Diana Iza Angela M. Taclobo by Diana Taclobo
ANG PAG-MAMAHAL SA DIYOS AY PAG-MAMAHAL SA KAPWA
Ano nga ba ang pag mamahal na ginagawa natin sa diyos, ito ay ang pag galang sa sakanya at sa salita niya na dapat ginagawa din natin sa ating kapwa, galangin o respituhin sila at ang kanilang opinyon o sinasabi. Mahalin ang Diyos os ng lubos na dapat ginagawa din natin sa ating kapwa, mahalin sila gaya ng pag mamahal natin sa ating sarili, yan ang sabi ng Diyos sa bibliya. Hindi din natin kayang husgahan ang Diyos dahil alam natin na siya ay perpekto, di man perpekto ang ating kapwa pero dapat huwag padin natin silang husagahan dahil hindi din naman tayo perpekto, kaya kung ayaw nating gawin satin huwag nating gawin sa iba. Kaya nating maglingkod sa Diyos, magkalat ng salita niya o magbasa ng bibliya niya, na dapat ginagawa din natin sa ating kapwa, pagtulong ito ang paglilingkod na kaya nating gawin sa ating kapwa. Marami pang paraan para maipakita ang pagmamahal natin sa Diyos na kaya rin nating iparamdam o gawin sa ating kapwa. Sa bibliya, old testament mayroong 10 commandments o ang sampung itos pero sa new testament ng bibliya, dalawa na lamang ang utos ito ay ang mahalin ang Diyos at mahalin ang kapwa gaya ng pag mamahal sa ating sarili, pero ang sampung utos ay nakapalood dito dahil kung mahal natin ang ating Diyos at ang ating kapwa hindi natin kayang gumawa ng masama sakanila. At kung kaya nating masaktan ang ating kapwa, ganito nadin ang ginagawa natin sa ating Diyos, dahil ang Diyos ay ginawa tayo upang magmahalan at maging mabuti sa isa't isa. Kung kaya ng Diyos gumawa ng mabuti, kaya din natin to diba nga ginawa tayo ng Diyos na kawangis niya. :)
Modyul 10 Paggalang sa Buhay
Balita tungkol sa Depression
Mga Sagot:
A. Ang buhay ay mahalaga, kaya’t wag mag papakain sa kalungkutan o anumang problema na kinakaharap. Kung may kilala tayo na nahihirapan sa buhay o may nararamdaman na tayong hindi maganda sa ating katawan, tulungan natin ang ating kapwa at tulungan ang sarili dahil wala namang ibang tutulong sa atin kundi ang ating sarili.
B. Marami ang nagpapadala sa mga problema o sa damdamin, marami ang nag oover think na nagiging depression sa bawat isa.
C. Upang ng malaman kung kasalanan ba yung ating ginagawa,katulad ng pag mamahal sa sarili o pag dadown sa sarili. Akala ng iba na ok lang ito kaya kinukumpara natin yung ating sarili sa ating kapwa, nag oover think tayo about dito. Pag suko sa problema isa din itong labag sa batas ng diyos o pag putol ng buhay, maraming kabataan ngayon ang nauuwi dito dahil sa mga problemang kinakaharap.
D. Kung ang gawain ba ay labag sa Diyos ito ay taliwas sa kasagraduhan ng buhay, o kaya yung makakasakit tayo ng kapwa o ng Diyos dahil sa gawain nating ginawa o ginawa sa iba.
Me, Myself and I
Akoy mabuting Pilipino sapagkat, ginagalang at sinusunod ko ang mga batas na ipinapatupad sa ating bansa, tumutulong din ako sa pag iingat at pag papaunlad ng bansa, sa pamamagitan ng pag mamalaki ko nito kahit kanino.
Minsa'y ay hindi ako naging mabuting pilipino sapagkat hindi ako tumatawid sa tawang tawiran, kung saan saan lamang ako tumatawid.
Ako si Diana Iza Angela Taclobo, nanunumpa na gagalangin at susundin ang mga alituntunin o mga batas na ipinapatupad sa ating bansa.
Letter to God
Father God praise and glorify your name,pataearin mopo ako sa lahat ng aking pagkakasala, ang mga maling maling kilos na aking ginagawa, ang mga maling pumapasok sa isipan ko at ang mga maling lumalabas sa bibig ko. Margaming salamat po sa lahat ng biyaya, financial, sa pagkain, sa buhay, sa bawat araw at bawat oras, at maraming maraming salamat po sa pagligtas mopo sa amin sa aming mga kasalanan. Gusto kopong malaman mo na napaka laking utang utang ko po ito sa iyo, gusto kopong maramdaman yung yakap niyo lalo na sa mga oras na kumikilos kapo sa buhay ko, gusto kopong makita ang muka niyo at mapatunayan sa mga hindi naniniwalang tao na totoo ka, buhay kang Diyos na kumikilos gamit ang banal na espiritu. Maraming salamat po sa mga answered prayers, sa bawat panalangin ko, maraming salamat po sa mga taong ibinigay niyo o nakapaligid sa akin, kasi lahat po sila nakakatulong ko may problema man o wala, maraming salamat po sa lahat ng nakikita ng aking mata, gusto korin pong gamitin niyo ang buhay ko upang makapag ligtas din ng mga kapuwa ko. Patuloy kopong pupurihin at sasambahin ang ngalan mo, magpakailanman. Mahal na mahal kita, Father God. 🤍
Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Pilipino (I am proud to be a Filipino)
Ipinagmamalaki ko na ako ay isang Pilipino, bansang aking pinagmulan ay Pilipinas, marami mang hindi maganda sa amin bansa pero mas higit na marami parin ang kagandahan sa bansang aking kinagisnan. Pango ang ilong ng mga Pilipino, pero hindi ito basehan upang kami'y husgahan, ang aming mga balat ay bughaw, di man ito gusto ng aking ibang kababayan pero maraming mga taga ibang bansa ang humahanga sa kulay ng balat ng mga Pilipino, mayroon kaming presidente na kadalasan ding nagkakamali pero patuloy paring inaangat at iniingatan ang aming bansa, marami mang humusga sakanya sa aming bansa ngunit makikita mo parin sa kanyang kilos ang pagmamalasakit niya sa bansa. Marami kaming magandang tanawin sa Pilipinas, madalas dayuhin ng turista ang aming mga lugar, karamihan ay nasisura pero dahil sa kabutihan ng Pilipino ito ay muling napagaganda. Kilala ang mga Pilipino bing masayahing tao, dahil sa aking lahi kalimitang makikita ang saya sa aming mga muka, kaya naming itago ang kalungkutan at ipakita ang mga ngiti sa aming mga muka. Marami ding mahirap sa aming bansa, pero ang ako at ang aking mga kapwa ay patuloy na nagtutulungan upang mabigyang tulong ang kanilang mga pangangailangan kahit na sa maliliit na bagay.Marami din kaming mga produkto na gustong gusto ng mga Pilipino at syempre pati ang mga dayuhan. At ang mas ipinagmamalaki ko ay ang pananampalataya ng mga Pilipino, alam kong nanghihina ang pananampalataya ng bawat isa ngunit alam kodin na hindi mawawala sa mga Pilipino ang pagtitiwala at pagpapasalamat sa Diyos sa bawat araw na kanyang ipinagkakaloob. Yan ang Pilipino, hindi perpekto pero ninanais maging mabuting tao, Ako si Diana Taclobo, isang mamamayang Pilipino. Ipagmamalaki ko ito, buong buhay ko!!
Paksa-Halaga-Natutunan ko
Paksa
-Ang paksa ng araling ito ay ang Pagmamahal sa Bayan
Halaga
-Ang halaga ng araling ito ay maituro o malaman kung ano nga ba ang tama at maling ipinapakita natin patungkol sa pagmamahal sa ating bayan. Mahalaga itong malaman dahil maraming maling gawain ang ating naisasagawa na akala natin ay nagpapakita ng pagmamahal sa ating bayan, ang halaga rin nito ay mas maipamalas pa ang pagpapakita ng kabutihan at pagmamahal sa bansa.
Natutunan ko
-Natutunan ko ang mga pagpapahalaga ng infikasyon sa pagmamahal sa ating bayan,ilang sa mga halimbawa nito ay ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa, nagyong pandemya marami talagang nahihirapan at alam ko na meron paring mga tao ang kaya o bukas ang puso sa pagtulong, dito natin maipaparanas na mahal natin ang ating sarili dahil sabi sa salita ng Diyos mahalin mo ang iyong kapuwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili, kaya kung kaya kong tumulong sa aking kapwa, malaking tulong din ito sa aking sarili, may dulot itong saya at magaang na pakiramdam, kung mahal ko ang aking kapwa mahal korin ang aking sarili, ang pagmamahal sa kapwa ay hindi lamang amg pagsabi ng i love you sa kanila, ang pagtulong, paggalang at pagiging mabuti sa kanila ay halimbawa ng pagpapakita natin ng pagmamahal sakanila. Natutunan ko na hindi lang dapat ang bayan ang minamahal ko, hi di lang dapat ang Pilipinas ang minamahal ko o ginagalang, pati rin ang mga nandirito, ang kultura, ang mga pagkain, ang mga tanawin, at syempre ang Pilipino dapat matuto kodin silang mahalin, huwag ako maging mapanghusga lalo na kung hindi ko alam yung dahilan ng kanilang ginagawa at higit sa lahat dapat hindi ko kalimutan kung saan ako nagmula, isa ako sa mga humahanga sa mga taga ibang bansa pero dapat hindi ko kalimutan yung akin, rerespituhin ko at gagalangin ang meron ang ibang lugar pero hinding hindi ko ipagpapalit ang bansang aking pinagmulan
Limang Utos
1.) Ang pagtitipid sa kuryente.
2.) Matutong maglakad at huwag masyadong gumamit o ng mga transportasyon na nagdudulot ng polusyon.
3.) Ang pag sasaayos ng pagtapon ng mga basura.
4.) Matutuhan ang refuce, reduce, reuse at recycle.
5.) Ang pagtatanim ng halaman o puno hindi lamang pampaganda ng bahay kundi pamganda ng buong mundo.
Dear future self,
Exit Card
Paksa:
Paggamit ng kapangyarihan at pangangalaga sa kalikasan.
Halaga:
Upang mas magamit ang kapngyarihan na meron ang bawat isa sa mabuti o mas pagandang paraam, mas maalagaan at maibalik ang ganda at ayos ng ating kalikasan na unti unti na nating nasisira.
Natutuhan:
Natutuhan ko na maitama yung paggamit ng kapangyarihan,dahil alam ko na mgagamit ko ito sa future,aat napaka importante nga na dapat maging matalino tayo sa pamamalakad o kapag tumatayo tauong lider sa maliit mang grupo o malaki. Natutuhan kodin na ang kalikasan ay may malaking tulong na sa atin at kailangan na nating itong mas mapangalagaan pa lalo na at unti unti na itong nasisira at tayo ang dahilan kung bakit ito nagkakaganto. Mas natutuhan kodin na maging mabuti, hindi lamang sa tao pati narin sa hayop at syempre sa ating kapaligiran na ibinigay sa atin ng Diyos.
Exit Card
Paksa:
Paggalang sa Buhay at Sekswalidad
Halaga:
Ang halaga ng aralin na ito ay para matukoy ng bawat isa ang kabutihan at pag aaral na maidudulot satin ng buhay at sekswalidad.Ang halaga din ng aralin na ito ay para maitama yung mga pagkakamali nating nagagawa,katulad ng pag aasawa at pag bubuntis ng maaga na napaka taas na ng kaso sa ating bansa.
Natutunan:
Natutunan ko na napaka halaga ng sekswalidad,napaka halaga na matutuhan natin kung pano natin marerespeto ang ating sarili o ang ating kapwa.Natutunan ko na kapag napasama ka talaga sa isang gawaing sekswal o sa tingin ng iba ay bastos ,malaking respeto ang mawawala sa iyo.Kaya napaka halaga talaga na matutunan natin kung oano maalagaan at maingatan ang ating mga sarili,pisikal o mental man yan.
THINK-PAIR-SHARE:PAGSUSURI SA KASO
Unang kaso (Sagot)
A.Hindi,dahil kahit nangatwiran siya mali parin ang kanyang ginawa at hindi dahilan ang pandaraya o hindi ito sagot para makuha natin ang hinahangad nating bagay.
B.Sa aking palagay,ang nararapat niyang gawin sa susunod na markahan ay mag aral o pag aralan ang mga itinuro ng kanyang guro,sa ganitong paraan may pag asa pang mabawi niya ang hangad niyang marka at sa ganito ding paraan magagamit niya ang natutunan niya sa kaniyang ginawa.
C.Mag aral ng mabuti,paghirapan at pag paguran ang mga bagay na hangad nating makuha.
Hindi nakukuha ng madali ang mga bagay na gusto natin kaya dapat matuto tayong humarap sa mga pag subok na haharapin natin.
Exit Card
Paksa:
Paggalang at Paninindigan para sa Katotohanan
Halaga:
Ang halaga nito ay maipaliwag o ipaalam sa mga mag aaral kung pano maigagalang ang katotohanan.Upang malaman ang ibat ibang uri ng lies at secret.
Natutunan:
Natutunan ko na magsabi ng totoo,madalas din akong mag sinungaling sa aking mga kaibigan pero ng naituro sa akin ang lesson na ito mas natutuhan ko pa na galangin ang katotohanan,lalo na hindi lang ang aking sarili ang nagkakaron ng epekto kapag nagsisinungaling ako.Malaki ring epekto sa aking kapwa ang kasinungalingan kong nagawa.Mas natutuhan kodin ang inat ibang uri ng lies at secret na akala ko dati ay mayroon lamang isang uri kaya mas naintindihan ko ang paggamit ko dito.
Modyul 15:Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 (#MAALAALAMOKAYA)
Ako ang tumatayong mama sa aming bahay katuwang ang aking lola,dahil ang aking ama ay pumanaw na at ang aking ina ay nasa ibang bansa upang tustusan ang aming mga pangangailangan.Humaharap ang aking pamilya sa financial problem ,nakahiram naman kami ng pera sa kapatid ng aking lola ngunit pagkatapos naming makahiram nagkaroon ang aking pamilya ng pagdiriwang sa kaarawan ng aking pinsan sa kanilang bahay,at paguwi namin sa aming bahay duon ko lamang na realize na nawala na ang hawak pitaka ko,hindi ko malaman kung saan ito napunta ,sinubukan naming magtanong tanong sa daan,hanapin sa kanilang bahay ngunit wala talaga kaming makita.Nagsimula din manghina ang pananampalataya ko,at ang pinaka nahirapan ako ay ang pagsabi nito kay mama,magami na siyang pinoproblema dahil sa amin at ayoko ng dagdagan pa iyon.Natakot akong sabihin kay mama sa loob ng tatlong araw dahil patuloy ko parin yung hinahanap.Nagdasal ako at nakikita ko talaga na ang napaka buting pasya na aking magagawa ay sabihin ito kay mama,kaya sinabi ko ito sa kanya na releif ako dahil hindi niya ako napagalitan na pero syempre napagsabihan ako ni mama at pagang tinatago niya yung sakit ng sinabi niya sakin na "wala na tayong magagawa" at duon ko naramdaman na npapagod ang mama ko ,napagsabihan niya ako dahil bakit tatlong araw kopa bago sabihin pero dahil alam ko na mas nakabubuti iyon,mas ginawa ko nalang sabihin sa kanya at tanggapin ang nagawa ko.
Bakit ka nahirapang pumili sa dalawang pagpipilian?
-dahil pinangunahan ako ng takot,kaba at mga negatibong epekto sa aking isipan.
Ano ang ginawa mo bilang pagtugon sa hinihinging sitwasyon?
-ginawa ko ang alam kong makapag papabuti at makakapag ayos ng sitwasyon na aking kinaharap.
Ipaliwanag ang iyong dahilan kung bakit mo ito ginawa.
-ginwa ko ang pagsabi kay mama dahil ayoko ng mas palalain pa ang sitwasyon kahit na sa hatlong araw hinanap ko muna at ginawa kong dahilan yun kay mama,ginawa koparing sabihin ito sa kanya dahil alam kong mas matutulungan pa ako ni mama na itama ang aking nagawa.
Ano ang kinalabasan ng iyong ginawang pagpapasiya?
-Nasolusyunan namin ito ng magkasama ni mama,hindi ako mag isa na lumutas nito,nabawasan ang kalungkutan at bigat ng aking naramdaman nung hindi ko pa sinasabi saknaya,kaya ngayon naging aral pa ang pangyayaring iyon na huwag nakong magdala ng malaking pera kung saan saan at parating iingatan malaki man o maliit na halaga dahil lahat yun pinaghihirapan ni mama.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2 (Pagkalap ng Impormasyon)
1. Ang naging realisasyon ko ay halos katulad ko sila na mas pinili ang mabuti o mas makabubuti,hindi lamang sa kanlang sarili kundi pati sa kanilang kapwa.
2. Wala naman pong nabago dahil nakita korin sa mga pananaw nila ang aking sarili halos pareho lang din po kami ng pagkaunawa sa kahulugan at kahalagahan ng  maingat na panghuhusga.
3. Tunay na mahalaga ang maingatan ang panghuhusga sa buhay ng isang tao,dahil halimbawa na lamang sa aking isinulat na pangyayari tungkol sa akin kung hindi ko naiintindihan ang kahalagahan nito panigurado ako na mas lalaki pa ang problema at mas bibigat pa ang pangyayaring iyon.