Ｎｅａ｀ｓ Ｐａｄｌｅｔ by nea gomba

QUIZ 1 SCORE

ASSIGNMENT
1. Read the monologue entitled GABUN.

A.
- Matalino at Mabait.
B.
- Bumagsak ang negosyo
C.
Palaging kasama ni adrian si jaime kung kaya't marami siyang natutuhan dito. Kilalang- kilala nya ito, alam nyang gustong- gusto ni jaime ang prutas kaya hinding- hindi ito mawawala sa kanilang mesa.

Sa baguio isinama ni Jaime si adrian, Umakyat ang dalawa papunta sa Mines View Park ng may natanaw silang batang pulubi na puno ng alikabok, namamalimos ito at nag mamakaawa.

Nabalitaan na bumagsak ang negosyo ni Jaime sa baguio. Pansing nag iba ang pag katao nito, kung minsan ay ang bait bait kung minsan naman ay hindi. Noong tumanggap ng konstutera ang nanay ni Adrian lagi syang nag iisa sa bahay at kasama lamang ang mga manikin.

Isang araw umuwi itong may dalang telebisyon. Sobra ang saya ni Adrian ng araw na 'yon. Ngunit nagaway ito at ang kanyang nanay dahil sa pera. Nang umagang gumising si adrian wala na ang telebisyong para sa kanya. Umuwi ang mga kaibigan nito sa kanilang bahay. Naglaro ng poker, nagdumi sa bahay nila at nagbibiruan na malalakas ang mga boses. Umaga na ng nakauwi ang mga ito dahil sa kalasingan.

MONOLOGUE
Lumaki ako sa mahirap na pamilya ngunit kahit ganon ay masaya at kuntento na ako. Baba ng bundok at kagubatan ang aming tirahan. Ako si Vera, labing walong taong gulang. Pagbibenta ng gatong na kahoy sa kalapit na bayan ang pang kabuhayan naming pamilya nakukuha namin ito sa pagpuputol ng puno. Nakokonsyensya ako minsan sa ginagawa nila Itay na pagpuputol sa mga puno, alam kong mali ito, ngunit dito kami kumukuha ng pang araw-araw na gastusin, meron namang mga pananim si Inay ngunit hindi ito sapat sapagkat kakarampot lamang ang kinikita namin galing dito. Tag ulan noon laging binabaha ang lugar namin. Ilang beses nasisira ang bahay na tinitirhan namin at dahil gawa lamang ito sa Nipa at kahoy. Naapektuhan din ang pag aaral naming mag kakapatid, lagi akong nahuhuli sa klase dahil hindi ako makapasok, nilalakad lang namin papunta at pauwi ang paaralang pinapasukan namin at sa bayan pa ito. Isang araw ay kinausap ko si Inay patungkol sa pagpuputol ng puno nila Itay ngunit nagalit lamang sya at sinabing para rin naman sa amin iyon. Hindi ako mapakali hanggang sa pagtulog noong gabi. Alam kong may magagawa ako para matigil ito ngunit paano? Paano ko ito sisimulan? Kailan ko ito mababago?

NATUTUHAN
10.29.2020 thursday

Ang natutuhan ko sa araw na ito ay pagaayos at pag lelevel up pa ng mga sinulat naming monologue, tinulungan kami ng aming guro sa bagay na ito. Nakatulong ito sa amin upang mas lalo pang palawakin ang aming imahinasyon.

DRAFT 2 Monologue
Monologue

Lumaki ako sa mahirap na pamilya kahit ganon ay masaya at kontento na ako. Baba ng bundok at kagubatan ang tirahan namin. Vera ang pangalan ko, labing walong taong gulang. Wala na kaming nanay, pumanaw ito noong nakaraang taon, nakidlatan ito dahil sa lakas ng bagyo noong araw na iyon, kaya ako ang nagsilbing nanay sa mga bata kong kapatid. Si tatay naman ay kasali sa isang organisasyon kung saan ay nagpuputol sila ng punong kahoy ngunit illegal. Tag-ulan noon, madalas binabaha ang lugar namin siguro dahil kalbong kalbo na ang mga puno sa kagubatan. Naapektuhan din ang pag aaral naming magkakapatid, hindi kami makapasok sa paaralan dahil may baha, lagi akong nahuhuli sa klase. May truck naman si tatay ngunit hindi sa kanya iyon at ginagamit lamang kapag nagdedeliver ng kahoy sa bayan, mahigpit ang boss nila. Ilang beses ko na syang kinausap tungkol dito pero nagalit lamang sya at para rin naman daw sa amin ang perang kinikita nya. Hingil sa kaalaman nya ay sumali ako program ng school namin pagtatanim ng puno ang mga iyon. Gusto ko lang namang maiwasan ang pagbabaha sa lugar namin at makapagtanim ng mga puno pamalit sa mga punong kahoy na pinuputol ng mga tao.

PETA SHOW REACTIONS AND COMMENTS
Dec. 13,2020

Si Juan Tamad at ang Diyablo, napakahusay at napakaganda ng set-up ng play.  Marami rin akong napulot na mga aral galing sa palabas na ito. Makikita natin ang pagbabagong nangyari kay Juan na tumatak sa aking isipan, na mula sa pagiging tamad at pagiging makasarili narealize niyang may magagawa siya at kaya niyang magbago dahil sa tulong ng mga taong and'yan na nagmamahal sa kaniya at higit sa lahat ang kaniyang sarili. Ayun nga lang may mali si Juan na kung kailan may nangyari nang masama ay doon pa lamang s'ya kikilos ngunit ipinakita n'ya na kaya n'yang magbago at gumawa ng tamang gawi. At tamang tama ito sa panahon ngayon dahil sa susunod na taon ay may  magaganap ng botohan. Botohan na dapat botohin ang taong hindi puro salita lamang kailangan ay may gawin siya para sa kaniyang nasasakupan. Nakatulong din ito para sa teenager na tulad 'ko upang pagdating ng panahong ako naman ay boboto ay  mailalabas 'ko ang aking mga opinyon at botohin ang taong karapatdapat para sa bayan.