FIL102 Marciano by joriz saramines

DUGTUNGAN
Dugtungan ng limang pangungusap o higit pa ang nasa template o gabay/hulwaran sa ibaba. Magsalaysay ng isang karanasan o pangyayari sa iyong buhay. Sundan ang hulwaran.

Hulwaran:

Hindi ko ginusto ito.

Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

Ang ibabahaging karanasan ay may kaugnayan sa aral na: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

Hindi kinakailangang ilagay ang iyong buong pangalan.

Cutie patotie
Hindi ko ginusto ito. Takot ako sa recitation. Sa bawat klase na meron ako, natatakot na ako dahil baka ako ay tawagin upang magsalita sa harap ng klase. Hindi naman kasi ako ganon kahusay sa pagsasalita sa harap ng maraming tao. Natatakot ako na baka mabulol ako sa harapan at mapagtawanan ako. Natatakot rin ako na baka naman mali ang mai-isagot ko at mapahiya ako sa harap ng buong klase.

Kaya ginagawa ko ang lahat para makaiwas sa pag-sagot sa harapan. Tulad ng hindi pagtaas ng aking kamay tuwing naghahanap ang guro ko ng volunteer para sumagot at minsan kung ako ay tawagin pabiro ko sinasabi na "absent po".

Nung unang natawag ako sa recitation, halata ang kaba sa boses ko at nagmamadali ako mag-salita upang matapos na agad ito. Pagkatapos kong sumagot, nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko at kabado dahil baka mamaya mali ang sagot ko.

Ngunit, sa halip nito napagtanto ko na kailangan ko harapin ang aking mga kaba upang magtagumpay sa akademiko at para mangyari ito, kailangan ko maging handa sa bawat klase upang magkaroon ng tiwala sa aking sarili.

Kaya sa susunod na mga pagkakataon na matawag ako inuunahan ko na ang sarili ko na huwag matakot.  Iniisip ko na ito ang pagkakataon ko na ma-practice ang sumagot sa harap at mas lumakas ang loob ko. Sa ganitong paraan, napagtanto ko na ang bawat pagkakataon na sumasalang ako sa recitation ay isang oportunidad upang matuto.

Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

mas magaling kay cali💪🏽
Hindi ko ginusto ito. Kabaliktaran sana ang nais kong mangyari pero ito ang binigay ng Diyos. Sinubukan kong mag audition sa Philippine High School for the Arts noong ako ay Grade 6. Ballet class ang pinili kong salihan. Bago iyon, ako ay nag eenroll sa mga ballet class tuwing bakasyon. Masasabi ko na may potensyal naman ako. Matapos ang audition, napagtanto ko na hindi pa pala sapat ang aking kaalaman. Hindi ako nakapasok sa next round. Bagama’t ako ay nalungkot, hindi naman ako nawalan ng pag-asa. Ginawa ko itong karanasan na leksyon sa akin. Tulad nga ng palaging paalala ng aking nanay, ang mahalaga ay aking sinubukan. Sa ngayon, patuloy akong sumusubok sa mga gusto kong gawin kahit alam ko na hindi pa ako ganun kagaling. Dito ako makakakuha ng mga eksperyensya upang gumaling sa gawain na iyon. Ang aral ay huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

Aguilar
Hindi ko ginusto ito.

Nung una, hindi talaga ako kumpyansa sa sarili ko pagdating sa pagsasayaw, pero nung naisip ko na huwag matakot subukan, sumali ako sa dance team. Sobrang kinakabahan ako, pero natutunan ko na importante ang pagtanggap ng mga bagong pagsubok. Sa bawat ensayo, unti-unti kong natutunan ang mga steps at mas lumakas ang loob ko. Hindi ko akalain na magiging masaya pala ako sa pagsasayaw at sa pagiging parte ng dance team.

Sa bawat performance namin, ramdam ko yung excitement at saya na hatid ng pagsasayaw. Natutunan ko na ang pagsasayaw ay hindi lang tungkol sa pagiging magaling, kundi pati na rin sa teamwork at pagtutulungan. Sa bawat galaw, nakikita ko ang halaga ng pagkakaisa at pagtutulungan sa buong team. Hindi lang ako nagiging mas magaling sa pagsasayaw, kundi mas naiintindihan ko rin ang halaga ng samahan at pagtitiwala sa isa't isa.

Kahit na may mga pagkakamali at mga pagsubok, natutunan ko na mahalaga ang pagtitiwala sa sarili at sa kapwa dancers ko. Sa bawat pag eensayo, mas lumalim ang aming samahan at mas nagiging komportable kami sa isa't isa. Hindi lang kami nagiging magkasama sa pagsasayaw, kundi pati na rin sa pagtulong at pagsuporta sa bawat isa. Ang dance team ay naging hindi lang grupo ng mga mananayaw, kundi pamilya na nagtutulungan at nagmamahalan.

Sa huli, sa bawat tagumpay at pag-unlad na nararanasan namin sa dance team, mas naiintindihan ko na ang pagtanggap ng hamon at pagiging bukas sa mga bagong karanasan ay mahalaga sa pag-unlad ng sarili. Ang dance team ay nagturo sa akin ng disiplina, determinasyon, at pagmamahal sa pagsasayaw.

shin
Hindi ko ginusto ito. Noong elementarya, ako ay nagsisimula pa lamang sa taekwondo at nabigyan ng pagkakataon na sumali sa kompetisyon kahit na ako’y baguhan pa lang. Pili lamang ang mga pupunta sa kompetisyon kaya naman laking gulat ko na ako ay nakasali. Natatakot ako, pero minsan lang ang pagkakataon na ito. Kaya naman sinulit ko ang pagkakataon at nagsikap ako upang manalo ng gintong medalya. Ako ay natalo at nakakuha lamang ng pilak (silver) na medalya. Hindi ko ginusto ang mga resulta dahil alam ko sa sarili ko na kahit bago palang ako at hindi magaling, nagsikap at pinaghandaan ko ito ngunit natalo parin. Hindi naging madali ang laban ngunit napagtanto ko na pinaghandaan din ito ng aking kalaban kaya siya ay nanalo. Dahil sa karanasan na ito, natutunan ko na bumangon muli at magsikap pa upang gumaling at manalo dahil nagsisimula pa lamang ako at madami pa akong pagbubutihin. Mula noon, nagkaroon din ako ng kaibigan/karibal at nagawa ko din siyang matalo sa ibang kompetisyon. :))

Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

Hindi ko ginusto maging estudyanteng Lasalyano. Sa pagpasok ko sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute, naramdaman ko ang pag-aalinlangan maging isang estudyante ng De La Salle.  Sa unang pag-enroll ko pa lamang, nakaramdam agad ako ng kaba. Hindi ko alam kung ano ang mga mararanasan ko at ugali ng mga makakasama kong tao. Sapat nga ba ang galing ko upang maging estudyante dito? Maraming tanong ang pumasok sa isipan ko tulad ng "Sapat ba ako?", "Ano kaya ang ugali ng mga kapwa ko estudyante dito?", "Paano kung hindi ko sila makasundo?" at marami pang iba. Gayunpaman, pinili ko pa rin ang pagpasok sa Senior High School sa institusyon na ito at hindi ako nagkamali. Ang mga nakilala ko at naranasan ko ay naging malaking bahagi na ng aking buhay. Kaya naman, lubos ang aking pagpapasalamat na hindi ako nagpadala sa mga negatibong kaisipan na iyon at tinahak ko ang landas ng pagiging isang Lasalyano.

Ang aral ay: Huwag matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

baby boo ni jazmine
Hindi ko ginusto ito. Sa murang edad pa lamang ay lumisan na ang aking ina upang mangibambansa. Ilang beses din siyang nagpabalik-balik doon at sa tuwing uuwi siya ay wala akong pinapalampas na pagkakataon upang kumbinsihin siyang manatili na lamang. Dahil sa maraming rason maliban sa pera, mas ninanais ng aking ina na sa ibang bansa magtrabaho. Palagi ring wala ang aking ama dahil sa malayo siya nagtatrabaho at minsan lang umuwi. Palagi kong iniisip na sana ay palagi na lang silang nasa aking tabi upang gabayan ko. Hindi ko kailanman naisip na lalaki akong hindi sila araw-araw nakikita.

Habang mas lumalaki at tumatanda, sumasagi pa rin sa aking isipan ang mga pagkakataon na lagi kaming magkakasama at lagi silang nariyan upang gawin ang mga bagay para sa akin. Ngunit hindi na ito kagaya ng dati. Ngayon, nakakayanan kong alagaan ang aking sarili nang hindi dumedepende sa iba. Mas nasanay na rin ako na mag-isa kaysa napapalibutan ng maraming tao. Maraming oras ang ginugugol ko sa pag-iisa at gayunpaman, masaya at kuntento ako.

Hindi ko ginustong lumaki nang gano'n. Hindi ko kailanman hiniling na maging mag-isa. Ngunit malaki ang pagpapasalamat ko sa Diyos dahil alam kong ang landas na ito ang napili niya sa akin. Nararamdaman at nakikita ko ang suporta at pagmamahal ng aking mga magulang, pamilya, at mga kaibigan para sa akin. Pero sa tingin ko ay buo ako ngayon dahil sa pagmamahal na meron ako para sa aking sarili. Mas nakakapag-isip ako nang maayos kapag mag-isa, mas na-oorganisa ko nang maayos ang ideya sa isip ko kapag mag-isa, at mas naiintindihan ko ang sarili ko sa tuwing ako'y napag-iisa. Hindi hadlang ang kagustuhan kong mapag-isa sa mga mahahalagang bagay sa buhay tulad ng pakikihalubilo sa iba at malayang paghahayag ng sariling mga saloobin. Hinubog ako ng panahon upang maging malakas at tumayo sa sarili kong mga paa, at alam kong malaki ang maitutulong nito sa akin sa susunod pang mga panahon. Hindi ko ito ginusto, ngunit ito ang nagpatibay sa kung sino ako. Hindi ko man akalaing malalagpasan ko ito, masaya ako sapagkat ito ako at ito ang kalakasan ko.

Ang aral ay: Huwag matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

Nonchalant ᕙ(`▿´)ᕗ
Hindi ko ginusto ito. Tamad kasi ako, at madalang lamang ako noon mag ehersisyo. Ngunit bilang pagsuporta sa aking nanay sumama kami ng aking mga kapatid sa kaniyang unang hike. Bilang baguhan pa lamang, hindi ko inaasahang magiging madali ang pag-akyat ng pangalawang bundok at tama nga ang aking hula. Tagaktak ang aming pawis at naghihingalo na si mama at sina ate. Ang naging motibasyon na lang namin ay ang tindang halo-halo sa tuktok ng bundok dahil sa gutom. Ilang beses ako natalisod noon at grabe ang aking pagkatakot lalo na't isang maling apak lamang ay bangin na. Buti na lamang at ibang klase ang tanawin sa taas ng bundok, hindi maihahambing sa mga larawan ang ganda nito sa totoong buhay.

Pagkatapos mag halo-halo, naghanda na kami sa pababa. Triple ang hirap nito kung ikukumpara sa pagakyat. Mas maraming talisod ang aking natamo noon muntik pa akong mag derederetso sa bangin dahil sa dulas ng lupa. Lalo na't hindi makapit ang suot naming sapatos, kulang ang gamit at hindi pa sanay. Namulot lamang kami ng kahoy at nagdasal na hindi gumulong pababa.  Kahit napipilitan at di inaasahan natapos namin ang pagaakyat,  imbis na mahiya natawa nalamang ako sa mga pinaggagawa ko. Patuloy kong babalikan ang pangyayari na iyon at tatawanan sa hinaharap, gagawin ko itong motibasyon upang mapagbuti ang aking skills sa hiking. Dahil sa pagyayaring iyon nabawasan din ang aking takot, mas naging maingat ako, at mas nahikayat ako na gawin ito muli at magehersisyo.

Ang aral ay:

Huwag matakot na hindi maging magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

Gayoso
Hindi ko ito ginusto, ngunit napilitan akong sumali sa isang public speaking competition sa paaralan namin noong ako'y elementarya pa. Sa simula, sobrang nerbiyos at kaba ang nararamdaman ko dahil hindi ako gaanong kumpiyansa sa aking kakayahan sa harap ng maraming tao. Ngunit nagpagpasya 'kong tanggapin ang pagkakataon at subukan ang aking best. Sa bawat practice at paghahanda ko, unti-unti kong narealize na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasa pagkapanalo, kundi sa aking aral na natutunan tulad ng pagiging confident sa harap ng maraming tao. noong araw ng kompetisyon, kahit hindi ako ang nanalo, natutunan ko na ang mahalaga ay ang pagharap sa mga hamon na hinaharap sa akin ng buhay na ito. Doon ko natuklasan na ang aral ay hindi lamang tungkol sa pagka panalo, kundi sa pagiging matatag at pagtanggap sa aking sariling kakulangan.

007
Hindi ko ginusto ito. Noong labintatlong gulang palang ako hindi talaga ako mahilig makihalubilo sa mga tao, kaya ako ay mapag-isa ito man ay sa paaralan o sa mga family gathering. Kaya minsan hindi ako nasasama sa mga galaan ng mga kaklase o sa mga parehong kaedaran na mga pinsan ko gayunpaman ito’y ninanais ko rin sapagkat gusto ko ng katahimikan.

Pero ang pananaw na ito ay nagbago ng patapos na ang lockdown at magsisimula na ang mga onsite classes nagpasya ako na dapat sa taong iyon at sa mga susunod na taon ay dapat ako’y makihalubilo at makipagkaibigan sa mga tao at gumawa ng paraan para maipatibay ito sa pamamaraan ng pagrerespeto sa bawat-isa at maiayos rin ang aking relasyon sa aking mga kamag-anak.

Ang aral ay: hindi na dapat ako masanay mag-isa dahil ang pakikihalubilo ko sa mga tao ay naging magandang kinalabasan dahil na rin marami na akong mga kaibigan at naitibay ko na rin ang aking relasyon sa mga kamag-anak ko.

washing machine
Hindi ko ito ginusto. Hanggang dito nalang ba ako? Tatayo at 'di gagalaw? Noong grade 6 ay napasali ako sa pagtatanghal sa larangan ng "Balagtasan" sa panahong ito'y natatakot ako, sa kompetisyong ito ay nangangailangan ng malakas at malalim sa boses para sa kompetisyon. Hindi ko ginusto ito... Ang aking boses ay mahina at matining, walang intidiminasyon at lakas... Ano na ang gagawin ko?

Sa panonood ko sa aking mga kompetisyon ay sila'y may karanasan at kagalingan sa larangan na ito, 'di man sigurado ay sinubukan ko. Araw-araw kong binigay ang aking lahat at umiinom ng mga spesipikong gamot para hindi masira ang aking boses.

Sa panahon ng kompetisyon ay pumunta na kami sa lugar ng kompetisyon, naroon ako kasama ang aking dalawang kaibigan na ang lakandiwa at aking matalik na kaibigan-kalaban. Sa panahong iyon ay dala ko ang pangalan ng aking paaralan. Sa aming oras ay binigay ko ang aking lahat, boses ay binabalutan ang buong covered court at tenga ng mga manononood. Sa huli ay kami ang nag-wagi. Tunay na kasiyahan ang aking naramdaman, hindi naman pala masamang subukan anf bagong bagay 'di ba? Lumipad at hanapin mo ang nararapat para sa iyo. Kung kailan natatakot ka tumalon ay ang nararapat na panahon para tumalon. Ang aral ay huwang matakot na hindi maging magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

Hindi ko ginusto ito. Ako ay nababahala sa aming pananaliksik. Sa tingin ko ay hindi sapat ang aking kaalaman para sa mas seryosong pananaliksik sa institusyong ito. Kami ay pinagagawa lamang ng Science Investigatory Project sa aming paaralan dati kaya't may mga bahagi ng pananaliksik na hindi ako pamilyar. Labis ang pagkagaan ng aking loob noong malaman ko na ito ay pangkatan at bawat pangkat ay mamimili ng aming adviser. Nakatulong din ang mas malinaw na pagtatalakay ukol sa pananaliksik sa aming Practical Research at karagdagang kaalaman mula sa aming adviser. Sa tulong ng gabay ng aming adviser at karanasan noong unang semester ay napagtanto naming huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam. Ito ay nagbigay aral na ayos lang na aminin ang aming mga limitasyon at tumanggap ng mga kaalaman at opinyon na makakatulong sa amin. Sa gayon ay mas mahasa namin ang mga bagay na hindi pa sapat ang aming abilidad.

Hi ma’am 😁

Borlongan
hindi ko ginusto ito

Noong bata pa ako, lagi akong tinutukso ng nanay ko na subukan ang iba't ibang sport, ngunit palagi akong natatskot sumali. Ang takot na masugatan, pagtawanan, at laging matalo ang nagpapatakot sa akin sa larangan ng sports. Ngunit nagbago ang lahat noong umabot ako sa grade 10 at nakita kong marami sa aking mga kaibigan ang sumasali sa klub ng taekwondo. Dahil sa kanilang tiyaga, nagising ang interes ko at nagpasiya akong subukan ito. Nahirapan ako sa mga unang linggo sa taekwondo. Hindi ko mahanap ang aking lugar at hindi ko masyadong naenjoy tulad ng inaasahan ko dahil hindi naman ako ‘flexible’ na tao para sumali dito. Ngunit habang nagtitiyaga ako at patuloy na sumasali sa mga klase, unti-unti akong nagbago ng isip. Nagsimula akong magpahalaga sa disiplina, samahan, at ang pakiramdam ng tagumpay na dala ng bawat pagsasanay. Sa pamamagitan ng taekwondo, nakuha ko ang importante na aral : hindi lang tungkol sa pagwawagi o pagkatalo ang sports; ito ay tungkol sa pagtanggap sa paglalakbay, pagpapalawak ng iyong mga limitasyon, at paghahanap ng kasiyahan sa proseso dahil natuwa ako na baway session may bago kaming aaralin. Tinuruan ako ng taekwondo ng mahahalagang aral sa buhay, mula sa pagiging matatag at pag-kontrol sa sarili hanggang sa pagiging maawain at  sa taekwondo. Sa Magandang karanasang ito, natutunan ko ang kahalagahan ng pagharap sa aking mga takot at paglakbay sa mga bagong daan. Ang taekwondo ay naging higit pa sa isang sport para sa akin; ito ay naging isang pinagmumulan ng personal na pag-unlad at pagpapalakas ng loob.

Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

Panda
Hindi ko ginusto ito.

Sa bawat pag patak ng araw ito ay laging may kasamang pag subok na hindi natin inaasahan. Katulad ng pagdalaw ng pagsubok sa aking mental health. Ito ay sobrang nakasagabal sa aking pang araw araw na buhay. Hindi ako nakakakilos ng maayos, hindi maka focus, hindi makakain, at hindi maayos ang pagtulog. Madalas akong nag iisip kung bakit ba ako nagkakaganito, na lagi na lang akong nakakasagabal sa buhay ng ibang tao. Lagi kong naiisip na hindi ko na kaya, ayoko na. Dumating ako sa punto na wag na lanh magpatuloy na mabuhay dahil puro pabigat na lamang ang dala ko sa lahat ng tao.

Nagunit dumating ang panahon na tinanggap ko na lang ang mga pagsubok sa aking mental health at kinakaya ko pa naman hanggang sa ngayon. Lumawak ang aking pag iisip na hindi ako nag iisang ganito sa mundong ito. At mananatili akong lalaban hanggat kaya ko.

ci
Hindi ko ginusto ito. Mula pa noong ako ay nasa elementarya pa lamang ay palagi akong may pagkilala at mga parangal. Talagang masipag ako sa pag gawa ng mga gawain at mahilig ako mag aral ng aralin na itinuturo sa paaralan. Subalit simula noong tumungtong ako ng Senior High School ay tila nawalan ako ng gana sa pag aaral, kahit anong subok at pagpupursige ko ay hindi ko talaga maibalik ang dating ako. Dumating pa sa punto na ninais ko na itigil na lamang sana ang lahat sa takot na baka ma dismaya ang aking mga magulang sa oras na malaman nila na hindi na ako katulad ng dati na masipag at matalino sa pag aaral. Gayunpaman ay napagtanto ko naman na may punto rin sa buhay na hindi lahat ng bagay ay kailangan ko maging mahusay at basta't naiintindihan naman ito ng aking magulang ay sapat na, na ako ay sumusubok at pinag iigihan ko ang mga bagay na ito. Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

naomi
Hindi ko ginusto ito. Sa unang araw sa bagong eskwelahan, nadama ko ang kaba at nerbiyos habang lumalapit sa pintuan ng silid-aralan.

Sa loob, napansin ko ang mga kaibahan mula sa dating paaralan. Bagong mukha, bagong guro, at mga bagay na hindi ko pa lubos na nauunawaan.

Ngunit sa paglipas ng mga araw, natutunan kong tanggapin ang mga bagong hamon. Hindi ko alam ang lahat, ngunit handa akong matuto at maunawaang lubos ito.

Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

miss hulaan niyo po cno aq

Hindi ko ginusto ito, Laking kinatuwa ko dahil hindi ko ito inasahan, pagkalipas ng panahon ng lockdown ay nasanay ako sa bertwal na pamamaraan ng pag aaral, ako’y naging komportable dahil pribado ang pamamaraan ng pagsasagot at hindi maaring malaman ng iba, kinakatakutan ko na sa pagdating ng susunod na taong panururan ay malagay ako sa sitwasyon na hindi ko ninanais kung saan mali ang aking maisagot, ngunit nang dumating ang unang araw ng kapasukan ay kinatuwa ko nang malaman na hindi lang ako ang nakakaranas ng ganoong pakiramdam, lumuwag ang aking dibdib nang malaman na marami rin ang katulad ko. Ang aral ay: Huwag matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

Hindi ko ginusto ito. Kailanman hindi ako naging sigurado sa mga hakbang na aking tatahakin sa buhay. Hindi ko inakala na sa isang health science institute ako  makakapasok upang mag senior high school. Wala akong malaking hilig patungkol sa mga agham o health care tulad ng aking mga nakasabayan sa klase. Dahil sa rason na yon madaling pumasok sa isip ko na hindi ito ang landas na para sa akin at hindi ko ito kakayanin. Ngunit sa kabila ng pagdududa sa sarili malapit na akong makatapos ng aking baitang 11 ng wala pang paksa na nababagsak. Imbis na padududa at takot sinusubukan kong manatiling postibo at matatag, susubukan ko ng maigi na hindi sumuko at hindi mawala ang aking sarili sa proseso ng pagtatapos ng senior high school sa paaralan na ito. Sa pag gagawa ng mga iyon malaki ang pagkakataon na kakayanin ko ang mga pagsubok na dadating. Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

Non showbiz girlfriend ni Jeon Wonwoo
Hindi ko ginusto ito.

Hindi ko ginustong mag aral sa paaralan na ito dahil alam kong mahirap makapasok, mas pokus ang paraalanan na ito sa mga agham at tungkol sa mga healthcare. Pero wala na akong Pagpipilian na kundi itong paaralan na ito at nakapasa naman ako sa eskwelahan na ito. Nung bata pa lamang ako, pangarap ko na maging pedyatrisyan dahil binigyan ako ng inspirasyon ng aking doktor sa UMC. Nung nasa ika-limang grado na ako, gusto ko naman maging pharmacist dahil sa pinsan ko. Mas ginusto ko ang pharmacist dahil ayokong mag aral ng sampung taon.

Nung unang sem, pangalawang term, napaisip ako na "baka hindi ko kayanin itong pagpapatuloy ko na maging pharmacist" dahil sa mga pag iisip ko na puro negatibo, at doon ko naisip na "gusto kong ipagpatuloy ang pag gawa ng mga pelikula o pag gawa ng mga kwento galing sa mga imahinasyon ko. At kung hindi ko man ipagpatuloy itong pag pelikula, alam kong tama itong patutunguhan itong kurso na pipiliin ko sa kolehiyo. Masaya naman ako sa buhay medical school ko dahil nakilala ko ang mga kaibigan ko at alam kong suportado ang pamilya ko sa pag aaral ko ngayon.

Aral: Mahalaga ang pagkilala sa ating sariling pangarap at pagtahak sa landas ng kasiyahan, kahit hindi ito ang unang pinili, ngunit natuklasan ko ang tunay na interes at suportado ako ng pamilya at mga kaibigan sa aking buhay medikal.

Henry Sy
Hindi ko ginusto ito. Pagiging isang magaling na indibidwal ang aking hiling nung simula bata pa ako. Kinukumbinsi ko ang aking sarili na sapat na ako, ngunit humanap parin ako ng iba’t ibang extracurricular na gawin upang maabot ko ang aking pinakamataas na potensyal. Dito, nalaman ko ang pag lalangoy. Nag dududa ako sa sarili ko kung kaya ko ba talaga lumangoy bilang isang babaeng maliit at payat. Masasabi kong takot ako sa tubig sa kung gaano ito kalalim, gaano ka lamig o init, at higit sa lahat, kung malulunod ako. Mas lalo pa akong nanduda nang nakita ko na may ibang mga manlalangoy na ka edad ko na mas magaling saakin. Nawalan ako ng gana sa paglalangoy, kung saan muntik pa akong sumuko. “Siguro hindi na talaga ako magaling kaya masyadong mahina ako, siguro hindi magugustuhan ng aking pamilya na hindi ako magaling sa isang bagay, siguro pag tatawanan lang nila ako dahil pangit ang aking langoy” sabi ng aking sarili. Sapagkat, kahit nag dududa ako, hindi ako sumuko. Wala akong pake sa mga tauhan na nanlalait saakin. Pinursigi ko ang aking sarili at nilaksan ko ang aking loob. Hangga’t ako ay mas lumakas sa pag lalangoy. Kada araw, iniisip ko ang aking sarili nang ako’y bata pa. Nag palasalamat rin ako na dahil sa paglalangoy mas lumakas ang aking loob.

Ang aral ay: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

Ang ibabahaging karanasan ay may kaugnayan sa aral na: Huwang matakot na maging hindi magaling sa isang bagay na hindi mo pa naman talaga alam.

Lebron James
Hindi ko ito ginusto. Ang bawat desisyon ay may kapalit. Pero kung ang desisyon na to ay tama, ano ang karapatan ko para ito'y aking katakutan. Noong nasa ika-sampung baitang, namimili nako ng paaralan na aking papasukan.

Napagdesisyonan ko na ang iskwelahan na aking napili ay ang DLSMHSI dahil may patunkol ang kurso ko sa medika. Sa una palang, ako ay natatakot. Natatakot na baka iba ang mga estudyante dito kumpara sakin. Baka sila ay may kakaibang pag-uugali na hindi ako makasabay sa kanila. Naririnig ko na ang mga estudyante sa La Salle ay mga "conyo". Wala akong masyadong alam sa pag-iingles kaya baka ako'y hindi makasabay sa kanila. Hindi lamang iyon, isa narin ang standards ng La Salle. Iniisip ko na ako ay makakaiwanan sa mga pagsusulit. Ngunit sa tinagal tagal, ito pala ay kathang isip ko lamang. Marami akong naging kaibigan na matulungin at mabait. Nakakasabay ako sa mga gawain at pagsusulit na binibigay samin ng mga guro. Napagtanto ko na ang desisyon na nagawa ko ay tama. Kung pinanindigan ko ang aking mga iniisip dati, baka'y iba na ang dinadaanan ko.