Pangkatang Gawain by Jeanine Evangelista

Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila'y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin o bisita.

Ang pagiging matapat ay isa sa pinakamahalagang katangian na dapat mayroon ang isang tao. Sapagkat madali mong makukuha ang pagtitiwala ng nakararami. Importante na mayroong taong nagtitiwala sa iyo dahil maaari mong mahingan ng tulong ang taong nagtitiwala sa iyo sa oras na ikaw ay mangailangan ng tulong o pabor. Higit sa lahat, mainam na hindi mo masira ang tiwala ng nagtitiwala sa iyo upang ikaw ay mapagkatiwalaan sa lahat ng bagay.

Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa, at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa't-isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito, biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya't patuloy mo itong ingatan.

Ang pagre-recycle o muling paggamit ng mga patapong bagay ay isang paraan upang mabawasan ang basura sa ating paligid. Katulad na lamang ng mga lumang gulong ng sasakyan, maaari itong gawing paso at tamnan ng halaman. Ang mga boteng plastic naman ay maaari nating ipunin at ibenta. Nagagawa rin itong palamuti na may iba't-ibang disenyo.