SA WIKAIN by ALTAPA, PRINCESS FARIDA ANN
Ano ang KARUNUNGANG BAYAN?
Ang karunungang bayan ay ang kolektibong kaalaman, kasanayan, at kultura ng isang komunidad o bayan. Ito ay mga kaalaman at kasanayan na kadalasang naiipon at naipapasa sa mga henerasyon ng mga mamamayan sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan sa buhay, mga tradisyon, at kultura.
Halimbawa ng mga kaalaman at kasanayan na kabilang sa karunungang bayan ay ang mga tradisyunal na uri ng pagsasaka, pagluluto, pagtatahian, at mga ritwal at paniniwala. Ang karunungang bayan ay mahalagang bahagi ng kultura ng isang bansa at nagbibigay ito ng pagkakakilanlan at pagkakaiba sa ibang mga kultura sa buong mundo.
Mga URI ng Karunungang Bayan
May apat na uri ang karunungang bayan.
Salawikain—Isang matalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda upang turuan ang kabataan ng mabuting asal at pumuna ng mga masasamang gawain.
Sawikain—Patalinhagang pananalita na nagbibigay ng mga salitang hindi literal ang ibig sabihin. Napapaisip nito ang mga mambabasa.
Bugtong—Isang tanong na may taludtod, sukat, at tugma. Isa itong palaisipang inilalarawan ng mga bagay na dapat na hulain ng mga mambabasa.
Kasabihan—Tulang pambata na may mababaw na kahulugan at kadalasa’y ginagamit upang punain ang isang aksyon o gawa na hindi kanais-nais.
KAHALAGAHAN ng Karunungang Bayan
1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan.
2. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang mga bansa.
3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.
4. Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan.  Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.
Mga HALIMBAWA ng SALAWIKAIN
Salawikain Tungkol sa Buhay
Ngipin sa ngipin
Mata sa mata
Kahulugan: ito ay hustisya, kapag gumawa ka ng masama, ang kaparusahan ay naaangkop sa iyong krimen.
Kung ano ang hindi mo gusto,
Huwag gawin sa iba
Kung ano ang iyong inutang
Ay siya ring kabayaran
Kahulugan: kung gusto mo na respetuhin at maging mabuti sa iyo ang mga tao, mauna ka na magpakita ng respeto at magandang asal at tiyak na susuklian din nila ito ng mabuting intensyon.
Salawikain Tungkol sa Edukasyon
Ang aral ay nakakalimutan sa gitna ng kalituhan
Ngunit ang natural na asal ay hinding-hindi mapag-iiwanan
Kahulugan: matutong intindihin sa iyong puso ang mga pinag-aaralan. Huwag mag-aral para lang sa pag-susulit, hindi nagtatagal ang ganitong kaalaman. Intindihin at damdamin ang binabasa para habang-buhay mo itong magamit.
Mas delikado
ang taong edukado
Kahulugan: ang taong may pinagaralan kapag ginamit ito sa kabutihan ay pakinabang ng sanlibutan, ngunit kapag ito ay ginamit para sa masamang bagay, marami ang mapapahamak.
Salawikain Tungkol sa Pag-ibig
Oh pag-ibig na makapangyarihan
Pag pumasok sa puso ninuman
Hahamakin ang lahat
Masunod ka lamang
Kahulugan: hindi mo kayang piliin kung sino ang mamahalin mo, kapag mahal mo, mahal mo.
Huwag kang patatalo sa iyong panibugho
Mundo mo ay guguho at magkakagulo-gulo
Kahulugan: natural lang ang pagseselos sa isang relasyon, ngunit wag mong hayaan na ikasira ito ng inyong pagmamahalan.
Salawikain Tungkol sa Pamilya
Ang pamilyang kumakakain at nagdarasal ng sabay-sabay
Ay nagsasama at nabubuhay ng matiwasay
Kahulugan: ang pamilya na dikit at rinerespeto ang isa’t-isa, habang tumatagal ay lalong tumitibay ang pagsasamahan.
Ang pag-iisang dibdib ay hindi parang kanin
Na puwede pang iluwa kapag ito ay mainit
Kahulugan: hindi biro ang kasal, kaya dapat magpakasal lamang sa taong iyong mahal at gustong makasama habang buhay.
SAGUTIN: Ano ang PAGKAKAIBA ng SALAWIKAIN at SAWIKAIN? (Ilagay ang sagot sa comment box)
Mga HALIMBAWA ng SAWIKAIN
Agaw-dilim
Kahulugan: Oras kung saan papalubog na ang araw at papalit ng gabi
Halimbawa: Kailangan nating magmadali dahil agaw-dilim na.
Balat kalabaw
Kahulugan: Di madaling maramdaman ang hiya, matibay ang pakiramdam
Halimbawa: Kahit ilang beses na siyang napagsabihan, hindi pa rin siya nahihiya; talagang balat kalabaw si Marta.
Daga sa dibdib
Kahulugan: Pagkatakot o kaba
Halimbawa: Ang daga sa dibdib niya ay nagsimula nang kumalma nang makita niya ang kanyang pamilya.
Guhit ng tadhana
Kahulugan: Itinakda o inilaang kapalaran
Halimbawa: Sinasabi nila na ang pagtatagpo nina Juan at Maria ay guhit ng tadhana.
Hinahabol ng karayom
Kahulugan: May sira ang damit
Halimbawa: Hindi man lang napansin ni Minda na hinahabol ng karayom ang asawa niyang si Berto.
Ikrus sa noo
Kahulugan: Tandaan
Halimbawa: Kaya dapat lang na ikrus sa noo ang lahat ng sinasabi ng iyong Lola.
Kakaning-itik
Kahulugan: Walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
Halimbawa: Palibhasa’t matanda na kaya kakaning-itik na lang para sa mga anak ang kanilang ina.
Lahing kuwago
Kahulugan: Sa umaga natutulog
Halimbawa: Si Cindy ay may lahing kuwago.
Maanghang ang dila
Kahulugan: Walang pakundangan o bastos magsalita
Halimbawa: Maraming nasasaktan sa salita dahil maanghang ang dila ni Terence.
Nagbibilang ng poste
Kahulugan: Naghahanap ng oportunidad sa trabaho
Halimbawa: Pagkatapos mawalan ng trabaho, nagbibilang ng poste si Roberto para makahanap ng bagong hanapbuhay.
Pagputi ng uwak
Kahulugan: Hindi mangyayari o hindi kapani-paniwala
Halimbawa: Pagputi ng uwak bago pa ako magturok ng droga sa katawan ko.
Sampay-bakod
Kahulugan: Hindi totoo ang sinasabi
Halimbawa: Ingat ka sa pagsasalita kay Lily, sampay-bakod ang ugali niya.
Takaw-tulog
Kahulugan: Mahilig matulog
Halimbawa: Kahirapan ang kinabukasang sasapitin ng taong takaw-tulog.
Utak-biya
Kahulugan: Walang alam
Halimbawa: Hindi nakakaintindi ng leksyon si Ben, lagi kasi siyang tinatawag na utak-biya.
Walang bahid
Kahulugan: Walang pagkakamali
Halimbawa: Mahirap pabagsakin si Liza dahil walang bahid ang kanyang reputasyon.
Mga HALIMBAWA ng BUGTONG
Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan. Sagot: Kalendaryo
Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan. Sagot: Yoyo
Walang paa, lumalakad, walang bibig, nangungusap, walang hindi hinaharap na may dala-dalang sulat. Sagot: Sobre
Isang panyong parisukat, kung buksa’y nakakausap. Sagot: Sulat
Dalawang magkaibigan, magkadikit ang baywang; kapag silay’y nag papasyal, nahahawi ang daanan. Sagot: Gunting
Pitong bundok, pitong lubak, tig-pitong anak. Sagot: Sungkaan
Matanda na ang nuno di pa naliligo Sagot: Pusa
Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore. Sagot: Langgam
Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. Sagot: Gunting
Kaaway ni Bantay, may siyam na buhay. Sagot: Pusa
Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. Sagot: Kuliglig
Kahoy ko sa Marigundong, sumasanga’y walang dahon. Sagot: Sungay ng Usa
Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. Sagot: Paruparo
Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo. Sagot: Aso
Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig. Sagot: Yelo
Hindi naman hari, hindi naman pare, nagsusuot ng sarisari. Sagot: Sampayan
Baka ko sa palupandan, unga’y nakakarating kahit saan. Sagot: Kulog
May bintana nguni’t walang bubungan, may pinto nguni’t walang hagdanan. Sagot: Kumpisalan
Palda ni Santa Maria, ang kulay ay iba-iba. Sagot: Bahaghari
Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. Sagot: Anino
Puno ay layu-layo, dulo’y tagpu-tagpo. Sagot: Bahay
Buto’t balat lumilipad. Sagot: Saranggola
Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa’t madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo. Sagot: Pangalan
Alin sa mga santa ang apat ang paa? Sagot: Sta. Mesa
Mga HALIMBAWA ng KASABIHAN
Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.
Ang pinapahayag dito ay ang ating buhay araw-araw ay nag-iiba. Kung minsa’y tayo’y masaya, minsan nama’y malungkot. May mga araw na masagana ang hapag kainan, kung minsan naman ay simpleng pang hapunan lamang ang laman ng mesa.
Ako ang nagbayo, iba ang nagsaing.
Ang ibig sabihin ng salawikain o kasabihan na ito ay maaaring ikaw ang nag trabaho ngunit iba ang nakinabang nito. Kung minsa’y ginagamit din ang: “Ako ang nagluto, iba ang kumain.”
PANOORIN: KAIBAHAN ng Salawikain at Sawikain
BASAHIN at PANOORIN: Paano gumawa ng Educational Video?
Pumili ng isang paksa - Pumili ng isang paksa na gusto mong gawing educational video. Siguraduhin na ito ay may kaugnayan sa iyong layunin at sa pangangailangan ng iyong manonood.
Gumawa ng isang konsepto - Bago ka magsimula sa pag-shoot, gumawa ng isang konsepto o script para sa iyong video. Isulat ang mga eksplikasyon, mga kasanayan at mga halimbawa na gusto mong ipakita sa iyong manonood.
Pagpaplano ng production - Pag-aralan ang mga detalye tulad ng lokasyon, oras, budget, mga kagamitan, at mga tauhan na kailangan. Isama din ang mga termino at mga proseso sa iyong production plan.
Pagkuha ng footage - Gamitin ang isang high-quality camera at microphone upang mag-record ng footage. Siguraduhin na ang lahat ng kailangan mo ay naka-setup na bago mag-shoot.
Pag-edit ng video - Pagkatapos ng shoot, i-edit ang iyong mga footage. Pumili ng isang video editing software at pag-aralan ang mga basic editing tools tulad ng pag-trim ng footage, pag-add ng mga transitions, at paglagay ng music.
Pag-upload ng video - Pagkatapos ng editing, i-export ang iyong video sa isang format na gusto mo. Pagkatapos nito, mag-upload sa isang platform tulad ng YouTube o Vimeo.
I-promote ang video - Upang magkamit ng mas maraming manonood, i-promote ang iyong video sa mga social media platform tulad ng Facebook, Twitter, o LinkedIn. Magbahagi ng mga detalye tungkol sa iyong video at kung paano ito makakatulong sa mga manonood.
BASAHIN: Ano ang Educational Video?
Ang educational video ay isang uri ng video na ginagamit upang magturo o magbigay ng impormasyon sa mga manonood. Ito ay kadalasang ginagamit sa mga paaralan, korporasyon, at iba't ibang organisasyon upang magbigay ng pagtuturo at impormasyon sa mga tao.
Ang mga educational video ay maaaring naglalaman ng mga eksplikasyon, demonstrasyon, at mga presentasyon ng mga konsepto, kasanayan, at iba pang mga bagay na kailangan ng mga manonood upang matuto. Ito ay maaaring makatulong sa pagpapadali ng pag-unawa sa isang partikular na konsepto o paksa.
Maaari rin itong maging mas epektibo kaysa sa mga tradisyunal na paraan ng pagtuturo dahil sa pagiging interactive nito at maaaring i-play ulit kung kailangan.
SAGUTIN: Buksan ang link at sagutan.
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfl5hlclfeQpCq9sEhgKnhYsFuga2kFuVcMWcOWs1s0uVm8ww/viewform