Repleksyong Lasalyano by Carleane Jenica Menor

[M1] Repleksyong Lasalyano: Menor, Carleane Jenica P.
MASID-DANAS:

Base sa aking personal na karanasan, isa sa mga isyung pangwikang kinakaharap ng bansang Pilipinas at iba pang bansa ay ang pagkalimot sa pambansang wika at sa halip ay mas pinipili ang wikang Ingles. Kung minsan pa nga ay mas bihasa ang ilan sa wikang Ingles kaysa sa kanilang sariling wika. Akin ding napansin na ginagamit ang wikang Ingles kapag may salitang nakakalimutan sa Filipino. Marami na ring mga hiram na salita mula sa wikang Ingles na ginagamit sa Filipino na siyang nagdudulot ng problema sa pagkalimot sa sariling wika.

SURI-NILAY:

Globalisasyon ang pangunahing nagpapalala sa isyung ito sapagkat ang wikang Ingles ang wikang ginagamit upang makisalamuha sa iba't ibang bansa. "English is the universal language", ika nga. Hindi na maiiwasan ang paggamit ng wikang ito sapagkat maituturing itong sentro ng lahat ng wika sapagkat nagkakaisa ang bawat bansa sa wikang ito. Isa rin sa mga salik ay ang pag-iisip na mas naka-aangat ang wikang Ingles kaysa sa ating pambansang wika. Dahil kung ikaw ay marunong magsalita ng Ingles, ang tingin sa iyo ay intelihente. Ngunit laging tatandaan na ang tunay na intelihente ay ang bihasa sa kanyang sariling wika.

TAYA-KILOS:

Bilang isang Lasalyano, mainam na tulungan ang aking mga kapwa Lasalyano at Pilipinong nahihirapan sa wikang Filipino upang hindi ito makalimutan at lalo pang mapreserba. Sa pamamagitan nito ay mapapahalagahan at mapapangalagaan pa ang ating wika. Sa pamamaraan na ito ay maaari nilang matutunang mahalin ang wikang Filipino kaysa sa ano pa mang dayuhang wika. Sisikapin ko ring magsalita nang diretsong Filipino upang masanay at mahikayat na rin ang aking kausap na magsalita ng Filipino.