Navales: Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Ikatlong Markahan, Ika-apat na Linggo by Mike C. Navales

1. Hindi madaling magalit.
2. Isinaalang-alang ang damdamin ng iba.
3. Natutong magpakumbaba.
4. Buong pusong pagtanggap sa kapuwa.
5. Hindi hinuhusgahan ang kapwa batay sa pisikal na kaanyuan nito.
6. Iginagalang ang mga taong dapat igalang.
7. Hindi nakakaramdam na nag-iisa dahil may karamay - siya, ang Diyos.

Aborsyon, gagawing legal?
Bagaman sa esperituwal na paninindigan, walang sino man ang may karapatan na kumitil ng buhay, pero kung walang kapasidad na ibuhay at magbuhay ang mga nagdadalang tao dahil sa pinansiyal, emosyonal, mental na mga problema, paano magiging makabuluhan ang buhay na ibubuhay?

Ako ay sang-ayon sa pagpapalegal sa aborsyon dahil maraming mga kababaihan o mga magkatipan na hindi pa handa na maging mga magulang pero hindi naiwasan na makabuo. May mga biktima rin ng kaharasan- rape, na hindi nanais ng babae na mabauntis, na magdudulot ng trauma sa babae na posible sa anak mabuntong at maitanim. May mga nabataan na napangunahan ng kapusukan at pagkamausisa sa gawaing pagtatalik, na nagdulot ng pagkabuo ng buhay, subalit hindi pa sila handa sa mga responsibilidad na kaakibat nito, at hindi pa handang magsilang ang nagdadalagang baabe na posibleng magkakomplikasyon sa kalusugan. Samaktwid, ang aborsyon ay magbabawas sa bilang ng mga unwanted and neglected children na pinapapabayaan sa mga shelter o mas malala sa kalye.

Posibilidad ng human cloning pinag-aaralan na.
Sa paglago at sa mga pagbabago tungo sa modernisasyon ng mundo hindi malabo na ito ay mangyari. Subalit, ang pagkokopya ng buong kaanyuan ng indibidwal ay magdudulot ng kaguluhan at pagkabawas ng halaga ng buhay na pinagkokopyahan. Dumarami na ang bilang nating mga tao na nabuhay, nabubuhay dito sa mundo, at papaunti na rin ang mga yaman. Paano masusustentuhan ang mga pang-araw-araw na pangangailangan, kung sa isa nahihirapan na nga gagawin pang dalawa?

Dapat ng tigilan ang isinasagawang pag-aaral sa human cloning sapagkat hindi naman ito makapagdudulot ng mabuti sa atin, at sa kapaligiran. Kung ang isa ay gagawing dalawa, madodoble ang konsumo ng mga yaman at madodoble ang pollution na magdudulot ng mas doble na pagkasira ng mundo. Mababawasan ang halaga ng taong pinagkokopyahan dahil may karibal o kambal na siya na kahati niya sa lahat; ang karibal ay bunga ng siyensa, ang orihinal ay bunga ng pagmamahal, tiwala, at pasensiya. Magkakaroon lamang ng tunay na halaga  ang buhay ng tao kung ito ay bunga ng pagmahahalan, at hindi ng mga teknolohiyang pang-agham. Ang perang kanilang ilalaan sa pagaaral ng human cloning ay ilaan nalang nila sa ibang bagay na mas magkakaroon ng makabuluhan na epekto sa lipunan.

Death penalty, ipaiiral muli.
Mabusising mga patunay at saliksik ang nararapat gawin bago hatulan ng katiwakalan ang buhay ng isang indibidwal. Hindi ako sang-ayon sa pagpapairal ng death penalty, sapagkat ako'y naniniwala na dapat bigyan ng isa pang pagkakataon ang taong hahatulan nito. Bagaman mabigat na krimen ang kaniyang nagawa, katulad ng may napatay siya, ano ang pagkakaiba natin sa kaniya kung papatayin din natin siya, nangangahulugang dapat din tayo hatulan ng death penalty dahil tayo ay nakapatay? Buhay sa Buhay.

Ang sugat nahihilom, bagaman kailangan nito ng mahabang panahon upang mahilom na buo, sa huli ito parin ay maghihilom. Ang taong dahilan ng pagkawasak nito dahil siya ang may nagwang karumal-dumal na krimen na napatay niya ang isa sa mga mahal mo, ay karapat-dapat ng isa pang pagkakataon. Ipaubaya nalang natin sa panginoon kung ano ang gagawin niya bilang parusa sa nagawang krimen nito, kaysa ikaw ang gumawa. Baka yun ang nakatadhana na mangyari sa iyong mahal sa buhay, walang tayong magagawa. May mga pamilya rin na mauulila kung sila ay titiwakalin. Matutong magpatawad, at bigayn ng pagkakataon ang mga taong magbago.

Unang Bahagi
1. October 7, 2013; September 4, 2017; November 12, 2017.
2. Tanggapin ng buong puso ang katotohanan.
3. Pagkadismaya at lungkot.
4. Gamitin ang buhay sa mabuting paraan na makagawa ng mabuting pagbabago sa sanlibutan. Katulad ng paggawa ng mabuti sa kapwa, pag-iwas sa mga bagay na masama, atbp.
5. Uri ng buhay na may kakayanan na magsustenso ng pang-araw-araw na pangangailangan na walang iindahin problemang pinasyal at may kakayahang bilhin ang mga gusto, pero dapat pagsikapan.

Ikalawang Bahagi
USAPAN BAGO SA HIMLAYAN
ni: Mike Navales

Ang larawan nakukupas. Ang materyal na bagay nalilipas. Ang usapan, mananatili sa alaala, walang katumbas

Sa pagtilaok ng manok, ako'y bumangon ng puno ng pag-asa. Binuksan ang bintana, nang masulyapan ng mata ang pagsikat ng araw sa silangan. Dali-daling bumangon sa kama at binati ng magandnag umaga ang pamilya, niyakap ko sila ng mahigpit na mahigpit na parang mauubusan sila ng hininga. Sabay kaming kumain ng almusal sa hapag, at sinaluhan ang mga pagkain na nakalatag. Masayang nag-usap tungkol sa mga kung ano-anong bagay. Sila ay aking pinasalamatan, sila ang pulot-dulo kung bakit nasimula ang aking kwento. Gulat na gulat silang nakikinig at namuo ang luha sa kanilang mata, pinahid ang panyo na nasa gilid. Naging mabigat ang kapaligiran, buti nagbitaw ng biro ang isa, na nagpagaan ng atmospera. Ganito rin ba kasaya bukas?

Pagkatapos ng kainan, ako ay nagbisekleta at binati ng may nakapintang ngiti sa mukha ang bawat kapwa na aking nakita. Nilibot ang buong siyudad, nagpahinga sa bangketa at tiningnan ang kapaligiran, kay ganda. Pinuntahan ko ang aking mga kaibigan, kumain kami sa karenderya ng tanghalian. Sila rin ay aking pinasalamatan. Kanilang kinulayan ang buhay, sa kanila nakahanap ng karamay. Mahaba rin ang aming usapan, umabot kami ng tatlong oras na kwentuhan. Binitawan namin ang paalam sa isa't isa, may iba pang kailangan ng kanilang presensiya.

Takip-silim na, ilang oras nalang ang natitira. Muli kung binaybay ang daanan aking dinaraanan. Huminto saglit sa liwasan, sinilayan ang paglubog ng araw sa kanluran. Nakatunganaga sa ganda sa pagpalit ng dilim sa liwanag. Binilisan ko ang paguwi, dahil dilim na; wala akong plaslayt na dala. Nakuha ng atensiyon ng aking mata ang liwanag sa banda ng kalye, doon ko nabuo ang samahan na kamatayan lang ang makakabitag. Nakauwi na ako. Nakahanda na ang lahat, ako na lang ang hindi. Sabay kaming nagdasal. Kay bilis ng oras, parang kahapon lang sa sinapupunan ako'y lumabas, bukas akin ng wakas. Masaya na may halong lungkot habang nakikinig sa mga pakutsa ng aking mga kapatid tungkol sa mga karanasan sa paaralan. Nong ako na ang magsasalita, bigla nalang akong nahilo, at doon alam ko nang oras na. Oras na, na lisanin at tapusin ang mga pasanin ng sakit. Walang atubiling lumapit sila sa akin. Nakita ko ang pagpatak ng luha, hindi ng saya, kundi lungkot ng taong unang nasilay ng aking mata- aking ina. Magpahinga ka na, iyon na lang ang huling pangungusap na aking narinig mula sa kaniya. Iyon na ang huling usapan bago sa himlayan.

Lahat ng iyon ay ala-ala na. Isa na akong kaluluwa. Gagabay at makikinig sa kwentuhan ng aking kaibigan at pamilya, pero hindi na nakikita.