Class blog by Gab Reyes

TAGA-TAGUAN
Ang galing naman ang Tagu-taguan. Tagu-taguan ay ang isang dula na may importanteng mga paksa na kailangan alamin ng mga tao. Nagustuhan ko talaga na ang mga karakter na nasa dulang ito ay mga tao na nasa laylayan para mas epektibo ang pagkukuwento tungkol sa mga epekto ng korupsyon. Sa simula lang naunawaan ko na ang tagpuan dahil sa mga magaling na ispektakulo. Halimbawa, ang disenyo sa likuran ng yugto ay puro ng mga graffiti na may basurahan sa paligid nito. Halatang-halata na ito ay matatagpuan sa ibabaw ng tulay. Isa pang halimbawa ay ang mga kasuotan ng mga karakter. Sinusuot nila ng sando, shorts, at mga tsinelas para ipakita na ang mga tauhan sa dulang ito ay hindi masyadong mayaman at mga bata palang sila. Ang kasuotan na ito ay ipinapakita rin ang mga personalidad ng mga karakter. Halimbawa, sinusuot ng isang karakter na pangalan ay Jhun-Jhun ng isang kuwintas na may disenyo ng Diyos. Agad kong naintindihan na relihiyoso si Jhun-Jhun at baka may wala siyang masyadong kamalayan sa mga masasamang nangyayari sa mundo. hindi lang maganda ang aral ng dulang ito pero .Ang lahat ng mga ispektakulo ay nagkakaugnay sa isa’t isa para lumikha ng isang magandang dula.

Ang pagkakaiba ng dalawang dulang, Taga-Taguan at Langhap Sarap ay ang tagpuan para sabihin ang pinaka sentral na aralin. Ang isang dula ay matatagpuan sa isang pagpupulong ng mga may malaking kapangyarihan at ang isa pa ay matatagpuan sa mga tao na nasa laylayan o ang mga tao na ang nakakaranas ang kanser ng lipunan o korupsyon. Ang dalawang dula ay may isang pagkakapareho na nagustahan ko at iyon ay ang pagpanalo ng kontrabida sa wakas. Ito ay lalong naglalantad ang aral ng dalawang dula na ito sa kasalukuyang panahon at ito at na may maraming mga tao na walang pakialam sa nangyayari sa labas ng kanilang buhay basta hindi sila apektado sa mga ito at dahil diyan, nagpapatuloy ang korupsyon at ang pag-abuso sa mga mahihirap.

Nirerekomenda ko and dulang Tagu-Taguan dahil ang dula nito ay hindi lamang para sa mga gustong alamin ang mga problema sa Pilipinas, kundi alamin paano itong makikita sa araw-araw na buhay. Malalaman din niyo kung gaanong hirap at malungkot ng mga buhay ng mga mamamayan ng isang lipunan kung korupt ang gobyerno.