Photo Blog by Kennyrose Noynay

Probinsya
Ito yung araw ng pandemya, lumagi ako sa aming probinsya na ako lang mag-isa dahil sila mama, papa, at kuya ay nandoon sa Consolacion. Halos tatlong buwan akong lumagi sa probinsya, sobra ko silang na mimiss kaya naman nakapagdesisyon kong lumuwas ng Cebu kahait kasagsagan pa ng pandemya. Masaya na man sa probinsya, paborito ko nga itong probinsya kaso lang hindi ako sanay na ako lang ang lumagi ng halos magtatlong buwan doon. Kaya naman lumuwas ako papuntang Cebu at nakapiling ko na sila.

Simbahan sa Simala
Nakapagdesisyon sila mama at papa na pupunta kaming simbahan sa Simala. Kasama namin dito si Tita Gamay, kapatid ni mama. Kahit sobrang layo ng simbahan, desidido talaga kaming pumunta kahit sa isang beses lang at kahit ang taas ng linya at sobrang init ng panahon hindi talaga kami sumuko hanggang sa nakapasok kami sa simbahan at nakapagdarasal. Sulit yung paghihintay at init ng panahon dahil pagpasok namin nawala yung pagod, sobrang gaan ng aming pakiramdam hanggang sa nakauwi kami sa bahay at syempre hindi namin makakalimotan ang bumili ng kandila at braclet.

SANTA CRUZAN
Ang larawan ito ang napili kung maging laman ng akong photo blog. Ito ang pinaka unang pageant na aking sinalihan , ang tinatawag nating Santa Cruzan. Kahit first time kung sumali nito ay masaya ako dahil ako ang napili nila na mag represent sa aking komunidad kahit sa dami dami ng babae. Ito ang pina ka memorable na nangyari talaga sa aking buhay. Natatawag kung pinaka memorable dahil hindi ko lubos maisip ,makita at ma imagine ang sarili ko na sumasali sa ganitong pageant.  Kahit natalo ako , Hindi ako malungkot dahil "not bad for a first timer heehehe" . Talagang masaya ako dahil nagawa ko ito at nagawa ko ring maging proud sa aking mga ka barangay sa amin at lalo na sa mga taong sumoporta sa akin . Ito lang talaga ang tanging pageant na sinalihan ko sa buong buhay ko. Wala akong pagsisi sa aking pagsali nito at isa rin ito sa mga magandang nangyari sa aking buhay na hindi ko makakalimutan magpakailanman.

REUNION
Ito ay larawang kuha noong Hulyo 21, 2021 nitong nakaraang taon lamang. Nagkaroon kami ng mini reunion ng aking mga kaklase noong hayskul. Na sinabay na rin naman sa selebrasyon ng kaarawan nina Kent Borla, James Joewel Vildosola aming mga kaibigan. Napagdesisyunan namin na pumunta sa Village Garden Resort. Kung saan nag renta kami nang cottege at nagdala kami ng mga pagkain, at ang iba ay duon namin iniluto. Napakaganda ng lugar, maliban sa napakamura na entrance fee na sampung peso lamang, napakalawak at napakaganda ng naturang resort. At habang lumilipas ang mga minuto, nilaan namin ang aming sarili sa pagkukwentuhan, pagpipicture, pag swimming at iba pa. Sa sandaling iyon, ay napatunayan kong 'high school life is the best experience' ika nga, namiss namin ang kulitan at asaran ng bawat isa gayung taon na ang lumipas ng huling magkita. Kung kaya, isa sa mga hinihiling ko talaga ay makabalik doon at mas marami na kami at buo. Kasama narin namin sana yung mga dating guro na gumabay sa amin. Masaya ako at naiisip kong hindi ito ang huling pagtatagpo naming lahat. 🥰❤️

PIKTORYAL
Ito naman ay larawang kuha noong Setyembre 02, 2021 nakaraang taon. Ito ay larawan ng dalawang pinakaimportanteng tao sa aking buhay. Aking mga nakakabatang kapatid na magkambal, (mula sa kanan) Annanes Singco, Ayanna Singco.  Ito'y kuha noong sinuyo ko sa kanila na magkaroon ng piktoryal bilang pag gunita sa kanilang kaarawan. Ako ang nagsilbing photographer, taga ayos nang buhok, taga make up at ang nag edita ng mga larawan. Napagdesisyunan namin na sa may bundok gawin ang naturang piktoryal. Kasama rin namin ang kanilang mga kaibigan na sina Faith at Lanze upang tumulong sa pag aayos ng kakailanganin. Naging masaya, at maganda ang kinalabasan ng mga larawan at natutuwa akong nagustuhan ito ng aking mga kapatid. Ngayo'y labing walong taong gulang na sila, hinihiling kong sana ay nasa maayos ang kanilang  kalusuga at sana nasa maayos na kalagayan palagi, at nangangakong bilang nakakatandang kapatid sila'y aalagaan at poprotektahan sa anuman. Gabayan nawa sila ng diyos, sa pag gawa ng mga desisyon na tatahakin nila sa buhaya at anumang gawin nila sa buhay. Totoo nga ang sabi nila na 'your sister's are your true bestfriend❤'.