Sa Ngalan ng Tubo by Gelo Santos

Rayana Aira Acayan
Nakakaiyak po na isipin na ang mga magsasakang lumaban at nagwelga para sa kanilang mga pangarap tulad ng pagtaas ng sahod at sa kanilang pamilya ay hindi binigyan ng nararapat na aksyon ng gobyerno, at ang ilan pa sa kanila ay binawian ng buhay sa pagwewelga. Hindi ko kayang maisip ang sakit at pighati na nararamdaman ng kanilang mga mahal sa buhay. Sana hindi na po maulit ang ganitong karahasan at sana ay mabigyan ng hustisya ang mga magsasakang ito na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang ipinaglalaban. Sana magkaroon tayo ng lipunang kung saan ang bawat mamamayan, lalo na po ang mga manggagawa ay mabigyan ng respeto.

Louise Concepcion
Habang pinapanood ang dokumentaryo, nakaramdam ako ng galit sa mga sakim na gobyerno at awa sa mga magsasakang ninanais lamang na ipaglaban ang kanilang karapatan.

KIAN ABELLERA
Ayoko po sa concept ng power tripping or using of power to control other people, hindi po s'ya makatarungan in a way na dinadaan na po s'ya sa dahas. I don't know kung bakit ayaw daanin sa tamang proseso ng so called leader and educated people na 'to yung nangyayaring issue back then and nakakalungkot na walang magawa yung mga biktima kasi wala silang enough power para ipaglaban yung rights nila. Natrigger po ako, nagalit, and nalungkot.

Jhon Lenard Lopez
Mabigat po sa damdamin at nakakalungkot lang ang mga nangyari sa mga manggagawa at magsasaka. Para saan pa po ang karapatang pantao kung may pinapaboran lang din ang mga nakakataas? Gusto lang din naman nilang marinig ang kanilang mga hinaing at mabigyan ng tamang pagtrato sa kung ano ang pinaghihirapan nila. Nagkaroon pa po ng victim blaming dito, nakakatawa sila. May narinig po akong line na "Hindi magtatagpo ang kapakanan ng naapi at mga nang-aapi" siguro nga tama ito, sa sistema ba namang mayroon tayo rito sa pilipinas, talagang mangyayari ang mga ito. Kahit siguro po ako ay ito ang aking gagawin kung natatapakan na ang aking pagkatao. Hindi puwedeng manahimik na lamang palagi, dapat ipaglaban mo kung ano ang nararapat para sa'yo. Kung kaya't nakakahanga ang tapang na kanilang ipinakita, saludo po ako roon. Pero, nakakagalit, nakakainis, nakakagigil, nakakairita, at ang sarap po talaga magmura.

Kimverlyne Dela Cruz
Nakakalungkot po dahil pinagkakait ng gobyerno sa mahihirap na mang gagawa ang lupang sa kanila naman talaga. Nakakagalit rin sa isang banda dahil ginamitan sila ng dahas sa hindi makatarungan na paraan.

Maximus P. Purisima
Nakakalungkot at nakakabigo po sa pakiramdam na sa simpleng paghiling ng karapatan ay binungad sila ng karahasan at pagpatay. Kitang kita sa dokumentaryo ang "inhumanities" ng mga mayayaman at may kapangyarihan.

Felipe, Ichi D.
isang kahanga hanga ang katapangan na kanilang ipinakita at pakikipag laban. Kung hindi nila ito ipinag laban at tiyak na tayo rin ang mahihirapan, kaya nakakasagana mag aral upang makapag tapos at matulungan ang lipunan. Gayun din ang mga tamang pamimili kung sino ang ihalal at dapat iupo na mamumuno at kayang pahalagahan ang bansang pilipinas

Irish Nicole S. Alvaran
Nakalulungkot isipin na patas na sahod lang ang hinihingi ng mga magsasaka at manggagawang bukid ngunit bala ng baril ang ibinalik sakanila. Ipinakita sa dokumentaryong ito na napakahirap ipaglaban ng karapatan lalo na kung dahas ang solusyon ng iyong kalaban.

Saan nga ba tatakbo ang mga manggagawang ito kung ang may mga kapangyarihan mismo ang lumalabag sa kanilang mga karapatan?

Mary Joy Victoria
Nakakaawa na nag hahanap buhay lang naman sila ng matiwasay ngunit hindi sila nabigyan ng tamang pagtrato ng mga nakakataas. Sa wastong pagpapasahod lang naman at karapatan ang kanilang hinihiling ngunit hindi nila naibigay. Sobrang nakakalungkot lang na ang gobyerno ay sa mali pumapanig, pinapakita lang dito na kailanman, hindi ka mananalo sa mas nakakataas sa'yo kahit na tama pa iyang pinaglalaban mo.

Lance S. Salazar
Naka-lulungkot dahill sa kanilang pakikipag-laban sa mga sakin na gobyerno. Naka-aawa sila dahil sa kanilang pakiki-baka at determinasyon upang maipag-laban man lang ang kanilang karapatan dito sa bansang Pinas.

Feaye Martin
Nakalulungkot ang dinanas ng mga kapwa Pilipino natin, na walang ginawa kundi ang ipaglaban ang karapatan nila hanggang kamatayan laban sa mga sakim at buwayang mga tao sa gobyerno. Mayroong nagaalab na galit at awa dahil tayo-tayo na rin lang ang bumubuo sa bansang Pilipinas ngunit nasisira ang kapayapaan at pagkakaisa natin ng dahil lang din sa kapwa Pilipino.

Eunisse Jacinto
Hindi dapat na nanlilimos ang isang tao para sa kanyang karapatan at kung ano ang tama para sa kanya. Nakalulungkot isipin na simula't sapul ay mayroon nang panlalamangan na nagaganap sa pagitan ng mga nasa "laylayan" at mga may kapangyarihan. Nakakagalit isipin na kailangan pang magwelga, na nauwi sa pagkasawi, ng mga tao para lang makamit kung ano ang kanila naman dapat. Gayundin, nakapagbukas ito ng aking isipan na ang pagwewelga at pakikibakang ginagawa ay dahil mayroong hindi tamang ginagawa at mayroong pang-aabusong nangyayari. Hindi naman magwewelga ang mga tao kung ang pamamalakad sa bayan ay tapat para sa isa't isa at ang mga namumuno rito ay hindi nagbubulag-bulagan sa mga isyu.

John Carlo Yacat
Bilang isang anak na galing sa isang pamilya na isa ang pagsasaka sa kinabubuhay, ang naramdaman ko habang pinapanood ang mga pangyayari na iyon ay lubhang nakakalungkot at ang sakit isipin, at napapatanong sa sarili kung bakit ba kailangan pa maranasan ng mga magsasaka at iba pang mangagawang Pilipino ang mga bagay na iyon. Hindi nila dapat maranasan ang mga bagay na mas magigipit pa ang kanilang sitwasyon. Mahirap na ang kanilang nararanasan, pero bakit kailangan pang mas pahirapan, may nangyayari pang dahas at sakitan para lang ipaglaban ang lupang kung saan sila kumukuha ng pangtustos sa pang araw-araw na hamon ng buhay.

Daniel Aron Trogon
Sa simula palang grabi na yung panlilinlang nila sa mga magsasaka, kesyo gawin daw silang shareholders ng lupain, sa huli hindi ito nangyari at humantong pa sa mga pagpatay.

Armie Banag
Habang pinapanood ko ang documentary naluluha ako dahil nakakaramdam ako ng pighati dahil dahil sa kaunting dagdag sahod na hinahangad ng mga tao ay humantong pa ito sa patayan na hindi naman dapat sapagkat walang sino man ang may karapatang kumitil ng buhay lalo't kung hinahangad lamang ng mga tao ay lakayaan at dagdag sahod

Hans Eugenio
Sa oras ng panonood nakakalungkot lang isipin na dahas ang ginamit na paraan upang labanan ang mga manggagawang bukid, nasawalang bisa ang karapatang pantao ng mga manggagawang bukid na ang nais lang naman ay katarungan sa kanilang sahod kapalit ng kanilang pagtatrabaho.

SANTOS, KYLA NICOLE DC.
Habang pinapanood ko ang documentary na Sa Ngalan ng Tubo ang una kong naramdaman ay galit sa mga cuangco na namumuno sa gobyerno, at awa naman sa mga trabahador na pilit ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan. Ang ginawa na pamamaraan ng mga cuangco upang mapigilan ang welga ng mga trabahador ay hindi makatarungan dahil may mga taong nawalan ng buhay. Ang ganitong pamamaraan ng gobyerno ay masasabi ko na hindi tama at hindi makatarungan.

Airish Manabat
Ang buong dokumentaryo ay puno ng hindi makatarungang pangyayari ngunit isa sa aking napansin ay ang paglaban sa karapatan ng bawat indibidwal at ito ay ang isa sa mga kahanga-hangang gawain dahil hanggang sa huling hininga nila, lumaban sila at ginawa ang lahat ng kanilang makakaya. Sa kabilang banda, nakalulungkot isipin na maraming namatay sa paraang hindi karapat-dapat.

BUSTAMANTE
Halong galit at lungkot ang aking naramdaman habang pinapanood ang "Sa Ngalan ng Tubo". Galit sa mga Cojuanco dahil sa pang-aabuso ng kanilang kapangyarian at pang-aalipusta sa mga manggagawa. Lungkot para sa mga manggagawang naghihirap para sa sarap ng mga mayayaman at hirap na katumbas lamang ng 9.50 piso. Galit, dahil ang kaunting sahod na kanilang hinihingi ay mas kaunti pa sa halaga ng kabayo ng mga Cojuanco. Marahil ay marami pang mga bagay na katulad nito ang nangyayari at nangyari sa Pilipinas ngunit hindi ito napagtutuunan ng pansin. Marahil ay kung hindi ito nakuha sa video ay hindi magkakaroon ng hustisya ang mga biktima nito. Marahil ay kung hindi natin ito nakita, hindi tayo matututo. Pero kahit naman paulit-ulit itong nangyayari, paulit-ulit rin itong nababaon sa limot ng panahon.

CARAOS, Mia Ghensen
Matapos mapanood ang "Sa Ngalan ng Tubo", nakaramdam ako ng iba't-ibang emosyon tulad ng awa at kalungkutan sa mga naging biktima ng may kapangyarihan at pera, habang galit at labis na kainisan sa mga mapang-api. Nakakadismaya ang pagtrato ng mga Cojuanco sa mga manggagawang magsasaka at iba pa sa Hacienda Luisita. Nakakalungkot na Hindi na lamang metaporya ang dugo at pawis na inalay ng mga lumalaban para sa patas na pasahod at karapatan.

Nakakalungkot na humantong sa massacre ang Pakikibaka ng mga manggagawa. Wala namang katumbas ang kalupitan ng mga manggagamit na umaapak sa karapatan ng mga patas lamang na lumalaban para sa pamilya.

Erich Lalaine Yanto
Sa mga nangyare sa mga mangagawa na ang hiling lamang ay patas na sahod, nakalulungkot na buhay ang kapalit para lamang sa sahod na tila barya lamang kung tutuusin para sa mga taong pumaslang sa kanila.

Nakalulungkot na kung sino pa dapat ang mga taong pumoprotekta sa mga mamayanan ay silang pang papaslang sa sarili nilang mamayana.

Austria, Eljhay P.
Nakakainis at nakakalungkot ang nangyari sa mga manggagawa sa Hacienda Luisita. Nakakainis at nakakagalit ang ginawa ng mga Cojuangco sa mga tao na ang gusto lang naman ay makuha yung karapatan na gusto nila. Itong mga sugapang ito hindi sumunod sa usapan na ipapamahagi nila yung lupa at walang tawak pa nilang pinatay yung mga manggawang gusto lang makamit yung katarungan na para kanila. Grabe ang kasakiman ng Cojuangco at sa kung sino man talaga ang pasimuna sa paggamit ng dahas sa manggagawa. Ang halaga ng pasahod pa lang ay hindi na makatarungan, higit pa yung ginawang pagpatay sa mga tao. Nakakagalit lang isipin na ang simpleng karapatan na dapat lang ay natatamasa ng bawat isa ay hindi maibigay, at kinakailangan mo pang ibuwis ang buhay para lang dito.

Vargas, David James A.
Nakakahabag ang dinanas ng mga magsasakang nagkakait lamang nang pagtaas ng kanilang suweldo. Ipinakita lamang ng dokumentaryo kung hanggang saan ang kayang gawin ng isang tao, lalo na nang may mga kapangyarihan dahil lamang sa pagiging sakim. Hindi makasasakit sa bulsa nang mayayaman ang pagtaas sa suweldo nang mga manggagawa sapagkat barya lamang ito kumpara sa kinikita ng mga kapitalista. Nakakalungkot na may mga taong maspipiliin ang salapi kaysa sa buhay nang kapwa, madalas, ang mga taong nanunungkulan sa itaas at dapat na modelo sa mga mamamayan ay sila pa ang lumalabag sa batas at karapatan ng tao.

Chrislyn Pangilinan
Nakakalungkot po. Dahil kapwa pilipino din ang bumubuwag sa karapatan nang bawat mamamayang pilipino na na may karapatang mabuhay ng patas, katulad na lamang na kung paano sila tahimik na nag ttrabaho at nakakakain ng maayos sa loob ng isang araw dati. Nakakadismaya ispin na walang magagawa ang mga manggagawang bukid dahil sila ay wala sa estado nang mga mayayamang tao na iniisip lang kung hindi ang yaman nila😔😔

Rascef Gabrielle Fabella
Ako po ay nakaramdam ng kalungkutan habang pinapanood ang dokumentaryo dahil sa pang-aaping ginawa nila sa mga taong nagtatrabaho lamang. Nakakalungkot na dahil sa mataas ang tingin nila sa kanilang sarili, may mga taong nasawi at nadamay. Gayundin, dahil sa pangit na sistema ng gobyerno, nakakalungkot na hindi nakakamit ng mga binibiktima ang hustisyang para sa kanila. Kahit na iba iba ang estado natin sa buhay, tayo ay pantay pantay lamang. Sa kabuuan, para po sa akin, hindi kailanman magiging tama ito.

Juliana Emerich P. Cruz
Galit at sakit para sa kapwa kong Pilipino ang naramdaman ko habang pinapanood ito. Pinakita sa documentary-film na habang ang mga mayayaman ay patuloy na yumayaman, pinagkakaitan nila ng karapatan at ginigipit ang mga mangagawang dahilan kung bakit sila patuloy na yumayaman. Nakita rin po kung paano nila hawak ang gobyerno sa leeg, na kahit gano po kagago mga ginagawa nila, wala pong aksiyon— parang mga bulag ang mga nakaupo.

Makikita rin na dati palang ganito na ang nangyayari sa mga Pilipinong lumalaban para sa kanilang karapatan, buhay ang kinikitil para lamang sa pag tindig. Ano bang masama sa pag tayo sa kawalang hiyaan kung ang mga mayayaman at makapangyarihan naman ay patuloy na winawalanghiya at minamanipula ang sistema batay sa kanilang kagustuhan?

Mape
Nakakalungkot na ganun kabulok ang sistema ng Pilipinas na kung saan mas prinoprotektahan ng mga nakaluklok sa gobyerno ang mga mapang abuso kaysa sa mga manggagawa na humihiling lamang ng pantay na karapatan at benepisyo. Nakakasama lang din sa loob na kailangan humantong sa patayan ang pangyayari. Maraming inosenteng magsasaka ang napaslang para ipaglaban ang kanilang karapatan na kung saan ay gusto lamang naman nila ng mas mataas na suweldo na kayang makasustento sa kanilang pamilya. Na kung saan ay hindi na din applicable ang linyang "isang kahig, isang tuka" sa kanila dahil sa sobrang baba ng kanilang kinikita. Naipakita sa pangyayari na mahirap lumaban sa Pilipinas lalo na kung ika'y mahirap at napatunayan na ang hustisya ay para lamang sa mayaman.

LENARD VILLAMER
Samu't-saring reaksiyon ang aking naramdaman habang pinapanood ang dokumentaryo. Una ay pagiging masaya, bagamat hindi nagpaapi ang mga manggagawa at magsasaka bagkus, silay lumaban upang makamtan ang kanilang ninanaais at karapatan. Gayunpaman, naramdaman ko rin ang awa at pagkalungkot dahil sa kanilang naranasan, lalo na sa mga nasawi at pamilyang kanilang mga naiwan. Higut sa lahat, nakaramdam ako ng poot at pagkadismaya sa kasulukuyan noong administrasyon sapagkat ang kanilang mumunting kahilingan ay hindi natugunan, at umabot pa sa puntong ginamitan na ng dahas ang pagpapatigil sa kanila sa pagwwelga.

Gizelle Ann P. Lacasad
habang pinapanood ko ito, grabe ang emosyon na naramdaman ko, nang dahil sa lupang inagaw ng mga nakatataas at patas na sahod ay marami ang nawalaan ng buhay, ang lupaing dapat nasa kamay na ng mga manggagawa at mangagawa sa bukid pagkatapos ng 10 years ay napunta sa mga nakatataas. lumipas ang dalawang dekada at kumilos na ang mga manggagawa at manggagawa sa bukid upang ipaglaban ang kanilang karapatan, ngunit nanalo pa rin ang mga nakatatas.

nakakalungkot lang na para bang hindi nakikita ang mga mahihirap sa ngalan ng batas. nakakalungkot at nakakagulat na ganitong sistema ang nangyari noon.

Peji
Pinakita lang dito ang katotohanan sa katagang mahirap ang maging mahirap dahil sa kabila ng pagiging tama at patas ng mga magsasaka at mangaggawa ay wala silang magawa dahil hindi sila ang nakakaangat at nauwi pa sa patayan.

MANALIGOD, Gabriel B.
Nakakalungkot isipin na malagim ang sinapit ng mga magsasaka tungo sa bagay na kanilang ipinaglalaban. Para naman sa ikabubuti ng lahat ang dahilan ng mga welgista ngunit bakit hindi ito maintindihan ng mga nasa kapangyarihan o mga nakatataas sa mga magsasaka? Nakikita ko na dulot ito ng kasakiman, pagkagahaman sa perang pinaghirapan ng mga manggagawa. Mabigat ito sa aking kalooban dahil hindi ito tama lalong-lalo na maraming mga buhay na nasayang at patuloy na nasasayang dahil sa patuloy na paghahanap ng katarungan.

DELOS SANTOS, Hailey Annerhoe P.
Sa tingin ko po ay hindi makatarungan na kinailangan pang ipaglaban ng mga magsasakang Filipino ang karapatan at pribilehiyo na nararapat sa kanila. Nakakagalit lang na ang mga taong higit na nangangailangan ng tulong ay siya pang nakatikim ng matinding dahas. Makikita sa dokumentaryo na ito kung gaano nakakasira ang kasakiman sa yaman o pera.

Clarissa Leonardo
Sa loob ng ilang minutong panonood ng dokumentaryong ito, nakaramdam ako ng lungkot at galit dahil sa sitwasyong dinadanas ng mga manggagawa. Mula sa maliit na sahod na kanilang natatanggap ay nababawasan pa ito sa dami ng buwis, at umaabot na sa puntong hindi na ito sapat upang matustusan ang kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Bukod dito, mabigat din sa pakiramdam ang ipinakita sa dokumentaryo kung saan dumadanas sila ng dahas at hirap, kung saan mayroong mga buhay na nasakripisyo upang maipaglaban ang kanilang karapatan sa sakim na gobyerno.

Hiyasmin Jem Alingod
Labis na pahirap at pasakit ang inabot Ng mga manggagawa para sa kabilang ipinaglalabang lupa at sweldo na karapatdapat lamang na sa umpisa pa lamang ay nasakanila na. Makikita rito ang hindi makatarungang paglaban ng militar sa mga manggagawa na walang kahit anong armas. Saludo sa mga manggagawa at mamamayan na nagpakita ng katapangan at nag alay Ng kabilang buhay para sa kanilang karapatan.

Lariza Ann Suronio
Nakakalungkot at nakakagalit dahil sa kabila ng pantay na pagtatrabaho ng ilang taon ng mga manggagawang Pilipino pahirap at pasakit ang naging kapalit kung saan may mga nagbuwis pa ng buhay alang alang sa kanilang makamasang ipinaglalaban na hanggang sa huli hustisya ang kanilang isinisigaw.

DE BORJA
Nakakalunkot dahil kailangan pang humantong sa point na may mamatay upang makamit ang sahod na deserve nila

Sampana, Coleen Angela V.
Sa panonood po ng dokumentaryong "Sa Ngalan Ng Tubo", ilan sa mga emosyong aking nadama ay ang pagkalungkot, pagkadismaya, at higit sa lahat ay ang pagkagalit. Hindi makatao ang pamamalakad ng mga nakatataas. Sa dokumentaryo ay nabanggit din kung gaano kasahol ang ginawa ng pamilyang Cojuangco noong mga panahong iyon. Labis nilang nilubos ang kapangyarihang mayroon sila at imbes na maging dahilan upang umunlad ang buhay ng mga tao, ay sila pa mismo ang nagkait nito sa kanilang nasasakupan. Kaunting taas lamang sa sahod ang kanilang hinihingi ngunit ipinagkait pa ito sakanila. Mula noon hanggang sa ngayon, makikita natin na mayroon talagang "tatsulok" sa ating lipunan.

Quintao, Eunice Anne R.
Mas naging maliwanag ang naging pangyayari sa massacre at halos galit at kabigatan ng loob ang naramdaman ko habang nanonood. Naipakita sa dokumentaryo gaano mas pinapaboran ng mga batas at gobyerno ang mga mayayaman at kung gaano kadali sa kanila ang kumitil ng buhay. Naging mas mahirap pa para sa mga manggagawa na makahingi ng hustisya at karapatan dahil sa mga taong sakim sa kapangyarihan at kayamanan.

Alliyah Claire G. Bernardo
Matapos panoodin ang dokyumentaryo, ako ay nakaramdam ng awa sa mga manggagawa at galit sa gonyerno. Maliit na bagay lamang ang hinihingi ng mga magsasaka, ito ay ang itaas ang kanilang kakarampot na sahod. Dahil sila ang naghihirap ngunit ang kanilang sahod ay ang pinakamababa. Gusto lamang nila ipaglaban ang tama at nararapat ngunit, sila ay ginamitan ng dahas ng mga Cojuangco. Nakalulungkot

na humantong sa pagbubuwis ng buhay ng mga magsasaka. Hanggang ngayon ay madaming Pilipino pa rin ang nakararanas ng ‘di patas na sahod, at marami pa ring magsasaka ang naiipit at naghihirap dahil sa mababang sweldo. Nakalulungkot isipin na kung sino pa ang mahihirap, sila pa iyong patuloy na naghihirap.

Santos, Randall Josef T
Naramdaman ko ang pagkadismaya, pagkainspired, pagkatakot, o kaya'y pagkalungkot sa mga kuwento at isyu na ipinakita sa dokumentaryo.

STO. DOMINGO, MC RUSSEL
Nakakatakot isipin ang kayang gawin ng tao dahil sa kasakiman. Nakakaawa ang mga mang gagawa at ang kanilang pamilya na ang tangong hangad ay makamit ang katarungan at mamihay ng simple