Isa sa mga karapatang nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ay ang karapatang makapagpahayag o makapagsalita. Sa panahon ngayon, tayo ay malayang nakapagpapahayag ng ating mga saloobin sa social media platforms gaya ng Facebook, Tiktok, o X. Ang labis na paggamit nito ay kadalasang nagreresulta sa bullying. Bilang isang makabayang Pilipinong mag-aaral, ano-ano kaya ang dapat gawin upang hindi maabuso ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan ang karapatang ito? Magbigay ng tatlong paraan. by MORISHKA NICOLE UY

IKALAWANG PANGKAT
Pagtangkilik sa Malayang Pamamahayag nang may Pananagutan

Isa sa pinakamahalagang karapatan ng bawat mamamayang Pilipino ay ang malayang pagpapahayag ng saloobin, na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987. Sa kasalukuyang panahon, ang social media ay nagsilbing pangunahing plataporma para sa pagpapahayag ng opinyon at damdamin. Gayunpaman, ang labis at iresponsableng paggamit nito ay maaaring humantong sa bullying, disimpormasyon, at iba pang negatibong epekto.

Upang mapanatili ang karapatang ito nang hindi ito naaabuso, may ilang hakbang na maaaring gawin. Una, dapat itaguyod ang responsableng paggamit ng social media sa pamamagitan ng pag-iwas sa paninirang-puri, pagpapakalat ng fake news, at hate speech. Ikalawa, kailangang palakasin ang edukasyon sa digital literacy upang turuan ang kabataan kung paano maging mapanuri sa impormasyong kanilang ibinabahagi at natatanggap. Pangatlo, mahalaga ang pagkakaroon ng respeto sa pananaw ng iba at ang paggamit ng malayang pamamahayag bilang kasangkapan para sa positibong pagbabago, sa halip na pang-aapi o pananakot.

Ang kalayaan sa pagpapahayag ay isang mahalagang bahagi ng ating demokrasya, ngunit may kaakibat itong pananagutan. Bilang mga makabayang Pilipino, tungkulin nating gamitin ito sa paraang makabubuti sa lipunan at sa hinaharap ng ating bansa.

Ika- imang pangkat
Ang kalayaan sa pagpapahayag ay isang mahalagang karapatan ng bawat Pilipino na ginagarantiyahan ng Saligang Batas ng 1987. Sa panahon ng social media, mas madali nang ipahayag ang ating saloobin, ngunit ito rin ay nagiging sanhi ng cyberbullying at maling impormasyon. Upang maiwasan ang pang-aabuso, dapat tayong maging responsable sa bawat post, tiyaking totoo at hindi nakakasakit ang ating sinasabi. Mahalaga ring gamitin ito sa positibong paraan, tulad ng  ng kaalaman at tamang impormasyon. Higit sa lahat, igalang ang opinyon ng iba upang mapanatili ang maayos at makatarungang diskurso. Sa ganitong paraan, naipapakita natin ang tunay na diwa ng kalayaang ito isang kasangkapan para sa kabutihan, hindi sa paninira.

1. Maging mapanuri at responsable sa pagpapahayag sa social media. Isipin ang mga posibleng epekto ng ating mga salita at gawain sa ibang tao.2. Magpakita ng empatiya at pag-unawa sa mga ibang tao. Gawin itong pangunahing halaga sa ating pakikipag-ugnayan sa social media.3. Palaganapin ang edukasyon at kamalayan tungkol sa mga epekto ng mga salita at gawain sa social media. Magtulungan tayo upang maging mas matalino at responsable sa paggamit ng ating karapatang makapagpahayag.
Pangkat:Maxilom

Group 4
Ang mga pwedeng Gawin natin para Hindi maabuso ang ating karapatang makapagpahayag o makapag salita,pwede nating Gawin ang mga ito.

Alamin ang mga possibleng mangyayari kung ito ay ipahayag mo sa social media Gawin kung ano man ang sa tingin mo ang tama.

Kung may tao Mang nagsasabi ng masama sa iyo,huwag itong sabayan kundi ipaalam ito sa iyong guro o sa masasaligang tao na pwedeng makatulong sainyo.

Dapat na Hindi mo sabayan ang taong nambubully sa mga iBang tao sa social media,matanda man o bata, magbigayng respeto kahit na sa social media.

Ikatlong Pangkat
Maraming mga paraan para nito, isa sa mga ito ay kailangan ng mga tao o mga bata katulad namin na Hindi mag bahagi ng Kanilang mga impormasyon o mga nangyayari sa kanilang Buhay. Pangalawa ay dapat alam natin na mayroon tayong karapatan  na Hindi dapat inaabosado, kailangan dapat alam natin ang ating mga hangganan.  At dapat natinga respituhin At dapat At dapat natinga respituhin ang isat isa hindi dapat maabosado ang ating mga karapatan at rumespito din sa iba.