IW4P | Zarina Sarapuddin by PETA School of People's Theater

Introduction
Isang trahedya. Nakakaiyak. Nakakaantig-puso.
Susuko ka ba?
KAPE LANG ANG KAILANGAN.
Sa panunulat ni Zarina Sarapuddin.

Sense Poetry
Galing ako sa matamis na parang kendi, mapait na parang ampalaya
na kape na binebenta sa 7/11.
Galing ako sa kumot na gabi-gabing ginagamit
kumportable, malambot, parang balat ng sanggol.
Galing ako sa malumanay na boses ng tatay ko
habang kumakanta ng 'habang may buhay'.
Galing ako sa isang kalsadang madilim sa panaginip,
tungo sa kawalan.
Galing ako sa malambot na balahibo ng puting pusang sumusunod.
Galing ako sa mabigat na mga balikat
na parang dinaganan ng isang libong sako ng bigas.
Hindi makagalaw, hindi makatayo
Hinihila ka sa lupa.

Elements of Drama
Isa akong brooding side character sa isang tragic-comedy na may plot twist sa dulo, kung saan mare-realize niya na kahit side character lang siya, importante rin pala siyang tao.

Reflection - First Session - 02/26/2021
Sobrang kabado ko, pero 10 mins into the session naging kumportable ako. Akala ko magiging awkward ako, na hindi ako makakapagsalita, pero nagkaron ako ng tapang na mag share sa klase. Natutuwa din ako sa mga kaklase ako; natutuwa ako sa mga gawa nila at sa mga insights nila. Naiisip ko na mas masaya sana ito kung face-to-face, kaso siyempre wala naman tayong magagawa as of the moment. Pero kahit pa online workshop ito, na-enjoy ko parin at naglo-look forward ako sa mga susunod pa. ^_^

Deja Vu Entry
Samahan mo akong maglakad sa madilim na daan,
na pinalilibutan ng mga puno ng mangga
na bago palang mamulaklak sa buwan ng Abril.
Samahan mo akong umupo sa ilalim ng mga dahon
at sabay nating saluhin ang nahuhulog na mga bulaklak
na tila mga bulak sa puti at asukal sa tamis.

Sabi nila kapag nakaamoy ka ng bulaklak sa gabi,
may kasama kang kaluluwa
na nais makipag-laro, makipag-usap, makihalubilo
manghiram ng hininga galing sa mga buhay.

Naalala mo ba noong libing ni Lola
sinundan tayo ng mga bulaklak hanggang sa pag-uwi?
Halika na at magpatuloy,
hindi lamang tayo ang naglalakad sa madilim na daan.
Huwag kang iimik, nakikinig ang mga patay.

Exercise on Directions
Papasok si Raven sa kanyang kwarto, isasara ang pintuan, at ibababa ang kanyang mga gamit. Ilalabas niya ang kanyang cellphone sa bag at ihahagis sa kanyang kama. Uupo sya sa kama, may kukuning papel sa bulsa, at babasahin ito.

Raven: (buntong-hininga)

Tatayo si Raven sa kama at papatayin ang ilaw. Lalapit sa bintana at bubuksan ito, itataas ang mga mata sa langit. Titingnang muli ang papel at tahimik na iiyak.
May kakatok sa kanyang kwarto. Papsok ang tatay ni Raven.

Tatay: Anak, may natanggap daw na sulat si Ria. Nakapasa daw ng law school!
Raven: (patagong pupunasan ang mga luha, ngingiti) Ah, oo nga ho.
Tatay: Ikaw? May balita ba? Parang may sulat na dumating kanina ah.
Raven: (dahan-dahang itatago ang papel sa bulsa) Ah ano ho yun pa, uh, bill ng Meralco.
Tatay: Ah. Di bale. Abangan natin bukas. Sigurado ako papasa ka. Ikaw pa!
Raven: (ngingiti) Good night pa.

Aalis na ang tatay ni Raven.

Raven: (uupo muli sa kama, ilalagay ang ulo sa mga kamay) Tsk. Palpak na naman.

Kamusta Ako as a Scene + Feb 28 reflections
Zarina: (ngingiti) Whew! Nakakainspire!

Marami akong natutunan. Ilang beses narin akong nakapag-try na magsulat ng script para sa mga play projects nong high school at med school pero parang eme-emeng script lang naman iyon. Sinubukan ko narin magsulat ng scripts na may stage directions pero ang natutunan ko sa session ay yung awareness sa verb tenses at yung importance ng actions ng sa paglalahad ng kwento. Very productive ang session!

Neutral Lines Entry
Tagpuan: Sa isang sementeryo

Makikitang naglalakad ang isang lalaking may hawak-hawak na mga bulaklak. Magtitingin-tingin siya sa mga lapida na tila may hinahanap.

Lilingon ang lalaki sa kaliwa. Magugulat siya at tutungo sa isang lapida kung saan may nakatayong matandang lalaking nakaputi sa likod nito.

Luluhod ang lalaki sa harap ng lapida at ibaba ang mga bulaklak. Ilalagay niya ang kanyang kanang kamay sa itaas ng lapida. Iiyak ang lalaki.

LALAKI (A):  (kakausapin ang lapida) Kamusta ka?

Ang matanda ay luluhod sa tapat ng lalaki at hahaplusin ang kanyang mga pisngi.

MATANDANG LALAKI (B): (ngingiti) Dumating ka pa.

Lalakas ang hagulgol ng lalaki at pilit na ngingiti.

LALAKI (A): Kanina ka pa?

Lalapit ang matanda at yayakapin ang lalaki. Iiyak ang matanda at tatango ng paulit-ulit.

MATANDANG LALAKI (B): Ang tagal kong naghintay.

Assignment on Performative Piece

Post-it opening scene
Sa isang restaurant, closing time. Makikita ang isang babae, mid-20s, naka professional attire, na dahan-dahang kumakain. Makikita ang tirang pagkain at isang singsing sa kanyang tapat.
Babae: (humihikbi) Ang sarap ng spaghetti.
Kukunin ng babae ang singsing at iiikot ito sa kanyang mga daliri.
Babae: (buntong-hininga) Small steps lang siz.

Group activity - collaboration - street theater
Setting: Isang malaking covered court sa loob ng isang government facility.

May dalawang daang taong nakapila, nakasuot ng iba't ibang kulay ng scrub suits. Sinovac Vaccination Media Blitz ng Gobyerno. Pa-picture nang pa-picture ang head ng DOH kasama ang head ng public hospital habang isa-isang nagpapabakuna ang medical personnel. Pa-speech na si DOH Head.

Biglang may dadadungdong na tunog ng tambol mula sa likuran. Papasok ang isang banda, lahat sila nakaputing scrubs. Mapapatingin ang lahat ng tao sa likod, hahanapin ang source ng tunog.

Mula sa likod may isang gigantic syringe na lalabas. May nakasulat na "50%". Mula sa dulo ng pila ng mga magpapabakuna, pagpapasa-pasahan nila ang syringe papunta sa harap.

Nang maka sampung pasa na ang syringe, lalapit na ang mga pulis. Ang huling humawak ay aalis sa pila bitbit ang syringe. Susunod isa-isa ang mga naka pila. Palakas nang palakas ang tunog ng banda.

Eexit sa covered court kasama ang lahat ng tutol sa Sinovac na pumila lamang para ipakita ang galit sa pamimilit ng gobyerno.

March 5 reflections
Naenjoy ko ang group activity. Kahit medyo awkward pa kami sa isa't isa, masaya ako na dahil sa workshop na to, nakahanap ako ng community na kumportable akong maibabahagi ang mga ideya at gawa ko. Hindi ko mapigilang manghinayang na kung face-to-face sana ito, mas masaya pa, mas madaling makipag-usap, mas madaling makipag kaibigan.

Nasasanay na rin ako na isulat lahat ng bagay o ideya, na hindi ko kailangan mapressure gumawa ng isang buong pyesa agad-agad. Basta sulat lang nang sulat!

Zoom Play

Dish Representative
Isang lalaki, mid-20s, ang makikitang tatakbo sa madilim na kusina, may dala-dalang itim na supot. Mula sa supot, may tutulog dugo. Guguhit ang linya ng dugo sa sahig.
Magmamadali ang lalaking kunin ang mga kaldero at kutsilyo. May mababasag na baso.
Kukunin ng lalaki ang karneng hugis kamay sa supot. Manginginig ang lalaki na aabutin ang kutsilyo at hihiwain ang karne. Kukunot ang noo ng lalaki, dudwal, at tatawa.
Lalaki: ang tigas naman nito.
Magpapatuloy ang paghiwa. Pabilis nang pabilis ang tunog ng paghiwa hanggang sa ito ay biglang titigil. Kukunin ng lalaki ang chopping board, bubuksan at stove, at ilulublob ang pira-pirasong karne.
Lalaki: (bubulong) ang tagal gutom na ko.
Lalaki: (sisigaw, palakas nang palakas) Gutom na ko. Gutom na ko. Gutom na gutom na ko!
Ihahagis ng lalaki ng kaldero sa sahig. Kakalat ang karne at dugo sa sahig.
Lalaki: (luluhod, hihikbi) Gutom na gutom na ko.

Silent Body
Tagpuan: Isang madilim na warehouse, maalikabok, may mga nakataob na mga sira-sirang upuan, nagkalat sa sahig ang mga sigarilyong umuusok pa.

Sa gitna nito, may makikitang upuan kung saan isang lalaki ang nakatali. Nakagapos ang kanyang mga kamay at paa, nakapulupot sa masking tape ang kanyang ulong nakayuko. Nagkalat ang mga marka ng sigarilyo sa kanyang leeg at braso.

Maririnig ang pagbukas ng isang yerong pintuan. Maririnig ang mga yapak, at makikita ang isang sundalong papalapit sa lalaking nakagapos. Maglalabas ng sigarilyo ang sundalo, sisindihan ito, at ilalapat sa leeg ng lalaki. Aangat ang ulo ng lalaki, kasabay ng pag-ungol nito.

Sundalo: Boy, 'di ka ba naaawa sa sarili mo? Ilang linggo ka nang nandito. Sabihin mo na kasi ang hide-out ni Ka Dante. Papalayain ka namin agad-agad, ihahatid ka pa namin sa bahay mo.

Iiling ang lalaki.

Sundalo: (buntong-hininga) Eh tanga ka pala eh

Muling ilalapat ng sundalo ang sigarilyo sa leeg ng lalaki. Uungol ang lalaki at iiling nang paulit-ulit. Maririnig ang mabilis at marahas na paghinga ng lalaki.

Sundalo: Wala tayong makukuha dito. (lilingon ang sundalo sa kanyang kaliwa) Hoy Istak anong gagawin natin dito? Wala namang kwenta to.

Maririnig ang sagot ng isa pang sundalo, si Istak, sa background.

Istak: Edi ano pa ba?
Sundalo: Sigurado ka?
Istak: Putangina naman Jaime. Hindi ka parin sanay?
Jaime: Putangina mo.

Babaling ang tingin ng sundalo, si Jaime, sa lalaki. Mag-aalangang kukunin ang baril sa kanyang bulsa.

Jaime: (bubulong) Maawa sana ang Diyos.

Ikakasa ito ni Jaime, at itututok sa ulo ng lalaki. Iiling ang lalaki, uungol nang uungol. Maririnig ang kanyang pag-iyak. Pipikit si Jaime at ipuputok ang baril.

Wakas.

March 7 Reflection
Nakakakilig pala kapag nakikita mo yung script mo na inaarte na (shout out po kay sir Roy! Kuhang kuha niyo po yung 'di kilalang lalaki na naimagine ko habang sinusulat ang script). Nasayangan lang ako kasi narealize ko na di ko pala nasunod nang maayos yung directions, na dapat pala di magpapakita yung 'di kilalang lalaki. Pero nong iniimagine ko sya astig na astig ako don sa bugbugan parang Probinsyano lang haha.

Kahit hiyang hiya ako na umaarte, nakakatuwa po ang sa script na inarte ko kasi klaro po yung mga dapat kong gawin o yung mga actions po na gagawin ko bilang aktor.

Final Output - Draft

Final reflection
Awts final na 😭 sobrang saya ko po. Nagkaron po ako ng ilolook forward every Friday and Sunday. Sa totoo lang po naging robotic na yung buhay ko na wala na talaga akong gana sa lahat pero dahil sa workshop na to, paunti-unti akong bumabalik sa sarili ko. As someone who was always pressured to be the best at everything, sa pagsusulat ko lang talaga nafeel yung freedom na hindi ko kailangan isipin kung maganda o pangit yung sinusulat ko, basta masaya lang akong nagsusulat. Masaya lang mag express, matuto, mag share ng gawa. Masaya lang ako.

Maraming salamat po talaga sa opportunity na ito. Marami po akong natutunan. Nakakainspire pong ipagpatuloy ito. Sana po may season 2!!!

Sulat lang nang sulat!!!