"Ina" Para sa Bayan by Gabby Chu

Kailan, Bakit Naganap, at Konteksto
Ang pangyayaring ito ay naganap noong Nobyembre ng taong 2019. Bakit ba ito naganap? Ito ay naganap dahil sa kanilang pagiging aktibista. Si Ina ay nakiramay at nakisangkot sa mga suliranin ng ating bayan para makamit ang ginugusto ng lahat, at iyon ang magandang kinabukasan. TInutulan nila ang mataas na bayarin sa mga unibersidad, tinulungan ang mga mamamayang humaharap sa demolisyon, at pati na rin ang pagsalamuha sa mga manggagawang kontraktwal. Dahil sa pagiging aktibista, nireyd ang opisina ng BAYAN Manila at inaresto sila Ram Bautista, Alma Moran, at Ina habang may dalang batang isang buwan sa kaniyang tiyan. Sa inspeksyon, natagpuan ang mga "firearms at explosives" habang sila ay nakadapa nang isang oras.

Pangunahing Kaisipan
Mula sa bidyo, tungkol ito sa isang inang hindi maalagaan, makita, at makapiling ang kanyang minamahal na anak dahil sa kanyang pag-aresto sa dahilan ng pagiging isang aktibista. Ang pangalan ng kanyang anak ay Baby RIver.

Isyu sa Bidyo
Bilang isang magulang, ang nais nito ay makasama, maalagaan, at ipakita ang labis na pagmamahal sa kaniyang anak ngunit ang kabaliktaran ang nangyari para kay Reina Mae Nasino. Hiniwalay sila pagkatapos nito ipanganak dahil nga si Ina'y nakakulong. Hindi niya naalagaan ang kanyang anak at ito ay pumanaw. Kahit sa limitadong oras na pagbisita ni Ina sa burol ng kanyang anak na si Baby river ay nagkaroon ng magulong pangyayari dahil hindi sila itinrato nang maayos.

Opinyon ng Isang Estudyanteng Nakikisangkot
Bilang isang mag-aaral na nakikisangkot, ako ay labis na naaawa at nalulungkot sa pangyayaring ito. Ang nangyari kay Ina ay karapat-dapat na mabigyang hustisya dahil nais niya bilang isang magulang ay mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang minamahal na anak. Nakakaramdam din ako ng matinding lungkot dahil makikita sa larawan ang masasamang komento mula sa ibang mamamayang Pilipino. Nirerespeto ko ang kanilang opinyon ngunit ipinapakita nito ang hindi pagkamulat ng mga mamamayan ng ating bansa. Sa unang komento, nabanggit niya na ang pinaglalaban ni Ina ay walang kwenta. Ang mga isyung pinaglaban ni Ina ay may kwenta dahil ang mga iyon ay mga suliranin ng ating bansa at maaaring ito ang dahilan ng pagkahirap ng ibang tao. Samantalang sa panagalawang komento, nabanggit niya na maaari pang mapalitan ang gobyerno. Hindi ako sang-ayon dito dahil kahit sa dinami-daming eleksyong nakalipas, hindi pa rin nasosolusyunan at nakakamit ang maayos na sistema mula sa gobyerno.

Pilipinas
Ano nga ba ang salitang Bayan para sa akin? Ang bayan ko ay ang bansang Pilipinas. Ito ang bansa at lugar kung saan ako isinilang at lumaki. Sa ating bansa, marami akong masayang alaala kaya nasasabi ko ang linyang, "It's more fun in the Philippines" ngunit hindi ito palaging totoo. Minsan ay nakakaramdam ako ng panghihinayang sa linyang ito kapag nakakapanood o nakakabasa ako ng mga isyung panlipunan sa ating bayan. Mayroong korapsyon, EJK, at marami pang iba. Ngayon ay pag-uusapan natin ang isang isyu tungkol sa isang babaeng mas kilala bilang si Reina Mae Nasino.

Solusyon para sa Magandang Kinabukasan
Ngayong pandemya, limitado ang ating mga magagawa ngunit mayroong isa. Sa kasalukuyan, mas nagkakaroon ng pansin ang sosyal medya dahil mas tutok ang mga indibidwal ngayon sa kanilang mga selpon. Dahil doon, maaari tayong magpaskil ng tungkol sa mga isyung panlipunan. Impluwensyahan natin ang mga kapwa nating mga Pilipino na makisangkot at maging mulat sa mga suliraning hinaharap ng ating bayan. Bilang isang mag-aaral, maaari rin akong magpaskil gamit ang aking kaalaman mula sa klase ng asignaturang Filipino. Pagsasamantalahin ko ang aking mga natutunan dahil ang leksyon sa paaralan ay hindi lamang "requirements" kundi mga leksyon para magamit sa labas ng paaralan.

Bilang isang Bansa
Bilang isang bansa, tayo'y magtulungan at tayo'y maghilahan pataas. Tayo ay magkaisa at makisangkot para sabay-sabay nating makamit ang magandang kinabukasan at maayos na sistema mula sa ating gobyerno o pamahalaan. Sabay-sabay nating lutasin ang mga suliranin ng ating bansa at tiyak na tayo'y aangat bilang isang bansa.

Mga Sanggunian ng mga Larawan
Background - Wallpaperflare
Pilipinas - Facebook
Pangunahing Kaisipan - BBC
Kailan, Bakit Naganap, Konteksto - GetRealPundit
Isyu sa Bidyo - Taiwan News
Opinyon - Comment Section ng Sino si Reina Mae Nasino? - YouTube
Solusyon - BBC
Bilang Isang Bansa - CNN