Si Rizal sa Akin! by
Salvador, Patricia 10-8 AM
"Minsan, nararanasan natin ang mga malalakas na ulan at makikita ang madilim na kalangitan, ngunit pagkatapos ng iyon, muli nating makikita ang araw."
Masasabi ko na ako ay isang taong hindi nawawalan ng pag-asa. Katulad ni Rizal na hindi nawalan ng pag-asa sa pagsulat ng kanyang nobela, El Filibusterismo, kahit dumaan siya sa maraming pagsubok. Lahat ng tao ay dumadaan sa iba't ibang suliranin. Tayo'y huwag mawalan ng pag-asa dahil ang bawat pagsubok at problema ay may solusyon.
Chloe Nepomuceno
"Ang tunay na sikreto sa tagumpay ay pagsisikap at patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali."
Ang ugali ni Rizal na tingin ko ay sumasalamin sa akin ay ang kanyang determinasyon. Kahit anong padurusa, kahirapan, at sakit ang pagdaanan niya, hindi nawala ang pokus niya sa kanyang layunin at patuloy siyang lumaban. Ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan ay lalo lang siyang pinalakas. Nakikita ko ito sa sarili ko dahil hindi ako mabilis sumuko. Sinisugurado ko na nakatutok lang ako sa aking layunin at kung may mga problema mang dumating, naghahanap agad ako ng solusyon para dito.
Agbayani, Samantha 10-8 AM
"Sa pagsisipag at pagtiyatiyaga, maaabot natin ang ating mga pangarap at makakatulong tayo sa ating bayan."
Si Jose Rizal ay masipag at matiyaga. Marami siyang balakid at hadlang na hinarap ngunit hindi siya sumuko. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya upang ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino sa mapayapang paraan. Ginamit niya ang kanyang talento sa pagsusulat upang bigyan ng inspirasyon ang mga Pilipino. Sa kabila ng paglipat-lipat ng lugar, at panganib na siya ay makulong, siya ay nagtiyaga upang tayo ay mabigyan ng pag-asa at lakas ng loob na lumaban. Nakikita ko ang katangian ng pagiging masipag at matiyaga sa aking sarili dahil binibigay ko ang aking buong husay sa aking pag-aaral. Sa hinaharap, gusto ko ring tulungan ang aking bansa sa pamamagitan ng pagiging isang doktor. Kapag ipinagpatuloy ko ang pagiging masipag at matiyaga kahit sa mahirap na sitwasyon, inaasahan ko na makakatulong ako sa paglutas ng korupsyon sa sistemang medikal ng ating bansa.
Concepcion, Melissa 10 - 8 AM
"Ang tagumpay ay langing posible para sa taong hindi susuko sa laban."
Noong sinulat ni Rizal ang nobela, isinulat niya ito upang ipagtanggol ang mga mamamayang Pilipino mula sa mga dayuhang akusong kamangmangan at kawalan ng kaalaman at upang ipakita kung paano namuhay ang sambayanang Pilipino sa panahon ng kolonyal ng Espanya. Alam ni Rizal na hindi natin kaya ang sakit at kalungkutan nung panahoon na iyon, at alam niya na mayroon tayong mga karapatang ipakinggan. Determinado siyang gawin kung ano ang tama para sa kanyang bayan, at sapat ang kanyang diskarte na marinig ito sa mga ibang bansa. Ibinigay niya saten ang pagiisip na kung meron tayong gusto, pinagsisikapan natin ito kahit may mga pagsasakripisyo.
Bernabe, Denisse 10-8 AM
“Wag tayong huminto na manindigan para sa katotohanan kahit pa man na maiwan tayong mag-isa dahil sa huli tayo ay magwawagi”
Makikita natin kay si Rizal na mayroon siyang malakas na paninindigan para sa kanyang bayan at pinaglaban niya ito buong buhay niya hanggang sa pagkamatay. Makikita rin natin na ipinaparating niya ito sa pamamagitan ng kanyang mga nobela at kung titingnan natin ang mga kasaysayan ng mga ito, hindi kelan man sumuko o tinalikuran ni Rizal ang pagsusulat ng mga nito kahit na puno ng paghihirap ang naranasan niya para lamang naibahagi sa iba ang kanyang pagmamahal sa bayan. Ito ay hanggang sa kanyang mga huling sandali bago mamatay makikita natin na buo parin ang kanyang paninindigan para sa kalayaan at karapatan ng ating bayan. Sa aking palagay nakikita ko ang aking sarili na may paninindigan rin dahil araw araw ako ay nagpupursigi na makamit ang aking mga kagustuhan at pangarap sa buhay kahit na alam kong hindi ito magiging madali. Nagsisikap ako upang maging isang mabuting mamayanan para sa ating bayan sa pagsunod sa mga patakaran at regulasyon na ibinibigay sa atin upang mapanatili ligtas ang isa’t isa. Sa paglaban ng ating paninindigan tungkol sa iba’t ibang isyu o pangyayari sa ngayon maari tayong  makapagbigay ng bagong pananaw sa iba at makakatulong rin na mapagtanto nila kung ano ang tama kung saan maaring mahikayat tayo na suportahan ng iba kung ano ang tama at totoo. Gugustuhin ko ring makaimpluwensya sa iba upang manindigan tungo sa sangkatauhan dahil sa ngayon ang ating gobyerno ay nahihirap at kakailanganin natin ng lakas ng loob para marinig ang ating saloobin at makatulong para sa ikakabuti ng lahat at ng ating bayan.
Gonzalez, Jacqueline 10-8 AM
"Isang beses lamang mamamatay ang isang tao, at kung ang isang tao ay hindi namatay nang maayos, isang magandang pagkakataon ay mawawala at hindi na magpapakita muli."
Ang buhay ni Jose Rizal ay puno ng mga kapanapanabik na karanasan na walang nasayang na pagkakataon. Nais niyang gawing posible kung ano ang imposible. Ang kanyang layunin sa buhay ay magkaroon ng kahulugan at tatak sa sambayanang Pilipino at ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Nais niya na maging matapang ang sambayanang Pilipino at himukin ang bawat pagkakataon para sa ikabubuti ng bansa. Tulad din ni Jose Rizal, ang aking hangarin sa buhay ay makamit ang kasiyahan sa buhay habang nakakatulong sa kapwa. Huwag mag-aksaya ng anumang oras at sakupin ang bawat sandal para sa mabuti. Gawin ang anumang bagay ng masigasig at hindi susuko sa aking mga layunin at pangarap.
Stine Jaina Leigh M. 10-8 AM
"Ang kabaitan ay isang ragalong kayang ibigay ng lahat."
Sa palagay ko ang isang kalidad na mayroon si Jose Rizal na naiugnay ko ay ang maalalahanin. Palagi ako nag-aalala sa mga taong mahal ko. Pinangangalagaan ko ang mga taong nangangailangan at sa gayon sinusubukan ko ang aking makakaya para makatulong sa kanila. Si Jose Rizal ay isang mabait at masipag na tao. Palagi niyang pinahahalagahan ang mga aliping Pilipino na na-bihag dahil sa mga Espanyol. Ginugutom niya rin ang sarili niya upang makatipid ng pera at matulungan ang mga nangangailangan. Kahit na nagwagi siya sa loterya, ginamit pa rin niya ang napanalunan niyang pera upang makapagtayo ng isang paaralan.
Hortaleza, Kara 10-8 AM
"Maaari mong makamit ang mahusay na bagay kung masipag ka."
Sa palagay ko nagbabahagi kami ni Jose Rizal ng parehong kalidad ng pagiging masipag. Si Jose Rizal ay nagsumikap upang mapalaya ang mga Pilipino mula sa mga Espanyol at nagsumikap ako upang makamit ang mga bagay na nais ko.
Naniniwala ako na kung mas mahirap ka magtrabaho mas mabuti ka sa buhay. Ang pagiging masipag ay tumutulong sa amin na maging mas nakatuon at determinadong gumawa ng mga bagay para sa iba. Iniisip ko din na ang pagiging masipag ay maaaring makinabang sa iba. Kapag pinaghirapan mo makakatanggap ka ng mga bagong pagkakataon. Kapag nagsumikap ka, makakatulong kang mapabuti ang mundo. Ipinaglaban ni Jose Rizal ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsulat ng mga nobela, sanaysay, artikulo, at tula.
BATILLER, Xhane Paulei V. 10-8 AM
"Walang silbi ang mata kapag ang isip ay bulag"
Sa aking palagay, ang kalidad na mayroon namin ni Jose Rizal ay pagiging bukas-isip. Kahit na hindi ako kasing tapang at bukas ang pag-iisip tulad niya. Pinili kong turuan ang aking sarili sa mga kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap ng mundo. Kapag ako ay nasa mali mas pipiliin kong turuan ang aking sarili sa halip na hayaang mawala ang aking pagmamataas at ipilit na tama ang aking mga paniniwala.
Hindi natakot si Rizal sa pagtatapon ng mga ideya at pagiging iba sa iba. Ang karamihan sa mga Pilipino dati ay bukas na magagalit at naglulunsad ng isang paghihimagsik, o pagbulong tungkol sa gobyerno ng Espanya na itinatag sa rehiyon, ibinaling ng pansin ni Rizal ang pagiging sandata na itinago ng mga Espanyol sa mga Pilipino sa panahon ng kanilang kolonisasyon. Gumamit si Jose Rizal ng panitikan upang maghimagsik laban sa mga patakaran at kawalan ng katarungan na itinakda ng mga Espanyol sa oras na iyon. Mayroon siyang talento sa panitikan at pumunta pa sa Europa upang mag-aral at ginamit niya iyon bilang susi nila sa pananabik na kalayaan ng Pilipinas. Sumulat siya ng dalawang aklat na nagbukas sa isipan ng mga tao tungkol sa pang-aapi ng gobyerno at hiniling na walang pagpipilian ang mga Espanyol kundi ang bigyan kami ng aming kalayaan sa pamamagitan ng pagpapakita na kami ay isang lahi ng mga sibilisado, may alam at may moral na mamamayan.
Siya ay itinuring na bukas ang isip dahil binuksan niya ang kanyang isip sa pang-aapi at pang-aabuso laban sa mga Pilipino. Hindi niya pinansin ang mga ito sa kabila ng lahat ng mga pagkakataong nasa harap niya, sa halip ay tinulungan niya ang ating bansa na makakuha ng kalayaan sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang talento sa panitikan.
Esliza, Cyrile Anne M.
“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makarating sa  paroroonan.”
Si Rizal ay mapagkumbaba. Sa kabila ng  talino niya at katapangan, hindi niya hinahayaan na malimutan niya kung saan siya nag simula at nanggaling. Malakas ang paninindigan niya sa mga bagay tulad ng mga karapatan ng kanyang mga kababayan at higit pa.
Sa aking palagay ito ang katangian niya na nanatili upang hindi niya mapabayaan ang kanyang pinaglalaban. Inalala niya ang hirap ng mga Pilipino at yun ang naging motibo sakanya upang matapos ang pang aabuso ng mga Kastila.
Lahat ng nakasaad ay mga katangian ni Rizal na dapat nating  isaalang-alang. Dapat ay maging matatag tayo para sa nakararami kahit na kailangan nating mag sakrepisyo.  Lagi nating tatandaan na walang nabubuhay para sa sarili lang.
Lansangan, Anne Levine 10-8 AM
“Huwag sumuko. Tumayo at lumaban muli.”
Si Rizal ay palaging ipinaglaban ang tama at hindi siya sumuko. Kahit pinilit siya ng mga Kastila na umalis ng Pilipinas, kahit naubusan na siya ng pera, at kahit nakaranas siya ng ibat’ ibang paghihirap, hindi pa rin siya sumuko. Ipinagtuloy niya pa rin ang pagsulat niya ng mga nobela upang ipakita at buksan ang mga mata ng mga Pilipino sa katiwalian ng mga Kastila. Ito ay tumulong sa pagsimula ng himagsikan laban sa kanila.
Sa aking palagay, mayroon din akong katangian na ito. Tuwing nakikita kong may gumagawa o nagsasabi ng mali, palagi kong sinusubukan na iwasto sila. Kapag nakikipagtalo sila sa akin, lagi kong sinusubukan na ipaliwanag kung anu-ano ang mga mali nila. Iyon ang dahilan kung bakit sa aking maliit na paraan masasabi kong mayroon akong katangian ni Rizal.
Ang simbolo na iginuhit ko ay guwantes na pamboksing na sinira ang dingding. Ipinapakita nito ang aming kalakasan tuwing may hinaharap kaming mga hadlang dahil malalampasan pa rin namin ito para ipaglaban ang tama. Upang makamit ang tagumpay, hindi namin kailanman hinahayaan ang anumang hadlang na huminto sa amin.
Fuentes, Therese 10-8 AM
"Upang magtagumpay, kakailanganin mong magkaroon ng matibay na paniniwala sa iyong sarili at sa iyong mga ideya at huwag sumuko sa kanila"
Sa palagay ko isang katangian ibinabahagi ko kay Dr. Jose Rizal ay pagiging matibay at paninindigan ang mga paniniwala namin. Kahit na nahihirapan ako, tinutulak ko ang sarali ko na hindi mabilis sumoko. Nanatili akong matatag sa aking pinaniniwalaan dahil malaking bahagi sila sa akin buhay ngunit bukas ang aking pag-iisip at hindi ko ibabagsak ang iba dahil sa kanilang mga opinyon. Si Rizal ay maraming naging hamon sa pagsusulat ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo ngunit nanatili siyang malakas hanggang sa kanyang kamatayan. Nanatili siyang masigla at marami sinakripisyo para sa mga nobelang at para sa bansa. Kahit na kaunti ang pera niya at nasaktan ang kanyang mga kamag-anak, nagpatuloy siya sa ginagawa niya. Naniniwala siyang kailangan ang pagkakapantay-pantay sa lipunan at ipinaglaban niya ito kahit na alam niyang mapanganib ang pagprotesta laban sa mga Espanyol. Kahit pinagsabihan siya ng mga Espanyol tungkol sa kanyang mga sulat, tinuloy niya ang kanyang mga nobela upang ipaalam sa mga tao kung ano talaga ang nangyayari sa paligid nila. Matapang siyang lumaban hanggang sa kanyang wakas at iyon ang hinahangaan ko sa kanya.
DEL CASTILLO
"Ang paniniil ng ilan ay posible lamang sa pamamagitan ng duwag ng iba."
Si Dr. Jose Rizal ay may maraming katangian na hinahangaan ko.  Sa aking palagay, ang katangian at personalidad na kami ay magkapareho ay ang katangian nais ipaglaban o ipagtanggol ang mga naapi o nahihirapna at gawin kung ano ang tama para sa ikabubuti ng karamihan at lalo na ng ating bansang Pilipinas. Dahil nais niyang gumising ang mga Pilipino sa mapait na kalagayan at pang-aapi ng mga kastila, siya ay sumulat ng  mga aklat na naglalarawan sa mga kasamaan at  sa mga katiwalian ng gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng mga Kastila. Si Dr. Jose Rizal ay bayani, ngunit hindi siya ang uri ng bayani na gumgamit ng dahas or baril, siya ay isang bayani na gamit lamang ay ang kanyang talento sa pagsulat ng mga nobela na gigising sa mga Pilipino. Sa wakas, ang pag-aalay niya ng kanyang buhay sa ating bansa ay nagdulot ng hudyat para tuluyang mamulat ang Pilipino at sumali sa himagsikan. Siguro hindi ko magagawa ang mga ginawa ni Dr. Jose Rizal,  ngunit kung kinakailangang ipagtanggol ang mga naapi, tulungan ang mga nahihirapan, at sugpuin ang sobra sobrang katiwalian sa ating bansa, kagayani Dr. Jose Rizal ay kaya ko ring gumawa ng paraan para makatulong na hindi kinakailangang gumawa ng dahas. Hindi ko pa alam talaga kung ano ang puwede kong gawin,  pero dahil gusto ko ring maging doctor ay puwede akong tumulong sa paggagamot ng libre sa mga mahihirap. Puwede rin akong gumawa ng YouTube channel para magbigay ng payo at sapat na kaalaman sa mga mahihirap upang umunlad ang kanilang mga buhay. Mahirap man ang buhay, pero habang tayo ay magkakaisa, maging masipag, matapat, at huwag mawawalan ng pag-asa sa Diyos tayo rin ay makakahanap ng sulosyon sa ating mga problema at uunlad muli ang ating bansang Pilipinas.
Arnaez, Maia 10-8 AM
"Ang iyong kahandaang matuto ay magbibigay sa iyo ng hustisya sa buhay."
Si Jose Rizal ay isang matalinong tao at isang bayani, isa siyang talentadong tao bilang siya ay isang makata, nobelista, pintor, iskultor, at isang polyglot. Kung ikukumpara sa akin, ang taong ito ay higit na mas nakakataas  sa maraming paraan, ngunit kung pipiliin ko ang isang kalidad ni Jose Rizal, magiging pareho kami ng bukas na pag-iisip. Si Jose Rizal ay kilala sa pagiging walang pinapanigan at madamdamin tungkol sa nais niya, at bilang isang mag-aaral, handa akong isaalang-alang ang mga bagong ideya na naihatid ng aking mga kamag-aral, upang maunawaan ang pagkakaiba-iba ng bawat isa, at igalang ang kanilang mga opinyon. Naniniwala ako na ang bawat tao ay dapat na handa na alamin ang lahat mula sa mga taong may iba`t ibang pinagmulan, paniniwala, at pagkakaiba-iba ng kultura upang maaari kaming magkaroon ng isang mas mahusay na pag-unawa sa bawat isa. Tulad ni Jose Rizal, na pumukaw sa mga Pilipino na maging matapang sa kabila ng iyong lahi o kulay, at mga mapagpalad ng mga Pilipino na gamitin ang kanilang mga mapagkukunan at hindi para sa walang kabuluhan - dapat nating malaman na maging bukas palad sa lahat.
Julianne Lantapon
“Kapag may mga uban na po akong tulad ng sa inyo at ginugunita ang nakaraan at makita kong gumawa ako alang-alang sa sarili lamang, hindi ginhawa ang magagawa’t nararapat gawin ukol sa bayang nagbigay sa akin ng lahat, ukol sa mga mamamayang tumutulong sa aking mabuhay, kapag nagkagayon po, magiging tinik sa akin ang bawat uban, at sa halip na ikaliwalhati ko’y dapat kong ikahiya.”
Maliban sa pagiging masipag, matyaga, matapang, madiskarte, si Rizal kahit mayaman at sadyang matalino ay hindi kalian man naging mayabang at ginamit ang kanyang kakayahan para talikuran ang mga Pilipino at magpaalipin sa mga espanol. Hindi niya pinainggit ang kanyang mga kayamanan at ang kanyang status ng pamumuhay, sa halip ginamit niyo ito ng marangal at pinagtanggol niya tayo sa isang kakaibang paraan. Ang kanyang paraan ay hindi sa dahas, hindi marahas, at hindi bayolente. Noong pinadala siya sa iba’t- ibang bansa ay may pagkakataon sana siyang magtago at mamuhay ng Malaya, ngunit hindi maalis sa kanyang isip ang kalagayan ng ating bansa. Pinaghirapan niyang sumulat ng mga nobela tunkol sa ating bansa at kung paano tayo trinato ng mga espanol. Si Rizal ay sobrang magpakumbaba simula pa nung maiit pa lamang siya, lahat yun ay turo ng kanyang nanay at hanggang sa paglaki niya ay dal-dala niya parin ang asla na ito kung saan siya.
Sarmiento, Mikaela Sabel
"Ang hindi marunong magmahal sa sa sariling wika ay daig pa ang malansang isa"
Dahil sa sobrang pagmamahal ni Jose Rizal sa ating bansa, pinapaala-ala sa mga Pilipino na dapat gamitin at ipagmalaki ang sariling wika. Si Rizal ay ipinakita niya ang pagmamahal sa bayan sa iba't ibang paraan tulad ng pagsusulat ng mga aklat na gamit ang ating wika. Dahil sa talino ni Rizal, alam niya na ang sariling wika ay ang magpapaunlad sa bansa at hindi ang paggamit ng banyagang salita, ito ang magsisilbing matibay na pundasyon ng pagkakaisa ng mga Pilipino