Balik-balikan
Isa sa pinakamabisang paraan ng pagsusuri ng panitikan ay kapag ito ay hindi lang pasasadahan ng isang beses, ito ay dapat binabalik-balikan. Sa pagsusuri ng isang panitikan ang taga tingin ay magkakaroon ng sarili niyang komrehensyon at interpretasyon sa gawang panitikan. Ang mga ito ay maaring mag bago depende sa panahon na inanalisa ang panitikan. Dahil dito, mainam na balik-balikan ang gawang panitikan nang paulit-ulit gayundin ang pag hingi ng ibang perspektiba upang lumawag ang salik sa pagsuri ng panitikan.
Pagtingin sa mga konsepto bilang isang proseso
Walang iisang pinakamabisang paraan para masuri ang isang panitikan dahil hindi rin tayo hahantong sa iisang suri ng isang gawa (subject to pluralities kung tawagin). Maaaring magkasundo tayo sa ating mga suri pero walang pinaccle o rurok sa pagsusuri.
Sa halip na tignan sila bilang hiwa-hiwalay na konsepto at metodo, sila ay dapat na tinitignan bilang isang pangkabuuang proseso.
Ang pinaka-unang dapat gawin ay suriin ang kayarian ng panitikan base sa elemento, anyo, genre upang matukoy ang intensiyon, nilalaman, at iba pa. Pagkatapos nito ay susuriin ang porma't anyo nito sa lente ng mga teorya.
Sinubukan kong suriin ang iba't-ibang paraan ng interpretasyon at aking napansin na pare-parehas silang maganda at may mga kahinaan. Dahil dito, aking napagtanto na may posibilidad tayong makulong sa iisang suri kung iisang paraan lang ang ating gagamitin. Hindi natin makikita ang iba't-ibang perspektiba na maaaring mas magpaigting ng  ating pagkaunawa sa isang gawa.
Mas magiging mabisa ang ating pagsusuri kung titignan natin ang mga paraang ito bilang isang sala-salabit na proseso.
Isang magandang halimbawa sa pagpo-problematisa kung may pinakamabisang paraan ng pagsusuri ba ay ang Prometheus Unbound ni Jose "Pete" Lacaba. Ito ay nagpapakita na ang mga elemento ng isang gawa ay maaaring intensiyonal na maglahad ng isang misleading na pagsusuri depende sa naging intensiyon ng awtor. Sa madaling sabi, ang panitikan ay hindi nakakulong sa isang kahon. Ito ay maaaring paglaruan at gamitin batay sa anyo, kayarian, at intensiyon ng may akda.
- Cauvin Dela Cuesta
Kaangkupan ng gagamiting paraan ng pagsusuri
Ayon sa materyal na binasa, mayroong apat na uri ng pagsusuri ng isang panitikan: a. Close Reading o ang masinsin na pagtingin sa mga detalye ng panitikan, b. Contextual analysis o ang pagsusuri base sa konteksto ng panahon at pagkokonekta nito sa nilalaman ng panitikan, c. Application of critical approach o ang paggamit ng mga teorya at iba pang materyales na maaaring maikonekta sa panitikan, at d. social critique o ang pagsuri ng panitikan upang tumugon sa isang sosyal na pangyayari.
Sa mga ito, para sakin, ang pinakamainam gamitin ay babase sa uri ng panitikan na binabasa. Halimbawa, ang panitikan ay naglalaman ng matatalinhagang salita at mayaman sa mga pang-uring ginagamit upang talakayin ang bawat paksa ng pangungusap, sa tingin ko'y mas mainam gamitin ang close reading pati ang contextual analysis. Samantala, kung ang panitikan naman ay naglalaman ng mga pangyayari sa lipunan o paguugali ng mga tao o grupo ng tao, maaaring gamitin ang social critique o ang application of critical approach upang lubos na maunawaan ang nilalaman nito.
Naniniwala akong mahalagang tingnan muna ang panitikan bago i-interpret nang sa gayon ay mas mainam at mas angkop na paraan ang ating magagamit sa pagsuri nito.
-Eurica Jay Taqueban
Lahat ng ito'y mabisa.
Pagkatapos kong basahin ang babasahin mula kay Rapaport, nakuha ko mula rito ang isa sa mga pinakamahalagang salik ng pagsusuri ng isang panitikan ay ang pagbutingting sa nilalaman ng isang akda at pagtingin nito sa iba't ibang anggulo na maari itong tingnan.
Ang mga ipinakita ni Rapaport na mga paraan ng pagsusuri ay masasabi kong lahat ay mabisa sa pagsusuri ng panitikan dahil nabubungkal naman ng mga ito ang mga nilalaman ng panitikan. Mula rito, nakikita ko na mabisa naman ang lahat ng ito depende sa kung ano ang gustong turulin ng magsusuri sa isang akda.
Magandang halimbawa nito ay ang ginawang close reading ni Campoamor (2013) sa karakter ni Elias sa Noli Me Tangere, isang pagbasa ni Campoamor sa karakter ay representasyon si Elias ng rebolusyong Pilipino. Sa kabanata 23 (Ang Pangingisda) ng Noli, dito ay mayroong nilabanan ang grupo nila Ibarra at Elias na isang buwaya na kung saan sila ay nangingisda. Sumugod si Elias ng walang kahit na anong armas at pag-aalala sa sariling kaligtasan upang sugpuin ang buwaya at tinulungan naman siya ni Ibarra sa pamamagitan ng pagbato ng isang kutsilyo na ginamit ni Elias sa pagsugpo sa buwaya. Ayon kay Campoamor (2013), ang pagbato ni Ibarra kay Elias ng armas ay ang repleksyon ng tindig ni Rizal hinggil sa pagre-rebolusyon. Ang tindig ni Rizal ay kailangan handa ang bayan sa pagrerebolusyon at may sapat na armas upang maisagawa ang ninanais na rebolusyon.
Sa Content analysis naman, magandang halimbawa nito ay ang pagbasa ni Lumbera kay Amado V. Hernandez. Hinahanap ni Lumbera ang naging pagbabago ng pagtingin o tindig ni Hernandez sa kaniyang mga tula sa kung ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang kalayaan para sa manunulat, peryodista, lider-obrero at bilanggong politikal. Akma ang content analysis dito dahil obhetibong tinitignan ng manunuri ang mga akda ng isang manunulat sa konteksto ng panahon, kalagayan ng awtor, atbp.
Sa Application of Critical Approach naman, Maganda ang naging halimbawa ni Rapaport dito sa paggamit niya ng mga pagsuri ni Zizek, isa si Zizek sa mga hinahangaan ko na pilosopo sa modernong panahon. Una ko siyang napanood sa "The pervert's guide to Cinema". Magandang halimbawa ito dahil ginamitan niya ng iba't ibang teyorya ang pagsusuri ng mga pelikula. "Unexpectable" kung tawagin ni Rapaport ang ganitong pagsusuri dahil hindi nga ito agarang maiintindihan ng isang tao kung walang sapat na kaalaman sa teyoryang ginagamit ni Zizek. May limitatsyon lamang akong nakikita sa paggamit ng ganitong pagsusuri ay dapat mayroong sapat na kaalaman ang isang manunuri sa isang teyorya na gagamitin upang maipakita niya ang lalim at lawak ng teyorya, gayon na rin ang lawak at lalim ng akda. Ika nga ni Rapaport, "The theory should illuminate the work and the work should illuminate the theory."
Sa Social Criticism naman, Magandang halimbawa nito ay ang disertasyon ni Dr. Heinschke sa tema ng panulat ni Pramoedya Ananta toer, Sinuri niya rito kung papaano nagbago ang pananaw ni Pramoedya sa kaniyang tema ng panulat at ang critique ni Pramoedya sa bawat tema at kung bakit siya nagpalit ng tema.
Mula sa mga halimbawang ito, titindigan ko na mabisa itong lahat depende sa kung ano ang gustong turulin o tasahin ng magsusuri sa isang akda. Kailangan rin ay akma ang mga paraan o teyorya na gagamitin sa pagsusuri upang maging mabisa ang mga paraan na ito.
Letra, Literatura, at Lipunan: Ang Lalim at Lawak ng Social Criticism
Para sa akin, social criticism ang pinakamabisang paraan upang suriin ang panitikan dahil nagagampanan na nito ang uri ng pagsusuri na mayroon sa iba pang paraan.
Kung ikukumpara sa close reading, mas lapat sa reyalidad ang lente ng pagsusuri sa social criticism dahil direkta na nitong inilalapat ang mga implikasyon ng mga teknikal na aspeto ng teksto o piyesa sa totoong buhay. Pansin ko na sa close reading, hindi masyadong binibigyang halaga ang paglapat ng piyesang sinusuri sa reyalidad; nakatutok lamang ito sa teknikalidad ng tekstong sinusuri, at mababaw lamang ang gagap nito sa mga simbolismong nakapaloob sa panitikang inaanalisa. Mas may direktang paglapat sa reyalidad ang social criticism dahil tinutukoy na nito agad ang mga posibleng simbolismo, karakterisasyon, at iba pang teknikalidad ayon sa likas na dinamiko ng kapangyarihan, marginalisasyon, at istrukturang sosyopulitikal ng panitikang sinusuri.
Sa pagitan naman ng contextual analysis at social criticism, para sa akin ay mas angkop ang social criticism dahil mas binibigyan ng huli ang mambabasa na intindihin ang panitikang iyon base sa kung ano na ito sa kasalukuyan. Tama naman, mahalaga na aralin rin ang kasaysayan at konteksto sa likod ng panitikang sinusuri; mainam na intindihin ang lente ng mundo na ginamit ng may-akda habang sinusulat ang akda, ngunit para sa akin ay wala na itong pagpapalawak na maaaring idulot dahil ang kasaysayan at kontekstong ito ay nakakulong na lamang sa temporal na panahong iyon. Sa akin, mas mahalaga na ilapat ang panitikang sinusuri base sa halaga nito sa kasalukuyang panahon, lalo na kung papaano nito prinepreserba o tinutunggali ang hindi pagkakapantay-pantay at kawalang-hustisya noon na maaaring nararanasan pa rin ngayon.
Aaminin ko, nagkaroon ng kompetisyon sa akin ang critical approach at social criticism; ngunit mas nanaig ang huli dahil sa lawak ng sakop nito sa pagsusuri. Hindi tulad ng critical approach na maaaring makulong lamang sa iisang teorya ang pagsusuri, mas may kakayanan ang social criticism na tukuyin at tumbukin ang intersectionality ng mga isyung nakapaloob sa panitikang sinusuri. Para sa akin, ang isang panitikan ay maaaring masuri gamit ang iba’t ibang uri ng teorya, at walang iisang teorya ang maaaring gamitin upang mapalitaw ang reyalidad na nasa loob ng panitikan, at likas na mga pampulitikal, ekonomikal, at panlipunang dinamiko na nasa loob ng mga piyesang ito.
Sa kabuuan, mahirap tuntunin kung mayroon nga bang pinakamabisang paraan upang suriin ang isang panitikan. Marahil ay nakadepende ito sa kung anong uri ng panitikan ang balak suriin, o kung anong suri ang nais makuha galing sa panitikan. Sa aking sagot, binase ko ang salitang “pinakamabisa” sa kakayanan ng bawat paraan na palabasin ang kaluluwa ng panitikan; at kung papaano mas masusuri ang panitikang ito ayon sa kasalukuyang lipunang kinapapalooban nito. Para sa akin, ang pagsusuri sa panitikan ay dapat na maghango ng mga katotohanang magsasalamin sa reyalidad ng lipunan dahil dito umiigpaw ang panitikang sinusuri mula sa abstrak na mundo patungo sa tunay na buhay. Sa huli, ang bawat paraan ng pagsusuri ay may kanya-kanyang kalakasan at kahinaan; at mababase lamang ang bisa nito sa mismong paglalapat ng paraan ng pagsusuri sa panitikang susuriin.
- Achilles Czedrich F. Niñalga
Para po sa akin ay lahat ng paraan ay mabisa. Pwede mo basahin isang panitikan gamit ang Close Reading kung saan makikita mo ano ang literal na pinapahiwatig ng may-akda at ano pa ang pwede mo pamuna pagkatapos mo usisain ng maigi ang literatura. Ngayon basahin mo naman ulit ang panitikan ngunit gamitin mo ang Contextual Approach, Critical Approach o Social Criticism at makikita mo na marami kang mapupuna at bagong interpretasyon.
Kung sa iisipin, may pagkakataon din na hindi natin napapansin na napagsama sama na pala natin ang paraan ng pagsusuri ng panitikan. Halimbawa, bago mo basahin ang isang literatura o panoorin ang isang pelikula, kinilala mo muna ang may-akda o direktor; pwede din na isa kang tagahanga ng mga gawa niya. Ngayon may mga contexto ka na tungkol sa author tulad ng tradisyon niya ng pagsusulat, biograpika niya at kasama din ang socio-political niyang pananaw sa buhay. At kapag binasa o pinanood mo na ang akda, pwede mo ma “connect the dots” ang kahulugan ng panitikan o kaya mag-infer ng karagdagang kahulugan.
Kaya may Easter egg na litrato ang akda ko kasi napuna ko sa aking sarili na ganito ako manood ng pelikula o magbasa ng libro. Natutuwa ako maghanap ng easter egg o mga reference na nilalagay ang may-akda sa gawa niya. At kung mapapansin niyo rin may anino ang pinili kong litrato kasi may interpretation yun na may mga awtor na naglalagay ng detalye  kung saan nagfo “fore-shadow” ng mga kaganapan.
Vince S. Guingguing
Ano kaya ang 'dabest'?
Pagkatapos kong aralin ang babasahin noong isang araw, agad akong napaisip: ano kaya ang pinaka-dabest na gamitin sa mga ito? Sakto, iyon din pala ang katanungan sa ating Talakayang Padlet sa Fil 20.
Sa aking pananaw, ang pinakamabisang pamamaraan sa pagsusuri ng isang panitikan ay nakasandal o nakadepende sa kung anong uri ng panitikan ang sinusuri.
Ito ba ay isang anekdota, pelikula, tula, o maikling kwento? Kahit pa nakapaloob ang mga ito sa salitang panitikan, hindi mapagkakailang iba-iba pa rin ang mga elemento, katangian, istruktura, at pamamaraan ang ginagamit sa mga ito. Halimbawa, ang tula ay nahahati sa mga saknong; habang ang maikling kwento naman ay nahahati sa talata.
Sa kabilang banda, iba-iba rin naman ang pokus, kalakasan, at kahinaan ng mga nakasaad na pamamaraan ng pagsusuri (hal. close reading, contextual analysis, application of critical approach, at social critique) sa akda ni Rapaport. Halimbawa, ang close reading ay nakapokus sa pagsusuri ng mga “textual details” upang makarating sa isang paliwanag; habang ang critical approach naman ay nakapokus sa pagsusuri gamit ang mga teorya.
Samakatuwid, tunay na hindi natin pwedeng limitahan ang ating pagsusuri sa iisang paraan lamang dahil sa malinaw na dahilan: iba’t iba ang mga panitikan gayundin ang mga pamamaraan sa pagsusuri nito. Masasabing pinakamabisa ang isang paraan kung mainam nitong naipapaliwanag at swak ito sa napiling panitikan.
DANIELLE ANNE G. CHUA
Konteksto: Nagbibigay timbang sa isang teksto
Para sa akin, contextual analysis ang pinakamabisang paraan ng pagsusuri ng isang panitikan. Pangunahing dahilan na rito ang 'di maitatangging kapangyarihang angkin ng konteksto pagdating sa pagbibigay ng timbang (kahalagahan, kahulugan, kalamanan) sa isang simpleng teksto o likha. Naaalala ko pa ang aming naging panimulang talakayan sa Psych 108 (sikolohiyang pilipino) tungkol sa kahalagahan ng konteksto, na siya ngang nagbigay-daan sa pagkakatatag ng ating sariling sikolohiya. Mula pa lamang dito, nabatid ko na agad ang importansya ng konteksto sa pagbibigay ng tunay na lalim ng isang tao pagdating sa paglalahad ng kanyang sarili, ng kanyang danasin.
Ang puntong nabanggit ang siya ring masasabi kong pangunahing dahilan bakit pinakamabisang paraan ng pagsusuri ang contextual analysis. Nagagawa kasi ng ganitong paraan ng pagsusuri na makabuo ng koneksyon sa pagitan ng manunulat at ng mambabasa lalo pa’t kung pareho o may pagkakahawig ang kontekstong kanilang pinagmumulan.
Hindi naman kaila sa bawat isa sa atin na tayo ay mayroong kanya-kanyang kontekstong pinagmumulan. Bawat isa sa atin ay mayroong danasin at kulturang kaiba sa iba. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga na mailatag o maalam ng isang tao ang kontekstong pinagmumulan ng kanyang kapwa, sa kaso ng ating talakayan ngayon, ng isang manunulat o awtor. Sa pamamagitan kasi ng pag-alam sa konteksto ng awtor, nagkakaroon ng mas malalim at matimbang na kahulugan ang isang teksto. Nagagawa rin nitong maging mas malaman at makabuluhan ang isang babasahin, na siya namang nakakatulong sa isang mambabasa upang mas maging sabik at konektado ito sa kanyang binabasa.
Sa huli, kagaya ng ating naging talakayan tungkol sa alin ba ang panitikan at hindi, nakadepende pa rin naman talaga sa isang tao kung ano ang magiging paraan ng kanyang pagususuri sa isang babasahin na kanya ng unang tinuring na panitikan. Nakita at natalakay na nga natin ang “subhebtibong” katangian ng panitikan, at ako, bilang paggamit sa katangiang ito, nais ko ring gamitin ang napansin kong pinakasubhebtibong paraan ng pagsusuri sa babasahin–ang contextual analysis (construction of conetxts may be highly selective).
-Calma, Cleo Marie C.
MAYROON BA? Panitikan sa Obhetibo at Subhetibong saklaw. (Israel S. Panagsagan II)
Isa sa maaring nakakintal na hamon sa isang manunulat at sa larangan ng panitikan na pilit na pinagbubunggo ang halaga ng dalawang katangiang ito ng pantikan. Nahahangga lamang daw diumano sa katangiang "subhetibo" - malaya, deskritptibo at walang tungtungan ang winiwika lalo partikular sa mga nasa Social Sciences, lalo higit maging sa larangan ng arte at literatura kagaya natin.
Mas higit na pagtuunan ng pansin ay paano ba marapat makita ang panitikan sa paraaang paano natin nakikita ang lipunan? O baka naman kasi ay inilulugar lamang natin ang panitikan bilang bahagi ng ating "pagdede-bangko" ng kaalaman?
Para sa akin, at batay na din sa nakaraan nating pagtalakay,  Kung meron mang istandard sa pagsipat o lente ng pag-unawa sa "panitikan" bilang konteksto, may posibilidad kasi itong tumuloy sa pagka-obhetibo lamang. Madali matukoy at magtalakay ng panitikan sa ganitong paraaan - pero pumapsok na ang ideya ng pagbabangko o pagkaalam para mamipasa ito na nakatungtong sa ideya at setup ng edukasyon sa pilipinas.
Kung sa paraang subhetibo lang naman, madali para sa atin na mg nasa larangan ng panitikan ang makapagambag ng sarili nating pakahulungan, pagtataya at pananaw sa diskursong hatid ito. Subalit, intindihing di lamang tayo ang siyang dapat nagkakaintindihan nito. Matutumbok na natin ang mahalagang punto na - "paano mo na ito ibabahagi sa lipunan?"
Kaya para sa akin, WALANG PINAKAMABISANG PARAAN kundi maaring may mga PARAAN sa paglaladlad ng isang mayamang diskurso patungkol sa panitikan ng Pilipinas
Paglisan sa Prinsipal na Agos
Hindi maipagkakaila ang likas na dinamikong taglay ng literatura lalo na sa lapit nito sa konteksto, sa awtor, at sa mambabasa bilang konsumidor ng samo't saring panitikan. Sa dami ng mga inilahad na mga lente at perspektiba na naglalayong magbigay kabuluhan sa mga kaukulang lapit at batayang pinagmumulan ng kanilang mga posisyonalidad, masasabing mayroon na talagang mga kongkretong pundasyon ang mga ito na nagsisilbing pangunahing mga batis ng pag-iisip sa pagtingin sa panitikan.
Sa aking pagninilay, mungkahi ko na ang pinakamabisang paraan ng pagsusuri ng isa ng panitikan ay ang pagsusuring humihiwalay sa prinsipal na agos ng pagsusuri o sa mainstream. Nasabi ko ito dahil sa dami na ng mga pagsusuring nakabatay sa mga dominanteng lente ay ang karaniwang nangyayari na lamang ay (1) pagpapalalim sa mga pangkasalukuyang kaalaman, (2) interseksiyon sa iba pang mga disiplina ng pag-iisip, at (3) ang pagpapatibay sa mga nakagisnang pag-unawa sa mga panitikan.
Ang pumukaw sa aking desisyong isulong ang pananaw na ito ay dahil sa nabanggit na "unpredictable" na pagsuri sa panitikan. Kahit ako ay nahihirapan rin sa pagpiyesa nang maayos sa kung ano nga ba ang bumubuo o kumakatawan sa isang hindi mahulaang paraan ng pagsuri sa panitikan. Ang pangunahing nosyon na aking maibabahagi ay sa proseso ng paglisan sa mga primaryang metodo ng pag-iisip, sa kahit anong antas ng pagsisikap, ay pinakamakabuluhan ang pagtingin sa panitikan tungo sa mga sulok kung saan walang nagnais sumilip. Marahil ay magmumula sa mga hindi ginalugad na parteng ito ang kaalamang magbibigay ng isang nakapagpapanibagong pagintindi sa panitikan at sa mundong ginagalawan natin noon, ngayon, at lalong lalo na sa hinaharap.
Sa pagsisikap na ito, maaaring tumungo sa isa sa dalawang landas ang paraan ng pagsusuri ng panitikan—yayabong o mamamatay. Higit na ikabubuti kung ang una ang mangyayari dahil dagdag kontribusyon ito sa mga pangkasalukuyang batis ng kaalamang. Ngunit kung ang ikalawa naman ang mangyari, hindi ito nangangahulugang napunta sa wala ang pagsusumikap sa pagsasakabuluhan tungo sa ibang metodo at pananaw sa panitikan. Ito ay magsisilbing punto ng patuloy na pagpapalinang o punto ng tuluyang paglisan sa landas para sa layuning mas mapalalim at mapalawak ang ating pag-unawa at pag-intindi sa panitikan.
Kyle Gabriel Ranis
Walang pinakamabisa- sino at ano ba ang nagtatakda nito?
Inilatag at inisa-isa ni Rapoport sa kanyang akda ang iba’t ibang uri ng pagsusuri sa panitikan. Ang mga ito ay ang a) Close Reading, b) Content Analysis, c) Application of Critical Approach at d) Social Critique. Mula sa babasahin, malinaw sa akin na ang bawat lenteng naalakay at may kani-kaniyang kakanyahan at katangian. Kaya’t sa tanong kung alin ang pinakamabisa, aking bibigyang diin na hindi maaaring sukatin at ipag-kumpara ang bisa ng mga lenteng nabanggit.
Mababanggit ni Rapoport - “Literary interpretation occurs when critics begin asking questions about what they have observed”. At sa ganitong gana, malinaw sa atin na ang mismong esensya ng obserbasyon ay relatibo, kani-kaniya tayo ng danas sa partikular na panitikan. At mula rito, masasabi na magkakaiba tayo ng sipat sa kung ano ang pinakamatining na aspeto ng panitikan na nangangailangan ng partikular na lente ng suri.
Gamitin nating panitikan ang Php 3 milyon PAGCOR Logo. Sa mata ng isang graphic artist, maaaring close reading ang pinakamabisang lente para sa kanya upang butbutin ang mga teknikal na aspeto ng nasabing logo - pantay ba ang mga linya? Tama ba ang mga kulay? Nagtutugma ba ang mga elemento at maganda ba ito sa kabuuan?
Maaari rin namang gamitin ang content/contextual analysis sa pagtitilad ng nasabing logo sa iba’t ibang konteksto gaya ng kultura, kasaysayan, may banggit/bigat ba ito sa usapin ng kasarian, atbp?
Gayundin, ang Critical Approach ay maaaring gamitin kung makikita ng mambabasa na mayroong tiyak na teoryang aangkop sa pagsusuri ng panitikan. At maaari din namang gamitin ng mambabasa ang Social Criticism kung may motibasyon at nakikitang angkop na mailantad ang sanga-sangang isyung panlipunan (ekonomiya, politika, kultura, kapangyarihan, atbp) na nasa likod ng panitikan.
Layon ko sa pagbanggit ng mga ito ang ipakita na lahat naman ng lenteng nabanggit ni Rapoport ay may kakayahang magbigay ng suri sa panitikan. Nasa kamay at kapasyahan ng mambabasa/manunuri kung ano ang gagamitin. Kung pipili tayo ng pinakamabisa, hindi ba’t pagsunod ito sa ideyal at normatibo? Sa ganoong gana, marapat nating balikan: sino at ano ba ang nagtatakda ng mga ito? Pasibo at sumusunod ba dapat tayo rito?
Sa personal, isa sa mga paborito kong konsepto ang deconstruction ni Derrida. Partikular ang diin niya sa kung paanong ang proseso ang deconstruction ay dapat maunawaan hindi bilang pagbabaliktad ng posisyon (ng superyor at imperyor) ngunit ang paglusaw mismo sa mga binaryo at hati. Sa paglalapat sa usapin, ang sabihing may iisang lenteng pinakamabisa sa pagsusuri ay pagsusog sa mga estrukturang dapat nating binabasag. Sa aking tanaw, hindi dapat pinagtatalunan kung anong lente ng suri ang higit sa isa, kung ano mahina at malakas. Hindi dapat pinagbubunggo-bunggo ang mga ito dahil ang bawat lente ng pagsusuri ay may angking kakanyahan na sa iba’t ibang espisipikong konteksto at pagkakataon ay magpapalitaw ng kani-kaniyang talas sa pagsusuri.
Mas mabisa ba kapag mag-isa?
Ang apat na kasanayan at panukat na tinalakay ni Herman Rapaport sa aming takdang basahin ay hindi maipagkakailang esensyal sa kritikal na pagsuri o pasipat sa iba’t ibang uri ng panitikan dahil binibigyan nito nang mas malalim at malawak na mensahe ang bawat uri ng literarura na nagbibigay halaga sa bawat danas na nakapaloob hindi lamang sa tektso ngunit sa iba pang aspetong bumubuo at nakaapekto sa mensaheng nais ipabatid nito.
Ngunit sa aking pananaw, walang lamang o mas mabisa kumpara sa iba base sa mga naibigay na paraan ng pagsipat ni Rapaport. Marahil hindi lamang dapat nakukulong sa isang uri ng panukat o lente ang pagsipat sa isang panitikan dahil kung magbibigay tayo ng pinakamabisang panukat, may posibilidad na maging dominante ito at maaring malimitahan nito ang ibang aspeto o kakayahan na kayang ibigay o punahin ng ibang paraan ng pagsipat sa pagbasa dahil maaring ito lamang ang bigyang halaga o ayunan ng perspektiba ng mambabasa.
Sa pamamagitan ng Close Reading, mas binibigyang pansin nito ang mga elemento ng pagsulat na siyang nagbibibigay linang sa pagiging panitikan ng isang akda. Tunay ngang mahalaga ito, ngunit minsan din nating binasag sa nakaraang diskurso na walang tunay na pamantayan ang isang panitikan. Hindi natin ito maaring ikahon sa mga elementong basehan ng close reading kaya naman may mga mesaheng hindi mabibigyang linaw kung ito lamang ang gagamitin bilang pansipat ng isang litertura. Masyado rin itong teknikal, hindi sapat upang maipakita ang danas sa loob at labas ng tekstong dinadalumat.
Sa kabilang banda, sa contextual analysis naman, bagaman naitatawid ang kontekstong sosyal, political, at cultural na pinag-uugatan ng panitikan at mas nabibigyang linaw ang danas ng may akda, naiiwan naman nito ang artisikong elemento ng panitikan. Hindi sapat upang tuluyang mangusap at ipadaloy ang hiwagang taglay ng panitikan sa mambabasa.
Samantalang sa pag-analisa naman gamit ang Critical Approach, maaring magluwal ito ng iba’t ibang persperktiba. Hindi lahat ng naglalayong sumipat ay may pantay na kaalaman pagdating sa mga teorya o ideolohiya na kanilang gagamitin sa pansusuri ng mga literturang ito, magkaakroon ng pagkiling sa mga teorya, ideolohiya, at lenteng gagamitin base sa kung anong disiplina ang mas malapit sa danas ng mambabasa o sumisipat sa panitikan.
At ang panghuli, sa pag-analisa gamit ang Social Criticism, bagaman nabibigyan nito ng direktang koneksyon ang tema ng panitikan sa tunay na danas ng lipunan, maari naman nitong nakawin ang laya ng mababasa sa malayang pagsipat sa panitikan dahil ito ay may iminumungkahi na agad na anggulo o gabay ng pagbasa sa teskto.
Sa kabuuan, nais ko lang kilalanin ang tagalay nilang halaga. Sa madaling sabi, ang apat na ito ay maihahalintulad sa isang jigsaw puzzle – bawat isa sa kanila ay mahalaga at may gampaning pinupunan upang makita ang kabuuang mensahe at intensyong nais ipabatid ng literatura. Sa dami ng pagsipat na aking nagawa, naranasan ko ng sumulat na isa lang ang gamit na pansipat at batid kong hindi ito sapat. Kaya naman sa kritikal na pagsusuri, mas mainam na ang apat na ito ay laging magkasamang talakayin upang mas makapagbigay nang mahusay at mabusising pag-aaral sa panitikan, dahil kapag may naiwan na isa, lagi’t laging may butas o kakulangan na makikita.
- Princess Lyka S. Manoto
[GALAM] Walang nangyayari... but if you have the patience malay mo 👀
Bilang isang estudyanteng mahilig magluto, ang unang pumasok sa isip ko upang sagutin ang tanong na "ANO ANG PINAKAMABISANG PARAAN NG PAGSUSURI NG ISANG PANITIKAN?", ay pagluluto. Pagsasaalang-alang sa pagluluto, kinakailangan nating maunawaan at suriin nang mabuti ang bawat sangkap at proseso para masigurado ang masarap resultang makakain natin. Ganoon din ang kailangan sa pagsusuri ng panitikan, kung saan kritikal na isinaalang-alang ang bawat aspeto at detalye ng teksto upang malalimang maunawaan at masagot ang mga tanong natin na maaaring magbunsod mula rito.
Isa sa mga inilapag na paraan ng pagsusuri ng panitikan ng awtor na si Rapoport mula sa basahin ay ang close reading. Inilarawan niya ito bilang pagkakaroon ng "close attention to textual details".
Tulad ng pagluluto, ang "close reading" ay isang matiyagang proseso na nagsasangkot ng masusing pag-aaral at pagsusuri sa bawat aspeto ng teksto. Katulad ng pag-unawa sa mga sangkap at proseso ng pagluluto upang makuha ang masarap na resulta, ang close reading ay nagbibigay-daan sa atin na masilayan ang malalim na kahulugan at layunin ng akda.
Sa pamamagitan ng close reading, nabibigyan nating pansin ang maliliit na detalye ng teksto, mula sa mga salita, pangungusap, simbolismo, at tono ng akda. Sa pamamagitan nito, mas nauunawaan natin ang mga intensyon at mensahe na nais iparating ng may-akda. Gaya ng pagiging kritikal sa mga sangkap at paraan ng pagluluto, ang pagiging maingat sa close reading ay nagpapahintulot sa atin na masilip ang mas malalim na kahulugan ng mga pangyayari at karakter sa akda.
Sa gayon, ang pagluluto at close reading ay magkakatulad sa pagkakaroon ng matiyagang pag-unawa at pagsusuri.
Kaya sa una, kung hindi nagkakaroon ng kahulugan ang mga binabasa mo, baka kailangan mo lang ng pasensya para mag-close reading. Ganoon din sa pagluluto, wala mang nangyayare sa una gaya ng meme ni Juday, pero kung magkakaroon ka ng pasensya maghintay, magbubunga ang niluluto mo at magkakaroon din ito ng "sense".
Lahat ay may bitbit na halaga. Samakatuwid, walang lumulutang na pinakamabisa.
Maaaring maihalintulad ang tunguhing suriin ang isang panitikan sa isang masalimuot na organismo. Kung babalikan ang mga aralin sa agham, binubuo ang isang organismo ng iba't ibang antas na nagmumula sa isang payak na anyo at, sa pagpangkat-pangkat ng mga ito, lumalawak hanggang sa makabuo ng mas komplikado pang mga sistema. Ang mga ito, mula sa batayan hanggang sa mga mas organisadong istraktura, ay may kani-kaniyang gampanin at tungkulin na siyang nagbibigay-buhay sa isang organismo.
Maaaring makita ang pagsuri sa isang panitikan sa ganitong analohiya sapagkat, gaya ng mga antas ng pagkakabuo ng isang organismo, ang mga inilatag ni Rapaport na kritikal at primaryang pamamaraan ay may kani-kaniyang bigat at halaga sa tunguhing masinsinang masuri ang panitikan. Sa isang organismo, hindi ito makararating sa kaniyang kaganapan kung wala ang mga atomo. Ganito rin ang kaso sa pagsusuri. Sa aking palagay, hindi makakamit ang tunay na pagkilatis ng isang panitikan kung hindi mabibigyang-pansin ang mga batayang elementong bumubuo rito at ganoon din naman kung makukulong lamang ang isa sa pagsuri nito kaugnay ang mga panlabas na salik. Dahil dito, hindi masasabi na mas matimbang ang isa, halimbawa ang masinsinang pagbasa kaysa sa kontekstuwal na porma nito, dahil ang lahat ng ito, mula sa dalawang unang nabanggit hanggang sa paglapat ng teorya at social criticism, ay nagluluwal ng iba't ibang ideya na kung pagsasamahin, paghahambingin, o pagbabanggain man ay maaaring magpaanak pa ng mga tema at bagong pagtingin na siya namang makatutulong sa pagdating sa isang makabuluhang pagbasa sa isang panitikan.
Walang iisang pinakamabisang paraan. [Dela Cueva, Roni]
Sa babasahin, maraming nabanggit si Rapoport na paraan sa pagsusuri ng isang panitikan: comprehension, interpretation, close reading, contextual analysis, at social criticism. Sa mga nabanggit, makikita na iba’t-ibang aspeto ng panitikan ang mahalagang suriin at ang mga ito ay maaari makapagbigay ng iba-iba ring kahulugan. Ilan sa mga ito ay: pagkakaayos o pagkakasunod-sunod, literal na kahulugan, tagpuan, kilos, kasangkapang pasalaysay, at tema. Ang mga literal na detalye ay sinusuri rin para sa mga posibleng interpretasyon. Ang mga maliliit na detalye ay mahalagang suriin upang matukoy kung bakit nakalahad ang mga ito sa paraang ginawa ng may akda. Mahalaga ring makita at maunawaan ang mga isyu o problema at makapagbigay ng hypotheses. Malaki ring ang papel ng konteksto sa pagtukoy ng mga kahulugan ng koneksyon ng mga elemento na matatagpuan sa loob ng isang akda. Bukod pa rito, ang konteksto ay nagtutukoy na nagbabago ang kahulugan sa paglipas ng panahon. Huli, posible ring naisulat ang isang akda upang patunayan ang isang teorya.
Sa aking palagay, walang iisang pinakamabisang paraan sa pagsusuri ng panitikan. Para sa akin, ang tumutukoy nito ay ang pangangailangan ng mambabasa o kritiko. Ukol sa contextual analysis, sinabi ni Rapoport, “it is based on the construction of contexts that may be highly selective and conveniently managed to yield the results for which the researcher is looking.” Sa tingin ko, ang ganitong palagay ay angkop sa lahat ng paraan ng pagsusuri na kanyang nabanggit. Gaano man kabusisi ang isang method ay may posibilidad pa rin itong magamit sa suhetibong paraan, para masagot ang anumang tanong o matugunan ang anumang layunin ng sinomang mambabasa. Bilang isang mag-aaral ng speech communication, napansin ko sa dami ng rhetorical analysis na aming nabasa at ginawa, parte na ng pagbabasa at pagbibigay kahulugan sa panitikan ang aspetong personalidad, mga paniniwala, at mga karanasan ng mambabasa. Kung sa pang araw-araw naman, mapapansing hindi bihirang suriin ng mga mambabasa ang isang panitikan ayon sa kanilang mga paniniwala o gustong paniwalaan.
Bilang panitikan, umani ng samu’t-saring reaksyon, pagtanggap, at interpretasyon ang nakaraang SONA ni Marcos Jr. May kabi-kabilang protestang nagbibitbit ng panawagan para sa kapakanan ng mga kabataan, babae, manggagawa, IPs, at para sa hustisya sa kabila ng napakaraming kaso ng human rights violation. May mga tagasuportang tumungo rin ng lansangan upang ipahatid ang kanilang suporta para kay Marcos Jr. Sa kabilang dako, may mga pulis rin nakitang nagvivideoke sa lansangan kasabay ng mga nagpoprotesta. May mga mamamayan ring walang pakialam sa SONA sa palagay na hindi naman ito tungkol o para sa kanila.
Sa kabuuan, matutukoy ang pinakamabisang paraan sa pagsusuri ng panitikan sa pagtukoy ng layunin o pangangailangan, sadya man ito o hindi. Malaking parte ng panitikan ang personalidad, mga paniniwala, at mga karanasan ng mambabasa. Sa pang araw-araw, aking nasaksihan lalo na sa ganitong klima sa politika, na ang nakikita ng mambabasa ay ang gusto niyang paniwalaan. Ang kanilang interpretasyon ay sumasalamin sa kanilang paniniwala at karanasan. Sa tingin ko, ito ay aspetong kailangang pahalagahan hindi lang sa paglikha ng panitikan, kundi pati na rin sa pagsusuri nito.
[Dela Cueva, Roni]
Ang pagtuklas ng bawat anggulo ay maaaring magdala ng kaliwanagan, o minsa'y pighati...
Kapag ang isang tao ay walang humpay na nililinlang at pinagsasamantalahan, darating ang araw na mahahasa ang kanyang mga kakayahan at karampatang galing upang hindi na muli mangyari ang mga hindi kanais-nais na kaganapan. Kung nagtataka kayo kung ano ang kinalaman ng bidang detektib na si Detective Conan, ito ay marahil ihinahalintulad ko ang pagsusuri ng isang panitikan sa pinaka-mapait na naging karanasan ko kamakailan lamang.
Nabansagan akong Detective Conan ng taong minahal, pinagkatiwalaan, at nandurog ng buong pagkatao ko. Kaya niyo pa ba ang mala-MMK kong hugot? Hahaha. Ang bawat akda ay may kanya-kanyang talinhaga at tinatagong mas malalim na kahulugan. Nakasalalay sa mambabasa o tagasuri ang masinsinang pagbutingting sa nilalaman ng isang uri ng panitikan upang matiyak na lahat ng anggulo ay naisaalang-alang upang maibigay ang hatol o pinal na obserbasyon ng manunuri. Kung kaya’t payong kaibigan lamang, hindi lang sa panitikan dapat maging maselan at maingat sa pagsusuri, kundi pagdating na rin sa pag-ibig. Gaya ng panitikan, marami ring nakatagong sikreto at talinhaga sa bawat taong papasok sa buhay natin. Datapwat, lahat naman ng paraan sa pagsusuri na nailatag ni Rapaport ay mabisa hangga’t dumaan ito sa paulit-ulit at pabalik-balik na pagsusuri ng lahat ng anggulo upang lahat ng talinhaga ay matukoy.
Ipagpatuloy natin ang pagiging Detective Conan hindi lamang sa pagsusuri sa larangan ng panitikan, kundi sa tunay na buhay din.
'Di mo sureeee
Katulad na lamang ng isang kanta, marami ang maaaring paraan para kunin ang interpretasyon ng isang panitikan. Mapapa-"'di mo sure" ka nalang dahil ang isang paraan ay mabisa sa isa, habang ito naman ay hindi angkop para sa kabila. Magkakaiba rin ang mga kontekstong pinagmumulan ng bawat indibidwal na magiging iba rin ang atake ng pagsusuri ng isang panitikan. May mga pagkakataon ding sumasanib ang isang paraan sa isa pang paraan nang hindi namamalayan ng mambabasa.
Ang isang history major ay magkakaroon ng ibang atake sa isang pharmacy major dahil sa contextual analysis na mangyayari dahil sa kanilang karanasan sa kanilang "field of work." Ang isang mayaman ay magkakaroon ng ibang pananaw sa isang panitikan kaysa sa isang middle-class dahil iba ang ginagalawan nilang realidad.
Camille Julianne Olayvar
"But, who are we to judge?"
Habang binabasa ang reading sa linggong ito, hindi ko maiwasang maalala at iugnay ito sa naging aralin namin sa isa sa mga major course na kinuha ko nitong nakaraang semestre lamang— ang FIL 128. Itong kursong ito ay may pamagat na “Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Lipunan” at isa sa naging highlight na naturang kurso ay ang pag-aaral namin ng iba’t ibang mga konsepto at teorya na pagpapaliwanag sa ugnayan ng wika at lipunan.
Isa sa mga konseptong aming natalakay ang iyong Critical Discourse Analysis. Sa lapit na ito, mayroong ipinakilalang model si Michael Fairclough at ito ay: Textual Analysis > Discursive Practice > Social Practice. Ito ay isang modelong ipinakilala ni Fairclough upang maging gabay sa pagsusuri o pag-aaral ng mga akda. Ang unang hakbang na ginagawa ay ang Textual Analysis kung saan lubos na binibigyang-pansin ang mga teknikal at istruktural na aspeto ng akda. Pangalawa, titignan naman ang Discursive Practice kung saan nakapaloob dito kung saan at paano naipalaganap ang akda. Panghuli ay ang Social Practice kung saan tinitignan naman socio-cultural background ng naturang akda.
Maiuugnay ko ang mga ito sa apat na lapit na ipinakilala ni Rapoport kaugnay ng pagsusuri ng panitikan. Batid ko pagkakatulad ng modelo ni Fairclough na textual analysis > discursive practice > social practice at ang apat na lapit ni Rapaport na “close reading”, “contextual analysis”, “critical approach” at “social criticism”. Ito ang aking naging oberbasyon hinggil dito:
Ang textual analysis ay maaaring maihahalintulad sa close reading. Ang dalawang ito ay parehong nakatuon sa sa teks lamang. Higit na binibigyang pansin nito ang teksto—ano ang mga ginamit na salita; paano binuo ang mga parirala at pangungusap; at maging ang organisasyon ng mga ito. Para sa akin, ang close reading na paraan ng panunuri ay medyo mababaw kung ikukumpara sa iba. Kung ihahambing sa modelo ni Fairclough, ito ay parang unang hakbang pa lamang sa pagsusuri.
Samantala, ang discursive practice naman ay maaaring maiugnay sa contextual analysis ni Rapoport kung saan may pagtingin na panlabas na lente. Ibig sabihin, hindi na lamang ito nakabase sa mismong teksto kung hindi isinasaalang alang na nito ang konteksto. Mayroon na rin itong pagsukat ng bigat sa iba’t ibang isyung panlipunan, kultural man o kasaysayan.
Bilang panghuli, nais kong pagsamahin ang dalawang huling lapit na ipinakilala ni Rapoport—ang critical approach at social criticism. Ipinaliwanag ni Rapaport na sa critical approach ay mayroong paggamit ng teorya naaangkop sa pagsusuri, samantala, sa social criticism naman ay ang lapit na makikitaan na ng paglapat sa reyalidad. Ang dalawang nahuli ay maaari kong maiugnay sa huling hakbang na itinuturing ni Fairclough sa pagsusuri ng teksto—ang social practice.
Matagal kong pinagnilayan ang timabang ng bawat nabanggit na paraan ng pagsusuri ng panitikan. Sa huli, ang tangi kong napagtanto ay, “Who are we to judge?” Katulad ng model ni Fairclough ang bawat isa ay mahalaga sa pag-aaral ng teksto. Hindi maaaring lumaktaw mula sa textual analysis papuntang social practice; hindi rin naman maaaring suriin ang teksto tungo agad sa social practice at hindi pinagdaanan ang textual analysis. Sa madaling sabi, ganito rin ang mga lapit sa pagsusuri ng mga panitikan. Ang lahat ay may kanya-kanyang esensya—pare-pareho itong mahalaga at mabisa.
Maaari ko rin masabi na ang magiging bisa ng lapit ay nakadepende sa mga pagkakataon. Ito ang mga posibilidad na makakapagpapasiya sa bigat ng halaga nito bilang lapit: (1) sino ang nagsusuri; (2) ano ang panitikang sinusuri; (3) ano ang layunin ng pagsusuri; (4) sa paanong paraan ito gustong suriin ng mambabasa. Samakatuwid, ito ang mga salik na dapat isaalang-alang kaya who are we to judge kung ano ang pinakamabisang paraan ng pagsipat ng panitikan?