Usbong! Proyektong Pagpapaunlad sa kaantasan sa pagkatuto ng mga mag-aaral Baitang 10 sa wikang Filipino by Rezejel Rojo

Jade Ann D. Broso
1.) Bilang isang mag-aaral paano mo mapauunlad ang iyong pagkatuto sa wikang Filipino?
- Bilang isang mag-aaral, maipapakita ko ang pagpapaunlad ng aking pagkatuto sa wikang Filipino sa pamamagitan ng una, sa pag-aaral nito. Para sa akin, ang mismong pag-aaral at pakiking sa asignaturang Filipino ay pagpapaunlad na ng pagkatuto ng isang mag-aaral. Ang pagsanay din sa sarili ng pag-gamit ng ating sariling wika ay makatutulong upang maging dalubhasa tayo at komportable sa wikang ating pagkakakilanlan, at mapalawak ang ating bokabyularyo at mapaganda ang grammar hindi lamang sa wikang Ingles kundi maging sa Filipino. Isa ring magandang paraan upang mapaunlad ang ating pagkatuto ay paggamit nito sa ating talento. Halimbawa ay kung mahilig kang magsulat ng tula, kwento, o kanta, maaari mong gamitin ang sarili mismo nating wika.

2.) Ano ang iyong natutunan mula sa maikling talakayan na ito?
- Masasabi kong napakarami kong natutunan sa maikling talakayan na ito. Sa iilang oras ay nabigyang linaw ang mga kadalasang miskonspeto ko sa asignaturang Filipino, gaya ng pag-gamit ng nang at ng. Ang ‘nang’ ay kalimitang sumasagot sa tanong na ‘paano’ samantalang ang ‘ng’ ay sa tanong na ‘ano’. Noong nasa ika-walong baitang din ako ay hindi namin sigurado kung alin ba ang tama; kung kumusta o kamusta. Ayun pala ay kumusta. Sa diskusyon kanina ay napagtanto ko na hindi ako gaanong bihasa o dalubhasa sa mismo nating wika, dahil dito ay medyo natamaan tuloy ako sa sinabi ni Dr. Jose Rizal na higit sa hayop at malansang isda ang isang taong hindi marunong magmahal sa sariling wika, dahil din dito ay mas nagi akong desididong matutunan at idiskubre ang iba pang malalalim na salita sa Filipino na makakatulong sa akin sa pagpapaganda ng pagbuo ng mga tula.

John Constantine B. Callada 10-STE1 [Einstein]
1. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapaunlad ang iyong pagkatuto sa Filipino?

May isang bagay akong tinatawag na google translate na magagamit ko, pero bukod diyan, kahit sino ay maaaring magpakita ng kanilang pag-unlad sa pag-master ng wikang Filipino sa  paraan ng pagbabasa ng huwag hihigit sa 6000 na libro tungkol sa wika. Ang paglago ng pagkatuto ng isang mag-aaral, ay nagsisimula sa pag-aaral ng mga pangunahing kaalaman tulad ng ayos ng pangungusap, mga pang-ugnay, pang-angkop, pang-abay, pang-uri, pandiwa, at iba pang mga pansematika.

Ang pageensayo sa sarili sa paggamit ng ating sariling wika ay tutulong din sa atin sa pagiging bihasa at komportable sa wika ng ating pagkakakilanlan, gayundin sa pagpapalawak ng ating bokabularyo at pagpapabuti ng ating gramatika sa Filipino. Maari rin na mas matuto ka sa wikang ito, sa pag-aaral ng mga mapanlait or mga murang salita sa wikang ito, para mas mapagyaman ang iyong isip.

2. Ano ang iyong natutunan mula sa maikling talakayan na ito?

Sa totoo lang, masasabi kong marami akong naituro sa maikling pahayag na ito. Ang aking mga tipikal na hindi pagkakaunawaan tungkol sa wikang Filipino, tulad ng paggamit ng nang at ng, ang pagsalin ng mga salitang hiram o mga salitang mahirap o malalim, at ang pangkasaysayang kaalaman ng ating lengguwahe ay nawala sa loob ng ilang oras. Ang 'kailan' ay karaniwang sumasagot sa 'paano' na query, samantalang ang 'ng' ay karaniwang sumasagot sa 'ano'. Hindi kami makapagdesisyon kung tama ba o hello noong ako ay nasa ikapitong baitang. Ganyan ang sitwasyon. Bilang resulta ng aming nakaraang pag-uusap, nakilala ko na hindi ako partikular na sanay o dalubhasa sa aming sariling wika, at lalo akong naudyukan na mag-aral at tumuklas ng mga bagong malalim na termino sa Filipino na maaaring makatulong sa akin na mapahusay ang aking paggawa ng mga gawain.

Gan Von Urich De Luna
1. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapaunlad ang iyong pagkatuto sa Filipino?
- Mahalagang nanggagaling mismo sa tao ang inisyatibo na mas paigtingin ang kaalaman sa wikang Filipino. Sa pamamagitan ng paggamit o panonood ng media kagaya ng mga dyaryo, libro o pelikula na gumagamit ng wikang Filipino ay isa nang pagpapaunlad sa pagkatuto ko sa wikang Filipino.

2. Ano ang iyong natutunan mula sa maikling talakayan na ito?
- Natutunan ko ang iba't-ibang mga salita na sinalin sa Filipino mula sa wikang Ingles pati ang Sosyolinggwistikong teorya. Hindi lang isa ang maaaring salin ng mga salita sa wikang Filipino kaya mas nagiging makulay ang pakikipagtalstasan, mula sa mga hiram na salita. Naituro din ni Ma'am Rojo ang balarila ng wikang Filipino o ang wastong paggamit sa mga salita kagaya ng 'kung,' 'kumusta', 'muna' at marami pang iba.

Kirschen Xyvrl I. Balajadia
1. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapaunlad ang iyong pagkatuto sa Filipino?
- Mapapaunlad ko ito sa pamamagitan ng patuloy na paggamit ng wikang Filipino lalo na sa pakikipagkomunika. Ang pagbasa ng mga libro, tula, sanaysay, at iba pa ay isa rin sa magpapahasa saakin pagdating sa Filipino.

2. Ano ang iyong natutunan sa maikling talakayan na ito?
- Napagtanto ko na ang pagsasalin ay dapat din bigyang halaga, lalo na sa mga taong tulad kong di hasa sa Filipino. Naitalakay rin ng mabuti kung paano gamitin ang ibang mga salita sa tamang ayos.

Ashifra D. Custodio
1. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapapaunlad ang iyong pagkatuto sa Filipino?
- Bilang isang mag-aaral ang maaari kong gawin ay magbasa ng mga libro na isisnulat sa wikang filipino o manood ng mga pelikula o teleserye na nagsasalita ng wikang filipino. Bukod dito, maaari ring magsalita ng wikang filipino na hindi gumagamit ng wikang banyaga para mapaunlad ang pag-unawa sa wiakng filipino.

2. Ano ang iyong natutunan mula sa maikling talakayan na ito?
- Marami akong natutunan na mga bago at malalalim na salita sa filipino na nakatulong upang mas lumawak ang aking isipan sa wikang filipino. Naitalakay rin ang tamang paggamit ng 'ng' at 'nang', 'raw', 'rin', 'rito', at 'riyan', at iba pa, na nakatulong upang ako'y umunlad at mahasa sa wikang filipino.