SA RETROSPEKTIBO: MGA VARAYTI NG WIKA by Aileen A. Dacut

Papel ng Guro sa Wika at Kultura ng mga Mag-aaral
Tungkulin ng mga guro na tanggapin at igalang ang pagkakaiba-iba ng saloobin ng mga mag-aaral ukol sa anomang paksa at maging bukas sa mga bagong kaisipan at salita na maipakikilala ng klase sa kanya (liban kung ito ay nang-aalimura o yumuyurak ng dangal ng iba).

Mique Aguiluz
Katanungan: 1. Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Ang mga tao'y galing sa iba't-ibang parte ng mundo at dahil dito, iba rin ang kanilang wika, kultura, at pinanggalingan sa atin. Kahit na sila'y naiiba sa atin, importanteng kilalanin at igalang ang likas na pagkakaiba dahil kasama ito sa pagkatao at kultura ng isang indibidwal.

Niño Emanuel Cornel
4. Ano ang papel ng paaralan hinggil sa usapin ng multilinggwalismo at multikurlturalismo?

Ang paaralan ay ang isa sa mga nagsisilbing tagapag-tawid ng wika at kultura ng iba pang mga pamayanan kasama ang medya at harap-harapang pakikisalamuha. Hindi maipagkakait na sa paaralan mayroon silang obligasyon na ituro ang kasaysayan, heyograpiya, at literatura hindi lamang ng mga pangkat-etniko dito sa Pilipinas, pati na ng ibang mga pamayanan sa labas ng bansa. Bukod pa sa pang-akademikong aspeto, sa paaralan din tayo nagkakaroon ng pagkakataon na makisalamauha sa iba;t ibang tao kung saan minsan ay kabilang sila sa ibang pamayanan na malapit man o malayo sa lugar ng pinag-aaralan.

Javier Almoro
2. Paano nakaaapekto ang pagpapahalaga sa iba't ibang varayti ng wika sa kulturang umiiral sa loob ng paaralan bilang isang "akademiko" o "pormal" na speech community?

Bilang isang "akademiko" o "pormal" na speech community, ang pagpapahalaga sa iba't ibang varayti ng wika ay nagpapakita na lahat nang kanilang opinyon at sinasabi ay pantay lang sa iba. Mahalaga ito dahil ang pagbabahagi ng mga ideya sa isa't isa ay isang mahalagang bahagi ng pagiging akademiko at sa processo ng pag-aaral.

George A. Mendoza
Katanungan: 1. Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Mahalagang igalang at kilalanin natin ang iba't ibang wika ng ating mundo dahil ito ay bahagi ng kanilang kasaysayan at kultura. Ang isa pang rason ay dahil ang wika ng isang bansa ang kumakatawan sa kanilang bansa kaya pag-iniinsulto mo ang kanilang wika, para iniinsulto mo na rin ang kanilang bansa.

Renee Sabinah G. Tolentino
4. Ano ang papel ng paaralan hinggil sa usapin ng multilinggwalismo at multikulturalismo?

Hinuhubog ng kurikulum na pag-aaral ukol sa iba't ibang wika at kultura ang kaisipan at kaalaman ng bawat estudyante sa paraan ng pagtuturo, pagpapakilala, at aspetong karanasan. Sa iba't ibang panig ng Pilipinas, mayroong pormal na edukasyon ukol sa wika rito sa ating bansa—maaaring asignaturang Filipino, Mother Tongue, Araling Panlipunan at iba pa. Kakambal din ng pag-aaral ang pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa iba't ibang mga tao, kung kaya't napapakilala sa mga mag-aaral ang mga lenggwahe, tradisyon, at kultura na labas sa kinalakihan nila.

Benjamin Barredo
Katanungan: 1. Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Ang mundo natin ay napakalawak, at sa malawak na mundo natin, may napakaraming iba't ibang taong may sarili nilang wika't kultura. Isa sa mga pinakamalaking kasalukuyang paksa sa buong mundo'y tungkol sa pagsasama't paggalang sa lahat ng tao, at kahit ang pinakapokus ngayon sa social media'y tungkol sa lahi, kasarian, at sekswalidad, kasama din dito ang paggalang ng bawat kultura't wika.

Cassidy Kyler Lao Tan
1. Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Mahalagang kilalanin at igalang ang pagkakaiba ng wika sapagkat ang wika ay ginagamit sa pagpapahayag ng ibat ibang ideya at kultura. Magkakaiba ito dahil sa ibat ibang aspeto tulad ng lugar at tradisyon pero iisa ang layunin nito, ang maipahayag ang sarili. Kaya mahalaga na igalang ang pagkakaiba nito.

Janna Salie S. De Dios
4. Ano ang papel ng paaralan hinggil sa usapin ng multilinggwalismo at multikulturalismo?

Pumapasok tayo sa paaralan upang matuto. Kaakibat nito ang paghahasa sa ating kakayahang makipagtalastasan, pag-aaral ng kahalagahan ng wika at kultura, pagbabasa at pagsusuri ng iba't ibang panitikan, at pagsusulat ng mga teksto. Ang lahat ng ito na ginagawa natin sa eskuwelahan ay nagbibigay-daan upang tayo'y mas maging malay ukol sa mga usaping multilinggwalismo at multikulturalismo.

Maria Julia S. Lapira
4. Ano ang papel ng paaralan hinggil sa usapin ng multilinggwalismo at multikulturalismo?

Sa paaralan nahuhubog ang kabuoan ng isang idibidwal kaya’t mahalagang maging lugar ito ng kaalaman ng mga tao patungkol sa multilinggwalismo at multikulturalismo. Sa paghubog ng mga paaralan sa respeto ng bawat isa, tuluyang maiuudyok ang kapayapan at ang malalimang pagkakaintindi ng mga tao sa multilinggwalismo at multikulturalismo.

Alecxi Wrayne S. Javier
1.     Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Kagaya kung gaano nagkakaiba-iba ang ating pagkakakilanlan, dapat ding alam natin na magkakaiba tayo ng pinagmulan. Iba-iba ang proseso natin ng paglaki sa kapaligiran na mayroon tayo. Iba-ibang nasyonalidad, iba-ibang kultura, at iba-ibang wika. Marapat lamang na kilalanin at igalang natin ang pagkakaiba ng ating wika sapagkat ito ay parte na ng kanilang pamumuhay. Nasasalamin nito ang komunidad na mayroon ang bawat tao, kaya kung igagalang natin ang kanilang wika, naigagalang na rin natin ang kanilang kabuuang pagkatao.

Alethea Mei V. San Diego
4. Ano ang papel ng paaralan hinggil sa usapin ng multilinggwalismo at multikulturalismo?

Ang bawat tao ay may karapatang makapag-aral ukol sa mga paksang mahalaga para makapaghanda sa mundo. Kabilang na rito ang pagpapamalas ng ating sariling wika, pati na rin ang pagbibigay atensyon sa mga wikang nanganganib. Sa isang paaralan nanggagaling ang kaalaman ng bawat estudyante, kung kaya't mainam na dagdagan ang kurikulum ng pagpapakilala at pagpapahalaga ng mga wika at kultura sa ating bansa. Sa paraang ito ay tataas ang kamalayan ng bawat isa at matututo ang mga estudyanteng pahalagahan ang wika na maidadala nila pagtanda.

Jacynth San Juan
1.     Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Dapat bigyan ng kahalagahan ang pagkilala sa mga ibang wika dahil sa likod ng mga wikang ito ay mga tao na may iba’t ibang kultura at pinanggalingan. Ang pag intindi ng kanilang wika ay isang hakbang upang masmakilala natin ang kanilang kultura at para masisiguro natin na ang ating ginagawa o sinasabi ay magalang sa ito.

Renee' Rafaelle U. Mendiola
1. Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Kasama na sa pag-usbong ng wika ang pagkilala at pagpapahalaga nito. Kaya naman ay mahalagang matukhayan ng bawat tao ang pagkakaiba sawika, sapagkat ito rin naman ang siyang magbibigay pagkakaisa sa malawak na wika at kultura na mayroon ang ating bansa. Kaakibat na rin nito ang pagtuon sa dibersidad ng ating lipunan, at ang paggalang sa mga ito— dahil sino nga naman ba tayo para humusga, kung ang ating mga pinagmulan ay nagkakaiba? Mananaig at mananaig ang varayti at kalawakan ng wika at dahil sa pawang rason na iyon, dapat tangkilikin ng bawat tao ang mga ito.

Xi Stephany R. De Leon
1.     Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Lahat tayo ay may pagkakaiba. Ang sinasalitang wika ng isang tao ay dapat natin respetuhin dahil isinasalamin nito ang kanyang kultura. Wala tayong karapatan laitin at pagtawanan ang taong hindi marunong magsalita sa wika na alam natin. Gaya nila, kailangan din nilang respetuhin ang ating wika at kultura. Ang pagrerespeto sa wika ng iba ay katumbas ng pagrerespeto sa kanilang kultura, pinanggalingan, at pagkatao.

Joshua A. Arandia
1. Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Bilang isang tao, mahalaga na kilalanin natin ang pagkakaiba-iba ng ating mga wika. Ito ay dahil likas na nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang mga wikang ito bilang isang uri ng kanilang pagkakakilanlan. Mahalaga na respetuhin natin ang pagkakaibang ito bilang ang wika ay isang mahalagang parte ng kultura ng isang bansa.

Borgie Reyes
1. Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Para sa akin, nakikita sa pagkakaiba-iba ng ating wika ang pagtangi natin sa isa't isa bilang mga taong napapadapad ng tadhana sa ating mga sari-sariling landas. Dahil dito, natatangi ang ating mga karanasan, pananaw at kaugalian, at nang sa gayon ay nagiging importante ang pagkilala dito upang mas mabigyang dignidad, respeto at halaga ang bawat isa.

Angelo Benigno F. Aquino
1) Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Mahalaga ang pag-kilala at paggalang sa mga pagkakaiba-iba sa wika dahil nagpapakita ito ng lalim ng ating mga nalalamang mga salita, ng kalaliman at kasaysayan ng mga iba't ibang mahalagang kultura at bayan. Mahalaga ito sapagkat sa pagrespeto ng mga ito, iginagalang natin ang nakaraan na humuhubog sa ating kinabukasan, ang mga dahilang kunga bakit narito tayo ngayon: na may pagkaing masarap, mga salu-salo, at iba pa.

Francisco Dominic J. Fernandez
1. Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Lahat tayo ay may sariling pinagmulan, kaya mahalaga na igalang natin ang isa't isa sa kabila ng ating pagkakaiba dahil ang pagkakaroon ng iba't ibang wika ay parte na ng kultura at identidad ng isang bansa. Ang wika ay nakakatulong sa ating mga pang araw-araw na mga gawain, at ang wika rin ay isang bagay na nakakatulong sa pagkaroon ng  pagkakaisa sa pagitan ng mga mamamayan ng isang bansa.

Maica Karyl S. Chua
1. Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Maraming iba't ibang uri ng wika sa ating mundo at nararapat lamang na ito ay ating kilalanin at igalang sapagkat ito ang sumisimbolo sa pagkakakilanlan ng mga tao. Bukod pa rito, ang wika ang sumasalamin sa ating mga kasaysayan at kultura. Samakatuwid, dapat na pantay-pantay ang pagtingin, pagturing, at pagrespeto sa bawat wika dahil ito ang nagsisilbing tulay ng pakikipagugnayan ng mga mamamayan mula sa iba't ibang lugar.

John Francis Y. Viray
1. Ano ang papel ng paaralan hinggil sa usapin ng multilinggwalismo at multikulturalismo?

Ginagampanan ng paaralan ang paglaganap ng mga usapin ng multilinggwalismo at multikulturalismo sapagkat nabubuhay ang diskurso rito. Kung wala ang paaralan sa mga usapin, maaaring hindi pag-uusapan. Maaaring makalimutan lamang kaya mahalaga matutuhan ito sa mga estudyante. Bukod dito, pumapasok naman din ang mag-aaral para mapalawak ang kaniyang karunungan. Dapat mabatid niya ang mahahalagang usapin sa iba't ibang larangan katulad ng kultura.

Glen Jermaine S. Pangan
1. Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Ang ating mundo ay nahahati sa maraming bahagi, at sa mga hati- hating mga ito ay maraming mga bansa na iba- iba ang ginagamit na wika. Bawat mga parte nito ay may mga mamamayan na mayroong sari- sariling wika. Ang mga wika na ito ay ginagamit nila sa pakikipag ugnayan sa isa't- isa at pati na rin sa mga taong gumagamit nito san mang bahagi ng mundo. Ngunit hindi lang para doon and wika, ang wika ng isang tao ay nagagamit rin para sa kanyang pagkakakilanlan at ang bawat wika ay natatangi sa kung sino man ang gumagamit nito. Mahalaga na kilalanin at igalang natin ang lahat ng wika dahil ang mga ito ay may sari-sariling katangian at kayamanan. Ang mga wika rin ay may  kahalagahan sa mga taong gumagamit nito para sa kanilang pang araw- araw at pagkakaisa bilang isang bayan at bilang bahagi ng kanilang kasaysayan at kultura.

Matthew J. San Diego
1. Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Mahalagang kilalanin ito dahil ang wika ay parte ng kultura. Makikita natin na may malalim na kasaysayan na dinaanan ng bawat wika. Kaya karapatdapat na igalang natin nito.  At kung igagalang natin ang pagkakaiba ng wika, parte iyan sa paggagalang ng idea ng dibersidad.

dahil kung ginawa mo  yan, ginagalang mo ang kasaysayan at kultura ng tao.

Min Kyung Lee
4. Ano ang papel ng paaralan hinggil sa usapin ng multilinggwalismo at multikulturalismo?

Ang sistema ng edukasyon ay mahalaga para sa bawat indibidwal na magkaroon ng kaalaman at pag-unawa. Sa pamamagitan nito, kailangang maging tulong ang paaralan sa pagtataguyod ng multilingguwalismo at multikulturalismo upang bigyan-atensyon and mga ito at ang mga isyu na nakapalibot dito. Kung makakamit, ang lahat ay magiging mas may kaalaman at magiging mas bukas sa iba't ibang kultura at wika.

Ethan Kyle S. Lopez
1. Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Sa pamamagitan ng pagkilala at paggalang sa likas na pagkakaiba-iba ng bawat wika, binibigyan natin ng kahalagahan ang heritage ng kultura at samakatuwid, ang pagpapalakas ng pagkakakilanlan ng mga tao. Sa paggawa nito, ang mga tao ay mas maaring maging makabayan tungo sa sarili nilang bansa dahil sa kanilang malalim na pagkaunawa ukol sa kanilang pambansang wika at ang kariktan nito.

Analiza Jubay
1. Bakit mahalagang kilalanin at igalang ng bawat tao ang likas na pagkakaiba-iba ng/sa wika?

Mahalagang kilalanin at igalang ang pagkakaiba ng mga wika dahil sa bawat wika na ito nakapaloob ang makulay na kultura at kasaysayan ng mga gumagamit nito. Iba't iba ang pinagmulan ng mga wika kung kaya't Lagi natin isaisip na ang wika ay nagbibigay identididad sa Isang grupo ng tao, lugar o bansa. Isa rin ito sa mga kayamanang kayang dalhin ng kahit sino sa iba't ibang lugar upang maipagmalaki. Ang paggalang sa kanilang wika ay isang paraan ng pagbibigay halaga natin sa kanilang kultura at sa buong pagkatao ng taong gumagamit nito.