CHAPTER 18: DESCARTES by Aliah Marvee Eusebio

CLASSNUMBER (B0) // SURNAME, First name M.I. // 20y(0)
1. Ang pagiging mapagkumbaba (humble) at pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence) ay parehong positibong karakter ng isang tao. Pareho bang nasa iyo ang mga katangiang ito? Ipaliwanag ang sagot.
2. Aling parte sa report ni Aliah ang pinaka tumatak sa isip mo at bakit?

G - 19 REYES, JAN AMBER S. Y3
1. Ang aking pagiging pakumbaba ay bihira ko lang naman'y nararamdaman dahil sa aking pagkatao. Sa mga taon na aking binuhay tila ay hindi ko nagustuhan ang aking kaugalian ng pagiging mapakumbaba-- hindi sa "nagustuhan" kundi sa wala akong napapala sa ganoong katangian ng isang tao. Hindi lamang saakin kundi sa madami. Ngunit, ito ay opinyon ko lamang kung kaya't maari na hindi lahat ay sumangayon sa aking sinabi mula sa katangian na ito.

Sa aking palagay bilang indibidwal at sa ngayong momento na ito mayroon akong tiwala sa aking sarili dahil sa aking mga plano sa buhay. Maari na ito'y madami kasi ako'y isang tao na simple lamang ang kagustuhan, ngunit hindi ko ililimitado ang aking kayang abutin at hindi. Sa dami ng aking kagustuhan sa ngayon mayroon akong tiwala sa sarili na iilan doon ay aking makakamit. Ngunit, hindi ko masasabi na kung gaano katagal ko man iyon mararamdaman. Ang isang katangian at emosyon ng tao ay hindi nakapirming lalo na at ang oras ay patuloy na tumatakbo bawat momento na tayo ay humihinga. Ang aking lamang sinasabi, maari na ngayon nararamdaman ko ito-- walang kasiguraduhan kung kelan magtatagal kaya't hindi ako umaasa sa aking iisang katangian.

2. Ang tumatak sa aking kaisipan sa pag balita ni Binibining Aliah ay ang patungkol sa Artificial Intelligence dahil sa kanyang paliliwanag malaki ang posibilidad na ito ay mangyari dahil sa ating kagustuhan mapadali ang mga bagay bagay, tayong mga tao.

G17 // PEREZ, Grace Rosceth B. // 20y11
1.Bunga ng mga karanasan ko sa buhay ay masasabi kong mayroon ako ng dalawang katangiang ito... ngunit bunga rin ng pagiging tao ay naniniwala akong hindi ko pa ito ganap na taglay. Sa aking perspektibo, ang self confidence ay bunga ng humility.

Noong bata pa ako, nais kong mapuri, makita at mapansin. Akala ko noon mahina at maliit ka kapag nagpapakumbaba ka. Akala ko, kung sino ang pinakamaraming kuda ang siyang bida. Kapag matapang ka at palaban, panalo ka na.

Pero mali ako, nagkamali ako. Natutunan ko na ang pagyayabang at pagiging people pleaser is a weakness and not a strength. Narealize ko na kaya pala ako nagsisinungaling at humuhugot ng lakas mula sa papuri "nila" sapagkat hindi ko kilala ang "ako".

Umaasa ako noon na baka hindi na baleng hindi ko kilala ang sarili ko basta kilala ako ng lahat. Buti na lamang, may mga hindi inaasahang pangyayari na siyang nakapagpakumbaba at nakabukas ng isipan ko. Who knows? Kung anong kahihinatnan ko, what monster I would've been kung hindi binigay ng universe ang mga karanasang iyon. Para sa akin lahat ng mapait na pangyayaring iyon ay blessings in disguise dahil sila ang dahilan upang mas makilala ko ang sarili ko. Natutunan ko ang mga weaknesses at strengths ko... likes and hates... kung sino at ano nga ba si Rosceth. Kapag kilala mo na ang iyong sarili, magsisimula na ang pagbabago ng mga mali, paghuhugas ng mga dumi at muling pagpapalakas. I may have lost followers and people but I gained self love, self confidence. Mula noon, mas naging private na tao na ako dahil hindi ko na kailangan ng papuri nila - kaya ko na nang mag-isa. I am self confident because my mistakes gave me humility which then gave a clearer view of me. I am humble because I am human and I am weak but I am also confident because I know His grace will always guide me when I am being prideful. Muli, bunga ng mga karanasan ko sa buhay ay masasabi kong mayroon ako ng dalawang katangiang ito... ngunit bunga rin ng pagiging tao ay naniniwala akong hindi ko pa ito ganap na taglay.
2. Ang tumatak sa akin ay ang paggamit ni Marvee ng visual representation ng messages sa pagitan nina Sophie at Laila. Para sa akin, ito ay malikhaing approach sa reporting ng kabanatang masasabi na nating "boring" sa mga taong hindi naman nagbabasa as a hobby - katulad ko. Nakakatuwa lamang na nag-effort pa siyang maglagay ng ganoong extra effect na nakatulong sa akin upang maintindihan ang chapter 18!

G15 // ONG, RAVEN ANNE S. // 20y8
1. Masasabi kong mayroon akong katangian na mapagkumbaba sapagkat bata pa lamang ako ay isa na ito sa mga unang itinuro sakin ng aking mga magulang. Maging mapagkumbaba ka sa lahat ng oras sapagkat wala ka namang mapapala kung ikaw ay masyadong mapagmalaki ikaw ay kakainisan lamang ng mga tao kung hindi ka marunong magpakumbaba. Pagdating naman sa self-confidence, hindi ko masasabing nasa akin ito sapagkat sa ngayon ay unti-unti ko pa lamang itong binibuild up para sa aking sarili. Hindi ako confident sa aking mga ginagawa at sa loon-loob ko ay nahihiya ako kung kaya't sinusubukan kong ang pagkakaron nito.
2. Nagustuhan ko ang buod kung saan ikinwento ni Alberto ang tungkol kay Descartes. Tumatak sakin ang parte kung saan ayon kay Descartes, kaya niyang isipin na mayroong perpektong Diyos dahil kung wala nito wala din dapat kakayahan ang katulad niyang imperfect being na makapag isip ng mga ideya tungkol sa perfect beings.

B-6 | CRUZ, NIÑO ANDREA A. | Y4
1. Kung ako ang tatanungin masasabi na mayroon ako ng parehong katangian na ito pero hindi ko rin ito sigurado. Dahil di ko masabi na may tiwala ako sa aking sarili dahil minsan ay nagdududa din ako sa aking mga ginagawa minsan ay may pagkakataon na tinatanong ko ang sarili dahil minsan ay nakakagawa ako ng mga bagay na hindi ko pinagiisipan ng mabuti kung  maaaring magdulot ng hindi maganda sa akin o sa ibang tao. Sa aking paningin ay hindi pareho na nasa akin ito dahil minsan nga ya pinagdududahan ko din ang aking sarili dahil minsan ay mayroon ako mga bagay na ayaw gawin ngunit nagagawa dahil sa aking damdamin dahil minsan ay nag papadala ako sa aking emosyon. Ngunit para sa aking paningin lamang di ko alam kung ganito din ang nakikita ng iba sa akin ngunit sa aking opinyon ay hindi na pareho na may ganito ako. Para sa akin din ay hindi sa lahat ng oras ay alam natin ang ating mga ginagawa dahil minsan ay malabo ang ating pag iisip lalo na kapag mayroon tayong pinagdadaan na mabigat na problema dahil dito ay hindi tayo nakakapag isip ng mabuti at tama. Hindi sa lahat ng oras ay mapagkakatiwalaan natin ang ating sarili dahil mayroon tayong iba’t ibang emosyon na nakakaapekto sa ating mga desisyon sa ating buhay. Ayaw man natin ito mangyari ay minsan hindi nagkakasundo ang puso at isipan dahil ang utak ay para sa ating mga desisyon ngunit sa ating mga desisyon ay kailangan natin ng emosyon para malaman natin ang tama ngunit hindi lahat ng oras ay ang tama na emosyon ang ating nagagamit at dahil doon ay hindi tayo nakakapag isip ng tama at maayos.

2. Ang nagustohan ko sa report ni Aliah ay tungkol sa sinabi ni Descartes nagustohan ko ang sinabi ni Descartes na mayroong perpektong Diyos dahil kung walang perpektong Diyos ay walang mga imperketong nilalang na nag-iisip na mayroong Diyos na perpekto.

B-18 PEREZ, VAUGHN STEPHEN P. Y9
1. Isang magandang katangian ang dapat na tinataglay ng isang tao ang pagiging magpakumbaba at higit sa lahat ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili o self- confidence. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay isang bagay na hindi kailangan sukatin kung ano lamang ang sa tingin mong abot ng iyong kakayahan. Kadalasan, nasa tao ang talento ngunit hindi lamang ginagamit ang kaniyang kapasidad upang ito ay palawigin pa na nag uudyok sa pagkakaroon ng maling pagtanaw sa mga bagay. Halimbawa, mayroon kang pinupursue na isang bagay o pinagsisikapan ngunit sa tingin mo hindi mo kaya ang mga bagay o hindi mo malalampasan ang mga problemang kakaharapin habang tinatahak ang landas na iyon. Nagkakaroon ito ng negatibong epekto sa atin, hindi tayo nagtitiwala sa ating sarili kahit kaya naman natin kaya’t maraming pagkakataon o oportunidad ang nasasayang. Para sa akin may mga pagkakataon na mayroon akong tiwala sa aking sarili at mataas ang aking confidence dahil alam ko na kaya ko naman gawin ang isang bagay at kahit man mahirap ito pinagsisikapan ko pa rin itong makamit. Ayokong may nasasayang na oportunidad dahil ipinagkaloob ito sa akin ng Panginoon. Ngunit may mga pagkakataon din na nagooverthink ako sa mga posibilidad na mangyari mabuti man ito o masama, dahil hindi natin ito maiiwasan. Maraming bagay ang ating magagawa, masusubukan at higit sa lahat may matutunan tayo sa mga iyon kaya hindi dapat natin hinahayaan na ang ating sarili na ma-down sa mga bagay bagay, ika nga “mata sa langit, paa sa lupa”. Ang pagiging mapagkumbaba naman ay isa rin na magandang karakter na dapat tinataglay ng isang tao. Sa pamamagitan nito, marami tayong mga nagiging kaibigan at higit sa lahat ang pagiging mapagkumbaba ay isang aspeto rin upang tayo ay magtagumpay sa ating buhay. Ngunit ang pagiging magpakumbaba ay dapat maging balanse upang makontrol din natin ang ating self-confidence dahil ang pagkakaroon ng  masyadong mataas na kumpiyansa sa sarili ay tinitignan ng ibang tao na ito ay isang pagiging mayabang. Ngunit hindi dapat natin sila pinapansin sapagkat kung alam naman natin na wala tayong ginagawang masama magpatuloy pa rin tayo dahil wala sa ating ang problema kundi sa kanila. Hindi ko masasabi kung ako ba ay mapagkumbaba na tao dahil maaaring ang tingin ng mga kaibigan o pamilya mo sayo ay isang mapagkumbaba ngunit sa iba naman ay hindi. Pero sa aking palagay nakadepende sa sitwasyon kung dapat ba ako maging mapagkumbaba na lamang dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat magpaapekto tayo sa ibang tao, hindi ibig sabihin nito na ibaba natin ang ibang tao kundi maging balanse lamang.

2. Ang tumatak sa parte ng report ni Aliah ay ang sinasabing ang relasyon ng katawan at isipan. Sinasabi rito na kung ano ang iniisip natin ay iyon din ang kayang gawin ng ating katawan, kaya’t tumatak ito sa aking isip dahil sumasang ayon ako rito. Marami ng tao ang nagpapatunay nito at ako mismo sa aking sarili ay naniniwala rito.

B10 | ESTRADA, ADWENE CLIFF A. | 20Y04
Ako ay naniniwala na ang pagkakaroon ng tao ng katangiang mapagkumbaba at pagkakaroon ng tiwala sa ating mga sarili ay isang positibo at isang tunay na magandang bagay. Ngunit ako din ay naniniwala na ang pagkakaroon ng sobra sa tiwala sa sarili at ng pagkakumbaba ay isang negatibong bagay. Sa aking napapansin at sa aking paniniwala, tinataglay ko ang dalawang katangian ng pagkakumbaba at ng tiwala sa sarili, ngunit alam ko rin sa aking sairli na ako ay may kakulangan sa tiwala sa sarili. Dahil sa mga pangyayaring naganap nung ako ay paslit pa lamang na naapektohan ang akinig tiwala sa sarili. Maaari ring sa aking pag iisip na masiyado kong minamaliit ang aking sarili sa mga bagay na aking ginagawa. Sa tingin ko'y may panahon na nakukulangan o nasosobrahan ako sa pagpapakumbaba dahil hindi ko alam kung kailan ito lubos na kinakailangan. Ganoon din naman sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Naniniwala ako na may kaugnayan ang dalawang katangian na ito; kung mababa ang tiwala sa sarili ay sobrang mapagkumbaba, ngunit may iba na nasosobrahan naman sa tiwala sa sarili kaya nagiging mayabang at nawawala ang pagpapakumbaba. Kaya ako ay naniniwalang kailangan balansihin ng mga tao ang dalawang katangiang ito. Dahil, kung aking uulitin, ay sila nga ay magkaugnay. Ako sa sarili ko ay sinasanay na iangat ang aking tiwala sa sarili ngunit sinasanay din ang sarili na pantayin o balansehin ang dalawa upang hindi magkaroon ng negatibong epekto ang sobra sa tiwala sa sarili at pagkakumbaba sa aking katauhan

Sa pagtatalakay ni Marvee sa Kabanata 19 na pinamagatan at pumapatungkol kay Descartes ang tumatak sa aking isipan ay ang aral na kaniyang binanggit sa bandang huli ng kaniyang pagtatalakay. Ano nga ba itong aral na ito? Sinasabi dito na “Pangalagaan ang katawan dahil magkakonekta ang kalusugan ng katawan at ng isipan”. Bakit ko nga ba ito napili? Dahil ako rin ay naniniwala dito. Halimbawa nito kung bakit ko ito pinapaniwalaan...kung tayo ay may sakit, o masama ang kalagayan ng ating kalooban, hindi ba’t hindi rin tayo makakapagisip ng maayos, mas maiisip natin na ang ating kalagayan ay masama, imbis na makapag pokus sa ibang bagay. Dapat nating pangalagaan ang ating kalusugan dahil kung ito ay malusog at malakas, ganun rin ang ating isipan.

G11 // LAGMAN, Janna Louise P. // 20y3
Ang personalidad ng tao ay nagbabago sa paglipas ng panahon. Maaaring ang pagbabagong ito ay pag-unlad, at ang pag-unlad rin naman ay maraming depinisyon. Sa patuloy pagbabago ng personalidad ng tao na hindi rin naman makakaila sa sarili ko, may mga panahong ang pagiging mapagkumbaba at pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay umiiral sa akin.

Sa araw-araw na kinakaharap natin, patuloy natin dapat piliin ang maging mapagkumbaba. Para sa akin, ang taong maraming alam at tunay na matalino ay ang siyang nagpapakababa. Sapagkat ayon nga rin kay Socrates, “Wisest is she who knows she does not know.” Marapat nating maunawaan na ang lahat ng bagay na mayroon tayo ay wala lamang. Ang lahat ng mayroon tayo ay wala sa kalingkingan ng lahat. At kailanman ay hindi tayo naging higit sa iba, sapagkat tayo ay pantay-pantay. Kung kaya dapat tayo magpakababa, sa paraan ring ito ay maiiwasan natin ang pagkapahiya at makikita natin ang katotohanan. Ang pagiging mataas, mayabang o pag iisip na ikaw ay nakahihigit ay nakakabulag. Sapagkat akala natin ay alam na natin ang lahat, ang mga bagay at katotohanan. Ang mga bulong ng kapaligiran ay hindi na nagagawang pakinggan at pinaiiral ang sarili. Natatabunan ang iyong mga kakulangan at hindi mo na nakikita ang higit mo pang ikauunlad sapagkat para sa iyo ay magaling ka na. Ang pagiging mapagkumbaba ang siyang dapat pairalin. Aaminin ko sa aking sarili, ang lahat ng ito ay nalalaman ko dahil napagdaanan ko na ito at hindi ko maiiwasang minsan ay maging mayabang. Subalit nangingibabaw parin sa aking kaisipan na dapat tayo ay manatiling mapagkumbaba, na siya namang inilalagay ko sa aking sarili. Subalit hindi ibig sabihin nito ay hindi natin bigyang importansya ang ating sarili, na tayo ay may bilang din.

Magkaroon ng tiwala sa sarili, ito ang isang bagay na masasabi kong noon pa lamang ay katangian ko na. Lumaki akong lakas ng loob ang siyang naging sandigan upang ang mga bagay ay makamtan. Ang pagtitiwala at paniniwalang kaya mo ang pag-uugatan ng maraming bagay. Sa una palang kung sasabihin mong, hindi ko kaya o baka hindi ko kayanin, wala ka ng bagay na magagawa. Ang lahat ng hirap at dami ng gawaing mayroon tayo sa online classes na ito, ay napagtatagumpayan mo, bakit? Dahil sa simula pa lang, sa panahon na ikaw ay susuko na, muli ay babanggitin mo, kaya ko to, may tiwala ako sa sarili ko. Walang ibang makapagpapatunay at makakapagkumbinsi sayo kundi ang sarili mo, kung kaya dapat ang pagtitiwala ay magsimula sa iyong sarili.

Kaalinsabay ng pagpapaunlad ng personalidad ng iyong sarili, marapat na pangalagaan mo rin ang pisikal na pangangatawan at isipan mo. Kung kaya sa pagtatalakay ni Marvee, ito ang isang bagay na tumatak sa akin sa mga aral na inilahad niya. “ Pangalagaan ang katawan dahil magkaka konekta ang kalusugan ng katawan at ng kaisipan.” Sapagkat ang bagay rin na to ay pinapanatili ko sa sarili ko, at marapat na gawin rin ng iba lalo na sa panahon natin ngayon na laganap ang sakit, at gayundin ang kalungkutan at pangungulila na naidudulot nito.

G3 // DEL PILAR, Leiane Lerie M. // 20y7
1.) Para saaken tinataglay ko ang dalawang katangiang ito, ang pagiging mapagkumbaba at pagkakaroon ng tiwala sa sarili, ngunit may pagkakataon saaken buhay na nangingibabaw ang isa kaysa sa isa at may pagkakataon lang din naman na pantay sila, Dumako tayo kapag nangingibabaw saaken ang tiwala sa sarili, halimbawa na lamang sa sitwasyon na pakiramdam ko ay alam ko ang lahat at tama ang aking ginagawa na sa punto na di na ko nakikinig pa sa opinyon ng iba dahil alam na alam ko na sa sarili ko na tama ang ginagawa ko, pero lingid sa ating kaalaman na pwepwede tayo mapahamak sa ganitong paguugali. Doon naman tayo sa sitwasyon ko na ang pagiging mapagkumbaba ang nangingibabaw saaken, halimbawa na lang sa isang diskusyunan, pipiliin ko na lang na di sumagot o magsalita pa sapagkat maaring ito ay magdulot pa ng mas malalang gulo pero kung paano'y mali na talaga ang panig na iyun? hindi ba mali ang paguugali na ito?na manatili na lang tayong walang imik sa panahon na may mali na nangyayari dahil lang ayaw naten ng gulo?At panghuli ang pinakaimportante at mabuti na ating panatilihin, ang pagkakaroon ng balanse sa dalawang katangiang ito, halimbawa sa na lamang sa aking karanasan pagdumating ako sa punto ng diskusyunan ay pinipili ko pairalin ng tama ang dalawang ito, yung tipong papairalin ko ang self confidence sapagkat alam ko sa sarili ko na tama ang aking panig ngunit sa kabilang banda ay handa akong pakinggan ang panig ng iba at dito umiiral din ang mapagkumbaba sapagkat ito ang nararapat gawin sa buhay, mas lalo na sa dalawang katangiang ito, dahil ang dalawang katangiang ito ay magkapareha, sabihin nanaten na sila ay parehas na magandang paguugali ngunit hindi pedeng lumalamang ang isa dahil kapag ito ay nangyari ay mapapasama ka. Sa buhay naten may kailangan talaga tayong balansehin, kasama na roon ang ating mga paguugali, mabuti man yan o masama. Sabi nga nila LAHAT NG SOBRA AY NAKAKASAMA.

2.) Ang pinakatumatak saaken ay ang "Whatever we perceive with our reason also correspond to reality" kasi ang pagkakaintindi ko dito ay lahat tayo bilang mga tao ay may kanya kanyang naiisip, mga rason, emosyon or in short may kakayahan tayo magkaroon ng sariling desisyon sa buhay, pero ito ang maganda doon, kahit meron tayong ganitong mga kaisipan at kakayahan, kapag dumating sa isang punto ng ating buhay mas pipiliin paden naten yung tama at yung nararapat sa specific na sitwasyon na yun. Yung kahit meron na tayong naiisip na gagawen o paano idedeal yung sitwasyon na yun, na siguro sa tingin naten mas magandang gawen dahil nga saaten galing yun eh, pero lagi naten pinipili yung parang mas tamang gawen di lang para sa sarili naten ngunit para sa lahat. Kasi siguro nasa isip naten na saakin lang naman na isip at rason toh eto maaring oo pakiramdam ko eto yung tamang gawen pero para sa ibang tao ba eto yung tamang gawen? parang ganun, yung kumbaga yung mga nagiging paraan naten para magdeal sa isang sitwasyon ay hindi lang para sa sariling naten ikakabuti ngunit para den sa ikabubuti ng karamihan.

B-2 | Biwit, Francois Zuriel, N. | 20y8
1.  Masasabi ko mayroong akong ganitong mga katanginaan sakin. Pero hindi ko palagi ito nagagampanan. Minsan hindi ako nagiging self confident sa sarili ko kase mababa ang naiisip ko sa aking sarili. Minsan diko pinagkakatiwalaan ang aking sarili kapag ako'y pinagawan ng mga bagay na hindi ako sigurado kung matutugunan ko ito. Pero minsan lang ito nangyayare . May sel Confidence din ako kase alam ko ang aking mga kakayahan pati narin ang mga kalakasan ko at kahinaan. Nakatakda ako ng mga inaasahan at layunin, makipag-usap nang husto, at maaaring hawakan ang pagpuna. Tulad din ng Self Confidence may Humility din ako sa aking sarili, iniisip ko na mababa pa ako at diko alam lahat, kaya ako'y tumatanggap ng mga pagkakamali at nagiging open minded upang matuto sa mga iba't ibang bagay.
2. Ang mga tumatak sa akin patungkol sa report mo ay ang buhay ni Descartes. At ang kanyang  philosophies at ang kanyang mga nasulat na libro.

G20 // RILLERA, Leidiel G. // 20y10
1. Masasabi kong ako'y isang mapagkumbabang tao ngunit may kakulangan sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Ngunit mayroon naman ako na parehong positibong karakter na ito. Ang pagiging mapagkumbaba ay aking mas pinahahalagahan ngunit hindi ibig sabihin na ikaw ay mapagkumbaba ay dapat mawala na sa iyong karakter ang pagkakaroon ng self-confidence. Subalit mayroon sa atin ang nag-aakala na porket mayroon kang mataas na self-confidence ay masyado nang mataas ang tingin mo sa iyon sarili. Ipinagmamalaki ko ang aking pagiging mapagkumbaba at isa ito sa paraan upang magkaroon ako ng tiwala sa akin sarili, ngunit hindi ko masasabing ito ay masamang katangian sapagkat walang masama sa aking pagkakaroon ng tiwala sa sarili at lalo na sa pagiging mapagkumbaba dahil ito mismo ang aking dahilan kaya ako mayroong tiwala sa aking sarili.

2. Tumatak sa aking isip ang parte kung saan isinalaysay niya kung ano ang bumabagabag sa isip ni Descartes patungkol sa paniniwala sa ating mga senses, o kung paano nagiging isa ang ating mind sa physical world. Kasama na ang kaniyang pagpapaliwanag sa ating mga panaginip at kung paano ba tayo naaapektuhan nito, o kung nakakaapekto nga ba ito sa reality? o isa lamang itong ilusyon na gawa-gawa lamang ng ating mga senses.

G13 // MENDOZA, Marionne Querelle R. // Y3
1. Ako ay mapagkumbaba dahil pinalaki ako ng aking mga magulang ng may ganitong katangian. Tinuruan nila ako maging humble dahil alam ko ang aking lakas, na nagbibigay sa akin ng tiwala sa sarili– dahil dito, hindi ko pinagmamayabang ang aking mga kakayahan. Ngunit masasabi ko na mababa lamang ang aking tiwala sa aking sarili, dahil mahiyain ako simula pa nung bata ako.Sinusubukan ko ang aking makakaya para lumaki ang aking tiwala sa sarili, para sa ikauunlad ng aking buhay.hindi pwede na wala akong tiwala sa aking sarili, at gagawin ko ang lahat upang magkaroon ako ng ganito, para magka confidence sa sarili ko.

2. Ang tumatak sa aking isip sa report ni Aliah ay ang huwag matakot mag isip at magsalita. May mga iba’t ibang oras na kung saan tinatanong natin ang ating sarili tungkol sa mundong ito, at hindi ito masama. Mabuti ito dahil naging curious at aware tayo sa ating paligid. Hindi masama maging isang curious na tao, Ang pagnanais ng kaalaman at maghanap ng mga bagong bagay ay makakatulong sa atin na manatiling alerto at pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa patuloy na pagbabago ng kapaligiran. Ang pagiging curious ay ginagawang aktibo ang ating isip. Ang mga taong laging may tanong ay laging naghahanap ng mga sagot. Ang kanilang isipan ay palaging aktibo.

B9 // DEL ROSARIO, Rex Gabriel V. // 20y1
1.May mga bagay tayong nakikita sa ating sarili na hindi makita ng iba. May mga bagay rin na nakikita ng iba sa atin ngunit tayo mismo ay hindi ito makita. Para sa akin, walang makapagsasabi kung sino talaga tayo o kung anong katangian at pagkatao ang ating taglay. Maaaring para sa akin ako ay mapagkumbaba ngunit para sayo ako ay mayabang. Walang tama at walang mali dahil ang dalawang ito ay mga opinyon lamang, walang katotohanan. Ngayon, kung opinyon ko ang tinatanong, ako ay hindi mapagkumbaba. Isa akong mayabang na tao marahil ay mayroon akong ipagyayabang at nais ko lamang ito ipagmalaki sa iba. Mayroon akong tiwala sa aking sarili, sa katotohanan, sobra-sobra ang tiwala ko sa aking sarili. Kaya’t napupunta ako sa sitwasyon kung saan hindi ko alam ang gagawin ko. At napupunta ako sa sitwasyong iyon dahil akala ko ay abot pala ng kakayahan kong magawa iyon ngunit hindi pala. Isa akong taong iyong matatawag na “overconfident”. Ang mga ito ay opinyon ko lamang sa aking sarili.

2.“How do I know my entire life isn’t just a dream, playing out in my head?” Tumatak sa akin ang partikular na linyang ito mula sa kaniyang report. Sa kadahilanang ako ay napaisip rin sa aking buhay. Wala tayong paraan para patunayan kung totoo ba ang buhay o isang imahinasyon lamang. At dahil wala tayong patunay, hindi natin alam ang katotohanan. Nakamamangha na ang bagay na meron tayo sa araw-araw ay hindi pa rin natin sigurado kung totoo nga ba itong nag-eexist. Ang tinutukoy ko dito ay ang buhay. Paano nga ba kung hindi talaga ito totoo?Maiiba baa ng paraan ng ating pamumuhay?

G14 // ONA, Alexandra Marie DJ. // 20y8
1. Ang parehong katangian na ito ay nasa akin, ngunit nagkakaiba ito ng lebel ayon sa aking edad. Noong bata pa ako, sobrang taas ng tiwala ko sa sarili, sapagkat bata pa, hindi ka pa mulat sa opinion ng ibang tao. Ang tanging alam mo lang ay magsaya, kahit minsa’y napapahiya ay hindi nawawala ang ating self-confidence. Unti-unting tumatanda, namumulat ka na sa mapait na katotohanan ng buhay. Katotohanan na anomang gawin mo ay may masasabi at masasabi ang tao sa paligid mo at susubakan ka nilang kontrolin. Unti-unti ding nawawalan ng tiwala sa sarili sapagkat nagiging insecure na. Tinatamaan na ng mga masasakit na salita mula sa mga tao. Magdako naman tayo sa usaping pagiging mapagkumbaba. Noong bata ay natuto na dapat talagang gumalang at magpakumbaba sa mga taong mas matatanda sabiyo. Ngunit nang makapulot ng kaunting kaalaman, masyadong lumaki ang ulo, parang nagmamataas na kahit sa mga taonga lam niya na dapat respetuhin. Nang mas malawak na ang pagkakaintindi sa buhay, natutunan ko na anomang anatas o kakayahan ang meron ka ay di ka dapat makalimot na mapagkumbaba sa kahit kanino pa man. Sa kabuoan, pareho parin namang nasa akin ang mga katangiang ito subalit hind inga lamang pantay sapagkat at mataas na ang pagiging mapagkumbaba ko kaysa sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Maaaring mula sa mga pinagdaanan sa buhay, talagang naiiba ang lebel nito ngunit hindi ito mawawala sa atin.

2. Ang pinaka-tumatak sa akin mula sa report ay ang katagang “I think, therefore I am.” Sapagkat napakaganda ng pahiwatig nito kung iisipin ng malalim. Sinasabing ang pinaka basic na katangian ng isang tao ay ang kakayahan nitong makapag-isip at ito raw ang nagpapahiwatig sa ating buhay talaga tayo at totoo. At para masabing buhay ka talaga, ang pag-iisip na ito ay mas maraming nagagawa. Dapat alam mo kung paano nagkaiba ang tama at mali. Dapat alam mo ang moralidad ng tao. At para masabi talagang nag-eexist ka, bukod sa nakakapag-isip ka ay ang kakayanan mong umunawa ng sitwasyon at kakayahang mag-adapt sa ginagalawan mo. Sa katunayan, wala naman talagang kasiguraduhang namumuhay tayo sa mundo kung paano natin ito nalaman dahil maaaring may mas malalim pa roong mga bagay, ngunit dahil sa kakayahan nating mag-isip, darating ang panahon na mabubunyag din ito.

B-11 | Gaspar, John Edizon O | Y2
1. Naniniwala ako na ang pagkakaroon ng dalawang katangiang ito sa isang tao ay isang positibong epekto sa atin. Masasabi ko na meron akong dalawang katangiang ito na pagiging isang mapagkumbaba at pagkakaroon ng tiwala sa sarili, ngunit pagnadala tayo ng ating mga emosyon ay nagiging negatibong epekto ito sa atin. Tulad ng tayo ay tuwing magkakaroon ng reporting o kaya isang paligsahan bilang isang grupo at maraming nanonood sa atin, minsan ay nawawala tayo ng tiwala sa ating sarili dahil marami tayo iniisip sa sitwasyon na iyon baka kasi kapag ikaw ay nagkamali ay baka mapagalitan ka ng iyong grupo o mapahiya sa dami ng taong nanonood sa inyo. Dapat tayo ay magkaroon ng tiwala sa sarili dahil sa tagal mo kasama ang iyong kagrupo at matagal nyo itong pinaghandaan ay dapat ipakita nyo na kaya nyo gawin ang lahat.

2. Ang tumatak sa akin sa parte ng report ni Aliah ay ang isa sa kanyang mahalagang pangungusap na "You begin to work your own philosophy" dahil tayo lamang ang makakapili sa ating landas at mahanap ang mga kasagutan na ating hinahanap

G22 // SALAMAT, ARABELLA BEATRIX F. // 20Y3
1. Sa tingin ko ang pagiging mapagkumbaba at pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay parehong positibong karakter ng isang tao, na pareho ko din nakamit. Ako ay 16 taong gulang pa lamang at wala pang nararating sa buhay, bata pa ako at walang maipagmamalaki sa buhay kundi ang buhay na ibinigay sa akin ng aking mga magulang. Madami pa akong dapat matutunan at handa akong matuto pa hanggang sa ako'y tumanda na. Masasabi ko naman na ako ay mayroong tiwala sa aking sarili sapagkat handa akong tanggapin ang hamon ng bawat kaalaman, na alam kong matututunan ko din naman, sa bandang huli.

2. Ang pinakatumatak sa isip ko sa report ni Aliah, ay ang parte kung saan sinabi niya ang katagang "You begin to work your own Philosopy" at dinugtungan ito ng eksplanasyon na "Huwag matakot magisip at magsalita. May mga panahon tlga na kailangan natin magtanong at paminsan minsan ay sumagot" ako ay naantig dito sapagkat ako, paminsan-minsan ay hindi ako nagsasabi ng aking saloobin sa mga bagay na alam kong medyo tagilid at kung minsan ay pinipigilan ang sarili sa pagtatanong sapagka't nakakahiyang magtanong sa taong mamaliitin ang kakayahan mo porket nagtanong ka ng isang bagay na tingin nila ay 'obyus' naman.

B17 // PASCUAL, Emmanuel P. // 20y7
1. May mga bagay rin na nakikita ng iba sa atin ngunit tayo mismo ay hindi ito makita. Para sa akin, walang makapagsasabi kung sino talaga tayo o kung anong katangian at pagkatao ang ating taglay. Minsan para sa akin ito'y nakadepende rin sa kasalamuha ko at sa sitwasyon, kung alam ko naman na may maipagmamalaki ako bakit hindi ko pa lubos-lubosin. Para naman sa tiwala sa sarili, ay mayroon akong tiwala sa sarili kong kakayahan, lalo na sa mga bagay na naranasan ko na o di kaya'y napagdaanan ko na.

2. Ang tumatak sa isip ko na bahagi ng report dito ay noong sinabi nya na "ang iniisip ng isang utak (mind) ay kayang gawin ng isang katawan sa pamamagitan ng paggalaw". Dahil sa panahon ngayon ganitong ganito na ang nangyayari. Halimbawa na lamang ang mga pang-aabuso ng mga kapulisan ngayon, kung ano na lamang ang kanilang maisipan ay iyon ang kanilang gagawin, kung gusto nilang kumitil ng buhay ay gagawin nila 'yon.

G5 | ESTRELLA, Anne Lorraine D.G. | 20y2

B-19 || QUINAY, DOMINIC SEBASTIAN RHAY N. || 20Y6
500 WORDS
1. Gaya ng lahat ng himno ng Simbahan, ang “Magpakumbaba Ka” ay nagtuturo ng simple at dalisay na mga katotohanan. Itinuturo nito na kung nagpapakumbaba tayo, sinasagot ang ating mga dalangin; magiging payapa ang ating isipan; mas epektibo tayo sa paglilingkod sa ating mga tungkulin; at kung patuloy tayong nagiging matapat, magbabalik tayo sa piling ng ating Ama sa Langit.

Itinuro ng Tagapagligtas sa Kanyang mga alagad na kailangan silang magpakumbabang gaya ng maliit na bata upang makapasok sa kaharian ng langit. Sa pagpapalaki natin sa ating mga anak, kailangan natin silang tulungang manatiling mapagpakumbaba hanggang sa pagtanda nila. Hindi natin ginagawa ito sa pagkasira ng kanilang kalooban sa pamamagitan ng kalupitan o sobrang higpit na pagdisiplina. Habang nililinang ang kanilang pagtitiwala sa sarili at pagpapahalaga sa sarili, kailangang ituro sa kanila ang mga katangian ng di-pagkamakasarili, kabaitan, pagsunod, kawalan ng kayabangan, pagiging magalang, at hindi mapagkunwari. Kailangang matuto silang magalak sa tagumpay ng mga kapatid at kaibigan. Itinuro ni Pangulong Howard W. Hunter na ang “ating tunay na malasakit ay dapat para sa tagumpay ng iba.” Kung hindi, ang tanging hangarin nila ay sariling pakinabang at lamangan ang iba, pagkainggit, at masamang-loob sa tagumpay ng mga kasama. Nagpapasalamat ako sa aking ina na, kapag nakikita niyang nagyayabang ako ay nagsasabing, “Anak, ang kaunting pagpapakumbaba sa ngayon ay malaking kapakinabangan kalaunan.”

Ngunit ang pagpapakumbaba ay hindi lamang sa mga bata itinuturo. Kailangang sikapin nating lahat na lalo pang magpakumbaba. Kailangan ang kababaang-loob para makamit ang mga pagpapala ng ebanghelyo. Sa pagpapakumbaba ay nababagabag ang ating puso kapag nagkasala tayo o nakagawa ng mga kamalian at ginagawa nitong posible na makapagsisi tayo. Sa pagpapakumbaba tayo ay naging mas mabuting magulang, anak, asawa, kapitbahay at kaibigan.

Ang ibig sabihin ng tiwala sa sarili ay ang paniniwalang makakamit at magagawa ang mga bagay na hindi kailangang sukatin kung ano lang sa tingin mo ang magagawa mo. Madaming naiiba kung ikaw ay nagtiwala sa sarili mong kakayahan na makamit ang iyong mga pangarap. Kung minsan, nasa atin na ang talento, abilidad at pati swerte pero hindi pa rin magawa ang mga bagay-bagay. Ito ay dahil sa mayroon pang kulang, ang self-confidence o tiwala sa sarili. Kaya ang tanong, paano magkaroon ng self-confidence.

Maging positibo.Ang pagkakaroon ng self-confidence ay estado ng iyong pag-iisip. Kung ano ang nasa iyong isip na kaya mong gawin, yun ang magbibigay sa iyo ng tiwala sa sarili. Kaya naman makakatulong at makakabuti talaga na positibo ang iyong pananaw sa mga bagay-bagay.

Para sakin ay mayroon ako ng dalawang iyan sapagkat iyon ang turo sa akin upang isang maging matagumpay na mamamayan.

2. Ang tumatak sa aking isipan tungkol sa ulat ni Aliah Marvee ay ang “The only path to true knowledge is reason. Sapagkat para sa akin, ito ay makatotohanan. Para sakin wala ang mga rason kung walang tanong, at sa tanong lahat nagsisimula ang karunungan. Hindi masamang magtanong lalo na’t kung ito ay para sa nakakabuti at para sa ikabubuti mo. Ang pagtatanong ay hindi kahinaan, ito ay kalakasan.

B8 | DEGUZMAN, SEBASTIAN GABRIELLE P. | Y7
Ang dalawang karakter na ito ay dapat tinataglay ng Lahat ng tao dahil ang dalawang ito ang isa sa mga magpapausad sa atin sa takbo ng Buhay. At Kung tatanungin man ako kung tinataglay ko ba Ang dalawang ito sasagutin ko ito ng humble with self-confidence dahil alam ko sa Sarili ko na pinoposses ko Ang dalawang ito dahil Kung hindi, ay wala ako sa aking kinakatayuan ko Ngayon, hindi ko sinasagutan ang question na ito ngunit bakit andito ang Ngayon Nagsasagot? Dahil iyan ay nagtitiwala ako sa aking Sarili, may tiwala ako sa aking mga ginagawa, dahil itong dalawang karakter na ito ay mahalaga sa bawat tao.

Ang nagustuhan ko na parte ng report ni Aliah ay yoong artificial intelligence pinakita rito ang pakikipag usap ni Sophie Kay laila nakakagulat lang dahil noong panahon Nila ay natuto agad sila gumamit ng mga computer na sobrang laki ng Tulong sa atin Ngayon sa kasalukuyang panahon

G 10 | HERNANDEZ, Nica Thereese S. | 20y9
1. Kung titignan ko ang aking sarili ay sa tingin ko naman ay mayroon ako nitong dalawang positibong mga karakter. Ngunit syempre paminsan-minsan ay mas nangingibabaw ang isa. Minsan ay nangingibabaw ang pagiging mapagkumbaba ko na nakalilimutan ko nang i-acknowledge ang aking sariling mga abilidad. Minsan naman ay nangingibabaw ang aking self-confidence na nagmumuka na akong mayabang. Kaya naman sa aking opinyon ay dapat pantay lamang ang dalawa. Ang pagiging self confident is about feeling good about yourself at hindi para tumaas ang tingin mo sa iyong sarili. Dahil kung mataas ang tingin natin sa ating sarili ay parang mababa na din ang tingin natin sa ibang tao. May mga pagkakataon na 'di talaga natin mapapansin na tayo pala ay over confident na kaya naman kailangan pa din natin maging aware kahit na ang self confidence is about feeling good about yourself. Syempre, hindi naman lahat ng tao ay pareho ang tingin sayo kumpara sa tingin mo sa sarili mo.
2. Ang tumatak sa akin mula sa report ni Aliah ay ang aral na "You begin to work your own philosophy.". Lahat tayo ay may karapatan magsaita at mag-isip. Kaya 'wag tayong makikita dahil ang mga tanyag na mga pilosopo ngayon ay hindi natin makikilala sa araw na ito kung hindi nila naibahagi ang kanilang mga kaisipan.

G-9 | GONZALES, Milien Hanna E. 20y5
Ang katangiang mayroon ako ay ang pagiging mapagkumbaba. Hindi ako mayabang sa kung anong mayroon ako. Hindi ko ipinagmamalaki ang sarili ko. Ipasok natin diyaan ang self-confidence. Wala akong self confidence. Minsan tumatago ako sa dilim. Minsan hindi ko nagugustuhan yung pagmumukha ko at katawan ko. Iba ang pagiging mayabang sa self-confidence. Ang mayabang, ipinapakita mo yung mga bagay na mayroon ka, "You're flexing" para magselos ang mga tao. Ang self-confidence, sa kung anong mayroon ka, hindi ka nahihiyang ipakita ang sarili mo kung sino ka talaga. Iba ang walang self-confidence sa pagiging humble. pagwala kang tiwala sa sarili, tinatago mo lahat at hindi ka na nakakapagsocialize. Maipapasok natin dito ang 'insecurities'. Sa pagiging humble, hindi ka nagmamayabang kundi ayaw mo lang na magmukhang mayabang.

2. Ang parteng tumatak sa report ni Aliah ay ang huling mensahe, "Huwag matakot mag-isip at magsalita. May mga panahong talagang kailangan natin magtanong at minsan nama'y kailangan tayong sumagot." Sang ayon ako dito, sabi nga ni Maam Jojo. Walang mali sa pagtatanong. Ang mga nagtatanong ay matatalino.

B27 Sumodlayon, Josue Rolbryon M. 20y11
1.Masasabi ko na mayroon akong parehas na katangian na pagkakaroon ng tiwala sa sarili at pagiging mapagkumbaba, ngunit hindi ito ang katangian ko lagi lagi, kadalasan sa ating buhay ay mayroon tayong duda sa ating sarili, halimbawa nito ay kung ikaw ay may kompetisyon. Lahat tayo ay nakaranas na nito, binababa natin ang ating sarili dahil ala tayong confidence sa ating gawain. Masasabi ko rin na lahat tayo ay mayroon ganitong katangian at hindi rin lagi lagi na iibahagi dahil nga sa parehas na rason, Ngunit wag nating kalimutan na pwede natin itong labanan upang hindi ma overcome ng mga negative vibes na binibigay natin sa ating sarili. Ang pagiging humble ay magandang katangian sa tao ngunit kung ito’y sumobra o nagiging overconfident tayo, pwede tayong isipin ng ibang tao na tayo’y nagyayabang. Sa huli ang parehas na katangian na ibinigay ay positibo ngunit kung hindi mo ito makontrol pwede kang maging toxic sa kapwa mo o sa sarili mo. Ang point ko, Oo mayroon akong parehas na katangian, at kung itatanong sa ibang tao, nakadepende na lang sa kanilang ugali o pagkatao.

2.“I think before I am” o May kakayahan akong mag-isip, at patunay iyon na ako ay buhay at totoo. Ito ang tumatak sa isip ko sa reporting ni marvee. Mayroong oras sa ating buhay na iniisip natin ang kahulugan ng buhay, karamihan nga sa mga tao ay napapaisip ito hanggang sa kanilang kamatayan. Pinapakita dito na wag alalahanin ang mga iba’t ibang komplikasyon sa buhay at laging isipin na simple lang ang ebidensya sa buhay. Kung ako ay may kakayahang mag-isip mayroon na akong buhay, at kung minsan ito ang simpleng sagot sa katanungan ng iba’t ibang tao tungkol sa buhay.

G4 // DORUPA, Andrea Francesca V. // 20y4
1) Ang pagiging mapagkumbaba ay isa sa mga mabubuting katangian na DAPAT mamalas natin sa isang tao. Walang sinuman na dapat magmalaki sa kanyang sarili sapagkat sino ba ang nakapangyari upang magawa niya ang mga bagay na ito kundi ang Dios. Gayunpaman, magbibigay ako ng iba pang perspektibo na maaaring ibigay sa tanong na ito. Sa puntong ito, marahil alam na ninyo ang golden mean kung saan lahat ng bagay ay gumawa ng may moderasyon. Nararapat na tayo’y maging mapagkumbaba ngunit hindi sa punto kung saan ay ibinababa na natin ang ating sarili. Kaya ganoon nalang kahalaga ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili. (Ako’y naniniwala na sa Dios dapat tayo magtiwala at hindi sa ating sarili ngunit sasagutin ko ang tanong na ito sa paraan na mas madali ninyong maintindihan.) Importante ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili dahil dito nagmumula ang pagtingin at pananaw natin sa mga bagay-bagay. Dito tayo humuhugot ng lakas sa tuwing nanghihina tayo. Halimbawa, may nagsabi sa iyong “bobo” ka, kung alam mo naman sa iyong sarili at may tiwala ka sa iyong nalalaman ay hindi ka gaanong magiging apektado rito.

Parehong positibo ang mga katangian na ito at sila’y nagiging negatibo lamang kung ito’y sumosobra. Siguro’y maaari kong sabihin na ang parehong katangian na ito’y nasa akin kung ang pagbabasehan ko ay ang pagtingin ko sa aking sarili. Base sa aking sagot agad nang masasabing may tiwala ako sa aking “sarili”. Hindi ko matitiyak kung ako’y totoong mapagkumbaba o hindi ngunit sa abot ng aking makakaya ay hindi ko ipinagmamalaki ang aking sarili.

2) Ang pinakatumatak sa akin sa report ni Aliah ay ang paggamit niya ng visuals. Unique ito at kakaiba, sa pamamagitan ng paggamit ng visual aid na ito ay nakatulong ito upang mas madali kong maintindihan at maalala kung ano ang ilang pangyayaring naganap sa kabanatang ito. Nakausap ni Sophie ang isang Artificial Intelligence robot. Nagtataka si Sophie sapagkat kilala nito si Hilde at si Albert Knag ngunit ayaw ipagsabi ng robot kung sino o nasaan sila lalo na si Albert Knag. Sa huli, bagamat hindi inaasahan ni Alberto Knox ay nagkaroon ng maikling paguusap si Albert Knag at si Sophie. Si Alberto ay nagalit at hindi na binanggit pa ni Sophie ang nais nya sanang sabihin o napansin tungkol sa pangalan ng dalawa.

G21 | Robledo, Shanigay G. | 20y9
1. Masasabi ko na parehong nasa akin ang katangiang ito. Ang pagiging makumbaba ay kayang Kong maunawaan aang aking  nga kapwa tao at nilalakawan ko na lamang ang aking isip sa lahat ng sitwasyon o sa isang pangyayari. Ito ay isang mabuting katangian na dapat taglay nating lahat ngunit hindi dapat ito masobrahan dahil kadalasan tayo ay naaabuso at naaapi. Mas maganda na nasa tama kang katwiran, magpaumanhin at magpatawad sa mga sitwasyong hindi na kailangang umabot pa sa sakitan o sa kahulugan. Ang pagtitiwala sa sarili ang paniniwalang nakakamit at magagawa ang mga bagay na hindi kailangan sukatin kung ano lang sa tingin mo magagawa mo. Madaming maiiba kung ikaw ay magtitiwala sa iyong sarili na kaya mong gawin ang mga bagay na gusto mong makamit. Kung minsan, nasa atin na ang talento, abilidad at pati swerte pero hindi pa rin magawa ang mga bagay-bagay. Ito ay dahil sa mayroon pang kulang, ito ay ang pagtitiwala sa sarili. Kung wala ka neto ay hindi mo maipapakita sa iba na kaya mo at lagi mong kinakaya.

2. Ang parte sa report na tumatak sa akin ay ang pangungusap na "we cannot even trust what our senses tell us, maybe they are deceiving us" na nangangahulugan na kahit gaano kalapit at kahit gaano katagal mi nang kasama ang isang tao, hidni mawawala ang possibilidad na ikaw ay maloko. Kahit sabihin natin sa sarili natin na kaibigan natin sila, meron din sa part natin na nangangamba, paano kung hindi pala kayo parehas ng nararamdaman sa isa't isa. Sabi nga nila kung sinong tao pa ang kilalang kilala mo siya pa yung taong sisira sayo.

B-12 // MANUZON, Ma. Kristina D. // 20y1
1. Ang pagiging mapagkumbaba (humble) at pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence) ay parehong positibong karakter ng isang tao. Pareho bang nasa iyo ang mga katangiang ito? Ipaliwanag ang sagot.

-Para sa akin taglay ko ang mga katangiang ito sa ibang aspeto ng aking mga gawain at pamumuhay. Minsan ay maaaring maging mapagkumbaba ako  ngunit minsan ay hindi sapagkat may mga bagay tayong ninanais na makamit at sa tuwing nakakamit natin iyon ay maaaring hatid narin ng ating emosyon ay di natin mapigilan na magmalaki sapagkat ganun tayo kasiya sa ating nakamtan. Tiwala sa sarili. Alam kong maaaring malabo itong mga katagang na aking babanggitin ngunit sa totoo lang ay hindi ganun kalakas ang kumpiyansa o tiwala ko sa aking sarili sapagkat sa rami ng mga batikos na aking natatanggap sa kadahilanang nagpapakatotoo lamang ako ay naapektuhan na nito ang tiwala at kumpyansa ko sa aking sarili, dahil dito naapektuhan na rin nito ang pagiging mapagkumbaba ko. Maaaring sabihin ng iba na pinepeke ko lamang ang aking mga kasagutan sa kabanata na ito ngunit alam ko sa sarili ko kung may katotohanan nga ba ang lahat ng aking mga sinasabi. Ang dalawang bagay na ito ay dapat taglayin ng bawat isa sapagkat naniniwala ako na isa itong importanteng aspeto o paguugali kung tawagin  na bumubuo sa iang tao.

2. Aling parte sa report ni Aliah ang pinaka tumatak sa isip mo at bakit?

-Ang pinakanagustuhan ko sa reporting ng aking kamagaral na si Binibining Eusebio ay ang katagang “You begin to work your own Philosophy” na nabanggit sa isaa sa mga makabuluhang salita sa inireport niyang kabanata na nangangahulugang May mga pagkakataon sa buhay kung kailan kailangan tayo mismo ang humanap ng sarili nating daan o kasagutan. Para sa akin ang maikling kataga na ito ay ipinahihiwatig na minsan sa ating buhay ay kakailanganin natin lamang ang ating sarili upang matuklasan ang mga kasagutan na matagal na nating hinahanap. Gaya na lamang ng mga aral na nagiintay lamang na silay matuklasan at mahanap. Tanda ko pa nang una kong malaman ang tungkol sa sophies world, ako ay nasa ikawalong baitang noon at nakita ko ang trailer ngsophie’s na ginawa ng mga asa ikasampung baitang at una kong natandaang kataga roon ay ang “who are you”. Simula noon ay napagtanto ko na ang ating sarili lamang ang nagiisang makakasama natin.

B23 | SALAMAT, Justin Penley Dc. | 20y6
Para sa akin, masasabi ko na nasa akin ang katangiang mapagpakumbaba. Hindi kinakaya ng konsensya ko na may tinatapakang ibang tao habang ako ay umaangat paunti unti. Masasabi ko sa sarili ko na kaya kong magpakumbaba sa lahat ng bagay. Mahirap isipin na hindi sa lahat ng bagay ay ikaw ang biniyayaan, kailangan isipin mo rin ang ibang tao na nangangailangan. Ang pagkakaroon naman ng self confidence ay hindi ko nasisigurado sa sarili ko dahil kadalasan ay nawawalan na ako ng tiwala sa sarili minsan dahil sa ibang tao. Hindi sa lahat ng oras ay hindi ako mapagkatiwalaan ang aking sarili dahil hindi ako laging nagtatagumpay ang mga gawain ko at hindi lahat ito ay naitataguyod ko.

Ang tumatak sa aking isipan sa inireport ni Aliah ay ang tungkol sa artificial intelligence. Dahil sa mga sinabi niyang ito na ito ay pwedeng mangyari at ito ay makakatulong sa taumbayan para sa pagpapadali ng pamumuhay ng mga tao.

G23 // SANTOS, Mary Joy M. // 20y1
Ang bawat tao ay mayroong kanilang sari-sariling mga karakter na nahuhubog habang sila ay tumatanda. Mayroong mga negatibo ngunit mayroon din namang mga positibo. Kagaya na lamang ng pagiging mapagkumbaba at pagkakaroon ng tiwala sa sarili, ito ay mga tunay na positibong karakter na maaaring mataglay ng isang tao. Ang pagiging mapagkumbaba ay nangangahulugang hindi ka mayabang at hindi mo pilit na itinataas ang sarili mo at patuloy ka lamang ang pag-apak ng iyong paa sa lupa, sa kabilang banda naman, ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay nangangahulugang hindi ka mahiyain dahil buong puso mong sinasabi at ginagawa ang isang bagay dahil alam mong kaya mo ito. Kung tatanungin ako kung mayroon nga ba ako ng mga katangian na ito, ang masasabi ko lamang ay “minsan”.

Kung sasabihin ko na ito nga ay aking itinataglay, ako’y magsisinungaling sapagkat nakadepende ito sa sitwasyon. Kaya “minsan” ang aking kasagutan. Kapag sinabing minsan, ito ay hindi palagian na nangyayari. Ngunit sa palagay ko, madalas akong mapagkumbaba, laging nasa lupa ang aking mga paa at hindi ko ‘to inaalis, ngunit may ilang pagkakataon na hindi ko namamalayan na umaangat na pala ang aking paa at lumalaki na ang ulo. Kapag ganito ang sitwasyon, agaran kong binababa muli ang sarili sapagkat alam kong ito ang tama at nararapat.

Sa pagkakaroon naman ng tiwala sa sarili, masasabi ko na hindi ito madalas mangyari, sapagkat madalas, alam kong hindi ko pinagkakatiwalaan ang sarili ko at sinasabi ko agad na hindi ko kaya ang isang bagay kahit na hindi ko pa naman ito nasusubukan. Masasabi kong naging hadlang ang pagkakaroon ko ng maliit lamang na tiwala sa sarili upang maipakita ang “full potentials” ko bilang isang tao. May pagkakataon namang nagkakaroon ako ng tiwala sa sarili, lalo na kapag kinakailangan ko talaga nito, at masasabi ko na masarap sa pakiramdam ang paniwalaan ang iyong sarili na kaya mo ang isang bagay. Masaya sa pakiramdam na may naniniwala sayo.

Ang tumatak sa aking isipan sa report o diskusyon ng aking butihing kaklase na si Bb. Marvee Eusebio, ay ang mga katagang “You begin to work your own Philosophy”. Dahil rin sa sinabi ni Marvee na, “Huwag matakot mag-isip at mag-salita. May mga panahon talagang kailangan natin magtanong at minsan nama’y kailangan tayo ang sumagot.” Sapagkat, ito’y nagbukas sa aking isipan na may mga pagkakataon na napapaisip na lamang tayo at may sarili tayong mga opinyon na nagiging pilosopiya na rin natin. Hindi ang lahat ay pare-pareho ng Pilosopiya sapagkat mayroon ang bawat isa ng sariling mga opinyon na humuhubog sa sarili at sa isip. Tumatak din sa aking isipan sa report niya ang sinabi niyang “As a rule, not knowing is a step toward new knowledge”, na ipinaliwanag niya sa mga katagang “Ang hindi pagka-alam ng isang bagay ang simula ng lahat ng pag-aaral.” Dahil dito napagtanto ko na hindi nga talaga natatapos ang pag-aaral. Dahil hanggang sa pagtanda, hindi naman nauubos ang mga bagay na hindi natin alam, at ibig sabihin nito, hindi tayo nauubusan ng pag-aaralan.

B-16 | MATEO, Nathaniel Jiuseppe E. | Y1
1. Ang pagiging mapagkumbaba (humble) at pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence) ay parehong positibong karakter ng isang tao. Pareho bang nasa iyo ang mga katangiang ito? Ipaliwanag ang sagot.
2. Aling parte sa report ni Aliah ang tumatak sa isip mo at bakit?

1. Kung ako ay magiging totoo, aaminin ko na minsan ay nakakalimutan ko maging humble at sumosobra ang self-confidence ko. Ang pagkakaroon ng sobrang self-confidence ay masama dahil ito ay mapupunta sa arrogance, ngunit ang pagkakaroon naman ng pagkakulang ng self-confidence ay mapupunta sa lacking of self-worth. Kinakailangan nating makahanap ng balance at moderation upang magkaroon tayo ng pangloobang kapayapaan. Ang tumutulong sakin na magkaroon ng moderation ay ang pananampalataya ko sa Diyos na Siya ang nakakataas sa lahat at iaangat nya ang mga mapagkumbaba.
2. Tumatak sa isip ko ang katagang "I think therefore I am". I believe that consciousness and personality is a matter of perspective and subjectivity. As such thinking is the very essence of being. One is being by thinking, and one is thinking by being.

G16 // ORPILLA, Sandylene C. // 20y2
Bawat isang tao ay may katangiang nagbibigay sa kanila ng katangi-tanging pagkilala. Minsan ay nakikilala natin ang isang tao sa kanilang mga hindi gaanong kagandahang katangian ngunit dapat nating tandaan na hangga’t walang natatapakang pagkatao at karapatan ang isang kaugalian ay hindi natin ito maituturing na negatibong katangian. Maaari rin nating masabi na naiiba ang mga katangiang ating naipapakita depende sa pangyayari at sitwasyong hinaharap natin sa buhay. Ako ay may karanasan sa iba’t ibang pagkakataon sa aking buhay kung saan ako naging mapagkumbaba at hindi, kung kailan ako nagkaroon ng tiwala sa aking sarili at kung kailan hindi. Natitiyak ko na palagi ko itong taglay ngunit sadyang hindi lamang sa lahat ng pagkakataon ay naipapamalas ko ito. Ang pagiging mapagkumbaba ang isa sa mga positibong katangian na masasabi kong nakuha ko mula sa aking pamilya. Hindi ako yung tipo ng taong lahat ay ipinagmamalaki sapagkat madalas kong maisip ang ibang taong nakapaligid sa akin at ang kalagayan nila. Mas pipiliin kong maging pribado sa mga materyal na bagay na mayroon ako kaysa ipagmalaki sa internet sapagkat pakiramdam ko ay magiging “insensitive” ako sitwasyon ng ibang taong nairaraos lamang ang pang araw-araw na pamumuhay sa gitna ng krisis na hinaharap nating lahat. Hindi sa hindi ako nagpapasalamat sa kung ano ang mayroon ako. Sadyang ayaw ko lang na nararamdaman ng ibang tao ang mga bagay na kulang o wala sila dahil hindi naman na dapat pa. Pagdating naman sa mga bagay na pinaghirapan ko tulad ng tagumpay sa pag-aaral, hindi ako magdadalawang-isip na ipagmalaki ito sapagkat alam ko sa sarili kong pinaghirapan ko ang mga ito at wala akong tinatapakang ibang tao. Hindi ba’t maganda rin na magkaroon ng pagkakakilanlan paminsan-minsan? Pagdating naman sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, madalas ay hindi ko ito naipakikita. Palagi akong nagdududa, palagi akong nagdadalawang-isip. Takot akong makipagsapalaran sapagkat madalas kong pangunahan ang mga posibilidad kung itutuloy ko ang mga desisyon ko sa buhay. Sa madaling salita, madalas akong mag ”overthink” na nagdudulot ng mas mababang tiwala sa aking sarili. Tulad halimbawa sa paggawa ng malaking hakbang at desisyon sa aking buhay. Kailangan ko munang pag-isipan ng mabuti kung ano ang mga posibleng kahinatnan ng gagawin ko. Makabubuti ba sa akin ito? Kakayanin ko ba? Pagkatapos ng mahabang pag-iisip ay saka ako magdedesisyon. Noon lamang ako magkakaroon ng paninindigan at matatag na pagtitiwala sa aking sarili. Kailangan ko munang pag-isipan bago ko pagkatiwalaan.

Nang banggitin sa talakayan ang mga katagang “pangalagaan ang katawan dahil magkakonekta ang kalusugan ng katawan at ng kaisipan. Lubos akong sumasangayon sa aral na ito sapagkat karamihan ng mga tao lalo ang mga kabataan ay napapabayaan na ang kalusugan ng kanilang kaisipan at pati na rin ang katawan. Kahit gaano pa man karami ang mga dapat gawin ay huwag dapat nating kalimutan na huminto saglit upang magpahinga at kumain sapagkat paano mo mapagtatagumpayan ang mga ginagawa mo kung ang katawan mo ay hindi na kayang lumaban. Pangalagaan ang kalusugan ng katawan at kaisipan bago magpatuloy sa araw-araw na laban.

B5 // CORTEZ, Kenneth T. // 20Y6
1. Sa aking sariling pananaw tungkol sa aking sarili ay mayroon ako ng dalawang katangian na ito. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay taglay ko ito. Minsan ay hindi ko napipigilan na maging mapagkumbaba lalo na kung pakiramdam ko ay naapakan na ang aking pagkatao. Para sa akin kaakibat ng mapagkumbaba ang respeto. Ang pagpapakumbaba sa ibang tao ay ang pagpaparaya sa kanila o sa kanilang opinyon kahit hindi ka man ganong kakumbinsido o di kagandahan ang kanilang mga ideya ay nagparaya ka na lamang dahil alam mong tama naman ito at kailangan lang ng improvement at ginawa mo iyon bilang pagrespeto na rin sa kanila o opinyon nila. Self-confidence para sa akin isa ito sa pinaka importanteng bagay na kailangan ng isang tao. Sa lahat ng oras ay atin itong kailangan upang magbilang gabay na rin o suporta para sa atin sa bawat bagay na ating gagawin at problema na ating haharapin dahil ang atin lamang sarili at ang panginoon lamang ang ating kasama sa bawat pagsubok sa ating buhay, at ang pamilya o kaibigan naman natin ay nariyan lamang para sumuporta at tumulong kung kailangan natin. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay may ibang tao na hahawak sa ating kamay upang tayo ay gabayan kayat na isa ring dahilan kung bakit natin ito kailangan. Alam ko sa aking sarili na hindi sa lahat ng oras ay nagkakaroon ako ng tiwala sa aking sarili. Dumarating at dumarating talaga sa aking buhay ang magduda sa aking kakayahan ngunit sa kabila ng pagdududa na ito ay pinagpapatuloy ko pa rin ang aking buhay at ang bagay o problema na aking dapat kaharapin. Maaaring hindi ko man magawa ito sa unang pagkakataon ay maaari ko pa naman ito muling subukan. Mabigo man sa una ay may aral naman akong nakukuha na magiging armas ko para sa mga susunod ko pa na kakaharaping problema.

2. Ang pinakatumatak sa aking isip sa report ni Aliah ay ang isa sa mga mahahalagang pangungusap na kaniyang nabanggit. Ang pangungusap na iyon ay ang unang pangungusap. “May mga pagkakataon sa ating buhay na tayo na mismo ang gagawa ng ating sariling daan o kasagutan”. Ako ay sumasang-ayon dito, marahil ay hindi naman sa lahat ng oras ay dapat iniaasa natin ang ating kapalaran sa Diyos dapat tayo ang gumawa ng sarili nating daan at humingi ng gabay sa Diyos at mapagtagumpayan ang iyong plano. Dito rin natin kakailanganin ang dalawang positibong karakter sa unang katanungan. Dahil sa ating pag gawa ng ating sariling daan tungo sa isang magandang kinabukasan ay kailangan nating pagkatiwalaan ang ating sarili at maging mapagkumbaba sa ibang tao para sa kanilang mga suhestiyon.

B3 // CAPULE, Jasper P. // 20y2
1. Masasabi ko na mapagkumbaba lang ako at kulang ako ng tiwala sa sarili dahil sa mga nangyari sa akin habang ako ay tumatanda ay unting unti bumaba ang aking tiwala sa sarili at dahil dun ay naging mapagkumbaba nalang ako sa mga bagay-bagay. Pero maaring mayroon ako ng pareho sa paniningin ng ibang tao dahil minsan ay may mga bagay tayo na hindi napapansin at ang mga tao na nakakasalamuha natin ang nakakapansin.

2.Ang tumatak sa report ni Aliah para  sa akin ay ang "Most basic quality of a
human mind  is that it’s capable of  thinking." dahil kung hindi kaya ng isang tao na mag isip ay parang isa  lang siyang empty vessel.

G-7 | EVANGELISTA,VANESSA D | Y4
1.Kung ako ang tatanungin kung nasain ang dalawang yan ay hindi ako mag atubili na ipag malaki ito sapagkat maraming tao ang tinatangkilik sa kanilang mga ginagawa gamit itong dalawang naitala sapagkat walang duda na maganda ito sa bawat isa kung walang ganito ay parang kulang ang iyong sarili.

2. Para saakin ang maganda sa kaniyang naitala ay ang pag sasabi ng Descartes na mayroong perpektong Diyos o may Isang tao na tayo ay binuo.

B20 RAMOS, AERON JOHN E. 20y1
1. Likas sa mga tao ang pagiging mapagkumbaba (humble) at pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence). Ang pagkakaroon ng dalawang katangiang ito ay magreresulta sa payapang mundo at maayos na relasyon ng bawat indibidwal. Ngunit, masasabi kong hindi ko pa tinataglay ang dalawang katangiang ito. Marahil marami pakong pagsubok at problemang kakaharapin bago ko matutunan at magtaglay ng isa sa mga katangian na ito. Masasabi kong mapagkumbaba ako ngunit hindi sa lahat ng oras. Minsan ay dumadating sa punto na nagiging mataas din ang tingin ko sa sarili. Dumadating yung punto na feeling ko ay nakatataas nako sa iba at hindi napapansin ang kapakanan ng iba. Hindi ko rin masasabi na may roon akong tiwala sa aking sarili. Marahil ayokong mapahiya at magkamali sa harap ng maraming tao. Hindi ako sanay na laging akong pinupuna. At higit sa lahat ay hindi ako sanay tumanggap ng pagkakamali dahil sa paningin ko ay dapat laging tama at maayos ang aking ginagawa. Ang pagkakaroon ng tiwala ay nagsisimula sa ating sarili hindi tayo makakausad at hindi magtatagumpay kung hindi tayo magtitiwala sa ating sariling kakayahan. Mapapansin na madaming tao ang higit na pinapansin ang kamalian kaysa mabuting gawa ng iba kaya naman karamihan sa atin ay bumababa ang tiwala sa sarili. Ngunit naniniwala ako na lahat ng tao ay may mga positibong katangian kabilang na dito ang pagiging mapagkumbaba at tiwala sa sarili, hindi lamang nila ito pinapahalagahan at isinasapuso.

2. Ang isa sa pinaka tumatak sa aking isipan ay ang mga katagang "You begin to work your own Philosophy". Sa mundong ito ay hindi lang dapat tayo laging nakaasa sa mga tao sa paligid. Hindi pwedeng alam lang natin yung mga bagay na alam natin. Ang mga katagang ito ay nagpapahiwatig sa atin na matuto tayong mag-isip sa ating mga sarili. Tayo mismo ang gagalaw para sa ating sariling kapakanan at kaalaman. Sa atin magsisimula ang lahat  ng kaalaman. Sarili natin ang maghahanap ng mga kasagutan sa ating kuryosidad at katanungan.

B24 | SAMSON, ERL FRANCIS M. | 20Y8
1. Masasabi ko na mayroon akong self confidence at may pagka humble humble den ako. Nasabi ko na may self confidence ako dahil ako ay laging may lakas ng loob na kumausap ng ibang tao, mag try ng mga bagong hobby, at iba pa. Nasabi ko naman na may pagka humble ako dahil sa tuwing nakikipag laro ako sa aking mga kaibigan hindi ako nagyayabang sa mga bagay na nagagawa ko ng tama o kapag ako ay lumakas na sa isang laro.

2. Ang pinaka tumatak sa akin sa report ni Aliah ay ang tungkol sa sinabing "relasyon ng katawan at isipan" dahil ang ibig sabihin neto ay kung ano man ang ating iniisip at kagustuhan natin ito kaya ng ating katawan na gawin ang ating naiisip o kagustuhan. Dahil dito naisip ko na kung mag iisip lng ako ng mabubuting gawa at positibong pangyayari magiging maganda ang buhay, makakatulong na ako sa iba, sasaya pa ako kaya bago tayo gumawa ng mali siguraduhin nating iniisip natin ng maayos ang ating mga kilos o aksyon na ating gagawin

B15|MAGISTRADO, Rozz Francois |y10
1. Alam ko sa sarili ko na unti unti ng nawawala ang dalawang ito sa akin... Sa paglipas ng aking panahon ay nararamdaman ko na nawawala na ang dalawang ito at naadopt ang mga hindi dapat ang pagiging toxic na tao sa lipunan... Ngunit hindi tayo perpekto is lamang iyong parte ng buhay na maaari natin malagpasan... Kahit na sa akin ito ngayon ay kalaunan ay mawawala na rin sa akin ito at mapapalitan ng mga magagandang katangian na nakapaligid sa akin.
2. "You begin to your own beginning" (tama ba?), hindi sa lahat ng oras ay nandyan ang ating pamilya, kaibigan o mga mahal natin na gagabay sa atin o kaya naman aymaghahatid sa atin patungo sa tamang landas... Minsan kailangan din natin maging independent lalo na sa mga desisyon o gagawin natin... Kailangan natin isa-alang alang ang mga desisyon natin na para sa atin ay tama at sa iba namn ay mali... Tandaan na tao lamang tayo at maaari din magkamali.

B21// REGALADO, Francis Third G.// 20y11
1. Sa palagay ko, parehas ng katangian na nabanggit ay mayroon ako ngunit mababa lamang ang aking tiwala sa sarili. Kadalasan ay parati akong nagdududa sa sarili kong kakayahan at sa aking mga kaalaman. Mayroon ding mga panahon kung saan may self confidence ako, subalit hindi pa rin ako nagiging "over confident" o mayabang. Halimbawa na lamang ay sa pagtugtog ng gitara at ng iba pang mga instrumento. Mayroon akong self confidence sa pagtugtog ngunit hindi ako naniniwala na magaling akong tumugtog, naniniwala lang ako na sanay ako tumugtog. Ang pagkakaroon ng mababang self confidence at pagiging mahiyain ay isa sa mga bagay na gusto kong maiovercome sa taong ito dahil sa aking palagay magiging malaking tulong ito sa buhay ko. Ang pagiging mapagpakumbaba naman ay hindi ko malilimutan. Masasabi kong humble ako dahil sa ugali ko na umamin pag ako ay nagkamali. Isa pang dahilan kung bakit masasabi kong mapagpakumbaba ako ay dahil mas pipiliin ko ang mas nakabubuti sa iba kaysa sa aking kasiyahan. Halimbawa ay ang pagtugtog ng drums. Kahit nasa pagtugtog ang kasiyahan ko, hindi ko pa rin ito madalas gawin dahil naiisip kong baka nakakaistorbo ako ng mga kapitbahay. Ang dalawang katangiang ito ay parehas na positibo ngunit pag ito ay sumobra, maaaring maging negatibo ang mga katangiang ito.

2.Sa report ni binibining Aliah, ang pinakatumatak sa aking isip ang katagang "The mind can constantly be affected by feelings and passions that are related to bodily needs" dahil naisip ko rin na tama itong katagang ito. Ang pagiisip natin ay naaapektuhan ng ating mga pangangailangan sa buhay. Halimbawa na lamang ay pag nagugutom ka. Kailangan ng katawan natin ang pagkain para sa mga nutrients kaya't matatawag itong bodily need at kapag ikaw ay nagugutom, hahanap ka ng pagkain para matugunan ang bodily need na ito.

B13 // LOPEZ, Kyle Lemuel E. // 20y10
1. Uunahin ko muna ang pagiging mapagkumbaba o humility. Masasabi kong mayroon ako nito at naturuan ako nang tama ng aking mga magulang habang ako ay lumalaki. Isa itong katangian o karakter na dapat ay mayroon tayo sa sarili natin; ang pagiging humble sa lahat ng pagkakataon kahit ano pa man ang matanggap mo. Nakatutulong ito sa akin na maging kuntento sa mga bagay na aking natatanggap dahil alam ko na may dahilan kung bakit ito ipinagkaloob sa akin, malaki man o maliit. Natutuhan ko na dapat ay lagi tayong baba sa lupa o “down to earth” sabi nga, at dapat ay hindi natin ibinababa ang iba dahil lamang sa mas maganda o mas may halagang bagay na ating natanggap kumpara sa natanggap ng iba. Sa pagkakaroon naman ng tiwala sa sarili, mayroon ako ng katangiang ito ngunit aminado akong hindi sa lahat ng pagkakataon ay tinataglay ko ito. Mayroong mga sitwasyon kung saan ay naitatanong ko sa aking sarili kung “ano ba ang halaga ko bilang isang tao?”, “kaya ko bang gawain ito?”, “susuko na ba ako?”, at marami pang iba na nagpapakita na ako’y nawawalan ng tiwala sa aking sarili. Mayroon mang ganitong mga pagkakataon ngunit mabuti na dahil hindi ako nadadala ng aking emosyon at magpakain nalang sa ganitong mga kaisipan. Sa tulong na rin ng mga taong nasa paligid ko at mga panalangin, nagkakaroon ako ng daan upang hanapin kong muli ang aking sarili at magpatuloy sa buhay. Napakahalaga ng dalawang karakter ito dahil mas gumaganda ang ating imahe na nakikita ng ibang tao sa atin at nakatutulong na rin ito upang gumanda ang pagtakbo ng ating buhay, ang buhay kung saan ay kuntento ka sa iyong mga natatanggap at buhay kung saan ay may tiwala tayo sa ating sarili na magpatuloy sa daloy ng buhay, kahit anuman ang mangyari. At dapat ay magkaroon tayo nito upang maging mabuting ehemplo tayo o impluwensya lalo na sa mga bata, at para sa susunod pang mga henerasyon.

2. Ang pinaka-tumatak sa aking isipan ay ang mga katagang mula sa Kabanata 18: Descartes na, “As a rule, not knowing is a step toward new knowledge,” na ang salin sa Filipino ay “Bilang patakaran, ang hindi pagkaalam ay isang hakbang patungo sa bagong kaalaman.” Tumatak ito sa aking isipan dahil para sa akin ay isa sa mga natutuhan ko sa Sophie’s World ang tungkol sa pagiging mausisa, matanong o curious sa mga bagay-bagay upang mas lalo tayong matuto. Halos tugma ito ng sinabi ni Socrates na, “The only thing I know is that I know nothing.” Mahalaga na tanggap natin sa ating sarili na hindi lahat ng bagay ay alam natin, at mayroon pang espasyo para sa bagong pagkatuto. Sabi nga ay “Learning should never stop”. Mahalaga ang curiosity dahil tinutulak tayo nito na lumabas sa ating yungib, huwag ikulong ang ating sarili sa mga nakasanayan lamang natin, tingnan ang iba’t-ibang perspektibo ng mundo, at maging bukas ang isipan o open-minded sa lahat ng pagkakataon. Let’s be curious and learn something new.

B-7 Cuevas, Christian John H. Y7
1. Ang pagiging mapagkumbaba (humble) at pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence) ay parehong positibong karakter ng isang tao. Pareho bang nasa iyo ang mga katangiang ito? Ang pagiging humble o mapagpakumbaba ay isang bagay na madalas nating naririnig sa ating mga magulang o nakakatanda sa atin at ang pagiging mapagkumbaba ay itunuro na sa atin noong bata palamang tayo, kasama narin ang pag kakaroon ng tiwala sa sarili. Para sa akin ako ay mapagkumbaba at wala ako masyadong tiwala sa sarili, alam ko rin na iba ang tingin sa akin ng ibang tao sa paligid ko. Minsan nawawalan ako ng tiwala sa sarili dahil kapag sumobra ang pagiging mapagkumbaba ko sa iba nababawasan naman ako ng tiwala sa sarili. Hindi ko masasabi na lubos ang tiwala ko sa sarili ko at sa mga magagawa ko. May mga pagdududa pa ako sa aking kakayanan. Sa mga susunod na panahon ay nais kong makita ang sarili ko na parehong nagtataglay ng katangiang mapagpakumbaba at mayroong tiwala sa sarili.
2.  Aling parte sa report ni Aliah ang pinaka tumatak sa isip mo at bakit? Ang tumatak sa akin sa report ni Marvee ay ang sinabi ni Descartes na "I think, therefore I am" na ang ibig sabihin na kung ikaw ay nag iisip ang ibig sabihin nito ay ikaw ay nabubuhay. Para sa akin totoo ang sinabi niyang mga ito dahil kung ikaw ay hindi nag-iisip ay parang hindi ka na rin nabubuhay dahil wala ka ng magagawa sa buhay mo.

B-18 | RAYMUNDO, JULIANA JOY Q. | Y4
1. Para sa akin ang pagiging mapagkumbaba ko ay bihira lamang kung baga hindi ako nagiging humble sa mga taong malapit sa akin at aking napagkakatiwalaan ngunit sa mga ibang tao na hindi ko gaano kakilala ko nakakusap ay masasabi ko na humble ako sa pagkakaroon naman ng tiwala sa sarili ay masasabi ko na hindi ko gaano napagkakatiwalaan ag sarili dahil may mga bagay pa din na nagagawa ako na mali at hindi makakabuti para sa akin ngunit minsan ay nagkakaroon ako ng tiwala sa aking sarili dahil ito ay malaking parte sa atin dahil dito mo malalaman na kaya mo at kakayanin mo dahil may tuiwala ka sa sarili mo.

2. Ang tumatak sa parte ng report ni aliah para sa akin ay ang sinasabi na relasyon ng katawan at isipin. Dahil dito ay sinasabi na kung ano ang mga iniisip natin ay yun din ang kayang gawin ng ating katawan at dahil dito ay ito ang tumatak sa aking isipan dahil marami sa atin ang nagpapatunay nito..

G5 | ESTRELLA, Anne Lorraine D.G. | 20y2
1. Ang pagiging mapagkumbaba (humble) at pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence) ay parehong positibong karakter ng isang tao. Pareho bang nasa iyo ang mga katangiang ito? Ipaliwanag ang sagot.

Ang bawat isa sa atin ay mayroong tiwala sa sarili at mapagkumbaba, may mga pagkakataon lamang na ang mga ito ay bumababa dahil sa ating mga nagiging karanasan sa buhay at sa ating mga taong nakakasalamuha. Kagaya ko, masasabi kong ako ay mapagpakumbaba at mayroong tiwala sa sarili ngunit limitado lamang ang mga ito at nakadepende sa isang sitwasyon.

Ako ay isang batang lumaki na laging walang kasama sa bahay at nasanay na walang kausap kaya’t sa aking paglaki ay nagkaroon ako ng takot na magsalita sa harap ng maraming tao. Kasabay pa nito ang pabago-bagong grupo ng tao sa tuwing lumilipat ako ng eskwelahan. Noon, hindi ko pinansin ang kaugaliang ito dahil para sa akin ay normal ang hindi pakikipag-usap sa iba (pagkawala ng confidence sa pakikipag usap) ngunit ngayon, napagtanto ko na ito ay may hindi magandang benepisyo lalo na sa pag-aaral. Masasabi kong ako ay mapagpakumbaba sa paggawa ng paraan kung paano ko babaguhin ang aking sarili para sa aking mas ikabubuti at confident na kaya kong baguhin ang aking maling nakasanayan.

2. Aling parte sa report ni Aliah ang tumatak sa isip mo at bakit?

Tumatak sa aking isipan ang kasabihan na “I think therefore I am.” at “You begin to work your own Philosophy”. Sa tuwing mayroon tayong paniniwala, sigurado ba tayong totoo ito? May mga paraan ba tayo upang mapatunayan na totoo ito? Mayroon bang posibilidad na hindi ito totoo? Para sa akin ang paniniwala ay epektibo lamang sa isang tao/grupo ng tao ngunit hindi ito maaaring maging angkop sa lahat. Ang mga tao ay naturally curious. Hindi tayo nakukulong sa isang paniniwala lamang; tinatanong natin ang ating sarili kung ang isang bagay ba na ating binabasa ay makatotohanan o hindi at sa tuwing nagkakaroon tayo ng bagong karanasan ay nagkakaroon ng panibagong katanungan ang ating utak. Ayon nga kay Descartes, malalaman na tayo ay nag-iisip sa tuwing curious tayo sa isang bagay. Walang mabubuong “knowledge” kung hindi makakabuo ang tao ng kanilang pansariling pilosopiya.

B-22| ROXAS, GEROLD V. | Y10
1.       Ang pagiging mapagpakumbaba ay isang ugali ng isang tao o damdamin sa pagiging makatao sa kaniyang kapwa. At ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay mahalaga dahil ang bagay na ito ang magpapakita na kayang kaya mo ang ano mang pagsubok na darating sa buhay mo. Pagdating sa katangian ko ba ito ay alang makakapagsabi dahil hindi nababasi sa paningin at pandinig lamang ang mga ito ang dapat ay taglay niya ito sa paggawa. Dati naalala ko noong nasa elementarya pa ako ay madalas akong makipagsagutan sa mga higher year sakin at masyado akong mapagmataas sa aking sarili na hindi ko napansin na nakakasakit na pala ako ng kapwa ko kaya mula noong araw na iyon ay mas pinili kong magpakumbaba na sa lahat.
2.   Nagustuhan ko sa itinuro ni Aliah Marvee ay ang “You begin to work your own Philosophy” dahil may kaniya kaniyang problema tayong dapat harapin at may mga sariling kasagutan na naghihintay para sa atin.

B28 // YAMBAO, John Anthony L. // 20y5
1. Oo, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon. Dahil may mga pagkakataon na hindi ako nagtitiwala sa aking sarili, sapagkat sa tingin ko ay ito mismo ang makakasira sa akin. May mga pagkakataon namang na hindi ako nagiging mapagkumbaba, dahil sa tingin ko ay naabot na ng galit o sakit ang aking limitasyon. Napansin ko na dapat maging mapagkumbaba tayo sa lahat ng pagkakataon, dahil may ma aapektuhan kapag tayo’y naging mayabang. Maapektuhan nito ang tingin sa iyo ng mga tao, maari ka nilang gayahin o iwasan. Pagdating naman sa tiwala sa sarili ay lagi dapat may tamang desisyon tayo kung tayo ay magtitiwala sa ating sarili, dahil kahit mismo ang ating sarili ay pwede tayong sirain. “ A man cannot be comfortable without his own approval.”

2. Ang parte na tumatak sa aking isipan ay ang aral ng kanyang chapter, “You begin to work your own Philosophy.” Sa aral nayan ay napansin ko na dapat may tiwala tayo sa ating sarili, tayo ang magdedesisyon kung saang daan tayo tutungo. Masasabi na huwag matakot tumuklas ng bago, huwag isipin ang sinasabi ng iba, at dapat may paninindigan sa ating magiging desisyon.

B26| SANTOS, Vincent Paolo T.| 20y11
Ang pagiging mapagkumbaba (humble) at pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence) ay parehong positibong karakter ng isang tao. Pareho bang nasa iyo ang mga katangiang ito?
Sa aking paniniwala, taglay kong parehas ang pagkukumbaba at tiwala sa sarili. Sa aking araw araw na buhay ay ginagamit ko ito dahil sa aking pakikitungo sa mga tao, ako ay nagpapakumbaba at rumerespeto sakanila. Ang aking tiwala sa sarili naman ay nabubuo. Nabubuo ko ito sa pamamagitan ng tiwala at suporta ng mga taong malapit sa akin, aking taglay na galing sa mga bagay na pinaghuhusayan ko, at higit sa lahat, nabubuo ito dahil sa aking paniniwala sa aking sarili. Sa bawat bagay na aking gagawin ay mahalaga ang aking tiwala sa sarili dahil maniniwala lang akong magagawa ko ito kung alam ko sa sarili ko na kaya ko ito. Sa bawat tao naman na aking makakahalubilo, ako ay nagiging mapagkumbaba. Hindi ako nagyayabang at nagmamanipula ng ibang tao porket mas magaling ako sa kanila. Hindi ko ginagamit ang aking talento para pababain ang ibang tao, bagkus ginagamit ko ito para mapatunayan ang aking sarili at makatulong sa ibang tao. Mahalaga sa akin na wala akong natatapakan na ibang tao dahil pag ginawa ko ito ay sila ang mawawalan ng tiwala sa sarili nila. Mahalaga na matuto tayong magkaroon ng tiwala sa sarili at maging mapagkumbaba dahil itong dalawang pag uugali ang pinakamahalaga para mag tagumpay.

Aling parte sa report ni Aliah ang tumatak sa isip mo at bakit?
"Huwag matakot mag-isip at mag-salita. May mga panahon talagang kailangan natin magtanong at minsan nama'y kailangan tayo ang sumagot’’, ang tumatak sa aking isipian sapagkat sinasabi nito na dapat tayo ay may sariling mga opinion sa mga bagay-bagay.

G24 // TAYAO, Ma. Lariza Chriszel T. // 20y5
1. Ang pagiging mapagkumbaba o pagiging humble sa Ingles ay ang katangian ng tao kung saan siya ay  "down to Earth" o yung mga taong kahit na mataas ang kanilang mga antas o nakamit sa buhay ay alam pa rin nila na rumespeto ng iba. Samantala, ang pagkakaroon naman ng tiwala sa sarili o self-confidence ay ang katangian na kung saan pinaniniwalaan mo ang iyong sarili na magagawa mo at makakmit mo ang mga bagay.

Hindi sa pagyayabang at pagpapakitang-tao ngunit mayroon akong tiwala at naniniwala ako sa sarili ko na masasabi kong tinataglay ko ang dalawang katangian na ito. Mayroon akong pangalan, pamilya at tahanan, nakakain ako ng ng maayos sa isang araw, at nakakapag-aral ako sa isang magandang unibersdidad. Sa kabila ng aking mga nararanasan, hindi ko pa rin nakakalimutan na magpasalamat araw-araw sa Diyos.  Mayroong mga panahon na pinaniniwalaan ko na tama ako ngunit sa oras na malaman kong hindi pala ay sanay akong tanggapin at unawain ito.

Ang pagkakaroon ko ng tiwala ko sa aking sarili ay siyang tinataglay ko rin, naniniwala ako na ang ating mga sarili ang una nating dapat pagkatiwalaan, palakasin, at unahin sapagkat ito ang isa sa magiging susi ng ating tagumpay. Sa panahon ngayon na pandemya, maraming nahihirapan ngunit dahil sa tiwala ko sa aking sarili, nasasabi ko na "Kreng, kaya natin 'to, laban lang." Isa rin akong matabang tao, dati marami ang bumubully sa akin, dahil dito ay nahihirapan akong mag-ayos ng aking sarili sapagkat "para saan pa, eh mataba ako, pangit ako".  Sa pagdaan ng panahon, unti-unti kong tinaglay ang self-confidence at ngayon, masasabi ko na "oo mataba ako, ano ngayon? katawan ko ito at nawa'y respetuhin mo ako, God bless."

Oo, parehong positibong karakter na ang aking tinataglay ngayon at nais ko pa itong palakasin at panatilihin hanggang sa aking huling paghininga na alam kong makatutulong ito sa akin upang ako ay maging isang mabuting tao.

2. Uulitin ko ang aking mga binanggit kanina, sa panahon ngayon, ang panahon ng pandemya kung saan maraming mga tao ang nahihirapan at bilang ako rin ay isang estudyante, ang pinakatumatak sa aking isipan na nireport ni Aliah ay ang "Pangalagaan ang katawan dahil magka-konekta ang kalusugan ng katawan at isipan". Ang ating matinding kinahaharap ngayon ay ang COVID 19 virus, nararapat na pangalagaan natin ang ating mga katawan hindi lang pisikal kung hindi pati emsyonal, sosyal, mental at espiritwal. Tandaan, "Health is Wealth  as Mental Health is also Wealth".

B12 // GULLA, Kurt C. // 20y5
1. Batay sa aking obserbasyon sa aking sarili, aking masasabi na mayroon akong katangiang mapagkumbaba (humble) at tiwala sa sarili (self-confidence). Ang pagiging mapagkumbaba ay, batay sa aking napapansin sa paligid, nakabase sa iyong estado sa buhay, kung ika'y mayaman, madalas ay hindi mapagkumbaba dahil alam nila na mas mataas sila kaysa sa kanilang mga nasa paligid, samantalang ang mga mahihirap ay ang kasalungat, sila'y mapagkumbaba. Ngunit may mga 'rare instances' na mababaligtad ito, ang mayaman ang mapagkumbaba, at mahirap ang mataas ang tingin sa sarili, aking ilalagay ang aking sarili sa kategoryang may-kaya at lubos na mapagkumbaba, na saaking palagay ay ang pinaka common na uri ng tao. Ang self-confidence naman ay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili at ang naguusad saatin upang mapakita natin ang kaya nating gawin, ito'y hindi lamang basta nakukuha ng madalian na parang bumibili lang ng candy, ito'y iniipon at iniingatan.

Ang aking sagot sa tanong ay oo, ako'y nagtataglay ng dalawang katangian na ito, dahil unang-una ito ang mga bagay na hindi basta basta lamang na mananakaw ng iba, ito'y nililikom mula sa ating sarili. Pangalawa, ito ang mga katangiang dadalhi natin sa mga susunod na panahon na kung saa ay makakatulong upang makipag kapwa tao at makakilala ng mga bagong tao. Panghuli, ang pagiging mapagkumbaba at tiwala sa sarili ay ang maguusad saatin sa buhay, ito ang gagawa ng paraan upang lumawig ang ating pagkatao.

2.  Madaming konsepto ang napalawig at nadiscuss sa report ni Aliah, ngunit ako'y namangha at tumatak sa aking isipan ang posibilidad at potential ng mga bagay na maaaring magawa dahil sa Artificial Inteligence o AI. Malaki ang magiging kontribusyon ng AI sa mga susunod na panahon dahil ito ang magiging paraan upang lalo pang gumaan ang ating mga gawain, autopilot cars, robots, mas advanced na mga smartphones, ayan ang mga halimbawa ng kasalukuyang lagay ng Artifical Inteligence, ano pa kaya ang magagawa nito sa future?

G2 | CACERES, Danielle J. | 20y6
1. Kung sa purong katotohanan lamang, isang mataimtim na hindi ang aking masasagot. Una sa lahat ay tila walang naka takdang kahulugan o depinisyon ukol sa mga salitang ito, ano nga ba ang pagpapakumbaba at ang paniniwala sa sarili? Ayon sa mga diksyonaryo, ito ay hindi taliwas sa isa’t isa kundi ay magkakambal pa nga. Ngunit para sa isang tao na patuloy na pinagkakaitan ng mga oportunidad, pagkilala at pagtanggap, hindi ba’t parang kay hirap makamtan ang mga ito?  Kaya naman ay lolokohin na lamang natin ang ating mga sarili na tayo ay mapagkumbaba nga talaga at may tiwala sa ating sarili. Sa aking palagay ay hindi ako mapagkumbaba o may tiwala sa aking sarili. Sa aking palagay ay kahiyaan ang aking nararamdaman imbis na pagkukumbaba. Sa aking utak ay naglalagi ang isang kataga, “someone will always be better.” Kaya’t hindi ko magawang ipagyabang ang aking mga gawa, talino at mga parangal, dahil din dito ay imposible na magkaroon ako ng tiwala sa aking sarili at mga kakayahan. Sino nga naman ang magkakaroon ng kakayahan na ipagmalaki ang kanyang mga nararating kung mayroon laging nagpapaalala sa kanya na kahit gaano man kahusay ang kanyang mga nakamit ay mas may magaling, mas mahusay, mas matalino at mas bata. Kung magkaroon man ako ng mga bihirang sandali na ako ay masaya para sa aking sarili, ito ay nauuwi sa kayabangan at kadalasan, narsismo. Bilang isang taong laging napagkaitan ng papuri at parangal, tila ang mga karakterismo na nabanggit ay imposible pa na aking makamtan. Ngunit naniniwala ako na ang lahat ng pagtanggap at papuri na ito ay magmumula sa akin, at sa akin lamang.

2. Ang pinaka tumatak sa akin na bahagi ng pagtatala ni Aliah ay nang makarating siya sa aral ng kabanata kung saan kanyang ina adbokasiya ang pagpapahalaga sa ating sarili, hindi lamang sa ating pisikal na pangangatawan kundi maging sa ating emosyonal at mental na kalagayan. Magka konekta ang ating mental at pisikal na anyo kaya naman kung ang isa ay masasaktan at mahihirapan, magkakaroon ito ng reaksyon na umaayon sa ating nararamdaman. Kung ang isang tao ay nakaramdam ng pagkabagabag ng puso, tayo ay mawawalan ng ganang kumain. Para bang ang emosyonal na kasakitan sa atin ay nagagawang magdulot ng pagkamanhid sa ating buong pangangatawan, na kahit na anumang gutom ang ating maramdaman ay hindi natin mahanap ang dahilan upang kumain o kaya naman ay tumayo sa ating pagkakahiga. Kaya naman ay mahalaga na pangahalagahan natin pareho ito, huwag magpakalunod sa ating mga responsibilidad. Unahin ang ating sarili, kumain sa tamang oras at matutong tanggapin na may mga pangyayari at bagay na hindi natin makokontrol kahit anuman ang gawin natin.

G-25//TENORIO, Frances Feona GC.// 20Y7
Masasabi ko na ako ay mapagkumbaba sa lahat ng bagay. Ang katangiang ito ang isa sa mga bagay na unang napapansin ng ibang tao, at ito rin ang una kong napapansin. Sa katingiang ito nalalaman mo kung anong klase tao ang iyong nakakasalamuha. Mapagkumbaba ako dahil alam ko sa sarili ko na wala pa akong masyadong pinanghahawakan sa buhay, at kung magkaron man, mananatili akong mapagkumbaba dahil ito ang masmagandang katangian kaysa sa mayabang. Ayokong makita ako n ibang tao bilang isang mayabang na tao kung 'di isang mabait na tao. Sa slf confidence naman ako nagkukulang, dahil sa mga pinagdaanan ko nuong ako'y bata pa naapektuhan nito ang aking tiwala sa sarili. Hindi ako ganoong kaconfident sa lahat ng bagay at dahil dito marami akong mga bagay na hindi nagagawa, at alam kong ito ay makakapekto rin sa hinaharap. Nais kong bauhin ito ngunit hindi ko hahayaang umabot ako sa labis na pagkaconfident dahil hindi ko nais na mga ganoong bagay hehe.

Ang tumatak sa aking isipan na parte ng report ni Marvee ay yung relasyon ng katawan at ng isipan. Ako'y sangayon dito dahil kung ikaw ay isang matinong tao, lagi ka munang magiisip bao ka gumalaw at ang iyong mga iniisip ay magrereflect sa iyong mga gawain.

G8 // GALANG, Janella Andrea L. // 20y8
1. Ang pagiging mapagkumbaba (humble) at pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence) ay parehong positibong karakter ng isang tao. Ang pagiging mapagkumbaba ay ang kabaliktaran ng pagiging mayabang at ang pagiging mayabang ay isang hinding magandang katangian ng isang tao. Ang lahat ng bagay na ating gusto ay hindi natin makakamit pero ang lahat ng bagay na ating nakamit ay mawawala rin sa atin maaaring habang tayo ay nabubuhay pa o kung tayo ay nawala na sa mundo kaya mas mabuting tayo ay maging mapagkumbaba. Mas magandang magbigay kaysa magmayabang. Ang pakakaroon naman ng tiwala sa sarili ay hindi ibig-sabihin ng pagiging mayabang sapagkat ikaw ay may tiwala lamang sa iyong sariling mga kakayahan. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay isang malaking bagay na makatutulong sa ating buhay dahil ito ang magbuboost sa atin na gawin ang mga bagay na sa tingin natin ang mas makabubuti sa ating buhay. Ako ay mayroon ng parehong katangian na ito pero minsan ay hindi ko maipagkakailala na nawawalan ako nito ngunit hindi ko iyon hahayaan dahil ito ay parehong maganda at mabuting katangian. Sa mga pagkakataong ako ay may nakukuha, hindi ko ito pinagmamayabang at kung may pagkakataong may nangangailangan ng tulong, gagawin ko ang aking makakaya para makatulong. Sa tuwing ako naman a nangangailangan magdesisyon, sinisikap ko na magkaroon ng lakas ng loob at tiwala sa aking sarili. May ilang bagay rin na nakakatakot na gawin ngunit dahil sa tiwala ko sa aking sarili ay nagagawa ko ito. Mabuti at maganda magkaroon ng dalawang katangian na ito na ating gagamitin sa mabuting paraan.

2. Ang tumatak sa akin sa report sa Chapter 18 ay ang aral na “You begin to work your own philosophy”. Ang mga tao ay may likas na kuryosidad sa mga bagay bagay kaya ang ibang tao ay laging may tanong sa mga bagay bagay. Hindi dapat tayo natatakot na magsalita sa mga bagay lalo na kung wala namang masama rito. Tayo ay natututo sa mga bagay bagay at kapag tayo na ang may alam, tayo naman ang magsisimulang magturo sa iba lalo na sa mga mas nakababata sa atin. May mga panahon naman na tayo ay nagkakaroon ng sariling katuklasan at dahilan dahil sa likas na abilidad na makapag-isip.

G26 - TUMANG, Phoebe Frances K. - y2
1.  Ang dalawang katangian na nabanggit ay dapat meron tayong lahat nito, sapagkat ang isang taong confident sa kanyang sarili they test out their limits kung hanggang saan ang kaya nila habang ang mga taong humble alam kung pano nila masasabi ang bagay bagay ng walang sinasaktan na tao. Sa tingin ko meron naman ako nung mga nasabing katangian, dahil i know for myself that there's only one me, and no one can say otherwise

2. Ang tumatak sa aking isipan ay ang mga katagang  "as a rule, not knowing is a step toward new knowledge." Lahat ng bagay ay bago sa atin hindi naman lahat ay alam agad natin. Ang pagiging curious ay isa sa mga katangian ng taong na nakakatulong satin upang makadiskubre ng mga bagay bagay.

B-1//AQUINO,Pranz Edrick A.//20y9
1. Totoo na ang pagpapakumbaba at pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay mahalaga sa isang tao.Pero kung ako ay tatanungin kung mayroon ako ng mga ito, ang masasabi ko ay hindi sa lahat ng Oras. May mga panahon na nawawalan ako ng tiwala sa sarili sa mga bagay na hindi ko kayang gawin . At may mga panahon na nasasabi ko ang lahat ng mga kaya kong gawin na nagmumukha na akong nagmamayabang sa aking mga kaibigan.

B-14||LUCAS, EDRIAN ANDREI||20Y3
1. Para sa akin ay ang pagiging mapagkumbaba at tiwala sa sarili ay pareho kong katangian. Madalas ay pag nagkakaroon kami ng alitan ng aking kapatid madalas ay imbis na patulan ko pa ito at pahabain ang aming nag aaway ay nag papakumbaba nalamang ako lalo na kapag ako ang nagkamali. Ngunit kapag may mga bagay na alam kong tama ay dumadating sa punto na nawawala ang aking pagiging makpagkumbaba. Ganon rin sa pag kakaroon ng tiwala sa sarili may mga bagay na alam kong kaya kong gawin at alam kong magagawa ko kaya mataas ang tiwala ko sa aking sarili. Ngunit pag may mga bagay na alam kong hindi na abot ng aking kakayahan ay tinatanggap ko nalamang ito.

2. Ang pinakatumatak sa akin ay "We cannot accept anything as being true unless we can clearly and distinctly perceived it" sa mundo hindi natin mapapaniwalaan ang isang bagay na wala namang sapat na ebidensya.

B4 // CARLOS JR., Erickson P. // 20y10
1.) Ang Self-confidence ay tiyak na wala ako. Yan ang pinakaproblema ko sa ngayon. Ang self-confidence ay importante kasi kapag wala ka nito, Hindi ka magkakaroon ng progress ng mag-isa mo dahil wala kang confidence at dahil doon, hindi ka magta-take ng initiative. Maaari din na ang mga bagay na tiyak na kaya mo naman ay hindi mo gawin dahil sa kawalan ng self-confidence. Ang sobrang self-confidence ay nakakasama dahil maaaring ikaw ay tumanggap ng challenge o task na hindi mo nman kaya o “To bite off more than you can chew”. Dahil dito, Kailangan ng moderation. Kailangan ng humbleness. Ang humbleness ay pagrespeto/pag-unawa sa hirap ng task o challenge na iyong gagawin. Kapag meron ka nito, Seseryosohin mo ang task o challenge na iyon dahil nauunawaan mong mahirap at may risk ito kaya nirerespeto mo ito. Sa ngayon, humbleness lang ang meron ako at walang self-confidence.

2.) Ang tumatak sa report ni Aliah para sa akin ay ang "Most basic quality of a human mind is that it’s capable of thinking." dahil kung hindi kaya ng isang tao na mag isip ay parang isa lang siyang empty vessel.

B-25 / San Diego Jr., Joselito D. / y6
1. Sinasabi kong ako ay may tiwala sa sarili at mapagkumbaba, hindi ito sumosobra at hindi rin ito lumalagpas. Marahil ay natutunan ko kung kailan tamang gamitin ang mga bagay na ito, kapag ito'y sumobra ay hindi na ito makakadulot ng mabuti. Ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ang isa  sa bagay na magagamit mo sa tunay na mundo at pakikipagsalamuha sa tao kalakip nito ang pagiging mapagkumbaba na tutulong sa 'yo na magbigay nang magandang impresyon sa ibang tao dahil ang pakikipagsundo at ayos sa iba ay siyang pundamental upang magkaroon ng magandang buhay

Mahalaga at naintindihan ko ang kahalagahan ng mga ito kung kaya't  sinubukan kong ihubog ang aking sarili na gumaling sa mga bagay na ganito. Tatandaan lamang na ang sobra ay masama, ang sobrang pagkaroon ng tiwala sa sarili ay marahil na magkusa ng pagooverstimate sa isang bagay o pagiging reckless at ang pagiging masyadong mapagkumababa ay magdadahilan ng pag-aabuso sayo at marahil magkaroon ka ng kakulangan sa iyong sarili dahil ang mga nagawa mo sa buhay ay hindi nagkaroon ng rekognisyon. Hindi natin maiiwasan na humanap ng approval sa iba dahil ang lipunan ay nakatayo sa ganitong paraan.

2. Tumatak sa aking isipan na ang Diyos ay perpekto lamang daw sa persepyon ng Diyos at tayong mga tao ay hindi maiintindihan ito.