Biyaheng Norte: Ang Pagtuklas sa Hiwaga ng Adams by Trisha Larrah Mae Inaligo

Yamang Taglay ng Ilocos Norte
Hindi maikakaila na ang Ilocos Norte ay mayaman sa turismo - mula sa mga naggagandahang white sand beaches, prestihiyosong mga windmills, mala-kristal na katubigan at berdeng kakahuyang biyaya ni inang kalikasan. Sa kasalukuyan, hindi pa gaanong napupuntahan ang mga magagandang tanawin ng Norte buhat nang pandemya at online class.  Batid ng lahat na hindi madali ang new normal na dinaranas sa kasalukuyang panahon, sino ba naman ang hindi mapapaisip na magrelaks, lumanghap ng sariwang hangin at magtampisaw sa lamig ng tubig-dagat o talon? Halina't tuklasin ang hiwagang taglay ng Adams, Ilocos Norte!

Ang Aming Tala
Pagkarating sa Adams, napagpasiyahan naming dumeretso muna kay Nana Dorothea, isang CWA ng UCCP at kaibigan ng aking ama, upang humingi ng gabay sa aming paglalakbay. 2011 pa kasi nang huling nakatapak ang aking ama sa lugar at marami nang nagbago. Itinuro ni Nana Dorothea sa amin ang daan ngunit bago pa kami lumisan, nagbigay siya ng kaunting pagsasalaysay ukol sa kasaysayan ng Adams.

Ang Kasaysayan ng Adams sa Pananaw ng Isang Ilocano
Ang Adams ay matatagpuan sa silangang bahagi ng mga Probinsya ng Cagayan, Kalinga, at Apayao, hilagang bahagi ng Pagudpud, bandang timog ng Vintar, at kanluran naman ng Dumalneg. Ang nasabing  lugar ay itinatag pa ng mga misyonerong Augustinian taong 1607. Nakakamangha sapagkat sa mga nagdaang panahon, napanatili ang sigla ng kanilang kultura at tradisyon, maging ang kanilang agrikultural at aquacultural na turismo.

Ang original na bansag sa naturang bayan ay nagmula sa pangalang Adan kaya't kalaunan ay tinawag na rin itong Adams. Magmula noon, patuloy na prinepeserba ang mga wine at iba pang mga kagamitan na iniwan pa ng mga sinaunang ninuno ng Adams.

Ang Paglalakbay
Hindi biro ang halos tatlong oras na pagkakaupo at pagtitiis na hindi makatulog sa biyahe dahil motorsiklo lamang ang mayroon kami. Gayunpaman, natamasa ko ang labis na kaginhawaan mula sa pagliliwaliw at paglanghap ng sariwang hangin na hatid ng kapaligiran. Sa aming paglalakbay ay natanto kong kahit pa gaano kahirap ang proseso, worth it o sulit ang magiging bunga. Kailangan lamang nating tatagan ang ating loob dahil naniniwala ako na lahat naman ng bagay ay may patutunguhan.

📌 Unang Destinasyon - Adams Hanging Bridge
Matapos humingi ng patnubay kay Nana Dorothea, tinahak namin ang daan patungong Cardom's Farm. Bago pa makarating doon, nag-register kami sa checkpoint alinsunod sa mga health protocols upang mapanatiling ligtas ang bawat isa mula sa COVID-19.

Likas ang Adams sa mga hanging bridge kaya't hindi namin ito pinalampas. Mula sa itaas, makikita ang dalisay na pag-agos ng tubig sa ilog at makikita ang haba ng tulay nito. Dinarayo rin ito ng mga turista dahil ang tubig nito ay malinis. Habang naglalakad patungo sa kabilang bahagi, naisipan kong magnilay-nilay. Doon ko natanto na napakapalad ko dahil nakapunta ako sa Adams sa kasagsagan ng pandemya at kasama ko pa ang aking ama sa paglalakbay.

📌 Ikalawang Destinasyon - Cardom's Farm
Ang Adams ay tinaguriang "Mini Baguio" dahil sa malamig na klima at taglay nitong mga produkto. Kung ikaw ay naghahanap ng strawberry ngunit masyadong malayo ang Baguio para rito, sagot iyan ng Cardom's Farm!

Bago makapasok ay kailangan munang umakyat sa pamamagitan ng pagtapak sa mga bato. Dahan-dahan lamang ang pag-akyat dahil basa at madulas ang lupa. Sa itaas na view ay makikita ang kaberdehan ng mga puno at ang asul na kalangitan. Habang tumitingin sa kalangitan ay naisip kong napakasarap mabuhay. Sulitin ang bawat oras at piliing maging masaya. Sa kasamaang palad, hindi kami nakabili ng strawberry dahil nang pumasok kami sa hardin ay wala nang tao.

📌 Ikatlong Destinasyon - Anuplig Falls
Kung trip mo naman ay mag-hiking at magtampisaw sa malamig na tubig, nariyan ang Anuplig Falls upang saluhan ka! Aaminin ko, nahirapan kami sa paghahanap ng daan patungo roon dahil sampung taon na ang nakalipas nang huling pumunta ang aking ama roon. Sabi pa ng matandang dumaan ay baka raw hindi namin kayanin ang paglalakbay dahil aabot ng tatlo hanggang limang oras ang paglalakad. Bagaman nangangamba, pinili kong ipagpatuloy ang paglalakbay at hindi nagpasindak sa matanda.

Ang Kagandahang Taglay ng Anuplig Falls
Hinihingal, pagod na pagod, at pawis na pawis man, tumayo akong muli at ipinagpatuloy ang paglalakad. Lumipas ang apatnapu't limang minuto, narating din namin sa wakas ang Anuplig Falls.

Minsan, sumasagi sa ating isipan na sumuko na lamang dahil tingin natin ay walang kabuluhan kung magpapatuloy pa. Ngunit kung titimbangin, malapit na tayo sa ating patutunguhan kaya't walang saysay kung tayo ay titigil pa.

Ang kalmadong pagbagsak ng tubig mula sa itaas na bahagi ang siyang bumuhay sa aking loob. Malinis at dalisay ang tubig. Mapayapa ang paligid at tanging huni ng mga ibon ang iyong maririnig.

📌Ikaapat na Destinasyon - Adams Winery
Kilala ang Adams sa paggawa ng mga fruit wines kaya't sinikap naming puntahan ang isang Pastor na kaibigan rin ng aking ama upang samahan kami sa Adams Winery. Humingi kami ng pahintulot na kumuha ng mga larawan at tikman ang kanilang bugnay at malubeg wine. Binigyan niya rin kami ng lansones at rambutan bilang pagsalubong. Sinabi rin ng kanyang asawa ang proseso sa paggawa ng mga wine. Napakahaba ng proseso nito, kaya't nahinuha kong bago pa natin makuha ang ating mga minimithi, kailangan muna nating dumaan sa butas ng karayom.

Hindi lang pala mayaman ang Adams sa mga prutas, wine, at turismo; mayaman din ito sa mga tao dahil busilak ang puso ng mga taga rito.

Ang Halimuyak ng Kape
Dinala rin kami ni Pastora sa kanilang hardin upang maglibot at magtingin-tingin. Samu't saring mga halaman ang narito - mayroong lansones, rambutan, kape, at bugnay. Pumitas ako ng kape at humanga sa amoy nito. Ito ang unang beses na makakakita ako ng halamang kape kaya't hindi ko rin ito pinalampas.

Hangga't kaya, hayaan mo ang sarili mong i-enjoy ang bawat sandali.

Ang Hiwaga ng Adams
Sa hinaba-haba ng aming paglalakbay, may isa lamang akong natutunan dito.

Madali akong sumuko at mahina ang aking loob subalit sa aming paglalakbay, napatunayan kong kaya ko rin naman palang maging matapang at determinado sa pagkamit ng aking mga minimithi.

Sa isang giyera, kailangan ng kalasag at sandata upang manalo. Kaya't masasabi ko na ang buhay ay parang giyera. Kailangan lamang natin ng sapat na tapang, determinasyon, paninindigan at tibay ng loob upang magpatuloy sa mga hamon ng buhay.

Ang hiwaga ng Adams ay hindi tumutukoy sa mga prutas, wine, at mga magagandang lugar dito. Sinisimbolo nito ang mga gintong aral na ating natututuhan mula sa ating mga karanasan.

Punta na sa Adams!
Busugin ang iyong mga mata sa kagandahang taglay ni inang kalikasan!

Repleksyon
Ika-14 ng Pebrero, 2021, araw ng mga puso - isa sa mga pinakamasayang araw sa buhay ko.

Batid ng aking ama na labis akong nahihirapan sa aking online classes at nakikita sa aking mukha na ako ay stressed. Sinabi niya sa akin na kailangan ko ring magpahinga kahit isang araw man lang dahil hindi makakabuti kung patuloy kong papagurin ang aking sarili.

Hindi nangangahulugan na kapag ikaw ay may minimithi ay kailangan mo na ring abusuhin ang iyong sarili. Oo at mahaba pa ang daang iyong tatahakin ngunit bigyan mo rin ng pagkakataon ang iyong sarili upang magpahinga. Magpahinga muna saglit, tapos sasabak ulit!