TEAM 2 - El Filibusterismo by 14_Suizo, Sofeeah Ishi D.

Kabanata 12: "Placido Penitente"
BUOD:

Si Placido Penitente ay nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at nasa ikaapat na taon na siya ng kolehiyo. Ngunit, malungkot ang binata at nais na niyang tumigil sa pag-aaral.

Pinakiusapan siya ng kanyang ina na kahit tapusin nalang ang natitira niyang taon sa eskwelahan. Ang ideyang tumigil sa pag-aaral ay naisipan ni Penitente dahil sa mga kasamahan niya sa Tanawan. Siya ang pinakamatalinong studyante at bantog sa paaralan ni Padre Valerio noon.

Isang araw nagulat si Penitente nang tinapik siya ni Juanito Paelez, isang anak ng mayamang mestizong Kastila.

Kinamusta siya ni Paelez sa bakasyon nito kasama si Padre Camorra at saka kinuwento naman ito ng binata.

Tinanong din ni Paelez si Penitente tungkol sa kanilang leksyon dahil noong araw lamang na iyon ang unang pagpasok ni Pelaez. Niyaya naman ni Paelez si Penitente na maglakwatsa, ngunit tumutol naman ito.

TALASALITAAN:

BANTOG - Kilala

KATANYAGAN - Kasakitan

HANGAL - Mangmang

MABABAANAGAN - Kakikitaan

PLACIDO - Mapayapa

PUERTA - Pinto o Bungad

TAMPAL- Mahinang hampas sa tao o bagay na karaniwang ginagawa kapag nagbibiro o may nais ipahiwatig.

UMIIBIS - Bumababa

VICTORIA - Karuwahe

MGA TAUHAN:

Placido Penitente

Juanito Palaez

Isagani

Paulita Gomez

Donya Victorina

Tadea

Basilio

Macaraeg

Prayle na Guro

Padre Camorra

Kabanata 13: "Klase sa Pisika"
BUOD:

Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ang sukat. Malalaki rin ang mga bintana na mayroong rehas na bakal. Sa magkabilang panig ng kuwarto ay mayroong upuang kahoy na aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang mga mag-aaral na nakaayos batay sa titik ng kanilang apelyido.

Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong anumang palamuti. May mga kagamitan at instrumento para sa pag-aaral sa pisika ngunit nakasalansan naman sa isang aparador na nakakandado.

Si Padre Millon ang maestro sa Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran. Isa-isa niyang tinatawag ang mga mag-aaral upang tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at Placido ay nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang hudyat na turuan sya ngunit napasigaw si Placido. Siya tuloy ang napagbalingan ng tanong ng guro at inis nito kaya siya naman ay sinubukan. Utal-utal na sumagot si Penitente at nagalit ang pari, binigyan siya ng mababang marka habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido sa panghahamak nito, matapos mangtwiran sa guro ay biglang umalis sa klase na umiiiling at nagbabanta na ikinagulat ng lahat.

TALASALITAAN:

GRADAS - antas o baitang

ADELENTADO - maagap o progresibo

MATRIKULA - halaga o bayarin para sa opisyal na pagpasok at pag-aaral

PAHAM - tao na matalino ; pantas

INAROK - inalam

PAG-INOG - ang kilos o galaw ng isang bagay na umiikot sa sarili nitong axis

RABAW - isang anyo na panlabas na nahahawakan o nahihipo. Sa ingles, “surface”

KAMAGONG- mahogany

ASOGE - Mercury o Merkurio

ULTIMATUM - Pinaka huling pahayag

MGA TAUHAN:

Placido Penitente

Juanito Pelaez

Padre Millon

Kabanata 14: "Isang Bahay ng mga Estudyante"
BUOD:

Sa malaki at maluwang na bahay ni Makaraig, nagtipon tipon sina Isagani, Sandoval, Pecson, at Palaez, na mga mag aaral. Nagtipon sila upang talakayin ang ang plano para sa pagtatag ng Akademya ng wikang Kastila. Nag usap usap sila patungkol sa mga maaaring maging hakbang para sa paaralan.

Ibinalita ni Makaraeg na si Padre Irene ay kanilang tagapagtanggol laban sa mga sumasalangot sa kanilang layunin. Inilahad niya rin na kailangan nilang mapapayag si Don Custodio sa plano nilang gawin, at nakaisip sila ng dalawang tao upang makatugon sa kanilang layunin: Una ay paki-usapan si Ginoong Pasta isang manananggol na pinangangayupapaan ng Don, at ang ikalawa ay si Pepay na isang mananayaw.

Napagkaisahan nila na kausapin nalang si Ginoong Pasta dahil, ayon kay Isagani, ito ang marangal na kapamaraanang paggawa.

TALASALITAAN:

Akademya – isang institusyon ng mataas na edukasyon.

Agam-agam – alinlangan o pagdududa.

Kuro-kuro – opinyon o palagay.

Simbolo – representasyon o pagpapakita ng isang ideya.

Manananggol / Abogado – isang tao na sumusuporta o nagtatanggol sa isang panig.

Opisyal – isang tao na may tungkulin sa isang organisasyon o institusyon.

Marangal – may dignidad o kagalang-galang.

Pinangangayupapaan – kilos na tanda ng pag-sakop o pag-galang

Napawi – nawala

Pagsalungat – pagtutol

MGA TAUHAN:

Mga nabanggit:

Padre Irene

Don Costudio

Ginoong Pasta

Pepay

Mga Kasangkot:

Makaraeg

Isagani

Sandoval

Pecson

Palaez

KAHALAGAHAN NG TITULO:

Ang titulo ng kabanatang ito ay "Isang Bahay ng mga Estudyante" dahil ang bahay ni Makaraeg ay ang tahanang ginamit ng mga estudyante sa kanilang pagtitipon tipon. Ito'y naging sisidlan upang makapagusap usap ang mga kabataan patungkol sa kanilang layunin. Ipinapkita ang kayamanan ni Macaraeg at ang laki ng kaniyang bahay.

Kabanata 15: "Si Senyor Pasta"
BUOD:

Nagtungo si Isagani sa bahay ni Ginoong Pasta, isang kilalang abogado, sa kaniyang opisina upang hikayating sumang-ayon sa kanilang ipapatayong Akademya.

Inilahad ni Isagani kay Ginoong Pasta ang kanilang adhikain tungkol sa pagtatag ng isang akademya ng Wikang Kastila. Bagama’t nakikinig si Ginoong Pasta, tila wala siyang interes sa mga sinasabi ni Isagani.

Nabigo si Isagani dahil nagpasiya si Ginoong Pasta na huwag makialam sa sensitibong usapin at plano. Mas mainam para sa kaniya na hayaan ang gobyerno na kumilos patungkol sa mga ganitong bagay. Siya'y nagiging maingat sa mga ganitong bagay dahil marami siyang mga pag-aari at maaari itong mawala pagka kumilos siya na laban sa gobyerno.

TALASALITAAN:

Nagtungo – nagpunta

Pahat – kaunti; munti; maliit

Sumangguni – pagdulog, pagkunsulta

Pangagayupapa – pagyuko, pagluhod o kahit anong kilos na sumisimbolo ng pagpapasakop; kilos ng pagbibigay galang

Panukala – mungkahi

Anasan – bulung-bulongan

Adhikain – pangarap, ambisyon

Nabigo – hindi nagtagumpay

Akademya – isang institusyon ng edukasyon

Pagsasapantaha – pagdududa; paghihinala

MGA TAUHAN:

Mga nabanggit:

Don Costodio

Mga Kasangkot:

Isagani

Ginoong Pasta

KAHALAGAHAN NG TITULO:

Ang titulo ng kabanatang ito ay "Si Senyor Pasta" dahil dito nakilala ni Isagani si Ginoong Pasta. Itong kabanatang ito ay ang pagbisita ni Isagani sa bahay ng Ginoo at nag usap patungkol sa akademyang layong ipatayo. Naipakita ang pananaw ni Senyor Pasta at ang kaibahan ng kaniyang pagiisip kay Isagani.

Kabanata 16: "Mga Hapis ng Isang Tsino"
BUOD:

Si Quiroga na isang Intsik ay naghahangad magtayo ng isang konsulado para sa kaniyang bansa, kung kaya’t siya’y nagdaos ng isang hapunan na dinaluhan ng mga tanyag na panauhin, mga fraile, negosyante, militar at mga opisyal ng pamahalaan.

Ngunit ng dumating si Simoun at siya’y singilin sa kaniyang utang na siyam na libong piso, sinasabi niyang bagsak ang kaniyang negosyo. Ang siyam na libong piso na iyon ay magiging pitong libong piso na lamang kung si Quiroga ay papayag sa kondisyon ni Simoun: itago ang mga armas sa bodega nito.

TALASALITAAN:

KONSULADO - opisina ng isang bansa na nagrerepresenta ng isang bansa na nakalagay sa ibang bansa

MALAMLAM - hindi maliwanag o makinang na ilaw (dim)

PINO - mainam o mabuti

KIMI - mahiyain

BILYETE - (1)tiket, (2)papel na sinusulatan ng taya (sugal)

NANGUMBIDA - inanyayahan

KUMBIDADO - hindi inanyayahan

POBRE - mahirap

DUSTAIN - hamakin, alipustain, hamakin

MATIMYAS - makatotoo, walang halong biro, tunay

HIMUTOK - (sigh, noise of disappointment)

MGA TAUHAN:

Quiroga

Simoun

Don Custodio

Kabanata 17: "Ang Perya sa Quiapo"
BUOD:

Maganda ang gabi, punong-puno ang perya ng mga manonood. Samantalang tuwang-tuwa naman si Padre Camorra sa kaniyang nakikita: maraming mga magagandang dalaga. Nadagdagan ang kaligayahan nito ng makita niya si Paulita Gomez na kasintahan ni Isagani. Sa dami ng nakatitig sa magandang dalaga, nababalisa si Isagani.

Pumasok si Pader Camorra at si Ben Zayb sa isang tindahan ng mga rebultong kahoy, doon ay may nakita silang mga kahawig nila, at maraming mga anyong fraile. Sa kanilang paglinga ay nakita nila ang isa na kahawig ni Simoun, hinanap nila si Simoun ngunit hindi nila nakita. Ang dahilan daw nito (ayon kay Ben Zayb) ay natatakot na maibunyag ang lihim ni Mr. Leeds (amerikanong nag mamay-ari ng isang perya at kaibigan ni Simoun).

TALASALITAAN:

PERYA - pampublikong palaruan

KUTSERO - drayber

PALATAK - paggawa ng tunog na “tsk”

PISAK - bulag ang isa o dalawang mata

SABUKOT - magulo, buhul-buhol, masikot

SINING (art)

KURIPOT (stingy)

MGA TAUHAN:

Padre Camorra

Paulita Gomez

Donya Victorina

Isagani

Ben Zayb