Mga Aral ng Kuwento by Jovelyn Fabelico

Mga Tagubilin
Ano ang mahahalagang aral o pagpapahalagang pangkatauhan ang natutuhan sa aralin?

Magbigay ng isang saknong na nakapukaw ng iyong pansin. Ipaliwanag.

1. Ang kasamaan ay hindi kailanman nagwawagi.
Mahalagang aral ito dahil nagbibigay ito ng pag-asa at inspirasyon sa mga taong dumaranas ng kawalan ng katarungan at pagsubok. Bukod sa pag-asa at inspiration, mahalaga rin ito dahil hinihikayat tayong manatiling tapat sa kabutihan.

2. Ang saknong 310 ang nakapukaw ng aking damdamin. Dahil ipinapakita dito ang matinding kaligayahan at pagmamahal ng hari nang makita niya si Florante.

Ang luhang nabanggit sa saknong ay luha ng tuwa, na nagpapakita ng tunay na emosyon at pagmamahal.

Pinaparamdam nito ang importansya ng pamilya at koneksyon sa mga mahal sa buhay—na walang katumbas ang ligaya ng muling pagkikita matapos ang matinding pagsubok.

"Ang pag-ibig bilang pagpaparaya't pagsasakripisyo"
Alea Jucel Mercurio

8-STE

Bilang isang estudyanteng nakabasa't namulat sa mensahe ng mga saknong sa Florante at Laura, masasabi kong pag-ibig ang siyang sentro nito. Natutuhan ko na ang tunay na pag-ibig ay makikita mula sa kung ano ang kaya mong bitawan para sa'yong iniirog.

Bilang patunay nabihag ni Florante ang puso ni Laura nang iligtas niya ito at ang Haring Linceo noong nagkagulo ang Albania. Ang ilang pagsubok na pinagdaraanan ng magsing-irog ay ang kaguluhan sa Albania, digmaan kay Heneral Osmalik na kung saan kasama si Florante, ang pagkakakulong ni Florante ng labingwalong araw at ang panloloko ni Adolfo sa kanilang dalawa. Mapatutunayang wagas ang pagmamahal ni Florante kay Laura nang hindi niya nilabanan ang pagpapakasal nina Laura at Adolfo. Ninais pa rin niya na lumigaya si Laura kahit sobra ang kalungkutan niya sa mga pangyayari. Sa huling pagkakataon, si Florante na nakagapos sa punong Higera ay nagpaalam na sa mahal niyang si laura at sa bayang Albania sa harap ng dalawang leon na handang patayin siya. Pero nang makita ng mga leon ang pagdadalamhati ni Florante, sila ay parehong naawa kay Florante at hindi siya kinain ng mga leon. Tunay na ang pag-ibig ay nalalampasan ang anumang balakid dito.

1.Parehong si Florante at Laura ay nanatiling tapat sa kanilang pag-ibig sa isa't isa kahit na maraming paghihirap ang kanilang pinagdaanan.Sa kabila ng mga trahedya at paghihirap na naranasan ng mga tauhan, ang tula ay nagtatapos sa isang mensahe ng pag-asa.  Ito ay nagpapaalala sa atin na kahit na gaano pa man kahirap ang mga sitwasyon, may pag-asa pa rin para sa isang mas magandang kinabukasan.

2.Saknong 196:

“Anhin kong saysayin ang tinamong tuwa

ng kabataan ko’t malawig na lubha;

pag-ibig ni Ama’y siyang naging mula

lisanin ko yaong gubat na payapa.”

Ang saknong ay nagpapahayag ng lungkot at pagsisisi ni Florante dahil sa mga nangyari sa kanyang kabataan.  Ang mga salitang "tinamong tuwa," "malawig na luha," at "pag-ibig ni Ama" ay nagpapahiwatig ng pagsisisi at kalungkutan.

Para sa akin, ang mahalagang aral sa florante at laura ang pagpapahalaga sa kabutihan at katarungan. Ipinapakita nito na kung ang kasamaan ang nangingibabaw sa isang lugar, maraming tao ang nagdurusa. Mahalaga rin ang pagiging tapat at makatarungan, hindi lang sa pag-ibig kundi pati sa bayan, dahil ang kawalan ng hustisya ay nagdudulot ng pighati sa lahat.

Saknong 14:"Sa loob at labas ng bayan kong sawi,

Kaliluha’y siyang nangyayaring hari,

Kagalinga’t bait ay nalulugami,

Ininis sa hukay ng dusa’t pighati"

saknong na ito ipinapakita ang kalagayan ng bayan kung saan ang kasamaan ang nangingibabaw, habang ang kabutihan ay pinahihirapan. Naging mahirap para sa mga mamamayan ang mamuhay nang maayos dahil sa kawalan ng katarungan

1) Pag-ibig at kapayapaan, ang dalawang ito kung pagsamahin ng tunay, hindi kailanman matatalo ng kasamaan.

2) Saknong 195

"Kaya nga't sa sanga ng kahoy na duklay, sa mahal na batis na iginagalang ng bulag na hentil, ay nagluluksuhan ibong nakikinig ng pag-aawitan."

Ang saknong ito ay napukaw ang aking damdamin dahil sa gitna ng kaguluhan, ay mayroong katahimikan na kung saan ay ang mga ibon ay sabay-sabay na umaawit.

SHEANNAE JOI O. MELECIO

Natutunan ko na mahalaga ang pagiging matatag sa gitna ng mga pagsubok. Kahit na maraming paghihirap ang dinaanan, hindi dapat sumuko. Ipinakita rin sa kwento na ang katapatan at pagmamahal ay mahalaga sa buhay.

Ang Saknong 179 ang nakapukaw sa aking pansin dahil dito, madarama mo kung gaano kamahal ni Duke Briseo ang kanyang anak na si Florante. Makikita rin sa saknong na ito kung paano nangungulila at nalulungkot si Florante, na nais bumalik sa panahong magkasama pa sila ng kanyang ama.

"Sa likod ng ulap, may araw na sumisikat, sa bawat luha, may ngiti na nag-aantay."
Sa mga aralin na ating natutunan, maraming mahahalagang aral at pagpapahalaga ang maaaring makuha na nag-aambag sa ating pag-unlad bilang tao. Una, ang katapatan ay isang mahalagang aspeto na nagtataguyod ng tiwala sa ating mga relasyon. Pangalawa, ang respeto sa kapwa ay nagiging batayan ng maayos na pakikitungo at pagkakaunawaan. Ang pagmamahal sa ating kapwa, kahit na sa kabila ng mga pagkakaiba, ay nagiging daan upang tayo ay magkaisa at magtulungan. Higit sa lahat, ang pag-asa sa kabila ng mga pagsubok ay nagbibigay sa atin ng lakas at inspirasyon upang patuloy na lumaban at mangarap.

Isang saknong na talagang nakapukaw ng aking pansin ay: "Sa likod ng ulap, may araw na sumisikat, sa bawat luha, may ngiti na nag-aantay." Ang saknong na ito ay puno ng simbolismo at nagbibigay-diin sa ideya na sa kabila ng mga pagsubok at sakit na dinaranas natin, laging may pag-asa at liwanag na naghihintay. Ang mga ulap ay kumakatawan sa mga hamon at problema, habang ang araw ay simbolo ng pag-asa at bagong simula. Ang mga luha, na kadalasang tanda ng kalungkutan, ay nagiging daan upang makamit ang ngiti at kasiyahan sa hinaharap. Sa ganitong paraan, natutunan natin na ang bawat pagsubok ay may kasamang pagkakataon para sa paglago at pagbabago, at ang pag-asa ay laging naroroon upang gabayan tayo sa ating paglalakbay.

Maraming mahahalagang aral ang Florante at Laura. Ngunit para sa akin, isa sa mga mahalagang aral dito ay ang pagiging matatag sa harap ng mga pagsubok. Dahil ang isa sa mga karakter dito ay nagpapakita ng lakas ng loob sa kabila ng mga pagsubok na dinaranas niya. Ang kanyang determinasyon na ipaglaban ang kanyang mga prinsipyo ay nagpapakita ng kanyang pagiging matatag.

Ang saknong na nakapukaw ng aking pansin ay ang saknong 31, "Nguni, sa aba ko sawing kapalaran! ano pang halaga ng gayong suyuan, kung ang sing-ibig ko'y sa katahimikan ay humihilig na sa ibang kandungan?"

Dahil gaya ng nasa isip ni Florante, ano pa nga ba ang halaga ng pagmamahalan kung ang iyong minamahal ay maaaring nasa piling na ng iba?

Walang maidudulot na kabutihan ang pagiging Sakim at Gahaman.
Mahalagang aral ito dahil ang labis na kasakiman at pagiging gahaman ay nagdudulot ng kasamaan hindi lamang sa iba kundi pati na rin sa sarili. Ang taong sakim ay nawawalan ng tunay na kaibigan, tiwala, at respeto ng iba. Sa Florante at Laura, makikita ito sa karakter ni Adolfo, na sa kanyang labis na paghahangad sa kapangyarihan ay gumawa ng kasamaan, ngunit sa huli ay nagdusa at nabigo.

1. Ang Florante at Laura ay nagtuturo ng mahahalagang aral tulad ng pag-ibig, katarungan, tapang, pagpapatawad, at pagmamahal sa bayan. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng katatagan, lakas ng loob, at karunungan sa pagharap sa mga hamon ng buhay. Bilang isang klasikong akda, nagbibigay ito ng inspirasyon at pag-asa sa pagtupad ng mga pangarap at pagbuo ng isang mas magandang lipunan.
2. Ang saknong 125 ang pinaka nakapukaw ng aking atensyon, “ Nang matumbasan ko ng luha, ang sakit nitong pagkalimot ng tunay kong ibig, huwag yaring buhay ang itangis kundi ang pagsintang lubos na naamis. ” Dahil, isinasaad nito ang nagtatagal na kapang-yarihan ng pagibig kahit ito'y nawala na. Ito'y isang paalala na kahit nawala na ang pag-ibig ay maaring pinagmulan ng hapding kalungkutan at mga alalang pinapahalagahan natin

1. Sa tingin ko bilang estudyante, ang Florante at Laura ay nagtuturo ng pagmamahal sa bayan, katatagan sa pagsubok, at katarungan. Ipinakita ni Florante na kahit pinagkaitan ng hustisya, nanatili siyang matapat sa kanyang bayan. Mahalaga ito sa atin upang matutong lumaban para sa tama at manatiling matatag sa hamon ng buhay.

saknong 42: "Di ko akalaing iyong sasayanhin maraming luha mong ginugol sa akin, taguring madalas na ako ang giliw, mukha ko ang lunas sa madlang hilahil"

Nakapukaw ito ng aking pansin dahil ipinapakita nito ang pagkabigla at lungkot ng isang taong pinaniwalaang mahal siya ngunit kalaunan ay tila nalinlang lamang. Ipinapahayag nito ang sakit ng pagtataksil at kung paano maaaring masayang ang pagmamahal at sakripisyong ibinigay sa isang tao na hindi naman pala totoo sa kanyang damdamin.

Cristine Joy L. Gavina

1.Ang Florante at Laura ay naglalaman ng maraming mahahalagang aral, ngunit ilan sa mga pinaka-prominente ay ang kahalagahan ng katapangan at pagtitiis sa harap ng kahirapan ang paghahanap ng katarungan at paglaban sa paniniil ang kapangyarihan ng pag-ibig at pagkakaibigan; at ang kahalagahan ng pagpapatawad at pag-unawa.  Ang buong akda ay nagpapakita ng pakikibaka ng kabutihan laban sa kasamaan, at ang pananatili ng pag-asa kahit sa gitna ng kadiliman.

Ang saknong 45 ang nakapukaw ng aking damdamin. Dahil Ang saknong ay puno ng emosyon. Ang imahe ng basang damit na may luha, ang pag-aalangan ("naghihimutok"), at ang takot para sa kaligtasan ni Florante ay lumilikha ng isang matinding emosyonal na epekto sa mambabasa. Napapapaisip ito sa sitwasyon at sa damdamin ng mga tauhan.

1. Ang isa sa mga mahahalagang aral ng Florante at Laura ay ang pagiging matatag sa pag-ibig at hindi nawawalan ng pag-asa. Sa kabila ng mga pagsubok at paghihirap na naranasan nina Florante at Laura, nanatili silang tapat sa isa’t isa. Ipinapakita nila na ang tunay na pag-ibig ay kayang lampasan ang kahit anong hadlang. Isa pang aral ay ang patuloy na pag-asa na kahit mahirap ang sitwasyon, laging may pag-asa para sa mas magandang bukas.

2. Saknong 80 -

"O pagsintang labis ang kapangyarihan,

sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw;

pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,

hahamaking lahat masunod ka lamang!"

Ang saknong na ito mula sa Florante at Laura ay nagbibigay-diin sa matinding kapangyarihan ng pag-ibig sa buhay ng tao. Ipinapakita nito na ang pag-ibig ay hindi lamang isang simpleng damdamin, ito ay isang pwersang kayang bumalot sa puso at isipan ng sinuman, anupat napapailalim dito maging ang matibay na ugnayan ng mag-aama. Sa sandaling makapasok ang pag-ibig sa puso ng tao, nagiging handa siyang isakripisyo ang lahat kahit pamilya, prinsipyo, at kahit sarili niyang dangal, para lamang masunod ang kanyang nararamdaman.

1. Ang pag-ibig at katapatan. Ipinapakita ng kwento ang iba't ibang uri ng pag-ibig, mula sa romantikong pag-ibig nina Florante at Laura hanggang sa pagkakaibigan nina Florante at Aladin.  Pinag-uusapan din nito ang kahalagahan ng katapatan sa pag-ibig at sa pakikipagkaibigan. Isa na rin ang pagtitiis at lakas ng loob. Kapwa sina Florante at Laura ay nakaranas ng maraming pagsubok at paghihirap.  Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagtitiis at lakas ng loob sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

2. Ang nakapukaw ng aking pansin ay ang saknong 82.

"Itong kinaratnan ng palad kong linsil, salaming malinaw na sukat mahalin na makatatatap, nang hindi sapitin ang kahirapan kong di-makayang bathin."

Ang linya ay nagpapahayag ng matinding pagsisisi dahil sa hindi pagbibigay pansin sa isang simpleng problema noon, na humantong sa isang malaking paghihirap ngayon.  Ipinapakita nito ang pagkadismaya at kawalan ng pag-asa ng nagsasalita dahil sa kanyang kasalukuyang kalagayan.  Mayroong element ng pag-amin ng pagkakamali at pagkilala sa bunga ng kanyang mga desisyon o kawalan ng pagkilos noon.

[Mina, Alyssa Reyne C.]
1.Sa araling ito, makikita natin ang mga mahahalagang aral tungkol sa pagiging mapagmahal na tao.Matutunan natin ang halaga ng pag-ibig, pagkakaibigan, katapangan, at pagtitiis. Mahalaga ring malaman ang tungkol sa pakikipaglaban sa pagkawala ng katarungan at ang pagtatanggol sa mga naaapi. Sa kwento ni Florante, makikita ang mga pagsubok at hirap na dinanas niya, pero sa kabila ng lahat, nagtagumpay siya dahil sa kanyang tibay ng loob at pananampalataya.

Saknong 25:

"Ay saan ngayon ako mangangapit?

Saan ipupukol ang tinangis-tangis,

Kung ayaw na ngayong dinggin ng langit

Ang sigaw ng aking malumbay na boses!"

Sa saknong na ito, ang matinding pagdurusa at kawalan ng pag -asa ni Florante ay labis na matindi. Siya ay nasasabik sa kalungkutan at hindi makahanap ng ginhawa o tulong kahit saan. Siya ay nasa pagdadalamhati at walang nakarinig ng kanyang mga hiyawan, kasama na ang langit. Ang kanyang mga hiyawan ng kalungkutan ay tila naririnig ng lahat, na nagpapakita ng kanyang kumpletong kalungkutan at kawalan ng pag -asa sa gitna ng kanyang mga pagsubok.

1. ang Florante at Laura ay nagtuturo ng katapatan, katarungan, at pagmamahal sa bayan. Ito'y nagpapakita ng tunay na pag-ibig na kayang lampasan ang kahit anong pagsubok. Binibigyang-diin din na ang pag-ibig ay dapat gumamit ng tamang pag-iisip. 2.ang saknong na nakapukaw ng ang pansin ay saknong 80 ito ay nagpapakita na ang pag-ibig ay makapangyarihan—maaaring magbigay ng inspirasyon o humantong sa kapahamakan. Kaya, mahalaga ang tamang paggamit ng talino at paghusga sa buhay at pag-ibig.

1. Ang Florante at Laura ay isang makasaysayang akda na nagtuturo ng mga mahahalagang aral patungkol sa buhay at moralidad. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng paglaban sa kasamaan. Binibigyang-diin din nito ang katapatan at katatagan ng loob, lalo na sa gitna ng matinding pagsubok. Ang pagtitiis at pagtitimpi ay mahalagang pagpipigilang na ipinamalas ng mga pangunahing tauhan, na nagturo ng kahalagahan ng pagpapasensya at pananalig. Kahit pa binibigyan ng halaga ng akda ang hustisya at pagpapatawad bilang susi sa kapayapaan at pagkakasunduan. Sa huli, ipinakita nito na ang tunay na pag-ibig ay may kasamang sakripisyo, kung saan handang magtiis at magbigay para sa ikabubuti ng minamahal.

2.Ang saknong 14 dahil sa saknong na ito ipinapakita nito kung paano naghahari ang kasamaan sa bayan, habang ang mabubuti ay naiisantabi. Nakapukaw ito ng aking pansin dahil hindi lang ito totoo noong panahon ni Florante nangyayari pa rin ito ngayon. Parang paalala ito na kailangang kumilos tayo para labanan ang katiwalian.

Para sa akin, ang Florante at Laura ay higit pa sa isang kuwento ng pag-ibig, ito'y isang emosyonal na paglalakbay na nagtuturo sa atin ng kahalagahan ng pagpapatawad, katatagan, at pag-ibig na may sakripisyo.  Ang paghihirap nina Florante at Laura ay nagpapakita ng katotohanan na ang tunay na pag-ibig ay hindi puro saya, ngunit may kasama ring matinding sakit at pagsubok.  Ang kanilang kuwento ay nagbibigay inspirasyon at lakas ng loob na harapin ang mga hamon sa buhay, na nagpapaalala sa atin na kahit gaano pa kadilim ang daan, ang pag-ibig at pag-asa ay laging nandiyan.

Napukaw ng aking atensyon ang saknong 297 - "May sakit pa kayang lalalo ng tindi na ang sumisinta’y mawalay na kasi? guniguni lamang di na ang mangyari, sukat ikalugmok ng pusong bayani.”

"May sakit pa kayang lalalo ng tindi na ang sumisinta y mawalay sa kasi?" - Ang tanong na ito ay nagpapahiwatig ng matinding sakit na nararamdaman ng isang taong nagmamahal at napalayo sa kanyang minamahal. Ipinapakita nito na walang ibang sakit na mas malala pa kaysa sa paghihiwalay sa taong mahal mo.

Ang mahalagang aral o pagpapahalagang pangkatauhan ang aking natutunan mula sa aralin ay ang pagiging magalang sa kapwa tao. Maipapakita ito sa pamamagitan ng pagtrato ng tama at kalaunan ay pakikipagkaibigan sa kabila ng pagkakaiba ng lahi, kultura o relihiyon. Dahil hindi natin alam kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap. Na sa paglipas pala ng panahon, ang taong iyon ang siyang makakatulong sa atin sa oras ng kagipitan. Ang naging halimbawa ng ganitong pangyayari ay ang pagkakaibigang nabuo kina Florante at Aladin.

Ang saknong na nakapukaw ng aking pansin ay ang saknong bilang 394.

Yaong ehersitong mula sa Etolia

Ang unang nawika sa gayong ligaya:

"Viva si Floranteng hari sa Albanya!

Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!"

Dahil buo na ang kaligayahan ng mga tao dahil sa  kapayapaang kanilang natamo mula sa katapangan at katatagan ni Florante bilang kanilang bagong hari at Laura na kanilang bagong reyna na mamumuno sa Albanya.

Ano ang mahalagang aral o pangkatauhan ang natutuhan sa aralin?

- hindi lahat ng iyong nakakasalubong o nasa paligid at totoo. Ang iba ay nililinlang kalang, matutu kang kumilatis.

Mag bigay ng isang saknong na nakapukaw ng iyong pansin. Ipaliwanag.

-saknong 275, napukaw ito sa aming pansin dahil kamahal ni florante si laura at kung paano niya iniitolo ang pisikal na anyo at laura.

1. Ang Florante at Laura ay puno ng aral na hindi lamang nakatuon sa pag-ibig kundi pati na rin sa mga aspeto ng pagkakaibigan, katapatan, tapang, at pagpapahalaga sa pamilya at kultura. Ang mga aral na ito ay mahalaga sa ating pang-araw-araw na buhay at nagbibigay ng gabay sa ating mga desisyon at kilos.

2. Ang saknong 15 ay isang kasawian mula sa pusong umiinig pagkatapos ng pagmamahalan at gusto na lang mawala yaring buhay, kitilin dahil si Laura’y nakalimbag sa puso’t isipan hindi na walay-walay lahat ng matamis na suyuan.

Chearia Jenelle Navarro, Aisha Gwen Peralta, Christine Jacob Siao, Micaella Buenaventura at Princess Nicole Guillermo

1.Isa sa pinakamahalagang aral sa Florante at Laura ay ang pagiging matatag sa harap ng pagsubok. Ipinapakita ng kwento na kahit gaano kahirap ang pinagdadaanan, ang pagmamahal, katapatan, at katarungan ay mananaig sa huli. Itinuturo rin nito na hindi dapat magpadala sa kasamaan at dapat ipaglaban ang tama at makatarungan.
2.(Saknong 19)

"O, taksil na pita sa yama't mataas,

o hangad sa puring hanging lumilipas!

ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat

at niring nasapit na kahabag-habag.

tinutuligsa ni Florante ang kasakiman sa yaman at kapangyarihan bilang sanhi ng lahat ng kasamaan at pagkasira, na nagdudulot ng mga hindi pagkakaunawaan, pagdurusa, at mga sakunang hindi na kayang iwasto. Sa kanyang mga mata, ang hangarin sa pansamantalang papuri at kaligayahan ay nagiging ugat ng pagkasira ng moralidad at nagiging sanhi ng mga trahedya sa buhay ng tao.

Alexander O. Abuan

Jan Michael D. Caoile

Roysonn Joseph B. Dela Cruz

Christoff Jovbert M. Manicia

Ronn Russel C. Ramirez

1. Pag-ibig at Katapatan
Ang tunay na pagmamahal ay may kasamang tiwala at katapatan, tulad ng ipinakita nina Florante at Laura sa kabila ng mga pagsubok.

2. Pagpapahalaga sa Katarungan

Sa kwento, makikita ang kawalan ng hustisya dahil sa kasakiman at pagtataksil. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng isang lipunang may patas at makatarungang pamamahala.

3. Tapang at Katatagan sa Harap ng Pagsubok

Pinatunayan ni Florante na sa kabila ng mga paghihirap, dapat tayong manatiling matatag at hindi sumuko.

4. Pagtutol sa Katiwalian at Kasakiman

Ipinapakita ng akda na ang labis na paghahangad sa kapangyarihan, tulad ng ginawa ni Adolfo, ay nagdudulot ng kasamaan sa iba.

5. Pagpapahalaga sa Kaibigan at Pagtulong sa Kapwa

Sa tulong ni Aladin, isang Muslim, nailigtas si Florante. Ipinapakita nito na ang kabutihan ay hindi limitado sa relihiyon o lahi

6. Pagmamahal sa Bayan

Ipinakita ni Florante ang kanyang matinding pagmamahal at pagtatanggol sa Albanya, na nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging makabayan.

saknong 19.

"O taksil na pita sa yamat mataas!

O hangad sa puring hanging lumilipas!

Ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat,

at niring nasapit na kagabag-habag!.

Paliwanag:

Ipinapakita sa saknong na ito ang masamang epekto ng labis na paghahangad sa kayamanan at kapangyarihan. Ayon kay Florante, ito ay nagdudulot ng kasakiman, pagtataksil, at pagdurusa sa mundo. Isa itong matinding puna sa katiwalian at kasamaan na nagmumula sa labis na ambisyon. Sa kabuuan ng Florante at Laura, makikita ang ganitong tema, lalo na sa mga tauhang naghangad ng kapangyarihan at nagdulot ng kasamaan sa iba, tulad nina Adolfo.

8-serviño

Noah aturdido

Gian carpio

Aaron distor

Sanmel manicia

Jhelian reyes

1. Ang mga aral na aming napulot ay halimbawa gaya ni Konde Adolfo, dahil sa mga naramdaman niyang inggit at galit kay Florante na naging rason sa kaniyang tangka na saktan si Florante. Ang aral na nakuha namin dito ay ang inggit, galit at iba pang negatibong mga emosyon ay maaring makadulot ng sakit sa ating kapwa. Kaya napakahalaga na makontrol natin ang ating emosyon na maaaring makasakit sa iba.
2.Sa saknong 246 ang nakapukaw sa aming pansin  ang linyang “Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong paingata’t kaaway na lihim, siyang isaisip na kakabakahin” ay isang mapanuring obserbasyon sa likas na pagkukunwari ng tao.  Nagbabala ito laban sa pagtitiwala sa mga unang impresyon, dahil ang pakitang-giliw ay maaaring magtago ng masamang intensyon.  Ang mensahe nito ay may praktikal at pangkalahatang aplikasyon, na nagpapaalala sa atin na maging maingat at mapanuri sa pakikitungo sa iba

Members:

Hannah rynne C. Ordonio

Zyrielle jayde T. Antolin

Jadzia  mae redon

Rhian B.Drequito

Irish Mercado

Ang inggit at pagtataksil ay may masamang epekto.
1.Ang mahalagang aral o pagpapahalagang pangkatauhan ang natutuhan sa araling Florante at Laura ay huwag dapat mainggit at magtaksil dahil lang sa maliit na bagay, dahil ito ay may masamang epekto sa tao o sa iba pang bagay. Gaya nga ng nasa kwento, ang kasamaan ng inggit at pagtataksil ay nagtulak kay Adolfo upang ipagkanulo si Florante na nagpapakita ng negatibong emosyon sa buhay ng isang tao.

2.Ang saknong (323) "Dito nakatanggap ng lunas na titig ang nagdaralitang puso sa pag-ibig;araw ng ligayang una kong pagdinig ng sintang Florante sa kay Laurang bibig." ay nagpapahayag ng matinding damdamin ng tuwa at pag-asa dahil sa pag-ibig. Ipinapakita nito kung paano naging lunas sa paghihirap ng puso ang mga salita ng minamahal. Sa kontekstong ito, ang pagmamahal ni Laura ang nagbigay ng kaginhawaan kay Florante, na maaaring simbolo ng pag-asa sa gitna ng pagsubok.

Pinili namin ang saknong na ito dahil ipinapakita nito ang kapangyarihan ng pag-ibig upang pagaanin ang dinaranas na sakit at paghihirap ng isang tao. Nagpapakita rin ito ng emosyonal na lalim ng karakter at ang halaga ng pagmamahal bilang isang inspirasyon sa buhay.

8-SERVIÑO

Jillian T. Apilado.

Angel Partosa

Aiyesha O. Navarro

Myra A. Saturnio

1. Ano ang mahalagang aral o pagpapahalagang pangkatauhan ang natutunan sa aralin?

Ang pag-ibig at katapatan ay tunay na nagpapalakas sa atin. Sa kwento ni Florante at Laura, nakita natin kung paano ang kanilang pagmamahal ay nagbigay ng lakas sa kanila para harapin ang mga pagsubok sa buhay.

Ang pag-ibig at katapatan ay nagtuturo sa atin na ang tunay na pagmamahal ay hindi nagbabago kahit sa gitna ng pagsubok. Ito ay nagbibigay ng saysay at halaga sa ating buhay, at nagpapalakas sa atin para harapin ang mga hamon ng buhay.

2. Magbigay ng isang saknong na nakapukaw ng inyong pansin. Ipaliwanag.

Sa saknong 281, binabanggit dito na -

Pagsintang labis ng kapangyarihan,

sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw!

Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,

hahamakin lahat masunod ka lamang!

Sa saknong na ito pinapaliwanag na ang pag-ibig ay may kapangyarihang magpabulag sa atin. Kung mahal natin ang isang tao, handa tayong isakripisyo ang lahat para sa kanya, kahit pa ang ating sariling pamilya o prinsipyo. Nakakapukaw ito ng pansin kung paano ang pag-ibig ay maaaring maging sanhi ng ating pagdurusa, ngunit sa kabila nito, ay patuloy pa ring nagbibigay ng saysay at halaga sa ating buhay.

Members:

Tomas, Nathalie Trish R.

Tolibas, Katrina E.

Rain Espino

Adriel Legaspi

Neil Andrei Ramirez

1. Natutunan ko na mahalaga ang pagiging masipag, matiyaga, matapat, at mapagpakumbaba sa buhay. Ang mga katangiang ito ay tumutulong sa atin upang maging mabuting tao at magtagumpay sa ating mga pangarap.

2. (Isang saknong mula sa aralin) – Pinili ko ang saknong na ito dahil malalim ang mensahe nito at may kaugnayan sa aking karanasan. Ipinapakita nito ang halaga ng pagiging matatag sa kabila ng pagsubok at kung paano ito nakakatulong sa ating pag-unlad bilang tao.

Members:

Jhemar Balala

Aedrian melnic cesario

Lay Mark Nadong

Xian Estabillo

Charles yu

8- Serviño 1. Ang Florante at Laura ay nagtuturo sa atin na ang tunay na pag-ibig ay matapat, puno ng sakripisyo, hindi makasarili, at may respeto sa isa’t isa. Hindi ito natitinag ng pagsubok at panlabas na hadlang, at ito ang nagtatagumpay sa huli.
2. Sakin ng 286:”O gererong naawa sa akin, pagsilang na iyong nabagong bituin, sa pagkakita ko’y sabay ang paggiliw, inagaw ang pusong sa ina ko’y hain.”

dahil sa kanyang damadamin kay laura, ang kanyang kalungkutan sa pagkawala ng kanyang ina ay napalitan ng takot, takot na hinde sya karapat-dapat ang kanyang damdamin sa dalaga.

Anna Mae Cube, Princess Agluba, Mecaella Jane Ramirez, Princess Hannah Oliveros, Christine Joyce Magana