My Journal by F - Mangco, Janna Jyca C.

WEEK 4
Sa dami nang-yare sa week na ito, ang natandaan ko lang ay pressure. Nakaka-pressure na mag-aral may time na umiiyak ako dahil sa sobrang tambak na ng gawain. May time na nag cra-cramming ako kasi sunod sunod ang pag-bigay ng gawain. Pero kahit naman ganon, may mga bagay na ginagawa ko pa rin para maibsan ko ang isip ko at pressure ko sa acads. Kapag may araw ng pag Samba ay Sumasamba ako, para maisumbong ko lahat sa Panginoong Hesus ang mga pag-subok ko sa buhay and after non, laban ulit. At kapag minsan nasama ako sa gala—pumupunta kami sa malaking daan sa Alapan 1-C, at nag mumuni-muni at kakalimutan ko muna nang saglit ang mga activities ko. Nong isang araw nga pumunta kami ron, kumain kami ng malaking shomai na tig 10 ang isang malaking shomai, tapos nakita pa naman ang sikat na vlogger na si Erwic mukbang hehehe diba angas. Tapos kasama pa namin 'yong manliligaw ko na naging kaibigan ko, at nag picture kami non sa sunset. Sobrang ganda, nakalimutan ko na ulit problema ko. Ta's pag-uwi, ayon ulit : ((

Nong Friday nga pag-uwi ko, umiyak ako nang umiyak, ewan, sabay-sabay na kasi 'yon. Sa acads, sa bahay, and sa isang tao. Nilabas ko lahat, mga ilang oras din ako umiyak non—'di na nga ako nakakain non eh kahit sa pag-pasok ko, hindi na ako nakakakain, ahm actually mag-hapon—hindi naman ako nakaramdam non ng gutom eh, tapos pag-gising ko nangangatal na ako, hinang-hina ang katawan ko even though hindi naman ako nagugutom. Pero kumain na ako non, kasi kailangan ko ng lakas since may onlince class non and need ko gumawa ng activity.

And ngayong araw, na tina-type ko ito, pressure pa rin : ))

Hindi ko nga alam kung malalampasan ko ba ito eh, pero naniniwala naman ako na may awa ang Ama, papatibayin ang loob ko. At alam ko rin na para sa akin din ito. Gusto ko iiyak lahat lahat, pero wala akong time 🤣🤣 pero at least, kahit papaano, gamit ang journal na 'to, naoopen ko saluubin ko, diba??

Ayon lang : ))

WEEK 3
Hii!! kalahati ng week na ito ay inis ako. Paano ba naman, ang daming bad trip na nang-yare sa akin. 'Yung pinaka-bad trip sa akin, ay 'yong sinuot ng ate ko ang white T-Shirt ko—nakakainis super. Tagal ko na non hinahanap tapos siya pala ang gagamit??? Tapos nong pinapahubad ko, ang sabi "pag-iisipan ko muna" loh? Diba nakakainis. Nag-aaway kami ng ate ko, like nag sasabong talaga. Sabunutan ganon, pero 'di ako proud, nadadala lang ako ng galit ko non. Pero this time, hindi kami nag sabunutan kahit umiiyak na ako sa gigil sa kaniya. Nasa kabilang bahay kasi siya eh, nasa mga nanay eh ako nasa ate ko. At para gumanti ako, binalot ko ang kaniyang mga bilang na damit niya rito, tapos tinapon ko sa malinis na trashcan, as in malinis—kakailinis lang kasi eh hehehe. Tapos ayon, sinabi ko sa kaniya na tinapon ko sa basurahan ang kaniyang damit. Tapos nagkaka-galitan na kaming dalawa on chat. After ko gawin 'yon, 'yong galit ko nawala na kasi feel ko naka-ganti na ako. Tapos kinabukasan okay na ulit kami. Tapos this week, pumunta rito pamangkin namin, ang laki niya na at six years old na siya. Dalaga na siya and maalam na siya makipag-usap, parang dati lang babyng baby pa siya eh. Ayon, ang ex-husband ng kuya ko at ng ate mia ay nag bond together. Ansaya saya naman. Eto pa nong July 17, nag puyat puyat pa ako para pumasa sa business math, pero guess what?? 2 points lang ako—super disappointed. Diba bad trip at ayon lang naalala ko this week puro kabadtripan.

WEEK 2
Pumunta rito ex friend ko, nakikipag-bati sa akin pero hindi ako napayagan, aba nanay ko pinipilit ako. Tapos dinadamay pa mga new friends ko, pati manliligaw ko, kesyo magiging grounded daw ako sa mga bagay bagay. Bakit ako makikipag-ayos sa kanila? Eh sila naman itong may kasalanan, lalo na mga pamilya nila. Ansama ng tingin sa akin, nakakapagod, ang iniisip sa akin ako ang bad influence??????? Truelabols ha?? Pero no choice ako, kami na nag-aaway ng nanay ko and ayaw ko rin naman na ma-grounded ako sa mga bagay bagay, diba?? Edi kinausap ko thru chat—sabi ko okay na kami pero deep inside napilitan lang talaga ako. Tapos the way nag I I love you siya sa akin, na cri-cringe ako. Tapos nong pauwi na siya, kumiss pa naman, ihhh yay!! Na-cringe talaga ako. Kasi kinalimutan ko na siya eh tapos ganon? Antagal ko sila hinihintay tapos ngayong fully healed na ako pupunta rito sa bahay?? Na parang nothing happened?? No No No No

Kaya nong kiniss ako, mag-hapon akong nacringe, to the point pati sa manliligaw ko ay nacri-cringe na rin ako. Tapos nong naka-uwi na siya, sabi sa akin, sa friday raw babawi siya.

WEEK 1
Sobrang dami nang-yare sa buhay ko sa week na ito. Pero may isang nag highlight sa akin—nong gumala kami ng friends ko after namin sa library tapos napagalitan ako ng ate ko kasi mag 6 PM na ako naka-uwi. Nag chat siya sa akin, napapagalitan na ako, syempre natatakot ako, nag e-explain ako sabi ko niyaya lang ako ulit ng friend ko na mag bibilhin sa Mall, hehehe. Tapos sabi ng ate ko pag-uwi ko, sa susunod daw itatapon niya na mga damit ko sa labas kapag daw ako late na naman umuwi. Natakot ako syempre, edi nagpapa-alam na ako. Pero hindi pa rin nila ako pinapayagan. Kinabukasan birthday ng isa kong friend tapos don din ang araw na namatay ang pusa kong si thor :(( Nasa jeep kami, naiyak ako, malamang masakit sa akin as a furmom, diba?? Pero wala na akong magagawa eh. Tapos sabi ng friend ko kain na lang kami sa labas since birthday niya and para makapag-enjoy na rin ako kasi kita talaga nila sa akin na bigla akong nanlumo sa lungkot. Nandon na kami sa robinson tapos nag paalam na rin ako sa nanay ko, pero hindi ako pinayagan ioz. Edi sinabi ko na lang na kakain na lang kami sa Mang-Inasal. Tapos after namin umuwi na agad ako, tapos sila nag-lalaro—kainggit. Hinatid na lang nila ako sa terminal ng mga tricycle and booghs, naka-uwi naman ako nang ligtas. Tapos kita konsi thor nilalangaw na :(( tapos nanigas na rin, but hindi pa siya namamaho ha. Sabi ko sa ate ko ba't hindi pa nila tinapon. Ang sagot, niwait pa nila ako. Tapos kinagabihan tinapon na ng nanay :((