Takdang-Aralin ( STEM 1 ) ( pakilagay ang buong pangalan ) by Windy Lanes

Rivera, Rai Sean Jean B.
Maraming mga paksa ang maganda ngayon para sa pag-dedebate ngunit ito ang aking mga napili:

-Climate Change o Pagbabago ng Klima:
Ito ay napapanahon sapagkat maraming tao at mga nilalang ang naaapektuhan nito, kung kaya't maganda itong paksa sa pag-dedebate dahil kinakailangan rin na mairesolba ang isyu na ito.

-Women's Rights o mga Karapatang Pantao ng mga Kababaihan: Ang paksang ito ay maganda i-debate o pangatuwiranan sapagkat sa ating mundo ngayon, mayroon pa ring mga kultura sa iba't ibang panig ng mundo na hindi pa rin patas ang pagtrato sa mga kababaihan, kung kaya't ito ay dapat lang na mapangatuwiranan din sapagkat ito ay nakakaapekto rin sa maraming mga kababaihan sa buong mundo.

-Artificial Intelligence o AI: Ito ay isang magandang paksa na dapat pangatuwiranan upang malaman rin kung ano-ano ang mga naidudulot nito sa atin bilang tao at kung ano rin ang mga bentaha at di-bentaha nito sa atin.

Ortiz, Julius Albert
MAS NAKAKARANAS NG "PEER PRESSURE" ANG MGA BABAE KAYSA SA LALAKI

Ito ang aking napiling paksa sapagkat hindi lamang ang babae ang nakararanas ng "peer pressure" o mas nakalalamang dito sapagkat halos lahat ng tao ay nakakaranas nito, at hindi ito dapat i-ayon sa kasarian ng tao.

PAROHINOG, Kurztie Allystaire D.
Korapsyon

Hindi mawawala kahit kailan ang korapsyon sa ating bansa maari lang itong mabawasan ngunit hindi ito mawawala kaya't maganda ito sa debate.

Sapagkat tayo rin ang pumipili ng taong magnanakaw saatin. hindi sa lahat ng pagkakataon Ay nagiging tapat sila sa ating bayan

Charles Gabriel B. Lapada
"Ang pagpapatupad ng Face to face classes sa lahat ng paaralan sa bansang Pilipinas"

-Batid nating mga estudyante na laganap ang pandemya sa kasalukuyang panahon na kung saan ito ang dahilan ng pagpapatupad ng online classes. Dahil dito, itinigil ang pag-aaral ng mga kabataan sa paaralan. Sa panahong ito, karamihan ng estudyante ang sangayon sa pagpapatupad ng patakarang limited face to face classes sa kabila ng lumalaganap na karamdaman sa buong daigdig. Para sa kanila, mas madaling makakapagpokus kapag nasa loob ng paaralan. Subalit, may iba ring estudyante ang hindi sang-ayon dito. Maaari itong maging impormatibong paksa sa bawa't isa sa atin, at ayon sa aking pananaw, nararapat itong pagusapan o ipagdebate.

"Diskriminasyon sa kasarian at nasyonalidad ng tao"

-Napapanahongitong paksang ito at nararapat pagusapan sapagkat karamihan ng tao sa kasalukuyang panahon ay nadidiskrimina dahil lamang sa kanilang kasarian, kaanyuan o lahi ng pinanggalingan. May mga taong sang-ayon sa paksang ito subalit mayroon ring hindi.

Esperanza, Kim Caryl H.
Sa panahon natin ngayon, maraming isyu ang naglipana na nagreresulta ng hindi pagkakasundo ng mga tao. Ilan sa mga ito na puwedeng gawing paksa sa mga debate ay:
• Ang pagpapatupad ng Death Penalty
- Ang usaping ito ay hinahati ang mga tao sa dalawang panig sapagkat may ilan na sumasang-ayon at may ilan din na tutol patungkol dito. Sa iba, ito ay para makamit ang hustisya ng kamag-anak o mahal nila sa buhay, at sa kabilang banda, ang Death Penalty naman ay makasalanan at walang pinagkaiba sa mga kriminal.
• Ang paggamit ng gadgets o social media ng mga bata sa edad 3-8
- Sa panahon ngayon, kahit sa murang edad ay nalululong na rin ang mga bata sa mga gadgets at nakakaapekto ito sa kanilang mental at pisikal na kalusugan. Lalong lalo na ngayon at tayo ay nasa pandemya, ang mga magulang ay ginagamit ang teknolohiya para matuto at maglibang ang mga bata. Nakakaapekto ito sa kanila sapagkat hindi na sila nasasanay ng mga laro sa labas, at nagreresulta ng hindi pagiging aktibo ng katawan at pagkalabo ng mata. Subalit, may magaganda rin naman itong naidudulot katulad ng pagpapatuloy ng kanilang edukasyon kaya sa aking palagay, magiging magandang usapin ito sa debate.

Tamargo, Jarrod Frank B.
Angkop ba na payagan ang mga mag-aaral na lumikha ng kanilang sariling kurikulum?

Sa tingin ko, itong paksa ay nakakatulong sa pagtalakay tungkol sa kurikulum ng isang bata at kung pano ba ito makakatulong sa karanasan ng isang mag-aaral. Mas nakakaganda ba at nakakatulong ito sa karanasan ng isang estudyante o hindi.

Pagbabawal sa mga mobile device (cell phone, smartphone) sa mga paaralan: oo o hindi?

Ito rin sa tingin ko ay magandang paksa dahil ito ay isang malaking sangkap na may malaking epekto sa karanasan ng mag-aaral. Alam naman naten na ang cellphone ay isang magandang kasangkapan pero isa ring nakakagambala.

Bungay, Christopher John B.
1.    PAGSASABATAS NG DIBORSYO SA PILIPINAS, DAPAT o HINDI DAPAT?
Ang dahilan kung bakit ito ang aking paksang napagisipan o napili, dahil ang isyung ito ay isa sa mga mainit na paksa at matagal ng kontrobersyang diskusyon ng ating gobyerno sa ating bansa. Kung kailangan nga bang magkaroon ng diborsyo dito sa Pilipinas? Na may magkabilang punto na aproba o sangayon sa diborsyo, na upang makatakas sa isang pangit o hindi magandang relasyon, na maaaring magresulta sa hindi maayos na pamilya, abusive parent, lack of love, respect at marami pang iba. At mayroong din panig na hindi sangayon dito dahil sa mga kadahilanang; naghiwalay dahil sa pangaabuso ngunit hindi nangangahulugang pinahihintulutan na mangabuso pa ng ibang tao, na marami paring nakakaranas ng emosyonal at pisikal na pang aabuso sa dating partner kahit ito ay hiwalay na, na sa madaling salita, hindi ito sagot sa mga problema nila. Dagdagparito, magsisilbi bang magandang ehemplo para sa mga kabataan ang mga magulang na nag-divorce?, at marami pang iba.

2.    PAGBABALIK NG DEATH PENALTY SA PILIPINAS, DAPAT o HINDI DAPAT?

Karumaldumal na krimen, pagbebenta at pagtutulak ng droga. Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit lumalakas ang panawagan na muling ibalik and death penalty sa bansa. Malaki nga raw ang maitutulong ng parusang kamatayan, upang mapababa ang bilang ng heinous crimes dito sa Pilipinas. Dahil nga magkakaroon ng takot ang mga may masasamang loob na gumawa ng krimen kung ang kapalit  ng kanilang gagawin ay ang buhay nila mismo. Subalit, hindi naman dito sumasang ayon ang ilan dahil na rin sa umiiral na hustisya sa bansa at tanging mayayaman nga raw ang nakakakuha ng mga abogado may sapat na kakayahan na ipag laban ang karapatan ng isang indibidwal, at marami pang iba.

San Pedro, Zailah P.
Paksa: "Agham at teknolohiya"

Ito ang aking napiling paksa ng Debate na kung saan ay nakapaloob sa tekstong argumentatibo, ang agham at teknolohiya ay napakahalaga sa panahon natin ngayon. Ito din ay sentro hindi lamang buhay sa buhay natin, kundi pati na rin sa ating mga magulang. Mahalaga rin ito dahil nakakatulong ito sa pagtuklas ng mga bagong bagay.

Ang terminong "agham at teknolohiya" ay tumutukoy sa ugnayan sa pagitan ng agham at teknolohiya. Matatagpuan ito sa mga pamagat ng mga disiplinang pang-akademiko o pag-aaral sa agham at teknolohiya gayundin sa mga ahensya ng gobyerno.

Vicera, Jade Kassandra G.
Gasolina o de-kuryenteng kotse

Ito ang paksang aking napili sapagkat sa ating panahon ay napakarumi at mas lalong umiinit ang ating kapaligiran. Isa sa mga pangunahing dahilan nito ay ang mga kotse.

Ayon sa pag aaral ng mga eksperto, ang de-kuryenteng kotse ay naglalabas ng mas kaunting greenhouse gases at air pollutants kaysa sa mga sasakyang gumagamit ng gasolina. Ngunit sa aking palagay ay maraming tao ang hindi sang-ayon o pabor sa pagbili at paggamit ng de-kuryenteng kotse.

ORIA, Micah V.
Napakaraming napapanahong usapin ang pinaguusapan ng bawat Pilipino at marami ang may kani-kanyang opinyon na nagdudulot minsan ng pagtatalo-talo dahil sa pagkakaiba ng opinyon patungkol sa nasabing paksa. Narito ang iilang mga paksa na napapanahon sa ating bansa:

1. Legalization ng pagpapalaglag

- Napili ko ang paksang ito sapagkat ito ay isa sa mga pinaka-kontrobersyal na paksa sapagkat mayroon itong mga pampulitika, panlipunan, pang-agham, etikal at relihiyosong mga implikasyon. Marami ang may gusto na ipagsabatas ang pagpapalaglag o aborsyon para sa kinabukasan at kapakanan pangunahin ng mga kabataan na maagang nagkakaroon ng anak. Marami naman ang hindi dang-ayon dito sapagkat ito raw ay labag sa salita ng Diyos dahil ang pagpapalaglag sa sa bata na nasa sinapupunan ay para na rin daw pagpatay. Kaya, ito ay isang tekstong argumentatibo, kung nararapat ba o hindi ang legalization ng pagpapalaglag o aborsyo.

2. Pagbabago ng Klima

- Isa ito sa aking napiling paksa sapagkat ito ang isa sa pinakapinag-uusapan sa panahon ngayon. Nang mga nagdaang araw ay tag-araw, habang sa mga susunod na araw ay tag-ulan naman. Abnormal na ang klima ng ating mundo ngunit marami pa rin ang tumatanggi na hindi ito dulot ng global warming, bagkus ay normal lang daw ito. Marami rin ang binabaling ang sisi sa gobyerno dahil sa wala raw silang ginagawa para mapanatili ang kalusugan ng kalikasan sa bawat bansa. Marami ang nagkakaroon ng pagtatalo-talo sa kung ano nga ba ang solusyon at kung mayroon pa nga bang solusyon sa nangyayaring ito sa ating kapaligiran. Ito ay dapat na pagtuunan ng pansin at pag-usapan sapagkat nakasaalang-alang dito ang kapakanan ng bawat isa.

3. Ebolusyon ng teknolohiya

- Ang teknolohiya ang pangunahin na ginagamit ng bawat isa sa kasalukuyan. Kahit anong gawin ng tao, madalas ay teknolohiya na ang gamit nila upang matapos ito. Kasabay ng paglipas ng panahon ay ang pag-unlad ng teknolohiya. Maging ang ating bansa ay hindi nagpapahuli patungkol sa teknolohiya. Ngunit dahil sa pag-unlad nito ay nagkakaroon na ng iba't ibang negatibong epekto ito sa bawat isa, maging sa bansa. Ang mga sinauna at nakasanayang mga kagamitan na parte ng kultura ng ating bansa ay nakakaligtaan na. Ang mga kabataan ay nahuhulog na sa video games addiction at mas nababaling ang kanilang atensyon sa teknolohiya na nakakasama sa kalusugan ng bawat isa. Kaya, ito ay isang halimbawa ng tekstong argumentatibo.

Mariano, Jedah A.
Implasyon ng mga bilihin:

Ang patuloy na pagtaas na mga presyo ng mga bilihin ay kasama natin at makakasama natin hanggang sa tayo’y nabubuhay. Ang implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o halos pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya. Ang pagtaas ng presyo ng ilang produkto, kahit na ito pa ay ang importanteng produkto ng mga mamimili katulad ng bigas, karne, at iba pa, ay hindi maaaring pagbasehan na may nangyayaring implasyon.  Napakaraming tao sa bansa ang naapektuhan. ng pagtaas ng mga presyo ng bilihin kaya maganda itong pagdebatehan upang maging malinaw at masagot ang mga katanungan ng sambayanan.

Mabagal na internet:

Sa panahon ngayon, isa na sa mga pangunahing pangangailangan ng isang tao ay ang internet. Mula sa mga nagtatrabaho na mga magulang hanggang sa mga anak na nag-aaral sa online classes. Ngunit paano kung mahina at mabagal ang internet, paano na makakatrabaho sa mula sa bahay ang mga tao (work from home) at ang mga nagoonline classes. Kinakailangan itong masolusyonan dahil isa ito sa kadalasang kinakaharap ng mga Pilipino sa ating bansa.