0512 Hello, Psy 121 Peeps! by England Danne Castro
Hello!
Ako nga pala si England Castro, at pwede niyo akong tawaging 'Sir Eng'. Ako magiging facilitator ng ating klase at super excited ako dahil ito ang aking favorite subject!
Ang aking mga interes sa psychology ay Political Psych at Critical Psych pero kasalukuyan akong nag-aaral ng PhD Clinical Psych sa Ateneo. Ako rin ay nagpapractice bilang isang psychologist.
Mahilig akong magbasa ng libro at nagfifi-film photography din kapag mayroon akong oras (which I make sure na meron).
Excited akong makita kayo at ineexpect ko na magiging madaldal kayo sapagkat mahilig ako magpa-recite haha!
See you! Sana masarap ulam niyo lagi!
Hello po! I am Juliana Marie Enriquez and my pronouns are she/her. You can call me "Juliana" or "Yanna".
Nahuhumaling po ako sa ngayon sa Criminal Psych dahil sa Criminal Minds at sa Clinical Psych. These past few days po, nagbabasa lang ako ng libro o di kaya ay nanunuod at nag-aayos ng sarili.
Sana po mag-deepen pa understanding ko sa kung paano ko mas lalo pang maintindihan yung mga tao sa paligid ko at kung paano ako makakatulong sakanila.
(I really tried my best mag-tagalog po huhu.)
Keep safe always po^^
Magandang Araw!
Jhaiona Hart L. Fuentes ang aking pangalawan, pero p’wede niyo akong tawagin ‘Jhai’ o ‘Hart’.
Naging interesado ako sa psychology dahil mahilig ako ma-intriga sa mga bagay bagay na maaring mabigyang kasugatan ng kursong ito. Bukod doon, kinukuha ko ang sikolohiya bilang aking pre-law.
Ang aking mga karaniwang libangan ay ang pagbabasa ng libro, paglalaro ng volleyball, at pagtulog. Interesado ako sa K-pop ngayon at sa pag-aaral ng astrolohiya.
Dahil nakakapagod na ang ating kasalukuyang sitwasyon, sana magbigay saya at kaginhawaan ang klase na ito. Excited na rin akong matuto lalo na’t ngayon ko lang natuklasan ang Filipino Psychology.
Handa na po akong pindutin ang ‘leave the meeting’ habang synchronous session tuwing kayo po ay magpa-recite (charot 1/2 po).
Magandang Araw! What’s poppin’, mga bHie? Cheret
Hi po! :> Ako nga pala si Cherrie Lou B. Samonte, at maaari niyo akong tawaging “Cherrie” hehe.
Interasado ako sa kursong ito partikular na sa Clinical Psychology dahil nakikita ko kung gaano kalaki ang aspetong ito sa buhay ng isang tao. Kaya naman nais kong pag-aralan ang mga sakop ng kursong ito upang lubos na maintindihan ang aking sarili at ang ibang tao nang sa gayo’y malaman ko rin kung sa paanong paaraan ako pwedeng makatulong. Recently po, sinusubukan kong ibalik ang aking pagkahilig sa pagsusulat at pagbabasa. Ang musika at panunuod din ay malapit sa aking puso. (Panuorin niyo po yung “Our Beloved Summer” huhu ang ganda po! Hehe 🤍)
Ako rin ay mahilig sa pag-fifilm ng mga bagay bagay, to remind me of such moments that i want to treasure.
I’m really looking forward to this class lalo na’t ngayon ko lang nalaman na may Filipino Psych pala. Inaasahan ko po na this will be a fun class wherein we’ll discover new things and be able to learn a lot po. 🥰
Pasensya na po kung biglang mag-lag ako sa recitation pero yung tahol ng aso eh dire-diretsyo hehe kabado bente lang po ems. God bless and stay safe to everyone po! :>>
Wazzup dabarkads, Wazzup madlang pipol!! How are you to find out?
Ako po pala si Precious Vivien S. Andres, you can call me “bib” or “byen”  po dahil masyado pong pormal kapag “Precious” hehe
Interesado po ako sa Clinical psychology at Clinical neuropsychology. Kinuha ko rin ang kursong ito dahil may hindi ako makalilimutan na sinabi ng isa sa aking mga guro noong ako’y SHS pa lamang, “Mahirap tukuyin kung saan ka talaga magaling, kaya dapat alam mo kung saan ka masaya.” Sa ngayon po, nalilibang ako sa panonood ng anime, pagsisilbi sa simbahan at pagtulog (nood is lyf pero tulog is lyfer hehehe). Gusto ko rin pasukin ang mundo ng theatro at tumuklas ng panibagong kakayanan.
Inaasahan ko pong magiging masaya at magaan ang klase habang nadaragdagan ang aking kaalaman sa larangan ng Filipino Psychology, sapagkat ito ay bago lamang sa aking pandinig. Yun lamang po at ako'y nae-excite na sa ating mapag-aaralan sa asignaturang ito. Paumanhin din po sir kapag tinawag niyo ako sa recitation at bigla akong nawala sadya ko po iyon char 1/2. Stay safe po!
Hi!
Magandang araw!
Ako nga pala si Erika Narvas at tawagin niyo na lamang akong Eka (oh 'di ba, ang ikli na nga ng pangalan ko tapos mas pinaikli ko pa?)
Interesado ako sa kursong Psychology partikular na sa Clinical Psychology at Forensic Psychology. Kinuha ko rin ang kursong ito sa kadahilanang dito ko nakikita ang aking sarili para makatulong sa iba. Naniniwala ako na hindi lamang pisikal na pangkalusugan ang dapat nating pagtuonan ng pansin, kailangan din nating pahalagahan ang ating mental na pangkalusugan.
Sa ngayon ay nalilibang ako sa pag-gawa ng scented candles, pagbabasa ng mga tula, panunuod (nuod kayo Encanto tapos stan niyo si Pepa Madrigal, char 1/2), at syempre makipag-laro sa aking aso na si Molly (baby ko siya 5ever).
Inaasahan ko naman na magiging masaya at makabuluhan ang ating klase. Nais kong malaman kung ano ba ang mayroon sa Filipino Psychology (nagulat din ako kasi now ko lang na-knows na may Fil Psych pala *crying emoticon*)
Pasensya na rin po kung sakaling tinawag niyo ako sa recitation at magchachat ako sa chatbox na sira mic ko. Char. Keep safe and see you in the synchronous classes!
Anyeong!
Interesado po ako sa kahit anong field ng psychology ngunit ang pinakagusto ko ay Clinical Psychology at nais kong kumuha ng Doctorate degree. Interesado ‘rin ako sa Cognitive Psychology, sa paggawa ng research papers at pagsasagawa ng experiments.
Hilig ko po ang tumugtog ng mga instruments kagaya ng piano at kalimba. Madalas akong nasa galaan o kaya sa handaan. Kapag wala naman akong mapuntahan, dine-date ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pagkukulong sa kwarto at panonood ng movies.
Bagaman unang beses ko palang narinig ang subject na “Filipino Psychology”, mukha itong interesting kung kaya’t nais kong matuto sa epektibo at masayang paraan :> Ako po ay umaasa na matuto ng mga bagong bagay na makakatulong sa pag-abot ko at ng aking mga kaklase sa aming pangarap na maging mga Psychologist.
Padayon and see you all soon po :>
Maligayang bati! ^_^
Ako po si Jeorgina D. Marquez, puwede n’yo rin po akong tawaging “Jojie”, “Jo”, or “Jie”.
Sa kasalukuyan po, ang aking mga interes sa psychology ay Clinical at Forensic psychology. Ang libangan ko po sa ngayon ay manood ng K-drama (particularly Our Beloved Summer and Snowdrop ksksk), makinig ng musika at mag-add to cart sa shopee(add lang ng add kasi walang pambili) chariz po pero true hahahaha.
Inaasahan ko po na marami po kaming matutunan sa kursong ito na makakatulong sa mas malalim ko pang kaalaman sa Psych. Sana ang mga kaalamang ito ay magpapaunlad sa pakikipag-interact ko, sa  pag-intindi o pagkilala ko sa aking sarili at sa ibang tao, pati  na rin sa kung paano at ano ang aking mga gagawin upang makatulong. Inaasahan ko po na mag-enjoy while learning ❤️
Magandang araw!
Malugod kong ipinapakilala ang aking sarili.Ako nga pala si Hazel Marie P. Fabian,at tawagin n’yo na lamang akong “Hazel”.
Naging interesado ako sa kursong sikolohiya dahil gusto ko maintindihan at pag-aralan ang pag-uugali ng isang tao at makatulong sa kanila.Maliban dito interesado rin ako sa Family Psychology at Trading Psychology.
Ang mga hilig o libangan ko sa buhay ay maglaro ng mobile games,paglalakbay o travelling,manood tungkol sa mga trading  at paano magkaroon nang passive income.
Inaasahan ko na mas lumawak pa ang aking pag-unawa sa kursong ito at ako’y masaya dahil madadagdagan muli ang aking kaalaman.Nawa’y ang aking makukuha na aral at karunungan sa kursong ito ay magamit at ma ibahagi ko sa iba.
Mahigpit na yakap para sa lahat.💛
Hi po
Ako po si Julian Uriel K. De Guzman, pero pwede niyo po ako tawagin 'Uriel' or 'Urie'.
Naging interesado ako sa kursong psychology dahil gusto ko maintindihan at pag-aralan ng mga ibat ibang ugali ng mga tao at para makatulong sa kanila, mas lalo na po sa mga bata at mga teenagers. Kaya interesado po ako sa field na Clinical Psychology, Clinical Child Psychology at Family Psychology.
Mahilig po akong makinig at manood ng mga musicals ever since toddler pa ako, sabi ng parents ko na umiiyak daw ako kung hindi musicals pinapanood ko ahaha. Pero honestly, any music genre is fine with me. (di ko na po kaya, mag tag-lish na po ako) Nag babasa din ako ng mga fantasy or fiction books. Hobby artist din ako, yung medium ko po is traditional (can craft and paint) and digital, yung mostly ko po ginagamit *cough* may commissions po ako sa digital https://www.instagram.com/uriel_sinclair/ (hem hem, bahala na po kayo kung may nakita kayo doon ahhahaha)*cough*
Inaasahan ko po na magiging masaya ang ating klase at sana po marami po kaming matutunan sa kursong ito kahit medyo na no-nosebleed me sa full tagalog ahahahha pero I'll try naman hehe
- Note -
Pasensya na po Sir kung sa synchronous classes, old yung laptop ko po... sira po yung mic ko and blurry camera kaya tambay po ako sa chatbox kung may recitations and whatnot HAHAH
Stay safe po always  💖💗✨
👋 Shianne is waving at you! Wave back.
Shianne Nicole B. Ferma nga po pala. You can call me (0997*******), joke lang po. But seriously, you can call me either "Shan" or "Cole."
I am interested in how children behave and how individuals change. That is why I am taking Psychology as my Pre-med. As far as I know, there is a branch of psychology dedicated to understanding and explaining how and why people change in different aspects. If I am correct, it is Developmental Psychology.
My favorite pastimes are landscape photography, anime, and medical dramas/movies. Recently, I've begun reading fictional stories on Wattpad.
I'm looking forward to enjoying studying in this class. Also, recognize and understand the Filipino's various personalities, languages, and cultures in this class.
Pasensya na po Sir Eng pag sabog sabog sagot ko sa recitation, Astig ako iiii 😂.
Nice to meet you all 🤝. Stay safe and strong when and wherever you are.
Magandang araw, ako nga pala si Isaiah Jan B. Reforba pero mas gugustihin kong tawagin niyo ako sa palayaw kong 'Ic' kung gusto niyo pero kung ayaw niyo naman okay lang sa akin.
Naging interesado sa akin ang kursong ito dahil noong ako ay isang shs student pa lamang ay na-insipire ako ng isa kong propesor na nagtuturo rin ng sikolohiya sa paaralan na 'yon.
Netong mga nakaraang linggo ay pini-pilit ko ang sarili ko kahit labag sa loob ko na mag balik alindog program o sa ibang salita ay mag exercise. Paglalaro ng mga laro ko sa pc at pagbabasa ng kung anumang makita kong interesado ang naging hobbies ko netong pagpasok ng bagong taon.
Excited ako sa klaseng ito dahil ngayon ko lang nalaman na mayroon palang "Filipino Psych" na subject.
vote wisely!!
Hello po! Ako nga po pala si Archie Glen A. Ocang at pwede nyo po ako tawaging Chie o Archie nalang po kung formal hehe.
Naging interesado po ako sa Psychology kasi  gusto kopong makatulong sa iba tungkol sa kanilang mental health kasi napagtanto kopo na ang laki ng impact ng mental health sa ating lahat at pwede pong magkaron ito ng masasamang resulta kapag hindi nabibigyan ng pansin. Kaya din po naging interesado ako sa branches na Clinical Psychology at Health Psychology.
Ang akin pong mga hilig o libangan ay pagbabasa ng libro at komics gaya ng "Manga at Manhwa", mahilig din po ako maglaro ng computer games at pati din po ang pagbibisikleta.
Inaasahan kopo na sana masaya ang ating mga klase at sana po madami po akong matutunan na bago tungkol sa Filipino Psych at Psych in general para po magamit kopo sa pagtulong sa mga taong makikilala ko in the future.
Ingat po palagi~
HELLO PO!
Ang aking buong pangalan ay Ravneet K. Sohal pero tawagin niyo na lamang po akong “Rav” para mas madaling bigkasin. Opo, Indian po ako kung hindi po halata.
Naging interesado ako sa kursong psychology dahil gusto kong malaman ang mga rason sa iba’t ibang ugali at gawain ng mga tao. Nais ko rin maging isang psychologist bilang araw at mag-aral ng Clinical Psychology upang matulungan ko ang mga tao na nangangailangan ng tulong sa mental at behavioral na aspeto ng buhay.
Simple lamang ang mga bagay na nagpapasaya sa akin at binibigyan ako ng pag-asa na ipagpatuloy ang aking ginagawa sa buhay. Ilan na lamang sa mga ito ang pagbibisikleta, panonood ng mga pelikula, pagluluto, at ang paggawa at pag inom ng kape. Hindi ko alam kung bakit ngunit lubusang nagpapasaya sakin ang proseso ng paggawa ng kape at lalo na ang pag inom nito.
Kagaya ng aking mga interes sa buhay, simple lamang ang aking inaasahan sa klaseng ito. Ang magkaroon ng sapat na kaalaman sa pagkakaiba ng Filipino Psychology sa iba pang mga sikolohiya. Sana din po ay maging masaya ang karahasan namin sa klaseng ito sapagkat mas makilala ang mga gawain ng mga Pilipino.
Mag-ingat po lagi at God bless po.
“Ang katuturan ng karanasan at istoriya'y di ang pagtanda sa mga pangyayari, kundi ang pagtatamo ng aral sa kanila.”
― Amado V. Hernandez
hi guys!
Hi po! Ako po si Alexander James R. Señoron, pwede niyo po akong tawaging "alex."
Nagustuhan ko po ang Psychology dahil mahilig po ako makipagusap sa tao at magbigay ng mga advice sakanila. Ito po ang napili kong course dahil magagamit ko ito sa future para mas lalong umintindi sa mga ugali ng mga tao sa paligid ko. Pero ang pinaka nagustuhan ko po sa psychology ay hindi lang siya na lilimit sa kaalaman na pwede mong mabasa sa mga libro kasi pwede ka mag express ng sarili mong perspective.
Sa ngayon po, ang hobbies ko ay maglaro ng pc games at minsan din ay nanonood ng  kdrama.  At interesado po ako sa behavior ng mga bata.
Alam ko po na madami kaming matututunan sainyo habang nageenjoy sa klase! see u soon po :)
Recah L. Ligligon ang aking buong pangalan (hindi naman obvious na nakuha siya sa Flame of Recca noh). Maaari niyo akong tawaging "Recah" o "Rex".
Interesado ako sa lahat ng feilds ng psychology sapagkat ito and mga feilds na makakatulong saakin sa pag-intindi at pag aaral sa iba't-ibang ugali ng mga tao.
Mahilig po akong tumugtong ng mga instrumento (pero sa kasamaang palad, ayaw saakin ng mga instrumento). Mahiilig rin akong magbasa ng mga libro at magtravel (though napakahirap ngayong panahon kasi maraming restrictions).  Also watching dramas and anime's din hobbies ko lately.
Inaasahan kong mas lalong lumawak ang aking kaalaman sa kursong ito. Though naririnig rinig ko ang Fil Psych,  I am ecstatic to start this year with this course kasi it's my first time officially engaging and learning it.
( pasensya na po sa taglish, I tried my best mag filipino, with the help of google translate pa,pero di' kaya ng powers. )
Hiiii
Ako nga pala si Jhanella Iyze L. Fuentes pero "Iyze" na lang para mas madali.
Interasodo ako sa kursong ito dahil gusto kong makatulong sa ibang tao pag dating sa kanilang mental health. Na-inspire rin ako sa isang guro ko sa sen high na nagturo ng per dev at nahulog ako sa subject na 'yon na kung saan nagustuhan ko na pag-aralan ang Psychology. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung anong gusto kong branch pero nagugustuhan ko ang Clinical Psychology.
Ang pinagkakaabalahan ko ngayon ay panunuod ng K-drama at Kpop. Nilamon na po ako ng mga koreano. Nagplaplano po akong magbasa ng mga libro ngayong taon baka may marerecommend po kayo?
Inaasahan ko na marami akong matutunan sa subject na ito at sana masaya at chill lang ang atmosphere sa gmeets.
Iyon lamang po, maraming salamat!
Ako po si Paul Drexler L. Bolante, puwede niyo akong tawagin sa pangalang ‘Paul’ lang, kase wala po akong nickname (sabagay sino ba naman ako para bigyan ng nickname, char ahahha).
Interesado po talaga ako sa human behavior, at sa mga palabas na tungkol sa krimen, maging na rin ng mystery thriller. Ang pagkahilig kong manood sa mga ito ang nagmulat sa aking pagkahumaling sa forensic at criminal psychology. Ang nais kong maging trabaho sa hinaharap ay patungkol sa law enforcement, gaya ng pagiging imbestigador. Ngunit sa kasalukuyan ay bukas pa ang aking isipan sa iba pang mga larangan na may kinalaman sa psychology at law.
Karaniwang nasa bahay lang po ako natutulog, o kaya’y nanonood ng mga drama series at anime, nagba-bike ako paminsan-minsan, at mahilig rin po akong maglaro ng iba’t-ibang online games.
Inaasahan ko sa asignaturang ito na mas lumalim pa ang aking kaalaman ukol sa ating local na lipunan, maging na rin sa iba pang aspeto ng ating pagka-Pilipino.
Ingat po sa lahat at it's nice to see you all soon!
Sawadee krap!
Mabuhay isang nilalang ang isinilang noong Enero 17, 2002 sa Culinary Capital of the Philippines. At Home of the Giant Lanterns ng San Fernando City of Pampanga. Ako nga po pala si Jefferson S. Vital ako ay 20 taong gulang  but you can called me Jeff na naniniwala sa kasabihan na “Self-love is the greatest middle finger of all time.
Interesado ako sa kurso na ito dahil nalaman ko na isa itong pre med course at sa tingin  ko naman itong sikolohiya ay isang magandang kurso. at Gustong gusto kong nag babasa ng mga artikulo tungkol sa mga karamdaman sa pag iisip ng isang tao dahil may mga karamdaman sa sikolohiya na umuusbong sa panahon na ito.
Isa din ako sa mga sumusuporta sa mga aktibidad na nang hihikayat sa kaalaman ng Mental Disorders sa social media. Mental health is a mass kaya dapat nating tutukan ito. At gusto ko na isa ako sa mga bahagi nito. At nahihilig ako sa panonood ng mga pelikula hango sa medisina, kaya nagiging isang tulay ito sa pag kuha ko din ng kursong ito.
Ang “Filipino Psychology” ay halos ngayon ko lamang narinig o nalaman kaya’t naging interesado sa akin ito at magiging hamon ito sa akin dahil minsan hirap ako sa tagalog,  at sana ay isa din itong daan upang mahasa ako sa tagalog at sana ay magiging maganda ang karanasan sa panutong ito.
Stay safe everyone:)
Maligayang bati!
Ako po si Janelle Kate M. Lintan, ngunit maaari niyo po akong tawaging "Janelle" lamang. :))
Interesado po ako sa Criminal at Family Psychology kaya po nahuhumaling ako manood ng mga pelikula o Korean telenovela na patungkol sa krimen o may paksa tungkol sa mga pamilya. Kaya rin po programang Sikolohiya ang aking kinuha ay dahil gusto ko po pag-aralan ang pag-uugali at pag-iisip ng mga tao, kung bakit po ganoon o ano po ang mga posibleng rason. Sana po itong kursong Filipino Psychology ay maging isang instrumento upang maunawaan at maintindihan ko po ang mga ito.
Bukod po sa mahilig ako manood ng Korean Drama, isa rin po akong tagahanga ng mga Kpop groups tulad ng Itzy, Got7, Red Velvet, at iba pa. Hilig ko rin po kumain kasi po Food is Love, Food is Life T^T.
Gayunpaman, sana po ay magkaroon tayo ng masayang samahan habang natututo ng iba't-ibang aspketo ng Sikolohiya ng Filipino.
Stay safe po! :))
HI HELLO PO MGA MIMA Q
Pagbati, sir! Ako nga po pala si Janeya S. Medrano at pwede niyo po akong tawaging ‘Janeya’ o ‘Neya’ na lang para mas maikli. Nahumaling ako sa kursong ito dahil ang sikolohiya ay napakaganda at very versatile. Nakakamanghang isipin na ang mga tao ay may iba’t-ibang ugali base sa kanilang mga karanasan at pananaw sa buhay. Ang sikolohiya ay aking pre-med course.
Ang inaasahan ko sa kursong ito ay mabigyan ako ng mas marami pang kaalaman tungkol sa Filipino Psychology. Sa pamamagitan ng kursong ito, magkakaroon ako ng mas malalim na pag-unawa sa ugali at pananaw nating mga Pilipino.
Itatry ko ang aking best sa synchronous classes na mag-recite para ‘di lang “yes sir”, “kita po sir”, and “no sir” ang ambag ko HWHQHDH CHZ
Ang cute na dalagang nasa itaas ay si Jana Noelle Balajadia Barbacena. A.k.a meeee hehe maaari niyo akong tawaging "jana" pero mas cute pag "noie" o "noelle" :>
Natuon ang aking atensyon sa Psychology dahil interesado ako sa mga misteryo ng isip at pag-uugali ng mga tao. Hinahangad ko maging Clinical Psychologist at kung papalarin man, ito ay aking pre-med tungo sa pagiging isang Psychiatrist.
Mahilig akong sumayaw, tumugtog ng gitara at piano, mag shopping magbasa ng libro at mag-"organize" ng kung ano ano. Kamakailan lang, ako ay nagkaroon ng hilig sa pag "jo-journal".
Ang inaabangan ko sa klase na ito ay ang mga aral na maisasabuhay sa aking propesyon at mga bagong kaibigan na aking makikilala :> at tsaka mas fluent po sa pag buo ng mga tagalog sentences haha
anw eon lang hehe!
P.s ganyan lang po muka ko sa picture pero friendly po talaga ako sowlid hahaha :D
Halloooo!!
Halloooo! Ako nga pala si Karen Faith T. Nuguid. Ang kinalakihan kong palayaw ay Karen, ngunit hindi iyon ang nais kong itawag sa akin hahaha. Mas ikagagalak kong tawagin na Ren :>>
Dati akong BS Accountancy student dahil iyon ang gusto ng magulang ko para sa akin, at neto lang pandemic ko naipaglaban ang kursong ito, yayyyy! Kaya ito ang kursong gusto ko ay dahil nais kong maintindihan ang mga magulang ko cheret hahaha. Gusto kong maintindihan ang sarili ko at ang mga pag-uugali at gawi ng mga tao, at magkaroon ng mas malawak na pananaw sa mga bagay.
Ako ay interesado sa field ng Clinical Psychology, probably sa child psych and family or relationship area po. Interesado rin ako sa psychotherapy. Pangarap kong makapagsulat ng libro at makapagbahagi ng aking mga kaalaman patungkol sa expertise ko balang araw hehe.
Ako ay mahilig gumuhit at magpinta, at minsan ay ibinabahagi ko ang aking mga sining sa aking instagram account hehe. Mahilig rin akong magtahi at magdisenyo ng mga damit. (minsan cosplay pag trip hahaha) Mahilig din akong pag tripan yung buhok ko kapag nasstress ako asdhdjgskk
Inaasahan ko pong magiging masaya ang klase at marami kaming matututunan sa mga aralin at sa aming mga sarili. Sabik na akong magkaroon ng kaalaman sa Filipino Psychology dahil hindi ito pamilyar sa akin :) Yun lamang po, stay safe pipol! :))
Magandang araw po!
Ako nga pala si Lorybelle P. Lastimoza, Lory na lang ang itawag niyo sa akin, at pwede rin naman ang Belle. (Tehee~)
Ang aking interes sa psychology ay patungkol sa brain at criminal psychology, kung saan ito’y nag-ugat sa aking kagustuhang maanalisa at maintindihan ang takbo ng isipan ng bawat tao, partikular na kung paano mag-isip ang mga kriminal o tagalabag, at pati na rin ang mga hayop, sapagkat noong junior high pa lamang ako’y mahillig na akong magbasa ng crime/mystery/thriller stories, at manood ng Detective Conan.
Ang kinagigiliwan kong libangan nitong nakaraan ay magbasa ng libro, magdilig ng mga halaman sa madaling araw, magpaamo sa pusang gala na nakikikain at umaali-aligid sa likod bahay, at manood ng Kdrama o anime tuwing gabi. Kasalukuyang nahuhumaling ako sa mga Jigsaw puzzles. Mahilig rin pala akong makinig ng musika, partikular na ang kay Lana (LDR), Lauv, IU, ang Japanese band na Scandal, at ang modern ambient music na Gymnopédies.
Inaasahan kong mapalalim ang aking kaalaman sa sikolohiya ng kapwa Pilipino, at higit sa lahat, maging masaya at exciting ang bawat pagsasama natin sa klase.
Hi! Ako nga pala si Gerina Mae Gapasin, pero p’wede niyo akong tawaging Mai.
Naging interesado ako sa psychology dahil gusto ko magkaroon ng mas malalim na kaalaman tungkol sa pag-uugali ng mga tao at iba’t ibang klase ng mental disorder at kung paano ito masosolusyunan. Higit akong interesado ngayon sa Clinical at Counseling Psychology. Kinuha ko ang kursong ito bilang pre-med.
Sa loob ng halos dalawang taon ng pandemya, naging libangan kong magluto, magbasa at manood ng mga pelikula. Mahilig din ako sa k-pop.
Inaasahan kong mas marami pa kaming matututunan tungkol sa Filipino Psychology na makakatulong sa mainam na pag-unawa sa ating local na lipunan.
Ikinagagalak kong makilala kayo lahat! : >
Hi hello!
Hi hello! Ako po si Ylaiza Jirnel C. Javier, pero mas gusto kong tawaging "Eli."
Nagustuhan ko ang Psychology dahil ako ay naiintriga ako sa kung paano at bakit ganito at ganyan ang ugali at kilos ng iba't ibang mga tao. Pangarap ko din na makatulong ng iba, dahil kung hindi ako matutulungan, tutulong nalang ako ng iba. (may paganorn? char.) Para sa akin, dati pa ako interesado sa Clinical Psychology at Educational Psychology.
Ang aking mga pinaglilibangan ay ang visual arts, painting, drawing. Pangarap ko din na gawin ang aking hobby na ito na isang side-business, pero sa ngayon hanggang pangarap lang siya huhu. Bukod dito, mahilig din ako sa musika, at mahilig akong kumanta kahit hindi kahanga-hanga ang aking boses. Nasisiyahan din ako sa Genshin Impact, isa siyang video game (go laro na kayo may mga gwapong characters doon hehe).
Sa Filipino Psychology, inaasahan ko na mas maiintindihan ko ang kilos at ugali ng mga Pilipino at mas makikita natin ang koneksyon ng mga ito sa ating wika. Ang sikolohiya ay hindi lamang limitado sa mga western findings, kaya't I'm looking forward to learning about Filipino Psychology.