IW4P | Marina Balce by PETA School of People's Theater

Introduction: My Movie Poster

Sense Poetry: Galing ako sa . . .
. . .  isang  barkadahang salu-salo nang tumatak sa aking panlasa ang nakakasukang lasa at amoy maruming toilet na ulam: stinky tofu.
. . . isang meeting nang nakaamoy ako ng pinakabulok na durian--galing sa dighay (o utot?) ng aking kausap.
. . . sementeryo nang lagi ko na lang nakikita ang binababang kabaong ng Nanay ko sa kanyang hukay.
. . . isang pagkakadapa nang mahawakan ko ang malagkit at  maninit-init na dugo mula sa aking pumutok na noo.
. . . isang traffic nang makita ko ang liku-likong linya sa bangketa--mga nakapilang umiigib ng tubig mula sa sang fire hydrant--may mga ubod pa ng tanda sa pila. Ganyan na ba kahirap mabuhay ang Pilipino?

Drama Elements: Isa akong . . .
. . . setting--nasa limbo, wala sa langit o lupa--nakabitin sa ere.
. . .conflict--daming gustong isulat sa isang istorya: masaya-malungkot; nakakatawa-nakakaiyak; nakakaawa-nakakabwisit.
. . . plot--nasa umpisang-umpisa ng unang eksena pa lamang.

Reflection: Day 1
Bakit nga ba ako sumali sa 'Intro to Writing for Performance'? Kasi, nabasa ko sa PETA ad na magtuturo sa workshop kung paano sumulat ng monologue, short narrative, at journal. Ayun! Pasók ako sa short narratives and journal writing. Gusto ko kasi makasulat ng aking journal--para man lang sa aking mga kapamilya, lalo na sa aking mga magiging apo. Baka kasi hindi ko na sila maabutan. Dapat, makapag-iwan ng isang journal para makilala nila ang aking pagkatao at maturuan ko sila ng aking mga 'life hacks''--haha! Sayang ang mga iyon kung hindi ko maisusulat--marami akong dekadang napagdaanan na. Pero dapat 'page-turner' ang journal ko. Baka hindi basahin, sayang lang ang pagod ko.
Pinahanga ako ng workshop na ito. Hindi basta sasali ka na lang dahil makakabayad ka ng workshop fee. May mga forms na dapat sagutin at may interview by the workshop facilitator. Interesting ang Zoom meeting with J-mee, lalo na ang overview niya ng mga workshop activities. Ok ang motivation niya na ipagpatuloy ko nga ang aking balak na sumulat. Siguradong hindi ako mangangailangan ng kapeng barako sa Zoom meetings.
Day 1: Nagustuhan ko ang unfolding ng pagtuturo ng creative writing skill: activity muna, tapos magbibigay ng lecture based sa mga resulta o discoveries ng mga participants. Sa ganoong paraan, nakikita ang good and weak points naming mga participants. Natututo ako, dahil sa alam ko kung anong mga puntos ang dapat kong pagsikapan for improvement. Hindi ako natatakot magkamali, dahil alam ko na mayroong constructive critiquing naman pagkatapos ng activity.
Nagustuhan ko rin ang pace ng mga activities--mabilis. Challenge talagang makahabol. Napipilitan akong mag-isip.
Ang dami ko nang natutunan sa Day 1 workshop. Magagamit ko ang mga iyan sa aking dalawang projects na pwede kong maiwan sa aking mga magiging apo. Ano ang dalawang projects na iyan? Sa susunod na reflection na lang, mahabang istorya na naman iyan.
Maraming salamat sa  mahusay at matiyagang pagtuturo, J-mee, Mingu, and Roy!

Day 2, February 28, 2021: De Ja Vu
Si Yna ay dating high school teacher. Aliw siyang  magturo, pero kapag burned-out na siya sa pagtuturo ng biology o environmental science, madali rin siyang mag-resign at pumasok na researcher-writer, as  environmental analyst/ecologist ng mga infrastructure projects, public or private. Contractual nga lang ang trabahong iyon, pero mas malaki ang bayad,  Masaya pa--kasi, may field trips na, may per diem pa.

Sa ngayon, retired na si Yna. Kaya nga marami siyang oras na kutkutin ang  mga social media accounts niya. Isang araw, habang naglilinis siya ng mga friend requests sa kanyang FB, may nakita siyang isang familiar na pangalan ng isang engineering/environmental consulting firm: BEST Environmental/Engineering Consulting Agency.

"Aba, ano kaya ito? Bakit hindi ko basta mapindot ang 'Remove' button? 'Di na naman ako naghahanap ng trabaho. Baka kaya may kinalaman sa dati kong gawa noong 70s---magsulat ng environmental impact statements ng mga projects ng DPWTC. Sige na nga---mabuksan ang website nitong BEST na ito. Lakas ng datíng sa akin. eh. Ano kaya ang qualifications ngayon ng mga environmental ecologists?"

Ilang pahina pa lang ng BEST Agency website, nanlamig at nangilabot na si Yna sa kanyang nakita: Obituary ni Pilar!  Dating ka-klase, ka-trabaho, at kapitbahay sa Antipolo! Hindi siya makaiyak. Hindi siya makapaniwala habang binabasa niyang paulit-ulit ang obit ni Pilar! At  kahit saan siya tumingin, parang nakikita niya ang kanyang kaibigan--labas lahat ang ngipin kung humalakhak, lalo na't may bagong joke na binibida.

Ang ganda ng pagkaka-layout ng obit ni Pilar--pati color, font, at iba pang flourishes, para hindi ma-miss ang announcement ng BEST Agency para sa kanilang yumaong Director, Environmental Analyst, at Board Secretary.

"Pilar, 2018 pa pala, nandyan ka na sa Great Beyond. Sorry, 'di ko alam.
Noong 2009 pa ang huli nating pagkikita nang magpaalam akong lilipat na kami sa ibang lugar. May kasunduan pa nga tayong puntahan at makipag-reunion kay Ason sa Laoag.
Game changer ka sa buhay ko, Pilar. Kaya naging mas close ako sa iyo kaysa kay Ason. Kasi, ikaw ang nagpasok sa akin sa special projects ng DPWTC. Nagtuturo ako noon sa isang parochial school, 380 pesos/month lang ang sweldo, nang hikayatin mo akong magtrabaho sa iyong pinapasukan. Oo agad ako,  nang malaman ko na ang sweldo ay 520 pesos/month, may per diem sa field trips, at may fellowship pa sa ibang bansa.
Dahil sa alok mong bagong trabaho, nakilala  ko si Alex. Sino kaya ang pinakasalan ko kung hindi ko naging ka-trabaho si Alex? At, sino-sino kaya ang aking naging mga anak? Hindi ko ma-imagine kung among naging buhay ko kung hindi kita naging kaibigan.
Pilar, buti na lang, may kasamahan ka sa BEST Agency na sumagot sa aking message. Kaya, alam na namin ni Ason kung saan tayo magre-reunion. Pasalubong namin sa iyo sa Bohol: dasal, Holy Water, at pasasalamat!  Bulallak din siempre--para maganda ang selfie natin--for cyberspace posting!
Sigurado, malalaking luha ang papatak sa ating reunion. Hayaan mo lang matuyo at magmarka sa puntod mo. Basbas iyon ng ating dikit-tikoy-na-barkadahan noon, academic or otherwise. Naaalala mo pa ba--ganito tayo ipahanap noon ni Bro Alfred sa kanyang Manong-Labtech-Alalay: 'Where are those girls? Find those three little devils!'
O sige na, Pilar. See you soon. Ready na  kaming magpa-swab ni Ason. Can't wait!"

Day 2, February 28, 2021: Directions/Scene Actions (A Short Performance Script)
CHARACTERS
BABY PINKY, mga tatlong buwang sanggol, anak ni Mrs. Santos, alaga ni Nena
NENA, bagong tagapag-alaga ni Baby Pinky
MRS. SANTOS, ina ni Baby Pinky, amo ni Nena

Setting: Isang silid ng bata. May di-kalayuang malaking bintana sa tapat ng crib na kung saan nanggagaling ang malakas at mariing iyak ng isang sanggol. May  mailt na mesa sa tabi ng crib na kung saan nandoon nakalagay ang mga panimpla ng gatas, pati na ang mga laruang pambata. Sa ilalim  ng mesa, nakasiksik ang backpack ni Nena. Atubili si Nena dahil sa hindi niya mapatahan si Baby Pinky.)

NENA
(Sisikaping bigyan ng gatas at kalangsingin ang rattle ni Baby Pinky. Titingin-tingin sa bintanang bahagya lang ang bukas. Papatayin ang ilaw. Lalakihan pa ang bukas ng bintana at magsasabit ng  puting blanket sa ilalim nito. Babalik patakbo sa crib, ngunit sisilip-silip pa rin sa madilim na bakuran sa labas, habang inuuguy-ugoy ang crib.)

(May gumalaw na anino sa kadiliman ng mga halamanan sa libas. Patuloy pa rin ang pag-iyak ni Baby Pinky.)

NENA
(Tatanawin ang anino sa labas. Hahawakan ang tumunog na cell phone at babasahin ng pabulong ang nasa kapirasong papel.)

Pangalan? Sa may putting blanket.

(Maririnig: Papalayong iyak ng sanggol--humihina nang humihina, hanggang sa mawala. Papasok sa silid si Mrs. Santos. Bubuksan and ilaw, patakbong lalapit sa crib., at susugurin si Nena sa may bintana, suot na ang kanyang backpack.)

MRS. SANTOS
Ang anak ko! Nasaan ang anak ko?

Day 2, February 28, 2021: Neutral Lines (A short script by contextualizing neutral dialogues)
Characters:
Belle, 37, married to Mario for 10 years, nagtatrabaho sa isang call center,  8:00 a. m.-5:00 p.m. shift
Mario, 38, married to Belle for 10 years, nagtatrabaho rin sa isang call center, 5:00 a.m.-1:00 p. m. shift
Carla, 3, nag-iisang anak ni Belle at Mario

Tagpuan: 8:00 p.m.. Malapit nang matapos kumain si Mario. Nanonood siya ng TV.

(Papasok si Belle.)

BELLE
Kanina ka pa? Sorry, na-traffic na naman ako. Alam mo naman ang 5:00 p. m. traffic.

MARIO
Paggising ko kanina, wala ka na. Ngayon, nauna pa ako sa iyong dumating galing trabaho.. Tatatlo lang tayo sa pamilya, 'dii pa tayo magkita-kita dito sa bahay. Tulog na si Carla. Intay ng indam sa 'yo at ipaparinig sa sana niya ng natutuhan niyang kanta sa YouTube. Kamusta ka? '(Patuyang tanong) Di na tayo nakakapag-usap. Pati si Carla, 'di mo na malaro man lang.

BELLE
Ano ba naman ang mga salubong mong mga salita sa akin? Pagód ako galing trabaho. Para sa ating pamilya naman ang pagtatrabaho ko, ah. Noong birthday party ni Carla, sinalubong mo rin ako nang maasim na, 'Dumating ka pa . . .' Nahuli lang naman ako nang liang oras sa birthday party, ah. Naghanap kasi ako ng magandang manika para sa kanya. Tapos, na-traffic ako. Masaya naman si Carla sa natanggap niyang manika. Mario, kung ganito ang granito ang usapan natin sa tuwing tayo'y maghaharap, 'wag na lang tayong mag-usap. Libre ang annulment ngayon.

MARIO
Ang tagal kong naghintay na magka-pamilya. Ito lamang pala ang kalalabasan.

Day 2, February 28, 2021: Kamusta Ako (as a scene)
TAGPUAN:
Isang maliit na silid, dating silid na para sa kasambahay. Ngayong, walang kasambahay si Marina, ginawa  niya itong silid para sa kanyang mga hobbies.  Doon niya ginagawa ang kanyang mga Zoom, Google Classroom, o Viber Group meetings para sa kanyang Chinese brush painting at Sogetsu ikebana. Ngayong nanghimasok siya sa isang PETA writing workshop,  dito na rin niya inilagay ang kanyang laptop at wi-fi repeater. Dito siya nangangahas magsulat ng kanyang PETA workshop assignments..

Makikita si Marina na nagta-type sa kanyang laptop  para makapag-submit ng assignments. Hahabulin niya ang 10:00 deadline, Thursday night, March 4.

MARINA
Sana tama ang mga pagkakaintindi ko sa mga given assignments. Iba kasi ang jargon at style ng script writing. Hayan, puede ko na i-upload sa padlet ko. Pero teka, nasaaan ba ang mga nasulat ko? Wala? Nakalabit ko yata iyon icon na mukhang trash can? Ano? Delete ba ang ibig sabihin noon?

February 28, 2021: Reflection, Day 2
Nakapag-upload ako ng assignments ko tungkol sa De Ja Vu, Directions, Neutral Lines, at Kamusta Ako. Sana, medya tama ang mga pagkakaintindi ko. Kaya, excited ako sa checking of assignment at ang critiquing ng mga ito ng mga workshop facilitators. Iba ang script writing. Iba kasi ang aking 'mind frame'. Kaya, medyo matagal ko maintindihan ang jargon ng creative script writing. Matagal mag-sink in.  Nabibigla ako. Halimbawa, hindi ako nakasagot sa tanong ni J-Mee na: "Kamusta ka na ngayon?" , na ang expected niyang sagot ay ayon sa mga elemento ng isang drama script. Karaniwang sagot ko kasi diyan ay "I'm good!", "Mabuti!",  "Great!" "Ok!",  o "Ok lang!".
Dami ko nang bagong natututunan. Mas hanga ako ngayon sa mga script writers ng plays, movies, tv programs, o teleserye. Kailan kaya bablik sa normal ang theater productions?

March 5, 2021: OPENING MOMENT
MAAARI BA TAYONG MAG-USAP SANDALI?
TAUHAN
ELLA, 25 years old, single, graduate ng BS Elementary Education (BSEEd) sa isang maliit at 'di kilalang kolehiyo sa Bulacan;  tatlong beses nang hindi makapasa sa Teacher's Licensure Exam
DIEGO, 25 years old, single, taga-Maynilang magbabakasyon sa kanyang Tia sa Bulacan
TWIXIE, 8 years old na aso ni Ella, best friend niya simula pa nang siya ay nag-umpisang mag-aral ng BSEEd

TAGPUAN
Hapon. Nasa gate ng bakuran nila si ELLA, tinatanggap ang isang sulat.

Bubuksang dali-dali ni ELLA ang sulat. Manlalaki ang mga mata, pupunitin at ibabato  ang sulat, at manlulumong hahawak sa nakabukas na pinto ng kanilang bakuran.

ELLA: (Tumutulo ang luha, pabulong)
Hindi na yata ako maabutan na isang teacher ni Lolo . . .

Tatalun-talon at kakahul-kahul na sisirit si TWIXIE palabas ng gate. Maririnig ang malakas at biglang preno ng isang kotse, tapos ay dahan-dahang aatras sa lugar na kung may asong nasagasaan. Mariing uungol ng sandali si TWIXIE. Tatakbong humahagulgol si ELLA, luluhod, dadamputin, at aakapin ang lupaypay at duguang katawan ng pinakamamahal niyang kaibigan.

ELLA (Umiiyak, sumisigaw)
Twixieeeee! Twixieeeee!

Bababa sa sasakyan si DIEGO at marahang lalapit kay ELLA, na akap-akap pa rin si TWIXIE. Dudukot ng panyo si DIEGO sa bulsa at dahan-dahang papahiran ang nagsama-samang pawis, dugo at luha sa mukha ni ELLA .

DIEGO (Hiyang-hiya)
I'm so sorry. Hindi ko sinasadya ang masamang nangyari. Maaari ba tayong mag-usap kahit sandali?

March 5, 2021: PROPOSAL (ON-LINE)
TOUGH LUCK
TAUHAN
JOEY, 16 years old, nagnasasang maging girlfriend si GIRLIE, ang muse ng kanilang class section
GIRLIE, 16 years old,  pinakamagandang classmate ni JOEY, collector ng mga  Kokeshi Japanese dolls
BIDDER (maririnig lang ang boses)
SONNY, 16 years old, karibal ni JOEY sa puso ni GIRLIE

TAGPUAN
8:00 P. M., Isang FB site na nagbukas ng auction ng mga Kokeshi Japanese dolls. Mataas ang tono at mabilis magsalita ang taga-auction, parang nakakataranta. Kakunchaba yata niye ang mga kunwari ay bidders na pinapataas ang presyo ng mga Kokeshi dolls.

Magbibigay ng close-up sa pinakamagandang Kokeshi doll na may magandang red satin kimono, maririnig ang malulutong na pataasan ng presyong nagsimula sa 500 pesos. Tatawag sa cell phone si JOEY kay GIRLIE.

JOEY
Hi GIRLIE! Type mo na ba iyan?

GIRLIE (Patiling sagot)
Gush--just love it, Joey!

JOEY
Ok--cute like you, 'no? Will get it for you, my love!

GIRLIE
Aww, Joey--really?

Magre-reply agad sa bidder si JOEY at 900 pesos. Tataas ang bid  sa 950 pesos ang gustong Kokeshi doll ni GIRLIE. Mag-a-announce ang bidder na may isang SONNY ang nag-bid nitong halaga. Tinaasan ni JOEY and kanyang bid.

BIDDER (voice over)
Ok--10,000 pesos! Bid ni JOEY. Mayroon pa bang hihirit?

Booom! Brownout! Natatarantang magre-connect ulit si JOEY Lalakas ulit ang kanyang wi-fi connection niya.

BIDDER (Nang bumalik ang wi-fi connection ni JOEY)
Ok--the Kokeshi doll goes at 10,500 bid!. Congratulations, SONNY! Payment on pick-up tomorrow, ha?

March 5, 2021: REFLECTION, Day 3
Unti-unti ko nang nakakasanayan ang mga terms na ginagamit sa scriptwriting. Sa pangalawa or pangatlong basa ko, nakakasunod na rin ako sa mga directions  para sa assignments. Sana tama nga. Mas lumilinaw rin ang exercises kung nire-review  ko ang PPP notes bago ko ire-write for improvement sa  aking padlet. Talagang bago ako dito sa scriptwriting. Pero challenge. Interesting talaga!
Sabi sa aking noon ng aking pinsang psychologist, dapat naman daw talaga ay mag-aral ng Bagong skills ang mga taong tumatanda.  Ito ay makakatulong sa paggawa ng mga bagong neurons sa utak. Kasi, kapag daw tayo ay nasa edad 35 na, natural ang pagliit ng ating utak. Kaya, para hindi tumuloy-tuloy ang pagliit ng utak, dapat na mag-aral tayo ng mga bagong skills o interests, tulad nitong PETA workshop na ito (Writing for Performance). Para sa tulad kong dati ay technical writer, napaka-intersting sa akin itong creative writing workshop na ito! Thank you J-Mee, Mingu, at Roy! Thank you, PETA.

March 5, 2021: 1-PAGE ZOOM SCRIPT
EARLY RETIREMENT
CHARACTERS
MALU, 50+ years old, masungit na Socials Committee Chair, in-charge sa Retirement Program para sa Director ng Institute of Science (IS) ng isang State University
TECHNICIAN, isa sa mga tagapag-ayos ng auditorium para sa Retirement Program

SCENE
Auditorium ng IS. Papamunuan ni MALU ang pag-aayos ng setting para sa Retirement Program ng Director ng IS, na nagsilbi ng tapat at buong puso sa loob ng mahigit 20 taon. Nagte-testing ng mga audio at video communication lines ang mga technicians, para ang parangal ng bawat Workgroup Chair ay mabo-broadcast sa mga Dean's Offices ng buong University System.

Aakyat si Malu sa stage auditorium ng buong yabang, at uupo sa Director's seat. Hindi niya napansin na nakabukas ang microphone icon. Naka-'on' rin ang record button.

MALU (Mayabang at pasigaw ang tono ng pagsasalita; hindi pinapansin ang natataranta at sala-salabat na kaway ng mga technicians)
O, kayo diyang nakasilip sa camera, ayusin ninyo ang focus sa mukha ng mag-reretire na huklubang dragon. Salamat naman at dumating rin ang pinakahihintay nating oras. I-sentro ninyo ang kapangitan ng mukha niya. Dapat malinaw ang bawat kulubut, ha? Marami ring baku-bakung landscape sa mukha niyan. Dapat, sharp ang kuha. Ewan ko ba, puro kaplastikan lang naman ang sasabihin ng mga Workgroup Chairs, pag-aaksayahan pa ng panahon, pagod, at pera. Ano ba ang nagawa ng Director na Iyan? Puro utos lang naman. Tapos, mag-o-obsevation trip kuno sa bang bansa. Tapos, hangga ngayon, bida pa rin ang exit. O Katarungan, nasaan ka sa mundong ibabaw?

Tatayo si Malu. Magpapamaywang, at sasalubungin sa hagdan  ng stage  ang tumatakbong paakyat na technician.

MALU
Ano problema mo?

Pipindutin ng TECHNICIAN ang mute microphone icon at papatayin ang naka-'record on' button. May kakalabog na malakas sa stage floor.

TECHNICIAN (Pasigaw sa mga kasamahan)
May nag-early retirement dito!

March 7, 2021: Senses and Sensibilities
'DI BASTA PRITONG ITLOG
CHARACTER
MARIE, 16 years old, high school student, anak ni ELLA na single at working Mom
SETTING
Time: 7:00 P.M.
Place: Isang maliit na kusina. Sa kitchen counter ay may hugasan, plate rack,
rice cooker, at electric stove. May ref sa tabi ng  maliit na mesang may
dalawang upuan lamang

Lalapit sa ref si MARIE, babasahin ang papel na nakadikit sa pinto, kukunin ito para lukutin at ibabato sa pader.

MARIE (pabuntong hininga, habang sinasabunutan ang sarili)
Haaaaaaaaaaay!

MARIE (voice over)
Ayoko ng lumang adobong liempo ni Mommy! Isang lingo nang iniinit, kaya maitim na,  ang alat-alat pa. Mas gusto ko pang kainin sa mainit na kanin ay ang aking specialty--sunny side up! Laging nagluluto si  Dad ng sunny side up noong nandito  pa siya. Disaster nga lang palagi--amoy utot!  Kasi, palaging sunog ang gilid ng puti, at maputi na ang pula. Parang ngumunguya ka ng plastic kapag kinain mo ang sunny side up niya. Pareho sila ni Mommy--hindi marunong mag-sunny side up. Buti na lang, naturuan ako ni Manang bago siya umuwi ng probinsiya.

Kukuha ng itlog, isasara ang ref, kukuha ng pan, bubuksan ang pugon, at mag-iinit na ng mantika.

MARIE (Pabulong)
Medium heat lang . . . palaging bilin ni Manang.

Babasagin ang itlog sa platito; ipapadulas sa mainit na mantilka.
Sasayaw-sayaw habang nagpiprito; sasandok ng mainit na kanin sa isang bowl; ilalagay ang kanyang perfect sunny side up sa ibabaw ng mainit na kanin;  at bubudburan ito ng kaunting asin.

MARIE (Pipikit-pikit ang mga mata sa bawat subo; painda-indayog sa upuan; voice over)
Uhmmm . . . uhmmmm . . . ito ang perfect na pares sa mainit na kanin . . .  malambot, madulas at chewy ang puti . . . runny ang malagkit na pula. Sarap paikutin sa dila bago lulunin! At--ito ang pinagyayabang ko: Ang sunny side up ko, ultra-sarap, hindi amoy utot!

March 7, 2021: SILENT BODIES (#3)
ANG PANGALAWANG PANAHON NG PAGTATANIM

CHARACTERS
INAY, 60 years old; retired na OFW nurse; na-stroke dahil sa mga patung-patong na problema ng kanyang pamilya: namatayan ng asawa; nasanlang bahay at lupa; magulong kalagayan ng kanyang rubber plantation sa Cotabato; at mga anak na lumaking lahat ay may addiction.
Grabe ang tama ng stroke kay INAY. Galaw lamang ng mga mata at kanang hintuturong daltri ang nalabing pagkilos niya.  Mahinang-mahina na siya. Malapit na siyang bawian ng buhay.
LOY, 38 years old,  anak na panganay ni INAY. Akala niya, alcohol ang nakapagbibigay sa kanya ng lakas para malimutan ang lahat ng kanyang problema sa bahay at trabaho
DAN, 37 years old, pangalawang anak ni INAY. Akala niya, shabu ang nakapagbibigay sa kanya ng lakas ng loob
BOB, 36 years old, pangatlong anak ni INAY. Akala niya, ubod siya ng gwapo kaya palit siya ng palit ng ka-live in. Kahit may bago siyang ka-live in, ligaw pa rin ng ligaw, baka makalusot
SID, 35 years old, bunsong anak ni INAY, sugarol. Akala niya, swerte siya araw-araw sa sugal
ALING CARING, caregiver ni INAY simula nang siya ay nagkaroon ng massive stroke

SETTING
Time: Umaga, 2021
Place: Silid ni INAY na nakahiga sa kanyang marangyang kama,
humahatak na ng hininga kahit na may oxygen mask na siya. Nakaupo sa tabi
ng kama n'ya si ALING CARING.

May kakatok na marahan sa pinto. Papapasukin ni ALING CARING sa silid ang apat na anak ni INAY, na bawat isa ay may dalang nakarolyong cartolina. Tatayo silang nakaapaligid sa kama ni INAY.

CARING (marahang magsasalita habang tumitingin isa-isa sa magkakapatid)
Alam na ninyo ang malubhang kalagayan ng inyong INAY. Dala na ba n'yo ang ating pinag-usapan kahapon? Kapag tumingin at tinuro ka ni Inay, iladlad mo ang iyong pangako sa kanya, ang pabaon mo sa kabilang buhay n'ya. Kapag nakita mong tapos na ang paggalaw ng kanyang mga mata, ilalapit mo ang iyong kanang pålad para may ipadama siya sa iyo. Maaaring check (/) o ekis (X) ang iguguhit n'ya sa pålad mo.

Bubukas ang mata ni INAY, ituturo ang panganay n'yang si LOY. Ilaladlad ni LOY ang kanyang pangako:
INAY, HINDI NA KO IINOM KAHIT ISANG PATAK, MALUNGKOT MAN O MASAYA AKO!
Ilalapit ni LOY ang nakaladlad na kanang kamay kay INAY. May iguguhit sa pålad ni LOY si INAY.  Ngingiti si LOY sa kanyang INAY at magmamano.

Pipikit ng ilang segundo ang mga mata ni INAY. Mumulat at titiingin  si INAY kay DAN at ituturo n'ya ito. Ilaladlad ni DAN ang kanyang pangko:
INAY, KINAYA KO NGAYON ANG  HINDI PAGHITHIT NG 'S'. KAYAYANIN KO NANG IWASAN ANG 'S' HABANG BUHAY KO!
Ilalapit ni DAN ang nakaladlad na kanang kamay kay INAY. May iguguhit sa pålad ni DAN si INAY. Ngingiti si DAN sa kanyang INAY at magmamano.

Pipikit muli ng ilang segundo si INAY. Mumulat at titiingin si INAY kay BOB at ituturo n'ya ito. Ilaladlad ni BOB ang kanyang pangko:
INAY, ITO ANG IISIPIN KO PALAGI, KAPAG AKO'Y MAY NATIPUHAN NA NAMAN: MANGHAHAWA KA LANG NG AIDS AT COVID!
lIalapit ni BOB ang nakaladlad na kanang kamay kay INAY. May iguguhit sa pålad ni BOB si INAY. Ngingiti si BOB sa kanyang INAY at magmamano.

Pipikit muli ng ilang segundo si INAY. Mumulat at titingin si INAY kay SID, bunso niyang anak,  at ituturo n'ya ito. Ilaladlad ni SID ang kanyang pangko:
INAY, SA TUWING PAGGISING KO SA UMAGA, IISIPIN KO PALAGI: BAD LUCK AKO NGAYON, HINDI AKO MAGSUSUGAL.
IIalapit ni SID ang nakaladlad na kanang kamay kay INAY. May iguguhit sa pålad ni SID si INAY. Ngingiti si SID sa kanyang INAY at magmamano.

Pipikit muli si INAY. Titigil na ang kanyang mahirap na paghina. Titingin sa isa't-isa ang magkakapatid. Matatarantang magtanong ng sabay-sabay ang mga ito kay Aling Caring.
LOY
Iyon lang,  Aling Caring? Paano ang mana namin? Walang habilin?
DAN
Kaming apat ang magmamana ng mga ari-arian ni Inay, 'di po ba?
BOB
Nasaan ang abogado niya? Naayos ba'ng lahat ang naiwan ni Inay?
SID
Mahirap magbago, ah. Tapos walang mana? Kanino ipapasa ni Inay ang mga ari-arian niya?

Kukunin ni  Aling Caring sa headboard ng kama ni INAY ang isang malaking envelope at ibibigay kay Loy. Huhugutin ni Loy ang dalawang papel sa loob nito. Sabay-sabay lalapit at titingnan ng magkakapatid ang unang papel.

ALING CARING
Inayos ni Inay ang lahat nang siya ay nasa ospital pa. May abogado siya. Nariyan sa takip ng envelope nakasulat ang kanyang contact numbers. Pero sabi niya, kapag wala na si Inay, iyan muna ang tingnan n'yo.

Babasahing malakas ni LOY ang unang papel.

LOY
Mahal kong mga anak--Loy, Dan, Bob, at Sid,
Patawad, mga anak, at hindi ko kayo nagabayan ang inyong paglaki. Kinailangang mag-OFW kasi ako. Maipagbibili ang bahay at lupa natin, pambayad sa aking ospital, medisina, abogado, at caregiver. Pamana ko sa inyo ang ating rubber plantation sa Cotabato.

Nanlalaki ang mga mata ng magkakapatid sa mga larawan sa pangalawang papel.

LOY (nanginginig ang boses sa galit habang winawagayway ang pangalawang papel)
Ito ang paghahatihatian natin? (titingin isa-isa ang mga kapatıd)
Ang rubber plantation sa Cotabato na may mga sakim na kasama? Ang rubber plantation na tinubuan ng mga palabáng mga squatters? Ang rubber plantation na sinunog na nang mga tulisang hindi makasingil ng "revolutionary tax" kay Inay?

ALING CARING
May nakasulat rin po sa likod niyang pangalawang papel. Bilin rin po ni Inay iyan.

Ibabaliktad ni LOY ang papel. Babasahing malakas ang nakasulat.

LOY (galit pa rin ang tono ng boses, pero, unti-unting humihinahon)

Mahal kong mga anak--Loy, Dan, Bob, at Sid,
Sikapin ninyong magkakapatid itaguyod muli ang ating rubber plantation.
Sana, ang unang pinakamagandang panahon ng pagtatanim ay noong  dalawang dekadang nakaraan. Mga bata pa kayo noon.'Di na bale, may pangalawang pinakamagandang panahon pa naman ng pagtatanim. Umpisahan ninyo ngayon.
Patuloy na kayo'y mamahalin,
Inay

Mag-aakapan ang magkakapatid.

-End-

March 7, 2021: REFLECTION, DAY 4
Sa mga exercises ng writing for performance, laging may malaking kaibahan ang unang output  ko (for quick sharing, done under time pressure, handwritten in my notebook) kaysa sa pangalawang output ko (written in my padlet).  Ang revisions ko sa aking mga unang outputs ay galing sa mga sumusunod:
-critiquing of facilitators;
-listening to the outputs of my classmates; and
-review of the PPP notes shared by facilitators after each workshop.

Medyo alam no na ngayon ang mga ito:
-pag-draft ng message ng isang protagonist. Malinaw dapat ang  una, gitna, at hull ng istorya. Ito ang writing style ko, aalamin ko muna ang ending,  Tapos iisipin ko ang gitna at huli ng istorya. Para sa akin, mas mahirap kasing mag-umpisa ng story, tapos hindi ko alam kung paano ba tatapusin iyon.
-pagsusulat ng draft ng isang scene ayon sa structure ng isang script: title, characters, scene directions, at dialogues.
-paggamit ng mga elemento ng drama para bigyang buhay ang nagaganap na istorya.
-paggamit ng mga descriptions para makita, marinig, , maamoy, malasahan, at maramdaman ang mga pangyayari ng audience.
-pagsulong ng mga actions para makamit ng protagonist ang kanyang need/goal mula umpisa hanggang ending.
Ngayon ko mas naa-appreciate ang mga plays na napanood ko na. Ngayon ko nalaman na maraming oras sa pag-iisip at pagsusulat ang ginugugol ng mga scriptwriters para makabuo ng isang magandang script.

March 7, 2021: CHOSEN PERFORMANCE STORY (DE JA VU)
TULOY ANG REUNION,  PILAR!
CHARACTER
YNA, retired biology/environmental science teacher, researcher-writer. Mayroon pa rin siyang mga content editing jobs na  ginagawa sa isang publishing company, pero online assignments lang. Paniwala niya: '"Kung puro chikahan lang ang gawa mo sa cyberspace, magiging friend mo agad si Mr Ahlz.".

SETTING
Time: 2021
Place: Nasa  bedroom n'ya si Yna. Mayroon siyang desk na may computer,
comfortable space n'ya para sa kanyang editing assignments  o pakiki-
pagchikahan lang sa kanyang mga amiga.

Uupo sa desk niya si Yna, bubuksan ang computer, at uumpisahang galawin ang keyboard.

YNA (pabulong)
Ano na naman ang mga ito? Daming friend requests--haha! Masala nga.

Naglilinis ng mga friend requests si Yna nang bigla siyang titigil.

YNA (pabulong na pagbasa)
BEST Environmental/Engineering Consulting Agency. Aba, ano kaya ito? Bakit hindi ko basta mapindot ang 'Remove' button?  Ah . . .  baka may kinalaman sa dati kong trabaho  noong 70s--magsulat ng environmental impact statements ng mga projects ng DPWTC. Sige na nga . . . mabuksan ang site nitong BEST na ito. Lakas ng datíng sa akin, ah. Ano kaya ang qualifications ngayon ng mga environmental ecologists?

Maninigas ang torso ni Yna, hahaba ang leeg, ididilat ang mga matang ilalapit sa computer screen.

YNA
(Pasigaw) Obit ni Pilar!
(Pabulong, nanghihina): It is with great sadness that we inform you of the passing of PILAR M. SANTOS, Director and Board Secretary (April 1988-May 2018),  BEST Environmental/Engineering Consulting Agency. Halos tatlong taon  na . . . dapat maiaman ko kung saan siya nakalibing . . .

Aalisin ni Yna ang titig sa computer screen. Parang nakikita niya, kahit saan siya tumingin, ang  big smile ni Pilar--labas lahat ang ngipin kung tumawa, lalo na't may bagong-pulot na joke.

YNA (monologue)
Pilar, 2018 pa pala, nariyan ka na sa Great Beyond. Sorry, 'di ko alam. Noong 2009 pa tayo huling nagkita sa Antipolo, nang magpaalam ako sa iyong lilipat na kami sa bang lugar. May kasunduan pa nga tayong magre-reunion tayong tatlo ni Ason sa Laoag.
Game changer ka sa buhay ko, Pilar. Kaya naging mas close ako sa 'yo kaysa kay Ason. Kasi, ikaw ang nagpasok sa akin sa special projects ng DPWTC. Nagtuturo ako noon sa isang parochial school, 380 pesos/month lang ang sweldo, nang imbitahin mo akong magtrabaho sa iyong pinapasukan. Oo agad ako, 'no? Medyo malaki ang sweldo--520 pesos/month, may per diem sa field trips, at may fellowship pa sa ibang bansa.
Dahil sa alok mong bagong trabaho, nakilala ko si Gary. Sorry Pilar, 'di ko talagang alam, crush mo rin pala siya. Kung binulong mo sa akin,  eh 'di sana hindi ko agad inigsian ng todo ang aking mga mini skirts. Pero, sino kaya ang pinakasalan ko kung hindi ko naging ka-trabaho si Gary? At sinu-sino kaya ang aking naging mga anak? Hindi ko ma-imagine kung anong naging takbo ng buhay ko kung hindi kita naging kaibigan.
Pilar, buti na lang, may kasamahan ka sa BEST Agency na sumagot sa aking message. Kaya, alam na namin ni Ason kung saan tayo magre-reunion. Pasalubong namin sa 'yo sa Bohol: dasal, Holy Water, at pasasalamat! Red roses, siempre--favorite mo. At, para maganda ang selfie natin--for cyberspace posting, eh!
Sigurado, malalaking luha ang papatak sa ating reunion. Hayaan mo lang matuyo at magmarka sa puntod mo. Basbas iyon ng ating dikit-tikoy-na-barkadahan noon, academic or otherwise. Naaalala mo pa ba--ganito tayo ipahanap noon ni Bro Alfred sa kanyang Manong-Alalay-Labtech: "Where are those girls? Find those three little devils!"
O sige na Pilar! Basta, tuloy ang ating reunion. Ready na kaming magpa-swab ni Ason. Can't wait!

March 13, 2021 REFLECTION
SUDDENLY, SCRIPTWRITER!
CHARACTER:
MARINA, 72 years old, retired, housework at hobbies ang gawain sa araw-araw

SCENE: 9:00 a.m.., kakatapos lang ng almusal nii MARINA

Pupunta si MARINA sa isang kwarto na kung saan ginagawa  ng kanilang mag-anak ang kanilang mga pagbabasa at iba pang hobbies. Uupo siya sa isang desk, bubuksan ang computer, at gagalawin ang keyboard

MARINA:  (pabulong-bulong habang nagta-type, masayang expression ng mukha)
Suddenly, scriptwriter! Ha-ha!
Iyan ang pakiramdam ko noong last day ng PETA writeshop! Imagine, binasa ng isang PETA actor ang aking script! Pambihirang experience iyon, ha! At, bago ng script reading, may meeting pa kami. Maraming tanong si Sheryll para makapasok siya at mabigyang buhay ang aking script. Nahirapan kaya si Sheryll? Haha! Ganoon pala ang relationship ng scriptwriter at actor. Iba ang art/skill ng scriptwriter, iba rin ang art/skill ng actor. Kapag pinagsama ang mga ito, isang kakaibang art form ang lumalabas.  Noon ko talaga na-appreciate ang  cooperation ng  scriptwriter at actor! Salamat Sheryll!
Salamat sa inyo, J-mee, Mingu, & Roy! Husay ninyong mga Chefs! Take note, ha: Sa aking POV, 'di kayo basta mga cooks. Yes, mga Chefs kayo. Mayroon kayong 5-star recipe, 'Intro to Writing for Performance'. At, kaming mga workshoppers ang inyong mga ingredients na binalatan, hiniwa, tinadtad, at pinukpok pa. Lovingly naman. Tapos, sinalang n'yo kami sa apoy ng scriptwriting sa loob ng limang workshop days (todo support naman) para lumabas ang aming mantika! Iyon pala ang ibig sabihin ng 'gisahin sa sariling mantika'---para maging malasa--kahit man lang kaunti--haha! In fairness, tiyak, naging mas malasa naman kami kaysa dati--haha!
Sarap ng pakiramdam! May bragging rights na ko sa aking mga amiga--haha! Biro mo, nakasama ko sa cyberspace ang mga PETA writers, actors, at millennial workshoppers! Nakipag-palitan ako ng aking kaisipan sa kanila, at marami akong natutunang bago! Mga di-matawarang kayabangan--haha!
Carry-over ng scriptwriting skill sa ibang bagay?  Sa palagay ko, ang short scripts (skits) ay pwedeng enrichment material sa science teaching. Nasabi ko ito dahil sa noong early 2000, noong researcher-writer pa ako sa UP, isa sa mga gawa ko ay sumulat ng science-based children's stories. Ginagamit ang mga ganitong children's stories sa UP Integrated School, as recommended by UP College of Education.  Mahusay ang resulta ng aming mga try-outs noon--mas naiintindihan ng mga grade school students ang mga basic science principles na nakapaloob sa children's stories. Natututo sila ng science basic principles through children's stories--not formal science lessons. Learning science without tears.
So, kung pwedeng gamitin ang  science-based children's stories sa pagtuturo ng science, mas pwedeng  gamitin ang science-based scripts. Kasi, ang script ay may performance na gagawin pa ang mga bata, kaysa sa  children's story na babasahin lang ng teacher o student.
Ang layo na ng narating ng aking reflection. Teka, magluluto pa ako--haha!

Pipindutin ni MARINA ang mga buttons sa keyboard for Shut Down.