Grade-8 Euclid Collaborative Work by Meriam Laconsay

GROUP 1
Si Cyril ay tanyag bilang isang masipag at matalinong estudyante ng kanyang paaralang pinasukan noong siya ay nasa elementarya pa lamang, kung kaya’y hindi nakapagtataka na nakapasa siya sa pagsusulit na iginawad sa isang science high school sa kanilang bayan. Ngunit dahil sa pandemya ay napabayaan niya ang kanyang pag-aaral sa kadahilanang wala siyang gadyet at sapat na badyet para sa kanyang online class. At dahil dito, napag-iwanan na siya sa kanyang mga gawain kagaya ngayon; hindi siya nakapag-pasa ng kanyang mga gawain noong ikalawang kwarter. Kung kaya’y pinapapunta siya ng kanyang guro sa iskul upang doon niya gawin ang mga gawain na itinakda sa kanila. Imbis na malungkot ay natuwa siya sa balitang ito,ngunit, mayroon siyang problema— hindi pa siya pinayagan ng kanyang mga magulang dahil hindi pa siya nakapag-vaccine.

Estudyante -

“ Nanay, sabi ko nga po, kailangan ko po pumunta doon sa school nga.”

Magulang (nanay) -

“ Ewan ko sayo! Hindi pwedeng pumunta sa paaralan dahil hindi pa nasisigurado ang iyong kaligtasan lalo na’t  at hindi ka pa nakakapag-vaccine. “

Ate -

“ Ganon na nga dahil pwede mo rin naman yan gawin na lamang dito sa bahay at ligtas ka pa.”

Dahil sa kagustuhang pumunta sa kanyang paaralan ay muli nitong pinilit ang kanyang mga magulang….

Estudyante -

“Nanay, kailangan ko an talaga pumunta doon sa paaralan. Basta, magfa-face mask po ako.”

Ngunit sa kasamaang palad ay….

Nanay, ate

“HINDI PWEDE!” sabay na tugon ng kanyang mga magulang.

Dahil sa nangyari ay agad na pinanghinaan ng loob ang estudyante, dahil hindi nito mapapayag ang mga magulang kahit anong gawin nito. Kung kaya naman ay agad niya itong ibinalita sa kanyang guro gamit ang selpon na ipinahiram sa kanya ng kanyang nakakatandang kapatid.

Guro -

“ Naiintindihan ko kung bakit ganon ang naging pasya ng iyong magulang, kung gusto mo pwede mo naman ding iuwi ang iyong mga modules upang sa bahay mo na lang matapos ang iyong mga gawain”

Bakas ang pagkadismaya ng kanyang guro sa boses nito.

Guro (subject teacher) -

“ Hello anak, gaya ng sabi ng guro mo ganun na lang din ang sa akin. Kung makakapunta ang magulang mo ay isabay na lang din sa pagkuha ang mga gawain na aking ipapagawa. Maraming salamat!

Estudyante -

“Thank you po, guro!”

Nagkaroong muli ng pag-asa ang estudyante dahil sa sinabi ng guro. Kung kaya ay sinabi na nito kaagad ang mga salitang binitawan sa kanya ng kanyang guro, bawat letra’t titik mga pangungusap, pati ang paghihinto ay ginaya nito. Hinaluan pa nito ng paga-arte. At sa wakas ay napapayag na nito ang kanyang nanay na kausapin ang mga guro nito.

Kinabukasan ay pumunta ang nanay nito sa kanilang paaralan. Malinis at kumpleto sa gamit pang proteksyon sa Covid-19. Bagamat kumpleto pang proteksyon ay hindi pa rin magbabago ang isip nito. Buo na ang kanyang desisyon na huwag pabakunahan ang anak nito, nag-aalala rin ito sa kanyang kalusugan. Alam nitong may tampo ang kanyang anak sa kanya ngunit mas mahalaga sa kanya ang kalusugan nito kung kaya ay nagmatigas siya.  Dahil nasabi naman na ng kanyang anak ang silid na papasukan ay agad nitong tinungo ang gusali kung nasaan ang silid.  Nakita niya ang mga guro ng anak at kumatok, siya namang pinapasok ito ng mga guro. Binati niya ang mga guro ganun din ang ginawa ng mga ito sa kanya at tinanong kung kumusta naman ang anak nito.

Nanay -

“ Humihingi po ako ng paumanhin dahil hindi ko pinayagan ang aking anak na pumunta sa paaralan kahit kailangan, dahil na rin na hindi masisigurado ang kaniyang kaligtasan kung pupunta siya ng hindi pa nakakapag-vaccine.”

Guro (subject teacher)

“Ayus lang po iyan, paki-abot nalang po ito sa anak ninyo. Narito po ang mga pagsusulit na kailangan nyang gawin. Maraming Salamat po!”

Natapos na ang kanilang usapan at sumang-ayon na lang ang nanay ng estudyante sa napagkasunduan nilang usapan ng adviser ng anak na si Cyril.

Nanay -

“Dito na ho ako ma’am,sir, salamat po at pasensya na talaga."

Guro (adviser) -

“Ay nako po, wala po iyon. Matalinong bata si Cyril tiyak akong makakahabol po siya sa kanyang mga gawain. Narito po ang mga printed activity sheets na inihanda po namin para kay Cyril. “

Nagpasalamat muli ang nanay at nagpatuloy na sa paglabas ng silid.

GROUP #4
Diyalogo:

TAGAPAGSALAYSAY: Isang mainit na hapon ng Lunes, ang mag-aaral na si France ay dumadalo sa kaniyang klase sa Filipino.

GURO: Paalala lang ulit mga anak bago natin tapusin ang ating online na klase, huwag kalimutan ang iyong gawain na dapat ipasa sa Miyerkules. Kailangan niyo itong isumite dahil ito na lang ang inyong huling pagkakataong bumawi sa inyong mga marka sa Filipino, lalo na sa mga nahihiyang magpasa. Sige na mga anak maaari na kayong umalis sa google meet, salamat sa pagdalo!

TAGAPAGSALAYSAY: Nagmamadaling umalis si France sa google meet.

FRANCE: Hay! Napaka-init sa Pilipinas, 'di ko na keri yung init!

TAGAPAGSALAYSAY: Tumunog ang selpon ni France.

FRANCE: Uy, may bagong mga episodes na yung teleserye ni lodi! Papanoorin ko muna ito, mamaya ko na gagawin yung gawain sa Filipino.

TAGAPAGSALAYSAY: Lumipas ang ilang oras at natapos na ni France ang teleserye na kanyang sinusubaybayan.

FRANCE: (sa kanyang isipan) Petmalu talaga si lodi ang galing niya!

TAGAPAGSALAYSAY: Si France ay tumingin sa orsan.

FRANCE:  Hala! Hindi ko na namalayan yung oras, alas tres na nang hapon. 'Di ko pa nagagawa yung gawain sa Filipino.

NANAY NI FRANCE: France! Kanina ka pa nagseselpon d’yan! Bumili ka nga kay aling Bebang ng asin.

FRANCE: Eh! Mama, gagawa pa ako ng assignment.

NANAY NI FRANCE: Susmariosep! Bibili ka lang naman ng asin sa kabilang kanto, ‘di mo pa magawa!?

FRANCE: Hehe, sorry na mama, ito na po bibili na. Pero mama pengi ako ng pang-load.

NANAY NI FRANCE: Sige, ipang-load mo na yung sukli.

FRANCE: Yey! Salamat mama!

TAGAPAGSALAYSAY: Si France ay nagmamadaling umalis ng bahay.

TAGAPAGSALAYSAY: Dumating na Martes at hindi pa din nagagawa ni France ang kanyang gawain sa Filipino.

FRANCE: Hala! Napakarami ko pa palang dapat gawing aktibiti. Sige, gagawin ko na lahat para matapos na.

TAGAPAGSALAYSAY: Nag-ring ang kanyang selpon at sinagot ito ni France

FRANCE: Uhm? Hello?

KAIBIGAN NI FRANCE: Oh, France! Hindi ka ba nababagot sa pananatili sa bahay n’yo? Baka mapraning ka n’yan. Tara, kain tayo sa labas, libre ko na. Pumayag kasi si Ermat e.

FRANCE: Ngek! Andami ko pang dapat tapusin na gawain, lagot ako nito.

KAIBIGAN NI FRANCE: Ah, ganon ba? Sige lodi, sayang naman at nakapaghan-

TAGAPAGSALAYSAY: Hindi pa natatapos ng kaniyang kaibigan ang sasabihin ay nagpasya na si France.

FRANCE: Hay naku! Sige sasama ako, basta ikaw, malakas ka sakin e.

TAGAPAGSALAYSAY: Kumain sa labas ang magkaibigan kasama pa ang iba nilang tropa. Hindi na natapos ni Juan ang mga dapat niyang gawin. Dumating na Miyerkules.

INA NI FRANCE: Anak? Natapos mo na ba ang mga online activities mo?

FRANCE: Nay, hindi pa po, kasi po... Niyaya po ako ng kaibigan Kong kumain sa labas kaya pumayag at sumama naman po ako.

INA NI FRANCE: Ano? E kung inuna mo sana ang mga activity mo, edi wala kang poproblemahin ngayon!

FRANCE: Sorry po, gagawin ko na po agad ngayon, at sisiguraduhin kong tatapusin ko na ang mga aktibiti ko bago makipagsalamuha sa kanila.

Group 5
Tagapagsalaysay: Indi masagutan ni Roy ang kanyang mga gawain sa matematika, kaya humingi siya ng tulong sa kanyang nanay at tatay.

Bata: Nay, pwede ho ba kayong maabala? Mayroon po kasi kaming lesson sa Matematika. Medyo

mahirap po kaya hihingi po sana ako ng tulong.

Mama: Dehins ko rin alam, nak. I-try mo itanong sayong guro.

Tatay:Sorry talaga 'nak may shift pa ako bilang sekyu ng mall.Di bale babawi na lang ako sa susunod.Subukan mong tawagan yung guro mo patulong ka.

Tagapagsalaysay: Hindi kamo makakatulong ang nanay at tatay ni Roy sa kanyang gawain sa iskul, kaya nagtanong nalang si Roy sakanyang teacher.

Bata:

Teacher: Magandang hapon iho, sabi mo wala ang iyong mga ermat at erpat, Sabihin mo lang ang problema at tutulungan kita di naman ako toxic.

Group 3
Si Eunice ay inaya ng kanyang mga kaibigan na sina Allie at Jan na sumama sa outing para sa kaarawan ni Allie. Hindi siya makatanggi kaya kahit na sila ay may klase noong araw na iyon, pumayag siya na sumama sa kanila.

Allie: Hi Eunice at Allie! Pwede ba kayo bukas, sama kayo sa family outing namin para sa birthday ko. Minsan lang naman ako mag-aya, sama na kayo!
Eunice: Advance happy birthday Allie, sige sasama ako. Yun na birthday gift ko sa'yo ah!
Jan: Hala may online class din tayo bukas kay Mr. Fernandez, pano yun?
Allie: Minsan lang naman ako magbirthday, tara na mga besh!
Eunice: Ako na lang ang magpapaliwanag kay Sir, kung sakaling siya ay magtanong.
- online class -
Mr: Fernandez: Dela Cruz? Eunice Dela Cruz, are you here?
Taroc: Hindi ko po siya kaclose pero nakita ko po sa post niya po sa fb na kasama niya po sina Jan, Allie at yung pamilya niya po nag outing.
- after class & outing -
Mr. Fernandez: Gusto mo bang ipaliwanag kung bakit hindi ka dumalo sa online enrichment?
Eunice: Sorry po sir kasi po hindi ko po matanggihan yung mga kaibigan ko po kasi birthday nya po eh.
Mr. Fernandez: Naiintidihan ko na hindi mo sila matanggihan. Ngunit sana sa susunod ay alam na ninyo ang inyong mga dapat unahin.
Eunice: Opo sir, naiintindihan po namin.

GROUP 2
Allen: Nais kong manghingi ng tulog sa aking guro sapagkat nahihirapan ako sagutan ang asignaturang matematika.
Princess Mae: Allen, hindi ko magets yung math natin.
Dwayne: Omsim.
Allen: Ako nga din e nagtatanong na ako kay ma'am ugalde.
Allen: Good day po ma'am, nahihirapan po kami sa pagsagot sa asignaturang matematika.
Miss Ugalde: Magandang araw din sa’yo Claros, nasa libro lahat. P’wede kang magtanong sa mga kaklase mo tungkol dyan sa topic natin sa Matematika.
Allen: Maraming salamat po.

Group 6
Guro at si John:
Guro: ‘Nak, maaari ka bang pumunta rito sa Huwebes at Biyernes para sa mga missing mong mga tasks?

John : Sorry po, Ma’am. Hindi po ako pinayagan ni mommy. Ganon din po ang lispu ko na tatay. Ewan ko po sa best friend ko.

John at ang kaniyang Ina:
John: ‘Nay, gusto ko pong pumunta sa school at doon gawin ang missing tasks. Excited na rin po akong lumabas at gumala.

Nanay: 'Nak, intindihin mo sana ang sitwasyon na hindi ka pa nababakunahan. Hindi pa sigurado na magiging ligtas ka kahit na nakasuot ka ng mask at ginagawa ang social distancing.

John at Joseph:
John: ‘Tol, pinayagan ka ba ng ermat mo pumunta sa school?

Joseph: Nakakuha na kasi ako ng 2nd Dose Vaccine ko laban sa Covid-19, kaya im ready na. How 'bout you?

John: Hindi ako pinayagan ni ‘nay kasi alaws pa ako vaccine.

Joseph: Ahh, gege.