IW4P | Cloie Sioson by PETA School of People's Theater

#1 - Introduction as a Poster
"Best one yet!"
"Take this chance!"

Is it truly never too late?

TRY AGAIN

a film by Clō Sioson

in theaters soon

*Poster made using Canva

#2 - Sense Poetry
Galing ako sa nag-uwi ang mga magulang ko ng ginger beer na naka-bote; parang lemon-lime soda pero may hint ng luya.

Galing ako sa amoy ng Baygon cockroach killer pesticide na matagal mawala ang amoy sa banyo -- masangsang, amoy toxic, feeling ko ikamamatay ko.

Galing ako sa sunod-sunod na Messenger notification na narinig ko noong December noong nag-thank you si crush sa regalo ko sa kanya.

Galing ako sa Quezon City Post Office, kung saan may mahabang pila ng mga taong mga naka-face mask at face shield noong September.

Galing ako sa nanunuot sa buto na lamig sa Baguio noong naglakad-lakad kami ng mga pinsan ko nang naka-shorts ako noong 2015.

Galing ako sa September 8, 2018 -- unang pagtapak ko sa PETA stage -- fulfilled ang childhood dream, at umiyak sa pag-uwi sa tuwa.

#3 - Ako ay isang...
"Ako ay isang 24-year old freshie sa UP Diliman na gustong mag-shift ng course na naglalakad habang umiiyak sa Academic Oval dahil sa bigat ng workload. Nadapa, at tinulungan ni Zorro."

1. Ako ay isang character na 24-year old freshie sa UP Diliman na gustong mag-shift ng course.
2. Ako ay isang conflict na nabibigatan sa workload sa school.
3. Ako ay isang plot na naglalakad habang umiiyak sa Academic Oval, nadapa, at tinulungan ni Zorro.

#4 - Reflection - February 26, 2021
Pumasok ako sa klase na walang baon-baong expectation bukod sa matuto ako mula sa mga makakasama ko sa session. Binuksan ko ang isip ko sa learnings and realizations. True enough, dahil sa bukas na isip, marami akong natutunan.

1. We can all relate to each other in one way or another
Sa sense poetry exercise, nagkaroon ako ng chance na marinig ang mga patikim sa mga buhay ng mga kaklase ko. In a sense, nakita ko ang pagiging buhay nila, ang pagiging tao nila. At kahit walang context behind the sharings, naka-relate ako sa experiences nila, or at least sa mga emosyon na naalala nila.

2. May slight difference ang pagbabahagi at ang pagkukuwento.
Sa session today, na-realize ko na ang lahat ng pagkukuwento at pagbabahagi, pero hindi lahat ng pagbabahagi ay pagkukuwento. Na-realize ko ito noong nag-volunteer akong ibahagi ang output ko sa sense poetry exercise. Noong binasa ko siya as enumeration, nagbahagi ako, pero parang binasa ko lang -- walang puso. Oo, ako 'yong shine-share ko, pero may difference kasi akong naramdaman noong binasa ko ang output ko kasama ang "galing ako sa..." Mas may kulay yung 2nd time kong basahin with the additional line. Parang "mas ako". Pakiramdam ko at some point na kinuwento ko rin yung context ng sinulat ko.

3. Maaaring magkatalo-talo sa pag-intindi ng panuto
Sa elements of drama activity, napansin ko na kalahati ng klase ay parang nag-enumerate ng mga sagot nila, at ang isa pang kalahati ay tinahi na ang mga sagot nila sa iisang statement. Hindi ko tuloy alam kung tama ang ginawa ko, bilang tinahi-tahi ko ang mga sagot ko. Pero may mga kaklase rin ako na ganoon ang ginawa. Feeling ko sadyang ganoon ang pagkakasabi ng instructions para lumabas nang mas natural ang mga sagot namin. Either way, as long as nagawa ang dapat gawin, sa tingin ko okey na y'un.

4. Natural ang creativity sa tao, kailangan lang ng tamang stimuli.
Nakita ko kahit papano ang writing styles ng mga kaklase ko, kung aware na sila dito. Sa totoo lang, hindi ko pa rin nahahanap ang "voice" ko as a writer, but with the right prompts, sa tingin ko ang lalabas pa lalo ang mga gusto kong sabihin sa magandang pamamaraan.

Ang dami kong sinabi. Pero totoo ang lahat ng mga 'yan. Marami akong napulot today. Malaki ang pasasalamat ko sa mga nakasama ko kanina.

February 28, 2021 - Deja vu
Papunta na sana ako sa Lyric sa Trinoma, sumakay na ako ng jeep sa Commonwealth. Wala namang masyadong puno sa Commonwealth, pero pagdungaw ko sa bintana, may nakita akong malaking puno na parang nakita ko na sa mga panaginip ko tuwing birthday ko, e 25 na ako.

So napababa ako ng jeep at nilapitan ang puno. Na sa island yung puno, so na sa gitna ng kalsada. Tumawid ako para makita. Nagsibusina ang mga sasakyang biglang prumeno dahil tumawid ako. May mga sumisigaw, pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Nakapako lang ang mga mata ko sa punong naggo-glow.

Yung puno, tumagos sa mga ulap, pero hanggang sa trunk nito ay may mga sanga. May baging din. Nakarating na rin ako sa puno at hinawakan ang baging. Magaspang at parang may mga teeny-tiny na throns. Pero di naman ako nasaktan habang hinahawakan. Hinila ko ito para tignan kung mapipigtas. Matibay naman. Inakyat ko ang puno, may 300 meters up from the ground. May naririnig akong mga sigaw mula sa likod ko, pero may naririnig din akong mga unggoy.

Pagdating ko sa isang sanga, kumuha ako ng baging, at nagpaka-Tarzan habang naka-palda. Ang saya. I feel free, like a kid. Alam ko nagawa ko na ‘to. May saging pa nga ako noon na subo-subo.

February 28, 2021 - Directions
TAGPUAN: KUWARTO NI ANNA, DECEMBER 2019

Papasok si Anna sa kuwarto niya dala ang kanyang school bag at isang envelope.Bubuksan niya ang ilaw sa madilim na kuwarto.Ibababa niya ang mga dala niya sa desk niya. Bubuksan niya ang bintana at ang electric fan. Bubuksan niya ang envelope nang nakangiti. Babasahin niya ang papel sa loob ng envelope at unti-unting mawawala ang ngiti sa mukha niya. Iiyak siya nang mahina. Lulukutin niya ang papel at itatapon sa sahig. Hahawakan niya ang cellphone at may tatawagan. Kakausapin niya ang kanyang tinawagan.

Anna: Punta po kayo saglit sa kuwarto.

Ibababa ni Anna ang tawag at ihahagis ang cellphone sa kama. Papatayin niya ang ilaw sa kwarto. Hihiga siya bigla sa kama, umiiyak pa rin.

Papasok sa kuwarto ni Anna si Joy, ang nanay niya.

Joy: Anak? Tumawag ka?

Hindi sumagot si Anna, at lalong lumakas ang iyak niya.

Bubuksan ni Joy ang ilaw.

Joy: Bakit?

Makikita ni Joy ang lukot na papel sa sahig. Aayusin niya ang papel at babasahin ang nakasulat dito.

Babangon si Anna.

Anna: Ma, I’m sorry.

Joy: Paano na scholarship mo?

Anna: Ma, I’m sorry Ma.

Joy: Alam mo naman kung gaano kahirap ang pera ngayon.

Anna: I’m really sorry. It’s just…tatlo na trabaho ko ngayon.

Yayakapin ni Joy si Anna.

WAKAS

Assignment - Neutral Lines
TAGPUAN: Garden sa Tagaytay, November 30, 2019, 5pm

Makikita ang isang garden na puno ng mga bulaklak at puno. May isang mesa at dalawang upuan sa gitna ng garden, at red carpet mula sa entrance ng garden papunta sa mesa. Maririnig ang mga huni ng ibon. Maganda ang set-up, parang may okasyon.

Lalakad papasok ng garden sa red carpet ang isang dalaga in her late 20s (BABAE). Makikita niya ang isang papel na may nakasulat na “Happy Anniversary” sa ibabaw ng mesa. Alam niyang para sa kanya ang set-up na ito.

Mapapansin niya ang mga nakasabit na litrato sa mga sanga ng puno. Lalapitan niya ang papel na nakasabit na may nakasulat na “START HERE”. Lalapitan niya isa-isa ang mga sumunod na litrato, at ngingiti. Lalaki lalo ang ngiti hanggang maluluha na ang mga mata niya. Mararating niya ang isang upuan at uupo dito. Bubuksan niya ang papel na may nakasulat na “Happy Anniversary”. Babasahin niya ang nakasulat sa papel. Maiiyak siyang nang nakangiti.

Papasok ang isang lalaki in his early 30s (LALAKI) mula sa red carpet sa likod niya. Hahawakan ng LALAKI ang balikat ng BABAE.

LALAKI (A): (mahina ang boses) Kumusta ka?

Magugulat ang BABAE. Pupunasan niya ang mga luha niya na may kasamang eye makeup.

BABAE (B): (mahina ang boses) Dumating ka pa.

Pupunta sa kabilang upuan ang LALAKI at uupo. Hahawakan niya ang kamay ng BABAE.

LALAKI (A): (mas malakas ang boses pero seryoso ang tono) Kanina ka pa?

Tatango ang BABAE.

Bibitawan ng LALAKI ang kamay ng BABAE. Iaabot ng LALAKI ang isang papel sa BABAE. Bubuksan ng BABAE ang papel at babasahin ang nakasulat dito. Mawawala ang ngiti sa mukha ng BABAE at mapapalitan ng poker face.

Titingin ang BABAE sa LALAKI nang matagal. Yoong tingin na parang makakapatay.

BABAE (B): (seryosong tono) Ang tagal kong naghintay.

Bubuntong-hininga ang BABAE. Tatayo ang BABAE at kukunin ang litrato sa papel na may nakasulat na “START HERE”: ang una nilang litrato. Kukunin niya ito at ilalapit sa kanyang dibdib. Hihinga siya nang malalim. Maglalakad siya paalabas ng garden.

WAKAS

February 28, 2021 - Kumusta ako as a Scene
Tititig si Clo sa laptop at magsisimulang mag-type. Magta-type siya for one hour.

Isasara niya ang laptop.

Clo: Ang saya ko.

February 28, 2021 - Reflection
Nagulat ako sa mga naisulat ko sa session today. Hindi ko akalain na makakapagsulat ako ng mala-fantasy/sci-fi na material (deja vu activity) dahil hindi ako inclined sa ganitong genre. Nagulat ako sa imagination ko. Siguro may sinasabi ito tungkol sa state of mind ko ngayon, siguro gusto kong mag-explore. Gusto kong mag-explore, matuto, mag-experiment.

Medyo nahirapan ako sa activity on directions. Hindi ko ma-pinpoint kung bakit. I'm guessing kasi nagsimula sa may binigay na directions na dapat i-incorporate sa piece. Looking back now, napansin ko kasi sa past works ko na hindi ako keen sa pagse-specify ng directions and actions. Focused ako masyado sa lines and dialogue. Nahirapan din akong mag-isip ng eksena kasi medyo pagod din ako kahapon. Kaya naibahagi ko rin during the sharing of experience regarding Mulat Sulat na importante ang rest sa writers. Totoo talaga ito!

Assignment: Version of Performative Piece
Platform: live performance
Form: monologue

March 5, 2021 - OPENING MOMENT EXERCISE
MGA TAUHAN:

STELLA – 20, gustong maging actor

STANLEY – 21, gustong maging actor

TAGPUAN: isang lumang school auditorium,

Bubukas ang isang spotlight sa stage na nakatutok sa isang upuan na itim. Yoon lang ang nakasinding ilaw sa buong auditorium. Maglalakad nang mabagal sa stage papunta sa upuan si STELLA nang umiiyak. Mapapaluhod siya pagkadating sa upuan. Ilalagay niya ang braso sa upuan at iiyak nang malakas sa braso. Iaangat ni STELLA ang spaghetti strap ng sando niya na nalaglag sa braso niya. Papaluin niya ang mga binti at hita na exposed dahil sa short shorts na suot. Bubukas ang isa pang ilaw sa stage. Papasok si STANLEY at lalapit kay STELLA. Magsa-squat si STANLEY sa tabi ni STELLA.

STANLEY

Para sa kinabukasan mo ‘to, siz.

Titingin si STELLA kay STANLEY, at babalik sa pag-iyak nang nakayuko sa upuan.

March 5, 2021 - Collaboration Exercise
SA LANGIT…

MGA TAUHAN:

VIRGO – lider ng mga diyos

APURADITE – diyosa ng kagandahan

DIYOS 3 – diyosang walang pangalan

FERNANDA – diyosa ng sining

HERMEN – diyosa ng karahasan

RUFFA – creation ni VIRGO

ANNA – creation ni diyos 3

LALAKI – kasintahan ni ANNA

TALA – creation ni FERNANDA

KILKITA – creation ni HERMEN

TAGPUAN: Sa langit, may tumutugtog na mga kampana at hallelujah sa background. Panahon na naman para magdesisyon sa magiging buhay ng isang nilalang.

VIRGO

Maraming salamat sa pagdalo sa monthly meeting natin. Sana ay napagplanuhan ninyo na ang balakin ninyo para sa tagalupa na isisilang mamayang 5:00 pm. Sino ang may proposal?

Sabay – sabay na magsasalita ang mga Diyos

Makakarinig ng tunog ng pito

VIRGO

Isa isa lang. At dahil ako ang leader, ako na ang mauuna. Ang suggestion ko, isa siyang marikit na dalaga sa kanayunan. Punong-puno ng ganda pero wala namang laman. And yes, dapat funny.

Tutugtog ang Booba sa background

RUFFA

Hello guys! Thank you everyone for bringing me into this woooorld.

APURADITE

“Look ‘ha, as the goddess of kagandahan, kasarapan and all things kalibugan. I was thinking y’know to add spice in her life! Why not ilagay sa toxic relationship? Diba the mortals diyan sa below super fond na kaya nila sa net- networking- ba ‘yon ah hindi basta yung movie site whatever na bayad nila. They love angsty romances, diba mga kapwang binasbasbas?”

DIYOS 3:

Paano kung ganito. Babae, sobrang cool, red hair, manic pixie dream girl pero round ang personality niya ah, pero dahil pasok na pasok siya sa MPDG stereotype, lahat ng lalaking nabibighani sa kanya, randomly nag-iinternal monologue sa utak nila.

LALAKI:

Ahhh, si Anna, mabait, maganda, paborito niya ang Star Wars

ANNA:

Hello? Nakikinig ka ba? Oo, paborito ang Star Wars pero teka, bakit mo ako pinag-uusapan in the third person?

FERNANDA

What if… gawa tayo ng singer-dancer-actor. Triple threat! Tapos magiging EGOT winner siya? First Filipina to win an Emmy, Grammy, Oscar, and Tony! All in one year!

TALA

I’d like to thank the Academies for my Emmy, Grammy, Oscar, and Tony. And thank you sa gods na gumawa sa akin and showered me with the best blessings. I love you all!

Maririnig ang applause at mga sipol at hiyaw.

HERMEN:

Ganito nalang, gumawa tayo ng Ang Panday na girl version. Tapos siya ‘yung taga-execute ng mga kurakot na mga politiko. Para wala nang problem below diba? Ikauunlad ‘yun ng mga human beings.

KILKITA:

Saang bansa ako mauuna?

HERMEN:

Sa Pilipinas marami raw diyan?

KILKITA:

Hala, baka mauubos lahat!

VIRGO

So anong gagawin natin? Draw lots na lang?

ALL GODS:

(In unison) Sure

Maririnig ang iyak ng sanggol.

Script by: Group 1

Abby

Andi

Billie

Clo

Danna

March 5, 2021 - Reflection
Medyo pagod ako nung pumasok ako sa klase. Parang may screen fatigue. Hindi tuloy ako maka-process at function nang maayos. Feeling ko nag-reflect din ito sa output ko today at kahit sa sharing of insights ko kanina. Ngayon ko talaga na-realize na mahalaga ang rest sa tao, hindi lang sa writers and other artists. Essential and basic need ang rest. Buti may na-pick up pa ako today. Nag-a-adjust pa kasi ako sa school set-up.

Pero na-realize ko today na maganda ang "combo" ng writer-performer, specifically actor. Naiko-consider ko kasi ang point of view ng actor (as reader and collaborator) while writing, lalo na in terms of action lines and how to write speaking lines. And in acting, naiko-consider ko ang digging into the text para maintindihan ko ang writer. These practices go hand-in-hand din pala. I'm beyond grateful for having both gifts, and I feel blessed to be given the chance to hone my skills in both fields.

Assignment: One-page Zoom Play
TRIGGER WARNING: VIOLENCE

March 7, 2021 - Food
TAUHAN

ANNA – 24, mahilig sa Jollibee

TAGPUAN: dining room sa bahay ni Anna, 12nn, March 2020

Lalakad papunta sa mesa sa dining room si ANNA galing sa front door ng bahay, may dalang paperbag ng Jollibee. Uupo siya sa pwesto niya. Bubuksan niya ang paperbag at ilalabas ang karton na may laman na Chicken Joy. Bubuksan niya ang karton at aayusin ang mga laman. Tatanggalin niya sa balutan ang kanin, tatanggalin ang takip ng gravy, at ibubuhos ang gravy sa kanin. Ilalagay niya ang Chicken Joy sa tabi ng kanin. Magdadasal siya.

ANNA

Lord, salamat po sa lunch ko. Sana lahat ng pamilya may makakain ngayon. Amen.

Kukunin ni ANNA ang kutsara’t tinidor na inihanda niya kanina bago dumating ang pinadeliver na pagkain. Hahatiin niya ang thigh part ng manok. Maririnig ang tunog ng crunch ng balat ng chicken joy. Kukunot ang noo.

ANNA

Huh...Oh well. Gutom tayo.

Isusubo niya ang piraso ng manok na hiniwa niya. Susubo siya agad ng kanin pero iluluwa ang kanin sa tissue.

ANNA

Pucha, ang init.

Itatabi ni ANNA sa itaas ng karton ang tissue. Hihiwa siya ulit ng manok at kukuha ng isang kutsarang kanin. Ilalagay ang mga kinuhang partisyon sa kutsara at ilalapit sa labi para hipan. Isusubo ang pagkain at ngunguyain. Kukunot ang noo ni ANNA.

ANNA

Hm? Wala akong malasahan. Sana dahil napaso ako.

Hihiwa siya ulit ng manok at kukuha ng isang kutsarang kanin. Ilalagay ang mga kinuhang partisyon sa kutsara at ilalapit sa labi para hipan nang 30 segundo. Isusubo ang pagkain at ngunguyain. Maluluha si ANNA at uubo.

ANNA

Shit.

WAKAS

March 7, 2021 - Silent Bodies (1-Zombie)
TAUHAN

MARO – 44, scientist na kayang bumuhay ng mga pumasa sa board at bar exams

BEE – 30, zombie na binuhay ni MARO, girlfriend ni MARO

TAGPUAN: 2018 - kuwarto ng human version ni BEE: pink ang pader, nakasandal ang kama sa pader na may bintana at ang headboard sa katabing pader. May mga frame ng mga certificate at mga diploma sa ibabaw ng headboard ng kama. Katabi ng mga frame ang 20 na medal na nakasabit sa frame na may graduation picture ni BEE. Across the bed, may vanity at study table. Sa ibabaw ng study table ay may bookshelf na puno ng medicine books at law books. Na sa ibabaw ng study table ang PRC ID for licenced physician at picture ni human BEE na lumalagda sa roll of attorneys. Sa lahat ng pader ay may mga motivational quotes na nakapinta ng black paint. May paintings din ng butterflies, flowers at rainbow. May drawer sa tabi ng pinto.

Makikitang nakahiga si BEE sa kama. Iiling-iling ang kanyang ulo at gagawa ng tunog na hindi maintindihan mula sa bibig. Ididilat niya ang mga mata niya. Maririnig niya na hindi lumalabas sa bibig niya ang mga tunog ng salita na sinasabi niya sa utak niya. Ang lumalabas lang na tunog ay “bee” na may mababang pitch. Babangon si BEE. Normal naman ang speed ng kilos niya. Pupunta siya sa vanity, pero kung maglakad ay tuwid ang tuhod. Aayusin ni BEE ang buhok niya habang papunta sa vanity. Hindi pa siya nakakarating sa vanity nang may narinig siyang footsteps mula sa labas ng kuwarto niya. Lalaki ang mga mata ni BEE at tutungo sa drawer. May kukunin na microphone mula sa drawer.

Papasok si MARO sa kuwarto ni BEE. Lalaki ang mata ni MARO sa gulat kay BEE. Mag-iingay si BEE at iaabot ang microphone kay MARO. Kukunin ni Maro ang iniabot at ilalapag sa itaas ng drawer. Bubuksan ni MARO ang pinto at lalabas ng kuwarto.

MARO

Sunod ka sa akin.

Susunod si BEE palabas ng kuwarto. Makakarating sila sa kusina. Maraming jar sa counter sa kusina na may laman na utak. Pupunta sa cabinet sa tabi ng counter si MARO at may kukunin na microphone-speaker-in-one. Kukuhin ni MARO ang jar na may laman na utak na may label na “motivational speaker”. Iaabot ni MARO ang jar kay BEE. Bubuksan ni BEE ang jar at kakainin ang kalahati ng brain. Kukunin ni BEE ang microphone at itatapat sa bibig. Magsasalita siya, pero “bee” lang ang lumalabas. Ngingiti si MARO. Yayakapin ni MARO si BEE.

MARO

Happy 2nd anniversary.

Maiiyak si Bee.

MARO

Naiintindihan na kita.

Ilalabas ni MARO ang jar na may kalahating utak na may label na “interpreter sa Miss Universe”. Ngingiti si MARO at makikita ang tinga na neurons.

WAKAS

March 7, 2021 - Reflection
Noong ginagawa ko ang activities kanina, hindi ko alam ang ginagawa ko. I was just letting words flow out of my brain. Hindi ko naman pinag-isipan ang mga sinulat ko talaga. Kung may inisip man ako, phrasing 'yun.

Siguro lumabas lang talaga sa 1st exercise (food) yung tingin ko sa sarili ko sa ngayon: chicken joy na hindi malasahan. Masarap naman ang chicken joy, pero yung character ko ay hindi ma-appreciate ang chicken joy kasi hindi niya malasahan gawa ng napaso ang dila niya at probably may COVID siya. I see myself as someone who is underappreciated kasi hindi nakikita ng mga tao sa paligid ko ang worth ko. This has always been my problem. Bumababa ang tingin ko sa sarili ko kasi hindi ko nakikitang naa-appreciate ako ng mga nasa paligid ko.  At tuwing nararamdaman ko ito, nagsusulat ako...wow, nag-full circle.

May mga certain outlets kasi ako for each emotion/feeling na na-trigger. When it comes to low self-esteem, magsusulat ako sa journal ko or gagawa ako ng monologue. I just find writing as something that induces self-reflection, therefore theraputic.

I'm beyond happy and grateful for this class, and for today's session. Hindi lang dahil sa kakulitan sa chatbox, pero pati sa mga na-realize ko tungkol sa sarili ko. Ngayon, alam ko nang mababa ang self-esteem ko ngayon. Now, what will I do about it? Processing begins, and sa processing naa-identify ang mga nasa isip natin, at nagiging klaro ang mga bagay-bagay. At dahil klaro, madaling i-pinpoint ang mga bagay na dapat i-retain at mga pwedeng pakawalan (pero walang tapon sa klase natin).  Hindi lang ito sa personal life applicable, pati rin sa writing for performance!

Masaya din ako na nabasa ang Zoom play ko sa klase. Ngayon, medyo may idea na ako sa kung paano ko bibigyan ng freedom for interpretation ang aktor sa script without compromising my content. Natuwa lang din talaga ako na nabasa siya in class. Lalo akong na-motivate magsulat para sa pagtatanghal.

1ST DRAFT - ANNIVERSARY
Activity: neutral lines assignment

2nd DRAFT - ANNIVERSARY
uploaded March 8, 11pm

3rd DRAFT - ANNIVERSARY
uploaded March 9, 12NN

4th DRAFT - ANNIVERSARY
uploaded March 9, 3:40pm

March 12, 2021 - Reflection
The past 5 workshop days were quite lifechanging to me. Marami akong natutunan, na-realize, at na-discover tungkol sa sarili ko.

Una, hindi pa rin ako nakapaniwala na humugot pala ako from personal experience sa final output ko. It wasn't the exact situation kasi kaya hindi ko naisip. Yung characters ko pala -- doon lumabas ang hugot ko. I saw myself in both of my characters (Fiona and Drew), and I saw how my past relationship worked with them. Hindi kasi intentional yung pagka-develop ko sa characters ko. Siguro isa yoon sa mga dapat ko ring i-develop, yung minsan kailangan kong maging conscious sa mga nilalagay kong traits ng characters ko, but not too detailed about it. Para may freedom pa rin ang actor.

Mahalaga din na may isa pang point of view na kino-consider while processing art. Kanina noong nag-breakout rooms at nagtanong na ang actors tungkol sa script ko, I honestly had to think about it. I described my script na lang, tapos parang sabay kaming nag-process. Dito ko nakita ang importance ng collaboration lalo na when it comes to creating art. Nakilala ko pa lalo ang characters ko at ang piece ko in the process.

Kailangan talaga maging mindful din ako sa mga sinusulat ko. I should know why I wrote such lines and gave such actions. Hindi naman lagi and from the start pa lang. Kailangan lang siguro na aware ako sa mga sinusulat ko at sa intention ko as the writer.

As for my self-dicoveries, dito ko na-realize na kaya ko pala talagang mag-work under pressure, or at least with certain limitations. Depende na lang talaga sa ginagawa ko kung magbe-breakdown ako. Sabi ko nga noong isang session, "narrow things down to widen things up". What I meant here is sometimes, kailangan natin ng given circumstances sa prompts that will help us flourish more and not box us up. Natuwa talaga ako sa mga iilang ginawa ko na hindi ko akalain na maisusulat ko pala.

Huli, na-realize ko na team talaga ang bumubuo sa isang palabas, at kasama ang writer doon.

Salamat sa experience and sa mga learnings sa workshop na ito. Sana may advanced level!