M1 REPLEKSYONG LASALYANO by Liarny Libero

MASID-DANAS
Bilang estudyante sa pribadong paraan, marami akong nakakasalubong na kamag-aral na hindi sanay na magpahayag ng kanilang isipan sa wikang Filipino. Isa pang ago magsimula ang pasukan, nag-alala ako sa mga magiging kaibigan ko sa bagong paaralan. Madalas naman akong magsalita sa wikang Ingles ngunit hindi ko naman gustong maging limitado sa dayuhang wika dahil sa iyon lamang ang naiintindihan ng aking mga kamag-aral. Mabuti na lang at mabilis naman akong nakahanap ng mga kaibigang marunong sa parehong Filipino at Ingles. Hindi nga lamang sa Pilipinas may ganitong problema, ngunit pati na rin sa ibang bansa gaya ng Amerika. Bilang kabataang Gen Z, napapansin ko sa internet na hindi na rin masyadong edukado ang mga Amerikano sa sarili nilang wika. Mga simpleng tuntuning panggramatika na pinag-aaralan natin dito sa Pinas ay hindi nila alam. Dahil dito, kahit papaano, mapagpasalamat akong nagkaroon ako ng mabisang edukasyon sa parehong Filipino at Ingles.

SURI-NILAY
Sa aking palagay, ang pangunahing nagdudulot ng mababang literacy rate sa bawat bansa ay ang pagsulong ng slang sa Gen Z at Gen Alpha na sinasabayan na rin ng mga milenyal. Gumagawa na ng sariling lenggwahe ang mga kabataan ngayon, at dahil dito ay napababayaan na ang kinalakihang wika.

TAYA-KILOS
Dahil karamihan nga ng mag-aaral ng De La Salle ay nagsasalita sa wikang Ingles, o kaya nama'y ito na ang kinalakihan at nakasayan nilang wika, marahil ay bihira lang silang natatagpo sa mga sitwasyong kinakailangang magsalita sa Filipino. Samakatuwid, isang simpleng paraan siguro ay kung sanayin ko rin ang aking mga kamag-aral na makipag-usap sa Filipino. Mabuti rin kung maturuan sila ng simpleng pahayag na maaari nilang baunin at magamit sa araw-araw na pakikipaghalubilo sa iba gaya ng sa pagkokomyut o sa pagbili ng pagkain sa karinderya.