod na hamon ng buhay, ang magiging kapalit naman nito ay walang katumbas na kapayapaan at kaligayahan. Hindi pagsuko ang solusyon. Madami pa ang maaaring mangyari, ang katotohanang tayo ay nabubuhay ay dapat natin yakapin.

B-9 Del Rosario, Rex Gabriel V. Y1
“Victory is not about not quitting, it is knowing when to give up” Kung nahihirapan ka na sa isang pagsubok sa iyong buhay, hindi masamang sumuko. Lahat tayo ayaw mahirapan, lagi tayo humahanap ng madaling paraan. Kapag sumuko ka, ibigsabihin noon na mahina ka. Ngunit, sino ba ang may sabi na masama ang maging mahina?

G-5 Estrella, Anne Lorraine D.G.
Ang mga pagsubok ay isang bagay na makatutulong sa iyo upang maging mas mabuting bersyon ng iyong sarili, anuman ang layunin ng mga ito o kung gaano man kahirap ay kung iyong iisipin ay may mga matututunan ka sa iyong mga pinagdadaanan. Nararapat ba na tayo ay sumuko sa mga pagsubok natin sa buhay? Sa tingin ko ay hindi sapagkat; una, ito ay senyas ng ating konsensya na mali ang ating tinatahak na landas sa tuwing may nagagawa tayong hindi kaaya-aya. Kailangan nating magsumikap sa pag aayos ng ating mga suliranin sa buhay dahil tayo ay organismong nabubuhay sa mundo at normal lamang sa mga kagaya natin ang pagkakaroon ng mga problema. Pangalawa, ito ay isang hakbang at tutulong sa atin upang maging mas matibay/matatag sa mga susunod pang pagsubok na ating tatahakin. Panghuli, tayo ang magtuturo sa mga susunod na henerasyon sa paggawa ng tama o mali. Sa tingin mo, paano tayo natuturuan ng mga mas nakakatanda sa atin? Paano nila nalalaman kung ano ang mas makakabuti sa atin? Iyon ay dahil marami na silang pagsubok na tinahak at hindi nila sinukuan kahit gaano pa kahirap ang mga iyon. Hindi naman ipinagbabawal ang pagpapahinga o pagiyak kung mapagod basta ang mahalaga ay babangon muli at lalaban. Ang mga uri ng pagsubok ang susubok sa ating pananampalataya, pagtitiis o magtuturo sa atin tungkol sa ating mga sarili. Upang magamit ang mga pagsubok na ito sa pag-unlad, tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang matututuhan mo sa mga ito at ano ang mas maganda mo pang magagawa.

G-3 Del Pilar, Leiane Lerie M. Y7
Hinde dapat sukuan ng isang tao ang mga pagsubok na pinagdaraanan niya sa kanyang buhay, Oo aabot tayo sa punto ng ating buhay na maiisip na nateng sumuko sapagkat pagod na pagod at hirap na hirap na tayo, pero di ang pagsuko ang solusyon, ang maaring mong gawin ay magpahinga at pagkatapos nito ay bumangon ka ulit sa panibagong pagasa, dahil naniniwala na ako na hindi tayo nilalang ng Diyos upang sumuko, dahil wala siyang bibigay na pagsubok saaten na hindi natin kakayanin, paraan lang niya ito upang tayo'y mahubog at maging isang malakas na tao. Dahil sa oras na sumuko tayo, mas hihirap ang ating buhay, dahil ibig sabihin lang nito ay ala ka ng daan na tinatahak sa buhay dahil nga ikaw ay sumuko at huminto, isipin mo ang iyong buhay kung ikay susuko?diba para bagang mawawalan ka ng direksyon sa buhay?dahil ala ka ng goal, sunukuan mo na, para bagang nakahinto ka na lang sa isang tabi na alang patutunguhan ang buhay. Kailangan lamang nating talagang magtiwala sa kung ano ang plano ng Diyos sa ating buhay, sa panahon na pagod na pagod na tayo?lagi lang tayo humingi ng tulong sa kanya at wag nating tatangalin saating isipan na may plano siya, at pagkatapos nun at tumayo tayo sa panibagong pagasa na ating kahaharapin sa buhay.

B-28 Yambao, John Anthony L.
Ang pagsuko ay hindi pagpapakita ng kahinaan, sadyang may mga bagay lang na hindi na kayang gawan ng paraan kahit gaano mo pa gustong lumaban. Sabi nga ng iba ang pagsuko nalang ang natitirang "choice" nila sa buhay. Ngunit tama nga ba na sukuaan ang pagsubok na kinakaharap natin sa buhay? Isang tanong pero iba't iba ang mga sagot. Para sa akin ay hindi, kahit pagod kana dapat ay lumaban ka. Pwede kang magpahinga pero ang hindi ay ang pagsuko. Siguro sa mga panahong sumusuko ang mga tao ay dahil walang wala na sila. Ngunit sa pagdating ng tamang oras at tamang panahon ay  ngini ngitian nalang nila ang mga problemang kinaharap nila noon, yung tipong magiging proud pa sila sa kanilang sarili dahil nalagpasan nila ang mga problemang kinaharap nila. Sana ikaw, ako, tayo ay maging ganon din ang pag iisip, may panahong nasa baba tayo ngunit dadating ang panahon na  tataas tayo. Taas na maunlad, matibay, at may respeto. Hindi ang taas na pang lalamang sa kapwa. Don’t think too much of the problems, they are like evaluation papers given by GOD to see how much we’ve learned in his subject called LIFE. If you think you failed, review it through PRAYERS. Nandiyan ang diyos, hinihintay lang niya na lumapit tayo sa kanya. Huwag mong iparamdam sa sarili mo na nag iisa ka, bagkus may diyos na nandiyan para bigyan ka ng pag-asa.

B-17 Pascual, Emmanuel P. Y7
Di ka dapat kaagad sumuko dahil lang sa iyong mga pinagdaraanan sa buhay dahil lahat ng ito'y binigay ng Panginoon ng may dahilan at hindi nya ito ibibigay sayo kung hindi mo naman kakayanin, pero hindi naman ibig sabihin nito'y di ka na pwedeng sumuko, kung sa tingin mo'ywala nang patutunguhan o wala ka na talagang kayang gawin sa ibinigay sayo na pagsubok na iyon, pwede mo naman iyon sukuan kaysa naman masaktan ka pa sa huli, wala namang masama sa pagiging mahina at pagsuko.

B-2 Biwit, Francois Zuriel, N. Y8
Dapat bang sukuan ng isang tao ang pinagdaraanan niyang pagsubok sa buhay?Dapat bang sukuan ng isang tao ang pinagdaraanan niyang pagsubok sa buhay?
Para sakin ay hindi natin kailangan sumuko sa mga pagsubok sa buhay.  Pero para din sakin susukuan ko lang sa pagsubok na iyon pag sobrang laking pagsubok na to na di na kailangang labanan. Di natin kailangan labanan ang mga ito pag alam na natin na matatalo tayo, kase at the end of the day tayo ay tao lamang, huwag mong pilitin ang iyong sarili. Pero kung ikaw ay nag iisa huwag tayong matakot mang hingi ng tulong sa mga kaibigan o pamilya natin.

B-16 Mateo, Nathaniel Jiuseppe E. Y1
Dapat bang sukuan ng isang tao ang pinagdaraanan niyang pagsubok sa buhay? Ipaliwanag.

Depende sa uri ng pagsubok, kung ito ay may mapapala at importante hindi dapat basta basta sukuan. Ngunit, kung ito ay walang halaga at walang mapapala nararapat lamang na sumuko dito, dahil minsan may nararapat na oras upang talakayin ang isang uri ng problema. Ganun paman, ang buhay ay isang problema na dapat hindi sukuan ano man ang mangyari.
Sa kada pagsubok mayroong aral tayong matututunan. Ang pagsubok at paghihirap ay isang importanteng esensya sa sangkatauhan. Para lamang tayong isang espanda, nilalagay sa mainit na apoy at pinupukpok ng isang panday upang tumulis at mawala ang pagkapurol. Tuwing mas malaki ang pagsubok, mas malaki din ang aral na matututunan natin dito.

G-7 Evangelista,Vanessa D. Y4
Ang salitang pag suko ay mabugat ang tungkulin sapagkat ang bawat salita o pag gawa neto ay nakakaapekto sa ating kinabukasan o hinaharap alamko na halos lahat ng kabataan ngayon ay nahihirapan ngunit ang pag suko ba ang rason? nasasabi lamang ito dahil sa pagod pero laging tatandaan pag may pag sisikap meron makukuhang kapalit para sa ating kinabukasan.

G-18
RAYMUNDO JULIANA JOY Q

Hindi ka dapat sumusuko sa mga hamon na dumadating sa iyong buhay dahil ikaw ay sinusubukan lamang ng panahon, kaya siguro ito ay dumadating dahil may mga malalalim na dahilan ay may maganda iyong madudulot kung sakali. Kailangan mo lamang magtiwala sa agos ng buhay upang sa gayon ikaw ay walang pagsisihan bandang huli, hindi mo dapat sinusukaan ang mga ito dahil kapag ikaw ay sumuko talo ka sa hamon ng iyong buhay kailangan ay matatag at matapang tayo sa lahat ng bagay at mag tiwala sa sarili dahil tayo lamang ang tutulong sa ating mga sarili na maangat at makaahon sa anumang pagsubok na ating kakaharapin.

B-23 Salamat, Justin Penley Dc. Y6

Dapat nga bang sukuan ng isang tao ang pinagdaraanan sa buhay? Hindi, dahil ito ay isang pagsubok lamang na makakasubok sa iyong kakayahan sa buhay. Hindi ko dapat sinusukuan ang isang bagay dahil nandiyan iyan para patunayan mo sa lahat na kaya mong pagdaanan ito. Binibigyan tayo ng pagsubok upang malaman din natin ang kakayahan natin sa buhay.

B-27 Sumodlayon, Josue Rolbryon M. Y11
Dapat nga bang sukuan ng isang tao ang pinagdaraanan sa buhay? Para saakin oo, ngunit hindi ko sinasabi na lahat ng pagsubok mo ay dapat mo nang sukuan. Meron  mga pagsubok na gusto mong gawin ngunit  ika'y nahihirapan na, kahit anong gawin mo hindi mo ito makukuha. Walang masama na sumuko, Hindi ito ibigsabihin na mahina, kundi wala kang ibang choice kundi sumuko. Kailangan niyo rin malaman kung hanggang saan ang limitasyon mo at kung kailan ang sapat na panahon o sitwasyon na kailangan mong sumuko.

Aniag, Judia Natalie V. Y5
Dapat bang sukuan ng isang tao ang pinagdaraanan niyang pagsubok sa buhay?  Dapat ikaw ay hindi sumusuko sa mga bagay bagay dahil ito ay isang pagsubok sa buhay at ito ay ibinigay ng diyos sa atin. Wala namang masama sumubok ulit ng bagay na hindi mo nagagawa dahil dito mo marerealize lahat ng mga nangyayari saiyo at kahit na masaktan mayroon kang matututunan.

B-7 Cuevas, Christian John H. Y7
Lahat naman ng tao ay nagkaroon ng mahirap na pinagdadaan sa buhay, at ang kailangan mo lang gawin ay labanan ito at wag na wag susuko. Lahat naman ng bagay ay may solusyon kaya humanap kalang ng madaling paraan para malutas mo ang mga pinagdadaanan mo sa buhay. Kahit ba maraming dumating saatin na pagsubok o maraming pinagdadaanan, dapat magisip ka lang ng mga positibo at hindi negatibo. Hindi rin naman masamang sumuko pero pwede kang magsisi sa sarili mo sa mga susunod na hinaharap.

B15 Magistrado, Rozz Francois
Kung susukuan ba ng isang tao ang mga problema na meron siya ay gaganda o gagaan ba ang loob niya? Kahit sobrang dami na ng problema ang meron ka ay dapat harapin mo iyon dahil may solusyon ka na mahahanap at siguro ay gaganda pa ang iyong buhay.

B-12
Gulla, Kurt C.
Mula sa mga bata hanggang mga matatanda, lahat tayo ay may iba’t ibang uri ng problema, natural saatin na resolbahin ito, kahit matitinding mga problema, ito’y sinusgpo ng mga tao upang mawala na ang problema. Kaya ang akin sagot ay hindi, dahil hindi naman ibig sabihin ng nahihirapan ka na ay hindi ka magtatagumpay, kung ibibigay natin ang lahat ng lakas at pagiisip natin sa mahirap nanproblemang kinakaharap, malamang ay mareresolba ito at hindi na tayo mahihirapan. Lahat ng bagay ay pinaghihirapan, walang mga bagay na hindi pinagtuunan ng pansin at hirap, upuan, mga lanesa, cellphone, lahat ito ay hindi lamang isang pitik ay gawa na agad, ito’y pinabubuhusan ng galing at pawis. Walang bagay sa mundo na libre at hindi paghihirapan, gawin natin ang lahat ng ating makakaya upang magawa ang mga bagay na nahihirapan tayong gawin.

G10 Hernandez, Nica Thereese S. Y9
Lahat tayo ay may pinagdadaanan.  Ngunit iba iba ang landas na ating tinatahak. Pero ang masasabi ko lamang ay kung ikaw ay hirap na, maaari pa naman tayo magpahinga. Ngunit huwag na huwag tayong susuko sapagkat magiging mabuti din ang lahat. Kaso alam naman nating hindi nagtatagal ang kabutihan ng ating buhay. Ngunit gayon din naman ang ating mga pagsubok. Kaya magpahinga ka lang sa mga panahong pakiramdam mo ay hindi mo na kaya. Lahat ng pagsubok ay may aral at nakabubuti sa ating dalhin ang mga aral na ito sa buong buhay natin kaysa ang mabigat na pagsubok ang ating dinadala na nakakapag pahirap lamang sa atin. Lahat ng pagsubok ay nangyayari upang turuan tayo ng aral hindi upang pasukuin tayo.

B-4 Carlos Jr., Erickson P. Y10
Lahat ng problema at pagsubok ay may iba't ibang circumstances. Kaya, kung ang circumstances ng iyong problema ay talagang wala ka nang magagawa, para saakin dapat mo na ito sukuan at kunin nalang ang aral na makukuha mo dito. Kung may magagawa ka pa naman, tingnan mo ang sitwasyon mo at obserbahan ito. Kung ang gagawin mo ay di akma sa iyong lohika at etika, wag mo na itong gawin. Kung sa tingin mo naman ay ito ay "worth it" gawin mo na ang iyong maaring gawin upang maresolba ang iyong problema. Ang importante lang naman ay dapat meron kang natututunan sa bawat pagkakamali, delubyo, problema, at pagsubok.

B-8 Deguzman Sebastian Gabrielle P.
Y-7
Hindi, dahil Lahat ng ating pinagdaraanan sa Buhay ay may solusyon, hindi dapat sukuan ang mga bagay gaano man ito kaliit o kalaki dahil ang Lahat ng ito ay ma sosolusyonan Kung gagawin natin Lahat ng ating makakaya Kung tyatiyagain natin na malagpasan ito makakamit natin ang ginhawang nais nating maramdaman. Hindi dapat sinusukuan ang mga pagsubok Kung alam natin sa Sarili na kaya natin ito puksain at malagpasan. Isipin na lamang natin Kung gaano kagaan sa loob Kung ito ay malagpasan na natin

B-26 SANTOS, Vincent Paolo T. Y11
Ang pagsuko ay depende nakadepende sa sitwasyon. May mga sitwasyon na dapat mo ng sukuan sa kadahilanang wala ng patutunguhan pa kung ikaw ay lalaban pa. May mga pagsubok tayo na hindi na tayo lalaban kung wala naman tayong mapupulot na aral. Sa mga karanasan natin malalaman kung tayo ay dapat pang lumaban pa. Tuwing  may mga bagong pagsubok ay dapat naman tayong lumaban pa para may makuha tayong karanasan mula dito. Ang mga pagsubok na dapat labanan natin ay ang mga life or death situation. Kung di ka lalaban dito ay matatalo ka. Lalaban lang tayo kapag kaya natin ito. Hindi ka duwag kapag umatras ka. Ibig sabihin lang noon ay may talino ka upang malaman mo ang iyong mga limitasyon .

G-24 Tayao, Ma. Lariza Chriszel T. y5
Hindi nararapat, kung babasahin mong mabuti ang katanungang iyan, mapapansin mong sinabi nito ang mga katagang "pinagdaraanan" at "pagsubok".

"Pinagdaraanan", kung iyong susuruing mabuti, ito ay kinuha sa salitang daan. Ang daan ay isang landas upang makapunta ka sa iyong paroroonan. Kung tatanungin kitang muli, kung ang pagsubok ba na iyong pinagdaraanan ay daanan mo lamang papunta sa iyong tagumpay, susuko ka ba kahit na alam mong ikaw ay patutunguhan sa huli?

"Pagsubok", kinuha mula sa salitang subok na nangangahulugang pag-alam sa kakayahan ng isang tao, sa Ingles, trial o test. Muli, kung ikaw ay aking tatanungin, susukuan mo ba ang iyong pagsubok kung ang layunin lamang nito ay ang subukin ka kung kaya mo ba talagang gawin ang isang bagay? Susukuan mo ba ang iyong pagsubok na siya lang namang tumutulong at humuhubog sayo upang mas maging mabuti, maalam, at malakas kang tao?

Bilang paglilinaw, hindi nararapat na sumuko ang isang tao sa kaniyang pinagdaraanang pagsubok sa buhay. Maging maliit man ito o malaki, ating pakatandaan na isa lamang itong "daan" patungo sa ating tagumpay at isa lamang "subok" na mas magpapabuti sa ating katauhan.

B-13 | Lopez, Kyle Lemuel E. | Y10
Tiyak naman siguro na marami nang mga pagsubok ang dumaan sa ating buhay. Ang balita naman ay marami pang muling mga pagsubok ang dadating sa ating buhay! Ano nga ba ang mga pagsubok na ito? Bakit tila pilit nitong sinisira ang ating buhay, mga plano, at mga ninanais sa buhay? At ano ang dapat nating maging reaksyon o gagawin sa mga panahong sinusubukan tayo ng mga pagsubok na ito?

Sisimulan ko ang aking sagot sa tanong na “ano nga ba ang mga pagsubok na ito?” sa isang sipi ni Joshua J. Marine. Ayon sa kanya, “Challenges are what make life interesting; overcoming them is what makes life meaningful.” Ako ay naniniwala na hindi buo ang buhay kung walang mga pagsubok. Anong makabuluhan sa buhay kung walang mga bagay na sumusubok sa atin? Paano ito magiging kawili-wili kung ang lahat ng mga bagay ay naaabot natin nang madali at walang kahirap-hirap? Ang ating buhay ay isang kuwento at tayo ang bida. Ang mga pagsubok ang dahilan kung bakit mayroong daloy ng pangyayari o plot ang ating buhay. At sa huli, tulad ng pagbabasa ng isang kuwento, tayo ay mayroong matututuhan mula sa mga ito. Sa tingin natin ay tila sinisira ng mga ito ang ating buhay, ngunit kabaliktaran nito ang nangyayari. Ang mga pagsubok ang siyang bumubuo at humuhubog ng ating sarili at pagkatao. Ang mga pagsubok ay naririyan upang turuan tayo ng mga leksyon. Sila ay patuloy na dumadating sa ating buhay upang palakasin tayo sa mga aspetong tayo ay mahina. Ang dapat nating maging tugon ay patuloy na lumaban. “Life goes on,” ayon sa kanta ng Koreanong banda na BTS. At panghuli, lagi nating tatandaan na ang mga pagsubok ay naririyan din upang mahanap natin at makilala pa ang ating sarili. Ito ay isang paraan upang ma-diskubre pa natin ang mga bagay na natatago sa ating sarili. Dapat ay patuloy lamang tayo sa paglaban, sa pag-explore, at pag-diskubre, dahil ang mga ito ang bubuo sa ating kuwento, sa ating pakikipagsapalaran sa mundo.

G16 | Orpilla, Sandylene C. | y2
Kung susukuan mo ang mga pinagdadaanan mo sa buhay, anong mangyayari sayo? May makukuha ka bang maganda sa pagsuko? Sa tingin ko, wala. Kaya bakit ka pa susuko kung pwede ka naman lumaban. Dumadating ang mga pagsubok sa buhay upang labanan at hindi sukuan. Hindi yan ibibigay sayo ng Panginoon kung hindi mo kayang lagpasan. Minsan ay sinusubok lang Niya tayo upang mas mapalapit tayo sakanya at upang maging mas mabuti tayong mga tao. Sa huli, may mapupulot tayong mga aral sa bawat pagsubok na ating nalalampasan. Ngunit paano ka matututo ng mga aral sa buhay kung susukuan mo ang mga hamon na magbibigay sayo nito? Madalas ay napapagod tayo sa pagharap ng mga pinagdadaanan natin sa buhay ngunit hindi mo kailangan sukuan ang mga ito. Huminto ka lang saglit upang magpahinga. Pagkatapos ay itutuloy mo ang laban hanggang sa malagpasan mo ang mga ito ngunit hindi ka dapat susuko. Bagamat lahat tayo ay may limitasyon, tandaan na palaging may mga bagay tayong magagawa. Kung hindi mo kayang tumakbo, kaya mo naman lumakad. Palaging may mga pagsubok sa buhay ngunit hindi dapat natin hayaang mahinto tayo sa paghahanap ng solusyon sa mga ito. Wika nga nila “ Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan” ngunit palaging itanim sa iyong isipan na ang pasensyang ilalaan mo sa pagharap sa mga hamon na ito ay mapait ngunit magbubunga naman ito ng matatamis sa hinaharap.

G-23 Santos, Mary Joy M. Y1

Y6 - Caceres, Danielle J.
May isang kasabihan na nagsisilbing paalala sa akin sa oras ng pagsubok at kahirapan, “pick your battles”,  kinakailangan na alamin natin kung kailan sumuko at kailan nararapat na lumaban sa mga pagsubok na ibinabato sa atin ng buhay. May mga pagsubok sa buhay na nararapat nating talikuran sapagkat ang mga pagsubok na ito ay nakakasama lamang sa atin kung ipagpatuloy pa natin na ipaglalaban. Ito ay ang mga pagsubok na hindi makakabuti sa ating buhay maging anuman ang kalabasan ng laban.Nakakasama rin ito dahil sa proseso ng pagtitiis ay uubusin lamang nito ang ating diwa sa punto na ang paglaban ay mawawalan ng katwiran sapagkat ang pagtitiis na dapat ay para sa kabutihan ng sarili ay nagdudulot pa lamang ng matinding pagdurusa at pagkapagod. Kinakailangan na malaman natin kung ang pagsubok ba ay karapat-dapat na labanan o talikuran na lamang. Hindi lubos ang kakayahan ng tao ngunit ang ma pagsubok na ating hinaharap at patuloy pa na haharapin ay hindi mabibilang, kaya naman  kinakailangan natin na magpahinga at huwag laging patuloy na lumaban. Ang pagtalikod sa pagsubok at problema ay hindi kaduwagan kundi kalasan at tapang na piliin kung kailan susuko at kung kailan magpapatuloy. Ang pagpapahinga at pagpili ng mga pagsubok na lalabanan mula sa ay hindi katumbas ng pagsuko kundi maging ganap na matanda at pagtanggap sa katotohanan na may mga pagsubok na hindi natin kailanman malalagpasan kaya naman ay atin na lamang talikuran.

G-8- Galang, Janella Andrea L. Y8
Sa buhay ng isang tao ay hindi mawawala ang pagsubok. Sinusubok tayo para mas maging matatag tayo at may matutunan mula rito. Hindi dapat sukuan ang isang pagsubok sapagkat walang ibinibigay na pagsubok ang Diyos na hindi natin kakayanin. Kung iisipin, mas nagiging kilala mo ang iyong sarili sa mga pagsubok dahil dito ay naiisip mo kung paano mo magagawan ito ng paraan, kung paano mo ito malalagpasan, kung ano ang iyong kailangan gawin para hindi na ito maulit, kung ano ang matututuhan mo rito at kung maaari ay kung paano ka makakapag-inspire pa ng ibang tao. Wala rin mangyayari kapag sumuko tayo dahil lang sa isang pagsubok. Maaari tayong magpahinga ngunit hindi tayo pwedeng sumuko, kailangan lamang natin kumuha ng lakas para malagpasan ito. Kung iyong iisipin, marami ka ng pagsubok na napagdaanan at nalagpasan, bakit ngayon ka pa susuko. Ang tao ay napapagod kaya namamahinga pero hindi dapat sumuko. Binigyan tayo ng pamilya at mga kaibigan para na rin damayan tayo sa mga pagsubok na kinakaharap natin dahil sila ang ating magiging sandalan sa oras na nangangailangan tayo. Dapat tayong matutong magtiwala sa ating sarili at sa Diyos.

G-4 Dorupa, Andrea Francesca V. Y4

B-25 SANDIEGO, JOSELITO JR. D.
Ang pagsubok ay normal at patuloy lang sa buhay ng tao, isa itong yin and yang at kung wala nito'y hindi magkakaron ng balanse ang mundo. Lahat tayo'y may pagsubok sa buhay araw-araw. Kapag gusto nating maging magaling sa mga bagay ay nagkakaroon tayo ng mga bagong problema. Halimbawa sa iskul: kakailanganin nating gumising ng umaga para mag-aral, magbibigay ng dagdag na pagsusumikap at patuloy lang ang siklo hanggang sa maasam ang tinatamasang grado. Hindi titigil ang mga problema; ito lamang ay napapalitan at/o napapabuti.

Ang kaligayahan ay matatamasa mo lamang sa paglulutas ng mga pagsubok at problema, ang mundo'y hindi isang "fairytale" na kapag iniwasan mo ang problema mo ay kusa nalang itong lalayo. Ang tunay na kasiyahan ay makikita mo lamang kapag ang mga hamon na iyong hinahanap at kinahaharap ay ang mga problemang nasisiyahan ka sa paglutas. Karamihan sa atin ay nasanay na sa ganitong pag-iisip: Ang pagkakait sa sarili na wala talaga tayong problemang kinahaharap dahilan kung bakit ginagambala nalang natin ang ating sarili sa iba't ibang bagay at pangalawa ang paniniwalang wala na tayong magagawa sa ating mga problema kahit na sa katunayan ay may paraan at kayang aksyunan ang mga ito. Ito'y magbibigay lamang ng pansamantalang kasarapan sa pakiramdam at lahat tayo't lulong na lulong na dito. Tayo'y may sarili sariling paraan na para makaiwas at hindi pakiramdaman ang sakit na dinudulot ng problema ngunit  kapag mas matagal natin itong pinaigting ay mas malala lang ang magiging epekto nito sa'ting mga sarili at sa huli ay tayo lang din ang malulugi. Ngunit, mayroong mga problemang hindi na talaga malulunasan--ang problema sa pera na kinukunsidera ng ilan na puno't dulo ng mga problema.

Ang tanong na sino ka ay tutukoy sa kung ano ang handa mong harapin na pagsubok, ang mga taong iniidolo't nakikita nating matagumpay ngayon ay parehas din na sinubok ng mundo't patuloy na linalabanan ito. Hindi ito patungkol sa "willpower" o katatagan ng loob, hindi rin ito patungkol sa linyang "no pain, no gain". Ito lamang ay isang pundamental sa buhay na ang pagsubok ang tutulong sa atin upang mas mapaunlad ang ating sarili at siyang tutukoy sa ating tagumpay.

Ang buhay ay parang isang walang katapusang hagdan ng misteryo. At kung iniisip mo'y kahit kailan pwede kang tumigil sa pagakyat. Mali ka dahil ang kasiyahan ay nasa patuloy na paghanap ng hiwaga nito.

G-19 Reyes, Jan Amber S.
Na sa isang tao ang kaalaman kung tama bang sumuko o hindi. Na sa lakas nila iyon o kahinaan; sa mga pinagdadaanan.

Normal magkaroon ng problema sa buhay ngunit may kakayanan lang ang isang tao kung gaano ang kaya nitong solusyunan sa hindi, may mga problema na sinusukuan may mga hindi. Nakadepende sa lakas ng tao ang pagsuko. Sa aking opinyon, oo. Dahil hindi lahat ay may sagot kung meron man ito'y ay natural na bagay lamang, ang purpose ng isang tao sa mundo ay ang mag repopulate ng mundo, ang meaning ng buhay ay bigyan ng meaning ang buhay... napaka simple hindi ba? Bakit pa natin ito ginagawang kumpletado? Dahil tayo ay isang tao na may kakayahan na mag isip at mag imbento, ang mga tao ay matatalino, kaso ito'y napupunta na sa punto na ubod na ito ng sobra at hindi na kaya masolusyunan. Halimbawa lamang, alam ba nating kung baket tayo nanaginip? Alam ba natin ang pagkatapos ng kamatay? Alam ba natin na may diyos o wala, yun ang mga tanong na walang sagot. Ito ang aking punto, may sagot yan sa iba't ibang uri ng tao. Oo, nanaginip tayo dahil gumagawa ng vision ang ating utak. Oo, mapupunta tayo sa langit o kaya man sa impyerno. Oo, meron dahil nakakita na ako ng miraglo...

Nasa tao ang kakayanan at wala tayong karapatan ijudge ang isang opinion o kaya kung ano ang kaya o hindi kaya ng isang indibidwal. Hindi lahat ay may solusyon sa isang perspective ng tao. Hindi lahat kaya makita ang sagot o kaya man paniwalaan. At ang sagot dito ay sumuko na lamang.

Maari diba na may maliit ka problema pero sa iba ay malaki o kaya ito man ay baliktad? May solusyon ang ibang sagot sa ibang tao kaya napakadali sabihan ng hindi dapat sumuko ngunit hindi nila alam ang kanilang kahirapan sa isang man lang problema.