(Alvares) Gawain#4: Pagsusuri ng Palabas at Sipi at Pagbuo ng Paglalahat by Joseph Jay V. Hernando

Pagsusuri sa Palabas
1 - Sa pangkalahatan, ano ang naging epekto ng pagsuko ng Britanya ng Singapore sa mga Hapones sa Imperyalismong Briton?

2 - Magbigay ng mga patunay mula sa palabas na magpapatunay nito.

Pagsusuri ng Sipi
1 - Anu-ano ang mga ginawa ng mga Hapones sa Indonesia na nakatulong sa paglakas at pagkalat ng nasyonalismong Indones?

2 - Sa pangkalahatan, paano nakatulong ang mga ito sa paglakas at pagkalat ng nasyonalismong Indones?

Pagbuo ng Paglalahat
1 - Batay sa palabas na pinanood, siping binasa at iba pang gawain sa araling ito, anong paglalahat ang maaari nating mabuo sa kaugnayan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglakas at pagkalat ng nasyonalismo sa Asya (at sa mundo)?

Phoenix Ryley R. Deloso - ALF
1) Sa pangkalahatan, ano ang naging epekto ng pagsuko ng Britanya ng Singapore sa mga Hapones sa Imperyalismong Briton?
Dahil sa pagsuko ng Britanya sa Singapore sa mga Hapones, napasailamlim naman ang Singapore sa Imperyalismong Hapon. Naging lalong mapait ang kalagayan ng mga taga Singapore.

2) Magbigay ng mga patunay mula sa palabas na magpapatunay nito.  Maraming batang babae ang dinukot at ginawang "Comfort Women". Naging brutal at ordinariyong kondisyon ang pambubugbog ng mga sundalong Hapon. Naniniwala ang mga Hapon na sila pinakamataas kumpara sa ibang rehiyon sa Asya.

Phoenix Ryley R. Deloso - ALF
1) Anu-ano ang mga ginawa ng mga Hapones sa Indonesia na nakatulong sa paglakas at pagkalat ng nasyonalismong Indones?
Naging marahas ang mga Hapon sa mga lokal ng Indonesia. Kinatatakutan ang mga pulis-militar na Hapon. Ang pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ay kinumpiska ng mga ito. Ang pinakamalala ay ang sapilitang paggawa ng apat na milyon hanggang sampung milyong romusha (manual labors) para sa proyektong pang-ekonomiya sa Java.

2) Sa pangkalahatan, paano nakatulong ang mga ito sa paglakas at pagkalat ng nasyonalismong Indones?
Ang kalupitan na naranasan ng mga tao sa Indonesia ang nagmulat sa kaisipang nasyonalismo. kasama na rin dito ang pagnakaw sa likas yaman ng Indonesia. Mayroong ding sumasalungat  sa mga kulturang Hapon na ipinagagawa sa mga Indones gaya ng pagyuko sa Emperor ng Hapon. Ang mga sama ng loob, pang-aabuso, pagnanakaw sa likas yaman at pagkakaiba-iba ng paniniwala sa relihiyon ang nagmulat sa kaisipang nasyonalismo. Ito ay sapagkat ang nasyonalismo ay ang pakikipaglaban para sa kalayaan at sariling pagkakakilanlan na nagbubuklod sa mga myembro ng rehiyon upang magkaisa at ipaglaban ito.

Phoenix Ryley R. Deloso
1) Batay sa palabas na pinanood, siping binasa at iba pang gawain sa araling ito, anong paglalahat ang maaari nating mabuo sa kaugnayan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglakas at pagkalat ng nasyonalismo sa Asya (at sa mundo)?
Ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig ang nagpahina sa dating "super powers" na nagpakalat ng Kolonyalismo at Imperyalismong Kanluran sa Asya. Ito ay nagbigay ng pagkakataon sa bansang Hapon na masakop ang karatig-bansa sa Asya.  Ang kasaysayan ng pananakop sa teritoyo, pagnakaw sa likas-yaman, sapilitang paggawa, pang-aabuso sa mga mamamayan at karahasan na nararanasan sa bawa't mananakop ang nagbigay-daan upang mapalawak ang nasyonalismong kaisipan sa Asya at kahit saan mang bahagi ng mundo.  Ito ay nagreresulta sa pagbubuklod ng mga mamamayan na ipaglaban ang kanilang karapatan, pagkakakilanlan at teritoryo.

Giorgio Othello 'G.O.' Gumban C7-Alfonso
1 - Sa pangkalahatan, ano ang naging epekto ng pagsuko ng Britanya ng Singapore sa mga Hapones sa Imperyalismong Briton?
-Dahil sa pagkatalo ng Britanya sa mga Hapon ay nawala ang 'image of invicibility' ng Britanya at nawala ang paggalang at respeto na iginawad sa kanila ng kanilang mga nasasakupan tulad ng Australya at Tsina. Naging marahas din ang mga Hapon sa mga Briton, Australyano, Tsino at lokal na mga  mamamayan sa Singapore, matapos nilang masakop ito.

2 - Magbigay ng mga patunay mula sa palabas na magpapatunay nito.
-Ang mga sumusundo ay mga patunay nito;
1.'Ethnic cleansing' ay nangyari matapos masakop ng mga Hapon ang Singapore.
2. 'Comfort women' o 'sexual slavery' ay naging laganap sa panahong ito.
3. Nawala ang respeto at paggalang ng mga Australyano, Tsino at lokal na mamamayan sa Singapore sa lakas ng Britanya.

Giorgio Othello 'G.O.' Gumban C7-Alfonso
1 - Anu-ano ang mga ginawa ng mga Hapones sa Indonesia na nakatulong sa paglakas at pagkalat ng nasyonalismong Indones?
-Di pinagbawalan at sinupil ng mga Hapones ang pag-praktis at pagsasanay ng mga Indones ng kanilang katutubong kultura, wika at tradisyon, tulad ng ginawa ng mga Hapones sa Korea. Dahil dito ay patuloy pa rin isinasagawa ng mga Indones ang pag-praktis ng kanilang mga katutubong gawain na nakatulong sa pagpapalakas at pagkalat ng nasyonalismong Indones. 'Di rin pinagbawalan ng mga Hapon na magkaroon ng lideratong posisyon ang mga Indones sa mga lokal na posisyon, at ito ay naging malaking tulong sa pag-usbong ng nasyonalismong Indones.

2 - Sa pangkalahatan, paano nakatulong ang mga ito sa paglakas at pagkalat ng nasyonalismong Indones?
-Dahil sa mga binanggit ko sa itaas, napukaw at lumakas ang nasyonalismong Indones. Sanhi ng patuloy na pagsasanay at pag-praktis ng kanilang mga katutubong kultura, wika at tradisyon ay nagdulot ng nag-umiigting na damdaming nasyonalismong Indones.

Giorgio Othello 'G.O.' Gumban C7-Alfonso
1 - Batay sa palabas na pinanood, siping binasa at iba pang gawain sa araling ito, anong paglalahat ang maaari nating mabuo sa kaugnayan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglakas at pagkalat ng nasyonalismo sa Asya (at sa mundo)?
-Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, ay nawala ang image of invincibility, ng mga makapangyarihang imperyalista tulad ng Britanya. Naging mulat na rin ang mundo sa karahasan at paghihirap na nararanasan ng mga kolonya sa mga imperyalistang mananakop. Ang pagbuklod-buklod ng mga lokal na mamamayan ng mga nasasakupang bansa ay nagkaroon din ng lakas loob na mag-protesta at makilaban sa mga imperyalistang naghahari sa kanilang bansa. Ang Hapon ay nag-ambisyon ding mapalawak ang kanilang teritoryo sa pamamagitan ng pag-occupy ng mga karatig bansa sa Asya, ngunit nabigo ito matapos ng digmaan. Sabay-sabay itong nangyari at nagbunga ito ng pagkamit ng kalayaan ng maraming mga bansang dati ay kolonya ng mga imperyalistang makapangyarihan. Matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig, ang kolonyalismo ay isang konsepto na malinaw na hindi na napapanahon, at pinalitan ng ideyang mga kaalyadong bansa para o laban sa komunismo, dahil dalawang bansa (US at USSR) ang lumitaw bilang nangungunang lakas ng mundo pagkatapos ng giyera. Lumakas din ang damdaming nasyonalismo sa mga bansa sa Asya, at ito ay nagbigay ng lakas loob sa kanilang hilingin ang kanilang kalayaan.

Barangan, Kyle C7-ALV
1. Ang naging epekto nito ay ang paglagay ng Singapore sa mga kamay ng mga Hapones. Habang nasa kamay ng Hapon ang Singapore, marami silang ginawang pang-aabuso, at naghirap ang maraming tao.

2.
1) Mayroon silang mga "comfort women" na pinilitang gawin ang mga gusto ng mga Hapones.
2) Naging normal ang pagbugbog ng mga sundalo sa mga sibilyan at billango.
3) Nagkaroon ng Ethnic Cleansing.

Barangan, Kyle C7-ALV
1. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naging isang magandang oportunidad para sa mga mamamayang nasa ilalim ng mga imperyalista. Ito ay dahil maraming gamit at "resources" ang ginamit ng kanilang mga imperyalista sa digmaang ito. Dahil dito, hindi na nila kayang suportahan ang mga bansa na sinakop nila. Ang Japan naman ay natamaan ng dalawang bomba na nagdulot ng maraming "casualties". Ginamit ng mga bansa ito upang humingi ng kanilang kalayaan. Mas namulat din ang mga mamamayan sa mga pang-aabuso na ginawa ng kanilang mga imperyalista kaya lumaban sila sa kanila. Ito ang mga nagpalakas ng nasyonalismo sa Asya.