Memoryang Kaganapan by maila alde

Hulyo 4, 2024
Magandang pagbati! Nais kong ibahagi ang nangyari sa araw na ito. Una, hindi namin alam na ngayon pala ang kaarawan ng aming adviser na si Ma’am Presy, nabalitaan lang namin iyon sa isang post ng kanyang matalik na kaibigan. Habang kami ay bumabati ng “happy birthday” napagtansya naming isurpresa sya sa kanyang kaarawan.

Habang kami ay naghahanda sa isang surpresa ay bigla nalang nag-anunsyo ng walang pasok, pero hindi iyon hadlang na hindi namin itutuloy yung surpresang aming hinanda 😂. Kaya’t nag tipon-tipon muna kami sa labas ng aming silid-aralan upang hintaying matapos ang kanyang isang klase.

Nakaraan ang ilang minuto at nasurpresa na namin si Ma’am Presy ay makikita mo talaga sa kanyang mukha ang kanyang labis na kasiyahan na hindi niya ito inakalang may surpresang pasabog. Nagbigay kami nang mga mensahe sa kanya at sa aming pagbibigay mensahe ay naging emosyonal at may halong kasiyahan sa aming pagpapalit mensahe kay Ma’am Presy.

Kaming lahat ay masayang naidalos ang surpresang naganap sa kaarawan ng aming guro/adviser. Pagkatapos ay nagpunta naman kami ni Reema sa boulevard upang makapag-relax muna habang nilalanghap ang malamig na simoy nang hangin. At sa aking pag-uwi, ako ay naglalaba ng aking mga labahan. Dito lang po nagtatapos.

Good night, Maila.

Hulyo 5 2024
Ngayong araw na ito ay inanyayaan kaming dumalo sa isang Screening at Lecture tungkol kay Eddie Romera sa Luce Auditorium ng Siliman University, 1pm hanggang 5pm ng hapon.

Nakarating ako sa event bago ang nasabing oras dahil magsasara ang Auditorium sa nilalaang oras sa pagsisimula ng naturang event. Kaya’t noong nakarating na ako sa event ay pinakuha na kami ng tig-iisang ticket para agad ma-assist sa loob ng Auditorium.

Nagsimula ito sa panalangin sa Diyos at kinanta ang Pambansang Awit. Pinakilala ang mga naging guest speaker ng lecture at kung sino nga ba si EDDIE ROMERO. Si Eddie Romero ay isang Direktor sa mga sikat na pilikula, tulad na lamang ng “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon”? na pinangungulohan nina Christopher De Leon, Eddie Garcia, Gloria Diaz, Leopoldo Salcedo, Dranreb, Rosemarie Gil, E.A. Rocha, Tsing Tsong-Tsai, at Johny Vicar. Ito ay pelikulang tungkol sa Philippine Revolution noong 1896, si Christopher De Leon bilang si Kulas ay siyang bida o main character sa naturang pelikula nang siya’y naglakbay patungong Manila at ang kanyang naging karanasan at buhay sa Manila.

At pinanood namin ang pelikulang kanyang ginawa at sinulat. Binabaybay din kung paano at ano ang naging inspirasyon sa pagsulat ng ganoong pelikula. At nagpalitan na rin nang mga tanong kung ano ang mga nais ipahayag o ibig sabihin sa mga nangyari sa pelikula. At nakaka-proud din dahil si Eddie Romero ay tubong Dumaguete ito’y naging karangalan niya bilang isang direktor at tagapag-sulat. Sa mga naging interview sa mga naging karakter ng pelikula ay masasabing ang isang Eddie Romero ay mabait at hindi niya sinisigawan ang kanyang mga katrabaho. Isa siyang mahusay na direktor. Mayroon pang mga iba’t ibang sinulat at kanyang ipinahayag na mga pelikula at ito’y tampok pa rin hanggang ngayon.

Good night.

Hulyo 8, 2024
Magandang Araw!

Kakapagod ngayong araw na ito kasi kaninang umaga pa ako naka-biyahe patungo dito sa Mainland dahil galing ako sa aming isla, Apo Island. Nakarating ako ng alasais nang umaga at dali-dali akong nag handa patungo Dumaguete dahil may pasok pa ako ng alas otso. Pagkatapos naman ng klase ay dali-dali rin akong umuwi para mag handa dahil aattend kami ng kasal ng aming kamag-anak ng alas dos ng hapon.

Makalipas ang tatlong oras na paghahanda ay pumunta na kami ng simbahan sa Bacong, Iglesia chuchu. Pagkatapos naman ng kasal ay pumunta na kami sa reception upang icelebreyt ang kasal. Nagtawanan, nagka-iyakan, at nag salo-salo sa pag celebreyt ng kasal nang aming kamag-anak. Nag-enjoy kaming lahat. Dito lang po.

Good night.

Hulyo 9, 2024
Magandang Araw!

Kaninang umaga ay late na ako naka punta sa aking unang klase dahil umuulan sa Dauin at nag-aantay ako nang masasakyan. At nang makarating na ako sa paaralan ay saktong sakto na kakasimula pa lamang ng aming klase kaya hindi iyon consider na late 😄. Pagkatapos nang unang klase namin ay pumunta kami ni Reema sa kanteen upang kumain. Makalipas ng ilang minuto ay nagpaalam na ako kay Reema dahil aalis muna ako saglit dahil pupuntahan namin sa hospital ang aming tita.

Nang matapos na naming bisitahin ang aming tita ay bumalik naman na ako sa paaralan para magpabalik aral para sa aming reporting sa susunod kong klase (3:00pm-5:00pm). Masaya naman ako na parang may confident na rin sa sarili at sa pag bigkas nang mga impormasyon sa aming reporting kanina dahil ako ay nakapag-aral, ang sarap sa pakiramdam na hindi ka napripressure. At nang matapos na ang aming klase ay susunod naman ang pang huling klase ko sa araw na ito, ang Filipino subject.

At sa subject na ito ay nag-uulat naman sina ate Annie at Reynard sa kanilang topic na pinamamagatang “pagtatalo o debate”, tinatalakay nila ang mga iba’t ibang uri ng debate at kung ano ang kahulugan nito. Pagkatapos naman nang klase ay nag-aanunsyo ang aming guro na si Bb. Lizza na magkakaroon kami ng debate bukas.

Iyan lamang po at tiyak na mas marami pa akong maipapahayag bukas! Maraming salamat.

Good night.

Hulyo 10, 2024
Magandang Araw!

Sa araw na ito ay nag dedebate kami sa Filipino subject namin. Ang pag dedebate namin ay naayon sa ibibigay na paksa sa aming guro. At sa pag debate ay sa 4 na pangkat ay magkakaroon ng tag limang miyembro. Binibigyan ang bawat groupo ng dalawanf minuto upang ibahagi ang kanilang saloobin kong bakit sila sang-ayon at di sang-ayon, isang minuto naman sa pag-tutol sa mga naging sagot nang bawat nag dedebate.

Ako ay pang tatlo sa nag-dedebate at ang paksa na aming pinagdebatihan ay kong sang-ayon ba kami o di sang-ayon sa paggamit nang e-cigarette o sigarilyo. Ang aking sagot ay sang-ayon sa paggamit nang e-cigarette dahil ito’y mas hindi komplekadong gamitin at ito rin ay puwedeng hindi araw-arawin dahil mas na iimpluwensiyahan mo ang iyong sarili na iwasan ito. Hindi tulad nang sigarilyo na matagal mo itong mabibitawan dahil sa pagiging addiction sa paggamit nito, mas marami ding side effects sa paggamit ng sigarilyo dahil puwedeng masira ang iyong kalusugan na magdulot ng sakit sa baga at saang parti nang katawan.

Nang matapos na kaming lahat ay nagbigay lang nang anunsyo si Ma’am at kami ay kanyang pinapauwi na. Nagpapasalamat kami dahil naging successful ang aming pagdedebate at kaming lahat ay nag-bigay nang aming presensya upang maitaguyod nang maayos ang debate. Kahit ito ay nakakapag-kaba at labis ang pag-iisip kung ano ang ma-isasagot ay naging okay naman at nakapag-pahayag kami nang maayos na impormasyon at kaalaman.

Maraming Salamat po at Good night.

Hulyo 11, 2024
Magandang Araw!

Walang naging kaganapan sa araw na ito dahil kami ay pinapahinga pero hinding pahinga na mag rerelax lang kundi pahinga na gagamitin namin upang makapag-aral sa midterm bukas.

Isa lang ang naging klase namin ngayong araw na ito dahil sa pangalawang subject namin na 3pm-5pm ay hindi nag-meet ang aming guro. At sa last subject naman na 5pm-7pm ay hindi lang kami pinapapunta sa school para makapag-handa kami para sa exam namin bukas. Kaya’t sa araw na ito ay inilaan namin upang makapag-aral at makapag-handa. Iyan lamang po.

Salamat! At good luck sa akin bukas. 😇

Hulyo 12, 2024
Magandang Araw!

Walang naging kaganapan sa araw na ito dahil lahat ng aming subject ay nag announce na hindi lamang kami papuntahin sa paaralan at bigyan lamang ng mga gawain sa fuel.

Sa unang subject namin na MST104A (8am hanggang 10am) ay gumawa kami ng isa 3D Object, may panuto naman kung paano gawin at ang aking ginawa ay isang bahay. Sa pangalawang subject naman namin na ENG103A (3pm hanggang 5pm) ay nag oonline class kami tungkol sa Popular Literature na inidiscuss nila Keannu at sa ibang kaklase namin. At sa pang huling subject naman namin na FIL203A ay kami ay nagkaroon nang mahabang pasulit tungkol sa naging paksa namin sa midterms.

Masaya at kontento ako sa aking naging score sa mahabang pasulit na aming isinasagawa kahit ako ay nagugulohan hehe.

Good night!

Hulyo 15, 2024
Magandang Araw!

Dalawa lang ang naging klase namin ngayon at puro pang hapon lang na schedules, kaya’t sa unang subject namin sa pang hapon ay nagkaroon lamang kami ng continuation sa report nila Keannu, Jess, at Michelle patungkol sa popular literature at mga isyu at challenges nito. Maaga kaming natapos at habang naghihintay sa susunod na klase ay pumunta naman kami ni Reema sa kanteen upang makabili nang makakain at inomin.

At sa pang huling subject namin ngayong araw ay nag-continuation parin kami sa mga nag rereport. At ang nagtatalakay naman ay sina Lenina, Emman, at Jess, at ang kanilang tinalakay ay tungkol sa Pelikula na kung saan magkakaroon kami nang film project para sa subject na ito. At ang kanilang tinalakay ay ang pang huling topic na aming ididiscuss sa subject na ito. Pagkatapos nang kanilang reporting ay nagkakaisa kami upang planohin ang aming proyekto na film. At kami ay excited na upang isagawa ito.

Iyan lamang, good night and god bless! 🩷

Hulyo 16, 2024
Isang malamig na araw!

Nagkaroon kami nang mahabang pasulit sa unang subject namin na MST104A (8am-10am), at pagkatapos nang aming mahabang pasulit ay winasto naman namin ito agad at masaya ako sa naging marka ko kahit hindi ako nakapag-aral dahilan nang hindi ma access sa link na ibinigay sa aming guro. Nang matapos ang aming pasulit ay lumabas kami ni Reema sa campus upang bumili nang makakain para sa aming tanghalian.

Sa pangalawang klase naman namin na ENG109A ay nagpapatuloy parin kami sa pag-rereport at ang naging paksa naman ngayong araw ay patungkol sa Emergent/Emerging Literature na pinangungunuhan nina Lenina, Kiara, Aliza, Reema, Clark, at iba pa. Ito ay pang huling topic namin sa subject na ito.

Nakauwi ako nang maaga dahilan ng aking matang sumasakit at namumula nang di malaman kung ano ang dahilan. Iyan lamang po ang mga kaganapan sa araw na ito!

Good Night and God Bless 🩷

Hulyo 17, 2024
Hi! Medyo kalungkutan ang aking nadarama ngayong araw na ito dahil na confine sa hospital ang aking Mama. Kaninang umaga ay nagkaroon kami nang maikling pasulit sa naging talakayan namin sa MST104A at pagkatapos naman ay agad agad akong pumunta kina Mama dahil bago sya na-confine ay nagpapa check-up pa sila at nang makuha na ang resulta ay pinayo sa manggamot na kinakailangan siyang ma confine para salinan siya nang dugo dahil mababa ang kanyang hemoglobin.

Kaya nanalangin kami na sana bumuti na ang kalagayan ni Mama para hindi kami magtagal dito sa hospital. Ako at ang aking kambal ang magbabantay kay Mama ngayong gabi dito sa ospital. Iyan lamang po.

Maraming salamat!

Hulyo 18, 2024
Andito parin kami sa hospital. Pero nagpapasalamat kami dahil bumuti na ang kalagayan ni Mama at unti-unti naring bumalik ang kanyang kulay at hindi na masyadong maputla. Isang bag nalang na dugo ang kulang para makakalabas na kami at sana ay bukas makakalabas na kami dito dahil hindi namin kaya na makita si Mama na nahihirapan na para bang may masakit talaga sa kanya at hindi niya lang ito sinasabi sa amin dahil ayaw niya kaming mag-alala.

Nanalangin parin kami na sana okey na ang lahat at puwede na kami maka uwi bukas. Good night po.

Hulyo 19, 2024
Ito na pala ang huling talaarawan na aking gagawin dahil natatapos na ang aming Summer Class sa School Year na 2023-2024, sa araw na ito ay hindi ako nakapunta sa aming group activity para sa subject na FIL203A dahil andito parin ako sa ospital. Okey naman sana na sasama ako pero ayoko kasi na iwan lang sina Mama dito dahil ako ang bumibili ng mga gamot ni Mama habang ang aking kambal naman ay maiwan para bantayan siya.

Nasa mabuting kalagayan na si Mama at nagpapasalamat kami sa panginoon at hindi niya kami pinabayaan. Isang bag nalang ng dugo ang hinihintay namin para makakalabas na kami dito pero kinakailangan pang mag-test ulit kaya’t kinukuhaan siya nang dugo kanina upang itest kong mag mamatch ba ulit yung dugo na available dito. Nang mag match ay binayaran ko na sa cashier ang para sa isang bag na dugo.

Nawa’y okey na ang lahat at puwede na kaming makakauwi bukas sa kahit anong oras dahil gusto na naming makapag-pahinga at makatulog ng mahimbing sa gabi.

Mamimiss kong gumawa ng talaarawan kahit minsan nakakalimutan ko ito. At mamimiss ko ring italakay dito kong ano ang mga naging kaganapan sa aking araw, malungkot man o masaya. Ginagawa ko paring memorable ang aking paggawa, kaya’t naging cycle ko na itong gawin. Nagpapasalamat din ako dahil kahit minsan mayroon akong naging kausap o karamay sa mga nangyari sa aking araw.

Maraming salamat padlet! At sa aking guro na si Bb. Lizza Parajado, na siyang tumuro sa amin na gawin ang ganitong gawain dahil kahit kaunting oras lang itong ginawa ay naging parti ito sa aming pang-araw-araw na activity at ito’y naging kasangga sa amin upang mailahad ang aming mga emosyon at kaganapan.

Maraming maraming salamat po Ma’am at naging parti ka sa aming summer class, salamat dahil marami akong natutunan sa inyong klase kahit ako ay medyo nalilito pa hehe ✌🏻 Naging aktibo akong umattend sa klase ninyo dahil marami akong matutunan at natutunan. Kahit liban ako minsan pinipilit ko pa ring matuto at humahabol sa naging talakayan sa isang araw na ako ay lumiban. Naging understanding ka sa amin at sobrang bait mo sa amin kahit kami ay medyo malilikot at maingay, nakuha mo parin kaming intindihin at patuloy na pinapakita ang iyang magandang loob. Pagpalarin ka po sa panginoong may kapal at gabayin ka sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Kitakits po sa loob ng campus Ma’am! Take care always! We’ll miss you po. 🥺🩷