"Ang hangganan ng aking wika ay hangganan ng aking mundo" - Ludwig Wittgenstein by CHRISTIAN PAUL SORIANO

Christian Paul S. Soriano 11-HUMSS
"Ang hangganan ng aking wika ay hangganan ng aking mundo"

Ipinakikita ng sinipi na ito ang kahalagahan ng wika. Lalo na ang ating wikang Filipino. Ipinababatid sa atin ng sinipi na kung wala ang ating wika ay ito na ang siyang magiging wakas natin. Sa kadahilanang kung wala ito ay walang komunikasyon. Halimbawa, ngayong pandemya nagiging posible ang pagtutulungan at pagbibigayan dahil sa ating wika.

Tunay ngang malaki ang papel ng ating wikang Filipino sapagkat ito ang susi ng ating pagkakaunawaan. Ang Pilipinas ay may higit 180 na bilang ng wika. Kung wala tayong iisang wika na sinasalita ay mahihirapan tayong makipagkomunikasyon sa iba nating kababayan 'pagkat hindi tayo nagkakaunawaan. Maaring magkaroon ng maling pakahulugan na siyang magiging ugat ng alitan.

Kung gusto mong pabagsakin ang kultura ng isang bansa kailangan mo munang pabagsakin ang wika nito. Sa madaling salita wika ang siyang kaluluwa na bumubuhay sa ating kultura.

Ang bansang nais kong mapuntahan ay China. Isa sa mga rason ay dahil sa mahilig akong manood ng mga palabas na nanggaling sa China kung kaya gusto ko rin maranasan ang kanilang kultura at matutuhan ang kanilang wika. Alam kong isa sa mga mahihirap na wika na aralin ang Mandarin Chinese kung kaya magiging isang pagsubok ito para sa akin. Nais ko itong matutuhan sapagkat mayroon pa ring posibilidad na maaari kong makita at makausap ang mga paborito kong aktor. At kapag dumating ang araw na makakausap ko sila ay alam ko na magsalita sa wikang Mandarin nang sa gayon ay magkaintindihan kami at magkaroon ng isang magandang talastasan.