My sumptuous padlet by Jess Carampatana

Hulyo 4, 2024
Mahal kong Talaarawan;

Nais kong sabihin na napakaswerte ko na nagkaroon ako ng mga magulang na napakabait, maalagain, at mapagmahal. Wala na akong ibang hihilingin pa kundi ang kaligayahan ng mga magulang ko.

Nais kong makatapos ng pagaaral bilang isang Cum Laude nang sa ganon ay makabawi rin lang ako sa alahat ng sakripisyo ng aking mga magulang, ngunit kong hindi man ako magtagumpay bilang isang Cum Laude, ayos na ako nakatapos ako sa pagaaral.

Hinihiling ko sa panginoon na sana bigyan niya ako ng lakas upang magpatuloy sa buhay at sana dinggin niya ang aking mga panalangin na sana ay maging successful ako pagdating ng araw, at ng mabigay ko sa kanila ang lahat ng gusto nila.

"Huwag kayong magaalala, Ma, Pa, ginagalingan ko po dito upang maging proud kayo saakin. Kahit na nahihirapan, ay patuloy parin akong lumalaban.'

Nagmamahal'

Jess

Hulyo 5,2024
Minamahal kong Talaarawan;

"Maligayang Kaarawan, Foundation University!" Kaarawan na nga ng minamahal kong paaralan na Foundation University, at naimbitahan kaming mga cultural scholars ng paaralan na mag handog ng sayaw, upang e celebrate ang kaarawan nito.

Dati palang ay gustong-gusto ko nang sumayaw, ngunit dahil wala akong lakas ng loob ay hindi ko ito naipamalas. Ngayon at malaki na ang pinagbago ko at maslumaki ang tiwala ko sa sarili ko. Masayang-masaya ako na nagagawa ko na ang gusto kong gawain.

Marami pang sayaw ang aking sasayawin, at intabladong maaapakan, handang-handa na ako sa susunod na hakbang para saakin.

Malaki ang tiwala ko sa sarili ko at sana balang araw maipakita ko sa buong mundo ang talento na mayroon ako. Sana nga ay dumating ang araw na iyon.

Nagmamahal,

Jess

Hulyo 8, 2024
Minamahal kong Talaarawan;

Kinagabihan ay naka balik na ako sa Dumaguete, at nakitulog sa bahay ng aking kaibigan sapagkat siya lamang mag-isa sa kanilang bahay.

Bago ako natulog ay pina-plansa ko muna sakanya ang aking buhok , sapagkat gusto kong makita kong ano ang mukha ko kapag tuwid ang aking buhok. Kaya, makalipas ang ilang minuto ay nakita nga aking mukha na may tuwid na buhok, at ako'y namangha sa angkin kong ganda, dayuhan ay nahalina.

Pagkatapos nyan ay nagsimula na akong maghilamos at maglagay ng iba't-ibang mga kemekal sa aking mukha. At pagka-alas dose ay natulog narin ako.

Nagmamahal,

Jess

Hulyo 9, 2024
Minamahal kong Talaarawan;

Martes ng Hulyo ng maisipan namin nina Aliza at Keannu na magkape sa Tuesday Coffee, ito ay reward narin sa aming mga sarili dahil sa napaka stressful na araw.

Kahit wala ng pera ay gusto ko paring pagbigyan ang aking sarili, sapagkat ito lang ang nagpapaligaya sa akin.

Alam kong, dinadanas rin ito ng ibang estudiyante sa koleheyo, yung tipong wala kanang pero gusto mo pang bumili ng kung anoo-ano.

Hindi man kami ganoon ka yaman ngunit gusto ko lang e libre ang aking sarili sapagkat, kinaya ko ang mga pagsubok na aking naranasan sa aking pag-aaral. Hindi madaling mag-isa, bumokod sa mga magulang at piniling makipagsapalaran sa siyudad.

Ito ang kuwentong babaunin ko sa aking pagtanda. Na kahit wala na akong pera ay nagagawa ko paring pasayahin ang aking sarili sa pamamagitan ng pagbili ng mga bagay na gusto ko.

Nagmamahal,

Jess

Hulyo 10, 2024
Minamahal kong Talaarawan;

Ito ang unang gabi ng pagkikita namin ng aking nobyo. Ito ay ang stolen letrato ko na siya ang kumuha.

Sinong hindi kikiligin kong elilibre kang taong iyong nagugustohan, siyempre, hindi ako nakaiwas sa kilig.

Magdadalawang taon na ng huli kong naranasan ang magkaroon ng nobyo. Kaya hindi ko na alam kong papaano ko ito gagawin pangalawa ko pa lamang siyang naging nobyo, at hindi gaano ka seryuso yung nauna sa kanya.

Kaya labis ang aking saya noong niyaya niya akong kumain at nilibre niya pa ako. Sana totoo na ito, dahil minsan lang ako umibig.

Nagmamahal,

Jess

Hulyo 11, 2024
Minamahal kong Talaarawan;

Ngayon ay ang kaarawan ng isa sa pinaka matalik kong kaibigan na si Atisha. Ni libre niya kami ng maagang haponan kasama ang ilan sa mga kaklasi namin na mga English Majors.

Ito ang araw na dapat ipagdiriwang namin ang buhay ng isa sa pinakamatalik kong kaibigan. Kilala ko si Atisha bilang isang masayahin, mabait, at responsabling anak at kaibigan.

Hindi ko takaga maitatanggi na sa lahat ng English Majors, sa kanya ako pinaka-close. Lahat ng mga sekreto, mga chismis, at hinanakit sa buhay ay naibahagi na namin sa isa't- isa, kaya nga tinutoring ko talaga siyang pinakamatalik kong kong kaibigan.

Nagmamahal,

Jess

Hulyo 12, 2024
Minamahal kong Talaarawan;

Napagdesesyunan namin ni Atisha kasama ang iilan na mga Education Students na uminom at magparty.

Masaya kaming nagsasayawan kasama ang ibang mga tao na hindi namin kakilala, ngunit masaya kaming nakikipagsayawan.

Iba talagang saya na naibibigay nang pagpaparty sa akin, nararamdaman ko talagang malaya ako at masaya. Wala akong pakialam sa mga sasabihin ng iba, basta alam kong wala akong tinatapakang tao.

Malalim na ang gabi at lasing na ang lahat, sa may madilim na eskinita doon ako nakahiga, walang malay at lasing na lasing.

Nagmamahal;

Jess

Hulyo 15, 2024
Minamahal kong Talaarawan,

Nais kong magpasalamat sa taong ito na labis akong pinasaya, sa simpling pa sostroll lamang gamit ang kanyang motorsiklo, labis niyang napapasaya ang aking puso.

Mahirap magmahal, Oo. Pero hindi mo talaga maiwasang magmahal muli. Sana pagnagmahal ako, sana totoo na. Labis ang kilig ko noong niyaya ako ng isang tao na gumala kahit hindi ko naman siya jowa. Opo, ako ay kanyang tagahanga, nagbabakasakali na sana balang araw ay maibigan rin. Kaya labis talaga ang aking saya noong bigla niya akong niyaya na gumala. Sapagkat sa chat siya hindi ko mahagilap, na para bang hindi siya interisado sa akin at parang ako lang ang naghahabol, masakit para saakin ang mareject. Noong 17 na minuto na kamiy  magkasama, parang kamilang talaga ang taong nakatira sa mundo. Akala ko yun na ang umpisa ng aming pagmamahalan. Akala ko na crushback na ako.

Pero pagkalipas ng gabing iyon bigla siyang naglaho na parang bola, hindi alam kong bakit, at kong meron bang kulang saakin. Bakit hindi nga ba ako kamahal-mahal, bakit lagi akong nasasaktan, bakit lagi akong naiiwan. Meron bang tao na magmamahal sa akin ng tunay?

Sana balang araw, makakita ako ng tamang tao na mamahalin ako, kasi yun yun ang deserve ko.

Nagmamahal,

Jess

Hulyo 16, 2024
Minamahal kong Talaarawan;

Isa pa ito sa taong minsan ay minahal ko pero iniwan lang pala ako. Ilang buwan rin kaming naguusap ni llyod, napakabait niya at napakamaalaga, hindi ko maisip kong ano pa kaya siya pag naging kami na.

LDR kami nitong si lloyd sapagkat siya ay taga Colipapa, Negros Occidental. ilang beses narin niyang nabanggit saakin ang pagpunta sa akin dito sa Dumaguete.

Dumaan ang mga araw at pinuntahan niya ako, labis ang aking tuwa na nadarama. nilibre panga niya ako ng haponan at hinatid sa aming tirahan, napakasaya ko noong mga oras na iyun.

kinalaunan, maghahating gabi, nag chat siya saakin na gusto niya akong makita, ngunit magaalas-dose nanga at bawal na akong lumabas, ngunit nagpupumilit parin siya na makigkita saakin. Kaya nagkita kami sa labas ng aking tinitirhang bahay paupahan.

Nagkukuwentuhan lang kami ng biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya't pinapasok ko siya sa aking kwarto, at inalok ko siyang sa bahay nalang magpalipas ng gabi at pumayag naman siya.

Sa hindi inaasahan ay may nangyari na hindi dapat mangyari. Kinabukasan umalis na siya pauwi sa Colipapa. At mula noong araw na yun wala na akong narinig mula sakanya.

Masakit lang isipin na yun lang pala ang habol niya. Akala ko pag-ibig na.

Nagmamahal,

Jess

Hulyo 17, 2024
Minamahal kong Talaarawan;

Nais kong ilagay dito ang pasasalamat ko sa taong nagbigay ng bulaklak na ito. Kahit ay iniwan niya lang ako sa ere ay masaya ako dahil ito ang pinaka unang bulaklak na natanggap ko.

Sabay sa pagkawala niya ay kakalimotan ko narin ang mga ala-ala naming dalawa, Nawala man siya ay nag iwan siya ng trauma sa akin. Mapapatawad ko siya pero kong sakaling bumaling siya ay hindi ko hahayaan na masaktan niya pa ako ulit.

Sana masaya siya kong nasan man siya ngayun. Sinayang niya lang ang pag-ibig ko.

Ang aking natutunan ay wag ibaba ang standards mo dahil lamang gusto mong mahalin. Maghintay ka, at hayaan mong may dumating na pasok sa mga standards mo.

Nagmamahal,

Jess

Hulyo 18, 2024
Minamahal kong Talaarawan;

Maraming salamat kay Kiara sa pagpapatuloy at pagpapakain niya sa amin sa kanilang magarang bahay.

Kumain kami ng letchong manok, at paksiw na baboy, at hindi rin mawawala ang paborito kong coke.

Napakabait ng kaniyang mga magulang at napaka-cute ng kanilang mga aso.

Nagmamahal,

Jess

Hulyo 19,2024
Minamahal kong Talaarawan;

Ito ang unang araw namin sa pag shoshoot ng aming short film. Kasama ko dito sina Lenina, Renard, Aliza, Kiara, Keannu, at ate Annie.

Ang Lokasyon namin ay sa Bagacay public cementery, puspusan ang aming pagsho-shooting nangbiglang may kumalabog sa bandang unahan. Yun pala ay may nangyayari ng buy bust operation ng mga kapulisan. Labis ang aming takot dahil firts palang namin iyong nakakita ng isang buy bust operation.

Wala kaming ibang nagawa kong hindi ay tumakbo nalang palabas ng sementeryo. Nanginginig, nanglalamig, nahihingal, at natatakot, yan aming nararamdaman sa mga oras na iyon.

Subalit sa awa ng diyos ay naging mahinahon ang paligid at naging maayos ang lahat. Kaya't nagpatuloy kami sa pagsho-shoot, at magaalas-dose nanga noong matapos kami.

Nagmamahal,

Jess