Timeline ng "Electric Mosquito Killer Lamp" o Pampatay ng Lamok by patrick reyes-santos

(1) Nabenta na ang bahay!
Nakaluwag sa mga utang at bills ang pamilya. Matapos kumain sa restawran na ngayon pa lang nasubukan, tumungo sila sa ACE Hardware upang bumili ng mga bagong muwebles para sa bagong bahagi ng bahay na, kung tutuusin, under construction pa lang noon. Nakita ng ama ang display ng iba't ibang uri ng elektronikong pampatay ng lamok. May mga pahaba na mukhang net, may mga mukhang tennis racket, at may mga mukhang lampara. Napili ang mukhang lampara.

(2) Unang saksak
Paiba-iba ang puwesto ng lampara sa bahay sapagkat nagagalak masubukan ang kakayahan nito. Nag-iintay na may makitang napatay lamok ang nakakabatang kapatid. Kinalaunan, pinuwesto ito sa may tabi ng aquarium sa bagong bahagi ng bahay. Parang garahe, ngunit hindi parking spot ng kotse kundi tambayan at lunan ng mga shoe rack, meron ring tambakan. Bukas (gate lang ang humihiwalay sa labas), kaya madalas may mga ipis, langaw, at siyempre lamok na nakakapasok. Bagay na bagay dito ang lampara.

(4) Ang mahal ng kuryente!
Kung gaano kabilis nabili ang kasangkapan ay ganon lang ring kabilis napagsawaan na gamitin. Wala naman pala masayadong nakaka-enganyo sa lamparang pumapatay ng insekto. Basta naroon lang siya sa may labas. Marami pang ibang bagay na puwedeng pagkaabalahan.

Hindi na ito nasasaksak—pinagsawaan na ito ng pamilya. Inaalikabok. Nakapaikot na lang ang kurdon nito sa katawan. Marahil may kinalaman ito sa patuloy na pagtaas ng bill ng kuryente, sabay sa pumapatong patong na singil ng utang.

(5) Tambakan: Tahimik na Pamamaalam
Naaalala pa ba ang nabanggit na tambakan? Napasama na ang lampara doon at kaytagal na noong huling gamit nito. Sa isip-isip ng pamilya ay gumagana pa ito, ngunit nang subukang isaksak muli, nalaman nalang na hindi na pala ito umiilaw. Mataas ang tiyansang (ngunit walang kasiguraduhan) nabasa ito ng ulan dahil ngang may pagka-bukas ang bahagi ng bahay kung saan ito natambak. Maaari rin namang nabagsak ito nang walang nakapansin.

(3) Klak! Sprak! Zzt!
Mahirap makalimutan ang tunog ng lampara tuwing may napapatay itong lamok. Kinatutuwaan ito ng nakababatang kapatid at pati na rin ng buong pamilya. "May napatay na naman!" ay madalas na puna sa epektibidad ng kasangkapan. Kinalaunan, marami nang napatay na lamok at iba pang maliit na insekto ang lampara, na nadidikitan ng mga katawan nito sa bakal na bahaging nakapalibot sa mismong bumbilya. Hindi nga lang nalilinis ang kasangkapan...