Ang Panitikang Pilipino sa Iba't Ibang Panahon by Angielene Zafe

Panahon Bago Dumating ang mga Kastila
Sinasabing bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at panitikan ang mga sinaunang Pilipino.

Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

Panahon ng mga Kastila
Sa pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas ang pangunahing layunin nila ay ang maipalaganap ang pananampalatayang katolisismo kaya naman ang edukasyong ibinigay sa mga Pilipino’y balot ng mga araling panrelihiyon.

Sa madaling salita, karamihan sa mga ito ay tungkol sa panrelihiyon, pangkagandahang-asal at pangwika. Ang mga ito’y nagtataglay ng iba’t ibang anyo. Ang mga paksa’y huwad sa paksang Kastila. Ang mga uri ng panitikang lumaganap ay mga awit, corrido, duplo, karagatan, comedia, moro-moro, cenakulo, at sarsuwela. Ang mga tuluyang dinala nila ay mga talambuhay ng mga santo, nobela, dasal at misteryo.

Panahon ng mga Amerikano
Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang Pilipino na nagsisulat sa Ingles at Tagalog.

Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na manunulat.

Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan din ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito.

Panahon ng mga Hapon
Para sa karamihang manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang Panahon ng mga Hapon. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa.

Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.

Panahon ng Pagkamit ng Kalayaan hanggang Kasalukuyan
Mula sa araw na ang kalayaan ay natamo, higit na sumigla ang Panitikan ng bansa. Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga aklat ng magigiting na Pilipinong manunulat. Kinilala rin sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas.

Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag sa media gaya ng sa radyo, telebisyon at sinehan. Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi maging ng ibang lahi din.

Katuturan at Kahalagahan ng Panitikan
Ang salitang panitikan ay kinuha sa salitang “pang-titik-an“. Ito ay batay sa salitang “titik” nangunguhulugang “literatura” (literature). Ito rin ay nagsasabi at nagpapahayag ng mga ideolohiya, kaisipan, damdamin, karanasan, hangarin, at diwa ng mga tao. Kasabay dito, ito rin ang pinakapayapak na paglalawarawan sa pagsulat ng tuwiran, tuluyan, at patula.

Mahalaga ang Panitikan upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino, at matalos natin ang ating pinagyaman ng isip at ang angking talino ng ating pinanggalingang lahi.