KOMUPIL M1 Repleksyong Lasalyano by Marianne Grace Samson

Masid-Danas
Mula sa mga isyu at sitwasyong pangwikang tinalakay, magbigay ng isang personal na danas na nagpapakita ng mga hamon at isyung kinahaharap hindi lang ng Wikang Filipino kundi maging lahat ng mga wika sa bansa?

Noong ako ay nasa junior high school, nagkaroon ako ng kaibigan na hirap magsalita ng Filipino dahil Ingles ang wikang ginagamit nila sa kanilang tahanan. Dahil dito, kinailangan niya pang humingi ng tulong sa akin sa pag-intindi ng aming discussion sa Filipino na subject dahil hindi niya ito maintindihan. Sa pangyayaring ito, naipapakita ang pagkakaroon ng problema ng mga kabataang Pilipino na lumaki sa tahanan kung saan hindi ang ating pambansang wika ang ginagamit sa pakikipag-usap kundi ay wika ng ibang lahi. Nagbigay ito sa akin ng reyalisasyon na mahalaga ang subject na Filipino dahil maaaring mawala ang pinakamalaking palatandaan ng ating kultura, ang pagsasalita ng wikang Filipino, kung magiging mas malaki ang bilang ng mga magulang na nanaisin pagsalitain sa wikang banyaga ang kanilang mga anak.

Suri-Nilay
Ano-ano sa tingin mo ang mga salik na nagpapalubha sa hamon o isyung ito?

Para sa akin, ang pinakanagpapalubha sa isyung ito ay ang pagbaba ng tingin ng mga Pilipino sa subject na Filipino. Sa pagkakaroon nila ng ganitong pag-iisip, mas pinipili at mas nagiging prayoridad nila ang pag-aaral sa wika ng ibang lahi at pagtangkilik sa kultura ng mga ito habang ang kultura at pagkakakilanlan nating mga Pilipino ay unti-unti nilang kinakalimutan at tinatago dahil para sa kanila ay "nakakahiya ang maging Pilipino".

Taya-Kilos
Bilang Lasalyano, ano-ano ang mga nakikita mong hakbang na maaaring gawin sa personal at pampamayanang lebel upang matugunan ang isyu o hamong ito?

Bilang Lasalyano na mayroong mga kaklase at kaibigan na hindi ganoon kagaling magsalita gamit ang wikang Filipino, ako ay magiging instrumento upang sila ay matuto ng ating pambansang wika. Hindi man sila makapagsalita nang tuwid ngunit ang pag-intindi sa ating sariling wika ay isa ng malaking hakbang. Gagawin ko ito sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng mga salita sa Filipino na hindi nila alam ang kahulugaan o hindi nila maintindihan. Iuudyok ko rin silang makipag-usap sa wikang Filipino upang mas masanay sila at handa akong itama ang kanilang mali na walang panghuhusga. Ipaiintindi ko rin sa kanila na ang pagsasalita sa Filipino ay pareho lang ang halaga sa ibang wika at hindi dapat natin hayaan na hindi tayo matuto nito dahil ito ay isa sa mga palatandaan ng ating pagiging makabayan.