GISON_Repleksyong Lasalyano (M1) by Sachiko Aika Gison

MASID-DANAS
Para sa akin, hindi ako masyadong magaling sa Filipino. Simula sa pagkabata, mahilig ako sa pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat sa Ingles kaya nahihirapan ako sa Filipino. Natuto naman ako sa wika habang lumalaki at hinihikayat ko rin aking sarili na magsulat ng hindi Ingles. Kung magsasalita ng Filipino, minsan hindi ko mahanap ang tamang salita upang ipahayag ang aking dapat sabihin at doon papasok ang Taglish.

Sa ngayon, mas maayos na ang aking kakayahan sa paggamit ng Filipino sa araw-araw na buhay. Sa kabilang banda, mayroon pa ring mga pagkakataon na hindi ko pa nauunawaan ang iba pang mga salita kaya gumagamit ako ng salin gaya ng Google Translate. Dagdag pa rin dito, interesado ako sa pagsasalita ng Cebuano dahil sa aking ama na nagsasalita nito noong kanyang pag-aaral ng hayskul sa Bohol, gayundin sa kanyang mga kamag-anak doon-- ngunit nawawala ang aking oras para matuto dahil na rin sa aking hilig sa mga banyagang wika gaya ng Pranses, Italyano, Espanyol, at Hapones.

Base sa aking mga personal na karanasan, nakikita ko na ako rin ay nahihirapan na tangkilikin ang wikang Filipino. Sa kasalukuyan, masasabi natin na ang Ingles ay ang nagsisilbing "sukat" ng katalinuhan, kayamanan, at kakakayahan sa lipunan. Marami ang dinanas ng wikang Filipino sa kasaysayan at kasama rin dito ang globalisasyon na nagiging mahirap upang yakapin ito ng mga bagong henerasyon. Dahil doon, hindi na ganoong pinapahalaga ng mga nakakabata ang sariling Inang Wika at marami sa mga wikang katutubo ng bansa ay manganganib na maubos.

SURI-NILAY
Gaya ng sinabi ko, marami ang mga pinagdaanan ang wikang Filipino sa ating kasaysayan. Ang mga ito ang ilan sa mga salik na nagpapalubha sa hamon o isyung ito:

Ang kasaysayan sa pangkalahatan

Noong panahon ng mga Kastila, ang wika ng ating mga ninuno (gaya ng baybayin) ay pinalitan ng Espanyol at, sa huli, naging Filipino na nagsisilbing instrumento ng himagsik. Pagdating ng mga Amerikano, pinalitan naman ang Filipino ng Ingles at dito ay nagsimulang natuto ang mga Pilipino kahit mabagal. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hinikayat naman ng mga Hapones ang mga Pilipino na gumamit ang Filipino gayundin ang Nippongo. Ngayon, maraming mga batas ang naipasa tungkol sa wikang Filipino at sa kasalukuyan kinkailangang maging bilingguwal ang mga Pilipino na naging Taglish. Makikita natin dito na ang kasaysayan ng wikang Filipino ay masalimuot dahil sa patuloy na "pagpasok" at "paglabas" nito sa ating bokabularyo.

Ang mga batas

Marami ng mga batas at panukala ay naipasa ng pamahalaan tungkol sa usapin sa wikang Filipino. Mayroong mga batas na humikayat sa mga Pilipino na gamitin ang Inang Wika at gawing pambansang wika ang Filipino, iba naman gustong itanggal ang wika at iba pang mga wika sa mga asignatura (gaya lamang ng Mother Tongue), iba naman gustong ibalik ang mga ito sa kurikulum, at kung anu-ano pa. Nakakalitong isipin na mayroong mga mambabatas na may balak na tanggalin ang wikang Filipino at ibang wika sa edukasyon at trabaho, at mayroon ding mga iba na hinihiyakat ang mga ito. Dahil sa mga ito, nahihirapan ang maraming Pilipino na makapaggamit ng kanilang sariling wika kahit Filipino ito o ang kanilang katutubong wika.

Ang ating mga sarili

Huwag nating kalimutan na tayo rin ay bahagi ng hamon o isyung ito dahil tayo ay may gusto nito o hindi. Marami sa mga kabataan ngayon ay mas magaling pa sa pagsasalita ng Ingles kaysa kanilang mga magulang sapagkat sila ay karaniwang nakalantad sa sosyal medya ngayon kumpara noon. Dahil doon, mas maraming tao ang nahihirapan na magsalita ng Filipino o kanilang katutubong wika (gaya ng Ilocano, Bisaya, Hiligaynon, atbp.) na manganganib na maubos. Kung hindi binigyang pansin natin ang mga hamong ito, ang hinaharap ng wikang Filipino at iba pang mga wika ay hindi magiging sigurado. Ang ating mga sarili ay ang unang hakbang upang maayos ang mga isyung ito.

TAYA-KILOS
Ang bawat hakbang patungo sa isang solusyon ay palaging nagsisimula sa sarili natin.

Personal na Lebel

Matutong magsalita sa iyong Inang Wika

Ito ang simpleng paraan para makatulong sa hamong ito. Ang pagsasalita sa sariling wika ay ang unang hakbang sa pagyakap nito.

Gamitin ang sariling wika sa pagsalita at pagsulat

Kung marunong ka na sa paggamit ng mga salita, subukang magsalita sa iba at sumulat upang magkaroon ng puna sa kanila at mas mapabuti mo ang iyong kasanayan sa wikang iyon.

Magbasa

Walang problema ang pagbabasa ng mga libro, kwento, artikulo, at iba pang teksto sa sariling wika sapagkat ang mga ito ay nakakatulong upang linangin ang ating mga natutunan gayundin ay makapag-aral ng mga bagong salita na hindi natin alam.

Kung nagawa mo ang mga ito sa simula, mahalaga rin na ipakita ang mga ito sa iba at sa lipunan.

Pampamayanang Lebel

Turuan ang iba

Ang ating mga kakayahan ay dapat ipinakita sa iba. Gaya ng mga sinabi ko, ang mga kabataan ngayon ay mas magaling na magsalita ng Ingles na hindi nila naintindihan ang kanilang sariling wika. Ang ating magagawa rito ay turuan natin sila sa mga wika na kinakailangan nila upang sa gayon ay marami pa ring mga nagsasalita ng wikang iyon sa hinaharap at maipapasa nila ito sa iba. Sa panahon ng sosyal medya, mas magiging madali ang pagtuto nila na maaari nilang ibahagi.

Makibahagi sa gawaing humihikayat sa mga wikang ito

Ang pakikibahagi sa mga gawain, palatuntunan, at pagdiriwang (gaya ng Buwan ng Wika) ay nakakatulong sa pagyakap at pagmahal sa sariling wika kasama ang kapwa.

Makibahagi sa mga pananaliksik

Ang pagkakaroon ng mga pag-aaral tungkol sa wikang Filipino at mga wikang katutubo ay mahalaga upang alamin ang mga hakbang, kulang, at kinakailangan ng mga tao sa pag-aral at paglinang ng mga wikang ito. Ang bawat datos at analisis ay nagpakikita kung paano masusukat ang galing at kailangan ng mga Filipino tungkol sa pagtangkilik ng kanilang Inang Wika.