My exquisite wall by jhonmark bermudo

Katapatan sa Salita at Gawa
Ang katapatan sa salita at gawa ay isang napakahalagang gampanin sa ating pagkatao. Ang katapatan ay mahalaga dahil kung tapat ka maraming maniniwala sa'yo. Kapag nagbitiw ka ng salita dapat ito'y katotohanan. Dapat ay alam mo sa sarili mo na ang mga salitang iyon ay hindi mo gawa-gawa lamang kundi ito'y base sa katotohanan. Kapag gumawa ka ng salita gumawa ka rin ng gawa dahil walang patutungohan ang mabubulaklak na salita kung ito'y hindi mo gagampanan. Ang katapatan sa salita ay konektado sa katapatan sa gawa. Kung tapat ang salita mo ay tapat rin ang gawa mo dahil mung ano ang iyong isinalaysay ay 'yon rin ang dapat ang gampanan mo.

Kapag may salita dapat ay may gawa. Sa pagbibitiw mo ng salita dapat ito'y hindi nakakasira sa repotasyon o dangal ng kapwa mo. Dapat mong panindigan ang salita mo at tanggapin kung ano magiging kahahantungan nito. Sa katapatan naman sa gawa ay dapat ka talagang gumawa ng tapat na kilos. Kung ikaw ay tapat sa paggawa ay dapat galing ito sa bukal mong kalooban. Dapat ito'y hindi kontra sa saloobin mo. Upang ika'y tapat sa paggawa dapat ikaw mismo ang gaganap dito. Kapag tapat ka sa gawa mo magdudulot ito ng kabutihan hindi lamang sa sarili kundi pati narin sa kapwa.

Ang pagsasabuhay sa salita at gawa ay dapat mong buhayin kahit sa murang edad pa lamang. Sa pamamagitan nito masasanay mo na ang sarili mo sa pagsasabi ng totoo. Ang pagsasabi ng totoo ay isa lamang sa mga hakbang upang ika'y maging tapat. Kung hindi mo isasabuhay ang pagiging tapat ay magiging kasanayan mo na ito at madadala mo sa iyong paglaki.

Ang pagsasabi ng totoo o pagiging tapat ay nakakabuti sa lahat. Maiiwasan natin ang mga bangayan at gulo. Kung ikaw ay tapat maraming magtitiwala sa'yo. Magkakaroon ka ng mabuting pagkatao hindi lamang sa mata ng kapwa kundi pati na rin sa mata ng diyos. Halimbawa alam mo sa sarili mo na ikaw talaga ay nagsisinungaling pero nagawa mo paring pagtakpan ang sarili mo. Kung akala mo na ayos na ang lahat ay nagkakamali ka dahil kahit pagbalikbaliktarin mo man ang mundo mali parin ang ginawa mo at kailan man ay hindi pa rin ito magiging totoo sa mata ng diyos.

Alam mo ba na sa simpleng pagsasabi ng totoo ay malaking tulong na sa kapwa mo? Dahil dito mababawasan na ang mga kasinungalingang patuloy na lumalaganap sa ating pagkatao. Sa pagsasabi ng totoo makakagawa ka na rin ng kabutihan. Ang pagiging matapat mo ay magsasalarawan rin sa iyong pagkatao at sa pamamagitan nito unti-unti nilang makikita kung ano ang iyong pagkatao. Oo tama nga ang sabi nila na lahat tayo ay may mga kasinungalingan hindi lamang sa lipunan kundi pati narin sa ating sarili. Ang pagiging tapat mo sa iyong sarili ay nakakapagdagdag ng iyong kompyansa.

Sa mga kapwa ko dapat sikapin nating magsabi ng totoo at huwag lang manahimik sa tabi kung may alam kang kasinungalingan na pilit ginagawang katotohanan. Tandaan natin palagi na ang katotohanan parin ang mananaig sa huli. Kaya kahit bata ka pa o matanda na huwag parin nating kalimutan na isabuhay ang pagiging tapat sa salita at gawa upang ito'y hindi mavlaho ng parang bula.