Portfolio- PAGPAPAHALAGA SA AKADEMIKONG SULATIN by

PANIMULA
Maligayang pagdating sa aking portfolio! Ako po si Beatrice Nicole M Lopez na nabibilang sa section ng ABM 12 Ptolemy. Dito ko po maibabahagi ang aking mga gawain sa assignaturang Filipino sa Piling Larangan.

Pagpapahalaga sa academikong sulatin: Ito ang aking pamagat na napili dahil gusto kong maipaliwanag sa kanila ang kahalagahan ng academikong gawain at benipisyo nito sa mga magaaral na katulad ko pati narin sa mga tao sa pang araw-araw na pamumuhay natin.
Mapapalaki o Mapapalawak natin ang kamalayan ng mga tao tungkol sa kahalagahan, kalikasan at katangian ng akademikong sulatin upang magkaroon ng sapat na kaalaman kung papaano nga ba ang wastong pagsulat ng mga ito. Kung ikaw ang manunulat maihahayag mo nang maayos ang nais mong iparating sa mga babasa nito.

Pangangalaga sa Kalikasan
Mahalaga ang ginagampanang parte ng kalikasan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Sa kalikasan tayo kumukuha ng mga prutas, gulay, karne, inumin at hangin na ating nilalanghap na kinakailangan natin upang mabuhay. Bukod pa rito, ang mga materyales na ating ginagamit upang magpatayo ng bahay, pambuliko ang pribadong gusali, at daanan ay kinukuha rin natin sa kalikasan. Ang iba't-ibang bitamina at mineral na ginagamit sa siyensya ay dito rin nanggagaling.

Madami nang naibigay sa atin ang kalikasan. Oras na upang magbigay at magpakita tayo ng pasasalamat sa kalikasan sa pamamagitan ng pangangalaga rito. Pwede tayong tumulong na mapreserba ang ganda ng ating kalikasan sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura sa tamang tapunan, paglilinis ng kapaligiran, pagrerecycle ng mga basura na pwede pang gamitin sa ibang bagay, pagtitipid sa tubig at kuryente, at pagtatanim ng puno sa kagubatan.

Ang pagtatanim ng puno sa kagubatan ay hindi masyadong napapahalagahan at nagagawa. Dahil na rin siguro sa kakulangan at kalayuan ng mga kagubatan sa sibilisasyon kaya minsan lang ito nagagawa. Madaming puno ang pinuputol taon taon dahil ginagamit itong marteryales sa mga konstruksyon, papel, gamot, at iba pa. Kaya naman kailangan natin itong gawin dahil kailangan nating palitan ng mga punong pinuputol upang mapanatili at hindi agad maubos ang mga ito.

Natatagong yaman ng Sison
Dahil sa tindi ng alinsangan ng panahon ngayong tag-init, napagpasyahan naming magkakaklase sa magpalamig at maglangoy sa sikat at dinarayong Antong falls. Mabuti na rin na makapag-relax kami ng kaunti bago ang darating na pangatlong markahang pagsusulit sa aming eskwelahan.

Bumili muna kami ng mga pagkain at inumin bago umalis dahil 'di hamak na mas mura bumili sa labas kaysa sa tindahan malapit sa Antong falls. Ala una na ng hapon kami umalis sa eskwelahan upang pumunta ng Barangay Inmalog, Sison, Pangasinan kung saan matatagpuan ang naturang falls. Sumakay kami sa tricycle at inabot kami ng sampu hanggang labinlimang minuto bago na karating sa entrada ng lugar. Tatlumpo't limang piso ang singil sa amin ng inarkila naming tricycle at nagbayad kami ng dalawampung piso para sa entrace fee.

Pagkarating namin ay naglakad at tumawid kami sa batu-batong daan at kinumpirma ang aming pagbabayad sa information desk. Nang matapos ay humanap na kami ng pwesto upang mailapag namin ang aming mga gamit. Napakaganda at malilim ng lugar. Hindi ka iitim kapag lumangoy ka sa malamig na tubig nito. Masusubukan din ang iyong lakas at estamina dahil maraming madadaanan na bato, aakyating daan at tataluning tubig.

Nang kami ay paalis na, sinigurado namin na walang maiiwan na kalat. Mahalaga na panatilihing malinis ang lugar upang maprotektahan at mapreserba ang ganda nito.

Bionote ni Beatrice Nicole Lopez
Si Beatrice Nicole Lopez ay kasalukuyang nag-aaral sa Alejandro F. Oligan National High School (AFONHS) at nabibilang sa klase ng ABM 12 Ptolemy. Mahalaga kay Bea ang kaniyang pag-aaral dahil naniniwala siya na ang karunungan ay sandata sa bawat hamon na darating sa kaniyang buhay.

Pangarap ni Bea na maging isang Certified Public Accountant (CPA) o magkaroon ng sariling negosyo sa hinaharap.

Tulang may Sukat
Araw-araw ay pagód
Sa gabi'y umiiyak
Pusong punó ng lungkot
Buhay niya'y paghihirap

Tulang Malaya
Kailan kaya ulit?
Kailan ulit mararanasan ang iyong yakap?
Kailan ulit matitikman ang mga luto mo?
Kailan ulit kung ikaw ay wala na?

Hello, Love, Goodbye
I. Pamagat
Hello, Love, Goodbye

II. Tauhan
Joy Marie Fabregas (Kathryn Bernardo)
Ethan del Rosario (Alden Richards)

III. Buod ng Pelikula
Isang domestic helper (DH) si Joy sa Hong Kong. Pangarap na makapagtrabaho sa Canada dahil mas malaki ang sahod doon. Ngunit malaking halaga pa ang kailangan niyang buuing pera para makalipad siya patungo sa Canada.
Si Ethan naman ay isang playboy bartender na ilang taon na lang ay magiging residente na sa Hong Kong. Balak niyang manatili sa Hong Kong upang makuha ang kaniyang residency.
Nagkakilala si Joy at Ethan sa bar na pinagtatrabahuan ng huli. Pagkatapos ng gabing iyon ay nagkaroon na sila ng magandang relasyon.
Ngunit kailangan nang umalis ni Joy papuntang Canada para magtrabaho. Kahit gustuhin man ni Ethan na sumama, hindi maaari dahil hindi niya makukuha ang kaniyang residency.

IV. Banghay
a. Tagpuan
Hong Kong
b. Tauhan
Joy at Ethan
c. Suliranin
Ang pagpili ni Joy sa pagitan ng kaniyang pangarap na makapagtrabaho sa Canada at pananatili niya kasama ang kanyang minamahal
d. Mga ibinunga
Ang kanilang hindi pagkakaunawaan at paghihiwalay.

V. Paksa o Tema
Drama, Romance

VI. Kabuuang Mensahe ng Pelikula
May mga tao na kinakailangang magsikap at magsakripisyo para sa pangarap. Kaya nilang isakripisyo ang tunay na pagmamahal dahil maraming problema ang nakapatong sa kanilang mga balikat.

Hello, Love, Goodbye
Kung ako si Joy ay gagawin ko rin ang kaniyang ginawa. May mga kapatid at tatay siyang sinusuportahan kaya mas importante sila kaysa sa anuman. Isa pa, kung totoo man ang pagmamahal ni Ethan kay Joy ay mauunawaan niya ito at maghihintay siya sa pagbabalik ni Joy.

Madaming solusyon ang pwede nilang gawin kung gugustuhin nila. Moderno na ang panahon ngayon kaya pwede na silang mag-usap sa social media.