(Alonso) Klase Bilang 25 - 30 - Guhit-Panahon (Timeline) para sa mga Dinastiya ng Tsina by Joseph Jay V. Hernando

Dinastiyang Sung
Sikat na Pinuno - Zhao Kuangyin
Pinakamahahalagang Nagawa - kapitolyo ang Kaifeng, lumitaw ang Gitnang Uri (middle class), nauso ang landscape painting, naimbento ang pulbura, naging sopistikado ang paggawa ng porselana, nauso ang footbinding at ang Neo-Confucianismo

Dahilan ng Pagbagsak - Pagsalakay ng mga Mongol

Tang at Sui

Neo C. Monterola CN 25 Pamumuhay ng Yangshao (5000 BCE- 3000 BCE)
Wala pang masyadong sikat na pinuno noong panahon na ito dahil Pamayanang Neolitiko pa noong panahon na ito. Subalit, magaling ang mga mamamayan ng Yanshao sa pagsasaka at paghahabi. Isang dahilan kung bakit sila bumagsak ay dahil sa tuluyang pag-apaw ng Huang Ho River at hindi sila nakahanap ng bagong lupaing maaring taniman.

Pamumuhay sa Longshan (2500 BCE- 2000 BCE)
Katulad ng panahon ng Yangshao Pamayanang Neolotiko rin ang Longshan. Ngunit, mas gumanda ang proseso ng pagsasaka at teknolohiya. Nong panahon na ito ay ginawa ang "potter's wheel". Ginamit ito sa paggawa ng mga detalyadong palayok. Umunlad din dito ang pagsasaka i-spesipiko ang pagtatanim ng palay at millet.

Dinastiyang Hsia (Xia)
Ang Dinastiyang Hsia ay sinasabi sa isa sa sinaunang kabihasnan sa Tsina. Ngunit, dahil sa  nawalan na sapat na ebidensyang arkeolohikal o mga kulturang materyal sinasabi ng mga eksperto na ang Dinastiyang ito ay isang alamat lamang. Subalit, dito nagkaroon ang isa sa sinaunang emparador na si Emparador Yu na sinabi na itinatag niya ang Dinastiyang Hsia makatapos itinigil niya ang pag-apaw ng tubig sa ilog Huang Ho.

Skye Pecjo CN 29 Dinastiyang Han (206 BCE-220 CE)
Itinatag ni Liu Bang ang Dinastiyang Han, isa sa mga dakilang dinastiya sa   kasaysayang ng Tsina. Ibinuo niya ang Confucianismo sa buong Tsina noon. Pinupuri niya ang matatalinong tao lalo na ang mga iskolar. Nang namatay si Liu Bang ang asawa niya ang naging emperador. Isa sa mga kahanga-hangang emperador ng Dinastiyang Han ay si Wu Ti noong 141 BCE-87 BCE. May marami siyang sinakop na lupain. Isa sa mga naging tanyag sa panahon ng Dinastiyang Han ay ang Daang Seda o ang "Silk Road". Ito ang lugar para magkalakal ang iba't ibang bansa at lungsod sa mga Tsino. Itinatag niya ang "civil service examination" para sa mga taong gustong maging opisyal sa pamahalaan. Marami rin ang naimbento sa panahong ito tulad ng papel, anestisya, 'water-powered mill', 'seismograph', at marami pa.

Dinastiyang Tang at Sui
Dinastiyang Sui (581 CE-618 CE)

Si Henry Wen Ti (Yang  Jian) ay nagmula sa hilagang-kanlurang China ang nagtatag ng Dinastiyang Sui noong 589 CE. Ang pinakamahalagang ginawa niya ay ang muling pagbangon ng China sa pamamagitan ng pagpatuloy ng civil service examination, edukasyon at pagpapaayos ng  Dakilang Pader. Ginawa din niya ang Grandeng Kanal para sa epektibong transportasyon at mapabilis ang kalakalan. Ang dahilan ng kanyang pagbaksak ay ng nanlaban siya sa  kaharian ng Goguryeo ngunit higit na malakas ang puwersa ng kalaban kaya tumakas siya at iniwan ang kaniyang hukbo.

Dinastiyang T’ang (618 CE- 907 C)

Itinatag ni Li Yuan ang Dianstiyang T’ang noong 618 CE. Sa panahon ng paghahari ng dinastiyang ito, muling lumakas ang kapangyahrihan ng Imperiyong Tsino dahil sa higit na paglago ng ekonomiya. Dahil sa katandaan ay humalili kay Li Yuan bilang emperador ang kaniyang anak na si Tai Chong.

Hanz Nathan, R. Ouano Dinastiyang China/ Qin (221 to 206 BC)
Hinirang ni Emperor Chin/Qin ang kanyang sarili na First Emperor of China. Nanatili ang tawag na "China" sa kanilang bansa.

15 taon lamang siyang namuno pero, malupit na pinuno si Chin.  Kamay na bakal ang kanyang ipinairal sa pamamalakad.  Kontrolado niya ang lahat, ang mga sumusuway ay pinapapatay o pwersuhang pinagtatrabaho ng mabigat.
Pinasunog niya ang lahat ng librong walang kinalaman sa agrikultura, medisina at propesiya.

Ang mayayaman ay tinanggalan niya ng karapatan sa takot na siya ay tanggalin sa posisyon.

Lahat ng mahihirap ay pagsasaka at pag-aani lamang ang pwedeng maging hanapbuhay.

Pinagawa niya ang Great Wall of China para sa seguridad mula sa mga kaaway sa labas ng bansa.

Gumawa siya ng systemang pang-e-espiya kung saan ginagantimpalaan ang mga nagsumbong sa kamailan ng iba.  Ang mga may sala ay ipinapapatay o ipinagttrabaho sa  pag-gawa ng Great Wall.  Ganito din ang parusa sa mga pinagtrabaho niya sa paggawa ng mga gusali at tulay, kapag siya ay nabagalan sa kanila.

Namatay siya sa natural na sakit, anak niya dapat ang susunod sa kaniyang pagiging Emperador ngunit ito ay natalo ng mga rebelde na pinamunuan ng isang ordinaryong mamamayan na si Han.

Aeo Nebre 26 Disnastiyang Shang (1700 BCE - 1027 BCE)
Ito ang intinuturing na pinakaunang ganap na kabihasnan sa Tsina. Ito ang sumunod sa Dinastiyang Yangshao at Longshan. Tawag din dito ay "Dinastiyang Alipin" dahil sa mga labi na nahukay ng mga arkeologo sa panahong ito. Ginamit din ng mga pari ng panahong ito ang Butong Orakulo (Oracle Bones) kung saan ginagamit nila ito upang makipag-ugnayan sa mga diyos. Marami ang naging hari ng Dinastiyang Shang, isa na rito si Wu Ding. Siya ay magiting na pinuno sa pakikipagdigma. Bumagsak ang Dinastiyang ito dahil sa mga mahihinang pinuno na sumunod kay Wu Ding. Naging hudyat ito ng pagsimula ng Dinastiyang Zhou (Chou) na tumagal ng mahigit 800 taon.