𝑼𝒏𝒕𝒊-𝒖𝒏𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑵𝒂𝒉𝒖𝒉𝒖𝒍𝒐𝒈 𝑺𝒂𝒚𝒐 𝑴𝒖𝒍𝒊 by Joana Jane Encarnacion

"𝐃𝐢𝐥𝐚𝐰"
0:04-1:04

Alam na alam mo ang bakas ng aking puso, na ako ay may halong takot na umibig muli, ngunit damang-dama ko ang pagiging delikado nung napapangiti na ako dulot lamang ng presensya mo. Sabi mo galit ang mga mata mo, pero pag ako ang tumitingin nito, ang sinasalamin nito ay ang kalma na matagal ko nang hinahanap. Wala ngang katiyakan noon kung ano ba talaga ang gusto ko, ngunit sa paglipas ng panahon ay nawalan rin ng saysay ang paghahanap ko nito.

"Hinding-hindi na ako bibitaw, ngayong ikaw na ang kasayaw. Kung mayroon ka mang kulay na tanglaw, ikaw ay Dilaw."

"𝐓𝐚𝐝𝐡𝐚𝐧𝐚"
Nais kong isipin na tayo nga ay itinadhana ng tama nung nagkita ang ating mga landas, sapagkat kahit anong pilit kong hindi bigyang pansin ang nakatago kong saloobin, ay mas lalo akong dinadala nito palapit sayo. Kung saan ay hindi ko nga pinaubaya sa hangin ang lahat, mayroong takot at bigat, ngunit andoon ka na nakikinig. Kalaunan ay parehas pala tayong nahuhulog na rin.

"𝐍𝐚𝐡𝐮𝐡𝐮𝐥𝐨𝐠"
Sa paglipas ng panahon ng ating pagsama, walang katanungan na ako nga ay hinay-hinay, dahan-dahang nahuhulog ng malalim sayo. Bawat oras na magkasama tayo ay napapabilis ang ikot ng mundo, ang mundong hinihiling ko na sana'y huminto nalang tuwing ako'y nasa iyong pangangalaga.

"Nahuhulog sa lupa ang puso ko, nakatutunaw mga titig mo
at dahan-dahang mga hawak mo. Nabubuo ang buong pagkatao ko, kapag ikaw na ang kapiling ko, habang-buhay dito lang sa tabi ko."

"𝐖𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲"
Walang Humpay (patuloy na nangyayari)

Dumaan ang isang taon at maraming mga buwan, ngayon rin ang unang petsa ng Setyembre, ngunit nandito ako ngayon sa kalagitnaan ng takipsilim, sumusulat.

Hindi ko maipalagay ng maayos ang nadarama ko sa mga lumipas na mga araw, o di kaya linggo. Sa mga oras na tumitingin ako sa mga mata mo ay sinasalamin nito ang lalim ng kinahuhulugan ko, ang lalim na di ko masukat-sukat, na para bang nababalik ako sa mga araw ng ating unang pagkakilala. Hindi ko rin mabatid, ngunit sigurado ako na tila bang may bumubulaklak sa aking puso na para bang nadama ko na noon, ang pagiging delikado?

Sa paglipas ng panahon, sa ikinalalapit ng ating pagda-dalawang taon ng iisang-dibdib, ako ay napapanatiling bihag ng iyong pagmamahal, pagmamahal na nais ko ring bibihagin ako ng pang-habambuhay, sa hirap man o ginhawa.