MMA 11-A : DUGTUNGANG SALAYSAY by Cecilia L. Bacares

MMA 11-A: DUGTUNGANG SALAYSAY
DUGTUNGAN  ANG UNANG NAIBIGAY NA PANGYAYARI HANGGANG UMABOT SA IKA-15 SEQUENCE. MAAARING LAGYAN NG DAYALOGO O USAPAN, DAGDAGAN ANG MGA TAUHAN AT BAGUHIN ANG TAGPUAN .
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

Dichoso, Ruth Elizabeth
1. Isang lalaking nasa stretcher , may kabit na oxygen mabilis na ipinasok sa ICU ng hospital.

2. Tinignan ni Maxene ng may pangamba ang lalaking nasa stretcher habang ito ay inaasikaso ng mga nars at doktor.

3.” Ganoon rin ba ang aabutin ni mama?” pabulong niya kay Tatay.

4. Nakatitig sa pintuan, sagot ni Tatay, “Bumili na lang kayo ng pagkain ni Faith ha.”

5.  Nangingilid na mga mata at nanginginig na labi tanong muli ni Maxene, “Tay, pano na si Mama?”

6. Tumayo si Tatay para makausap ng doktor. Dalawang kamay magkasama, ulo nakatungo, umiling ang doktor.

7. Nagpasalamat si Tatay sa doktor bago tumingala para pigilan ang pagluha.

8. Umikot ang mundo ni Maxene, lumabo ang paningin hanggang napatulala na lamang siya sa ere.

9. Nakaupo sa silya si Maxene tulala sa eskwela habang dumaan ang mga tinalakay ng titser at ang mga hagikgikan ng mga kanyang kaklase sa kanyang tainga.

10.” MAGSULAT TUNGKOL SA INYONG PABORITIONG TAO” sinulat ng titser sa pisara para sa gawain sa araw na iyon.

11. Tinitigan niya ang papel ng may pumatak na luha galing sa kanyang mata. Naalala niya ang huling mahigpit na pagyakap at pilit na ngiti ng kanyang Mama, nagpapaalala na walang kailangan alalahanin.

12. Dumilim ang paningin niya sa mga luhang tuloy tuloy na dumaloy sa kanyang mga mata. Tinakpan ang bibig dahil sa paglakas ng mga hikbi.

13. Napalingon ang mga kanyang kaklase ng buksan niya ang pinto para tumakbo papuntang banyo, habang humahagulgol.

14. “Maxene! Maxene!” sigaw ng  kanyang mga kaklase.

15. “Maxene! Maxene!” sigaw ng kanyang Mama habang niyuyugyog si Maxene na binabangungot.

DOMER
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL.
#2 SIYA AY SI ROBERT. ISANG LALAKI NA INATAKE DAHIL SA KANYANG PNEUMONIA AT SIYA DAW AY NAGPOSITIBO SA COVID-19. SIYA AY 49 ANYOS NA AT ISA SIYANG GENERAL MANAGER SA SAFETY INSPECTION ENGIRNEER DEPARTMENT NG KANILANG FIRM.

#3 ANG KANYANG PAMILYA AY NAGHIHINTAY SA LABAS NG ICU NAGDADASAL SA PANGINOON NA WAG MUNA BAWIAN NG BUHAY SI ROBERT DAHIL SIYA ANG TAGAPAGBIGAY NG SUSTANSYA SA PAMILYA.

#4 NG KANIYANG ASAWANG SI MARIE AY ISA LAMANG HOUSEWIFE AT SI ROBERT ANG NAGPAPAARAL SA KANILA NILANG TATLONG ANAK NA MGA LALAKI. ANG PANGANAY AY 3RD YEAR NA SA KOLEHIYO ANG GITNA AY 1ST YEAR AT ANG BUNSO AY GRADE 8 LAMANG.

#5 PAGKATAPOS NG DALAWANG ORAS AY LUMABAS NA ANG DOCTOR. SIYA MUNAY NAGTANGGAL NG KANIYANG KATAKITAN AT FACEMASK BAGO MAGSALITA SA PAMILYA. NAGSALITA ANG DOCTOR “PASENSIYA PO. HINDI PO SIYA UMABOT”

#6 UMIIYAK SI NANAY “HINDI! HINDI”. NAGIIYAKAN NA DIN ANG TATLONG MAGKAKAPATID HABANG ANG ISA AY UMAALO SA NANAY.

#7 DAHIL COVID POSITIVE SI ROBERT AY AGAD NA LAMANG SIYA IPAPACREMATE. AGAD DINALA ANG KATAWAN SA IBABANG PARTE NG HOSPITAL KUNG SAAN ANG CREMATION NG MGA NAMATAY NG ARAW NA IYON. HINDI LAMANG SI ROBERT ANG NABAWIAN NG BUHAY NUNG PANAHON NA ITO KAYA’T INILAGAY MUNA SIYA SA ISANG KWARTO KUNG SAAN ANG “PILAHAN” NG MGA KATAWAN NA DAPAT ICREMATE NG ARAW NA IYON.

#8 UMIIYAK LAMANG ANG INA DAHIL HINDI NIYA MAN LANG MULI MAKIKITA ANG KANIYANG ASAWA. SILA AY NAIWAN NA LAMANG SA HINTAYAN NG OSPITAL HABANG HINIHINTAY NA LAMANG ANG ABO NI ROBERT.

#9 ANG IYAK NG NANAY AY HINDI NA LAMANG SA PAGKAMATAY NG KANIYANG ANAK KUNG HINDI SA ISIP NA PAANO NIYA MASUSUSTENTUHAN ANG KANIYANG PAMILYA NGAYON NA WALA NA ANG KANIYANG ASAWA. KAHIT ANG ISA AY MAGTATAPOS NA AY WALA SIYANG TRABAHO NA MAPAPASUKAN MAS LALO NA SA LOOB NG PANDEMYA NGAYON. ANG INSURANCE NA MAIIWAN AY HINDI SAPAT PARA SA PANGKABUHAYAN NILA NGAYON.

#10 SA SOBRANG PAGHAGULGOL NG INA AY HINIMATAY SIYA. SIYA AY NADALA SA ER NG HOSPITAL MUNA HANGGAT SA BUMALIK ANG MALAY NG INA.

#11 NANG MAGISING NA ANG NANAY AY ANG UNA NIYANG NAKITA AY ANG KANIYANG TATLONG ANAK NA LALAKI. NAPANSIN NIYA NA ANG PANGANAY AY MAY HAWAG NA URN SA KANIYANG KAMAY AT MULING UMIYAK ANG NANAY.

#12 PALAKAD NA NAG PAMILYA PAUWI. SI NANAY AY NAKATINGIN NA LAMANG SA LAPAG NA MAY LUKSANG TINGIN ANG PANGANAY AY HAWAK ANG URN SA KANANG KAMAY AT ANG KAMAY NG INA SA KALIWA. ANG BUNSO AY UMIIYAK HABANG ANG ISA AY TAHIMIK LAMANG.

#13 NAGSALITA ANG NANAY “MGA ANAK KO. TAYOY MAGTIIS MUNA HANGGAT SA MAKAHANAP AKO NG DESENTENG TRABAHO NA BASTA’T KAYA. PAPATAPUSIN KO MUNA ANG INYONG KUYA PARA MAKATULONG SA ATIN AT PAGKATAPOS NON AY MAKAKTULOY NA KAYO NG PAGAARAL. ANG MAIIWAN NA INSURANCE ANG GAGAMITIN NATIN SA PANSAMANTALA. WAG KAYO MAGAALALA HINDI NATIN IBEBENTA ANG BAHAY. NGUNIT KAILANGAN NATIN MAGBENTA NG IBANG GAMIT PARA MAY SOBRA TAYONG PERA.”

#14 KAHIT SA BAON NA UTAK SI NANAY AY ANG KANIYANG UNANG PROBLEMAHIN AY PROTEKTAHAN ANG KANIYANG MGA ANAK.
#15 KAHIT NA MAMATAYAN SIYA NG ASAWA NA ANG TAGAPAGBIGAY NG PANGANGAILANGAN NILA AY NAGPAKATAGTAG SIYA PARA SA PAMILYA

#16 TUMINGIN SIYA SA LANGIT AT NGUMITI HABANG SABAY SABAY SILANG MAGLAKAD PAUWI.

CALIMLIM
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

2. Nagmamadaling inayos ng mga doktor ang mga kagamitan upang matulungan ang lalaking naghihinalo na sa kanyang higaan.

3. "Doc, bumababa ho ang heart rate ng pasyente!" Sigaw ng isang nurse na  nakabantay sa vital monitor na nakakabit lalaki.

4.  Nagkaroon ng heart failure ang nasabing pasyente na ito, siya ay isang biktima ng pang aabuso ng mga tanod sa kanilang barangay dahil siya ay ipinag push-up ng pagkaraming beses nang mahuli siyang nasa labas ng bahay sa oras ng curfew.

5. "Kunin niyo and defibrillator!" Sigaw ng doktor nang makita na hindi na tumitibok ang puso ng lalaking nasa kanyang harapan. "One, two, three. Clear!" Sambit ng doktor na ginagawa ang kanyang makakaya upang mailigtas ang pasyente nya mula sa kamatayang palapit na sakanya.

6. Matapos ang ilang subok upang mai-resuscitate ang pasyente, siya ay muling huminga at nag ayos ang tibok ng kanyang puso.

7. Lumabas ang doktor sa kuwarto ng pasyente at nagbuntong hininga. "Ano nanaman kaya ang ginawa sa lalaking ito?" Tanong niya sa kanyang sarili.

8. Pagod at halos namamanhid na ang kanyang mga binti. Inaantok at pasuko na and doktor na ito. "Ang dami na ngang kaso ng COVID-19 sa bansa, dinadagdagan pa ng mga hayop na nang aabuso sa kanilang awtoridad."

9. "Kailan ba ito titigil?" Buntong hininga ng doktor. Nais na nyang huminto dahil siya ay pagod na pagod na. Araw-araw ay may pasyenteng binabawian ng buhay.

10. Matapos ang ilang oras, gumising ang lalaking kanyang iniligtas. Tinanong ng doktor kung ano ba ang nangyari at bakit si'ya hinuli.

11. "Bibili ho sana ako ng gamot para sa nanay ko. Nagka covid ho si'ya at wala na po kaming ospital na mapasukan dahil lahat ay puno na." Sambit ng pasyente sa higaan. "Hirap na po huminga ang aking nanay, at desperado na ho ako. Lumabas ako upang humingi ng tulong at bumili ng gamot." Itinuloy nya.

12. Nakaramdam ng awa ang doktor at ang sinabi ng binata sa harap ni'ya ay nagpabigat sa kanyang puso. "Hindi ko naman inakala na mas mauuna pa pala ako sa nanay ko makapasok ng ospital. Sana si'ya nalang po ang nasa higaan ko ngayon." Paiyak na sinabi ng pasyente.

13. "Anak, ramdam ko ang sinasabi mo. Nais kitang matulungan. Nasa bahay niyo ba ang nanay mo?" Tanong ng doktor. Hindi si'ya sigurado kung may mapag lalagyan pa ang nanay ng binata, ngunit gusto niyang subukan.

14. "Dok, sa tingin ko ho, hindi na po kailangan." Malungkot na sinabi ng binata. "Nakita ko po ang nanay kong nag papaalam sa panaginip ko. Siya po ang nagsabi saakin na wag akong susuko at sasama sakanya."

15. Nangatob ang tuhod ng doktor, at naramdaman niyang nadurog ang puso sa narinig niya mula sa pasyente sa harap nya. Napaka sakim ng mundong ikinalalagyan nila, at ang mga tao ay biktima ng kasamaan ng mga tao nakaupo sa itaas. "Patawad, anak. Patawad."

Carlos, Eliana Nicole
#1 ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2 "'Tay! 'Tay! Kapit ka lang 'Tay, please!" ang iyak ng bata, sabay-hawak sa kamay ng lalaking nasa stretcher. Subalit pinilit siya ng doktor na bitawan ang kamay ng lalaki. Hindi rin siya pinayagan ng mga doktor na pumasok sa ICU.

#3 Noong isinara ng huling doktor ang pintuan ng ICU, tila tumigil ang mundo ng anak. Hindi siya makahinga o makaisip ng maayos. Ang naalala lang niya ay ang pagkakamaling nagdulot ng panganib sa kaligtasan ng kanyang ama.

#4 "Hindi ko dapat sumabay sa aking mga kaibigan... Dapat umuwi ako ng maaga. Kasalanan ko... Kasalanan ko ito!" humikbi ang anak at yumuko sa gitna ng pasilyo ng ospital. Dahan-dahang pinalibutan ng mga tao ang bata para kausapin siya. Ngunit hindi siya sumagot hanggang may boses na sumigaw "Junjun!"

#5 "Si Nanay ba yun?" naisip niya at sinubukang hanapin ang kanyang ina mula sa maraming tao sa paligid niya. At sa hindi kalayuan lang, nakita niya ang matandang babae na nagmamadaling lumapit sa kanya.

"Bakit ka nasa gitna ng daan?" tanong ng ina.

Hindi makasagot ang anak ng maayos. Humihikbi pa siya dahil sa iyak.

"O, sige sige. Umupo muna tayo sa labas," sabi ng ina, at binigyan ang kanyang panyo sa bata.

#6 Umabot ng halos kalahating oras bago makapagsalita ng maayos ang bata. Lumubog na ang araw at lumamig ang paligid sa labas.

"'Nay... kasalanan ko ito," sabi ng Junjun.

"Bakit naman, anak? Ano ba ang nangyari?"

"Sabi kasi ni 'Tay sa'kin kaninang umaga na kailangan ko siyang tulungan sa pag-aayos ng kusina pag-uwi ko galing sa paaralan. Kaso sinabi ko na mamayang hapon pa ako uuwi dahil pupunta ako sa pagdiriwang ng kaarawan ni Abi. Tapos, ayun, nagalit siya sa akin dahil inuuna ko daw sila kaysa sa kanya. Sabi ko naman na hindi totoo 'yon, ngunit hindi na siya nakinig sa’kin dahil sa sobrang galit niya. Dahil doon, nagalit din ako."

"Eh.. Anong oras ka umuwi?"

"Mga alas-singko na, 'Nay. Noong pumasok na ako sa bahay, nakita ko na si 'Tay nasa sahig. Yung ulo niya'y dumudugo na," sabi ng anak, at nagsimulang humikbi ulit. "Nahulog yata dahil hindi matatag ang akyatan na ginamit niya."

Gustong magalit ang ina sa kanyang anak, ngunit pinigilan niya ang sarili muna. Alam naman niya na hindi inaasahan nila na maaksidente ang tatay.

"'Nay, p-pasensya na po. Kasalanan k-ko ito. Kung nakinig ako kay 'Tay sa-sana... S-sana hindi ito nangyari,” iyak ni Junjun.

"Aksidente ang nangyari, Junjun. At hindi ka dapat nanghihingi ng tawad sa akin," sabi ng ina at nagturo sa pasukan ng ospital. "Dapat sa kanya, paggising niya, okay?"

Tumango si Junjun at hindi nagbantay sa pasukan ng ospital. Nagdasal at nagdasal siya para sa magandang balita.

#7 Pagkalipas ng ilang oras, iniulat ng doktor sa kanila ang kalagayan ng ama. Sabi ng doktor na medyo maayos na ang kanyang kundisyon, ngunit maaaring hindi makagalaw o makasalita ang ama kaagad dahil paralisado ang kaliwang bahagi ng katawan. Dahil dito, kailangan sumailalim ang ama sa pisikal na therapy.

Hindi ito ang balita na inaasahan ng anak, ngunit nagpasalamat pa rin siya sa Panginoon dahil buhay pa siya.

#8 Noong umalis ang doktor at ang kanyang ina, naiwan silang mag-ama sa silid ng ospital. Lumapit ang anak sa kama at mahigpit na hinawakan ang kamay ng ama. Nais niyang iparamdam sa kanya na na pinagsisihan niya ang kanyang desisyon. Gusto rin niyang umiyak, subalit wala nang lumalabas na luha sa kanyang mga mata.

Kung sana nalang maaayos ang lahat kung humingi siya ng tawad sa kanyang ama, mawawala rin ang sakit na nararamdaman sa puso niya.

Ngunit kahit anong salita ng anak, hindi pa rin lumingon ang tatay sa kanya. Iyan ang nagdala ng mas malalim na pagdadalamhati sa puso niya.

#9 Hindi mawala ang pagsisisi na nararamdaman ni Junjun, kaya binawi niya ang kanyang pagkakamali sa pamamagitan ng pagiging tagapag-alaga ng kanyang ama.

“Anak, alam ko na mabuti ang iyong balak, pero kailangan mo pa rin magpokus sa eskwelahan,” paalala ng kanyang ina. “Ako nalang bahala sa iyong ama.”

“Pero ‘Nay, mas mahalaga para sa akin ang paggaling ni ‘Tay.”

“At alam ni ‘Tay na mahal mo siya. Sapat na ‘yon, Junjun. Sapat na para sa amin na sa gabi ka nalang tumutulong. Ngunit hindi puwedeng pabayaan iyong mga pg-aaral kasi mahalaga rin pa rin ito,” sabi ng ina. “Dapat unahin mo ngayon ang pag-aaral. Iyan rin ang magugustuhan ng iyong ama.”

Walang maitugon pa si Junjun sa payo ng kanyang ina, kaya napalingon nalang siya sa ama na ngayong tilang nakakulong sa wheelchair. Dinudurog pa rin nito ang kanyang puso.

#10 Isang araw, tinanong ng kaibigan ni Junjun kung anong gustong trabaho niya pagkatapos ng kolehiyo.

“Huh? A-ako?”, sabi naman ni Junjun. “Ah.. uhm..”

Napaisip si Junjun ng mahaba. Ito ang unang beses na sineryoso niya ang tanong na iyon, sapagkat nasa ikasampung baitang na sila. Ngunit, wala siyang maisip.

“Guys, paano ko malalaman kung ano ang trabaho na angkop sa akin?” tanong ni Junjun.

“Hmmm… siguro tignan mo ang mga kakayahan at kahinaan mo,” payo ng isa. “Magaling ka naman sa matematika–”

“–Hindi ah! Sineseryoso ko lang ‘yon kasi alam ko babagsak ako kung di ako mag-aaral,” tutol naman ni Junjun.

“Eh mas magaling ka naman kaysa sa’min. Ikaw nga yung kumuha ng gantimpala sa math noong isang taon!”

“Pwede rin naman Junjun na isipin mo ang mga pangangailangan ng mga taong mahal mo,” payo ng isa pa. “Hahaha pero sa totoo lang, ‘di ko rin alam. Bata pa rin tayo eh.”

Ngunit ang pangalawang payo ay ang nakaantig sa kanyang puso. Wala na siyang ibang maisip maliban sa kanyang ama na nakalakad na ulit. Ang pag-iisip niyon ay nagpapasaya sa kanya.

At doon napagtanto niya ang gusto niyang gawin.

“Guys… sa STEM ba kayo sa SHS?” tanong ni Junjun sa kanila.

“Hah? Mamamatay tayo diyan. Sa HUMMS nalang ako, pre,” sabi ng isa. “Bakit naman?”

“Gusto ko mag-aral ng pisikal na therapy.”

“Hah?!” sigaw nilang lahat.

#11 At doon nagsimula ang paglalakbay ni Junjun sa mundo ng pisikal na therapy. Kapag bumibisita ang doktor ng kanyang tatay sa bahay, palagi niyang tinatanong kung ano ang ginagawa ng isang pisikal na therapist. Naisipan ng doktor na tumulong siya pisikal na ehersisyo ng kanyang ama.

#12 Kalaunan, nagsimulang gumaling ang ama. Pagkatapos ng ilang sesyon kasama ang pisikal na therapist, nagagalaw na niya ang kaliwang braso. Kaya na rin niyang gamitin ito para pakainin ang sarili. Higit sa lahat, kaya na niyang magsalita ulit ng kaunti. Dahil dito, naging mas madali ang komunikasyon niya sa kanyang pamilya at doktor.

Sobrang natuwa sina Junjun at ang kanyang ina sa pag-unlad ng kalusugan ng kanilang minamahal na ama. At tinuloy rin ni Junjun ang pag-aalaga sa kanyang ama habang nag-aaral pa rin. Sa totoo lang, ito ang unang beses na nakita ng ina si Junjun na masigasig sa pag-aaral.

#13 Isang gabi, habang tinutulungan ni Junjun ang kanyang tatay na umakyat sa kanyang kama, biglang nagsalita siya. Natuwa ang anak at nakinig ng mabuti. Akala niya na gusto siyang pasalamatan, ngunit sa mga hindi komprehensibong mga salita, napagtanto ni Junjun na ibig sabihin ng ama na huwag na siyang tulungan sapagkat hindi na siya babalik sa dati.

Huminto ang anak. Naisip niya na ang pagsusumikap niya ay magbunga, ngunit hindi pala ito sapat sa kanyang ama.

“‘Tay, gagaling ka pa rin. Nagsumikap nga ako na maging doktor kasi masaya ako nang nakikita kitang gumagaling,” nagsimulang umiyak si Junjun. “Hindi ba ‘yan sapat sa’yo?”

Ngunit hindi makapagsalita ang ama dahil sa kanyang kundisyon. “Mmm,” at “Ngah!” lang ang mga tunog na lumabas. Mas lalong nasaktan si Junjun.

#14 Napansin ng kanyang ina pagkatapos ng ilang araw na hindi na gaanong masigasig mag-aral ang kanyang anak. Sinubukan niya kausapin, ngunit hindi umimik ang anak ng kahit ano. Dahil hindi siya umimik, naisip niya na may nangyari sa mag-ama.

Isang araw, umuwi si Junjun ng gabi na dahil galing siya sa bahay ng kanyang kaibigan. Noong pumasok siya sa bahay, halos lahat ng mga ilaw ay patay, maliban sa ilaw ng kusina. Tilang nakita na niya ang eksenang ito dati. Huminga siya ng malakas at tinawag ang ina, pero walang sumagot.

Sa wakas, nag-ipon siya ng sapat na lakas ng loob upang pumunta sa kusina — ang lugar kung saan nakita niya ang kanyang ama sa sahig. Akala niya na may masamang nangyari ulit, ngunit ang nakita lang niya ay ang isang papel malapit sa hurno. “Para kay Junjun,” ang nakasulat sa papel.

Binasa niya ito at unti-unting bumagsak ang luha niya. Ang mga salita sa sulat na ito ay galing sa kanyang ama. Lahat ito ay ang mga saloobin niya, ang paghingi ng tawad sa kanyang anak dahil sa mga masasakit na salita na sinabi niya dati, at ang deklarasyon na mahal siya.

Hindi niya mapigilan ang mga luha na nahuhulog, kaya umiyak nalang siya ng tahimik para hindi magising ang ama.

#15 Subalit nang lumingon siya sa pasukan ng kusina, nakita niya ang kanyang ina at ama.

“‘Yan ang gustong sabihin ng iyong tatay. Pasensya na kung magulo ang aking sulat-kamay,” sabi ng ina.

Ang kanyang ama ay tumingin sa kanya ng buong pagmamahal at kalungkutan. Ganoon din ang ginawa ni Junjun, at niyapos niya ang kanyang mga magulang ng mahigpit. Nais niyang sabihin na “mahal din kita” sa kanyang ama, ngunit hindi siya makapagsalita, kaya't ang ginagawa niya ay ipakita ito sa pamamagitan ng kilos.

Lahat ng kilos na ginawa niya, tulad ng kanyang pagsisikap sa pag-aaral, ay para sabihin, “mahal kita.” At ngayon, naiintindihan na ng ama ito.

Selva
#1.
ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2
"Mama.. ano po mangyayari kay kuya?" tanong ni Rie sa kanyang mga magulang. Nang tinignan siya ng kanyang Ina bumagsak ang kanyang mga tuhod at iniyakap si Rie.

#3
Walang kaalam alam ako sa nangyayari, pero ng nakita niya ang matinding kalungkutan na mukha ng kanyang Ina wala na siyang ibang ginawa kundi sabayan siyang umiyak

#4
Halos anim na taon pa lang ako ng naganap ang pangyayari na iyon. Kamakailan lamang ako ay patapos na sa huling taon ko sa highschool.
Subalit, mula ng araw na iyon habang tumatagal, pa wala ng pa wala ang kasiyahan ng aming pamilya.

#5
Si ate Reez nagtanim ng galit at wala pa siya hiya naipaikita ang pag-uugali niya sa pagmumukha sa aming ama. Minsan napapasobra na kinakailangan ko ng umawat.

#6
Isinisisi naman ng aking ama na alcoholic ang kanyang sarili dahil sa abusong ginawa niya kay kuya noon pa man, kahit na alam niyang makakapekto ito sa buhay aming pamilya. Kung dati ang ang ina ko ay malambing at malambot ang puso, ngayon para siyang isang robot na para bang walang damdamin.

#7
Si kuya Renzo, masaya naman siya ngayon kahit man nagkaroon siya ng sakit sa utak at baga. Ako naman ay naging spectator at taga pag alaga sa sakanya, kahit na ako pa yung bunso.

#8
Pagkatpos ng araw ko sa eskwelahan, sa tapat pa lang ng aming pintuan ng aming tahanan, naririnig ko na ang away nila ate at Tatay. Dumaan na lamang ako sa isang sekretong daanan na ginawa ko pa punta sa aking kwarto.

#9
Nakakabingi, nakakasawa, at nakakairita silang pakinggan. Pumunta na lang ako sa isang parte ng bahay kung saan hindi ko maririnig ang ingay at nakinig na lamang sa musika. Sinamahan ako ni kuya at nakisama sa pagkanta.

#10
"sighs... araw-araw ramdam ko ang pagod kahit onti lang naman ang ginawa ko",
"okey ka ram ba Riey?" tanong ni kuya Renzo.
"kuya pwede bang magkwento?", tumango si kuya
"Sa totoo lang, nakakapagod nang pakinggan mga away nila.. ikaw lang ang kaya kong asahan makinig sa mga problema ko."
Ang ekspresyon ni Riey ay hindi mabasa.

#11
"Aram mo Riey, pabayaan mo na rang sira,
Probrema namin ito, at aram kong aram mo yun.
Aram kong gusto mong tumurong nga rang probrema namin to na kami rang makakaayos. Just ret them soert der own probrems."
"HAHA okok" sabi ni Rie.
"Kuya, paano mo napatawad si Papa?" may sandaling katahimikan pagkatapos ng tanong.

#12
"Hindi ko taragang kayang patawarin ang ginawa niya saakin noon, pero nakita ko ang panghihinayang at ang taos puso niyang sama ng loob sa ginawa niya, at dahil doon naintindihan ko naman siya. Nga lang kahit man binago niya ang  pagiging abusado saatin, sinasaktan niya naman kanyang sariri", " Hindi ko rin maintindihan yung rojic kung bakit pero ganun."
"HAHAHAHA ano ba yan kuya" komento ni Rie

#13
"Basta pagbutihin mo muna ang pag-aarar mo para makatapos ka, wag mo probremahin ang probrema namin." "Probremahin mo muna kung paano mo papasayahin ang sariri mo raro't na nakapasok ka na sa dream schoor mo.."
".... opo kuya" sagot ni Rie

#14
Pagkatingin niya ka Rie, halatang pinipigil niya ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Hayss andali mong basahin Rie HAHAHA"
"Ano ba yan! wag mo ko tignan!" sigaw nya.

#15
Nung tumahimik na ang loob na bahay, bumalik na kami sa loob para kumain ng hapunan. Gumaan ang loob ko pagkatapos ng usap namin ni kuya. Palagi ganun ang siklo naming dalawa alam namin kung kailan nangangailangan kami ng tulong. Salamat sa kanya palagi niya kong binibigyan ng lakas, salamat kuya.

FINEZ
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2 At biglang nagising si Mark, nanginginig at naliligo ng pawis. Malakas ang tibok ng kaniyang puso, puno ng takot, at sinubukan niya bagalin ang kaniyang paghinga. Kumalma na si Mark at nagtaka, "Ano yung panaginip na iyon?"

#3 Lumabas si Mark galing sa kaniyang kwarto at tumungo agad sa kusina para kumain ng almusal. Binigyan siya ng pagkain ng kaniyang kapatid na si Ana ngunit hindi niya naririnig ang sinasabi niya dahil napapaisip pa rin si Mark tungkol sa panaginip niya kaninang umaga. Naalala niya na ang lalaki nasa stretcher ay sumusuot ng itim na tshirt at sa kaniyang tabi ay isang pulang sumbrero.  Pero hindi niya talaga maalala ang mukha niya.

#4 "Mark! Makinig ka naman," ang sinabi ni Ana pagkatapos niya pitikin ang noo ni Mark. "Sabi ni mama na sunduin mo daw si Joey." Napatigil si Mark. "Si Joey? Saan?"  "Doon sa Jollibee sa may Molino. Bilisan mo na, baka magalit pa si mama sa atin," pinaalala ni Ana habang binigyan siya ni itim na pang-alis.

#5 Nakaupo si Mark sa jeep at habang papunta ito sa kaniyang destinasyon, pinag-isipan niya ang kaniyang sitwasyon. May dahilan kung bakit siya nanaginip ng ganoon. Pinapaniwala niya na kailangan niya ligtasin ang lalaki sa kaniyang panaginip. At pinapaniwala niya na si Joey iyon.

#6  "Mark! Dito!" Tawag sa kaniya ni Joey. Tiningnan ni Mark ang suot ng kaniyang pinsan, mayroon nga siyang pulang sumbrero pero ang kulay ng kaniyang tshirt ay puti. Nagtaka si Mark dito.

#7 Nasa Jollibee ang dalawa at nakatambay sa pila. Kinausap ni Joey si Mark, "Huy, pwede ba SM tayo mamaya? Bibili lang ako ng damit." Bumilis ang tibok ng puso ni Mark. "Anong kulay plano bilhin mo?" itinanong niya. "Hm? Ewan baka asul o black-" "Huwag! Asul nalang!" sinigaw bigla ni Mark. Tiningnan siya ni Joey pero wala nalang siya sinabi.

#8 Nung natapos na sila kumain ng meryenda, tumungo na sila sa parking at naghintay para sa jeep.

#9 "Pahawak muna, ang init eh," sinabi ni Joey at inabot niya ang kaniyang sumbrero. "Tsh. Nagsumbrero ka pa." Naligayahan si Mark. Wala na kay Joey ang sumbrero at hindi siya nakasuot ng itim.

#10 Nakatalikod si Joey kay Mark. Kaya hindi niya nakita ang kotse na biglaan parating sa kanilang dalawa. Ngunit, ito ay nakita ni Mark. Nagtaka si Mark kung bakit ganito pa rin ang mangyayari kung naiwasan niya na ang maliliit na detalye na magpapalit sa istorya na ito. Ngunit wala na siyang oras para pag-isipan ito nang malalim.

#11 Gumalaw si Mark, at hinila si Joey sa tabi at nahulog sa direksyon kung saan matatamaan siya ng kotse. Nasagasaan siya.

#12 Dilim lang ang nakikita ni Mark. May naririnig siyang sirena ng ambulansya at iyak ng kaniyang pinsan. Nung kinaya niya na ibukas ang kaniyang mga mata, nakita niya si Joey, na may luha sa kaniyang mukha.

#13 Ngumiti ng mahina si Mark. Nakaligtas siya ng buhay ngayon. Hindi niya marinig ang sinasabi ng nars kay Joey pero pinaalis siya sa ambulansya at siya ay binaba galing sa kotse.

#14 Si Mark ay nasa stretcher, may kabit na oxygen at mabilis ipinasok sa ICU ng hospital. Hindi makagalaw si Joey sa takot at sa a sobrang lungkot dahil sa nangyari sa kaniyang pinsan. Sa kaniyang mga luha, kita niya na hawak pa rin ni Mark ang kaniyang sumbrero kanina.

#15 Sa tingin ni Mark na iniligtas niya si Joey sa tadhana niyang kamatayan sa pamamaraan ng pagpalit ng maliliit na detalye na nakita niya sa kaniyang panaginip. Ngunit hindi niya napansin na ang tadhana niya pala ay ililigtas niya ang kaniyang pinsan. Hindi napigilan ni Mark ang tadhana ni Joey pero ang kaniyang sariling tadhana ay natupad.

Nicolas, Alexa
#1. Isang lalaking nasa stretcher, may kabit na oxygen ang mabilis na ipinasok sa ICU ng hospital.

"Carla.." lang ang masasabi ko sa aking isipan.. "Carla.." .. lang ang aking hiling makita..

"Huh..? Sino siya?" Isang lalaking naka white na suotan, ay nagmamadali sa pag tawag sa telepono.
"Aah.. Doktor pala siya..

huh?.. parang may nakita silang multo ah.. Multo na ba ako..?"
Reaksyon niya dahil sa pagkasindak ng doktor nung nakita siya.

Ano ulit pangalan ko?... Carla?.. Hindi... Hindi ako si Carla.. siya yung minamahal ko.." Habang siya'y nag sasalita sa kanyang isipan lamang, pumapasok na ang mga nars sa ICU.
Pinikit niya ang kanyang mga mata, at onting onti na siya nawawalan ng malay.

"Magandang Hapon po, madam," boses ng doktor. "..ako po ay si Doc. Joseponyo, at ang kalagayan ng inyong anak.. ay.."

Putol ang kaniyang boses, dahil nawalan ng dinggin ang mga tenga ng lalaki..

#2

"Carla!" Sigaw ng isang lalaki, sa labas ng isang malaking bahay.

"Teka lang Samuel! Pababa na ako!" Reply ni Carla, habang siya'y nagsusuklay.
Nung nagkakitaan sila sa labas ng bahay ni Carla, sila'y nagsiyakapan.

"Ayoko kitang iwanan dito.. " Bulong ni Samuel habang nag yayakap. "Sumama ka na kasi sa US, Carla.. May oras pa-"
"Wala, nang oras Samuel." Agad ng nag reply si Carla sa kanya.

"Andami ko pa'ng kailangang tapusin para sa collegio, atsaka.. walang magbabantay kay papa dito.." Unting unti na siyang nag luluha habang pinunasan siya ng luha ni Samuel. Sila'y muli nag siyakapan, dahil ito na ang huli nilang pagkikita, dahil si Samuel ay mag tatrabaho sa Amerika.

"Mahal na mahal kita, Carla. Pag balik ko dito, papakasalan na kita. Tandaan mo yan." Bulong ni Samuel sa kanyang minamahal, at sila'y nagsihalikan.

#3

Pumasok si Samuel sa isang Taxi, alas dose ng umaga papuntang NAIA paliparan, dahil ang kanyang naischedule na flight ay ala cinco.
Habang siya'y nasa kotse nagiisip siya ng malalim, dahil ang pag ugoy ng kotse at ang katahimikan ng labas, ay nakakapaghinga sa kanyang isipan at kalungkutan.

"Ano ba, Samuel. Dapat nga sabik ako ngayon dahil nakahanap ako ng maayos na trabaho sa US, hindi na dapat ako nagiisip ng bagay bagay na maiiwan ko lang dito habang ako ay nasa States. Anim na taon lang naman, at saka pwede rin naman bumisita sa US si Carla. Andaming paraan!" Ngiti ni Samuel sa kanyang sarili, dahil nakahanap na siya ng ganang maging masaya habang dumederetsyo sila sa Paliparan.

#4

Si Samuel ay nasa loob na ng NAIA, at siya lamang ay kumakain ng isang sandwich na kanyang binili sa "Starbucks", habang siya'y nakaupo lamang.

=Notification= Tumunog ang kanyang selpon dahil may nakita siya'ng mensahe. "Huh?"

(Ang nakalagay sa mensahe)
"Samuel, ayos ah napakamalaya ako ngayon dahil si Carla ay andidito sa Pinas, at iiwanan mo pa siya. Hay salamat, makakasama ko na siya. Pag balik mo muli dito, makikita mo lang kaming dalawa nag mamahalan."

=Sent by= Sandro, Jeqarto

Nairita lamang ang mukha ni Samuel, pero hindi siya nagalit ng sobra, dahil alam niya naman na hindi mahal ni Carla si Sandro, at siya lamang ang laman ng kanyang puso.

#5

Sa wakas, naka upo na siya sa eroplano. Siya'y agad nag ayos ng kanyang mga bagahe at tumingin siya sa selpon niya, dahil nag text sa kanya si Carla.

=Text= Isa ako sa nakapasa ng board exam sa DLSU! Wohoo! Samuel! Pag balik mo dito, dapat treat mo ako sa mga malls at shopping tayo hehe. Love you at mag ingat ka sa flight!

Sender: Carla Placido

Ngumiti ng malaki si Samuel dahil sa kanyang natagpuan na masayang balita, at siya'y nag reply ng maiksing mensahe, dahil kailangan na niyang ilipat sa 'airplane mode' ang kanyang selpon dahil malapit na magsiliparan.

#6 Nasa alapaap na ang eroplano. Habang si Samuel ay nananaginip dahil napagod siya. Nag mensahe bigla ang Piloto ng eroplano at ang eroplano ay nag uuga ng malakas.

"Hala! Ano nangyayari??!"

"Upo lang po tayo!"

Nagsisigawan ang mga pasahero at biglang gumising si Samuel.

#7

Lahat ng pasahero ay natatakot, lalo na dahil ang eroplano ay hindi nang tumigil sa pag uuga ng malakas, at nawawalan sila ng oksiheno sa loob.

"Tamana.. Tamana.." Si Samuel ay nagluluha habang ang mga pasahero ay nag kakaguluhan dahil ang eroplano ay unting unti nang nawawalan ng koryente..

#8

=Black out= Walang nakikita sa kapaligiran. At walang naririnig sa tenga. Nakahiga lamang si Samuel sa isang maliit ng higaan. Asan ba siya?

#9

Naka sakay si Samuel is stretcher, at ang mga ners ay nagtutulak sa kanya papuntang ICU.

"Huh?.." ang sinabi ni Samuel sa kanyang isipan, habang siya'y tuloy mawalan ng ganang gumising.

#8 Ang doktor na nag opera kay Samuel, ay lumabas ng ICU para sabihin sa kanyang mga magulang ang kalagayan niya.
At ang kasama ng mga magulang ni Samuel ay si Carla, na tuloy ang pag iiyak, at pag buhos ng luha.

#9 "Ang kalagayan po ng inyong anak.. ay.. hindi na kaya.."

Gulat at iyak ang reaksyon nila, habang sila'y nag siyapusan.

"Bakit?! Mabait siya'ng tao! Ambata pa niya, magpapakasal pa naman kami!" Iyak at sigaw ni Carla sa doktor.

"Bakit, Sandro? Hindi mo ba'ng kinayang tulungan siya?" Lumapit si Carla kay Doc. Sandro habang sinabi ito.

#10

"Pasenya na Carla.. Ginawa ko na ang lahat. Pero, hindi na namin na kayang tulungan siya.." Bulong ni Sandro, habang siya'y yumuko.. at sabay yakap kay Carla, habang si Carla ay tuloyan lang sa pag durusa.

#11

=Flashback=

Habang si Samuel ay nakahiga sa kama, dahil naging succesful ang operasyon, lahat ng ners at doktor ay nagsiyasahan.

"Ayon! Nabuhay siya! Good job everyone" Sigaw ng isang doktor sa lahat ng kanynag mga kasama. At isa don ay si Sandro.

#12

Sa Room 173, ang kwarto na si Samuel ay nakahiga, ay pumasok ng dahan dahan si Sandro.

"Buhay ka pa?.. Teka.. Hindi ko tong pababayaan ha.. Kasi kapag buhay ka... edi buhay padin ang pagmamahal ni Carla para sayo. Kapag mahal ka niya.. hinding hindi niya ako mamahain.." Bulong ni Sandro, habang tinakluban niya ang mga ilong ni Samuel, para hindi siya makakahinga.

#13

Lumipas ang ilang oras, at nilapit ni Sandro ang kanyang tenga sa dibdib ni Samuel, upang marinig niya ang puso kung buhay pa siya o hinde.

#14

Ngumiti si Sandro ng malaki,

"Paalam, Samuel. Aalagaan ko si Carla". At doon, namatay si Samuel. Si Sandro ay lumabas sa kwarto, at diretsyo niyag tinawagan ang selpon ng nanay ni Samuel para sabihin sa kanila na nasa Ospital ang kanilang anak.

#15

7 years later.

"Samuel.. Alam ko wala ka na.. Pero.. hinding hindi kita makakalimutan. Alam ko kasama ka na ng Diyos sa langit, at araw araw ako mag darasal para kamustahin ka.

Ito na.. ang iniintay ko'ng araw ng aking buhay. Kasal ko na ngayon. Magiging masaya na ako. Magkakaroon na ako ng pamilya, lilipat kami ng bahay, at habang buhay ako magiging masaya dahil kasama ko ang aking minamahal habang sa pag tanda.

Pero.. hindi eh...

hindi yon mangyayari..

Dahil lahat ng aking gusto sa buhay, ay nawala, nung nawala ka sa aking mundo.

Paalam na talaga Samuel. Kahit kasama ko si Sandro habang ako ay namatay, nasa iyo ang aking puso kahit sa kamatayan ko.

Mahal na mahal kita.."

SALGADO
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2. "Joy, anong nangyari sa kapatid mo?" Tanong ni Aling Maring na kararating lamang.

" Ma, Hindi ko alam tinawagan nalang ako at ang sabi'y nabundol daw si Mark". Halos sabay ng humahagulgol ang mag-ina at wala pa ring kahit sinong nagbibigay ng sagot o balita sakanila.

FLASHBACK

#3. "GOODMORNING!", masayang bati ni Mark. Lunes noon kaya't maaga siyang gumising para pumasok.

"Oh goodmorning din anak, maupo ka muna't magalmusal".

#4. "Umagang-umaga napakaingay mo naman Mark", Sabi ni Joy ang nakakatandang kapatid .

"Ay sorry naman .Syempre bagong linggo dapat masaya lang di kagaya mo nakabusangot nanaman".

" Hay nako, Ma oh si Mark nangaasar nanaman" sumbong  ni Joy.

#5. Alas syete na ng umaga ng sila'y makaalis ng bahay. Sakay ng bisikleta tumungo na sila sa paaralan. Wala silang sariling kotse dahil masyado itong mahal at di din naman sila mayaman. Si Joy at Mark ay consistent honor students simula pa lamang noong elementary kaya nga't libre ang pagaaral nila ngayon.

#6. Tapos na ang kanilang klase kaya't dali daling lumabas ng silid si Mark.

"Uy Mark wala na tayong klase ah bat ba madaling madali ka?" tanong ng kaibigan niyang si Jun

"Wala na nga kaso.." nagaalangang sabi ni Mark, " Nagpapartime kasi ako sa isang kainan para makatulong na din sa gastusin".

"Alam ba to ng ate at nanay mo?" tanong ni Jun

"hindi pa sa ngayon kaso sasabihin ko din naman kaya kung pwede'y wag ka munang maingay sakanila ah" pangungumbinsi ni Mark.

"Sige sige basta lilibre mo ko ah" Pagbibiro naman ni jun. Matapos nito ay tumakbo na muli pababa ng hagdan si Mark at saka sumakay sa kanyang bisekleta papuntang trabaho

#7. Dalawang buwan na noong nagsimula siyang magtrabaho. Araw araw pagkatapos ng kanyang klase ay dumidiretso siya sa trabaho at pagkauwi ay nagiisip nalang ng palusot para hindi siya mahuli.

"Hala bat ngayon naman nasira tong sidewalk" inis na tanong niya sa kanyang sarili

Tuwing siya'y papasok, laging sidewak ang dinadaanan niya para iwas disgrasya pero ngayong sira ito ay kailangan niyang dumaan sa kalsada para makarating sa trabaho.

#8. Dahan dahan niyang tinatahak ang kalsada. liliko na siya at dahil wala naman siyang nakikitang kotseng paraan ay tuloy lang siya sa pag liko.

Habang nasa kalagitnaan na  ng daan ay biglang may narinig siyang humaharurot na sasakyan. Bago pa siya makagawa ng kung anong aksyon ay

BOOM!

Sumalpok na ang kotse sakanya. Siya at ang kanyang bisikleta ay tumilapon ng malayo. Maraming tao ang nagtipon sa paligid niya

"Hala! yung bata, tumawag kayo ng ambulasya"
"Yung kotse nakatakas na"
"Ay jusko kawawa naman 'tong batang 'to"

Unti unti nang nagdilim ang kanyang paningin hanggang sa siya'y nawalan ng malay

#9. Naglalakad na pauwi si joy ng biglang magring ang kanyang Cellphone. Nakita niyang tumatawag si Mark

"Si Joy Dela Cruz po ba it, kapatid ni Mark Dela Cruz?"  tanong ng isang hindi pamilyar na boses.

" Oo, sino po ba sila?"

" Isa po akong nurse sa St. Clare Hospital. Maari po ba kayong dumiretso doon, na hit and run ho ang kapatid niyo"

" HA! ANO! hala jusko sige sige didiretso na ko doon. Maraming salamat"

#10. Kumaripas siya ng takbo at naghanap ng masasakyang tricycle.

Pagkarating niya ng Ospital ay Agad siyang nagtanong sa desk

"Mark Dela Cruz, yung nabangga nasaan siya?" Tanong ni Joy habang siya'y umiiyak.

"Ma'am nasa ICU po kararating lang po niya dito"

Agad siyang tumakbo sa ICUat doon nakita niya angkatawan ng kanyang kapatid, sugatan at walang malay.

Di muna siya pinapasok sa silid at pinaupo habang hinihintay ang sasabihin ng doktor.

#11. Habang naghihintay si joy ay naalala niyang wala pang kaalam alam ang kanilang Ina sa nangyari. Hindi niya alam kung paano o ano ang sasabihin pero tinawagan niya pa din ito

"ma..." malungkot na sabi ni Joy

"O anak bakit parang malungkot ka?"

"ma... si mark po kasi...dinala dito sa St. Clare Hospital" tuluyan ng tumulo ang mga luha ni Joy

Nagsisimula ng magalala si Aling Maring

"Ano bang nangyari Joy? bakit ka ba umiiyak? pinapakaba mo naman ako eh"

"Nahit and run daw po siya ma, yun lang po ang sinabi sakin"

Nagulat si Aling Maring at muntikan pang matumba. Unti unti na ding tumulo ang kanyang mga Luha

"Ano! Kamusta siya? SIge sige pupunta na ko diyan teka lang"

Pinabantayan niya muna ang kanyang pwesto at saka naghanap agad ng masasakyan

#12. Nakarating na sa ospital si Aling Maring at agad dumiretso sa ICU. Hinanap niya si Joy at sinalubong ito ng madaming tanong

"Joy, anong nangyari sa kapatid mo?" Tanong ni Aling Maring na kararating lamang.

" Ma, Hindi ko alam tinawagan nalang ako at ang sabi'y nabundol daw si Mark".

Halos sabay ng humahagulgol ang mag-ina at wala pa ring kahit sinong nagbibigay ng sagot o balita sakanila.

#13. Nagaaalala na ang dalawa. Magiisang oras na pero wala paring nagsasabi sakanila ng kahit anong balita

Nilapitan sila ng nurse at sinabing sinasalinan na si Mark ng dugo dahil maraming nawala dito pero mukhang magiging mabuti na ang lagay niya.

Mapapalagay na sila ng makarinig ng...

BEEEEEP.....CLEAR!....BEEEEP

lumapit sila sa silid ni Mark para marinig ang mga nangyayari. Muntik ng mapaluhod si Aling Maring dahil sa sobrang pag-iyak

hindi pa rin tumitigil ang mga tunog kaya;t mas lalo na silang umiiyak at onti onti ng nanlulumo

"Time of death, 6:38pm"

#14 "Time of death, 6:38pm", ito na lamang ang narinig nila bago lumabas ang doktor at inihatid ang masamang balita.

"Sorry ma'am pero ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin. Masyado na pong madaming nawalang dugo sa anak niyo at di na rin kinaya ng katawan niya. Pasenya na po talaga" Yan lamang ang sinabi ng doktor.

Natulala nalang ang dalawang babae. Di nila alam kung anong gagawin o mararamdaman nila maliban sa panlulumo at pagkalungkot

Pinayagan na silang pumasok sa loob ng silid ni Mark ,at doon nakita nila ang nakaratay at wala ng buhay na katawan ni Mark

"Mark, bakit mo naman kami iniwan. Sabi mo tututlungan mo pa kami at makakagraduate ka pa" Sabi ni Joy

Wala ng ibang nasabi si Aling Maring dahil natabunan na ito ng lungkot.

#15. Sabado. Ilang araw na ang nakalipas ng namatay si Mark. Nakaayos na ang kanyang burol damit nalang ang kulang.

Umuwi ng bahay si Joy para kuhanan ng damit si Mark. naghalungkat siya sa tukador para sa damit ng may makapa siyang isang bote. Hinila niya ito at nakita ang sulat sa harap

"IPON PARA SA PAMILYA"

Ito ang ipon ni Mark mula sa mga part time niya. Meron ding sulat sa loob na binasa ni Joy.

" Siguro kung binabasa niyo ito ay nakita niyo na ang aking ipon. Nalaman niyo na din ang ginagawa ko sa tuwing late akong umuuwi. Sinubukan kong mag part time para sana makatulong sa ating pamilya. Sana wag kayong magalit at wag niyo po akong pagbawalang magtrabaho dahil pangarap. ko lang na makatulong lalo na sayo mama. Mas magpapaliwanang nalang po ako ng personal hehe"

Naiyak muli si Joy dahil nadama niya pa lalo ang pagmamahal ng kanyang kapatid para sakanila kahit wala na siya.

Noong araw na yun ay pinangako ni Joy na makakapgtapos siya ng pagaaral at makakapagtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang ina para matupad din ang hiling ng kanyang kapatid.

Natapos nang ilibing si Mark at ilang linggo ang nakalipas ay sumuko na din ang driver na nakasagasa kay mark. Naging masaya na din sila Joy at Aling Maring dahil nabigyan na ng hustisiya si Mark

Ngayon ay maayos na ang buhay nila Joy. Wala na sila sa hirap at natupad na din niya ang pinangako niya kay Mark.

Astorga
#1
ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2              12:30 A.M.
"Doc, doc tulungan ho niniyo ang anak ko," hinaing ng nanay ng pasyente na si Aling Jona.
"Ano ho ang nangyari sa pasyente?" Tugon ng doktor.
"Natagpuan na lamang ho raw siya ng kanyang mga barkada na ganiyan," tarantang sagot ng hingal na hingal na Aling Jona

#3
Bakit nga ba nakaratay ngayon sa isang ospital si ang anak ni Aling Jona.

6:00 P.M.
"Nay ako ho ay may lakad ngayong gabi," paalam ng anak.
"Ano naman ang iyong pasya ngayon anak? Kahapon ganoon rin at gabing-gabi ay wala ka pa sa bahay," nag-aalalang tanong ni Aling Jona
"Nay, kami lamang ng barkada ay may pupuntahang handaan."
"Kahapon rin ba ay handaan rin ang iyong tungo?" muling tanong ni Aling Jona't tila di na naniniwala sa kanyang anak na pasaway. "Nay naman eh, huli naa, at babalik naman agad." pangungumbinsi ng anak.
"Oh siya. Jonas anak, mag-ingat ka ha!" Mga salita ng alala na di lubos malunok ni Aling Jona't baka huling mga salita ng maibibitiwan sa kanyang anak.

#4         7:30 P.M.
"Oy dong buti naman at nakadayo ta ngayon." bati ng kaibigan sa anak ng dumating ito sa handaan.
"Natagalan lamang ng pangungumbinsi kay ina'y, pero hayun at pumayag naman."

Sa dilim ng gabi ay pinagdiriwang ng magbabarkada ang kaarawan ng isa nilang kaibigan, ngayon ay 18 years old na. "Pwede na uminom!" Hiyaw ng isang barkada sa buong tropa na sinundan ng palakpakan ng iba, maliban nalang sa totong anak na pinakabata sa tropa't 16 pa lamang.

"Sandali laang pare, hindi pa ako pwede niyan eh," tugon ni toto.
"Ano ba't tumikim ka laang dong, bertday naman at marami kami ritong kasama mo." pangungumbinsi ng kaibigan nito.
"Pero pare-" bago matapos ang pangungusap ay bigla na lamang nalasahan ni toto ang unang patak ng alak sa kanyang mga labing pwersahang isinalaksak ng tropa sa kanyang bibig.

#5              9:30 P.M.
Matapos ang isang lugok ay dalawa, at tatlo, na kalaunay humantong sa isang bote ng alak na simot hanggang huling patak ang napasok sa sistema ni toto, ng sing bilis ng pagdaan ng mga ilaw sa kanyang paningin, ngunit babago ito tuluyang matumba ay nahimasmasan ito sa tinig ng kanyang ina sa isip, hawak-hawak ang imahenaryong latigo sa kanyang mga kamay. "Uwi!" sigaw ng ina.

"Pare, mauuna na ako't naririnig ko na ang ina." pautal-utal na salita ni toto sa kanyang mga kaibigan.
"Si Aling Jona? Asan?" lasing na tanong ng kaibigan.

"shhh dito oh!" sagot ni toto habang pinapatahimik ang tropa't sabay turo sa ulo, na sinundan ng mga tawang unti unting naglaho.

#6          11:00 P.M
BANG!

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa buong distrito na ikina-taranta ng mga tahanan.
"Ano iyon?" "Saan galing?" "Nako, mabuti pa't manatili na laang sa loob ng tahanan"

1:30 A.M.

TOOOT!

Tunog ng unang flatline mula sa makina na nakakabit sa nag-aagaw buhay na anak.
"Doc, ano ho nangyayari? Doc? Doc!" sigaw ni Aling Jona habang hinihila siya papalayo sa kama ng nag-aagaw buhay na anak.

"Jonas!"

#7         10:00 P.M
"Jonas, sandali laang!" sigaw ng pamilyar na boses na agarang nilingon ng anak na matumba-tumbang naglalakad pauwi.
"Oh sinok Gigi, ano ang iyong ginagawa rito sa labas, at madilim na" sagot ni Jonas sa boses na kinikilalang Gigi, ang magandang dalagang anak ng kapit-bahay nila.
"Papauwi na rin ako Jo, napadaan laang at may inabot kay Aling Cecil sa kabilang kalsada."
"Ganoon ba? halina't sabayan na kita maglakad papauwi." Aya ng tila nahimasmasang Jonas, sa pagkakataong makasama si Gigi. Matagal na kasi niya itong hinahangaan, sino nga naman ang hindi? Sa bilog na mga mata nitong kumikinang parang mga tala, mahaba't mabangong buhok na may halimuyak ng mga rosas, at sa kabaitan ng kaloobang, ikahihiya ng kahit pinaka maputing hiyas. Si Gigi na nga siguro ang tunay na Diyosa sa lupa.

"Saan ka ba nagmula ha? Amoy alak ang iyong mga damit. Pinayagan ka ba ng iyong ina?" Sunod-sunod na tanong ng magandang dilag.
"Kakaunti lamang ang aking nainom Gi, at di naman sa buuhang nais, napainom lang ng tropa." sagot ni Jonas.
"Talaga lamang ha? Ba't kung maglakad ka'y parang iisa lamang ang paa mo?" Pang-aasar ni Gigi.
"Hindi ha, tignan at kaya ko pang sumayaw." pabirong sagot ni Jonas habang gumigiling sa gitna ng kalsada, sabay higit kay Gigi na sinabayan siya sa isang sayawang walang say-say, tila ba walang ibang tao sa mundo, si lamang, at ang paligid ay nandilim sa sandaling sila lamang ang iniilawan ng buwan.

BEEP!

#8      2:00 A.M.
Nandilim lahat para kay Aling Jona, lahat ng kilos ay bumagal, at ang bawat salita ng mga doktor ay nawalan ng diwa.

"Misis, Misis, Misis!" Sigaw ng doktor, hawak ang papel at panulat, humihingi ng pirma para maoperahan ang kanyang anak.
Sa gulo ng paligid ay kinaya niya itong pirmahan bago tuluyang manghina at lumagapak sasahig.

BEEP!

#9      10:30 P.M
"Umalis sa daan, mga kabataan nga naman!" Sigaw ng drayber ng isang kotseng kamuntikan bumangga kay Jonas at Gigi, bago nagpatuloy ng maneho.

Pagdilat ng dalawa'y biglang talon papalayo sa isa't-isa ng mapansing mahigpit silang magkayap, tila ba'y handang protektahan ang isa't-isa sa pagkakasagasa.

"Pasensya na Gigi, ayos ka lamang ba?" Tanong ni Jonas sa dalaga.
"Oo, salamat ha." tugon ni Gigi sa binata bago patuloy na naglakbay patungo sa kanya-kanyang tahanan.

"Naririto na tayo Gi, mauuna na ako ha!" Bilin ni Jonas bago magpaalam
"Sige, salamat muli ha, magiingat!" Paalam ng dalaga bago tumakbo papasok sa bahay ng nagtititili parang kinikiliti ng paulit-ulit.

"Hay..." bitaw na hininga ni Jonas bago tumungo sa sariling tahanan.
"Jo! JO!" Sigaw ng isa pang pamilyar na boses mula sa kalayuan. "Jo, takbo!" Babala ng boses. "Takbo!"

#10      2:30 A.M.
"Aling Jona..." isang mahinhin na boses ang gumising sa matandang ngayon ay nakahiga na rin sa isang kama ng ospital, matapos mahimatay.
"Jonas, Jonas!" Agad na tugon ng ina.
"Si Gigi ho ito Aling Jona, kasalukuyan pong inooperahan parin si Jonas." sagot ni Gigi.
"Iha, ano ba ang nangyari? Babakit naganoon si Jonas?" Tanong ni Aling Jona.
"Hi-hindi ko din ho alam Aling Jona, kanina lamang ho ay hinatid pa po ako ni Jo papauwi sa amin. Biglaan ko nalamang ho narinig na naririto siya, kaya't agad ho akong tumungo rito."

Dulot ng emosyon ay wala ng naisagot ang tulalang ina, sa halip ay niyakap na lamang nito ng mahigpit ang dalagang nasa kanyang harapan, matapos ay tuloy-tuloy na dumaloy ang luha sa mga mata.

#11         12:00 A.M.
Uwian ng mga lasing, habang naglalakad ang isa sa magbabarkada ay napansin na lamang nito ang tagygayan ng dugo na tila ba'y may hinila ritong bangkay.

"Huy pare, sandali laang." Bilin ng lasing bago sundan ang dugo, papunta sa isang naghihingalong kaibigan na humihingi ng tulong.

"JO!"

#12      3:00 A.M
"Nanay? Kayo ho ang nanay ni Jonas Rosario hindi ba?" tanong ng doktor sa matandang nagsisimula pa lamang tumahan.
"Oho! oho! Ako nga ho! Kamusta na po siya doc?" Pangiti pang pagtatanong ng inang malakas ang paniniwalang mabubuhay ang anak.

Ngunit, lahat ng kislap sa kanyang mga mata ay nawala ng binaba ng doktor ang kanyang ulo at sabay iling sa sahig.

BANG!

#13     11:00 P.M.
"Jonas anak, ganito magluto ng kanin ha, hugasan ng maige ang bigas bago isalang sa lutuan..."

"Jonas anak, bilisan ang pananamit at ika'y male-late nanaman sa eskwela..."

"Jonas anak, hindi ganiyan maglaba, dapat kusutin ang kuwelyo muna, tapos mga manggas, taska lamang..."

"Jonas anak, matutunang mag-ipon at hindi ganoon kadali kumita ng pera..."

"Oh siya. Jonas anak, mag-ingat ka ha!"

#14
Totoo pala noh? Sa kamatayan, lahat ng ala-alang mahalaga sa atin ay mabilisan nating nakikinita na tila ba'y binibiyan tayo ng pasilip sa album ng naging buhay natin. Madilim oo, pero mas maliwanag ang pagmamahal na bumabalot sa iyo habang ginagabayan ka ng mga taong matagal mo nang di nakikita, at sinasaluduhan ka ng mga kaluluwang iyong natulungan.

Hanggang ganoon na lamang siguro ang kuwento ng isang tulad ni Jonas, mabait, matulungin, mapagmahal,

napagdiskitahan.

#15     11:45 P.M
"Ayos na iyan, sabitan mo nalang ng karatula,"

"Eh hindi naman siya ang pakay natin."

"Wala naman makakaalam."

Babasahin sa karatulang nakasabit sa katawan ni Jonas Rosario:
"Adik, wag tularan."

Abesamis
#1. Isang lalaking nasa stretcher, may kabit na oxygen ang mabilis na ipinasok sa ICU ng hospital.

#2. Mabilis na itinakbo ni Doc Kuma ang katawan ng lalaki sa isang bakanteng kwarto sa ICU. Duguan ang katawan ng lalaki.

#3. Tiningnan nang mabuti ni Doc Kuma ang pasyenteng nakaratay sa kama. Biglang namulat ang kaniyang mga mata dahil nakilala niya ang pasyente.

"Juan! Juan! Naririnig mo ba ako??!" Tawag ni Doc Kuma sa kaniyang matalik na kaibigan habang niyuyugyog niya ang mga balikat nito.

#4. "Kuya Kuma.... S-si kuya.. naaksidente--" Mangiyak-ngiyak na sinumbong ng kapatid ni Juan kay Kuma. Sila Kuma at Juan ay matagal nang magkakaibigan.

#5. Dali-daling tumawag ng assistant na nars si Doc Kuma at nagsimulang maghanda ng kaniyang mga kagamitan para sa operasyon.

#6. Nang dumating ang mga assistant nars, may biglang pumasok sa kwarto; isang lalaking naka-suit and tie.

"Dok Juan. Bawal ang pasyenteng 'yan dito, para sa mga premium members lang ang kwartong ito. May gagamit po sa kwartong ito mamaya." Mariin niyang sinabi sa kaniya.
"Ha? Okay lang 'yan, Kiko. Wala namang premium members ang naka-occupy rito sa ngayon." Mabilis na sabi ni Dok Juan sabay suot sa guantes niya.

#7. "Hindi pa rin ho pwede rito, alam niyo po yan. Kailangan pong ilabas sa waiting area ang pasyente niyo, ngayon na." Sabi ni Kiko.
"Kiko, mamamatay na ang pasyente ko, kaya pwede ba? Mamaya ko an poproblemahin yan!" Pagalit na sabi ni Dok Kuma.
"Pasensya na Dok, napag-utusan lang din ako..." Malungkot na sinabi ni Kiko kay Dok Kuma.

#8. Napakamot sa batok si Dok Kuma at sabay na tumingin sa kay Juan, at pabalik kay Kiko. Iniisip niya kung ano nga ba ang susundin niya; susunod ba siya sa batas ng ospital o lalabagin niya ito para sa kaniyang kaibigan?

#9. Lumabas ng ICU si Doc Kuma na tulak tulak si Juan na nakahiga pa rin sa kama. Hindi na duguan ang katawan ni Juan dahil nilinis na ito nang mabilisan ni Kuma sa ICU. Ngunit nandoon pa rin ang bala sa tiyan ni Juan, kaya nagising siya sa tindi ng sakit.

"K-kuma..?" Pabulong na tinawag ni Juan si Kuma na agad namang pumunta sa kaniyang tabi.
"Juan, ano na ang pakiramdam mo? Sandali na lang at ma-ooperahan na kita ha saglit na lang--"

#10. "KUYA JUAN!!!" Sigaw ng kapatid ni Juan habang tumatakbo palapit kay Juan. Humahagulgol nang iyak ang kapatid ni Juan at mukhang pagod na pagod.
"Ri...na..." Mahinang sinabi ni Juan sa kanyang kapatid na babae.
"K-kuya ayos ka lang ba? Bakit nandito ka pa rin?? Diba dapat inooperahan ka na ngayon ni Kuya Kuma???" Natatarantang tinanong ni Rina ang kanyang kapatid. Napapikit na lamang sa sakit si Juan at tumango nang isang beses.

#11. "Kuya Kuma anong nangyari?? Hindi ba't ooperahan na dapat si kuya ngayon? Bakit narito siya ngayong sa waiting area???"
"Rina, kumalma ka't kakausapin ko na muna ang mga doktor na nasa membership ICU rooms ha? Banatayan mo mun--"
"KUYA KUMA BAKIT KAILANGAN MO PA SILANG KAUSAPIN PARA LANG MAPAPASOK SI KUYA SA KWARTO NG ICU??? MAMAMATAY NA KAPATID KO TAPOS NAKATUNGANGA LANG TAYO RITO AT NAGHIHINTAY SA  WALA!!! HINDI BA NILA PINAPAPASOK SI KUYA DAHIL WALA KAMING PERA?! BAKIT NAMAN GANO'N KUYA???!" Hiyaw ni Rina kay Kuma. Tahimik lamang si Kuma habang nakatingin kay Juan na halatang halata na nahihirapan na sa kaniyang kondisyon.

#12. Biglang napasinghap para sa hangin si Juan, kaya napatigil si Rina sa kakasigaw niya.
"K-kuya???? KUYA!!! KUYA KUMA PARANG AWA MO NA OPERAHAN MO NA SI KUYA!"
Bumilis ang ang paghinga ni Juan at nagdugo muli ang kaniyang sugat. Nagsimula nang maghingalo si Juan.

#13. Napagdesisyunan ni Kuma na kailangan niyang unahin ang kaniyang kaibigan. Wala na siyang pakielam kung babawasan ang kaniyang suweldo o kukunin ang lisensya niya bilang isang doktor. Isa siyang doktor, at ang buhay ng mga tao ang dapat niyang inaalala, hindi ang batas ng ospital.

#14. Mabilis na kumilos si Kuma at tinulak ang kama ni Juan papunta sa ICU room na pinanggalingan nila kanina. Sumunod sa kanila si Rina, ngunit napigilan siyang pumasok sa loob ng ICU. Napapasigaw na si Juan sa tindi ng sakit na nanggagaling sa kaniyang sugat, at lumalawa na sa kama ang dugo na nanggagaling dito.
"Kapit lang, Juan. Malapit na tayo 'wag mo 'kong susukuan!!!" Utos ni Kuma sa kaniyang kaibigan.
"Kuma, parang 'di ko na kaya..." Matamlay na sinabi ni Juan kay Kuma. Napapapikit na lamang si Juan sa sakit.
"JUAN!! Huwag kang pipikit!! Hindi ka pwedeng matulog hindi pwede!!!!" Sigaw ni Kuma kay Juan habang sinusuot niya ang kaniyang guantes para sa operasyon. Kinabitan niya si Juan ng cord na nakakonekta sa isang vital signs monitor.
"Dok Kuma? 'Diba't sinabi ko na hindi kayo pwede rito--"
"KIKO WALA AKONG ORAS PARA MAKIPAG-CHIKAHAN SA'YO KAILANGAN KONG ILIGTAS ANG PASYENTE KO!! KAYA LUMABAS KA NA!" Sigaw ni Kuma kay Kiko. Hindi na umimik sa Kiko at lumabas na lamang ng kwarto.
Hinablot ni Kuma ang injection na naglalaman ng anaesthesia at tinurok ito malapit sa sugat ni Juan. Kumuha si Kuma ng scalpel at forceps.
"Ito na Juan, tatanggalin ko na 'yong bala sa tiyan mo ha wala ka na dapat mararamdaman pero sabihin mo kung masakit--"
Hinintay ni Kuma si Juan na magsalita o tumango man lang. Napatingin si Kuma sa mukha ni Juan at nakita niyang nakapikit na ito. Narinig niya ang malakas na BEEEEEP na nanggaling sa monitor. Flatline.

#15. Nasa labas ng kwarto ni Juan ang kaniyang kapatid, naghihintay para lumabas si Kuma at sabihin sa kaniya ang linyang "Stable condition na si Juan, kailangan niya na lang magpahinga. Pwede ka nang pumasok, Rina." Taimtim siyang nagdadasal na 'yon talaga ang sasabihin ni Kuma.

Nang makalabas si Kuma sa ICU room, blanko ang ekspresyon niya. Dahan dahan siyang lumapit kay Rina nang nakayuko.
"KUYA KUMA!!! Kumusta na si Kuya?!! Ayos lang ba siya?? Pwede ko ba siyang dalawin sa loob--"
Nang sinubukang pasukin ni Rina ang kwarto, pinigilan siya ni Kuma. Madaling sinarado ni Kuma ang pinto, ngunit nasulyapan niya ang katawan ng kaniyang kapatid, na nakatakip na ng puting kumot.

Tiningnan niya si Kuma, ngunit hindi niya matingnan sa mata si Rina.

Hindi niya na tinanong pa si Kuma, dahil alam niya na ang sagot.

Wala na ang kaniyang kapatid.

Napaupo na lamang sa sahig si Rina, at umiyak siya muli. Tiningnan lamang siya ni Kuma, dahil alam niya sa sarili niya na siya ang may kasalanan sa pagkamatay ng kaniyang kaibigan. Kung naagahan niya lamang ang pag-opera niya, buhay pa sana si Juan ngayon.

"Pinatay mo si Kuya..." Bulong ni Rina.

Fernandez
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER, MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL.

#2. Pumasok sila sa isang silid, nagmamadaling maghanda habang ang lalaki ay nakahiga pa rin sa stretcher. Ang bawat pagkilos na ginagawa ng mga doktor ay tumpak at maingat, nag-aalala na ang isang simpleng pagkakamali ay maaaring humantong sa pagkamatay ng isang inosenteng biktima.

#3. Habang ang isang operasyon ay kasalukuyang nangyayari sa ICU, sa labas ng silid ay isang umiiyak na babae na nakaupo sa isang plastik na upuan ng pasilyo. Sa loob ng maraming oras, nababahala siya sa pag-upo at hinihintay ang mga doktor na magsabi sa kanya ng isang magandang balita.

#4. Pagkatapos ng parang isang kawalang-hanggan, isang doktor ang sa wakas ay lumabas sa kwarto. Sa sobrang kaba at pag-aalala, mabilis na tumayo ang babae upang salubungin siya.

#5. "Doktora, doktora,” nanginginig na sabi ng babae. "Doktora, please sabihin mo sa akin na ayos lang siya. Please.”

Hindi mapigilan ng babae ang pag-agos ng kanyang emosyon at biglang lumuha ulit. Bilang pagtratrabaho sa ospital ng maraming taon, kaagad na tumugon ang doktor ng may kalmadong pamamaraan at inaliw ang babae.

#6. Nang tuluyang kumalma ang babae, binigyan siya ng doktor ng isang nakasisigurong ngiti. Bagaman hindi niya ito ipinakita, napansin ng kaawa-awang babae kung gaano kapagod ang doktor habang itinatago ito sa likod ng kanyang mainit na ngiti.

“Mrs. Robledo, ‘di ba?” Tanong ng doktor. Tumango siya bilang sagot. Nagpatuloy ang doktor, "tulad ng nakikita mo, Miss Robledo, nakalungkot ang nangyari sa iyong anak."

#7. Sa sandaling iyon, halos tumigil ang paghinga ng babae habang dahan-dahang ipinaliwanag ng doktor ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang anak. Inaasahan niya ang isang masamang balita at handa nang magsimulang umiyak muli hanggang sa -

“Ngunit mabuti na lang at ang iyong anak ay isang malakas na tao. Nadaig niya ang lahat ng mga hadlang at ngayon ay payapang natutulog sa loob. Maaari mo na po siyang samahan.” Tumugon ang doktor at, muli, nagbigay ng ngiti sa kanya. Ang gulat na babae ay nagpasalamat sa kanya at nagpatuloy na pumasok sa silid.

#8. Bagaman nakapalibot sa kama ang mga doktor at nars, maaari pa rin niyang mabuo ang nanlalambot na katawan ng kanyang anak at siya’y nakaramdam ng alon ng kalungkutan. Ang kanyang dating kaaya-ayang anak ay ngayon ay hindi marupok at hindi niya alam. Nakita siya ng isang nars na pumasok sa silid at marahang sinabi sa iba na umalis na. Isa-isang silang umalis sa silid, bawat isa’y nagbibigay sa kanya ng isang nakasisiglang ngiti at pinagsabihan ang kanyang anak ng mga papuri sa kung gaano siya ka-determinadong mabuhay. Nawala sa mga salita, ang babae’y maaari lamang tumango sa bawat salitang sinabi nila. Pagkatapos ay naiwan siyang mag-isa kasama ang anak.

#9. Ang silid ng ospital ay nagdudulot ng pamilyaridad para sa babae. Tulad ng isang positibong puting puwang na puno ng suporta at hamon. Bagaman ang silid ay naramdaman na ligtas para sa kanya, sa gitna ay ang kanyang kawawang anak na naghihirap nang mas malala kaysa sa kanyang buong buhay.

#10. Nakaupo siya sa isang upuan sa tabi ng kama at matamang tinitigan ang kanyang anak. Naramdaman ng babae ang mainit na luha na nabubuo sa kanyang mga mata at hindi mapigilang maramdaman ang lumbay. Ibang klaseng katahimikan ang napupuno sa silid. Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang kamay at nagdasal, "Panginoon, tulungan mo ang aking anak."

#11. Matagal na hinawakan ng ina ang kamay ng anak, takot na bitawan ito. Nakaupo mag-isa sa upuan, iba't ibang mga saloobin ang lumitaw sa kanyang isipan.

"Naging mabuting ina ba ako sa kanya?"

"Kasalan ko to."

"Dapat kasi’y naroon ako para sa kanya nang kailangan niya ako."

“Pasensya na, anak."

#12. Ang malumbay na ina ay nadama ng hamon. Natigil siya sa pag-iyak at hinalikan ng marahan ang kamay nito. Naalala niya ang mga alaala ng una niyang paghawak sa kanyang anak matapos siyang manganak. Kung gaano kalambot ang kanyang maliliit na kamay, ang tamis na nagniningning sa kanyang natutulog na mukha, maliliit na mga daliri ng paa na nakalawit mula sa kumot. Ngumiti ang ina nang maisip ito.

"Mahal ko," naalala niyang bulong sa kanya.

#13. Ilang oras siyang naghintay. Naghihintay para sa kanyang anak na buksan ang kanyang mga mata, naghihintay na magising siya at makita ang pagprotekta sa kanya, naghihintay na sa wakas ay humingi ng tawad sa anak at hindi siya naroroon para sa kanya. Naghintay at naghintay ang ina hanggang sa ang madaling araw ay dumating. Ilang mga nars ang sumusuri sa kanilang dalawa, sinasabi ang ina na malapit na rin magigising ang anak.

“Gigising din siya, Mrs. Robledo. Tinitiyak ko sa iyo iyan,” sabi ng isa sa mga nars. Siya ay marilag sa kanya, binibigyan siya ng maiinit na kape at pagkain upang tulungan aliwin ang kanyang pagkabalisa. Paulit-ulit na pinasalamatan niya ang nars, sapagkat nagawa ng kanilang makakaya para mailigtas ang kanyang anak.

#14. Isang oras, dalawa, tatlo. Napakatagal nang naghintay ang ina, ngunit nanatili siyang matapang para sa kanyang anak. Nais niyang nandito siya ‘pag gising niya, para sa isang beses ay hindi niya nais na iwan siyang mag-isa.

"Kailangan naririto ako para sa kanya," patuloy na pagbulong ng babae. "Kailangan kong maging malakas para sa kanya."

Sa sandaling iyon, naramdaman niya ang pagod. Alas-nuwebe na ng umaga. Ilang oras na ba siyang gising? Tiningnan niya ang isang mapayapang mukha ng kanyang anak. Gusto niyang naroon kapag nagising siya, ngunit hindi siya pinapayagan ng kanyang pagkaantok na magpatuloy.

“Tutulog muna ako, saglit lang,” bulong niya at siya’y nakatulog kaagad.

#15. “Ma? Ma?”

Maingat na binuksan ng ina ang kanyang mga mata dahil sa tunog ng isang bulong at isang taong ginigising siya. Dahan dahan niyang itinaas ang ulo. Doon, sa kama, nakahiga ang kanyang anak na ganap na gising at nakangiti. Gulat na gulat, mabilis na tumayo ang ina at niyakap ng marahan ang kanyang anak. Naramdaman niya ang pagtulo ng luha sa pisngi.

"Anak ko, anak ko," patuloy niyang sinabi. Hindi siya binitawan, hinalikan niya ang noo ng may talik. “Patawad, anak. Kasalanan ko itong lahat.”

Matagal na nagyakapan ang dalawa, hindi nagsasalita. Kahit na natupok ng katahimikan ang buong silid, ito ay isang kakaibang uri ng lamikmik. Sa munting sandali, nagbahagi ang dalawa ng isang pagkakaisa na hindi katulad ng dati. Isang koneksyon na kailanman ay kanilang nadama. Gaano nga ba katindi ang pagmamahal ng isang ina para sa kanyang anak?

Cariaga
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2.Nanginginig ang buong kalooban ni Gani habang paunti-unti siyang nadudurog sa tanaw ng pinakamahalagang tao sa buhay niya na nahihirapan. Tinitigan niya ng mabuti si Vicente at napansin kung gaano na siya nagbago. Buto’t balat na siya at hindi na rin siya nakakapaglakad ng maayos. Ang dating buhok na palaging pinaglalaruan niya’y nalalagas na. “Ang hirap niyang titigan.” Binulong ni Gani sa kanyang sarili. Kinunot niya ang noo niya, hinawakan ang dibdib habang pinipilit niyang kumalma. Ramdam niya ang pagbagsak ng mundo sa mga balikat niya.

#3. Ngunit, habang ang kulay sa paligid niya ay kumukupas, tumingin ulit siya kay Vicente at sa saglit na iyon, nagtagpo ang kanilang mga mata. Nakita niya ang mga mata nito na punong puno pa rin ng buhay. Nakita niya ang mga mata ni Vicente na sinasabing “Nandito pa ako”. Hindi napigilang ngumiti ni Gani dahil kahit papano alam niyang narito pa siya.

#4. Tumabi si Gani kay Vicente at nilapit ang kanyang ulo sa dibdib niya. Matagal siyang tumitig sa mga dingding at mga bintana ng kwarto hanggang sa mablangko ang kanyang utak, at maubusan siya ng iniisip. Hinawakan niya ang kamay ni Vicente, niyapos, at hinalikan ito. Sa sandaling iyon, naramdaman niyang gumaan ang kanyang dibdib. Alam niyang hindi na niya gustong umalis pa sa pwestong iyon. “Palagi kong pasasalamatan ang mundong ito dahil nakilala kita.” sinabi niya ng pabulong kay Vicente. Ngunit sa isang saglit nagbago, agad ang ekspresyon sa mukha ni Gani. “Pero hindi ko mapapatawad na babawiin ka nito sa akin”. Kinagat niya ang kanyang labi para hindi masabi ang mga salitang iyon sa harap ni Vicente.

#5. Gamit ang mga natitirang lakas ni Vicente, binuksan niya ang kanyang mga mata at nginitian si Gani. Umupo siya at hinatak papunta sa kanya ang binata. Hindi na ganun kahigpit ang yakap na kayang ibigay ni Vicente kay Gani, ngunit alam niyang buong lakas niya ang ibinuhos niya sa para lang sa yakap na iyon. Hindi naman iyon naging mahalaga kay Gani. Ang yakap na iyon ay mananatiling paborito ni Gani, dahil nanggaling ito kay Vicente.

#6. Hinayaan na lamang ni Gani na magkumpol-kumpol ang luha sa kanyang mga mata at malaglag ito pababa sa kanyang mga pisngi dahil ayaw niyang mawala sa paningin niya si Vicente.

“Sa tingin mo ba magkikita tayo muli? Sa susunod na habang buhay?”

“Hahanapin kita. Kahit sa anong mundo ka man mapadpad, hahanapin kita.”

#7. Hinila ni Vicente si Gani para sabihin na mahiga na sila muli. At sila’y humiga doon ng matagal. Okay lang sila, okay pa sila. Pinakinggan ni Gani ang tunog ng heart rate monitor ni Vicente na naka-konekta sa dibdib niya. Ngunit sa bawat paglipas ng oras nakaramdam ng takot si Gani dahil masyado nang mapayapa pero pagod lamang ang napala niya sa takot na iyon.

“Mahal kita.” binulong ni Gani, at tuluyan na siyang natulog sa tabi ni Vicente.

#8. Nagising si Gani sa sinag ng araw. Ayaw man niyang nagigising nalang ng biglaan, nawawala naman lahat ng inis niya kapag nakikita niya si Vicente dahil sa tuwing nakikita niya siya, naalala niyang minsa’y naging mabait sa kanya ang mundo na ibinigay sa kanya si Vicente.

Vicente?

#9. Hindi na tumutunog ang heart rate monitor niya. “Bingi na ba ko? O hindi lang ba ‘to nakakabit ng maayos?” Wala nang marinig si Gani. Nawala na ata ang tunog nito sa kalagitnaan ng gabi.

#10. Nanigas ang buong katawan ni Gani habang pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya. Hindi pa rin nagpo-proseso ng maayos ang katunayan na nakalahad na sa harap niya. Mabagal na hinawakan ni Gani ang mukha ni Vicente. Nang maramdamang ng nanginginig niyang mga daliri ang lamig sa mukha ni Vicente, nanlaki ang mga mata niya.

#11. Tinitigan niya si Vicente at dahan-dahan niyang naintindihan. Naintindihan na niyang hindi na niya makikita ang mga mata niya muli. Hindi na niya makikita ang ngiti niya. Hindi na niya marininig ang tawa niya. Hindi na niya makikita si Vicente. Wala na siya.

#12. Pakiramdam niya na siya ay nasa isang walang katapusan na bangungot at hinihila siya pababa ng mundo. Alam naman niyang magiging mahirap at magiging masakit pero walang oras at halaga ng preparasyon ang nakapaghanda sa agad-agarang sakit at pighati na dinanas niya simula nung hindi na niya marinig ang heart rate monitor, hanggang sa paunti-unting nag proseso sa utak niya. Wala na siya.

#13. Humagulgol si Gani habang niyayakap si Vicente, inalog ang katawan nito, at tinitigan.   Parang halimaw na nasaktan ang mga tunog na nilabas ni Gani sa kwartong iyon. Bawat hikbi niya ay parang katumbas ng pagsunog sa kaluluwa niya sa impyerno. Iniisip lamang ni Gani ang kagustuhan niyang maging parte muli sa mundong nariyan pa si Vicente.

#14. Maging parte sa mundong mapaglalaruan pa niya ang buhok ni Vicente. Maging parte sa mundong unang naririnig niya sa umaga ay ang boses ni Vicente. Maging parte sa mundong basta basta siyang inaaya maglakad sa baybayin ng isang magandang dalampasigan ni Vicente. Sa mundong nayayakap pa rin siya ni Vicente. Sa mundong nakikita niya ang mga mata nito na sinasabing Nandito pa ako. “Nasaan ka na Vicente? Hindi na kita makita. Bumalik ka na sa akin. Hindi ko pa kaya, Vicente”. Paulit ulit niyang binulong sa katawan. Ngunit hindi na niya makita ito muli. Wala ng buhay.

#15. Hindi agad-agarang tumawag ng nars si Gani sapagkat alam niyang kukunin na nila si Vicente sa kanya kapag sinabi niya ito. Sa halip ay niyakap na lamang niya ang katawan ni Vicente at pinatong ang kanyang ulo sa dibdib nito.

“Paalam, mahal. Hahanapin kita. Sa Susunod na Habang Buhay.”

CORDERO, REMKIN
1. ISANG LALAKI NASA STRETCHER, MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG OSPITAL.
2. ANG LALAKI AY SUMISIGAW NG SIYA'Y NABABALIW.
3. NAGSUSUKA NG DUGO ANG LALAKI.
4. SINUBUKAN NIYANG KAGATIN ANG ISANG NARS AT MUNTIK ITO MAMATAY DAHIL SA KABALIWAN NIYA
5. SINUBUKAN NG MGA DOKTOR AT NARS NA LAGYAN SIYA NG SEDATIVE UPANG SIYA'Y KUMALMA.
6. NGUNIT HINDI ITO GUMANA AT SINUBUKAN NILA GUMAMIT NG MGA IBANG KLASENG GAMOT NA PANGPATULOG O PANGKALMA, NG ITO'Y HINDI PA RIN TUMATALAB.
7. KUNG ANO ANO ANG SINASABING PASIGAW NG LALAKI NA HINDI MAINTINIDHAN
8. TUMAWAG ANG PAMILYA NG LALAKI SA KAIBIGAN NILANG PASTOR.
9. TINIGNAN NG PASTOR ANG KONDISYON NG LALAKI AT ITO AY RAW AY SINAPIAN NG DEMONYO.
10. HINDI MAKAPANIWALA ANG PAMILYA AT MGA DOKTOR AT NARS NA SINAPIAN DAW NG DEMONYO.
11. SA ILANG SANDALI NALAMAN NG PASTOR NA IBA-IBANG LENGUAHE ANG MGA SINASABI NG LALAKI.
12. SINUBUKAN MUNA ITO KAUSAPIN NG PASTOR ANG DEMONYO NGUNIT SABI AYAW ITO PAKAWALAN ANG KATAWAN NG LALAKI.
13. NAG SAMA-SAMANG NAG PLANO ANG PAMILYA, PASTOR, DOKTOR AT MGA NARS NA SUSUBUKAN ITO TANGGALIN.
14. NG HINAWAKAN NG MABUTI AT MAHIGPIT ANG LALAKI, BINUHUSAN ITO NG HOLY WATER AT NAGBASA NG DASAL ANG PASTOR.
15. NG MALAKAS NA PASIGAW AT NASASAKTAN ANG DEMONYO HABANG NAGRIRITUAL ANG PASTOR, SA WAKAS LUMAYAS ANG DEMONYO SA KATAWAN NG LALAKI.

Buenavista
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2. Nangyari ito ng alas-dos ng umaga, nabasag ang mapayapang atmospera sa loob ng ospital nang marinig nilang paparating ang isang ambulansyang para bang humihikbi dahil sa lakas ng kanyang wangwang. Sira ang katahimikan ng gabi nang mahagis nang pabukas ang mga mabibigat na pintuan na nagsilbing pasukan ng emergency room. Mabilis na nagsitayuan ang mga nars nang marinig ang natatarantang pagsigaw ng mga doktor na nagbubuhat sa stretcher. Ang mga taong naghihintay sa labas ng mga kwartong kinaroroonan ng kanilang mga mahal sa buhay ay napalingon sa pinagmulan ng ingay. Tahimik silang nakatingin sa nangyayari ngunit sa isip nila ay siguradong umiikot ang mga katanungan. Ano kaya ang nangyari? Bakit sobrang taranta ng mga nars at doktor? Sino ba ang lalaking ito? At ang pinaka-importanteng tanong:

Kakayanin niya kaya?

#3. Patuloy na tumingin ng tahimik ang mga tao sa kaguluhang umistorbo sa kanilang gabi, pinanood nila ito na para bang eksena sa isang pelikula. Nakadikit ang kanilang mga mata sa eksena hanggang sa mawala ito sa kanilang mga paningin. Nang maipasok na ang pinag-aabalahang pasyente sa loob ng ICU, bumalik na ang mga tao sa kanilang mga ginagawa. Kumalma na muli ang atmospera. Nawala na ang sandaling simpatya na naramdaman ng mga taong ito. Sa bagay, may rason nga naman kung bakit sila nandito. May mga mahal sa buhay rin silang pinag-aabalahan. Bumalik ang tahimik ng gabi at bumalik na ang mga tao sa malalim nilang pag-iisip sa katahimikan ng gabi.

#4. Abala ang mga nars at doktor sa nag-iisang pasyente, at abala ang mga tao sa paligid nila sa pag-iisip. Kaya siguro walang nakapansin ng may isang partikular na indibidwal na lumitaw nalang bigla sa kasulukan ng apat na puting pader. At kaya siguro walang nakapansin ng tahimik nitong sinundan and stretcher habang nagtatago sa lilim ng mga kanto ng ospital at nag-aanyong anino.

#5: Oo sa labas, tahimik na muli, ngunit sa loob ay nagsisimula palang lumala ang sitwasyon. Ipinasok ang pasyente sa ICU at dahan-dahan siyang inilagay ng mga nars sa kama. Kung ano-anong makina ang nakakabit sa lalaking ito. Ang mga nars ay palabas-pasok sa kwarto dahil sa utos ng mga doktor, at ang mga doktor naman ay nakapokus sa pagligtas sa lalaking nasa stretcher. Kumpara sa labas ng kwartong ito, kung saan tahimik ang mga tao ngunit nag-iingay ang mga katanungan sa kanilang isip, kabaligtaran naman kapag dating sa mga doktor at nars na ito. Maingay sa loob ng kwarto. Napupuno ito ng mga boses na para bang nagpapataasan ng tono. Ngunit sa loob ng mga utak ng doktor at nars na ito ay isa lang ang kanilang iniisip: kailangan nilang maligtas ang lalaking ito. Tahimik sa kanilang mga kaisipan, at kahit natataranta man sila tignan, handa silang gawin ang kanilang trabaho.

#6. At paano naman ang lalaking nasa stretcher? Ano ang tumatakbo sa isip niya? Naririnig kaya niya ang ingay sa kanyang paligid o nananatili ba ang kanyang kamalayan sa katahimikan ng gabi? Alam niya ba ang nangyayari? Alam niya bang isang hibla ng pulang sinulid na lamang ang kanyang buhay o mangmang ba siya sa kanyang kapalaran? At ang pinaka-importanteng tanong:

Kakayanin kaya niya?

#7. Hindi ko maisasagot ang mga tanong na iyan, ngunit ang alamin mo lamang na ay ang lalaki ay kasing kalmado ng isang dagat tuwing oras ng paglubog ng araw. Naranasan niya na ito noon, maraming beses na. Hindi na siya natatakot dahil sanay na siya. “Gising ba ang lalaki?” maari mong itanong at ang sagot diyan ay hindi. Oo at hindi. Mahimbing na natutulog ang lalaki, walang kamalayan sa nangyayari sa kabila ng kanyang nakapikit na mga mata. Ngunit, sinasabi ko sa iyo, gising ang kanyang diwa. Nararamdaman niya ang mga nangyayari kahit hindi niya ito nakikita. Hindi na siya nagugulat, dahil sabi ko naman sa iyo, napagdaanan niya na ito. Ang hindi niya lang alam ay kung magbabago ang kalalabasan ng sitwasyong ito, o mauulit lamang ang nakaraan?

#8. Naguguluhan ka ba? Dumami ba ang tanong sa iyong utak? Mabuti. Ituloy na natin ang istorya.

#9. Ang mga doktor at nars na abalang-abala sa pagligtas sa lalaki sa stretcher ay nakapokus sa malubhang operasyon na kanilang ginagawa sa lalaki. Naniniwala sila na na sa kaunting pagkakamali lamang ay mapuputol na ang pulang sinulid ng lalaking ito. Kung hindi sila maingat, baka sa kamay pa nila mapupunta ang dugo ng kawawang lalaki na ito. Ang hindi nila alam ay sila ang kawawa sa sitwasyon na ito. Ang hindi nila alam ay ilang beses na nilang nagawa ito, at sa bawat pagkakataon na ito ay dumulas sa kanilang mga kamay ang buhay ng kalalakihan na nasa stretcher. Parang isang routine na ang kanilang ginagawa. Hindi nila maliligtas ang lalaki at matatahimik sila nang marinig nila ang matinis na tunog galing sa isa sa kanilang makinarya, kapares ang isang diretsong linya sa monitor nito. Pagkatapos ay magdadalamhati sila at sisisihin nila ang kanilang mga sarili, sasabihin ng ibang mga doktor at nars na hindi nila kasalanan at ginawa naman nila ang kanilang makakaya. Mananatili ang bigat sa kanilang mga puso ng ilang araw, ngunit unti-unti nila itong makakalimutan dahil may dadating pang mas mabigat na pagsubok sa kanilang mga buhay. Tuloy ang kanilang buhay hanggang sa dumating nanaman ang lalaking nasa stretcher sa kanilang mga buhay, at mauulit muli ang ikot ng buhay. Ngunit hindi nila naalala ito, nawawala ang kanilang mga alaala tungkol sa lalaking nasa stretcher. Kaya naman hindi nawawala ang kanilang determinasyon iligtas ang lalaking ito, dahil nakakalimutan nila ang kanilang pagkabigo.

#10. Determinado ang mga nars at doktor, at ang atensyon nila ay nakatutok lamang sa lalaking nasa stretcher. Kaya siguro hindi nila nahalata na may indibidwal na nagtatago sa lilim ng mga kanto, nagpapanggap na anino habang pinapanood ang operasyon. Bumuntong-hininga ang indibidwal, siya rin ay ilang beses nang nakita ang sitwasyon na ito. Sawa na siya. Ngunit, sa bagay, kasalanan rin naman niya kung bakit paulit-ulit nangyayari ito. Naawa siya sa mga nars at doktor na ito, hindi naman niya ginustong madamay sila sa tunggalian niya kasama ang nakayayamot na lalaking inooperahan nila. Naglabas ulit ng buntong hininga ang anino ng makita niyang parating na ang parte ng operasyon kung saan magsisimula nang bumagsak ang lahat. Oras niya na para kumilos.

#11. Mabilis na gumalaw ang anino (anino? O nagkukunwaring anino lamang?) at agad siyang lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa second floor ng ospital, kung saan naiwan ng isa sa mga doktor ang isang importanteng makinarya na kakailanganin nila upang matuloy ang operasyon. Umikot ang kanyang mga mata, sinong doktor ang makakakalimot sa isa sa mga pinakamahalagang bagay na kakailanganin niya para operahan ang isang pasyente? At anong klase kang nars kung hindi mo ito ipapaalala? Naiintindihan naman niyang nakakataranta ang sitwasyon, pero hindi ba dapat propesyonal ang mga taong ito? Naglabas nanaman ng buntong-hininga ang anino. Pangatlo niya na iyan ngayon. Napapagod na siya, at pinapahirapan ng mga taong ito ang trabaho niya. Bago pa siya mawalan ng gana, agad siyang bumalik sa kwarto kung saan nagaganap ang kaguluhan.

#12. Sakto ang pagbalik niya, nagtatanong na ang doktor kung nasaan ang makinarya na kakailanganin nila. Yung isang nars ay nakaramdam ng malamig sa kanyang batok, at pagtalikod niya, nadala ang kanyang mga mata sa makinaryang nakapatong sa mesa. “Ito!”, ang sigaw niya, at kaginhawaan ang lahat ng tao sa kwarto. Nagpasalamat ang mga tao sa nars na iyon, at naguguluhan naman niyang tinanggap. Umikot na naman ang mata ng anino. Patuloy niyang pinanood ang proseso ng operasyon, at nagdasal siya sa lahat ng diyos na sana ito na ang pinagpalang pagkakataon na mabubuhay ang lalaki. Nasolusyonan naman na niya lahat ng problema hindi ba? Nung unang beses, nabutas ang gulong ng ambulansya kaya namatay ang lalaki. Kaya naman sa ikalawang beses, sinigurado niyang napalitan ang mga gulong bago pa sunduin ang lalaki. Ngunit sa pagkakataong ito, naging problema naman ay walang bakanteng kwarto para sa lalaki kaya ito pumanaw. Kaya sa ikatlong beses sinigurado niyang nakalock ang pinto sa isa sa mga kwarto hanggang sa dumating ang ambulansya. Ngunit ang naging problema naman noon ay hindi dumating agad ang doktor kaya’t hindi niya na naabutan ang lalaki. Kaya naman sa ika-apat na beses ay sinigurado niyang lahat ng doktor ay nasa labas ng kanilang opisina at mararating agad ang ICU. Ngunit muli, nagkaroon ng problema sa ika-apat na pagkakataon. Ito ang pagkakataon kung saan naiwan ng doktor ang makinaryang kailangan nila para makumpleto ang operasyon. Kaya ito na siya ngayon, sa ika-limang ulit, umaasa na sana ito na ang huling ulit.

#13. Mataimtim na pinapanood ng anino ang proseso, kaunti nalang ay matatapos na ang operasyon at maliligtas na ang lalaki sa stretcher. Kaunti nalang ay matatapos na rin ang nakakapagod na pagpapaulit-ulit na kanilang ginagawa. Pagkatapos ng ilang oras, patapos na ang opersayon at naglabas ng hininga ang anino. Sigurado naman wala nang masama pang mangyayari sa oras na ito, hindi ba? Pwede na siya magpahinga. Pinikit niya ng sandali ang kanyang mata. Hinayaan niyang manatili sa kadiliman. Ngunit nabasag ang katahimikan sa kanyang isip nung may narinig siyang matinis na sigaw. Binuksan niya ang kanyang mat, ngunit nabigla siya nang puro kadiliman pa rin ang nakikita niya. Bakit ganon? Ano nangyari? Nakakarinig naman siya, pero bakit hindi siya nakakakita? Gulong-gulo ang anino, ngunit nasagot ang kanyang mga tanong ng narinig niya ang isang natatanging sigaw, at nadurog muli ang kanyang puso.

“Buksan niyo yung generator, bilis! May pasyente kaming inooperahan, hindi pwedeng magbrownout!”

#14. Kurap. Kurap. Kurap. Sinubukan ng lalaking buksan ang kanyang mata, at hindi na siya nagulat nung nakita niya kung saan ang kaniyang gising. Umupo ang lalaki at narinig niya ang buntong-hininga na nanggaling sa tao sa kanyang likuran. Ngumiti siya.

“Pinatay mo na naman ako,” ang sabi niya, habang nagpipigil ng tawa.

Tumalikod siya at nakita niya ang kanyang kapatid na nakatingin ng masama sa kanya habang nakahalukipkip.

“Hindi ako ang pumatay sayo. Nakakairita ka, Will.”

Natawa si Will, “Biro lang, ‘to naman! Pero nabigo ka na naman, hindi ba?”

Inikutan siya ng mata ng kanyang kapatid, “Hindi ko alam bakit sa kada ulit may nangyayaring masama, nananadya kaba?”

Tinaas ni Will ang kanyang mga kamay, “Wala akong kinalaman diyan. Nananahimik lang naman akong nakahiga sa stretcher, lahat ng nangyayari ay natural lang na nangyayari.”

Sumimangot ang kapatid niya, “Hindi ba pwede sa ibang ospital ka pumunta? Malas ng ospital na ‘yon. Napapagod nako.”

Ngumiti si Will, ngunit malungkot na ngiti ito, “Sabi ko naman sayo hindi mo na ‘to kailangan gawin. Hayaan mo na, Tom. Dito nalang ako, kasama ka.”

Umiling si Tom, “Hindi nga! Ang kulit mo, kuya. Hindi ka pa pwede dito, sabi ko naman sayo marami ka pang kailangan gawin sa kabilang buhay! Hindi ka pa pwede mamatay.”

“Wala ng silbi buhay ko kung wala ka na. I miss you, bunso.”

Lumabi si Tom at naramdaman niya ang pagdating ng mga luha sa kanyang mga mata, ngunit pinanindigan niya ang kanyang mga salita, “Palagi naman ako nandiyan, kuya. Kahit hindi mo ko nakikita, palagi pa rin akong nakabantay sayo. Ulit tayo.”

Sumimangot si Will, “Tom…”

“Please, kuya.”

Nag-isip si Will. Hindi niya maintindihan kung bakit patuloy siyang pinipigilan ng kapatid niyang pumanaw ng tuluyan. 	Ano pa ba ang mayroon sa kabilang buhay kung wala na ang nag-iisa niyang pamilya?

Ngunit naisip niya, kung si Tom ang nasa kaniyang puwesto, gagawin niya rin ang ginagawa ni Tom.

Bumuntong hininga si Will, “Ge, isa pa.”

#15. “Kailan ako pwedeng manatili na lamang dito?” Ang tanong ni Will habang naghahanda si Tom na ibalik siya.

“Soon, Kuya.”

“Pero hindi pa ngayon?”

Tumungo si Tom, “Hindi pa ngayon.”

Nanatiling tahimik si Will.

“Ready ka na?” Ang tanong ni Tom.

“Oo, ikaw, handa ka na bang mabigo ulit?” Ang pabirong patanong ni Will.

Inikutan siyang mata ni Tom, “Ito na iyong swerte. Huli na ‘tong ulit na to.”

Ngunit alam nilang pareho na hindi siya sigurado.

“Sige,” sumang-ayon nalang si Will, “sabi mo eh.”

Niyakap niya ang bunso niyang kapatid at niyakap naman siya nitong pabalik.

“Paalam, Tom.”

“Bye, kuya. See you.”

At dumilim ulit ang kanyang paligid.

Medina
#1. Isang lalaking nasa stretcher, may kabit na oxygen ang mabilis na ipinasok sa ICU ng hospital.

#2. Ang pamilya ng biktima ay naghahanda sa kanilang bahay para sa isang okasyon ng biglang makatanggap sila ng tawag tungkol sa kanilang anak na si Will ay sinugod sa hospital.

#3. Ang ina ni Will ay nanghina at muntik na mahimatay dahil sa balita na kanilang natanggap galling sa hospital.

#4. “Inay okay lang po ba kayo?” tanong ng isang anak habang inaalalayan ang kaniyang ina upang hindi mahulog. “Salamat Joseph, okay lang ako mas importante puntahan na natin si Will.” Bigkas ng ina sa lahat.

#5. Agad silang pumasok sa kanilang sasakyan at umalis papuntang hospital. Binilisan nila ang takbo sapagka’t hindi nila alam kung ano kondisyon ni Will ngayon.

#6. Nakarating na sila sa labas ng hospital at agad silang bumaba ng sasakyan. Pumasok sila sa loob at mas lalong lumakas ang kanilang kaba.

#7. Lumapit ang ina sa isang nars at itinanong kung nasaan si Will at kung pwede nila makita si Will.

#8. “Ma’am paumanhin po bawal po muna bisitahin ang pasyente” sabi ng nars sa pamilya

#9. Dahil hindi nila pwede bisitahin si Will, ang pamilya ay nag-aantay na lamang ng balita tungkol sa kondisyon niya.

#10. “Ano kaya nangyari kay Will” tanong ni Joseph habang may pawis na tumulo mula sa kaniyang noo. Ang mga magulang ay parehas tahimik at pinag-iisipan kung ano man nangyari kay Will ay sana kayanin niya ito.

#11. “Will, kaya mo ito kakauwi mo pa lang. Alam mo ba na ang tagal na namin ikaw gusto makapiling uli. Mayakap, makasama at makausap ka tungkol sa mga naranasan mo sa USA.” Ipinagdasal ni Joseph

#12. Ang araw na dapat ay masaya dahil ipinagdidiwang nila ang pagkauwi ng kanilang anak ay naging isang nakakatakot na alaala.

#13. Habang nakaupo ang pamilya sila’y nilapitan ng doktor. “Kayo po ba ang pamilya ni Mr.Santos?” tanong ng doktor. “Opo kami po iyon. Ano po balita tungkol sa aming anak?” tanong ng ina. “Nabanga po ang pasyente ng isang motor pero swerte po na hindi gaaano kalala . Kaya huwag na po kayo mag-alala, stable na po ang kondisyon ng anak niyo.” balita ng doktor sa kanila.

#14. “Salamat po doc!” Nakahinga ng maluwag ang ina at niyakap ang asawa at anak. “Antayin na lang natin siya gumising para mabigyan natin ng malambing na pagbati sa pagkauwi niya sa atin” sabi ng ina

#15. Dumating ang araw na gumising si Will at nakatanggap siya ng malambing na yakap mula sa kaniyang pamilya.

Escorial
#1. “ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL”

#2. Ito ang sinulat ni Andrew sa kaniyang papel nang sinisimulan niyang gumawa ng isang maikling storya para sa kaniyang takdang aralin. Kanina pa siya nagsusulat nito ngunit ilang mga pangungusap palang ang kaniyang nagagawa.

#3. “Teka teka.” Napahinto siyang magsulat. “Parang napaka pangkaraniwan pala nito. Palagi nalang isang tao na naghihingalo sa buhay ang panimula ng storya. Dapat iba naman. Paulit ulit nalang kasi.”

#4. Pinunit niya ang papel sa sinusulatan na kuwaderno at nilukot ito hangang maging hugis bola. Ang nilukot na papel ay kanyang hinagis sa basurahan ngunit hindi ito pumasok sa loob at bumagsak lamang sa sahig. Mukang punong puno na pala ang kaniyang basurahan ng papel kaya natapon na lamang ang nilalaman nito.

#5. “Ughhh! Ano ba pwedeng paksa ng storya, nawawalan na ako ng mga ideya.” Kaniyang sinabi sa kaniyang sarili. “Isip, Andrew, isip. May papasok din sa utak mo niyan.” Tinapik niya ang kaniyang noo gamit ang kaniyang daliri habang nakapikit, umaasa na may biglang ideya na pumasok sa kaniyang utak.

#6. Ngunit napadilat siya bigla ng may marinig na tunog. Isang malakas na ringtone ang kaniyag narinig sa bandang kanan ng kaniyang kwarto.  Nangagaling ito sa kaniyang cellphone, mukang may tumatawag. Tumayo siya at inabot ito upang sagutin.

#7. *Beep* “Hello, this is Andrew speaking. Sino po to?” Isang malalim na boses ang sumagot “Huyyy! Andrew, buti sinagot mo ang tawag.” Mukhang ang kaibigan niya pala na si Kenneth ang tumatawag sa kaniya

#8. “Uyy! Kenneth bakit ka naman napatawag pre? Ano ganap?” Tumayo si Andrew sa kaniyang kinaroroonan at pumunta sa harap ng kaisa-isang bintana ng kaniyang apartment. “Wala naman, wala lang tao dito sa bahay eh. Baka gusto mo lang tumambay dito… Sagot ko merienda!” Sabi ng kaibigan.

#9. “Hala,,may ginagawa ako eh, may pinapagawa kasing takdang aralin si sir. Pinapasulat kami ng maikling storya. Wala nga akong maisip eh.” Malungkot na sagot ni Andrew habang kinakamot ang ulo. “Ah ganun ba..? Edi tulungan na kita! Gusto ko lang kasi talaga ng may kasama dito sa bahay hehe. Ang lungkot kase magisa.” Sinabi ng kaniyang kaibigan na may konting harot. “Miss na rin kita eh. Tagal ko na hindi nararamdamn yakap mo ehe.” Pabirong dugtong ni Kenneth.

#10. “Luh siya HAHAHAHA, sige na nga punta ako diyan.  Magliligpit lang ako ng konting kalat tapos derecho na ako sa inyo.” Inipit ni Andrew ang kaniyang cellphone sa kaniyang balikat at tenga upang hindi ito mahulog habang pinupulot ang kalat na papel sa sahig. “Tutulungan mo ako ah? Baka mamaya wala nanaman akong magawa diyan na matino. Baka maulit na naman yung nangyari sa science project ko nuon.”

#11. “Hoy! For the record, ikaw yung tinamad at nagyaya maglaro nuon imbis na tulungan kita. Kaya wag mo sakin isisi ang mababang mong grado noon.” Napatawa si Andrew sa banat ni Kenneth “AHAHAHA oo na, sige na, ako na mali.” Natapos na maglinis si Andrew ng kwarto. “Sige Kenneth pupunta na ako diyan. Bye na muna” Sabi ni Andrew “Sige byee, see you later.” *Beep*

#12. Dinampot ni Andrew ang kaniyang backpack at pinasok ang cellpone sa pinaka harap na bahagi ng kaniyang bag. Sa masamang palad, nakalimutan niya isara ang zipper nito. Dumerecho na siya sa labas at nilock ang pintuan ng kaniyang apartment.

#13. Nang malapit na sa sakayan ng jeep, kaniyang naitapik ang kanyang bulsa at biglang napatigil sa paglalakad. Bumigat ang kaniyang dibdib na mapansin niya na nakalimutan niya ang kaniyang pitaka. “Ano ba yan Andrew, kanina ka pa ha.” Sabi niya sa kaniyang sarili. Kinapkap niya ulet ang kaniyang mga bulsa ngunit wala talaga siya maramdaman.  “Hay nako, mukhang kaylangang ko bumalik.”

#14. Umikot siya sa kaniyang nilalakaran at naramdaman naman na nahulog ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag. Napalingon ito at naglupasay upang madampot ang nahulog na gamit. Sa pagmamadali, hindi niya napansin na nasa gitna siya ng daan dumampot ng kaniyang gamit. Nagawa niya pang tumayo ngunit hindi na niya nagawang gumalaw nang isang sasakyan ang sumalubong sa kaniya. Nanigas siya sa kaniyang pwesto at wala ng nagawa kundi magpasagasa.

#15. Lumipas ang ilang oras,  naghihintay parin si Kenneth dumating si Andrew. Nagtataka kung bakit ang tagal naman makapunta ng kaniyang kaibigan sa kanila. “Hay nako, mukhang tinamad nanaman ito tumayo sa higaan.” Dinampot niya ang remote ng tebelisyon at nagulat sa kaniyang napanood pagkabukas niya ng balita.  Nasagot ang kaniyang mga tanong. “ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL.”

UMARAN
# 1. LALAKI SA ISANG ATTACKER, MAY OXYGEN, Mabilis na Dinala sa ICU NG HOSPITAL

# 2 "Ikaw ba ang magulang ng pasyente?" Humiling ang doktor na tumakbo kasama ang pagpapaandar. "Oo ako, mangyaring sabihin sa akin kung ano ang nangyayari sa kanya." Hinihimok ng ina ang doktor na sagutin siya ngunit hindi pa niya titingnan ang mga mata nito.

# 3 "Lumilitaw na mayroon siyang isang blunt trauma na sapilitang sa kanyang bungo, posibleng isang pagkakalog," paliwanag ng doktor. "Lumilitaw na kakailanganin natin ang isang emergency na operasyon para sa kanyang kritikal na kondisyon."

# 4 Ang ina ay huminto sa kanyang lakad, nakatingin siya sa doktor na may pagkabigla sa kanyang mga mata. "Kung para sa kanyang kaligtasan, gawin mo na.” Sumagot siya at tumango ang doktor sa kanya, na sinasabi sa kanya na magsisimula na ang isang operasyon.

# 5 Pagkatapos pumunta ang doktor sa pintuan ng operating room, naiwan ang ina sa likuran. Pumunta siya sa pinakamalapit na upuan, sa harap ng malamig na vending machine at umupo doon. Siniksik niya ang kanyang mga kamay at umiyak.

# 6 Umiiyak siya at umiiyak habang binubulong niya ang mga panalangin para sa kanyang anak na makaligtas sa operasyon. Sumisigaw siya para sa tulong at bumulong ng malungkot na mga himno sa kanyang mga labi.

# 7 Pagkatapos nito, naramdaman niya ang isang tap sa kanyang balikat. Tumingin siya sa kanyang tagiliran at nakita ang isang maliit na batang babae na nakasuot ng dilaw na damit at may hawak na isang pinakamaliwanag na mirasol sa kanyang mga kamay.

# 8 "Ok ka lang po, ma'am?" Tanong ng dalaga. Nakatingin lang sa kanya ang ina at umiling. "Ang aking anak ay nasa emergency room." Paliwanag ng ina.

# 9 Naramdaman ng dalaga ang kalungkutan ng ina. Niyakap siya nito bilang tanda ng respeto at nagdamdam sa kanya. Niyakap ulit ng ina at umiiyak ulit.

# 10 "Salamat sa pag-aliw sa akin," ang iyak ng Ina. "Napakahalaga nito para sa akin." Ngumiti ang dalaga at pinunasan ang luha ng ina.

# 11 "Kaya, ito lang ang magagawa ko bago ako umalis," sagot ng dalaga. "Gusto kong punasan ang luha ng aking ina sa huling pagkakataon."

# 12 Nagulat ang ina at nang may sasabihin pa siya, naputol siya ng doktor. Tinanong ng doktor ang Ina kung maaari siyang pumunta sa emergency room.

# 13 Sumasang-ayon ang Ina at sumunod sa doktor. At doon nakita niya ang kanyang anak na naka-flatline at natatakpan ang kanyang katawan  gamit ng puting blanketa.

# 14 Sumigaw ang Ina at hinawakan ang kamay ng kanyang anak. "Ano ang huling salita niya, doktor?" tanong ng Ina.

# 15 "Ang kanyang mga salita ay mirasol at ina, ma'am." Sinabi ng doktor na ang Ina ay muling nalungkot sa huling pagkakataon habang naaalala niya na ang batang babae na inalo siya ay ang kaluluwa ng kanyang anak.

Martinez, A
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

Raquiza
#1. Isang lalaking nasa stretcher, may kabit na oxygen ang mabilis na ipinasok sa ICU ng hospital.

#2. Hindi maikukubli sa wangis ng nakaratay na binata ang iniindang sikip sa dibdib nito. Ang paghinga niya ay paudlot-udlot, paningin ay nagdidilim, at ang mukha ay kapos sa kulay. Nangingintab din ang mga mata mula sa mga luhang nagbabadyang dumanak sa kanyang mga pisngi. Hindi pa pwede, hindi. Hindi. Ito ang mga salitang minamantra ng binata sa kanyang isipan, na tila ba maisasalba siya nito sa kahila-hilakbot na peligro ng kamatayan. Gabriel, kumapit ka.

#3. Naaaninag niya ang pagkabalisa ng mga taong nakapaligid sa kanya. “Maricris, paki-set ang defibrillator to 650 volts. Bilis!” Ito ang huling naulinigan ni Gabriel, na tingin niya’y mula sa doktor na nakatalaga upang panatilihin siyang buhay. Ang samu’t saring boses na nakapalibot sa kanya ay unti-unting dumistansya at napalitan na lamang ng isang matining at mala-pitong tunog, hanggang sa ito na lamang ang kanyang naririnig. Ipinilit niyang imulat ang mga mata upang masiguradong buhay pa siya. Naramdaman naman niya ang pagtigil ng galaw ng kanyang kinahihigaan, hudyat na nasa loob na siya ng ICU. Kaya’t ibinaling niya ang tingin sa gilid upang matiyak ito, at sa kanyang gulat, isang lalaki ang tumambad sa kanyang paningin. Nakatayo at nagniningas ang anyo sa isang sulok. Alala ay nakapinta sa mukha ng ‘di kilalang lalaki. Sinusundo na ba ako? Pagtataka ng binata bago tuluyang mawalan ng malay sa kanyang higaan.

#4. Tila minamartilyo sa kirot ang kanyang sentido nang muling magising si Gabriel. Mga mata’y sensitibo sa ilaw at memorya’y kapos sa impormasyon. Nilakbay niya ng tingin ang paligid hanggang sa maaninagan niya ang isang lalaking naka-upo sa gilid ng kanyang kama, pikit ang mga mata. Kumurap-kurap ang binata upang mabatid kung sino at anong ginagawa nito dito. Nasaan nga ba siya? Sinubukan niyang bumangon ngunit ay pinigilan siya ng mga kableng konektado sa kanyang katawan. At saka lamang dumanak sa kanyang diwa ang lahat ng naganap. Sa pangamba na baka patay na siya, hindi niya napigilan na paluin ang kanyang kaliwang kamay, dahilan para maalimpungatan ang lalaki sa kanyang gilid. Sandali. Hindi ba’t ito ang sumusundo sa akin nung... Patay na ba talaga ako!?  Naghuramentado ang binata habang sinusubukan siyang pakalmahin ng estranghero.

#5. “Nasa langit na ba ‘ko? Hindi mo kamukha si Hesus! Si Hesus ka ba?” madaling salita ni Gabriel. Napangisi ang estranghero sa mga komento ni Gabriel at napailing na lamang. “Gabriel.” ani nito subalit tuloy padin ang pagtatanong ng binata. “Gabriel, ako muna.” mariin na banggit ng lalaki at saka tumigil si Gabriel. “Ako ang nagsugod sa’yo dito. Nagtatrabaho ka sa tapsilogan bago ka atakihin. Saktong-sakto sa pagkahain mo ng tapsilog sa lamesa ko, ay bigla ka ding bumagsak. Ako lang ang customer niyo nun, at ang katrabaho mo naman ay inunahan ng takot, kaya’t ako na ang nagkusa na dalhin ka rito.” kalmadong kwento ng lalaki. Hindi agad umimik si Gabriel sa kwento upang maiproseso ang lahat ng ito. “Joven.” iniabot niya ang palad sa binata.

#6. Kalmado at naiproseso na ng binata ang mga pangyayari kaya naman ay ‘di na ito nag-atubiling ilingkis ang kanyang kamay sa naghihintay na palad ng lalaki. Ilang sandali pa lamang, “Paano mo nalaman pangalan ko?” Agad na pinagsisihan ni Gabriel ang mga binitiwan niyang salita. Huy! Magpasalamat ka muna!  Pagalit ng binata sa kanyang sarili. “Ang ibig kong sabihin eh, maraming maraming salamat. Utang ko ang buhay ko sa’yo. Literal. Hayaan mo akong bayaran ka sa minutong makalabas ako dito.” pagtatapat ng binata kay Joven. Inalayan siya nito ng isang mahabaging ngiti at sumagot, “Ayos lang. Walang anuman. Basta’t ipangako mong magkikita padin tayo sa Paraiso.” Ngumiti si Gabriel nang may pagtataka.

#7. “Lalabas na muna ako para masabi sa nars na gising ka na. Magpahinga ka na ulet, hindi daw biro ang naging operasyon sa puso mo.” banggit ni Joven habang papalabas sa kwarto. “Sige, salamat ulit.” balik ni Gabriel. Inayos niya ang pwesto sa kama at muli itong nakatulog.

#8. Bumalik si Joven sa kwarto at nakatambad ang isang plastadong Gabriel sa kama ng ospital. Tinitigan nito ng mabuti, at hinimas ang bunbunan ng binatang natutulog. Mga luha ay nagbabadyang bumagsak mula sa kanyang mga mata. “Mag-iingat ka.” mahinang sambit nito upang hindi makagising. Tinanggal niya ang palad mula sa ulo ng binata at dali-daling pinatay ang makina na nagpapanatili ng buhay ni Gabriel sa mga oras na iyon. Nawala na si Joven, gayundin ang paghinga ni Gabriel.

#9. Maliwanag ngunit hindi nakakasilaw ang liwanag na dinatnan ni Gabriel. Hindi na kama ang kanyang kinapupwestuhan, kundi buhangin. Napaliligiran ng mga puno at katapat niya’y katubigan. Mahalimuyak at sariwa ang hangin. Wala nang iniindang sakit ang binata. Subalit hindi maikukubli ang lumbay sa kaibuturan ng puso nito. Hindi dahil sa kaharap niya na ang kinahihilakbutan niyang kamatayan, kun’di dahil sa nagpadala sa kanya dito.

#10. Sa gitna ng kanyang pag-iisip, naramdaman niya ang pagkaluskos ng buhangin sa kanyang tabi. Iniangat niya ang kanyang paningin upang masilayan ang dahilan ng kaluskos. Isang balingkinitang babae ang sumalampak sa buhangin, at tinignan ito ni Gabriel na may pagtataka sa mga mata. Mukhang halos kaedaran lang ng binata ito. Tila ba nabasa ng babae ang mga tanong sa isipan niya at hindi nagtagal ay nagsalita na ito. “Maligayang pagdating, Gabriel! Ang ika-127 naming Kerubin.” Ha? isip ni Gabriel.

#11. “Eden ang pangalan ko. Hindi yung keso, kun’di yung hardin na naririnig mo sa mga kwento sa bibliya. Ako ‘yon, oo.” magaan na pagkakasabi ni Eden. “Batid mo naman na siguro kung nasaan ka ngayon, hindi ba?” Mahinang tumango si Gabriel. “Isa ka sa mga Kerubin na inatasan na maging tagapagbantay ng langit at ng mga papasok dito. Ako ang pinakaunang pinili ng Diyos upang maging bahagi nito kaya’t ako ang naatasan na magpaliwanag sa’yo ng lahat.” paliwanag ng babae.

#12. “Napansin mo bang halos magkasing-edad lang tayo, Gabriel?” Hindi na niya inintay ang sagot ng binata. “Tayong mga kerubin ay ipinapanganak sa lupa upang makalikom ng kaalaman at karanasan. Upang malaman natin kung ano ang lagay ng mga tao sa lupa, upang maintindihan natin sila ng lubusan. Ano pa’t tinawag tayong gabay nila kung hindi naman natin batid ang kanilang sistema ‘di ba?” ngumisi ang babae. “Dalawampu’t limang taon lamang ang itinatagal natin sa lupa, kaya’t kung makikita mo, pare-pareho tayo ng edad dito.”

#13. Kakadaos lang ng ika-25 na kaarawan ni Gabriel noong nakaraang linggo bago siya atakihin sa puso. Kaya pala. Unti-unti nang naliliwanagan ang binata ngunit nababalisa parin ito. “Si Joven.” Nang banggitin ni Eden ang pangalan, agad siyang napabalikwas sa kanyang pwesto. Masusi niyang pinakinggan ang mga sunod na salita ng babae. “Lahat tayo dito’y may susi sa lupa. Susi ang mga taong pansamantalang nagbabantay sa’tin habang tayo’y tao pa. Sila ang napili ng Diyos upang masiguradong hindi tayo malilihis sating kapalaran na maging kerubin. Sila din ang naatasan na magbalik sa’tin dito sa Paraiso.” paliwanag ni Eden. Bantay? Eh isang beses ko palang nakikita si Joven sa tanang buhay ko?

#14. “Dalisay ang puso ni Joven, Gabriel. Hindi mo lang alam dahil ginawa niya ang kanyang tungkulin sa distansya. Akala niya’y mapapadali ang kanyang huling tungkulin kung hahayaan niyang hindi kayo magkaroon ng malalim na relasyon sa isa’t isa, ngunit may isang pagkakataon na nabago ito. Naalala mo ba nung binugbog ka sa pinagtatrabahuhan mo dahil sa pinagtanggol mo ang isang binatilyo mula sa mga lasing? Si Joven ‘yon, Gabriel. Napalapit ang loob niya sa’yo sa panahong ‘yon ngunit alam niya ang kahihinatnan kapag pinili niyang magpakilala. Kaya naman ay pinili niya ang mas makatwirang pasya. Tinulungan ka niya nang palihim. Noong nawalan ka ng tahanan, sino sa palagay mo ang naglapag ng newspaper ad sa bag mo kung saan mayroong apartment na maayos at abot kaya? O nung naglasing ka isang beses at nakatulog sa kalsada, sa tingin mo, bakit hindi ka nanakawan noon?” Nag-init ang mga mata ni Gabriel.

#15. Hindi akalain ni Gabriel na mabilis siyang makakasabay sa mga Kerubin dahil bago pa lamang siya dito. Sa kalaunan, naging pamilya na rin ang turingan nila ng mga kapwa Kerubin nito. Tigib sa kaligayahan ang karanasan niya kaya’t ‘di niya na namalayan ang nagdaang mga oras habang tinutugunan ang kanyang responsibilidad. Kaya’t laking gulat niya nalang nang may isang palad na dumampi sa kanyang balikat. Nilingon niya ito at tumambad sa kanya ang isang pamilyar na mukha. Matanda na ngunit gayunparin ang mga mata. Ang katawan ni Gabriel ay tila naparalisa. At ang nakangising matanda ay umimik, ”Tinupad mo nga ang pangako mo. Maligaya akong makita kang muli, Gabriel.”

Manuel, Enzo
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER, MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL
#2 NAHULOG ANG OXYGEN NITO AT ITO AY GUMULONG SA OSPITAL
#3 HINDI MAKAHINGA NG MAAYOS ANG PASYENTE KAYA ITO AY NAGINGAY
#4 NAGTAKA ANG NARS AT NAKITA NA WALA NA ANG OXYGEN
#5 NAKITA ITO NG NARS NA GUMUGULONG SA SAHIG KAYA INIWAN NIYA MUNA ANG PASYENTE AT HINABOL NIYA ANG OXYGEN BOTTLE
#6 HINABOL NG NARS ANG OXYGEN HANGGANG SA ITO AY HININGAL AT HINIMATAY
#7 NAKITA SIYA NG ISANG DOCTOR KAYA NILAGAY SIYA SA STRETCHER KASAMA ANG PASYENTE NA INIWAN NIYA
#8 BUSY LAHAT NG TAO SA HOSPITAL KAYA ANG DOCTOR NALANG NAGTULAK NG DALAWANG STRETCHER NG HINIMATAY NA NARS AT PASYENTENG WALANG OXYGEN
#9 HIRAP NA HIRAP ANG DOCTOR DAHIL DALAWANG STRETCHER ANG HIINIHILA NIYA PAPUNTANG ER
#10 HINDI NA KINAYA NG DOCTOR AT HINIMATAY DIN ITO KASAMA ANG NARS NA HININGAL AT PASYENTENG NAWALAN NG OXYGEN
#11 TATLO NA SILANG HINIMATAY AT WALANG MALAY PERO DI SILA NAKITA NG MGA TAO DAHIL BUSY SA HOSPITAL
#12 SINUBUKAN NGA DOCTOR NA GUMAPANG SA SAHIG PARA HUMINGI NG TULONG NGUNIT WALANG NAKAKAKITA SA KANILA
#13 ANG OXYGEN KANINA NA GUMUGULONG SA FLOOR, AY BIGLANG TUMAMA SA HOSPITAL CHAPEL AT NATUMBA NITO ANG MGA KANDILA AT POSPORO
#14 NASUNOG ANG CHAPEL AT ANG HOSPITAL AT NAGTAKBUHAN ANG MGA TAO SA SOBRANG TAKOT
#15 LUMABAS NALANG SA BALITA ANG STORYANG ITO AT NAGING ARAL SA IBANG HOSPITAL NA DAPAT MAGING MAINGAT SA MGA PASYENTE AT DAPAT HINDI NAGKUKULANG SA MGA TRABAHADOR

MUNAR
DUGTUNGAN  ANG UNANG NAIBIGAY NA PANGYAYARI HANGGANG UMABOT SA IKA-15 SEQUENCE. MAAARING LAGYAN NG DAYALOGO O USAPAN, DAGDAGAN ANG MGA TAUHAN AT BAGUHIN ANG TAGPUAN .

#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2. “Hindi ko inisip na maaari itong mangyari sa akin dahil akala kong ako’y nasa mabuting kalusugan” sabi ng lalaking nasa stretcher. Sinusubaybayan siya nang ilang araw habang siya ay nasa ospital.

#3. Lumala ang kanyang paghinga at ang kanyang lagnat ay umabot na sa 104.5 degrees.

#4. Tulad ng ibang mga pasyente na may COVID-19, siya ay hindi maaaring magkaroon ng mga bisita sa tatlong linggong pananatili sa ospital. Paano bang nagsimula lahat?

#5. Napagtanto ng matanda ang nangyari kung bakit siya nahawaan ng Covid.

#6.  Noon ay binisita niya ang kanyang anak sa Baguio upang ibigay ang kanyang huling semester na tuition fee. “Hindi ako nag-ingat. Hindi ko iniisip na sa aking paglalakbay ay makukuha ko ito.”

#7. “Huwag mo yan sabihin. Kami ay kasama mo dito.” sigaw ng asawa niya sa doktor.

#8.“Nag-aral ka ng 10 taon ngunit hindi ka makahanap solusyon sa kung paano mo maililigtas ang aking asawa?” Ang lalaki ay unting nawawalan ng malay mula sa ingay at sinubukan na huminga sa kanyang maskara.

#9. Paano ba magagawa na maging mas komportable para sa pasyente? Isip ng doktor. Ang kanyang sintomas ng pasyente ay tumuloy ng lumalala.

#10. Napansin niya na nawalan siya ng ilang kilos kahit sa pang-araw-araw na ibinibigay na gamot. Makikita mo sa lalaki na humihiling siya ng anumang bagay upang mawala ang pagdurusa.

#11. Noong nagpunta siya upang makuha pag bentilasyon, gusto niyang makipag-usap sa kanyang pamilya ngunit biglang hindi niya matandaan ang password sa kanyang cellphone at hindi matandaan ang numero sa kanilang bahay.

#12. Bumagsak ang oxygen level niya. Ang kanyang puso ay nagkaroon ng abnormal na ritmo.

#13. Dalian siyang tinulungan ng mga nars para maging pirmi muli ang kalagayan ng matanda. Ngunit, wala na silang magawa dahil bigla bumigay ang katawan nito.

#14. Nag pasiya siya na kailangan niyang makita ang kanyang amang nakahiga. Nakasuot siya ng maskara at gloves. Tinulungan niyang gisingin upang uminom ng gamot ngunit hindi siya gumagalaw at dun niya nalaman na ang kanyang pasyente ay namatay na

#15  "Patawarin mo ako, tatay. Ang aking makakaya ay hindi sapat upang mailigtas kita." sigaw ng doktor habang yakap yakap ang walang buhay na katawan.

CADA
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER, MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2:

“Mawawala na siya sa atin! Bilisan niyo!”

Naririnig ang mga boses ng mga doktor na nagmamadali upang buhayin ang batang lalaki. Malala na ang kanyang kondisyon, isang himala na lamang ang makakapagligtas sa kanya.

“V...’wag mo iiwanan si Papa...please.”

#3

[February 40xx]

"Minsan ba ay, ninais mong bumalik sa oras upang mayroon kang mabago sa iyong buhay?"

Binuksan ng lalaki, hindi ganoon kabata at hindi ganoon katanda, ang kanyang mga mata, at may nakita siyang isang bata na nakaupo sa gitna ng isang hardin. Nilapitan niya ito at nagtaka kung nasaan siya.

#4:

[February 40xx – Valhalla]

"Ah, pasensya na. Bago ka lang siguro sa lugar na ito. Ako si Valy, isang diyos na nagbabantay sa mga kaluluwa ng tao na hindi pa nais lumipas."

"Valy..."

"Eh? Bakit? Mayroon ka bang nais gawin, Asten? O baka naman may nakalimutan kang kunin na gamit, haha!", tumawa nang mahinhin ang diyos tila katulad ng isang bulaklak.

"Sinabi mo kanina na maaari akong bumalik...paano?"

"Sinabi ko ba? Hehe, buti narinig mo. Sa katotohanan ay ang katawan mo sa mundo ng mga mortal ay naka-comatose. Mayroon ka pa sigurong nais gawin sa mundo bago ka lumipas. Isang aksidente lamang itong pangyayari, no?"

Mabilis na um-oo si Asten, sa pagkakaalala niya ay isa lamang siyang tao na nadamay sa isang away na hindi naman niya alam.

"Hm. Bibigyan kita ng tatlong araw para magawa ang iyong mga kailangan, pero wala nang bawian ha? Gagabayan kita sa iyong paglalakbay. Bye bye!"

"Teka lang hindi pa ko–!"

Hindi na natapos ni Asten ang kanyang sinabi at ang paningin ay nanilim muli.

#5:

[December 408x – Unang Araw]

"Pst. Asten? Asten...? Asten! Umaga na, hindi ka pa ba kikilos, may pasok ka pa!", mabilis na tumayo ang lalaki dahil ang akala niya ay siya ay nasa ospital pa rin. "S-sino...?"

Si Asten, bago pa man matapos ang kanyang buhay ay nakatira siyang mag-isa sa kanyang munting apartment sa kanto, isa siyang mabuting inhinyero ngunit hiniwalayan ng asawa at namatayan ng anak, marami rin ang nagnanais sa kanyang pwesto dahil sa mga benepisyong makukuha nito.

"Psh, wag mong sabihin nakalimutan mo na ko. Ako 'to! Si Valy! Hello~?", sabay binuhusan nito ng malamig na tubig sa mukha ang isa.

"Valy! Para s'an 'yon?! Gising na naman ako bakit mo pa ko kailangang buhusan, ang lamig na nga!"

"Bagal mo kasi kumilos, hehe."

#6:

[December 408x]

Ang opisina ni Engr. Asten ay malapit lamang sa kanyang bahay, kaunting lakad ay mararating na kaagad ito. Masaya siyang binati ng kanyang mga ka-opisina matapos niyang makapasok sa lugar, ngunit nagbigay rin ito ng mga nakapagtatakang tingin.

"Sir Asten! Gandang umaga, sino ito? Parang ngayon ko lang siya nakita mong dalhin dito. Ang cute!", sabi ng kanyang sekretarya at kinurot ang pisngi ng batang nagtatago sa likod nito.

"Hm? Si Valy, anak ko. Nakita ko lang siya sa labas walang kasama, kaya isinama ko na rin sa bahay, isang pagbabago rin ng buhay siguro."

Nang bitawan ng lalaki ang salitang anak ay nanlaki ang mga mata ni Valy. Hindi niya ito ipinakita at tumingin na lang siya sa sahig at sumunod paakyat ng kabilang kwarto. Ano nga ba talaga si Valy para kay Asten?

#7

Lumipas ang maraming oras sa loob ng opisina ni Asten, marami na siyang naisaayos na mga papel para sa mga lupain at mga bagong sukat para sa mga itatayong bahay. Tumayo siya at umalis sa kanyang upuan, nagsimulang mag-isip sa kung ano nga bang ninais niya at hindi tuluyang makalipas.

"Asten? Gabi na oh! Nagugutom na ko bili tayo sa McDo!", sabi ng isang makulit na Valy habang nilalaro ang ballpen sa kanyang mesa.

"May McDo sa bahay, kung fried chicken gusto mo doon ka nalang magluto. Akala ko ba diyos ka...? Hindi ba hindi mo na kailangan kumain?", nagtatakang sagot ni Asten.

"Oo nga! Gusto ko lang naman matikman ulit yung mga kinakain ko dati, hindi ko na maalala eh. Kaya tara na kasi..!", hinila ni Valy ang kamay ng inhinyero papunta sa elevator.

"Ang kulit mo talaga, ako rin naman magbabayad!", natawang sambit ni Asten, hindi niya rin magawang magalit kay Valy.

'Ano nga ba ang nais kong maransan sa mundong ito?'

#8

[December 408x – Ikalawang Araw]

"Boo!", sigaw ni Valy pagkamulat ng mga mata ni Asten. Nagulat nga naman ang lalaki at nagulo lalo ang kanyang buhok na hindi ganoon kahaba na may kahel na pangkulay sa mga dulo nito.

"Valy, ang aga aga wala pang alas kwatro! Walang pasok ngayon, matulog ka ulit."

"Eh? Hindi ko kailangang matulog! Ikaw pa nga nagsabi isa akong diyos diba, hehe."

Pinatay muli ni Asten ang ilaw na malapit sa kanyang kama, at tinakpan ang sarili gamit ang isang malambot na kumot.

"Goodnight na lang."

#9

[September 40xx – ???]

Narinig ang ingay na nagmula sa tren, may isang lalaki na naghahanap ng isang bata na tilang nawalay sa kanya.

"Nak? Anak nasaan ka? Andito si Papa!"

Ngunit, huli na ang lahat nang may narinig na namang busina–

"Papa!"

Nagkatagpo ang mga mata ng mag-ama, hanggang sa naglaho ang paningin.

#10

[December 408x – Ikalawang Araw]

Parehong panaginip pa rin ang bumagabag sa isip ni Valy, tumingin siya sa direksyon ng isang natutulog na inhinyero. Lumayo ang kanyang tingin muli at nagpakita ng isang malungkot na ngiti, hindi niya aakalain na dadalhin pala siya ng panahon kung kailan babantayan niya si Asten, ang sarili niyang ama.

"Tadhana nga naman no, Papa?"

Isang aksidente na nagbago ng lahat, nagbago sa buhay ni Valy, matagal siyang hindi nakaalis sa lugar na iyon hanggang sa ginawa siyang gabay ng mga taong katulad niya.

Mga taong katulad niya na marami pang pinagsisisihan.

#11

"Valy, oh fried chicken, para malaman mo na mas masarap luto ko kesa sa Chickenjoy ng McDo–natulog ka ba? Ang tamlay mo ngayon ah." Binigay ng lalaki ang plato na may kanin sa nakababata. Nanghihinayang si Asten sa kalagayan ni Valy ngayon, dati na napakaingay pagdating ng kahit anong oras, ngayon ay nananahimik at may iniisip.

"Naisip mo na ba ano naiwan mo? Isang araw nalang.", parang walang kabuhay-buhay na tanong nito kay Asten.

"Hindi pa rin...wala naman akong masyadong gagawin sa ngayon, dito lang sa bahay. Unless gusto mong lumabas, sige lang."

Lumiwanag ang expresyon sa mukha ni Valy, siguro sa panahong ito makakapaglaro muli siya kasama ang kanyang ama.

"Mhn! Labas tayo! Kahit saan lang, uubusin ko laman ng wallet mo.", malakas na tawa ng bata.

Lumipas ang buong araw ay umikot lamang sa siyudad ang dalawa. Wala man masyadong pangyayari, pero sigurado naman na puno ng saya ang puso ng isa't-isa.

#12

[December 408x – Ikatlong Araw]

Huling araw na ng makakayang kapangyarihan ni Valy na pagbigyan si Asten na gawin ang kanyang mga naiwan upang siya ay makalipas na sa kabilang parte ng buhay.

Isa na naman itong araw na walang masyadong gawain para sa dalawa, at hindi na rin ginawang pumasok ni Asten sa kanyang opisina dahil ano pa ang punto nito? Siguro nga ay masaya na siyang kalaro si Valy sa mga kapanahunang ito.

"Asten...alam mo namang mamaya na hindi ba?"

"Oo, handa ako sa mangyayari."

Ngumiti na lamang ang bata at hindi na tinanong kung ano pa man.

#13

[February 40xx – Valhalla]

"Minsan ba ay, ninais mong bumalik sa oras upang mayroon kang mabago sa iyong buhay...haha! Mukhang andito ka pa rin..! Ayaw mo talaga umalis dito no?"

Katulad ng noong unang pagkikita, nandito pa rin si Valy, nakaupo sa gitna ng isang hardin.

"Kung wala sa mundo ng mga mortal ang nais mo...hm. Ano kaya? Ang gulo gulo mong tao talaga, Pa–sorry, nadulas lang."

Nilayuan ng tingin ng bata si Asten na nakikita niyang dahan-dahang lumalakad sa kanya.

#14

"Siguro nga na wala doon, pero masaya yung panahong nakasama kita."

"Anak. Alam kong ikaw, Valy, Valefy...isang pangalan na aking binigay dahil alam kong walang ibang tutulad pa sa iyo. Isang anak na naging gabay sa maraming tao, isang anak na aking kinahahangaan."

Binigyan ng isang matagal na yakap ng dating inhinyero ang diyos na kanya ring anak.

Mukhang hindi talaga siya lilipas sa kabilang parte ng buhay...dahil ang kanyang rason para manatili ay nandito.

#15

Isang tao muli ang nasa stretcher, may kabit na oxygen ang mabilis na ipinasok sa ICU ng isang ospital.

Sabi nila, mayroon laging diyos na nag-aantay sa kalagitnaan na nagbibigay ng pagkakataon upang gawin ang mga pinagsisihan simula dati. Sabi naman ng iba ay kuro-kuro lamang ito, ngunit hindi talaga tayo nakasisigurado.

"Pero ang masasabi ko naman, na nasa iyo ang daloy ng buhay mo. Nandito lang ako at si Papa para gumabay sa ano pa mang ninanais niyo".

Fulgencio
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER, MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2 "Bakit nandito nga ba tayo, sa mundo na ito ay puro pangdudurusa lang." naka tingin lang ako sa sarili habang nagaagaw ako ng buhay. Hindi ko na alam anong gagawin ko kung hindi tumingin lang sa sarili ko. Wala ako nakikita na maliwanag na ilaw o kahit si kamatayan mismo, dito lang ba matatapos ang buhay ko?

Alam ko sasirli na hindi ako isang mabuting tao, nagkakasala, hindi sumusunod sa mga utos, at madami pa.

Hindi ako makasigaw ng maayos o ano pa, pasenya na.

#3

Dapat hindi ako pumunta sa iinuman namin ng magkaibigan, dapat sumunod nalang ako, dapat nandoon nalang ako sa piling ng aking ina. Kamusta kaya siya? alam niya ba na anong nangyayari sakin, siguro magagalit siya sakin katulad kanina. Pasenya na ina, mahal kita.

#4

Gumalaw ka naman, maawa ka sa mga doktor ginagawa nila lahat upang mabuhay at ikaw naman wala kang magandang asal na nagpapakita sa mga tao at mas lalo sa sarili mo. Na saan na yung dati mong anyo, yung masaya ka pa at wala kang naiisip kundi paano ibababa ang lobo na lumipad sa kalawakan.

Na saan yung sinasabing nila "star student" sa klase? na saan na yun? bakit hindi ka ganoon ngayon, bakit mas kailangan patayin ang iyong sarili na pa unti-unti.

#5

"Clear! isa pa..."
Lumaban ka kaya, kahit isang beses lang. Para lang sayo, para lang kay ina, para lang sa mga kaibigan mo at mga pinatalikuran mo. Alam ko masakit ito pero ganoon minsan ang buhay.

"Clear!"

#6

Dumating na si nanay, "Ina! Ina! pasensya na po. Pasenya sa lahat po at maryoon ka ulit babayaran. Alam ko mahal mo parin ako haha"

Wag ka na umiyak ina, nandito lang ako. Naalala ko pa yung mga sinasabi mo sakin na wag sumuko kaya nandito ako. Nandito padin ako pero sana nakikita mo ako.

#7

Bat nandito sila? bakit kayo umiiyak? wala naman akong magandang ginawa sainyo? pinagtaboy ko lang kayo pero bakit?

Pinagsisihan ko na lahat sa mga ginawa ko. Alam ko hindi ako naging magandang kaibigan pero ito, nandito tayo sa punto na ito. Salamat sa inyo.

#8

Lugapo
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

2.  Ang kamalayan ng lalaking ito ay paonting onting bumalik. Naririnig niya ang mga makina na nakakonekta sa kanya, ang mga tao sa kwarto na gumagalaw ng mabilis, ang mga boses na nagsasalita ng sobrang dami, para lamang tulungan siya.

3.  “Ang ingay” ang unang nakaisip ng lalaki. Habang paunti-unting bumabalik ang kanyang diwa, mas lalong dumadami ang mga tanong na tumatakbo sa isip niya, ngunit walang isa dito ay sinagot. “Sino ka? Saan ako? Anong ginagawa mo?”

4.  Biglaang may narinig siyang boses. “Tawagin mo si doc… ang laki at lalim ng mga sugat na ito.” Dahil dito napaisip ang lalaki. Sugat? Paano? Saan? Wala naman siyang maramdaman? At sa puntong iyon, hinawakan ng nars ang kanyang sugat upang suriin ito.

Ah...diyan…

5.  “Grabe...ang sakit talaga ng ulo ko… ang ingay pa nila. Ang lakas pa naman din ng mga tunog ng mga makina. Hindi ba pwede nilang tigilan muna? Ang sakit talaga ng ulo ko.

….Ay… Joke lang…..

Kapag pinatay nila ang mga makina baka mamatay pa ako hahaha…”

Grabe kahit sa ganitong sitwasyon nakikipag biruan pa talaga siya?

6.  Ano bang nangyari? Paano siya nakarating dito? Naalala niya ang kanyang bahay, kanyang mahal na kumakain ng hapunan, tahimik lamang, tas naalala niya ang away na biglang nagsimula, parehas silang umiiyak, ang kanyang mahal tumago sa banyo para mag isip at siya na umalis sa bahay para mag isip. Naalala niya ang pagpasok niya sa kanyang kotse at umiikot lang kung saan saan. Ang huli niyang naalala ay ang laking ilaw sa kanyang gilid na palaki na palaki habang lumalapit ang isa pan kotse

7. “Kamusta na nga pala ang aking mahal? Nakakain na ba siya? Inubos na ba niya ang pagkain niya? Umiiyak pa ba siya? Hinahanap ba niya ako? Sana makatulog naman siya ng maaga at maayos, may trabaho pa naman siya sa umaga” ang naisip ng lalaki habang naaalala niya ang mga naganap.

8. At saktong sakto, ang kanyang mahal ay kakapasok palang sa ospital at hinahanap niya ang lalaki. Pagpasok palang niya naghahanap siya ng mga nars at tinatanong niya ito nga sobrang daming tanong. “Saan na siya? Kamusta na siya? Anong nangyari sa kanya?” ang utak niya ay naguguluhan, nagiisip lamang kung ayos lang ba siya o hindi.

9. Ang nars ay nakakalma sa kanya at inupo siya sa gilid upang ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon at sabihin na gagaling ang lalaki. Humihinga naman siya ngayon at ang mga doktor ay ginagawa nila ang kanilang kaya upang ibalik siya sa dati niyang kalagayan.

Kahit sinabi nito sa kanya, ang utak ng kanyang mahal ay punong puno pa rin ng sobrang daming mga isip at nagaalala parin siya.

“Kung di lang ako nagsalita siguro di nagsimula ang away at nasa bahay pa rin kami ngayon.”

Isa lang ito sa mga dami niyang naiisip sa puntong ito.

10.  Ngayon nag aalala tuloy ang dalawa at nagiisip ng kung anong anong sitwasyon na maaaring mangyari. Anong mangyayari kung namatay ang lalaki? Mamatay na ba talaga siya? Masyadong bata pa siya! Napaisip ng lalaki kung anong mangyayari sa tao sa kanyang buhay. Ang kanyang mahal? Hindi pa siya naka hingi ng tawad at hindi pa sila nakakapag usap ng maayos. At paano naman ang mga halaman niya sa bahay? Sino ang magbibigay ng tubig sa kanila at mamahalin sila ng maayos? At teka lang naalala niya bigla na may utang pa siya na 20 pesos sa kanyang kaibigan! At paano na ang nanay niya? Kaarawan na niya sa susunod na linggo! Ano kaya maiisip niya kung wala ang iisa niyang lalaking anak sa kanyang kaarawan? Masyadong maraming pa siyang responsibilidad sa buhay at mga bagay na nais niyang ayusin bago pa siyang mamatay! Teka lang! Ayaw pa niya! Huwag muna!

Ngunit nakapagtapos na ang mga doktor.

11. Isa sa mga doktor ay lumabas at kinausap ang kanyang mahal. Sinabi niya na makakapasok na siya at gising na ang lalaki. Tumakbo papasok ang kanyang mahal. Nagkakita ang kanilang mga mata at ngayon tinititigan lang nila ang isa’t isa na tahimik. Biglaang tumawa ang dalawa, kaluwagan, kasiyahan at pagmamahal ay umiikot sa kwarto.

12.  “Hi” ang sinabi ng lalaki

Nanginginig pa onti ang kanyang mahal kaya “Hi” lamang din ang masasabi niya ngayon. Masyadong masaya pa siya na ayos lamang ang lalaki.

“Okay ka lang?” tinanong ng kanyang mahal

“Makikipagdiwang ko pa ang kaarawan ng nanay ko!” sagot ng lalaki

“Yan ba talaga ang una mong naisip?”

13. Pagkatapos ng onting oras, nakikipag usap na ang dalawa tungkol sa away nila kanina. Dumating sa konklusyon na ang kanina nilang away ay di kailangang mangyari at dumating sila sa isang kompromiso.

14.  At sa tapos ng araw, nagpapasalamat sila na parehas sila ay ligtas at payapa muli. Nakatulog ang lalaki dahil pagod na pagod parin siya, ang kanyang mundo pumupuno ng kadiliman muli, ngunit ngayon alam niya na ligtas siya.

15.  At, oo, mayroon na siyang sobrang daming peklat sa kanyang katawan at oo, grabe ang sakit na naramdaman niya sa gabing iyan, at oo, malapit na siyang mamatay, ngunit hindi siya yun nangyari. At ngayon, may bago siyang kwento na masasabi niya sa sobrang daming tao at yan ang pinakaimportante para sa kanya.

Gomez
0/50=WALANG KASAGUTAN
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

Alegado
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2, pagkatapos siyang operahan dahil siya ay nagkaaksidente. Idinala siya sa recovery room. Nabalitaan ng kanyang kaibigan na siya ay naospital at madaliang pumunta doon kung saan siya nagrerecover.

#3 pinuntahan siya sa recovery room ng kanyang mga kaibigan at siya at inalagaan ng mabuti at doon sila natutulog iniintay na siya ay magising.

#4 noong siya ay nagising ng ilang araw ang kanyang mga kaibigan ay nagsiyahan at nag talunan sa saya, pagkatapos noon nag usap usap sila.

#5 dumating ang kanyan doktor sa kanyang kwarto at sinabi sakanya na kailangan siya mag physical therapy para siya ay makalakad muli.

#6 paglipas ng ilang buwan siya ay nakapag tapos ng physical therapy nakalabas na rin siya sa ospital at nakapaglakad na ng maayos, ang una niyang ginawa ay pumunta sa mga kaibigan niya para magpasalamat.

#7  nakadating na siya sa bahay ng kainyang mga kaibigan at sila ay umalis para pumunta sa mga kaininan para sila ay mag food trip. Mga kinain nila ay mga masasarap na pagkain tulad ng samgyupsal at street foods tulad ng fish ball, squid ball at kwek kwek.

#8 sila ay nagsayahan hanggang sakanilang pag uwi. Sila ay nagusap usap sa facebook kung gaano kasaya yung kanilang araw kanina.

#9 nagising siya muli sa ospital at tinanong niya kung ano ang nangyayari, sinabi ng doktor na kakagising niya lang sa isang comatose at tulog siya ng 7 years. Sabi ng doktor na siya raw ay nakaranas ng himala dahil siya ay nagising.

#10 nagsiyahan ang kanyang mga kaibigan at magulang dahil nagising na siya. Dinalhan ng maraming pagkain para matikman ito ng lalake

#11 pag tingin niya sa labas ng bintana, andamng nagbago, ma mga matataas na gusali, halos lahat ng mga gamit ay high tech na.

#12  noong nakalabas siya sa ospital kasama ng kanyang mga magulang, pumunta sila sa isang mansyon, tinanong niya ang kanyang magulang kung bakit sila nandito sapagkat noon sila ay hindi mayaman.

#13 sabi ng kanyang magulang na nagsikap sila ng mabuti para sila ay yumaman at nakapag ahon sa kahirapan para mabayaran ang kanyang bills sa ospital.

#14 nakita niya sa isang news na siya ay pinaguusapan, na nagising siya. Nalaman niya  na hindi lang pala siya isang mayaman kung hindi isa sa mga pinakamayaman na pamilya sa buong mundo.

#15 masaya na siyang nabuhay muli galling sa isang comatose at siya na rin ay masayang nabubuhay dahil nakakabili siya ng mga bagay na gusto niya.

Brugada
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2. Hindi nakikita ang kanyang mukha, pero maraming sugat ang makikita sa kanyang katawan. Malubha ang kalagayan ng pasyente. Lahat ng aparato na nakakabit sa kanya ay nag-aalarma.

#3. Kitang-kita ang pag-kaawa at pag-alala sa mukha ni Dr. Hernandez. Nasa peligro ang kalagayan ng pasyente dahil sa naturang aksidente. Hindi sigurado si Dr. Hernandez na maililigtas pa niya ito.

#4. Sinimulan ni Dr. Hernandez ang pagsusuri sa pasyente. Inutusan ang mga residente at nars na ihanda ang mga kakailanganin sa pag-oopera sa pasyente.

#5. Dahan-dahan inangat ni Dr. Hernandez ang oxygen mask ng pasyente. Nabigla ang doktor nang dumilat ang mata ng pasyente at bigla siyang hinablot sa leeg ng dalawang kamay nito.

#6. Nanlaban ang doktor ngunit napakalakas ng lalaki. “Bakit napakalakas niya gayon galing siya sa aksidente!” ang naisip ng doktor. Unti-unti nanghina ang doktor at malapit na siyang maubusan ng hininga nang biglang nawala ang mga kamay na nasa leeg niya.

#7. Isang babae na nakaitim na kasuotan at may hawak na espada ang pumutol sa kamay ng lalaki. Mahaba at tilak kumikinang ang pilak na buhok ng babae. Maganda ang mukha nito pero bakas ang galit at tapang. Tumutulo sa espada ng babae ang kulay lila na likido. Ito ba ang dugo ng pasyente?

#8. “Sumama ka sa akin, Dr. Hernandez. Hindi ka ligtas dito,” ayon sa misteryosong babae. “Ligtas? Ano ang nangyayari? Sino ka?” tanong ni Dr. Hernandez. “Ako si Liana. Wala na tayong oras. Darating na sila! Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat kapag nasa ligtas na lugar na tayo,” sagot ni Liana habang iniaabot ang kanyang kamay.

#9. Bagamat naguguluhan, tinanggap ni Dr. Hernandez ang kamay ni Liana. Nakaramdam siya ng biglang paggaan ng katawan na parang lumilipad. Sa isang kisap-mata, wala na siya sa ICU.

#10. Madilim ang paligid; ang mga liwanag ay nagmumula lang sa mga kompyuter monitor na may iba’t ibang ipinapakita na hindi niya maintindihan. Lahat ng tao dito ay nakaitim at may iba’t ibang kulay ng buhok na kumikinang.

#11. “Ikaw ay nasa isang research facility sa taong 2321. Kami ang NEBULA, isang organisasyon ng mga eksperto mula sa iba’t ibang lugar at panahon. Ang aming layunin ay mapuksa ang mga halimaw galing sa planetang Cyrus na gustong lipulin ang katauhan at sakupin ang mundo,” pahayag ni Liana.

#12. “Taong 2321? Bakit mo ako dinala dito?” naguguluhang tanong ni Dr. Hernandez. “Alam namin na ikaw ang susunod na target ng mga halimaw kaya pinuntahan kita sa taong 2021 at dinala dito. Mabuti na lang dumating ako bago nila magawa ang pagpatay sa iyo,” sagot ni Liana.

#13. “Bakit ako? Isa akong bagong doktor,” patuloy na tanong ni Dr. Hernandez. “Sa taong 2041, makakaimbento ka ng isang aparato na pwedeng magbago sa direksyon ng mundo,” sagot ni Liana. “Ito ang gustong pigilan ng mga halimaw dahil maaring iyon ang pumigil sa kanilang plano sa mundo.”

#14. “Kailangan ka namin, Dr. Bianca Hernandez. Sumama ka sa amin at pagtulungan natin iligtas ang mundo at ang sangkatauhan,” pagpapatuloy ni Liana.

#15. Natulala sa Bianca. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. Gusto niyang maging parte sa pagsagip ng mundo ngunit nagdududa siya kung hindi ba nagkakamali si Liana? Kaya ba niya ang ganitong hamon? Handa na ba siya sa responsibilidad?

MARTINEZ, J
Isang Lalaking nasa stretcher, may kabit na oxygen ang mabilis na ipinasok sa ICU ng hospital.

Laking iyak ding ang narinig mula sa isang duguan na batang babae na halos limang taong gulang lamang - buhat ng isang nurse habang sumusunod  sa tabi ng stretcher.

Mabilisang nadala ito sa atensiyon ni doctora Benson at sinundan agad  ang nagmamadaling stretcher.

“Doc, nagkabanggaan po sila ng isa pa pong kotse habang tumatawid po ng isang intersection. Duguan po siya sa kanyang mga braso at ulo mula sa mga bubog. Nagkaroon rin po siya ng concusion sa pag impact po ng isang kotse. Isa pong hit-and-run and hinahabol parin po ng mga polis ang nagbangga,“ sabi ng isang nagtutulak ng stretcher.

Minulat ni doctora Benson ang mga mata ng pasiente habang itinatapat niya ang ilaw sa kanyang mga mata.

Inilagay niya  ang kanyang mga daliri sa leeg upang maramdaman ang pulso, at pagkatapos, ginamit ang kanyang stethoscope para masmabuting marinig ang pagkahinga ng pasiente.

“Mabilisan niyo siyang ihatid para mag pa CT scan bago niyo ipasok sa OR. Ako na mismo ang magaasikaso sa kanya,” utos ni doctora Benson.

Kinulasan agad ng mga nurse ang kanyang utos, habang siya’y lumapit sa nurse na may buhat na bata.

Ginawa muli ni doctora Benson ang pag examine sa bata.

Duguan ang bata sa kanyang ulog at likod ngunit walang pagpakita ng iba pang pinsala.

“Dalhin niyo sa kay Nurse Amy para mabigyan din ng aid. Mabuti nalang na wala siyang malalalim na sugat, ngunit bigyan niyo narin ng CT scan para masiguraduhan,” at ito ay kanilang sinunod.

Pinanood ni doctora Benson ang mga pag takbo ng mga nurse, bago tawagin ang kanyang mga assists sa surgery ng unang pasyente.

Agad -agad nilang sinimulang ang surgery upang matanggal ang mga basag na nakasugat sa kalooban ng pasyente at mabilisan din silang natapos.

Ngunit sa pag tapos lamang ay nakitang nagkatrauma ang pasyente sa utak. Dahil dito, halos dalawang buwan na ang lumipas nuong naganap ang pangyayari.

Tuluyan parin ang pag iyak ng kanyang anak, habang siya’y nagiintay sa pagasang gumising muli ang kanyang tatay. Sa tagal ng pag intay, iba ang narating. Isang paalam.

“Oras ng pagkamatay: 18:16.”

Vela, V
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2 Ang mga nars na humahawak sa lalaki ay pinag-uusapan nila ang kanilang kalagayan habang ang kanyang pamilya ay sumunod sa likuran.

#3 "Magiging ok ba siya?" Tinanong ng nanay na lalaki ang nars habang umiiyak.

#4 "Magiging maayos siya. Ang doktor ang mag-aalaga sa kanya. Mangyaring maghintay ka rito." Umalis ang mga nars at dinala ang lalaki sa ICU.

#5 Habang naghihintay sa fmaily usapan amomgst kanilang sarili. "Paano natin kakayanin ito? Mahal ang singil sa ospital alam mo na Ma" sabi ng isa sa kanila.

#6 "Gagawa kami ng paraan." Sinabi ng kanilang ina. "Sa ngayon ay dapat nating ipanalangin ang paggaling ng iyong kapatid."

#7 Sa ICU, isang doktor at isang pangkat ng mga nars ang nagsimulang magtrabaho sa lalaki na kinikilala kung ano ang eksaktong nangyayari sa kanya.

#8 Ang isa sa mga nars ay ipinabatid sa doktor kung ano ang nangyari na sinasabi na ito ay isang aksidente sa konstruksyon. Siya ay bumagsak at marahil ay nagbali ng isa o dalawa na buto kasabay ng pagdurusa.

#9 Nagsimulang magtrabaho ang doktor. Nililinis ang mga sugat at malapit nang isugod ang lalaki sa operasyon, hinawakan niya ang doktor.

#10 "Dok, please. Huwag gumamit ng mamahaling kagamitan o gamot. Hindi kami mayaman at hindi namin kayang bayaran ito." Ang sabi ng lalaki.

#11 ""Ang iyong libing ay mas mahal kaysa sa gagamitin ko rito. Ang pagpapabalik sa iyo ng buhay ay mas mabuti kaysa sa ilibing ka ng iyong pamilya kapag namatay ka." Sinabi ng doktor. "Sinisiguro ko sa iyo. Ang utang mo ay mababayaran ng buo."

#12 Kapag natapos ang operasyon, ang lalaki ay nakabawi sa loob ng ospital na naglalagay ng kanyang tiwala sa doktor na nagsabi sa kanya na ang kanyang utang ay babayaran nang buo.

#13 Hindi alam ng pamilya, ang doktor ang siyang kumuha ng koponan sa konstruksyon ng lalaki upang maitayo sa kanya ang kanyang bahay.

#14 Masama ang pakiramdam niya na kailangan nilang maghirap kaya't binayaran ng buo ang kanilang singil sa ospital sa kanyang suweldo.

#15 Kapag ang katotohanan ay nagsiwalat, ang pamilya ay umiiyak ng isang saya at nagpasalamat sa doktor

Angeles
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL
WALANG KASAGUTAN ? 0/50

ANCIRO, I
#1. ISANG LALAKING NASA STRETCHER , MAY KABIT NA OXYGEN ANG MABILIS NA IPINASOK SA ICU NG HOSPITAL

#2. Limang oras bago mangyari ang insidente, nagpaalam siya sa kaniyang ina upang bumili ng pagkain na tinatakam niya.

#3. Noong siya ay payagang lumabas, dali dali niyang ipinaalam sa kaniyang kaibigan na papunta na siya sa kanilang tagpuan.

#4. Suot-suot ang face mask at face shield, lumabas siya ng bahay at nakipagkita sa kaniyang kaibigan.

#5. "Nasaan na yung ibang kasama natin?" tanong ng lalaking tumakas upang makipagkita sa kaibigan. "Paparating na sila sa Jollibee. Sakay na tayo ng dyip para hindi na tayo maghintay." ang sagot ng kaniyang kaibigan.

#6. Sa pagsakay nila ng dyip, napansin nilang puno ito at halos parang mga sardinas ang kanilang pwesto. SInubukan niyang magpatugtog sa kaniyang cellphone ngunit sa sobrang sikip ay hindi niya maialis ito sa kaniyang bulsa.

#7. "Tol, tingnan mo to." Ipinakita ng kaniyang kaibigan ang isang meme na nakita niya sa Facebook habang nagpipigil ng tawa.

#8. Sa halip na siya ay matawa, hindi niya mapigilang hindi mapansin ang mamang sumusulyap sa cellphone ng kaniyang kaibigan. Noong tingnan muli ang cellphone nito, napansin niyang ito kumikinang na ginto at hindi ordinaryong cellphone. Isa itong mamahaling phone na kakaunti lang sa mundo ang mayroon.

#9. Bago pa siya magkaroon ng pagkakataon magsalita ay napangunahan siya ng mamang nasa tabi ng pinto ng dyip. "Holdap ito! Walang kikilos! Walang kikilos!" Agad nagsigawan ang mga taong nasa dyip ngunit tumahimik din kaagad dahil sa pagbabanta ng holdaper na huwag mag-ingay.

#10. Naisip sana niyang tumawag ng pulis nang patago ngunit hindi niya maabot ang kaniyang phone sa sikip ng dyip. Ang kaniyang tanging pagkakataon upang makatawag o makahingi ng tulong ay sa pag-abot nito sa holdaper.

#11. Kukuhanin niya na sana ang cellphone at iaabot sa holdaper ngunit sa biglang pagbago ng ihip ng tadhana, hindi niya inakalang ganito ang kalalabasan. Ang isa sa mga pasahero ay nanlaban. Mukhang masyadong mahalaga ang bagay na kaniyang iniabot sa holdaper sa puntong hindi niya pababayaang makuha ito mula sa kaniya.

#12. Sinubukang agawin ng pasahero ang baril ng holdaper ngunit wala manlang nagbalak na tulungan siya. Dahil dito, nagkaroon ng oportunidad ang holdaper na iputok ang baril sa pagkadesperado.

#13. Agad agad kumislap ang kaniyang buhay sa kaniyangmga mata. Naisip niya na sa halip ng paghingi ng tulong ang sinubukan niyang gawin ay sana'y huling mensahe ito para sa kaniyang ina. Ang balang nanggaling sa baril ng holdaper ay sa kaniya tumama.

#14. Ngayong nasa ospital ang lalaki ay wala pa rin siyang malay.

#15. Isang milagro na nagawa pa siyang dalhin sa ospital ngunit dahil wala pang resulta mula sa doktor, naghihintay ang kaniyang kaibigan at ina sa labas na may dala-dalang mabigat na pagsisisi.

Gimotea, A
#1.  Isang lalaking nasa stretcher , may kabit na oxygen mabilis na ipinasok sa ICU ng hospital.

#2.

Ang mga pasyente at bisita ay tumayo lamang at tumitig– tahimik na nagtataka kung paano napunta ang lalaki sa kalagayan na iyon. Di nagtagal, nagsimulang punan ang mga bulong sa hangin– nananabik at desperado para sa impormasyong hindi nila dapat pagtuunan ng pansin.

#3

Gayunpaman, isang maganda na dalaga mula sa sulok ng silid ang naiiba. Naka kunot-noo, naiinis dahil sa kanilang mga kilos. "Wala bang kahihiyan ang mga taong ito?" kinutya niya.

#4

Habang tumitingin sa malayo, sa halip ay humarap siya sa bintana at tumingin sa kanyang repleksyon. Kung mayroon naglalarawan ng kanyang kagandahan, hindi nila kakayanin na ilarawan sa simpleng salita lamang.

Ang kanyang buhok ay parang sutla; ang kanyang kutis ay katulad ng niyebe tuwing taglamig. Nakasuot siya ng magandang puting damit na umaabot sa kanyang tuhod gayunman, wala siyang sapatos na ipares sa kanyang kasuotan. Ang kanyang mukha ay katulad ng isang porselana na manika habang ang kanyang mga mata ay kumikinang katulad ng mga bituin. Siya ang sagisag ng kabataan at kawalang-kasalanan.

#5

Pagkatapos ng kanyang buntong hininga, tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan; hindi pinapansin ang mga titig at bumulung-bulong.

Ang mga doktor ay tumatabi upang magbigay daan sa kanya (kung saan pinasalamatan niya sila) at sumugod sa labas upang kumuha ng sariwang hangin.

Ang hardin sa labas ng ospital ay isa sa mga lugar na nakakapag pagaan ng damdamin niya. Palagi niyang hinahaplos ng marahan ang mga bulaklak  gamit ang mga kamay at napapangiti.

#6

‘Aabutin pa ng ilang araw para siya’y magising’ naisip niya ng may mapanglaw na mukha. Habang ang kanyang mga mata ay naglalakbay patungo sa kalangitan, sinukbit niya ang kanyang mga kamay at nagdasal.

'Mangyaring bigyan ako ng mas maraming oras, kailangan kong ipakita sa kanya na ako…'

tinikom niya ang kanyang mga labi, ang pag-iisip nalalayo. Umiling siya at lumingon siya  sa kama ng mga liryo. (lilies)

"Hindi ... Sisiguraduhin kong magkakaroon ako ng oras, nais ko siyang makita ulit.” wala siyang binubulungan kundi ang sarili niya.

#7

Dumaan ang mga araw at ang ospital ay tila naging mas abala kaysa sa dating pagbisita. Habang inaayos ang kanyang buhok– tahimik siyang naglalakad. Hindi niya ulit pinapansin ang mga titig mula sa counter ng reception.

Noong siya ay paupo sa kanyang karaniwang lugar– nagkataon na naririnig niya ang usapan ng dalawang nars. Parang sasabog ang puso niya dahil sa mga narinig niya.

“Yung galing sa room 637, akalain mo yun? Sa wakas ay gising na siya pagkatapos ng insidente na iyon! "

"Salamat sa langit! Tiyak na ito ay isang himala hindi ba? "

“Pero, nag-aalala ako tungkol sa–"

Hindi niya kinailangan pakinggan pa ng biglang tumalon ang dalaga mula sa kinauupuan niya at nagmamadaling lumapit sa silid ng lalaki. Kinagulat ito ng mga nars ngunit hindi nila siya hinabol dahil wala silang puso na sasabihin na…?

#8

[Room 637 - November 15 20xx]

Isang grupo ng mga tao ang malapit na umakbay patungo sa kama, pinagmamasdan ang lalaking nakahiga doon.

"Ano ang ibig mong sabihin na hindi mo siya mahahanap?"

Habang ang kanilang puso ay lumubog sa ilalim ng kanilang tiyan, ang tensyon sa loob ng silid ay naging mas mahirap balewalain.

"Sinubukan namin okay? Kaagad pagkatapos– “

biglang bumukas ang pinto, ang dalaga mahigpit na nakahawak sa kanyang damit; humihingal. Ang ingay sa loob ng silid ay nalunod sa kanyang tenga noong nakita niya ang lalaki.

#9

Noong palapit na sana siya sa lalaking hinintay niya sa lahat ng oras na ito, nagulat siya sa mga bagay na tinapon sa sahig. "Hindi pwede!" sigaw ng lalaki habang pinipigilan siya ng iba. "Dapat ayos lang siya! bakit! bakit siya… ”ang mga salitang namatay sa kanyang lalamunan at di nagtagal ay pinalitan ng paghikbi. Tulad ng pagbagsak ng mga piraso ng domino, ang iba ay nagsimulang humagulgol din.

Hindi mapigilan ng dalaga na mamasa ang pisngi.

#10

“Pinagpalit niya ang buhay niya para sa aking kapakanan? Hindi ako makapaniwala na ginawa niya iyon. " Bumulong siya.

Ang mga alaala ay biglang lumitaw ng kanyang isipan na nagsisiwalat ng isang trahedya na naganap noon.

ang usok at apoy ay sumasabay sa hangin, sinasakal ang mga naglalakas-loob na dumaan. Mayroong ilang paso na nakakalat sa kanilang mga balat habang ang kanilang mga mata ay lumabo, ang pag-asa para mabuhay naglalaho.

Hindi nag tagal na natuklasan ng isang babae ang landas na hahantong sa kanilang lahat sa kaligtasan.

o ayon sa akala niya.

#11

Sila na lang ang natitira sa loob ng gusali. Sa kabutihang palad, lahat ay nakalabas sa paligid. Sinusunog ng usok ang kanilang baga at binubulag ang kanilang paningin. Ito ay kakila-kilabot.

Ngunit bago niya mapansin, nahulog ang mga labi mula sa kisame. bumilis ang tibok ng kanyang puso sapagkat alam niyang mamamatay na siya. Gayunpaman, malupit ang kapalaran dahil iniligtas nila siya imbes ang kanyang sinta.

#12

nanlaki ang kanyang mga mata noong tinulak siya palabas ng pintuan. Napalingon siya sa babaeng nakangiti.

"Ingat ka Aiden."

Habang tumutulo ang mga luha, sinigaw niya ang kanyang pangalan sa huling pagkakataon.

"NORA!"

Nilamon ng apoy ang kanyang paningin, takot at pagkabigla ang bumabalot sa kanyang katawan– siya’y nahimatay pagkatapos.

#13

Nagtatapos ang memorya mula doon at muli siyang umiyak.

"Nais ko lamang siyang makita muli, kahit isang saglit lamang.”

Hindi na kinaya ng dalaga at ito’y inilantad ang sarili sa kanila. Ang lungkot ay biglang napalitan ng pagkamangha at gulat.

"Aiden, siya ‘to!" wika ng isa habang tinuturo, nanginginig ang daliri.

Tumingala si Aiden at nakita ang isang puting paruparo na lumilipad papalapit sa kanyang kama.

#14

lumabo ang kanyang paningin dahil sa luha at hindi na niya napigilan pa ang kanyang pag-iyak. Nandito siya!

"Akala ko ito ay tsimis lamang ..." Ang iba ay nagtaas ng kilay patungo sa pahayag ng kanilang kaibigan.

"anong ibig mong sabihin?" nagtanong sila.

"Narinig ko ang mga Doktor at nars na nakakakita ng puting paruparo sa paligid mula pa nang ma-ospital si Aiden." nagpahid ng luha, nagpatuloy siya, "Alam nila na kailangan nila itong alisin para sa kaligtasan ng ibang mga pasyente, ngunit pagkatapos marinig ang kwento hindi nila ito kaya gawin. At ngayon…"

#15 natahimik ang grupo dahil sa wakas nabigyan sila ng pagkakataon upang makita ulit kahit pa man hindi ito’y magtatagal.

“Salamat sa paghihintay, Nora. Maari ka nang magpahinga.”