Sa Ngalan ng Tubo by Gelo Santos

PARAYAOAN, ASHLEY MAE B.
Ako ay lumaki sa bukid at araw araw kong natatanaw noon ang naglalawakang mga pananim. Tanda ko pa kung paano maghirap ang lolo at tito ko sa bukid kaya hindi ko inaaasahan ang dahas na napanood ko sa video na aking napanood. Noong una ko itong napanood ay nakaramdam ako ng takot, awa at galit. Takot at awa para  sa manggagawang Pilipino na ang nais lamang ay makatulong sa bansa at mairaos at mabuhay ng kanilang pamilya. Galit para sa gobyernong ginagamit at inaabuso ang kapangyarihan para sa pansariling kapakinabangan. Dito ko lubos na nakita at naunawaan na kahit anong klaseng karapatan ang meron ka bilang tao, hanggat merong lider o gbyernong hindi magpapatinag sa kanilang pagmamataas, ang batas at karapatan ay parating makakamit lamang ng mayayaman at mas nakatataas

Costales, Ashanti Nicole F.
Sa ipinanood na docufilm ay tila kapansin-pansin ang pagkakaroon ng distansya ng isang magsasaka sa may ari ng hacienda sapagkat kahit na hindi katanggap tanggap ang dahilan ng mga Cojuangco, sila pa rin ang pinanigan ng mga military at iba pang opisyales na hindi man lang inalam ang dahilan ng mga magsasaka kung bakit sila nagwewelga laban sa mga Cojuangco. Trabaho at sapat na kita lamang ang kanilang nais ngunit bakit hindi maibigay ang kanilang kagustuhan at sa halip sila ay pahirapan. Masasabi ko sa docufilm na ito na kaya marami ang mga taong nagnanais na magwelga kaysa dumaan sa maayos na proseso sapagkat pera ang kalaban nila mula sa mga nakatataas. Ang prosesong mayroon tayo ay puro pera ang kapalit kaysa sa hustisya ng mamamayang nais ay patas at pantay na pagtingin.

Benzon, Joanne C.
Ang docu film na ito ay nagpapakita kung gaano kahirap maging mahirap. Mas lalong nahihirapan ang mga mahihirap dahil sa bulok na sistema na pabor lamang sa mayayaman, kung saan mas ginigipit nila ang mga tao para sa kanilang sariling kapakanan. Naging eye opener ito para sa akin at siguro para sa bawat isang naka panood nito. Masasabi ko na mas naipamukha sa akin ang prebilehiyo na mayroon ako. Nakaramdam ako ng kalungkutan, awa, at lalong lalong poot sa mga nasa likod ng karahasan na ito. Ang nais lamang ng mga manggagawa ay magkaroon ng sapat at tamang sahod ngunit dahil sa kanilang kasakiman ay nauwi pa ito sa dahas at pagkamatay ng ibang magsasaka.

Corsanes, Carl Justin B.
Ipinakita sa napanood na dokyumentaryo ang tila pag kontrol sa ating bansa ng isang sinulid na pwersahang minamanipula ng mga kapitalistang nakatataas. Ang hindi tuwirang pagtrato sa mga mangagawa ay nagdulot ng sigaw ng mga inalipin para sa katarungan. Malinaw na ipinakita ang mababang pagtingin ng mga Cojuangco sa mga "hawak" nilang mangagawa, tila hindi nakonsensya pagka't ang mga taong ito ang tumulong sa kanila upang umangat sa yaman. Milyon milyong kita ng kapitalistang nakaupo, kapalit ng pawis, pagod, dugo at sampung pisong barya para sa mangagawa. Ipinapakita rito ang natatagong baho ng mga Conjuangco, pag gamit ng marahas kapangyarihan laban sa mga magsasakang nais lamang ay katarungan, at sapat na sahod upang umangat sa kahirapan.

Sandig, Angelica Joy C.
Ang Hacienda Luisita ay isang malaking lupain na dating pag-aari ng pamilyang Cojuangco at matagal nang pinagmulan ng tensyon at hidwaan sa pagitan ng mga magsasaka at may-ari ng lupa. Ang kasaysayan ng Hacienda Luisita ay sumasalamin sa mga suliranin tulad ng pag-aari ng lupa, reporma sa lupa, at karapatan ng mga magsasaka. Noon ang pamilyang Cojuangco ay nagtatag ng isang kumpanyang pang-agrikultura sa lupain ng Hacienda Luisita at naging sentro ng produksyon ng tubo sa asukal. Subalit, sa kabila ng pag-unlad ng industriya, maraming magsasaka ang nananatiling nasa kondisyon ng kahirapan at pagkaalipin. Ang pagtutol at protesta ng mga magsasaka laban sa pag-aari ng lupa ng pamilya Cojuangco ay humantong sa trahedya ng Hacienda Luisita massacre noong 2004, kung saan maraming magsasaka ang pinatay at nasugatan habang nagpoprotesta para sa kanilang karapatan sa lupa. Ang Hacienda Luisita ay nagpapakita ng mga pagtutol sa pag-aari ng lupa, patakaran sa agraryo, at pangangailangan para sa tunay na reporma sa lupa sa Pilipinas. Ito'y nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagtataguyod ng mga karapatan ng mga magsasaka at ang pagbibigay ng patas na pagkakataon sa lahat na magkaroon ng sariling lupain at kabuhayan.

Quiod, Janna Maureen M.
Sa dokumentaryo na aming napanood, pagkalungkot sa mga biktima at pagkagalit para sa mga walang awa ang aking naramdaman. Nakita ko kung gaano kahirap ang buhay ng mga manggagawa at magsasaka noon at kanila lamang hiling mula sa gobyerno ay ang kaunting kaginhawaan sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang mga sweldo, ngunit sa kanilang kahilingan, karahasan at mas matinding pagpapahirap ang kanilang natanggap. Ako ay nalungkot sa mga impormasyon na aking nalaman, na hindi lamang isang beses nangyari ang mga ganitong kaganapan, na kung saan ay nagpapatunay na ang hustisya sa bansa na ito ay hindi pantay para sa lahat. At kadalasan, kung ano ang estado ng isang tao sa kaniyang buhay, ganun din siya tinitignan lalo ng mga nasa matataas na posisyon. Hindi maikakaila na marami pang dapat na ayusin at pabutihin sa iba't ibang aspeto sa bansang Pilipinas.

Jeane No
Anak ako ng magsasaka at saksi naman sa mga kahirapan ng pagtatanim. kung minsan, nakikita kong nahihirapan ang mga kamag anak ko kung malaki ang gastos at iilan lang ang kita. Nakakalungkot po yung reyalidad na dahil sa mga tao sa taas ay hindi pantay pantay ang buhay ng mga manggagawa. Tulad ng nasa documentary, nakakadisappoint sa part na maraming taong umaabuso sa kapangyarihan na hawak nila na kahit hindi na makatao ay inuutos pa. Mahirap rin po iyon sa mga inutusan nilang pwersa dahil sumusunod lang rin sila para may makain at makasweldo. At sa huli naman, yung mga taong matataas/ nag utos, mga pasarap lang at hindi gaanong sumasalo ng kasalanan, naisisisi sa mga pwersang inutusan nila yung mga masamang laban sa kapwa Pilipino.

ARCINUE, IVY B.
Sa kabuuang panonood ko ng dokyumentaryong "Sa Ngalan ng Tubo" magkahalong galit, awa, at lungkot ang naramdaman ko. Sapagkat naiintindihan ko ang panig ng mga manggagawa, nauunawaan ko kung bakit sila nag-wewelga, at pilit na lumalaban para sa karapatan nila. Nakakalungkot lamang na ang ating gobyerno, mga kapulisan, at militar na dapat ay nagsisilbi ng pantay-pantay sa mga mamamayan ay para lamang sa mga mayayaman, at mailap sa mga kapus ang palad. Ang tanging hiling ko lamang ay maging maayos at mabuti na ang kalagayan ng mga trabahador na ito.

Miguel, Ryza Nicole B.
Para sa aking naging reaksyon sa dokyumentaryong napanood ay nakakalungkot at nakakapanlumo, na malaman at makita kung paano ang nakikipagsapalaran sa hirap at pasakit ng mga magsasakang pilipino, kung paano sila pinagdamutan ng karapatang na nararapat lamang sakanila. Ang mga boses ng mga mamamayan at may karapatan na patuloy pinapatahimik ng may mga kapagyarihan. Dito nabuksan ang akin kaisipan na tama nga ang katagang ang mismong kapwa mo pilipino ang s'ya pang sisira at mananakit sa'yo. At ang bawat pagsisikap ng bawat magsasaka o ano mang uri ng manggawa ay nararapat lamang natin mas bigyan halaga sapagkat hindi natin alam kung ano ang hirap sa likod ng kanilang pinag lalaban at ninanais na makamtam.

Joson, Jonalyn B.
Isang Documentaryo tungkol sa kasaysayan sa panahon ng pamumuno ni Cory Aquino. Nagpakita ito ng isyu ng distribusyon ng ekta-ektaryang lupa sa Hacienda Lulalta at Sentral Asukarera de Tartac sa pagitan ng mga Cojuanco, na orihinal na nagmamay-ari ng lupain, at mga manggagawang nagbigay ng buhay sa pagtrtrabaho sa lupain na ito.

Ang video na ito ay nagpapakita ng hindi lamang paglaban nila sa kanilang mga karapatan, ngunit naipamalas din ang marahas na pagtrato sa kanila, madaming nawalan ng buhay at mga nasugatan at talaga namang nakaramdam ako ng hindi lamang takot at gulat kundi pagkasama ng loob dahil hindi naging sapat ang kanilang pakikipaglaban. Nais lamang nila ang isang payapang kabuhayan ngunit nakatanggap sila ng karahasan. "Apprehension of time," at magpahanggang ngayon ay umuulit lamang ang mga nagaganap at nakakaranas ng karahasan sa mismong kapwa nating tao.

Estrella, Jackilou S.
Matapos kong mapanood ang dokyumentaryong ito, tila mas lalong lumalim pa ang pagkaawang nararamdaman ko sa mga magsasaka at iba pang manggagawa sa panahon ngayon. Dahil kung ganito na ang kahirapang nakikita ko sa mga manggagawa ngayon, tiyak na mas lubos pa ang kahirapan at karahasan ng buhay na naranasan noon ng mga manggagawa. Ipinakita sa dokyumentaryong ito ang kahalagahan ng karapatan ng bawat isang mailahad ang kanilang saloobin, ipinakita dito kung gaano kadedicated yung mga magsasaka at iba pang manggagawa na ipaglaban yung kanilang mga sariling pinaninindigan sa buhay kahit na kapalit nito ay pagpapahirap at iba pang uri ng karahasan. Karagdagan pa, kung mapapanood din ito ng ibang manggagawa, mas mabubukas ang mata nila na ipaglaban ang karapatang pilit nilalayo sakanila.

Dela Cruz, Leonardo Greg E.
Ang mga trahedyang tulad ng Hacienda Luisita massacre at Plaza Miranda massacre ay mga mapait na alaala ng ating kasaysayan. Ang mga pangyayaring ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapahalaga sa karapatan ng mamamayan at kahandaan sa pakikibaka para sa katarungan. Marami ang mga naapektuhan tulad ng mga magsasaka at mga inosenteng mamamayang pilipino na kung saan tumapos sa kani kanilang buhay. Makamit lamang ang hustisya na hinahangad nila lalo na nung nakita ko sa malapitan ang mga magsasaka sa zambales hindi man ito connected sa luisita at miranda ngunit nakita ko ang pagod at hirap na ginagawa ng isang magsasaka upang makapag harvest lang ng pananim at talagang nag lalaan sila ng oras at pagod para lamang makaani ng pananim

Villafania, Vianca Gabriel DJ.
Mas nakita ko kung gaano kagulo at kahirap ang Pilipinas para sa mga mangagawang Pilipino. Nakakalungkot na makita o mapanuod na merong mga namamatay na Pilipino para pataasin lang ang kanilang sweldo. Mahirap panuorin dahil ang mga lolo ko ay mga magsasaka rin dati. Hindi ko akalain na may ganitong kaguluhan isang buwan bago ako ipanganak.

Dela Cruz, Angeline N.
Ang una kong naramdaman sa aming pinanood ay kalungkutan, nasilayan ko ang mga magsasaka na ang tanging hinihiling lamang ay kaunting pagtaas ng sahod ngunit ang nakuha nila ay dahas at kawalan ng katarungan. Nabuksan ang isipan ko sa kung ano ba talaga ang totoong mundo sa loob ng politika. Nakakalungkot na isipin at masilayan kung papaano sila baliktarin ng mga nakatataas, kung paano sila gumawa ng kwento na malayo sa katotohanan, kung papaano sila nagtanim ng ebidensya laban sa mga magsasaka na ang unang prinsipyo ay ang hindi pag gamit ng dahas. Maraming buhay ang nawala, maraming tao ang nagsakripisyo at kung sino pa ang tama, sila pa ang nawalan. Hindi kanais nais ang kanilang pinagdaanan para lamang makuha ang bagay na dapat naman talaga ay sakanila.

'Hanggang sa huling hininga, silay yumakap sa lupang kanilang pinaglalaban

DE GUZMAN, CHRISTINE S.
Hindi na bago ang isyu ng kahirapan sa ating bansa. Para sa akin, ang dokumentaryong ito ay mahalaga upang maiparating ang mensahe ng kahirapan at ang pang-aapi at kawalan ng hustisya sa mga mahihirap na mamamayan. Ito ay isang halimbawa ng hindi pagbibigay ng sapat na karapatan o pagkakapantay pantay ano man ang uri natin sa lipunan. Nakakalungkot isipin na ang kanilang kagustuhan na magkaroon ng trabaho at sapat na kita, ay nauwi ito sa nakakalungkot na pangyayari. Nakaramdam ako ng awa sapagkat may mga mamamayan na nagbuwis pa ng buhay maipaglaban lamang ang kanilang karapatan. Nakakatakot din na ganito ang kanilang inabot, o ganito ang ginawa sa kanila ng mga tauhan ng batas. Pinapakita rin nito na hindi lahat ay nabibigyan ng katarungan.

Angel Raiza Verde
Nakakagalit na kailangan pa ng mga magsasaka na depensahan ang kanilang nga sarili laban sa mga kapitalistang inaabuso ang kanilang karapatan. Kumpara sa mga Cojuangco, mga maliliit na tao lamang sila na ang hangad ay mabigyan ng sapat na kabayaran kapalit ng kanilang serbisyo. Nakakalungkot lang na ang daming dugo ang dumaloy makamtan lang nila ang lupang nararapat para sa kanila.

Villalon, Adianne Vhenus B.
Sa dokumentaryong "Sa Ngalan ng Tubo," ipinakikita nito ang malalim na isyu ng pag-usbong at epekto ng sugar industry sa Pilipinas. Isa itong matinding pagtalakay sa mga suliranin ng mga manggagawa sa tubo, mula sa kundisyon ng kanilang trabaho hanggang sa mga pang-araw-araw na hamon na kanilang hinaharap. Naibahagi sa dokumentaryo ang mga kuwento ng mga manggagawang bukid at kanilang pakikibaka para sa katarungan at pantay na sahod.

Nang mapanood ko ang dokumentaryo, nagkaroon ako ng mas malalim na pag-unawa sa mga hamon at kakulangan sa karapatan  na kinakaharap ng mga manggagawang bukid ating bansa. Namulat ako sa kung paano makibaka ang mga magsasaka para lamang magkaroon sila ng panggastos sa pang araw-araw. Labis na pagod ang kailangan nilang abutin para lamang magkaroon ng kakaunting kita. Makikita sa dokumentaryo na hindi pantay ang karapatan na nakukuha ng mga manggagawa na kung sino pa ang siyang nagdodoble kayod, sila pa ang nawawalan. Hanggang sa dulo ay lumaban ang mga manggagawa nang pantay at walang dahas upang makuha ang karapatan na dapat sa kanila ngunit kabaliktaran ang kanilang nakuha.

Manalo, Ronald Raphael N.
Sadyang bulok talaga ang sistema ng hustisiya sa ating bansa. Ang hustisiya at ang gobyerno ay para lamang sa mayayaman at  makapangyarihan. Dapat na ang kapulisan at ang DOLE ay silang pumoprotekta sa mamayan ay sila pang nanggigipit at tumuligsa. Simpleng dagdag sa sahod at karapatan ay hindi pa maibigay, na kung tutuusin ay dapat matagal na nilang makamptan. Kasakiman talaga ang karamihan ng puno't dulo ng lahat ng paghihirap sa mundo. Dahil sa kasakiman na iyon ay kailangan pang may magbuwis ng buhay.

LIEZCEL CARIAS
MASASABI KO NA ANG MASSACRE NG HACIENDA LUICITA AT MIRANDA  AY HINDI LAMANG MGA PANGYAYARI NA NAG DULOT NG MALALIM NA TAKOT SA MGA MAMAMAYAN AT MANGGAGAWA , KUNDI ITO AY NAG IWAN NG MALUPIT NA KATOTOHANAN SA LIKOD NG PANG AABUSO AT PAG LABAG SA KARAPATANG PANG TAO NG GOBYERNO . PARA SAKIN KASABAY NG PAG KAWALA NG BUHAY AY KASABAY NARIN NG KATOTOHANANG PAGKAAPAK SA DANGAL NG MGA MANGGGAWA . KAHIT NA LIMIPAS ANG PANAHON AY DI ITO MATATABUNAN AT MAPAPATUNAYAN NA HANGGANG NGAYON AY MAY GANITO PARING PANGYAYARI HINDI SAPAT ANG HUSTISYA UPANG MAPALITAN ANG MGA BUHAY NA NAWALA .    Sa ganitong konteksto, mahalaga ring itulak ang mga lehitimong reporma sa lupa at lipunan upang matiyak na hindi na maulit ang mga ganitong klaseng karahasan at pang-aabuso sa hinaharap. Ang pangangailangan para sa tunay na reporma sa agrikultura at pagsusulong ng mga mekanismo para sa pagprotekta sa mga karapatan ng mga manggagawa ay hindi lamang isang panawagan para sa katarungan, kundi isang pangunahing hakbang tungo sa isang mas makatarungan at mapayapang lipunan.

Sa pagtatapos, ang Hacienda Luisita Massacre at Miranda Massacre ay hindi lamang mga pangyayaring dapat nating alalahanin; sila ay mga babala at hamon sa ating kolektibong pagpupunyagi para sa katarungan at reporma. Mahalagang patuloy nating ipanawagan ang katarungan para sa mga biktima, at magsagawa ng mga hakbang upang matiyak na hindi na maulit ang ganitong uri ng karahasan sa ating lipunan.

SANCHEZ, JOHN ALLISON F.
Ang "Sa Ngalan ng Tubo" ay isang makabuluhang pagtalakay sa mga isyu ng pagsasamantala at kahirapan sa lipunan. Ipinapakita nito ang laban ng mga manggagawa para sa kanilang karapatan at ang mapagsamantalang pagtrato ng mga Cojuangco sa kanilang mga manggagawa. Ang dokumentaryong ito ay nagbibigay-diin sa pangangailangan ng pagiging mulat at aktibo sa pagtugon sa mga hamon ng panlipunang katarungan at pagbabago. Dahil dito, ako'y natutuwa at nagkakaroon ng simpatya sa ating mga magsasaka na ipinaglalaban ang kanilang karapatan bilang manggagawa, at galit sa mga Cojuangco dahil sa kanilang pagiging walang puso at pangmamanipula. Bukod dito, mas lalo pang tumitindi ang galit ko sa gobyerno dahil sa kanilang kawalan ng aksyon upang protektahan ang mga karapatan ng mga manggagawa.

Tabios, Lady Angelene M.
Panlulumo sa sistema ng hustisya sa bansa at sa mga nakaupo sa posisyon. Kahindik-hindik ang ginawa ng mga cojuanco sa manggagawa dahil sa ganid nila sa kapangyarihan. Ipinakita sa docufilm kung paano nilapastangan ng sistema ang karapatang pantao ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Ito ang nagpapakita ng mapait na katotohanan at hamon sa lipunan na kinakaharap ng mga Pilipino. Ipinakita rin kung gaano kalaking pabor ang natatanggap ng mga mayayaman mula sa justice system ng bansa, samantalang ang mga mahihirap ay napag-iiwanan at pinagkakaitan ng karapatan. Hiling lamang ng mga magsasaka ang karampatang sahod ngunit sinamantala lamang ang kanilang kalagayan.

DE GUZMAN, KIM BENEDICT G.
Ipinakita rito ang paghihirap ng mga mahihirap, sila ay tuluyang naghihirap dahil sa sistemang walang kwenta na kung saan ang mga mayayaman lamang ang nakikinabang. Labis ang lungkot, galit, awa na aking naramdaman dahil gusto lang naman nila na maiahon sa hirap ang kanilang pamilya. Ang kapatid ng lolo ko ay nakatira sa isang bukid at may kaibigan na magsasaka. Tuwing bumibisita kami sa kanila ay lagi kong nadadatnan ang mga magsasaka na nagsasaka sa ilalim ng nagbabagang init at ramdam ko ang pagod na kitang kita sa kanilang mukha at katawan pero ipinagpapatuloy nila ito upang may pang-tustos sa kanilang pang-araw araw na pangangailangan. Ang dokyumentaryong iyo ay nagbibigay mensahe sa ating mga manonood na maging aware tayo o bigyang pansin ang mga kalagayan at issue ng ating bansa

Torres, Dianarra
Ang dokumentaryong sa ngalan ng tubo ay isa nanaman itong patunay na nagpapakita kung gaano kagahaman ang mga politiko sa pera at kapangyarihan. Mga taong nailuklok sa puwesto na imbes na gamitin sa tama ang kapangyarihan ay ginagamit nila ito para sa makasariling interes. Nakakagalit lamang na masaksihan kung gaano kabulok ang hustisya sa bansang Pilipinas. Iyong tipong ginagawang walang kuwenta ang batas at ang karapatang pantao ay hindi iginagalang ng mga politikong baluktot ang pamamalakad. Sa bansang kung saan ang mga nasa laylayan ang nagdurusa at nagpapakapagod ngunit hindi sila ang nakikinabang sa bunga ng kanilang kasipagan. Sa milyong-milyong kinikita ng hacienda, kakarampot lamang ang natatanggap ng mga magsasaka. Mga magsasakang nagnanais lamang na dagdagan ang sahod, bala ang isinukli. Nakakalungkot lamang na sa bansang ito, ang mga mahihirap ay patuloy na naghihirap. Kailan kaya magiging totoong hustisya ang hustisya? Bakit pagdating sa mga nasa laylayan, tila napakahirap nilang makamit ito kung wala itong kinikilingan?

Lacdan, Danielle T.
Nakakalungkot ang naging paksa ng dokumentaryong ito dahil hanggang ngayon taong 2024 ay walang pinagbago, nangyayari pa rin ito. Ang mga magsasaka ay lumalaban para sa kanilang trabaho ngunit napipilitan silang tumigil dahil sa kawalan ng mapagkukunan at pagtatamnan. Sa mga interview sa kanila na kung wala silang tanim ay wala rin silang makakain ay napaisip ako na sobrang swerte ko dahil kahit hindi magkanda-kuba sa pagtatrabaho ang magulang ko mayroon pa rin kaming makakain na kung minsa'y lagpas pa sa tatlong beses sa isang araw. Sobrang baba ng kinikita nila noon na mababa pa sa Sampung piso, kung hanggang ngayon ay ganoon ang kikitain nila ay malamang wala na talaga silang mabiling kahit anong pagkain para sa kanilang pamilya. Nararapat lang na bigyang pansin ang suliraning ito sa bansa dahil ang agrikultura ang pangunahing pinagkukunan natin, ngunit ang mga magsasaka ay tuluyan ng namamatay, pinapatay, at nawawala.

Carlos, Zeal D.
Sa napanood ko ay sobrang nakakagulat at nalungkot sa mga naranasan ng mga manggagawang bukid, dahil naka relate ako dahil lumaki din ako sa bukid. Iba ang naranasan nila sa nararanasan naten ngayon, maganda at maayos na trabaho at mataas na sahod lang naman ang hiling nila ngunit hindi sila pinagbiyan. Sobrang nakakalungkot lang na dumaan pa sa dahas, barilan ang paghingi nila ng katarungan ngunit nauwi lang sa wala ang mga ito. Sobrang naging makasarili ang mga Cojuangco dahil ang mga karapatan ng mga manggagawa ay hindi nila pinahahalagahan, ginagamit nila ang kapangyarihan nila upang balewalain, saktan, bigyan ng dahas ang mga manggagawa.

Jabagat, Kim T.
Ipinapakita sa istoryang ito ang kawalan ng katarungan at ang kalupitan ng mga Conjuanco laban sa mga manggagawa at magsasaka. Inilalahad ng dokumentaryong ito na gagawin ng mga Pilipino na ipaglaban ang karapatan at ang kanilang kalayaan. Maraming dugo at paghihirap ang kanilang dinanas ngunit sila'y nagpatuloy upang kanilang mabigyan ang kani-kanilang pamilya ng sustento at masagang buhay. At dahil dito nakamit nila ang katarungang matagal na nilang gustong makamtan. Ito'y isang aral sa akin na bilang isang mamamayan ay kinakailangan kong mailhad at panghawakan ang aking karapatan, hindi dahil makapangyarihan ang isang tao ay kaniyang lalapastanganin ang karapatan ng iba at tuluyang makalalamang.

CRISOSTOMO, MUTYA R.
Aking masasabi na ang docufilm na "Sa Ngalan ng tubo" ay isang eye opener at makabuluhang tema na nagbigay diin sa hamon at pagsubok na naranasan ng mga magsasaka. Nakakalungkot isipin na magdudulot ng isang trahedya ang pag laban sa sariling karapatan na nararapat na ating tinatamasa bilang isang indibidwal. Gayunpaman, ito ay nagbigay ng paalala para saatin na ang laban para sa katarungan at kabuhayan ng mga magsasaka ay laban din para sa kabuoang lipunan at ang kanilang mga kwento ay dapat maging inspirasyon sa atin upang huwag matakot na ipaglaban ang sariling karapatan at hindi pagsuko upang makamtan ang magandang kinabukasan para sa ating sarili, pamilya at sa komunidad.

ANASTACIO, EARL JHON D.
Ang "Sa ngalan ng tubo" ay isang napakahalagang dokumentaryo na dapat panoorin ng lahat. Sa pagpapakita nito isyu tungkol sa korapsyon, katiwalian, at pang-aabuso ng mga nakakataas, nagbibigay ito ng mas malalim na pag-unawa sa atin sa mga suliraning kinakaharap ng ating lipunan. Hindi lamang ito nagtatampok ng mga kaso ng katiwalian, kundi nagbibigay rin ito ng boses sa mga taong naapektuhan ng ganitong mga gawain. Sa pamamagitan ng mga personal na testimonya, nagiging mas malinaw ang epekto ng korapsyon sa mga buhay ng ordinaryong mamamayan. Ito'y hindi lamang isang dokumentaryo kundi isang hamon sa atin upang magbago at kumilos laban sa mga baluktot na sistema sa ating lipunan.

Layson, Rica Mhay P.
Ang dokyumentaryong aming napanuod ay naglalaman ng hindi pantay na pagkakaroon ng karapatan ng mga magsasaka at ang kawalan ng patas na sistema ng mga mahihirap at may kapangyarihan. Tila mas pinapahirapan ang mga mahihirap at ang kanilang natatanggap na siyam na piso at limampung sentimo na pasahod ay hindi makatao. Sapagkat, sumasalamin ito ng pagnanakaw sa karapatan nila bilang isang manggagawang Pilipino. Sana ay maging kamalayan ito na bigyan ng boses ang mga manggagawa na ihayag ang kanilang saloobin at pananaw lalo na sa mga naaapi.  Nararapat na magkaroon sila ng sapat na kita at trabaho upang hindi humantong sa pagsasagawa ng welga upang maipaglaban ang kanilang mga karapatan. Dapat ay manaig palagi ang pagiging patas, hustisya, at hindi pagpabor sa mga nakakataas.

PAGTALUNAN, JEANNE LOID S.
Ako ay naawa at nalulungkot sa mga tao na nararanasan ang mga hirap na iyon. Galit naman ang nararamdaman ko para sa mga nakatataas at sa bulok na sistema nay mayroon tayo, na naging dahilan sa pagkahirap ng mga tao. Tinanggalan nila ng sariling karapatan ang mga tao at wala dapat ang nakararanasan ng kahirapan. Ang pamilya namin ay dating mahirap, at ang lolo ko ay isang magsasaka. Dahil sa dokyumentaryong ito, nalaman ko na ang katotohanan at ang mga pinagdaanan ng aking Lolo. Nakakagulat at nakakalungkot ang paghihirap na pinagdaanan nila, na kahit magbilad sila sa araw, ay halos wala sila natatanggap na sweldo para mapakain ang kanilang pamilya.

Eustaquio, Ezekiel C.
Ang naging reaksyon sa dokyumentaryong napanood ko ay nag hahalong galit, lungkot at awa.Kung paano magpatakbo ng sistema ang gobyerno pag dating sa hustisya ay basura at hindi patas, ang mga mayayaman lang ang nakikinabang. Gusto lamang ng mga mamamayan na makaraos sa kanilang pag hihirap at mabuhay ngunit pinag dadamutan sila ng gobyerno, pinatatahimik. Nakakalungkot din na nangyari ito noon at hanggang ngayon nangyayari parin.

PERUCHO, JOHN DANIEL G.
Ipinakita sa dokumentaryo ang paghihirap ng mga mangagawa sa Hacienda Luisita laban sa pamilya ng mga Cojuangco. Nagprotesta sila para sa patas na pagpapasahod ngunit ang naging sagot ay pagmamalupit at karahasan. Humantong rin ito sa pagkawala ng buhay hindi lamang ng mga mangagawa kasama na rin ang mga inosenteng bata na wala pang kamuwang muwang. Nakakagalit at nakakaawa and aking naramdaman dahil sa injustice na natamo ng mga maggagawa na ang gusto lang naman ay makuha kung ano ang nararapat sakanila. Nakakatakot isipin na may mga taong kayang gawin ang nangyari sa Hacienda Luisita para lang sa sariling kapakinabangan. Ang tanging hiling ko lamang para sa mga manggagawa at para sa kanilang pamilya ay ang makamit nila ang katarungan at kapayapaan na ipinagkait sa kanila ng mga taong sakim sa kapangyarihan

LOPEZ, TRISHA JOY L.
Bilang isang anak ng magsasaka at laking bukid, alam na alam ko ang hirap at mga sakripisyo na ginagawa nila upang mapanatiling maganda at maayos ang mga ani. Kaya naman, nakakalungkot na noon pa man at sa kabila ng mga paghihirap na ito, ay mayroon pa ring mga hindi makataong pangyayari. Nakakalungkot din na hindi pala lahat ng mga magsasaka ay nakatatanggap ng pantay-pantay na pagtrato at makataong benepisyo na dapat ay tinatamasa nila. Ang iba ay nakararanas pa nga ng karahasan kahit na ang ipinaglalaban lamang nila ay ang kanilang lehitimong karapatan. Bukod sa pagkalungkot, nanaig din sa akin ang galit sa mga haciendero at mga may-ari ng lupa na hindi magawang ibigay ang dapat na nararanasan at natatanggap ng mga magsasaka kapalit ng kanilang serbisyo at paghihirap. Nakagagalit din na kailangan pa nilang umabot sa punto na uutusan ang mga kapulisan at militar upang mapatigil ang pagpoprotesta ng mga manggagawa, na naging dahilan ng pagkamatay at pagiging sugatan ng iilan. Sa kabuuan, galit at awa ang nararamdaman ko habang pinanonood ang dokumentaryo dahil kitang-kita rito ang reyalidad hindi kailanman nanalo ang manggagawa at mga nasa laylayan sa mga mayayaman, sa gobyerno, at sa at mga hacienderong maraming koneksyon na kinakapitan.

Esther May Bautista
"Sa Ngalan ng Tubo"

Ito ang unang beses na napanood ko ang dokumentaryong "Sa Ngalan ng Tubo." Totoo ngang ito'y magmumulat sa ating mga mata at gigising sa ating natutulog na kamalayan sa komunidad na ginagalwan. Patungkol ito sa pagkakamkam ng lupa sa mga magsasaka at sa kung papaano nila matapang na inilaban ang kanilang karapantan hanggang sa huling hininga.

Habang pinapanood ay labis na habag at awa ang aking nadama para sa mga taong biktima ng madayang kapalaran. Kung minsan kahit na ang isang tao ay tama, basta't kalaban ay makapangyarihan, nababaliko nito ang lahat. Bakit nga ba kahit anong yaman at luho na meron ang isang tao ay tila kulang pa at layon pa rin makalamang?

Lubos ang pagmama-liit sa mga magsasaka ang pinakita dito, marahil dahil na rin sa kakulangan sa edukasyon kaya marami ang sa kanila ay nalilinlang ng mga mapagsamantala. Sa kasalukuyan, hindi na kailangan pang tanungin kung bakit kakaunti na lamang ang mga kabataang kumukuha ng kursong pang-agrikultura at kung bakit unti-unti nang nauubos ang mga lupang sakahan sa bansa. Nakakalulungkot isipin na hindi nabibigyang pansin at napagyayaman ang sektor na ito na siyang sumusuplay sa araw-araw natin na pagkain. Sa halip na ang bansa natin ang nagsusuplay sa ibang bansa, ngayon ay tayo na ang umaangkat ng mga produkto.

Masasabi kong, matapos irong mapanood ay dapat na pahalagahan natin ang mga produkto na ating kinonkunsumo sapagka't hindi lamang kapital at materyales ang inilaan dito upang maipamahagi kundi pati na rin ang determinasyon at sipag. Saludo din ako sa mga magsasaka sa ting bansa, nawa'y sa hinaharap ay makamit ng sektor na ito ang nararapat na pagpapahalaga at pansin mula sa gobyerno.

FAJARDO, ALLYZA NICOLE P.
Sa dokumentaryong ''Sa ngalan ng tubo'', nakaramdam ako ng pagka dismaya sa kalagayan ng industriya ng tubo sa Pilipinas, lalo na sa gobyernong gumagamit ng kapangyarihan laban sa mga manggagawang nakakatulong  sa ekonomiya ng bansa. Gayon din ang pagka-awa dulot ng siklo ng kahirapan at pang-aabuso na bumabalot sa maraming mga magsasaka tubo sa ating bansa. Makikita ang kasakiman at kasamaan ng mga may kapangyarihan laban sa mga mahihinang indibidwal. Mga inididwal na mahina man, lumaban pa rin para sa hustisya.

Eunice Gervacio
Ang docu film ay nagbibigay daan sa ating mga Pilipino upang mamulat sa realidad. Ang mga manggagawa at magsasakang Pilipino na nakaranas ng pagmamalupit. Tunay nga ang kasabihan na mahirap maging mahirap na makikita natin sa video. Ipinakita kung paano sila tratuhin at maliitin ng mga mayayamang Cojuangco. Sa kabila ng kanilang pagtulong ay ganoon na lamang ang pagtrato sa kanilang mga manggagawa, maraming nawala at mga nasugatan na nakakalungkot kung iisipin. At makikita natin na hanggang sa kasalukuyan ay nauulit lamang ang mga nangyayari sa nakaraan. Marami pa rin ang nakakaranas ng pagmamalupit mula sa nakatataas at higit sa lahat, karamihan sa mga mayayaman gano'n pa rin ang kanilang pagtrato sa kapwa Pilipinong mahihirap.

Monica Ruth Alfaro
Tumatak sa aking isipan ang “Kailian man ay hindi magtatagpo ang kapakanan ng mga api at mga nangaapi”. Ano nga bang bago? Patunay lamang ang documentaryong Sa Ngalan ng Tubo na may umiiral na tatlusok sa ating lipunan, na kung saan tanging mayayaman lamang ang siyang may kapangyarihan. Karapatan, lupa, at sahod lamang ang siyang ipinaglalaban ng mga mamamayang marangal kung magtrabaho, ngunit tila labis kung ipagkait ito sakanila. Ironic kung aking ilalarawan ang pangyayaring ito, dahil para sa mga mamamayan ang idinahilan sa pagbili ng lupa sa Hacienda Luisita at ngayon ay sa kanila lamang din ito ipinagkait. Nakakalungkot at nakakagalit kung susumahin na kailangang pang humantong sa pagkamatay ng mga taong ipinaglalaban lamang kung ano ang nararapat na sa kanila. Nawa’y maging isang eye opener ito sa tunay na kalagayan ng ating lipunan at gobyerno at kung paano dapat maging kritikal ang mga kabataang katulad namin sa pagpili ng lidel. Lidel na tunay na magtataguytod ng sa ikabubuti at ikakaunlad ng bayan at mamamayan nito.

Manahan, Cleo Sophia V.
Naghatid ng lubos na poot ang opresyon ng mga namamahala sa mga uring manggagawa. Naipakita nito ang katotohanang kulang ang pwersa ng mga ordinaryong mamamayan laban sa sakim na mga nasa itaas. Bagamat nagbubukas ito ng mata at kamalayan sa mga tao, hindi karapatdapat na maranasan ito ng mga uring manggagawa, walang opresyon na dapat maganap para maatim ang karapatan na para sa kanila. Nakakalungkot na ganito ang estado ng mga gitnang uri at higit sa lahat ng mga nasa mababang uri sa lipunan. Bukod sa hirap ng buhay ay pinagkakaitan ng karapatan ng mga nasa mataas na uring tanging nakikinabang sa gobyernong may kinikilingan. Ang mga pulis at ahensya ay kontrolado ng mayayaman at mas prinoproteksyunan sila kasya sa mga ordinaryong mamamayan. Ang sabi nga sa dokumentaryo, may tunggalian ang magkaibang uri, ang mga sakim at mga inaapi.

PUNONGBAYAN, DANIELLA F.
Sa tuwing nakikita ko ang mga magsasaka, naiisip ko kung gaano kahirap ang sitwasyon lalo na't buong araw silang nagtatrabaho sa arawan ngunit kakaunti lang ang sahod. Sa sobrang daming manggagawa na nakakaranas ng ganitong sitwasyon, nakakalungkot na wala man lang sa mga gobyerno ang nais magmalasakit sa kanila kahit lupa na nagsisilbing panghanapbuhay nila ay ipagkakait pa sa kanila. Hindi man lang naisip ng mga gobyerno na ipinaglalaban ng mga manggagawa ang lupa para kabuhayan dahil sila ay may pamilyang binubuhay, nakakalungkot dahil may mga manggagawang na kailangan pang mamatay para sa pansariling interes nga gobyerno.

CALICA, MARY-ANN A.
Habang pinapanood ko ang docufilm na “Sa Ngalan ng Tubo” ay nakadama ako ng pagkadismaya sa ating gobyerno. Makikita natin dito kung paano naging gahaman at kurap ang mga namumuno sa ating pamahalaan. Sa puntong iyon ay sariling pakinabang o kapakanan lamang nila ang kanilang iniisip at hindi binigyang pansin ang mga mamamayang magsasaka na nawalan ng trabaho at nabawian ng buhay dahil sa isyung ito. Maraming manggagawa ang naapektuhan at naghirap dahil sa mga kurap na namumuno sa ating gobyerno, Kaya dapat ay pagtuunan natin ng pansin ang isyung kagaya nito at mamulat sa reyalidad na mayroon sa ating lipunan upang maging bukas ang ating isipan sa ganitong kaganapan at makabuo ng maayos at tamang desisyon sa hinaharap, maging sa pagboto ng opisyales na mamumuno sa ating pamahalaan.

ACHAS, IRISH B.
Ang dokumentaryong ito ay nagpalungkot at nagpamulat sa akin patungkol sa kung gaano katindi ang karahasang naganap noon na dinanas ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita. Inilahad dito ang mga paghihirap at pakikibaka na kanilang hinarap upang ipaglaban ang kanilang karapatan. Nagbibigay-diin din ito hindi lamang sa karahasan na naganap, kundi pati na rin sa pangmatagalang laban ng mga magsasaka para sa kanilang inaasam na hustisya. Ako'y labis na naawa, nagalit at higit sa lahat natakot. Nang dahil sa makapangyarihang interes at kakulangan ng gobyerno ay nagpapatuloy na malubha ang pagpahihirap sa mga magsasaka, at natitiis nilang makita na maraming tao ang nahihirapan. Maraming nasaktan, nasugatan, nag-agaw buhay at mayroong ding binawian na ng buhay. Wala silang mga armas, at ang tanging panlaban lamang nila ay ang kanilang lehitimong karapatan. Sa aking napanood, ito'y nakatulong na mas mag-udyok sa akin na mas maging mapanuri at aktibo sa pagtataguyod ng mga repormang makakabuti para sa nakakarami. Ang bawat kilos o hakbang na makatutulong na ating gagawin ay hindi lamang para sa ating sarili kundi pati na rin sa mga taong nakapalibot sa atin.