“Ang Repleksyon ng Pagmamahal Ko sa Diyos” by CLEO ERIBAL

Ang Repleksyon ng Pagmamahal sa Diyos.
Ang biglang pagpapapakita ng malawaking pandemya ng malubhang sakit na COVID-19 ay isa sa mga hindi naaaninag ng lahat. Halos lahat ng bagay ay biglang  nagbago na tila kahapon lang tayo ay pumupunta sa ating paaralan, trabaho at simbahan ng harap-harapan nang walang takot. Ngayon ay mas nagbibigay-distansya na ang mga tao para makaiwas sa pagkahawa ng sakit na naging dulot sa paghidwa ng komunikasyon ng marami. Dahil sa malubhang pandemyang ito, marami ang nahihirapan sa pagkuha ng kanilang pangangailangan. Sa simula ng pagpapakita at paglunsad ng lockdown ay marami ang naghoarding ng pagkain, tubig at de-lata na naging dahilan kung bakit ang iba ay bigong nakapagkuha ng kanilang kakailanganin. Hindi lamang ito ang naging epekto sapagkat mas pinili ng gobyerno na mas maglunsad ng health and safety protocols para sa ikabubuti ng lahat, at nakakatulong ito pero malaking trahedya rin ang patuloy na pagsara ng maraming establishments at businesses dahil sa kakulangan ng costumer at salapi. Dahil dito, maraming mamamayan ay nawalan ng trabaho at hanap-buhay na naging rason sa pagkulang ng salapi para maitustos ang kanilang pangangailangan. Ang pandemyang ito ay nakapaghahalungkat sa isa sa mga problemadong oras ng sangkatauhan. Ngunit mas naipapakita ng sangkatauhan ang malawakang pagmamalasakit sa nangangailangan. Bilang isang mamamayang estudyante, pili lamang ang aking magawa sapagkat karamihan ay hindi puwede, ngunit ang pinaka-importanteng bagay na iyong magagawa ay ang buong pananampalataya sa Panginoon. Kapag matatag ang koneksyon o relasyon mo sa Panginoon, alam mo sa iyong kaloob-looban ang mga moral na isasapuso at isasabuhay mo. Isa sa pinaka-importante at hinahangad ng Panginoon sa kanyang mga anak ay ang pagkaka-isa at pagtutulong tungo sa kapayapaan. Ayon sa utos ng Panginoon na "love thy neighbor" nais nitong makita ang malawakang pagtutulong ng bawat isa, at ang una mong maisabuhay nito ay ang pagtutulong sa kapuwa ng walang hinihinging kapalit. Ang pagtutulong sa kapuwa ay repleksyon mo sa iyong pagmamahal sa Panginoon. Ang paggalang at pagrespeto sa dignidad ng kapwa ay nagpapahiwatig na pinapahalagahan mo ang kaniyang dignidad bilang tao. Ang dignidad ay ang kaloob-looban ng tao na kahit kanino man ay hindi ito makuha o madali. Ang pagtutulong at pagrerespeto sa kapwa ay nagmumukhang maliit na bagay sapagkat ito talaga ay maliit na bagay. Normal lang na ang lahat ay rinirespeto at ginagalang ang dignidad. Kahit maliit man ito sa nakakarami, nakapagbibigay ito ng malaking pagbabago sa iyong sarili, sa Diyos at sa sangkatauhan.

Sofia Bethany L. Balili
STEM-DALTON

"Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos"
Sa sandaling ito ng krisis, maipapakita ko ang pagmamahal ko sa komunidad bilang pagpapakita ng pagmamahal ko sa Diyos sa pamamagitan ng pagiging lingkod ng iba. Nagdulot ang Pandemic ng pagkabalisa at kalungkutan bilang resulta ng social distancing at isolation. Ang magagawa ko para tumulong at maglingkod sa iba ay makinig o magsalita nang may kapanatagan. Itinuro din sa akin ng Diyos ang kahalagahan ng pagiging bukas-palad. Makakatulong ako sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain at mga pangangailangan pati na rin ang pagbabahagi ng iba pang mga pagpapala sa mga nangangailangan. Maaari din akong makipag-chat at tumawag sa aking malayong pamilya at mga kaibigan para hikayatin silang makipag-ugnayan sa akin kung kailangan nila ng tulong. Maaari din akong lumahok sa mga kaganapang panlipunan ng lokal na kapitbahayan. Maaari din akong kumonekta nang digital sa mga nasa aking kapitbahayan sa pamamagitan ng pagsali sa mga lokal na platform ng social media. Kahit sa gitna ng social distancing, tinuruan ako ng Diyos na magmahal. Ang pag-ibig ay nasa paglilingkod. Sa pamamagitan ng mga pagkilos na ito, ligtas kong maipaabot ang awa at pagmamahal sa iba, maging isang pagpapala, at mabibigyan ko sila ng pag-asa. Sa paglilingkod sa iba, naipahayag ko ang aking tunay na pag-ibig sa Diyos.

"Contribute to the needs of God’s people, and welcome strangers into your home.”

Romans 12:13

Julianna Maree R. Pueblas
STEM - Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos
Ang pagmamahal ko ay hindi perpekto. Bilang isang tao, wala naman talagang perpekto sa ating lahat. Limitado lang ang aking kakayahan na magmahal. Mahal ko ang Diyos, ngunit minsan ay nakakalimutan ko Siya. Minsan ay sinusuway ko Siya. Nakakahiya man aminin, ngunit marami akong pagkukulang sa Diyos. Subalit, kahit marami akong kasalanan at pagkukulang sa Diyos, ay mahal pa rin niya ako. Ang pagmamahal ng Diyos ay hindi nagbabago, kahit ano ang nagawa ko o kahit gaano man ako nagbago, ang pagmamahal ng Diyos sa akin ay hindi nagbago. Ang pagmamahal rin sa Diyos ang dahilan kung bakit Nandito ako ngayon, kung bakit nakasulat ako sa repleksyon na ito, dahil sa pagmamahal ng Diyos sa ating lahat ay sinakripisyo Niya ang Kanyang Sarili upang mailigtas tayong lahat. Oo marami akong pagkukulang sa Diyos, ngunit dahil sa pagmamahal ng Diyos sa akin ay nalalampasan ko ang aking mga pagkukulang. Dahil sa pagmamahal sa Diyos ay nakamahal ako sa aking mga kapwa. Ang pagmamahal ng Diyos ang dahilan kung bakit ako nagmamahal. Ang pagmamahal rin ng Diyos ang dahilan kung bakit hindi ako titigil sa pagmamahal at paglilingkod sa kanya.

Dahil sa pandemya ay nalilimitahan tayong lahat, ngunit hindi ibig sabihin nito ay nalilimitahan ang ating kakayahang magmahal. Maipapakita ko ang aking pagmamahal sa aking kapwa sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng pag suporta sa kanila. Sa akin namang pamilya ay makakatulong ako sa pamamagitan ng pagbigay gabay sa pagsagot ng module sa aking mga pinsan at kapatid. Tutulong rin ako sa mga gawain bahay upang makatulong sa aking mga magulang.

Sabi ng Diyos na dapat ay mahalin ko ang aking kapwa, kaya't mamahalin ko sila gamit ang hindi nagbabagong pagmamahal ng Diyos. Tatratuhin ko ang aking kapwa nang mabuti. Patataasan ko ang aking pasensya sa kanila. Tutulungan ko sila gamit ang lahat ng aking makakaya. Lahat ng ito aking gagawin sa aking kapwa dahil lahat ng ito ginawa ng Diyos para sa akin. At dahil sa pandemya ay mas rerespetuhin ko ang aking kapwa at magiging mabait sila. Dahil lahat tayo ay nahihirapan ngayon at hindi makakatulong ang pagiging masama sa ating kapwa, dapat ay intindihin natin ang isa’t isa at repetuhin. Matatapos rin tong pandemya, ngunit ang pagmamahal ng Diyos ay panghabang buhay.

Leshem Joy S. Paica
10 - DALTON

ANG REPLEKSYON NG PAGMAMAHAL KO SA DIYOS
Walang hangganan ang pagmamahal ng Diyos sa atin. Siya ay dakilang namumuno sa ating lahat. Ang ating espiritu at kaluluwa ay nasa Kaniya lahat. Ang mga emosyon na ating nararamdaman ay sa Kaniyang damdamin. Lubusan ang Kaniyang pagmamahal sa atin kaya mamahalin natin siya pabalik. Hindi man gaano kalaki ang aking pamamahal kung ikukumpara sa Diyos, pero mamahalin ko po ng maigi ang Diyos at mamahalin ko din ang aking kapwa. Ang pagmamahal sa kapwa ay katumbas ng pagmamahal sa panginoon, dahil walang sinumang nakakita sa Diyos kahit kailan. Kapag tayo ay nag-iibigan sa isa’t isa, ang Diyos ay nananatili sa atin at ang kaniyang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin. Mag-ibigan tayo sa isa’t isa sapagkat ang pag-ibig ay mula sa Diyos. Ang sa bawat isang umiibig, ang kanilang kapanganakan ay mula sa Diyos at nakakilala sa Diyos. Ito ang utos na ibinigay niya sa atin: Ang sinumang umiibig sa Diyos ay dapat din namang umibig sa kaniyang kapatid. Lalo na sa panahon natin ngayon, dapat tayong magsama-sama para malutasan ang ating sitwasyon ngayon na mayroong pandemya. Para mapahigit natin ang pagmamahal sa kapwa at sa ating Diyos.

Myka A. Mahinay
GRADE 10-DALTON

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos
Ang pagmamahal ng Diyos sa atin ay hindi mapapantayan, kaya't tayo na kanyang nilalang ay dapat nating suklian ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng ating totoo at lubos na pagmamahal, pagsilibi at pagsamba sa Kanya. Maipapakita ko ang pagmamahal sa pamamagitan ng una, panalangin para sa kaligtasan ng mga tao. Ikalawa, pagbibigay ng mga pangangailangan nila sa aking makakayang tulong tulad ng mga pagkain, damit at pera. Ikatlo, ibahagi sa kanila ang salita ng Diyos na nagbibigay ng kaginhawaan at kapayapaan at higit sa lahat na manalig ang mga tao sa Kanya dahil walang imposible sa Diyos. At dahil sabi ng Diyos na magmahalan ang bawat isa dahil diyan natin maipapakita sa Kanya na tayo ay sumunod sa Kanyang utos. Sumunod tayo sa Kanyang utos hindi dahil tayo ay napilitan kundi dahil sa totoo nating pagmamahal sa Kanya.

"Do not withhold good from those who deserve it, when it is in your power to act."
Proverbs 3:27

JK Victoria S. Buaquina
Grade 10-Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos
Dalawang taon na simula ng nakaranas tayo ng pandemya sa ating mundo. Ang pandemya na ito ay isang nakakatakot dahil ang bayrus na ito ay nakakapatay. Maraming mga aspeto sa ating buhay ang naiiba at nababago ng dumating ang pandemya, katulad na lamang ang panibagong paraan sa pag-aaral ng mga studyante, kawalan ng trabaho, ang pananatili sa loob ng bahay na nakakaapekto sa ating 'social life' at marami pang iba. Maraming hindi maganda ang naidulot ng pandemya na ito. Naging ka awa-awa ang mga taong walang kaya dahil natanggal sila sa kanilang trabaho kaya't wala na silang pera sa pang araw-araw na gastusin sa bahay. Ngunit, hindi tayo pinapabayaan ng Diyos. Kahit na ganito ang ating sitwasyon ngayon, ay palagi Niya tayong ginagabayan at pino-proteksyonan dahil mahal Niya tayo, nasa tao lang din desisyon kung tatangapin niya ang pag-ibig ng Diyos

Bata pa lamang ako ay naging natura ko na ang magbigay sa mga taong nangangailangan lalong lalo na ang mga matatanda o mga nanglilimos sa gilid ng gusali. Maikli lamang ito, ngunit alam ko na malaki na itong halaga para sa kanila. Bilang isang mag-aaral sa gitna ng global na pandemya, susunod ako sa mga palatuntunin na binigay sa gobyerno at sa mga taong nagtrabaho sa medical field. Sa pagsunod sa kanila, nagpapakita na ito ng pagtulong at pagmahal sa kapwa dahil naging responsable tayo sa kanilang palatuntunin. Hindi din nawawala ang pagbibigay ng mga pagkain sa mga taong nangangailangan ng tulong. Ngunit, limitado lamang ang naibigay ko dahil estudyante pa lamang ako at walang sapat na pera upang makabili ng marami. Binibigyan ko lamang ang mga kapit-bahay namin na walang kaya. Masarap sa pakiramdam na makatulong sa kapwa. Pero bakit ko ba ito ginawa? Tinuruan tayo ng Diyos na dapat tayo maging bukas-palad sa nga taong nangangailangan, magbigay sa kanila sa abot na iyong makakaya. Tinuruan Niya tayo na huwag magkaroon ng matigas na puso, datapwa't maging bukas sa kanila. Huwag maging makasarili dahil ang Diyos ay  mapagmahal na Diyos. Mapagmahal ang Diyos, sa lahat ng mga sitwasyon na nangyayari sa aking buhay, mararamdaman ang gabay at proteksyon na binigay Niya sa akin. Kahit sa gitna ng pandemya, hindi Niya kami pinapabayaan. Oo, may mga panahon na naghihirap ang kami, may panahon na na 'isolate' kami ng dalawang linggo, ngunit dahil sa aming paniniwala at pagmamahal sa Diyos, hindi Niya kami iniwan. Pinapala Niya ang aking pamilya.

Sabi ng Diyos na tumulong tayo sa iba. Mahalin natin. Ang mga tao dahil minahal Niya tayo. Utos ito ng Panginoon, kaya't kung mahal natin Siya, sundin natin ang Kanyang mga utos. Tulungan natin ang mga nangangailangan na walang hinhinging kapalit. Tumulong tayo sa abot ng ating makakaya. Lalong lalo na sa pandemya ngayon, dapat pag-iisipan natin ng matino at maigi ang ating mga kilos upang hindi tayo maging dagdag na suliranin sa lipunan. Palagi din nating isipin na karamihan sa atin ay naghihirap na, kaya't maging bukas tayo sa lahat lahat. Sumunod tayo sa Kaniyang utos dahil mahal natin Siya.

"Beloved, let us love one another, for love is from God, and whoever loves has been born of God and knows God. Anyone who does not love does not know God, because God is love."
1 John 4:7-8

Sheen C. Ondo
Grade 10 STEM-Dalton

Ang Repleksyon ng Pagamamahal ko sa Diyos
Ang pagiging estudyante sa kalagitnaan ng pandemiko ay isang malaking hamon. Maraming bagay ang nagbago sa ating buhay. Pero kahit nagbago na ang mga bagay-bagay, dapat hindi nagbago ang ating pagmamahal sa ating kapwa at sa ating Diyos. Kahit kung minsan ay nangyayari ang paglockdown, maaari pa rin tayong manalangin at magsimba kahit online lamang. Maaari pa rin tayong naroon para sa ating kapwa.

Sa mga taong nakapaligid sa atin, tulad ng ating pamilya at mga kaibigan; dapat tayong laging tumulong, mabait at magalang sa kanila. O kung may isang taong hindi mo kilala na nangangailangan ng tulong, ang una nating malinaw ay tulungan sila. Dapat din nating tanggapin nang buong puso ang Diyos sa ating pamilya. Dapat tayong magsimba o sama-samang manalangin sa rosaryo gabi-gabi bago tayo matulog. Talagang pinalalakas nito ang ating pagmamahal sa aming pamilya at sa pagmamahal natin sa Diyos.  Mahalin rin ang inyong sarili upang mamahalin ninyo ang inyong kapuwa. Magbibigay ang Diyos ng tiwala sa iyong sarili para marami ka pang kayang magagawa ng mabubuting bagay at para mas maipahayag o maiipakita mo pa ang iyong sarili na walang paghihigpit. Ibigin rin ang iyong mga kaaway. Gagawin kayong mas matatag na tao ng Diyos at bibigyan kayo ng malakas na kalooban nito, kahit parang mahirap itong gawin. Dapat hindi tayo mag-isip sa posibleng matatangap mo sa pagmamahal mo sa kapwa. Basta Nakagawa ka ng maayos o nakatulong ka sa kanila. Hindi na kailangan ang kapalit.

Ang ating puso't isipan ay dapat laging mapuspos ng pag-ibig at mga salita ng Diyos. Dapat nating matutuhan at turuan ang ating sarili at ang ibang tao nang higit pa tungkol sa Diyos at sa kanyang mga salita. Sa pagbabahagi ng ating kaalaman at pagmamahal sa Diyos, isang paraan din ito ng pagpapahayag ng ating pagmamahal sa Diyos. Ang pagiging mabait, nakakatulong, paggalang at paggawa ng mas mabubuting bagay ay isang paraan para maipakita ang ating pagmamahal sa kanya. Kahit kung minsan ay limitado tayo dahil sa COVID-19 ngunit dapat nating sikaping ipakita ang ating pagmamahal at paggalang sa ating Panginoon at Tagapagligtas na ang Diyos.

Zoey Sophia Camille B. Goc

STEM-Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos
Walang sinumang umasa sa mga hamon at problemang madudulot ng pandemya. Wala tayong ideya kung gaano kalubha ang ating mga sitwasyon dahil sa pagsiklab. Dapat tayong maging mas maingat sa ating kaligtasan at kalusugan sa panahon ng pandemya upang maiwasan natin ang masama. Ngunit, sa kabila ng lahat ng ating mga paghihirap, hindi natin dapat kalimutan na binabantayan tayo ng ating Makapangyarihang Ama. Kasama natin ang Diyos kahit na parang gusto na nating sumuko dahil sa hirap na ating kinakaharap. Kasama natin ang Diyos sa buong panahon, hindi Niya tayo iniiwan kahit sa isang segundo. Dapat tayong magpasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa atin ng hindi kapani-paniwalang mga pagpapala habang tayo ay lubhang nangangailangan. Dapat tayong magpasalamat sa Diyos sa pagtupad ng ating mga pangarap at pagbigay ng liwanag sa ating mga kinabukasan noong tayo ay nagdududa sa ating sarili. Ipakita ko ang aking pagmamahal sa Diyos sa pagmamahal sa aking kapwa sa pamamagitan ng pagtulong-tulong sa kanila kung nangangailangan sila, at pag respeto sa isa't isa, at sa pagiging mabuting tao sa lahat ng mga tao. Hindi ka nag-iisa sa mahirap ng buhay, nandito ako, nandito tayo. Magkasama tayo sa ating mga kahirapan, at sa ating pagmamahal sa Diyos. Ito ay nagpapakita kung gaano katibay at kamangha-mangha ang ating pagtitiwala sa ating Panginoon. Madaling isuko ang ating sarili, lalo na kapag may mga isyu at kahirapan. Ngunit sa kabila ng lahat ng ating pinagdaanan, ang paghihirap na ating naramdaman, at ang mga problemang ating kinaharap, tayo ay nakatayo pa rin nang matatag at nagpupuri sa Diyos. Hinding-hindi natin masusuklian ang Diyos para sa kanyang pagmamahal, ngunit alam ko sa aking sarili na mahal ko Siya tulad ng pagmamahal niya sa akin, at walang makakapigil sa akin na magpasalamat sa kanya para sa kanyang ginawa para sa akin, sa aking pamilya, at sa aking kinabukasan.

Daniela Cyra C. Orcullo
STEM-DALTON

Ang Repleksyon ng Pagmamahal Ko sa Diyos
Noon ay hindi ko naiintindihan nang malinaw kung paano nga ba tayo nagmamahal sa Diyos. Minsan ay naiisip ko na kapag gumawa tayo ng mali ibig sabihin ay hindi na natin Siya mahal. Ngunit habang lumilipas ang mahabang panahon, dumating rin ang pandemyang ito ay mas naintindihan ko kung gaano ko kamahal ang Diyos.

Hindi ako masyadong nagbabasa ng mga bibliya, ngunit hindi ibig sabihin no’n ay hindi ko na Siya mahal. Mahal ko ang mga halaman at mga puno. Mahal ko kung paano Niya ako tinuturuan ng mga aral na siyang dadalhin ko habang buhay at maaring ibahagi sa iba. Mahal ko kung paano Siya ay laging nasa tabi ko, lalo na sa mga panahong pakiramdam ko ay wala akong karamay. Mahal ko kung paano Niya pinapakita sa akin na sa gitna ng kadiliman, Siya ang magsisilbing liwanag para sa akin.

Ngunit bukod sa lahat, mahal ko kung paano Niya ginawa ang mga tao. Kung paano ang mga tao ay nakakaramdam ng maraming emosyon, lalo na ang pagmamahal. Kung paano Niya pinapakita na ang pagmamahal ay isang napakagandang bagay para sa mundo. Na ang pagmamahal ay siyang magdudulot ng kapayapaan at pagkakaisa. Kaya dapat nating mahalin ang ating kapwa kagaya ng pagmahal at pag-alaga Niya sa ating lahat. Respetuhin at patawarin natin sila, dahil ang pagmamahal sa kapwa ay pagmamahal sa Diyos.

Mahal ng Diyos ang lahat, kaya mahalin rin natin ang lahat, lalo na ang ating kapwa. Gawin natin ang tama at nakakapagpasaya sa ating Ama. Mahal ko ang Kaniyang mga nilikha. Mahal ko Siya. Ito man ay kaunting bagay lamang para sa iba, ngunit para sa akin ay napakahalaga na.

Michaela Hannah E. Bonalos
Grade 10 STEM - Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos
Lahat tayo ay may iba't ibang sirkumstansya na kinakaharap sa mundo, at lalo lamang nadagdagan ito sa ating sitwasyon ngayon sa gitna ng pandemya.  Meron mga taong nasasaktan at naghihirap, dahil sa kanilang sitwasyon sa kasalukuyan. May mga taong dumadanas ng kadiliman sa kanilang buhay kung saan naiisipan na nilang bumitaw sa kanilang buhay. Mayroong naghahanap ng hustisya para sa kanilang minamahal. Merong mga estudyante na nahihirapan sa pag-aaral sa gitna ng pandemya. Mga negosyanteng nawawalan ng mga mamimili. Mga lider na nae-e-stress dahil sa mga proyektong pangkalusugan dulot ng pandemya. Ang hirap na pinagdadaaranan ng mga tao ay lalong nadagdagan dahil sa pandemya. Pero sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdadaanan natin, hindi nawala ang gabay at pagmamahal ng Diyos sa atin. Talagang napatunayan siya ay palaging nakabantay at nasa puso natin.

Sa totoo lang, may mga pagkakataon na ako ay nawawalan ng paniniwala sa Panginoong Diyos dahil sa mga alalahanin na nararasan ko o nararanasan ng ibang tao na nakikita ko, ngunit ako ay bumabalik at babalik pa rin talaga sa pagmamahal at pagtitiwala sa kaniya at sa kaniyang plano para sa akin. May mga pangyayaring hindi ko gusto ngunit kagustuhan ito ng Diyos para sa akin.  Sa paglipas ng mga taon at sa mga nakikita ko sa aking mga kaklase, natutunan kong isuko ang aking sarili sa Panginoon. Unti-unti kong napapag-isipan ang importansiya ng pagbubukas ng aking sarili sa Diyos at ialay sa kaniya ang lahat ng aking alalahanin. Kahit gaano pa kapangit ang aking mga nagawa at mga salitang nabitawan, alam ko na mas malaki pa rin ang pagmamahal ng Diyos sa akin at mapapatawad niya ako sa mga kasalanan kong ito. Walang ibang pagmamahal na maaaring maihambing sa pagmamahal na nararanasan ko sa ating Panginoong Diyos. Pinupuno nito ang aking dibdib ng pagmamahal at kasiyahan at napapagaan nito ang aking puso mula sa mga problema, walang ibang pagmamahal na lalamang sa pagmamahal na ibinibigay niya sa akin at sa atin. "I will be glad and rejoice in Your unfailing love, for You have seen my troubles, and You care about the anguish of my soul." (Psalm 31:7)

Dala ng pagmamahal ko sa Panginoon ay ang pagmamahal ko sa aking kapwa na nilikha niya. Sa kabila ng pandemyang ito kung saan hindi tayo gaanong nagkikita at nag-uusap, maraming paraan upang maiparamdam natin ang ating pagmamahal. Hindi ko mapapatunayan ang aking pagmamahal sa kaniya kung hindi ko ito maipaparamdam sa ibang tao. Ang pagrespeto sa aking kapwa tao at sa kanilang dignidad ay simbolo ng pagmamahl ko sa Diyos. Sa simpleng kabutihan na ito sa pang-araw-araw, maipaparamdam ko ang kahalagahan ng pagmamahal sa ating mundo. Ang pagpapatawad sa mga maling nagawa sa akin ng aking kapwa ay aking gagawin at bibigyan ko din sila ng pagkakataon na itama ang kanilang ginawa. Hindi ko sila gagantihan at pahahalagahan ko sila. Mamahalin ko ang aking kapwa gaya ng pagmamahal ko sa aking sarili at sa Diyos. Ang pagmamahal ng Diyos ay halimbawa ng pagpapatawad at pagbibigay ng pagmamahal sa ibang tao. "Forget about the wrong things people do to you. Don't try to get even. Love your neighbor as yourself. I am the Lord." (Leviticus 19:18)

“And so we know and rely on the love God has for us. God is love. Whoever lives in love lives in God, and God in them." (1 John 4:16)

Althea Joy A. Baloncio
10 - STEM Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos
Sa kabila ng napakaraming kahihinatnan ng pandemya, ang pandaigdigang krisis na ito ay naging isang pambihirang panahon din para sa pag-aaral. Ang mga pagsasara ng paaralan ay may tunay na epekto sa lahat ng mga mag-aaral, ngunit lalo na sa mga pinaka-mahina na mas malamang na makaharap ng mga karagdagang hadlang. Ang ibang mga tao sa iyong buhay ay maaaring talagang madaling magbigay ng emosyonal na suporta. Sa pagtaas ng social distansya, maaaring mas mahirap magbigay ng emosyonal na kaginhawaan sa mga tao, at normal ito kung ang social distance ay magsisimulang makaramdam ng pagkabigo sa mga tao tungkol sa "normal" sa kanilang mga relasyon na nagambala. Ang social distance ay nagpapahirap din para sa mga tao na makita na kailangan mo ng suporta dahil maaaring hindi ka nila makasama nang harapan. Magbibigay ako ng oras para sa aking pamilya na hindi ko masyadong nagawa noong wala pang pandemya. Oras na para maging malapit sa aking pamilya at magtulungan sa isa't isa. Bawal pa dapat lumabas kaya mag papakita muna ako ng aking affection sa aking mga kaibigan sa pamamagitan ng teknolohiya. Sa ibang tao na man ay ipapakita ko ang aking pagmamahal sa kanila sa pamamagitan ng pag comment sa social media ng magagandang salita na makakapag paganda sa kanilang araw dahil hindi natin alam na may pinagdadaanan pala sila kaya sa pamamagitan ng pag comment ay maaari ko silang mapasaya kahit sa maliit na bagay.  Ang aking mga aksyon ay maaaring gayahin ang aking mga halaga at ang aking mga iginagalang at hinahangaan. Kung ang aking sinasamba at tinutularan ay si Hesukristo, natural na ang aking mga kilos ay magpapakita ng liwanag ni Hesus sa iba.

Abegail Marie R. Atos
Stem-Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos
Ang pagmamahal sa kapwa ay tanda o repleksyon ng pagmamahal sa Diyos. Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa. Ito ay dahil sa bawat oras na mahal natin ang ating kapwa, ipinapakita natin ang pagmamahal ng Diyos sa labas ng mundo, ipinahahayag natin ang ating pagmamahal sa Diyos hindi lamang sa pamamagitan ng mabuting relasyon sa Kanya, kundi sa pamamagitan din ng mabuting relasyon sa ating kapwa.

Bilang isang mag-aaral na nasa gitna ng global na pandemya, maipapakita ko ang pagmamahal ko sa aking kapwa bilang tanda/repleksyon ng pagmamahal ko sa Diyos sa pamamagitan ng pagtingin at pagiging mapagmasid sa anong mga kailangang gawin at pagiging responsable sa kahit ano mang bagay lalo't maaaring ikamamatay ng nakararami ang virus na ito. Sisiguraduhin kong lahat ng kilos ko ay hindi lang para sa aking sariling kapakanan kundi pati na rin sa aking kapwa, gaya ng pag-uugaling pagsuot ng facemask, paghugas ng kamay, at pagsunod sa mga health protocols. Sisiguraduhin kong nasa maayos na kalagayan ang aking kapwa at tutulungan ko ang mga nangangailangan ng tulong ng hindi pinipili lamang ang mga taong tutulungan ko. Hihikayatin ko rin ang aking mga kapwa na palakasin din ang kanilang pananampalataya sa Diyos at dapat magtiwala at manalig sila sa Diyos na magiging maayos din ang lahat at huwag sumuko. Magiging aktibo rin ako sa mga gawain o activities sa simbahan at sisiguraduhing maglalaan ako ng oras upang makapagsimba. Sisiguraduhin ko ring sa lahat ng gagawin o ginagawa ko sa buhay, gagawin kong sentro ng aking buhay ang Diyos.

Yessuah Leih Ande P. Bugas
STEM - Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos
Ang pagmamahal natin sa kapwa ay nagmumula sa pagmamahal natin sa Diyos. Tinuruan tayo ng Diyos na mahalin ang ating kapwa na gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili.  mahalin mo katulad ng pagmahal sa sarili ang kapwa. Ibigin mo ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili. Isaisip at isapuso ang mga utos niya sa pamamagitan ng hindi pagsuway at pag-iwas sa mga tukso. Sa pamamagitan ng kanyang halimbawa ipinakita niya sa atin na ang mga espirituwal at pisikal na pangangailangan ng ating kapwa ay kasinghalaga ng sa atin.
Ang pagkakaroon ng kamalayan sa pag-ibig ng Diyos para sa iyo ay maaaring gumawa  ng isang mas malakas, mas mahusay at mas may kumpiyansa na tao. Siya ang sentro at inspirasyon ng lahat ng pag-ibig sapagkat sukdulan ang pag-ibig na ibinigay niya para sa atin. Ang Diyos ang pinagmumulan ng pag-ibig kung kayat imposibleng maghiwalay ang pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapuwa. Ang Diyos ang ating tagapagligtas siya ang pinakamakapangyarihan sa lahat siya rin ang gumawa at lumikha sa ating mga tao napakahalaga na ating ibigay ang buong pagmamahal at lubos na pananalig sa kanya dahil sa kanya makakaramdam tayo ng kapayapaan sa ating mga puso.
Bilang isang mag-aaral, ipapakita ko ang pagmamahal sa kapwa sa panahon ng pandemya sa pamamagitan ng paglalahad ng mga  dapat gawin upang maging ligtas sa COVID-19. Kung may kaya sa buhay ay tumulong sa nangangailangan ng bukal sa puso. Hindi natin masasabing mahal natin ang Diyos kung hindi natin mahal ang ating kapwa dahil kaakibat ng pagmamahal niya ay ang pagmamahal para sa kapuwa.

Mary Francine B. Buac
Grade 10 STEM Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos
Noong huling bahagi ng 2019, ang Coronavirus ay ipinakilala sa mundo bilang isang nakamamatay na virus na walang lunas. Kaagad, marami ang nakaranas ng pagkabalisa dahil maaaring kumalat ito sa lahat ng tao sa mundo at maraming pagkamatay ang magaganap. Mula doon, ang virus ay kumalat at kumalat mula sa china patungo sa napakaraming bansa at pagkatapos ng ilang buwan ay nakarating din ito sa Pilipinas, ang ating tinitirhang bansa.

Nakaranas ng quarantine at lockdown ang mundo. Tahimik ang mga kalye, nawala ang mga turista, sarado ang mga tindahan at negosyo, at tumaas ang mga presyo sa pamilihan. Maaaring sumang-ayon ang lahat na ang mga panahong ito ay napakahirap at ito ang eksaktong oras na dapat tayong magtiwala sa Diyos, magpahayag ng pagmamahal, at tumulong sa isa't isa. Noong naka-lockdown ang Oroquieta City, ginugol ko ang oras sa pagninilay-nilay sa salita ng Diyos at paghingi ng kaluwagan sa loob mula sa Kanya na sa huli, magiging okay din ang lahat. Hindi pinahintulutan ng Diyos ang kahit isang sandali kung saan ako ay nababalisa dahil sa COVID-19 at tunay kong naramdaman ang kanyang pagmamahal at awa nang aking napagtantong hindi pa namin naranasan kahit isang araw sa pandemyang ito nang hindi kami nakakain dahil sa kahit anong problema. Bilang isang mag-aaral sa gitna ng pandemya, maipakita ko ang pagmamahal sa kapwa bilang repleksyon ng pagmamahal ko sa Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila at pagsunod sa sinabi ng Diyos sa Juan 15:12. Kung paano niya ako minahal, ganoon din ang pagmahal ko sa aking kapwa. Ito ang aking ginawa at tinulungan ko sila sa abot ng aking makakaya at hindi nagtagal ay tinulungan din nila ako sa abot ng kanilang makakaya.

Bigla nalang ang napakahirap na panahong ito ay hindi na kasing hirap at lubos akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa kanyang walang hanggang pag-ibig. Mabuti ang Diyos, totoo ang Diyos, at mahal tayo ng Diyos.

Jeriel Andrew M. Flor
Grade 10 - STEM Dalton

Repleksyon ng pagmamahal ko sa Diyos
Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa sapagkat hindi masasabing tunay ang ating pagmamahal sa Diyos kung kinamumuhian natin ang ating kapwa. Gaya nga ng sabi sa 1 Juan 4:20-21,

"Ang nagsasabing mahal niya ang Dios ngunit napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Dahil kung ang kapatid niya mismo na nakikita niya ay hindi niya mahal, paano pa kaya niya magagawang mahalin ang Dios na hindi naman niya nakikita? Kaya ito ang utos na ibinibigay sa atin ni Cristo: ang taong nagmamahal sa Dios ay dapat ding magmahal sa kanyang kapatid."

Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa sapagkat sinabi ng Panginoong Hesukristo na ang pinakamahalagang utos ay "ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo at nang buong lakas mo", at Kanya namang sinabi na ang pangalawang pinakamahalagang utos ay "ibigin mo ang iyong kapwa tulad sa iyong sarili".

Ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa sapagkat maipapamalas natin sa Diyos ang ating pagmamahal hindi lamang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa Kanya, kundi maging sa pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa ating kapwa. Halimbawa na lamang ay nagdarasal at nagsisimba ka ngunit hindi mo nais na tumulong at magbigay sa iyong kapwa. Sa sitwasyong ito, hindi mo naipamalas ang tunay na pagmamahal sa Diyos sapagkat kung ano ang ginagawa natin sa ating kapwa ay sa Diyos nagin ginagawa.

Yuri P. Pollescas~~
Grade 10 Dalton

Nagsimula ang paglaganap ng COVID-19 sa ating mundo  noong 2019, inakala ng lahat na hindi ito malaking problema at masusulusyonan agad. March 2020, inanunsyo ang 2-week lockdown sa lahat ng eskwelahan sa bansa. Hindi akalain ng lahat na aabot ito ng dalawang taon.  Sanayin natin na hanapin ang mabuti sa bawat panahon na ating pinagdadaanan. Gaya ng pag-iinom ng kape sa gitna ng malakas na ulan, kaya nating madarama ang kasiyahan sa kabila ng ating mga nararanasan .

Sa panahon ng lockdown o quarantine nagkakaroon ng oras ang pamilya na magbuklod. Makipag-usap tayo sa ating pamilya, alamin ang kanilang mga iniisip at hinanakit at tulungan ang isa't-isa na bumangon. Bihira lamang na mabigyan ng ganito kahabang oras para makipag-ayos sa mga taong nagkamali sa iyo at nagawan mo ng mali. I-chat mo sila, humingi ka ng paumanhin o ipaalam mo sa kanila na pinapatawad mo sila. Lahat ng tao ay nagkakamali pero hindi lahat ang nabibigyan ng pangalawang pagkakataon. Magfocus ka din sa sarili. Hanapan mo ng oras ang iyong sarili para magpahinga at tumakas sa lahat ng negatibong nakapaligid sa iyo. "Treat yourself before you treat others"

Bilang tao na may lubos na pananampalataya sa Diyos, dahil mataas na ang antas ng mga taong gumagamit ng social media at pinagbabawalan ang katulad kong mag-aaral na lumabas, ituturo ko sa aking kapwa ang mga kasabihan ng Panginoon. Kung paano Niya tayo niligtas at pinatawad sa ating mga kasalanan. Hihimukin ko ang kapwa tao na ipakita rin sa iba ang kabutihan na nagawa ng Diyos sa atin. Mahirap ang ating ginawang pagbabago sa ating mundo pero wala tayong magagawa kundi ang pagsunod sa mga protocol at sinasabi ng mga awtoridad.  Patuloy tayong maghanap ng paraan na ipalabas ang kabutihan sa mundong ito. Tinuruan tayo ng Diyos na magmahal at magpatawad. isaisip at isabuhay natin ang Kaniyang mga ulat.

Nagpapakita tayo ng pagmamahal sa Diyos kapag nagmamahal tayo ng kapwa dahil itinuro sa atin na palaging magbigay-galang sa kapwa. Tumulong tayo sa mga taong naghihirap at mas kinakailangan ang tulong dahil nararanasan nating lahat ang pandemyang ito at hindi lahat ay may kakayahang itaguyod ang kanilang mga pamilya. Maaaring magdonate sa mga petition at mga charity na tumututuok sa pagtulong sa mga naghihirap. May kakayahan tayong magpakita ng pagmamahal kaya't huwag magdalawang-isip na ipamalas ito para sa susunod na henerasyon.

Ang repleksyon ko sa pagmamahal sa Diyos
Sa panahon ng pandemya, marami sa atin ang dumanas ng sakit at maraming problema. Ito ay nagdulot ng pasakit at kalungkotan sa lahat ng tao. Marami ang nawalan ng trabaho, natigil sa pag-aaral, lalong naghirap at wala ng makain. Marami rin ang nawalan ng kanilang mga mahal sa buhay. Ngunit sa kabila nito, nakayanan natin ito lahat. Hindi tayo nawalan ng pag-asa at patuloy na lumalaban araw-araw. Ang aking pagmamahal sa Panginoong Diyos ay kailanman hindi nawala sa kabila ng mga unos na aking nadaranas. Bagkus, mas napaunlad pa nito at mas napabuti ang aking pakikitungo sa kaniya. Alam ko sa sarili ko na kahit gaano kalaki ng problemang aking kinakaharap, makakayanan ko ito dahil nariyan ang Diyos upang gabayan at tulungan ako. Walang pagsubok sa buhay na hindi natin makakayanan at imposible, kung ang Diyos ay nasa ating puso. Ang pagmamahal ko sa Diyos at ang pagmamahal Niya sa akin ang naging lakas ko upang magpatuloy pa sa aking buhay. Hindi ko rin kakalimutan ang aral na maging mabuti at marespeto sa aking kapwa dahil ito ang nagpapatunay na  minamahal ko ang Diyos ng buong puso. Maipapadama natin sa Panginoon ang ating pagmamahal kung tayo ay gumagawa ng mga bagay na nagpapasaya sa ibang tao. Ang pagiging isang mabuting tao ay isang simpleng kilos ngunit napakahalaga nito para sa ating sarili, sa kapwa, lalong-lalo na sa Panginoong Diyos.   Lagi sana nating tandaan na wala tayo ngayon kung wala ang Diyos. Buong puso natin siyang tanggapin at mahalin sa ating buhay.

Cristina Pauline M. Tapon
Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal Ko sa Diyos
Noong nagsimula ang pandemya at sumunod din ang sunod-sunod na hindi kasiya-siyang pangyayari. Kinamumuhian namin ang pandemya, ang sanhi ng pandemya, kung saan ito nagmula at ang mga kababayan kung saan nagmula ang virus. Ang pandemya ay bumagsak sa ating pananalapi, panlipunang kakayahan, mental at emosyonal na katatagan at, siyempre, ang ating pananampalataya. Ang aking relasyon sa Panginoon ay lumalala pagkatapos ng pandemya at, tulad nito, naapektuhan din nito ang aking mga relasyon sa mga taong may kinalaman sa aking buhay. Sinira ko ang mabubuting pang-unawa na mayroon ang aking mga mahal sa buhay, dahil sa aking imoral na mga aksyon at ang aking pagsira sa sarili. Ngunit ang pinaka-ugat o ugat ng aking pag-uugali na mayroon ako noon ay dahil sa mindset na hindi ko namamalayan na una kong naisip na hindi ko na kailangan ang pangangasiwa, patnubay, karunungan at pag-ibig ng aking Panginoong Hesukristo. Lahat tayo ay may kanya-kanyang laban at hindi lahat ng mga sundalo ay umuuwi sa parehong tao. Dumaan ako sa isang labanan na may mahinang pananampalataya, ang pag-iisip na magdasal ay hindi man lang sumagi sa isip ko nang ako ay malungkot. Kung hindi nangyari ang pandemya, marahil ay nagkaroon ako ng mas magandang wakas sa aking laban. Ngunit ako ay nasa isang pandemya, na walang positibong distractions o mga kaibigan na makakausap, at hihingian ng patnubay.

Napakahirap ng mga panahong ito at matatanggap ng lahat na oras na para magtiwala sa Diyos, magpahayag ng pagmamahal at tumulong sa isa't isa. Naglaan ako ng oras upang pagnilayan ang Salita ng Diyos at humingi ng panloob na kaligtasan mula sa Diyos. Sa huli magiging maayos din ang lahat. Ang takot ay walang lugar sa buhay ng isang mananampalataya. Ang uri ng hindi makatwiran, nakakaparalisa at desperado na takot na nag-aalis sa atin ng lahat ng pag-asa, kapayapaan at pagtitiwala sa hinaharap. Sinasabi ko na ang Diyos ang may kontrol. Sa mga panahong tulad nito, ang ating mga aksyon ay nagpapakita ng katapatan o kasinungalingan ng mga naturang pag-aangkin. Minsan kapag kinakabahan ako, binabasa ko itong Bible verse, Isaiah 48:17-19.

Jedidiah T. Rollinas
GRade - 10 Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos
Sa mga oras na hindi ko pa nasisilayan ang mundo, alam kong ako'y minahal na ng Diyos ng buo. Sa unang dilat ko ng aking mga mata, Diyos ang dahilan kung bakit ako nakakakita. Bawat paghinga ko siya ang dahilan kaya dapat lamang pagmamahal niya ay aking pahalagahan.

Binigyan tayo ng Diyos ng napakaraming oportunidad para sa ikakaunlad ng ating pagkatao. Sa maagang araw, maraming mga pagsubok na ang dumating sa aking  buhay na siyang sumubok sa aking pananampalataya sa kaniya. May mga oras kung saan tinatanong ko ang aking sarili na "sa rami ng tao dito sa mundo, bakit ako pa ang napili niyang bigyan ng pagsubok na ito?". Sa mga linyang ito aking napagtanto na bawa't suliranin na binibigay niya ay may dahilan at sa huli'y magdudulot ng mga bagay para sa ating kabutihan.

Hindi man natin nakikita ang kaniyang pisikal na anyo, ito'y hindi dapat maging dahilan upang matigil ang ating paniniwala. Alam kong nagpapakita ang Diyos sa maraming paraan at ang kailangan lamang nating gawin upang mapagtanto ito ay mas lawakan ang ating mga isipan at hayaan siyang pasukin ang ating mga puso. Ating tandaan na tayo'y napapalibutan niya. Marahil siya ay isang bagay, tao, o hayop bukas na kinakailangan ang ating atensiyon. Kahit na imposibleng makausap siya ng harapan, ginagawa niyang instrumento ang mga nilalang na nakapalibot sa atin upang ating maiparamdam ang ating pagpapahalaga sa kaniya.

Bilang isang mag-aaral, ako'y mulat sa katotohanang kung pa'no mo tratuhin ang iyong kapwa, ay siya ring nagpapakita kung paano mo tratuhin ang Diyos kung kaya naman gagawin ko ang lahat maiparamdam lamang ang aking pagmamahal sa kaniya. Ako'y hindi mag-aalinlangang tumulong sa mga taong nangangailangan hangga't ito'y aking makakaya. Para naman sa mga pagsubok na aking nakakasalamuha, hindi ko kailanman man isisisi sa kaniya ang mga bagay na ito at sa halip ay pasasalamatan siya sapagkat dahil dito mas napapatatag ang aking pagkatao.

Heart B. Sanchez
Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos
Hindi lang virus ang dala ng global na pandemya, marami itong dalang problema, sakit at kalungkotan ngunit hindi tayo nawalan ng pag-asa at patuloy na nanalig sa Diyos. Tayo ay naniwala sa Diyos at sa kanyang plano para sa atin kaya hindi nya tayo pinabayaan. Kahit na tayo ay naghihirapan din dahil sa global na pandemya ay nagawa parin nating tumulong sa ating kapwa. Sa dami nating hinaharap na pagsubok ay nagawa parin nating magpakita ng pagmamahal sa ating kapwa. Ito ay repleksyon sa pag mamahal ko sa Diyos, kahit madaming pagsubok na dumarating sa buhay ko ay naniwala pa rin ako sa Kanya at patuloy na nanampalataya.

Sabi mga sa 1 Juan 4: 11-16
"Mga minamahal, yamang iniibig tayo ng Diyos, dapat din naman tayong mag-ibigan sa isa’t isa. Walang sinumang nakakita sa Diyos kahit kailan. Kapag tayo ay nag-iibigan sa isa’t isa, ang Diyos ay nananatili sa atin at ang kaniyang pag-ibig ay nagiging ganap sa atin. Sa ganitong paraan ay nalalaman natin na tayo ay nananatili sa kaniya at siya sa atin sapagkat ibinigay niya sa atin ang kaniyang Espiritu. Nakita namin at pinatunayang sinugo ng Ama ang Anak upang maging Tagapagligtas ng sanlibutan.  Ang sinumang kumikilalang si Jesus ay Anak ng Diyos, nananatili ang Diyos sa kaniya at siya ay nananatili sa Diyos. Alam natin ang pag-ibig ng Diyos sa atin at sinampalatayanan natin ito. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nananatili sa pag-ibig ay nananatili sa Diyos at ang Diyos ay nananatili sa kaniya.

Mananatili ang Diyos sa atin kapag tayo ay patuloy mag iibigan at kilalanin natin si Jesus na anak ng Diyos. Kaya sana sa tuwing tayo ay nahihirapan o sinusubok ay wag sana tayo mawalan ng pag asa at pag ibig dahil hindi tayo pababayaan ng Diyos dahil Siya ang naglikha satin at mahal Niya tayo.

LHIANNE CABATINGAN
DALTON

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos
Hindi naging madali ang mga pangyayari simula noong nagsimula ang pandemyang hatid ng COVID-19 virus. Ramdam ko ang takot, pangangamba, at ang hindi mapigilang pag-iisip para sa kaligtasan ng pamilya at ng mga mahal sa buhay. Napuno ng kadiliman at kalungkutan ang aking isipan hanggang umabot sa punto na puro negatibo nalang ang aking iniisip. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga paghihirap, tanging sa Panginoong Diyos ako sumasandal at humahanap ng santuwaryo.

Sa tuwing malungkot ako, iniisip ko ang Diyos at ang mga posibilidad na magiging mabuti pa ang lahat. Dinadaan ko sa dasal at paghilom ang lahat ng aking nadarama. Iniisip ko na pansamantala lamang ang mga paghihirap na ito at paparating pa ang mga mabubuting araw para sa aking buhay. At nagawa ko ito sa pamamagitan ng paniniwala sa kanya at hindi pagsuko.

Ginagawa ko rin ang mga bagay na nagpapalapit sa aking loob sa pagmamahal ng Diyos. Kahit hindi man naging madali para sa akin, patuloy kong pinapabuti ang sarili ko sa aspetong espirtwal at mental. Upang mas mabigyan ako ng motibasyon upang hindi sumuko at upang magpatuloy sa laban.

Gabriel Hilario L. Gonzales
Grade 10-Dalton

Repleksyon ng pagmamahal ko sa Diyos
Nung nagsimula ang pandemyang ito hindi naging madali ang aking buhay. Napuno ng pangangamba at takot ang aking buhay, hindi ko ma pigilan ang pag iisip sa kaligtasan ng aking magulang, pinsan at barkada. Ang buhay ko nung mayroong Covid-19 ay napuno ng kalungkutan, puro negatibo na pag iisip ang nasa isipan ko. Ngunit hindi ako pinabayaan ng Diyos palagi niya akong ginagabayan.

Tuwing ako ay malungkot iniisip ko na maging Mabuti ang lahat dahil hindi ako pababayaan ng Diyos. Iniisip ko na ang mga problema at paghihirap na naranasan ko ay hindi ito tatagal mawawala rin ito at maging maayos na ang aking buhay. Ang mga problema ko ay nalagpasan ko sa pamagitan sa hindi pagsuko at paniniwala sa Diyos.

Nagdasal at nagsamba ako upang mas mapapalapit ko ang aking loob sa Diyos. Kahit nahihirapan ako patuloy ko paring pinabuti ko ang aking sarili. Upang malagpasan ko ang mga problem ana hinaharap ko.

DJ Mar Florence O. Carcueva
Grade 10-Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos
Mula nang magsimula ang pandemya, ang mga tao ay nasa sakit at paghihirap. Ang mga tao ay namamatay at halos wala tayong alam tungkol dito. Lalong naging mahirap ang buhay sa loob lamang ng ilang buwan sa pandemya. Pinilit kaming magsuot ng facemask upang maprotektahan kami mula dito. Kailangan naming mag-sanitize tuwing kailangan naming pumunta sa isang lugar at hindi na pinapayagang lumabas ang mga bata. Nagkaroon ng pandaigdigang panic. Gaano man kaliwanag na hindi pa tayo iiwan ng Diyos, hinding-hindi niya tayo iiwan at laging makakasama natin.

Iba ang pagmamahal ng Diyos. Lumalampas ito sa kung ano ang maibibigay ng tao. Sa tuwing tayo ay malungkot, lagi nating tatandaan na ang Diyos ay laging kasama natin at gagawa ng paraan para tayo at ang lahat ay maging maayos muli. Ang lahat hanggang sa puntong ito ay isa lamang pagsubok, pagsubok sa ating pananampalataya. Hindi tayo dapat huminto sa pagdarasal. Ang lahat ng pagdurusa ay titigil, ang Diyos ay gagawa ng paraan.

Dapat gawin nating lahat ang lahat para mapalalim ang ating relasyon sa Diyos. Dapat tayong lumapit para mas mapalapit sa liwanag ng Diyos. Kung mas malapit tayo sa Diyos, mas masaya at mas motibasyon ang dapat nating madama. Magiging mahirap ngunit kung ano ang naghihintay sa hinaharap ay sulit ang lahat sa huli.

Earl Lancelot Q. Verano
Grade 10 - Dalton

Ang Repleksyon sa Pagmamahal ko sa Diyos
Lahat ng mayroon ako ngayon ay wala kung hindi dahil sa Diyos. Ang Diyos ang nagbigay buhay at nagmahal sa akin nang lubusan. Ang pagmamahal na Kaniyang ibinigay sa akin ay hindi matutumbasan ng anumang bagay mayroon ang mundo. Ito ang isang bagay na hindi mabibili ng kahit sino, kahit siya man ang pinakamayamang tao sa mundo. Ang aking mga kinikilos ay isang repleksyon sa pagmamahal at takot ko sa Diyos. Kung ako ay walang takot sa Diyos ay hindi ko na iisipin pa kung ang aking mga ikikilos ay maaaring makasakit sa iba. Dahil may pagmamahal ako sa Diyos ay kailangan kong isaisip at isapuso ang ang aking mga kinikilos sapagkat ang Diyos ay isang mabuting Diyos at alam kong ikakalungkot at ikakagalit Niya kapag ang isa sa kaniyang anak ay pasaway at masama. Isa akong tao na kinokonsedera ang nararamdaman ng ibang tao bago gumagawa ng kilos o salita dahil ayaw ko na sumama ang kanilang mga loob at alam ko ang pakiramdam na ganoon kaya ayaw ko na maranasan sa iba.

Aphryll Cristin P. Saceda
Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal ko sa Diyos.
Sa pandemyang ito, ipinakita talaga ng Panginoong Diyos ang kaniyang pagmamahal sa atin. Mas naging malapit ako sa Panginoon dahil walang wala tayo noong nagsimula ang pandemya. Hindi pa natin alam kung paano ito labanan at kung ano ang gagawin. Nagtiwala lang tayo ng husto sa Panginoon Diyos.

Lumipas ang ilang buwan at hindi pa kami nahawaan sa coronavirus at naging relax kami. Naging balewala sa amin ang pandemya sa panahon na iyon hanggang sa nahawaan na kami sa coronavirus. Noong una kinakabahan ako dahil apat kami sa aming pamilya na nag positive sa covid at hindi ko alam kung ano ang gagawin para maka recover. Paglipas ng isa o dalawang linggo ng aming quarantine ay ang pakiramdam namin ay parang vacation lang. Nag gardening lang ang aking mga magulang at kami ng aking isang kapatid ay laro laro lang ng aming mga cellphone. Hanggang sa dumating na ang panahon na hirap na huminga ang aking mga magulang kaya isinugod sila sa hospital. Pinauwi as bahay ang aking ama dahil kaya pa naman niya huminga pero nahihirapan pa din. Umabot ng 17 days ang aking ina sa hospital kasama ang aking tiyahin na isang nurse. Hindi ko maiintindihan ang aking nadarama sa mga panahon na iyon. Tinanong ko ng husto ang Panginoong Diyos kung saan kami nagkulang, bakit kami nagkaganito ay kung bakit ang aking mga magulang pa ang nagdusa na pwede naman ako. Nagdasal ako palagi sa Panginoon Diyos na umaabot sa punto na iiyak na ako. Dahil sa pagmamahal ng Diyos, gumalig ang aking ina at ngayun ay nag rerecover na siya.

Pinakita ng Diyos sa amin ang imposible. Sa huling x-ray result ng aking ina ay sinabi na ng mga doctors na mamamatay na talaga ang aking ina. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa dahil alam ko na may plano pa ang Diyos para sa amin. Kahit na dumating pa kami sa sitwasyon na iyon ay hindi ko sinisisi ang Panginoong Diyos dahil alam ko na may dahilan siya sa pangyayaring iyon. Huwag lang tayo mawalan ng pag-asa sa Panginoong Diyos at huwag magsawang magmahal sa kaniya dahil hinding-hindi tayo pababayaan ng Panginoong Diyos.

JM Anjo B. Beloy
Dalton

Ang Repleksyon ng Pagmamahal Ko sa Diyos
Mula sa ating pagkapanganak, tuwing tayo’y nasisiyahan, tuwing tayo’y nalulungkot, nag-iisa, kahit tayo’y magkasala, kahit ngayong tayo’y nasa pandemya, kasama natin ang Diyos. Hindi kapani-paniwala na ito ay posible, isang pag-ibig na walang kondisyon, pagkat batay sa Efeso 3:18-19, ang Kaniyang pag-ibig ay napakadakila upang lubos na maunawaan.

Sa pandemya natin maiintindihan na iba-iba ang espirituwalidad ng tao. Ang iba ay mas lalong kinilala at inibig ang Diyos at ang iba’y dahan-dahang nalalayo sa Kaniya. May maraming sirkumstansya na nakaka-apekto nito, maaaring nawalan ng pananampalataya ang iba dahil sa hirap at sakit na dinanas na dulot ng Covid-19. May iba naman na ginamit ang lockdown o ang kawalan ng trabaho para makapag-meditate ng mag-isa at ialay ang panahon sa Diyos.

Ang simpleng pagkilala sa Diyos ay isang malaking hakbang tungo sa pagmamahal sa Kaniya. Maaari nating maisalamin sa ating sarili ang Kaniyang pagpapatawad sa atin, at ang pagpapatawad natin sa iba. Ang pagdadasal o pakikipag-usap sa Kaniya, pag-aaral sa Kaniyang salita upang mapalalim ang ugnayan, pagsasamba, at pag-bahagi sa ating kaalaman sa iba ay iilan lamang sa pagpapamalas ng ating pag-ibig para sa Diyos.

Bilang isang mag-aaral sa gitna ng pandemya, tulad ng karamihan, ako’y nahihirapan din sa New Normal. Mas healthy para sa akin ang pamumuhay bago pa ang pandemya. Hindi ako masyadong mentally drained at nakakaranas ng burnout na nakakaapekto sa aking pisikal na kalusugan kumpara ngayon. Kahit ganito ang sitwasyon ko, nagsisikap ako na mabigyan ng panahon ang Diyos. Ginagawa ko ito sa pamamagitan ng pagbasa at pagjournal sa Bibliya araw-araw, may nakalaan akong notebook para dito, ito’y kadalasang nangyayari sa madaling araw o sa gabi para mapayapa ang lugar at aktibo ang aking utak at puso. Nagdadasal ako bago matulog, pagkagising, at bago kumain. Higit sa lahat, dumadalo ako sa mga pagpupulong at doon ako natututo tungkol sa mga bagay na hindi ko masyadong naiintindihan. Nasisiyahan din ako sa pagbabahagi tungkol sa Diyos sa iba at nagsisikap ako na mabuhay ayon sa Kaniyang kagustuhan.

Hindi ako perpekto at ako’y nagkakasala ngunit minamahal ko ang Diyos sa abot ng aking makakaya. Kahit hindi natutulad sa iba, nararapat na magsikap tayo upang maging deserving sa pagmamahal na ipinagkaloob ng Diyos sa mga tao. Tayo’y maging mabuting tao at maglakad sa landas na inihanda Niya.

Justine Nicole S. Bunao
Grade 10 - Dalton

Sa panahon ng pandemya, talagang tinulungan tayo ng Diyos na mapalapit sa kanya. Sa kabila ng hirap na dinanas natin sa pandemya, mararamdaman pa rin natin ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ng hindi pagkahawa ng COVID 19 Virus.

May panahon na ang nanay ko ay may lahat ng sintomas ng COVID 19 Virus at naaalala ko kung gaano ako nagdasal noong panahong iyon. Sa tulong ng Diyos, naging negatibo siya sa COVID at naaalala ko ang saya na naramdaman ko noon. At sa sandaling iyon, alam ko sa sandaling iyon na ang aming mga panalangin ay palaging sasagutin anumang oras. Ang lahat ay maaaring mangyari kung nais ng Diyos na mangyari ito.

Pare-pareho tayong mahal ng Diyos anuman ang ating nagawang kasalanan basta't alam nating masama ang kasalanang nagawa natin at pinagsisisihan natin ang ating nagawa. Itinuro sa atin ng Diyos sa panahon ng pandemyang ito na dapat tayong laging maniwala sa kanya. Ang masasabi ko ay huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil hindi pa huli ang lahat para ipagdasal ang Panginoon at sagutin sila ng Panginoon. Mahalin ang Diyos higit sa lahat at mamahalin ka ng Diyos pabalik ng isang milyong beses pa.

Josh C. Boniao
Grade 10 - Dalton

Aian Alimoot