Kabanata Zero by Belle Christine M. Damloan

Ngayon naman ay gamitin ang mga gabay na tanong na ito upang makabuo ng sarili mong "Kabanata Zero":

1. Sino ang pangunahing tauhan?

2. Ano ang hamong kanyang kinahaharap?

3. Ano ang nag-udyok sa kanya para makapagtanong ng "wala pala akong kalayaan?"

4. Anong aral ang nais maipahatid ng kuwento?

Kabanata Zero ng Jujutsu Kaisen

Sa ilalim ng brutal na paghahari ni Sukuna noong Heian Era, namuhay sa takot ang mga mangkukulam, kasama si Atsuo, isang batang sorcerer mula sa isang maliit na angkan. Isang araw, sinalakay ng mga tagasunod ni Sukuna ang kanilang nayon, dahilan upang mawalan si Atsuo ng mga mahal sa buhay. Dahil dito, pinangako niyang pababagsakin si Sukuna, kahit pa alam niyang tila imposible ito. Habang naglalakbay, nakilala niya sina Kenjaku at Tengen, mga makapangyarihang mangkukulam na nagkaroon ng iba't ibang landas patungo sa kapangyarihan. Napagtanto ni Atsuo na kahit gaano siya kalakas, hindi sapat ang mag-isa laban kay Sukuna at ang kanyang mga isinumpang hukbo. Sa kanilang pagtutulungan, nagsimula silang magplano para labanan ang malupit na paghahari ng kontrabida. Kahit napakalakas ni Sukuna, ang pagkakaisa ng mga mangkukulam ay nagbigay sa kanila ng labanang may pag-asa. Sa huli, natalo nila si Sukuna gamit ang kanilang determinasyon at pagtutulungan. Ang kwento ni Atsuo ay nagpapaalala na walang labang hindi kayang pagtagumpayan kapag sama-sama at may tapang.

Credits to Google Translate.

Made by Noah

Sa isang mundo na kung saan nakatira ang lahat ng mga bayani at sila ay may kamanghamanga na “super powers” may dalawang nagmamahalan na magkaibigan na si Yushie at Luca. Matalik na kaibigan nila ang isat isa kayat sa kung ano man nangyayari sa sarili nilang buhay ay syempre, nandon sila para sa isat isa. Sa mundo nila, ikaw ay magiging sikat na sikat kapag may “superpowers” Ikaw. Dumating ang mga araw na tumanda si Yushie at Luca at nakuha nila ang kanilang mga superpowers. Ang nakuhang mahika ni Yushie ang power ng pagiging malikhain. Napaka husay ni Yushie na mag pinta at magsulat ng napaka magandang tula para sa kaibigan nya na si Luca. Si Luca naman ay nakakuha ng powers na pinapaalis ang mga masasamang ispiritu para maligtas nya ang kanyang bayan. Nagagamit nila ang kanilang lakas para sa magandang gawain tulad ng pagligtas ng mga tao sa kanilang bayan. Ngunit.. dumating ang araw na may masasamang ispiritu na kumuha kay Yushie at hindi sya naligtas ni Luca.  bawat minuto, bawat oras at bawat araw, hinahanap ni Luca si Yushie. Ang mundo ni Luca at Yushie ay nasira ng mga masasamang kalaban. Kaya napunta sa mundo ng mga taong normal ang mga tao na galing sa mundo ni Luca. Ngayon, may bagong pangalan na si Luca na “Lucho”.

Mahahanap ba ni Luca/Lucho si Yushi sa mundong ito? Abangann :))

Pangunahing tauhan: Luca, Yushie

Ano ang hamong na kanyang hinarap: Hanapin muli ang kanyang kaibigan na si Yushie.

Ano ang nag udyok sa kanya para makapagtanong ng “Wala pala akong kalayaan?”:

Akala ni Luca na malakas sya at kaya nyang maligtas ang kahit sino, ngunit di nya naligtas ang sarili nyang kaibigan.

Anong aral ang nais maipahatid ng kwento: Wag na wag kang susuko sa mga pinagdadaanan mo sa

buhay mo :)).

Ang pangunahing tauhan ay si Nanami, isang 25-anyos na simpleng manggagawa sa isang malaking lungsod. Siya ay masipag at laging sumusunod sa mga alituntunin ng ng kanyang trabaho, ngunit sa likid ng kanyang maayos na anyo ay may tinatagong kalungkutan at pangarap na tila hindi niya kayang matupad. Si Nanami ay nahaharap sa hamon ng pagigigng "nakakulong" sa isang paulit-ulit na sistema ng kanyang trabaho. Nagtatrabaho siya ay araw-araw nang walang tiyak na layunin, at pakiramdam niya'y wala siyang direksyon. Ang monotony ng buhay, ang sobrang kontrol ng mga nakatataas, at ang kakulangan ng oras para sa sarili niyang interes ay nagpapaulit-ulit sa kanyang isip na tila wala na siyang ibang pagpipilian. Sa isang pagkakataon, si Nanami, ay napilitang magtrabaho ng dagdag na oras nang walang paalam o konsultasyon mula sa kanya. Hindi siya nabigyan ng pagpipilian kundi tanggapin ito dahil sa takot na mawalan ng trabaho. Habang nag-iisa siya isang gabi, pinagnilayan niya ang mga taon na kanyang ginugol sa pagtatrabaho at ang  kanyang mga pangarap na hindi niya naabot. Doon niya naitanong sa sarili, "Wala pala akong kalayaan?..." sapagkat at nagpagtanto niya na hindi niya tunay na pinipili ang kanyang mga desisyon sa buhay. Napagtanto niyang siya'y parang isang makina, sumusunod sa dikta ng sistema. Ang kuwento ay naglalayon ipabatid ang kahalagahan ng sariling kalayaan at pagpili. Ipinapakita nito na minsan, ang tunay na kalayaan ay hindi tungkol sa pisikal na aspeto ng buhay, kundi sa kakayahang magdesisyon para sa sarili. Ang hamon ni Nanami ay nagpapakita na minsan, kailangan nating paglaban ang atning kalayaag, ang kalayaang magtanong, magpasiya, at sumunod sa ating sariling mga pangarap, hindi lamang sa dikta ng lipunan o ng mga taong nasa paligid natin.

Si Mia ay isang masayahin pero tahimik na dalaga, at laging inuuna ang kagustuhan ng iba kaysa sa sarili. Madalas siyang natatakot na baka masaktan ang damdamin ng mga tao sa paligid niya, kaya’t kahit hindi siya sang-ayon, lagi siyang pumapayag. Nasanay siya na laging nagpapasakop, kaya nahihirapan siyang gumawa ng sariling desisyon. Isang araw, napilit siyang sundin ang mga kaibigan sa isang bagay na hindi naman niya gustong gawin. Pag-uwi niya, ramdam niya ang bigat ng loob at napatanong, "Wala pala akong kalayaan?" Naramdaman niya na para bang lahat ng galaw niya ay hindi na galing sa sarili niyang kagustuhan. Doon niya napagtanto na halos lahat ng desisyon niya ay para lamang pasayahin ang iba. Naisip niya kung paano siya magiging masaya kung hindi niya sinusunod ang sarili niyang puso. Unti-unti, natutunan niyang hindi masama ang magsabi ng "hindi" kung hindi siya komportable. Sa huli, naintindihan ni Mia na ang tunay na kalayaan ay ang pagpili ng sariling desisyon at hindi ang laging magpasakop sa kagustuhan ng iba.