ANG WIKA by Eunice Bariata

Paano nagsimula ang wika?
Iba't iba ang paniniwala ng mga palaaral tungkol sa kung marami o iisa ang pinagmulan ng mga wika sa daigdig. Ang mga bagay na ito ay tulad lamang ng iba't ibang paniniwala tungkol sa pinag mulan ng tao.

TEORYA SA TORE NG BABEL
Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, pagkatapos ng delubyo o malaking baja, ang mga angkang nagmula kay Noah ay dumami nang dumami at kumaganap pagwing Silangan. Noong panahong iyo’y iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Sa Patuloy na paghahanap ng tao ng mabuting pook na mapaninirahan ay natuklasan nila ang lupain ng Babilonya. Doon sila nagsimulang magtatag ng isang lunsod. Nagsimula rin silang magtayo ng isang napakataas na templong-tore na halos umabot sa langit, wika nga. Ang nasabing templong-tore ay isang bantayog na sumasagisag sa kanilang palalo at walang hanggang paghahangad.

Nang bumaba sa kalupaan ang Diyos ay nakita niya ang templong-toreng itinatayo ng mga tao. Naisip niya na kung patuloy na magkakaroon ng isang wika ang mga tao, sila ay mananatiling nagkakaisa at maaaring dumating ang panahon na wala ng maging katapusan ang kanilang pagiging labis

Kaya’t ang ginawa ng Diyos ay binigyan niya ang mga tao ng iba’t ibang wika upang sila’y hindi magkaunawaan. Nang hindi na magkaunawaan ang mga tao ay nagsimula na silang magwatak-watak at kumalat sa buong daigdig. Ang lungsod at templong tore na kanilang itinayo, mula noon ay nakilala sa tawag na Lunsod ng Babel at Tore ng Babel na ang ibig sabihin ay “City of Confusion” sapagkat doon nakaranas ang mga tao ng pagkakalito, pakagulo at pagkakawatak-watak nang sila’y bigyan ng Diyos ng iba’t ibang wika. (Genesis kab. 11:1-9)

Narito ang ilang teorya hinggil sa pinagmulan ng wika:

TEORYANG BOW-WOW
Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisa’y ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon.

TEORYANG TARA-BOOM-DE-AY
Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa. Mangyari pa, sa mga ritwal na ito kalimitan ay may mga sayaw, sigaw, at iba pang gawain, nagkakaroon ng mga salitang kanilang pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura.

TEORYANG DING-DONG
Maliban sa tunog ng hayop, ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren, patak ng ulan at langitngit ng kawayan, at iba pa.

TEORYANG POOH-POOH
Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.

TEORYANG YO-HE-HO
Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho.

BATAY SA ISANG EKSPERIMENTO:
Ayon sa Haring si Psammitichus, hari ng Ehipto, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. “Unconsciously learning the language”.

Noong unang panahon ay nagpakuha ng dalawang sanggol at pinaalagaan ang mga ito sa isang pook na walang maririnig na usapan ng tao upan alamin kung anong wika an kanilang matutuhan. Ang unang nabigkas diumano ng dalawang bata ay ang salitang “bekos” isang salita sa wikang Phygrian (isa na ngayong patay na matandang wikang Indo-Europeo) na ang ibig sabihin ay bread.

Dahil doon ay nagbibigay ng konklusyon si Haring Psammitichus na ang dalawang bata, kahit walang naririnig na wikang Phrygean ay matututo rin nito. Nagbigay rin ng konklusyon ang hari na wikang Phrygean ay mas una at mas matanda sa wikang Egyptian.
Katulad din ng ibang teorya at paniniwala, napakahirap paniwalaan ang naging konklusyon ng nasabing hari sa kaniyang eksperimento.