Chapter 22: Berkeley by Tobby Ladia

De Jesus, Dave Anthony R. 10-Narra (5/16/2021 - 12:44 Pm)
Isa sa mga panaginip ko na aking pinanghihinayangan ko na ako ay nagising ay ang panaginip ko tungkol sa aking lolo. Bata pa lamang ako noong siya ay namatay dahil sa sakit sa puso, ako ay dalawang taong gulang pa lamang noon. Kahit pilit kong alalahanin minsan ang mga ala-ala ko tunngkol sa kanya ay tila wala akong maalala tungkol sa kanya. Palagi sa aking kinukwento nila lola at ng aking mga magulang na ispoiled daw ako ni lolo. Kaya kung bibigyan ako ng isang pagkakataon na makasama siya ngayon ay hindi ako magdadalawang isip pa. Ang panaginip ko tungkol kay lolo ay nagsimula sa ganito. Doon sa panaginip ko ay madami akong problemang kinakaharap tungkol sa eskwelahan, sa aking grado at natalo pa ako sa isang patimpalak. Habang naghahapunan ay napansin ng aking lolo na tila wala akong gana kumain at pagkatapos noon ay pinuntahan niya ako sa aking kwarto at kinuwento ko sa kanya ang mga bagay na pinagdadaanan ko sa panaginip na iyon. Pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat ay binigyan niya ako ng payo. Natatandaan ko pa sa payo niya ay "Huwag ko daw masyadong pahirapan ang sarili ko sa mga bagay-bagay na makamundo. Matuto daw akong taggapin ang mga pagkatalo dahil ito raw ang magpapalakas sa akin." Nagsisisi ako na ako pagkatapos noong sabihin sakin ng aking lolo ang kanyang payo ay nagising agad ako.

Dito ay nalaman ko na kahit hindi totoo o ilusyon lang ng ating utak ang mga panaginip ay minsan ay nagbibigay din ito sa atin ng mga ala-ala na babaunin natin sa ating buhay at magsisilbing gabay sa ating pamumuhay.

Ang pinakatumatak na bahagi ng ulat sa akin ay ang paniniwala ni Berkeley sa Immaterialism. Ito ay paniniwala na ang mga bagay bagay sa ating mundo ay hindi nageexist. Tanging ang mga bagay lamang na mayroong spiritual substances ( mga bagay na may kaluluwa) ang nageexist sa mundo. Dahil dito hindi natin alam o maaari nating kuwestiyunin kung ang mga bagay-bagay sa ating paligid ay talaga nga bang nageexist o tayo ba ay talagang nabubuhay sa mundong ito.

Centeno, Melissa Jane C. 10 - Narra (16/05/21 2:30 PM)
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.

Ang isang panaginip na sadyang binitin ako ay ang panaginip ko tungkol sa aking mga naging kaklase noong ako ay grade 6. Sa mga huling araw (paghahanda sa pag graduate ko ng elementarya), iniisip ko ang mga masasayang sandali na nakasama ko sila kaya siguro napaniginipan ko sila ilang araw matapos ang aming graduation. Napaginipan ko na isang araw ay sa parehong eskuwelahan parin ng aming elementarya ako papasok. At nandodoon sila nakaupo sa mga upuan talaga nila, naghaharutan at inaaya pa nga ako. Kumbaga ay isang normal na araw ko noong ako ay nasa elementary. Para itong totoo dahil ni hindi sumagi sa isip ko na naka graduate na kami, at ganoon din sila sa panaginip ko na para bang nasa isip namin na hindi pa kami gr-graduate at maghihiwa-hiwalay.

Nanghinayang ako na nagising ako kaagad dahil ang aking mga matatalik na kaibigan ay kaklase ko din at nandodoon sila sa aking panaginip. Nanghihinayang ako na nagising ako kaagad dahil napag usapan na namin kung saan kami mag hi-high school at nalaman namin na magkakahiwalay kami ng mga papasukan na eskuwelahan.

Kinuwento ko ito sa aking ina at sinabi sa akin na hindi pa daw ako handa na magkahiwa-hiwalay kami at iniisip ko sila masyado kaya ko sila napaginipan. May pagka totoo naman ang kaniyang sinabi ngunit masaya na rin naman ako sa high school life ko ngayon kahit papatapos na nga.

2.Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

Ang mga tumatak sa akin na parte sa report na inihanda ni Tobby ay ang kaniyang Buod at Pagsusuri ng kabanata. Dahil naunawaan ko nang mabuti ang kabanata sa pagpapaliwanag niya ng dalawang parteng iyon. At dahil din unti unti na tayong nalilinawan sa kung saan nga ba paparating ang ating binabasa na librong "Sophie's World". Naunawaan kong mabuti ang pagpapaliwanag ni Tobby mula sa paano nga ba maaaring si Sophie ay isang gawa-gawa  lamang, hanggang sa si Sophie ay hindi pa rin naniniwala sa pagpapaliwanag ni Alberto sa mga nangyayari sa kanyang mundo.

Paraiso, Samantha Nicole B.
1. Madami na akong napaginipan na sana hindi ako nagising kaagad ngunit may isang panaginip kung saan ako nabitin.

Ito ay ang panaginip na ako'y nasa isang lugar kung saan ay malawak, walang gusali at sasakyan kundi malaking kapaligiran lang at mahangin. Dito ko naramdaman ang kapayapaan. Walang iniisip na problema o kung ano man. Pinapangarap ko uli ang makaramdam na wala kang iniisip na bagay-bagay, walang stress sa iyong buhay. Sa katotohanan, walang araw na wala ako iniisip. Lagi nalang mayroon at minsan gusto ko na lamang bumigay.  Bitin ang panaginip na ito, ayaw ko pa sana umalis sa lugar na ito dahil minsan lang ako makaranas ng kapayapaan sa aking buhay.

2. Ang tumatak sa akin sa report ay ang buod mismo ng chapter na ito. Talagang maiintindihan natin ang mga pangyayari. Ang mga kasabihan rin ng mga Pilosopo ay talagang binigyan ng magandang paliwanag.

ROBLES, Cracianne Lei G.
1. Gaano man kaganda ang  aking panaginip, kadalasan paggising ko ay wala na akong maalala ni anoman ukol dito. Kaya naman, sa mga pagkakataong ang aking napapanaginipan ay maganda't kakaiba, ito'y aking isinusulat upang magsilbing batayan sa hinaharap. Isa sa mga ito ay ang pagkakataong inakala kong ako ay nag time travel patungo sa 19th century. Ang mga kabahayan maging ang aking sariling kasuotan ay tulad noong mga nakikita ko lamang sa telebisyon at pelikula. Ang mga lenggwahe rin ng mga tao ay purong tagalog at pormal. Nahinuha kong nag panahong iyon ay maaaring noong kolonyalisasyon ng mga Espanyol sa ating bansa. Ang oanaginip na ito ang tumatak sa akin dahil bukod sa pagkahumaling ko sa mga historical na palabas at mga bagay na mayroong kinalaman sa kasaysayan ng ating bansa, nahuhumaling din ako sa simpleng pamamaraan ng pamumuhay noong sinaunang panahon. Sa aking panaginip, para ako ipinapasyal sa dating mukha ng Pilipinas noong ang mga espanyol ay naririto pa. Pakiramdam ko'y nagkatotoo ang aking pantasyang maging si Maria Clara o Leonor Rivera. Kahit papaano'y nagkaroon din ako ng ideya sa uri ng buhay noon at lalong lumaki ang aking pagnanasa at interes na mas matutunan pa ang ating pinagmulan. Nakapanghihinayang man na ito ay panaginip lamang, ipinaalala nito sa aking ang oras ay tumatakbo at hindi ko man ito maibabalik pa, responsibilidad kong mamuhay sa aking panahon sa paraang naaangkop din dito. Wala nang barong at saya sa aking henerasyon ngunit ang pagiging isang dalagang Pilipina ay nananalaytay pa rin sa aking dugo.

2.Ang parte ng ulat na pinaka tumatak sa akin ay ang parte kung saan si Sophie ay nakakita na ng eroplanong mayroong banner kung saan nakasulat ang "happy Birthday Hilde" at ang mga tala kung saan nakararamdam na si Sophie ng mga kakaibang bagay. Nagsisimula na siyang kumwestiyon sa kaniyang buhay at ni Hilde. Ito ay kung totoo nga ba o hindi ang kaniyang buhay o sila ay parte nga lamang ng imaahinasyon ni Albert Knag. Sa ganitong paraan, higit na nasasabik ang  mga mambabasa na abangan pa ang mga suusnod na kaganapan sa naturang Nobelang Pilosopiya.

REYES, Kyle Andrei P.
Ang PANAGINIP ay ang pansariling karanasan ng mga guni-guning imahen, tunog ,tinig, pag-iisip o pakiramdam habang tulog, pero aking iniisip kung counted ba dito ang daydreaming ngunit hindi ako rito magpopokus sapagkat sa kwentong ito malalaman ninyo ang pinanghihinayangan ko kung bakit ako nagising.Bata pa lamang ako ay malawak na ang aking imahinasyon kaya naman lagi kong pinapangarap na magkaroon ng super powers , minsan gusto kong maging villain pero ang lahat ng iyon ay iniisip ko lamang….hanggang sa interes ko sa mga palabas at libro gusto ko ay may kinalaman sa mga demigod , mutants , fantasy , atbp…kayat sa tingin ko mas lumawak ang aking imahinasyon. Sa di ko maiwasang isipin ang tungkol dito ay nanaginip ako….

Isang panaginip na hinding hindi ko makakalimutan , sa panaginip na ang pakiramdam ko ay ang lakas lakas ko , sa panaginip na kaya kong gawin ang lahat , sa panaginip na kaya kong kontrolin ang lahat , sa panaginip na wala akong kinatatakutan , sa panaginip kung saan mas advance at sibilisado na ang ating bayan na hindi na kailangan sirain ang daan bawat linggo para makakuha ng pondo , sa panaginip na malayong malayo sa realidad ng buhay...matiwasay , tahimik , puno  ng pagkakaisa at pagkakaunawaan. Iyon ang aking pinanghihinayangan panaginip pero patuloy ko parin itong iniisip sapagkat ano nga ba ang maaaring mangyari kung ganito tayo mamuhay...ngunit naisip ko rin na sometimes we need fantasy or imagination to escape reality for just a second…

Ang talakayan sa kabanata 22 ay nabigyang hustisya ni tobby ladia sakanyang mahusay na paglalahad ng bawat impormasyon , masasabi kong ang tumatak sa aking isipan ay ang buod dahil madali itong intindihin at maraming makukuhang mga aral at syempre ang katagang”it's like dreaming you won a million and then just as you're getting the money you wake up -sophie’’ syempre una ako ay nakakarelate at pangalawa totoo naman.

Bravo, Louiesa Chloe A.
Marami na akong naging panaginip, kadalasan ngayon ay masasamang panaginip, kung hindi may namamatay ay nalulula naman ako. Ngunit may isang panaginip ako na lubos kong pinanghihinayangan, ito ay napanaginipan kong ako ay nasa isang maliit ngunit magandang bahay at tinatawag ako ng tatay ko para kumain na habang katabi ko ang mama ko na nagcecellphone, sabi ko pa daw ay "yes pa ayan na po, tara na ma" at tinawag ko na den ang kapatid ko. Umaga non dahil kita ko sa liwanag mula sa bintana ko na paakyat palang ang araw, noong papunta na ako sa kainan, sinabi ko daw na "Goodmorning pa", hahalik na sana ako sa papa ko ng bigla kumatok mama ko sa pinto pinabuksan ang pinto ko dahil may kukunin daw. Para sa akin, isang pangarap ang panaginip na yon dahil hindi ko na nakasama ang papa ko simula ng bata ako, hindi ko na nga matandaan kung kelan ko sha huling nakita. Mga walong taon din kaming hindi na nagkakausap at alam namin nasa ibang bansa sha, never nagkwento ang mama ko kung ano nangyari sakanila basta ang alam ko ay hindi kasal ang nanay at tatay ko. Kung pwede lang sa panaginip nalang ako eh, kaso hindi dahil malaki ang pinagkaiba ng panaginip sa totoong mundo.

Naging maganda ang talakayan dahil nabigyan ng hustisya ni Toby ang ang kanyang report dahil sa galing sa pagbubuod at may parte dito na tumatak sa akin. Ito ay ang immaterialism na pinaniniwalaan ni Berkeley at nagpa kwestyon sa akin na talaga nga bang may mga bagay na nag eexist o tayo ba mismo ay nageexist?. Ngunit ang mga bagay lamang na nageexist ay yung mga may kaluluwa.

Martinez, Emmanuel M.
1. Ikwento ang isang panaginip na pinanghihinayang mo ng ikaw ay magising.

Sa tagal kong nabubuhay sa mundong ito at sa damidami kong pagkakataon na matulog mahirap talaga maka pili ng pinaka magandang panaginip na naranasan ko pero may isa akong natatandaan na panaginip at hindi ko ito malilimutan hagang sa pagtanda ko. noong isang araw paguwi ko galing sa kainan ay sobrang inaantok na ako dahil busog kaya naisipan kong matulog muna bago gumawa ng mga assignments kaya nakatulog ako kaagad at nung pag ka gising ko ay natandaan ko yung aking panaginip ngunit hindi lahat ay natatandaan ko pero ang napaginipan ko ay kameng mag kakaibigan ay nag out of town kame at pumunta kame sa tagaytay na walang kasamang magulang at noong papunta na kame ay nakalimutan ng isa kong kaibigan yung kanyang pamasahe papunta duon buti nalang nag ambagan kame ng mga kaibigan ko upang makapag bayad yung isa naming kaibigan na naiwan yung pera at pagdating namin sa tagaytay ay nag enjoy lang kame at kumain at yun lang ang natatandaan ko sa aking panaginip pero ito ang the best na panaginip na natatandaan ko.

2) Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

Ang pinaka tumatak sa report na ginawa ni Tobby ay ang immaterialism na pinaniniwalaan ni Berkeley at kung ano ang ibig sabihin nito. natalakay din ng maayos ang reporting ng chapter 22 ng Sophies World.

Sarmiento, Rui Nemiel S.
1.   Ilang mga tulog na ang nakalipas noong ako’y huling nakaranas ng isang panaginip. Marahil ang aking isip ay pagod sa haba ng oras sa klase o kaya ang aking tulog ay sobrang lalim sa sandaling ako’y nagising ay wala na akong maalala kundi ang sarap ng aking tulog. Sa gayon, mayroon pa ding akong naalalang mga panaginip na ako’y nanghihinayang tumunog pa ang aking alarm clock.

Nabibilang sa mga daliri ang mga bagay na tunay nakakapagpasaya sa akin. Ilan na rito ang kasama ang mga taong itinuturing kong importante at minamahal. Ang panaginip na ito ay nangyari noong mga umpisa ng 2020. Sa sobrang lumbay ay parati kong iniisip ang aking mga kaibigan. Kung kaya’t hanggang pagtulog ay napanaginipan kong kami’y biglang nasa isang lumang kotse at patungo sa lugar na walang may alam. Tila bang kami lamang ang tao sa mundo at ang kapaligiran ay hindi ma-teknolohiya. Kami ay nagsasaya habang nasa kotse at nakikinig ng mga kanta na aming maibigan. Walang pumipigil sa amin at ito’y lubusang nakapagbigay ng kaligayahan sa aking hanggang tumunog ang aking alarm at ang oras ay malapit na mag tanghali.

2.    ANG pinakatumatak sa diskusyon ni Tobby sa Kabanata 22 “Berkeley” ay ang malalim na pagsusuri. Ang parte kung saan munti munti na nating nalalaman na si Sophie at Alberto ay maaaring kathang-isip lamang at nasa isipan lamang din ng may akda na siyang nakaprinta sa kaniyang sariling aklat.

Cruz, Ashley Mae D.
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.

Hindi sa lahat ng panahon ay maganda ang nangyayari sa aking panaginip ngunit mayroong isang panaginip ako na hindi ko makakalimutan ngunit sa kasamaang palad ay nagising ako noong nasa maganda na ang nangyayari. Ang panaginip na ito ay pinapakita na ako at aking pamilya ay nalampasan na lahat ng hirap na aming pinagdaanan lalo na aking mga magulang nakita ko rin ang aking sarili na nagsusumikap upang matulungan ko na ang aking pamilya sa kanilang pinagdadaanan. Ang pangarap ng aking mga magulang para sa akin ay makapagtapos ako ng aking pag aaral dahil sila ay hindi nabigyan ng pagkakataon na makapag tapos ng pag aaral dahil sa hirap ng kanilang buhay dati. Ngunit noong nasa magandang pangyayari na ang magaganap ay nagising ako sa aking alarm clock dahil may pasok ako noong araw na napanaginipan ko iyon kala ko ay totoo na dahil apaka gandang pangyayari noon sa akin kung ako ay papalarin. Ang aking pangarap sa buhay ay tuparin ang pangarap ng aking magulang para sa akin dahil sila ang naghirap para makapunta ako sa aking kinatatayuan ngayon kaya gusto suklian ang kanilang paghihirap sa akin.

2.Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

Ang tumatak sa aking isipan sa report ni Tobby ay isang katagang aking nabasa sa kanyang report na “ Its like dreaming you won a million and then just as you’re getting money you wake up” Ito ay nangangahulugan na  sa ating panaginip ay magaganda ang nangyayari ngunit hini sa lahat ng oras sa ating panaginip ay hindi tayo nahihirapan dahil doon nandoon na lahat ng ating gusto at kailangan ngunit kapag tayo naman ay nagising ito ay sumisimbolo ng katotohanan kung ano talaga tayo at dapat paghirapan natin lahat ng ating gusto.

Landayan, Ashley Nicole B. 10- Narra
1.ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.

Isang araw ay napaginipan ko na nabibili ko na lahat ng mga gusto ko marami akong pera at nakakapunta ako sa ibat ibang
lugar ,nung una ay pinang hinayangan ko talaga kasi kala ko totoo,pero napaisip din ako kung mag susumikap ako at makakapag tapos ng pagaaral at makakahanap ng magandang trabaho ay magagawa kong totoo ang lahat ng bagay na napaginipan ko.

2.ano nag tumatak na parte na inihanda ng reporter?

Ang tumatak na parte ng report ni tobby ay ang buod at ang pagsusuri ng kabanata kasi maayos at malinaw nya itong napaliwanag saamin.

Bernardo, Francesca Maxene A. 05/17 /21
1. Ang masasayang panaginip na hindi nangyayari sa totoong buhay. Dahil kahit sa panaginip nararamdamn mo at nakikita mo ung totoong saya na hinahanap mo na hindi mo mahanap sa realidad. Mga panaginip na gusto natin magkatotoo ngunit tayo ay nasa mundong problemado. Pero ako naniniwala na ang ibang panaginip ay nagkakatotoo may iba't iba tayong pinaniniwalaan. Tulad na sinasabing Deja Vu. May panaginip na naulit or kaya ay nangyari na.

2. "  A philosophical theory that material things have no reality except as mental perceptions" karamihan sa atin ay Day Dreamer kaya maraming tao ang nagiisip na gustong mangyari sa kanilang buhay.

Ferrer, Czarle Hyacinth N.
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.

Kadalasan sa aking mga panaginip ay hindi ko na naalala gaano man ito kaganda o kasama, madalas ay makalipas ang ilang oras ay nakakalimutan ko na ito o kaya naman ay putol-putol ang mga pangyayari at iilan na lamang ang aking naaalala. Ngunit kamakailan lamang may isa akong panaginip na aking tanda pa siguro dahil ito ang pinaka tumatak sa akin at napanaginipan ko lamang ito nung isang araw. Naalala ko nang gabi bago ako matulog ay nagkasagutan kami ng aking lola dahil mayroon kaming hindi napagkasunduan, ako ay lola’s girl ngunit may mga oras talaga na kami ay hindi nagkakaintindihan at nung gabi na iyon ay naguilty ako sa aking nasabi sa kanya, ako ay nadala ng emosyon at may nasabi akong hindi maganda ngunit pagkatapos naman ay humingi ako ng tawad at nagkabati na kami. Bago ako matulog ay iniisip ko ang nangyari na iyon at nakita ko ang itsura ng aking lola nang medyo tumaas ang aking boses, tanda ko na ako’y nakatulog habang iniisip ito kaya siguro napanaginipan ko. Napanaginipan ko ang oras na nagkakasagutan kami ngunit kabaligtaran ang nangyayari sa aking panaginip, kami ay mahinahon na nag-uusap at nagkakaintindihan sa mga bagay-bagay matapos non ay ako’y nagising bigla at nanghinayang dahil sa nakita at nais ko pang makita ang mga susunod pang nangyari nung araw na iyon.

2.Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

Ang pinaka tumatak na parte ng report ay ang pagsusuri kung saan napagdudugtong dugtong na ang mga pangyayari at unti-unti nang nalalaman nila sophie at alberto ang kanilang role, na sila ay mga kathang isip lamang at mga tauhan lamang sa libro na binabasa natin. Dito unti-unting nabubuo ang mga kaisipan na nakakulong lamang sila sa libro at parang mga bilanggo.

ARELLANO, Amanda Leigh V. 10 - Narra
1.)  Ikwento ang isang panaginip na pinaghihinayangan mo ng ikaw ay magising.

“La, Lo, para sainyo ‘to.”
“ Ang aking tagumpay ay para sa inyo.”

Isang mahabang buntong hininga at mga luhang natuyo na sa aking mga pisngi ang aking pinakawalan noong magising ako dahil sa panghihinayang sa panaginip na ito.  Aaminin ko na marami na ang nagdaan na panaginip ngunit masasabi ko na ito’y walang katulad at walang katumbas ang saya at hinagpis na naidulot nito sa pagmulat ng aking mga mata. Bilang isang bata na hindi nakapiling pa ang aking mga lolo’t lola,  Ang panaginip na aking pinanghihinayangan. Isang araw, nakamit ko na ang mga pangarap ko, nakapagtapos ng pag-aaral, nakatungtong sa entablado kasama ang aking mga minamahal na lolo’t lola. Nakasama ko sila ng matagal, nabigyan ng bahay at lupa. Nabigyan ng maginhawang buhay. Higit pa roon, sinuportahan nila ako sa aking passion. Pinapalakpakan at natutuwa sa aking bawat paggalaw at kanta.

Ako’y lubos na nanghihinayang dahil sana manlang nagawa ko ito habang nabubuhay pa sila. Sana naabutan ko pa silang malakas. Sana nahagkan ko manlang ang minamahal kong lolo’t lola. Nakakalungkot dahil kahit ang aking mama ay hindi gaanong nakasama ang kaniyang ina dahil nilisan nito ang mundo noong 12 na taong gulang pa lamang siya.

Ang panaginip ay maaaring isang kathang isip lamang ngunit ito’y magbibigay saatin ng mga alaalang babaunin natin hanggang sa pagtanda.

Para sa mga mahal ko, mga Lola at Lolo, sana proud kayo sa apo ninyo. Alam ko pong hindi ako perpektong anak ngunit ako po’y nagsisikap na maging mas mabuti. Ang lahat ng parangal at papuri na aking makakamit ay iniaalay ko po sainyo. Maraming Salamat po sa pagbibigay sa akin ng maintindihing magulang, mabait at may malasakit.

2.) Ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

Ang tumatak na parte ng report ni Tobby saakin ay ang Buod. Nabigyang diin ni Tobby ang mga mahahalagang kaganapan sa kabanatang ito.  Talaga nga namang  maiintindihan mo ang daloy ng storya dahil sa paglalahad ni Tobby ng mga pangyayari.

Tenorio, Carl Vincent C. 10 - Narra
1. Hinding hindi ko makakalimutan ang panaginip ko noong sabado na mayroong kasama ako sa kwarto ng aking mga magulang isang kastilang titser na nakatayo at nag aayos sa harap ng salamin  at isang hapon na nakakasalita ng chinese na tumatawa mag isa at nagsasalita ng mga chinese na salita na hindi ko maintindihan at dumukot sya ng itak at pilit niya akong sasakin kahit hindi niya magawa dahil mahaba ang braso ko pinipigilan ko siyang tagain niya ako sa mukha na meron pa sa likod niyang kastilang titser na nag aayos at hindi kami pinapansin ng titser naiyon pinansin lang kami ng pagkalipas ng sampung minuto at wala siyang ginawa kundi tumitigtig at parang nanonood pa siya sa sinehan nung araw naiyon hanggang sa magising ako na parang walang nangyari.

2. Ang tumatak sa aking isipan ay ang katagang. "A philosophical theory that material things have no reality except as mental perceptions"  Maraming tao naguguluhan kung ito ay nangyari ba talaga sakanila o hindi isang illusyon lang ito.

Cruz, Fedes G. 10-NARRA
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.

>  Ang pagkakaroon ng mga panaginip ay isang ilusyon na nagpapakita tuwing tayo ay nagpapahinga, ngunit ang pagkakaroon ng panaginip para saakin ay mahiwaga dahil tayo ay natatangay sa isang lugar, alinman kung ito ay maganda o traumatiko. Isa sa aking mga panaginip na lubos na nagpasaya saakin noong ako at ang aking mga kaibigan ay nagkaroon ng bakasyon sa isa sa  mga resthouse ng aking pamilya, it felt surreal dahil ang tagal ko nang hindi nakikita ang aking mga kaibigan noong sumipot ang pandemya noong nakaraang mga taon. Kami ay nagkaroon ng pool party at nilubos ang bawat oras na kami ay magkakasama. Hindi ko alam ang aking naramadaman noong ako ay nagising, dito ko napagtanto na ang pandemya kinuha ang lahat ng ating mga pagkakataon na makita ang ating mga mahal sa buhay. Isa din itong aral na lahat ng bagay ay may pagtatapos, at hindi mo alam kung kailan ito aalis sa ating antas ng buhay.

2.Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

>  Ang pahayag na tumatak saaking mula sa report ni Tobby ay ang "EVERYTHING IS DUE TO THAT  SPIRIT WHICH IS THE CAUSE OF EVERYTHING IN EVERYTHING AND WHICH ALL CONSISTS IN." Itong pahayag ni Barkeley ay isa sa mga pahayag na kung saan ay umugnay saakin. Lahat ng bagay ay may pinanggalingan.

Daligdig, Khryzel M.
1.) Sa bawat pagtulog natin ay ilang episodes ng panaginip o kwento ang naiisip natin. Ika pa nga ng iba na kung bakit ‘di ka agad nakakatulog sa gabi ay maaaring buhay ka sa panaginip ng ibang tao. Bilang isang daydreamer at nighthinker, ‘di ko na malaman kung alin ba ang panaginip at ang gawa-gawa ko lamang na istorya na aking pinaglalaruan sa aking isipan. Sa dinarami dami na aking naencounter, ang labis na hindi ko makakalimutan kung cliché man pakinggan ngunit bilang isang unica ija na nakatira sa bahay na kasama ang lola mula na siyang ipinanganak hanggang siya ay maging 12 years old, nasanay na siyang andiyan lagi ang kaniyang lola na aalalay at aagapay sa kaniya ni hindi man lamang niya naisip na vulnerable ang tao kaniya lamang itong napagtanto noong nawala na sa kaniyang piling ang kaniyang Lola. Ang aking mga magulang ay nagtratrabaho sa Maynila kaya tuwing gabi at madaling araw ko lamang sila nakakapiling kaya’t buong araw pagkatapos ng aking klase ng 2 pm ay ang kasama at gabay ko na sa bahay ay ang aking Lola, kaya’t hirap akong limutin ang sakit na aking napagdaanan nung siya ay nawala, bilang pinakapaboritiong apo at tanging siya lamang ang nakapagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal na wala siyang hinihintay na kapalit, bawat laban ko sa pageant o mga patimpalak o karera ng aking buhay ay wala siyang hinihintay na kapalit kung ako’y manalo at matalo tanggap niya ako, ‘di niya ipinaramdam sa akin na kapag ako’y talunan ay ‘di ako sapat, ‘yun ang labis kong namimiss sa kaniya pati na rin ang pagiging masaya ng aming bahay, na noon ay puno ng malalakas na tawanan, ngayon ay nababalot na ng katahimikan. Bilang isang lola’s girl, ‘di ko malilimutan ang panaginip ko noong ako’y grade 6 November 2016, ilang araw lang matapos ilibing ang aking Lola, nagpakita siya sa aking panaginip, nakangiti at tumatawa, labis ang tuwa’t ligaya sa mga labi at kahali-halinang mga ngiti na labis ko ng namimiis na pagmasdan, tila iyon na ang sign na siya ay aking palayain, na okay na siya kahit na anong pagkukulang ang aking/aming nagawa ay masaya na siya, ‘di naman talaga siya namatay, oo sa pisikal ngunit sa aking puso’t isipan hinding hindi siya mawawala, labis ko lamang ikinalulungkot ba’t ganito ang aking nararamdaman sa mga kapamilyang tila isa na lamang siyang kaluluwa na minsan nalang maalala, ‘di ko alam kung bakit ganito ang aking naiisip base sa aking nakikita o kanilang ipinararamdam sa akin. Ayokong magising noong napanaginipan ko yun, gustong gusto ko siya lapitan, halikan, at yakapin sa huling pagkakataon ngunit ‘di ko magawa. Tila ang mga ngiti na yaon ay sa huling panaginip ko na lamang na iyon makikita na akala mo’y tunay na nangyayari sa totoong buhay. Madalas ako makalimot sa panaginip, madalas kong ‘di na ito maalala kapag ako’y nagising o ‘di kaya nama’y nakalimutan ko na sa paglaon ng panahon ngunit itong kaisa-isang panaginip ay kahit ilang taon na ang lumipas nanatili pa rin ang saya sa aking puso’t isip sa aking imahenasyon.

. 2.)Ang labis na tumatak sa akin sa Chapter na ito ay ang pagtalakay ng pilosopiya ni George Berkeley, at kung paano ito nauugnay sa sitwasyon nila Sophie.
Sa pilosopiya ni Berkeley, tayo ay nag eexist lang sa isip ng isang "spirit" o "Diyos", at Malaki ang posibilidad na sila ay hindi totoo at isa lamang gawa ng isang manunulat,na maaaring maka apekto sa kanilang mga desisyon sa mga susunod na kabanata.

Chavez, Candice A.
1. Kailanman hindi natin maikakaila na kay sarap mabuhay sa mga magagandang panaginip dahil sa panaginip ang lahat ay nangyayari, halimbawa ay sabihin mo lamang na gusto kong makapunta rito, gusto kong makita si ganito. Kay sarap sariwain ng mga ganitong pagkakataon, walang pagsubok at pawang walang ibang bida kung hindi ikaw lamang. Sa mga pana-panaka kong panaginip ay isa lamang ang hindi ko makakalimutan, ito ay nang ako ay isang ganap ng Certified Public Accountant. Nakita ko ang sarili kong nasa iba't ibang airport dala dala ang mga maletang naglalaman ng mga dokumentong kakailanganin ko sa aking trabaho. Sobrang saya ko noong mga panahon iyon sapagkat plantsadong nangyari sa panaginip ko ang mga bagay na minimithi ko sa totoong buhay. Mayroon pang isang pagkakataon na ako raw ay humiling na sana makapunta ako ng Pacific Palicades at dininggin naman iyon ng aking panaginip, dagdag pa rito na nakita ko si Paul Jason Klein sa tabing dagat kasama ang kanyang dating kasintahan na si Nicola Peltz. Umabot sa puntong tinabig ako ng aking ina sapagkat habang natutulog ay humihinga raw ako nang malalim at doon nagtapos ang panaginip na hanggang ngayon ay sinasariwa ko pa rin. Para sa akin ang panaginip na iyon ang magsisilbing daan ko upang tuparin ang mga pangarap ko sa buhay ngunit hindi ako katulad ng nasa panaginip ko na ubos ubos biyaya. Hilingin ko man na sana hindi na lamang ako nagising ngunit ito ang realidad ng buhay matapos mong sumaya ng mga ilang sandali ay bigla bigla kang malulungkot dahil sa kung ano anong nakadidismayang balita.

2. Sinasabi sa report na ang karamihan ng bagay ay mula sa ilusyon, ako ay mariing tumututol dito sapagkat ano ang silbi ng mga scientific theories and discovery kung ipagpapalagay lang din pala natin na gawa gawa lamang ng ating isip ang mga bagay na nag eexist? Tama na mayroong mga innate ideas na nag eexist ngunit hindi natin ito maaaring ipagpalagay na ilusyon sapagkat napatunayan na ito ng mga siyentistang nagpakadalubhasa sa larangan ng Siyensya noong panahon ng Renaissance.

Rivera, Hanna Elizabeth R. 10-Narra
1. Ang isa sa pinakamahalagang ambisyon ko na yata ay ang libutin ang buong mundo. Kung kaya't nang mapanaginipan kong ako ay nasa eroplano at papuntang Europe ay hindi ko mawari ang mararamdaman ko. Pababa pa lang ako ng eroplano nang magising ako. Lubos kong pinanghihinayangan ang aking pagkagising sa mga oras na iyon sapagkat hindi ko maintindihang sa panaginip na lamang ako makakagala ngayon ay nagising pa ako. Hindi ko man lang nakita ang Eiffel Tower o kahit ang Grand Canal. Ito ang isa sa mga panaginip na hindi ko malilimutan at ninais ko rin na balikan ito ng paulit-ulit.

2. Ang hindi ko malilimutan na parte ng report ay ang katagang "it's like dreaming you won a million and then just as you're getting the money you wake up". Sapagkat ganitong ganito ang nangyari sa aking panaginip. Muntik na sana akong makarating sa gusto kong puntahan ngunit dahil sa aking pagdilat ay nalaman kong hindi pala totoo ang lahat. Na gawa gawa lang pala ito ng aking utak o bunga marahil ng aking labis na kagustuhan na makalibot sa buong mundo. Ngunit gaya ng lahat ng mga panaginip ay hindi naman ito ganon kahalaga. Ang mahalaga ay ang nangyayari sa totoong buhay at kung paano mo ipinamumuhay ang iyong buhay habang ikaw ay gising at mulat ang mga mata. Dahil naniniwala akong ito ang maaalala ng ibang tao, hindi gaya ng isang panaginip na madaling kalimutan at panandalian.

Clemente, Paul Ashley M.
1.Ang isang panaginip na hinding-hindi ko makakalimutan ay ang makasama ko ang aking mga kaibigan at lahat ay tila ba bumalik na sa normal. Nakakapasok na ang lahat sa eskwelahan nang walang mga facemask at faceshield na suot. Malaya na ulit kaming nakakapunta sa mga lugar na napupuntahan namin dati. Nagagawa na rin namin ang mga bagay nang walang inaalalang virus. Naisip ko nang ako ay magising kung kailan ulit kaya babalik ang lahat sa normal. ‘Yung malaya mong nagagawa ang mga bagay na ginagawa ninyo dati.

2. Ang pinakatumatak sakin ay ang tanong na 'who are we' dahil doon ay napaisip ako. Sino nga ba tayo at kung tayo ba ay isa lamang sa mga bagay na nasa isip ng ating Panginoon o higit pa doon.

Victoria, Lian Janel SD.
1. Ikuwento ang isang panaginip na pinanghihinayangan mo na ikaw ay nagising.

Napanaginipan ko noon na nagpunta kami ng mga kaibigan ko sa South Korea. Matagal na naming pinag-uusapan na years from now ay pupunta kami doon para naman makapunta kami sa ibang bansa at para na din mapuntahan namin ang mga lugar na nakikita lang namin sa mga k-drama o kaya naman ang mga lugar na pinupuntahan madalas ng mga favorite naming mga Korean idols. Napanaginipan ko noon na nakarating kami sa Korea nang ligtas at natuloy ang aming mini trip. Nagtungo kami sa Seoul para mag check-in sa isang hotel at makapagpahinga dahil matagal ang biyahe namin. Kinabukasan nagtungo kami sa isang lugar na mukang pier at doon ay sumakay daw kami sa isang mini yacht inihatid kami nito sa Nami Island. Doon ay nagrent kami ng bike at inikot namin ang isang daanan doon sakay ng bike, bumili kami ng mga cute ng souvenirs para sa iba pa naming kaibigan. May pinuntahan kaming establishment at doon ay natuto daw kami ng traditional way of making kimchi. Kasama din sa panaginip kong ito na kami daw ay nag samgyupsal. Nagpunta din kami sa isang ski resort, at tuwang tuwa kami dahil napansin ng tour guide namin na mas magaling daw kaming mag-ski kaysa sa iba naming mga kasabay kaya nagtawanan kami dahil nakaka proud ito. Nagtungo kami noon at sa SMTOWN at namili kami ng mga albums ng mga favorite naming groups, nakita pa daw namin ang mga miyembro ng ang isa sa mga pinaka-iidolo naming gropo. Naputol ang panaginip kong ito noong nilapitan daw kami ng isang agent ng SM Entertainment at sinabihan daw kami na pwede kaming maging trainee. Nakakapanghinayang dahil lagi kaming nagbibiruan na gusto namin maging trainee at maging isang successful na idol sa korea, pero kung tatanungin ako sobrang nag-enjoy ako sa panaginip kong ito dahil parang nandoon talaga ako.

2. Ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

“Material things have no reality except as mental perceptions.”

Ang pagkakaunawa ko dito ay ang mga materyal na bagay ay hindi ganun kahalaga at ang dulot na kasiyahan nito ay panandalian lamang.

Budaño, Gabriel C
1. Sa isang panginip ko may nakita akong anino na kala ko tao. Nang lapitan ko nakita ko na hayop lang pala at ng tinggan ko mabuti aso pala. Kamukha ng aso namin, sapanaginip na to naglaro kami ng aso at sa huli ng paggising na ko nagpalam na ko sa kanya at siya ay umalis ng gumising ako nalaman ko na lumipas na aso ko. Kapag di ba siya pinakawalan sa panaginip na yung buhay pa din ba siya?
2. Ang nagsutuhannko ay ang pagkaclear and relatable nung disxussion as if nagawa ng reporter na mateleport ako sa story niya dahil ganun ka ganda ng report.

Lanuza, Nastasja Alexie C.
1.)Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.

Ako ay bihira managinip tuwing matutulog, paminsan sa sobrang pagod ng katawan at isipan ko ay shinushutdown ng aking utak ang lahat nang tumatakbo sa isipan ko kung kaya’t hindi ito nagbibigay ng daan na ako ay makatakas lamang sa realidad kahit kaunti, hindi ko maalala kelan ako huli nanaginip, mga ilan buwan na ata iyon.

Pero sa lahat na napaniginipan ko ay hindi ko talaga makakalimutan noong naging magaan na sa wakas ang buhay namin, feeling ko noong nasa panaginip ako iyon, akala ko iyan na ang realidad na kinakaharap ko, mapayapa, lahat kami ay hindi namomoblema sa kalagayan namin, akala ko totoo na yun lahat. Akala lang. Pero dahil hindi lahat ng bagay sa mundo ay natatagal, lahat ng magaganda alaala ay lumuluma, nagfafade at unti-unti nababad sa katotohanan. Iyon ang naranasan ko noong ako ay nagising na sa lakas ng tinig ng alarm ko.

Ang buhay na walang hirap, ang buhay na payapa ay naglaho at nagising na ito lamang ay isang bula, bula na hindi sana pumutok agad.

2.) Ang nagustuhan ko sa report ni Tobby ay ang malinaw niyang nagpapaliwang sa mahalagang pangungusap na napili niya lalo na sa linya na “It’s like dreaming you won a million and then just as you’re getting the money you are awake” ito ay sinabi ni Sophie, sapagkat totoo ang sinabi niya, kung kelan nakuha mo na naachieve mo na ang iyong goal, may biglang pagsubok dadating na gugulo at tutulak sa iyo papunta sa baba ulit ( going back to zero ) at magiging isang panaginip o dream na kailangang iacchieve ulit sa pamamagitan ng pag-aakyat ulit sa mga patong-patong na suliranin.

Estrella, Raychelyn Liezel N.
Ang isa sa mga panaginip na hiniling ko na sana maging totoo nalang ay noong napanaginipan ko ang aking yumaong ama na nanghihingi sa akin ng tubig, fun fact di siya dapat uminom ng maraming tubig dahil nagkakaroon ng tubig ang kaniyang baga pero binigyan ko parin siya noon dahil kamamatay labg niya at inakala ko na bumabalik siya sa amin at tandang tanda ko pa noon na para kaming nasa maputing maputing hagdanan at mukhang medyo pagod na. Nung kinwento ko naman ito sa aking ina sinabi niya sa akin na baka daw papaakyat na siya at gustong maghabilin sa akin.

Ang parte ng report ni Tobby ladia na tumatak sa akin isip ay ang konsepto ng Immaterialism ni George Berkeley. Ang teorya na ito ay binubuo ng negatibong thesis na wala, at hindi maaaring, mga materyal na sangkap o substrata, at ang positibong thesis na ang pagkakaroon ng mga katawan ay binubuo sa kanilang pagkilala.

Abdala, Raiven Kamille
1. Dito sa aking panaginip ay labis ang aking saya at panghihinayang noong ako'y nagising dahil nanaginip ako ng isang bihirang pangyayari na posibleng di mangyari sakin ngayong taon. Nanaginip ako na ako'y nasa moving up ng grade 10 at walang covid 19 at face to face parin ang lahat. Napuno ng pagmamadali ang umaga ko para sa paghahanda sa moving up at pagdating ko sa eskwelahan ay ang batch lang namin ang nandoon at lahat kami ay excited. Nagpasyal muna kami sandali sa buong university at naglibot libot sa mga classroom ng mga kaibigan ko habang inaalala ang mga memories namin dito. Dahil maaga kaming mga pumasok ay naisipan namin maglaro ng tagu-taguan at habulan at maya maya pa ay nagsimula na ang graduation. Naglalakad na kami pagkatapos ng mahabang practice para sa graduation at kinukuha na namin isa isa ang mga certificate namin. Pagkatapos ay nagising na ako at nalungkot dahil hindi ito mangyayari ngayong taon. Nakakapanghinayang noong nagising ako kaya ginusto ko nalang matulog ulit nang baka sakali ay matuloy ang aking panaginip.

2. Ang pinakatumatak sa akin sa report ni tobby ay ang topic ng immaterialism. Ako ay naniniwala din na ang mga bagay ay walang katotohanan maliban sa pananaw sa kaisipan. Para sa akin ang mga bagay ay di gaanong mahalaga sapagkat mawawala lang din lahat ng ito. Pwede itong mawala lahat kahit kailan kaya kahit na may mga bagay akong gusto, hindi ko parin ito binibigyan ng higit na importansya kaysa sa mga tao.

Torres, Sophia Hannah V.
Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.

Ang napanaginipan ko noon ay nasa isa akong building at may mga equipment sa harap ko na alam na alam ko kung ano, ito ay ang mga equipment na kinakailangan ng isang music producer at nakalagay lang ito sa isang kwarto sa building na iyon at nakaupo lang ako at gumagawa ng kanta nang may kumatok sa pintuan at nakita ko ang iniidolo kong music producer at tinatanong niya ako patungkol sa lyrics ng kantang ginagawa namin ngunit bigla na lamang may umilaw at wala na kong makita at bigla akong nagising  sa katotohanan at nanghihinayang ako na sana hindi na natapos yung panaginip ko dahil matagal ko nang pangarap maging isang music producer at magkaroon ng sariling company.

Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report ng inihanda ng reporter?

Ang tumatak na parte sa akin ay ang Immaterialism dahil sabi dito ni Berkeley ang mga bagay ay hindi nag eexist kung walang nakakakita dito o kaya naman kung wala itong kaluluwa at kapag ang isang bagay ay nakakapag-isip or mayroon siyang conscience masasabi na nag eexit ang bagay na ito.

Nuñez Enrike Patrick B. 05/18/21
Ang panaginip na pinanghinayangan ko na ay buhay ang aking Lola. Sa panaginip na iyon, buhay na buhay ang aking lola at sobrang saya. Nakapamasyal kami sa mga mall at iba pa. Pero nung ako ay nagising at naalala ko na wala na nga pala ang aking lola.

Ang tumatak sa isipan ko sa report ni Tobby ay ang "A philosophical theory that material things have no reality except as mental perceptions"

Torres,Trevor Basti G.
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.

Napanaginipan ko noon ay kami-kaming magkakaibigan ay nagtravel sa iba-ibang bansa,Hindi lng sa mga bansa kundi pumunta rin kami sa iba-ibang planeta,Nakakita ng mga alien,Kumain ng iba-ibang mga pagkain at nakakita ng mga magagandang tanawin.Matapos noon ay kami naman ay nagconcert sa isang malaking arena na kung saan kami ay kumanta,Sumayaw at nag-ingay ng sobra sobra.Noong mga panahong iyon ay nakaramdam kami ng labis na saya Ngunit Naputol na ang aking panaginip matapos noon,At iyon ang aking panaginip na hinihiling ko na hindi na lang ako magising.

2.Ang aking natutunan sa report ni tobby ay ang immaterialism na ibig sabihin ay ang paniniwala sa materyal na bagay ay walang objective na existence.Isa rin sa natutunan ko ay ang tungkol sa buhay ni George Berkeley na kung saan ay siya ang isa sa mga nagsulong ng isang teorya na tinatawag na immaterialism,Pinanganak rin siya noong Marso 12,1685 at namatay naman noong Enero 14,1753

Serviano, Mary Leila A
1) Halos lahat ng aking panagini pay puro takot sa isang bagay may iba naman ay magandang panaginip ngunit madalas ay takot kaya naman ang isang panaginip kong hindi makakalimutan ay May napanaginipan ako na kaming mga pinsan ko ay naghuhukay ng isang kayamanan tpos habang naghahanap yung iba kasama ko ang isa kong pinsang babae na nakahanap ng isang kayamanan tpos ay may nakita akong libro at binasa ko at nakalagay dun ang storya ng isang babae at ako ay napateleport sa past life at may biglang nagsabi sa akin ng isang tungkulin ko dw na iligtas ko dw yung babae nung una ay balak ko umayaw sapagkat isa lang naman itong istorya ngunit may sinabi siya na napatunganga ako at iyon ang "Pano kung kaibigan o pamilya ang dapat mong iyong iligtas lalo na't kung special sa sayo?" Ako ay napaisip at pumayag na lang na iligtas yung babae ngunit may halong pagtataka bakit yun yung klase ng tanong niya? dahil ba parte ng pamilya, or kaibigan ko yung babaeng yun? Sabi ng Anonymous na kinakausap ako sa Isang kastilyo dw ito naka tira sabi niya isa siyang princesa at inaabuso siya ng magulang niya simula noong bata siya ako ay tumango at naintindihan ang sinabi niya. Ginawa ko ang lahat para iligtas siyanang maililigtas ko na siya ay nahuli kami at inabuso siya ako ay napaiyak at nagising habang umiiyak nanghihinayang ako sapagkat di ko man lang siya nailigtas at natandaan ko ang sinabi ng anonymous na pano kung parte ng pamilya mo yan o kaya close friends mo? Natakot ako at baka mangayri sa totong buhay.

2) Ang tumatak sa akin ay ang     "Material Things have no reality except as mental perceptions"

Sa pagiintindi ko ay ang Mga materyal na bagay tulad ng magagandang panaginip mga gusto natin mangyari ngunit hindi ganoon kadali makuha ang mga bagay na iyon.

Ison, Edwin Aldrin S.
1. Isang gabi nanaginip ako ng tungkol sa sarili ko, sa panaginip na ito ako daw ay isang successful na tao na at mayroong lakas ng loob dahil nga successful na ako sa panaginip na ito at dito din sa panaginip na ito naaalala ko na ako daw ay nagsasalita sa harap ng maraming tao upang magpayo kung paano maging isang matagumpay na tao lumipas ang mga oras ako ay nagising na, nanghinayang ako sa panaginip na ito dahil kala ko ako talaga ay naging matagumpay na tao na, nanghinayang din ako dahil sa panaginip na iyon nakita ko ang sarili ko na humharap sa maraming tao at mayroon akong lakas ng loob na malayong malayo sa tunay kong katauhan sa totoong buhay. Ngunit bandang huli tinanggap ko na hanggang panaginip na lamang ito at ang dapat kong pagtuunan ng oras ay kung paano nga ba talaga ako magiging matagumpay na tao sa totoong buhay at kung paano din magkaroon nangg lakas ng loob at tiwala sa aking sarili.

2.Ang parte ng report ni Tobby na tumatak sa akin ay ang parte na ipinaliwanag niya ang teorya ng mga pilosop na 'Immaterialist', sinabi ni tobby sa kaniyang report na ang konsepto daw ng immaterialist ay ang mga material daw na bagay dito sa mundo ay walang katotohanan ngunit persepsyon lamang. Ito ay tumatak sa akin dahil tunay nga na huwag dapat tayong maging materialistic na tao dahil minsan ang mga bagay na hinahangad natin ay hindi naman kailangan ngunit nagiging needs ito dahil sa sarili nating pagiisip.

Collantes, Arianna Beatrice R.
Ikwento mo ang isang panaginip na pinagsisihan mo na ika’y nagising.

Madalas akong managinip ngunit hindi pa ako nakakaranas ng isang Lucid Dream, subalit lahat ng mga pangyayari sa aking mga panaginip ay malinaw at aking naaalala. Nito lamang napanaginipan ko na ako ay nakatira sa Denmark, masaya at walang pinoproblema. Ang sakit isipin na pagkagising ko ay ginawa ko ang lahat upang makatulog muli, ganun ba talaga ako kadesperadong maging masaya na hinihiling ko na sana hindi na lang ako magising? Oo, yun ang masakit na katotohanan. Hindi ko man maaninag ang mukha ng aking kasama o maaaring “kasintahan” sa aking panaginip, ako pa rin ay sumasaya tuwing naaalala ko ang kaniyang kulay kastanyong buhok, bughaw na mga mata, pati narin ang mga pekas sa kaniyang pisngi. Kami ay masayang nagbibisikleta sa lungsod ng Viborg, dumalaw at lumibot sa loob ng isang magandang Katedral, pinag-usapan ang magagandang arkitektura sa Copenhagen at buong Europa. Pagkatapos ay kumain kami ng stegt flæsk sa parke, at kinabukasan kami ay sumakay ng tren pauwing Copenhagen. Sa limang oras na biyahe namin pauwi ay kami ay naglaro ng jenga at nagbasa ng mga maikling kwento at fairy tales ng Danish na manunulat na si Hans Christian Andersen. Nang gabi din na iyon, ako ay kaniyang hinatid sa bahay ng aking ninang na nakatira sa Copenhagen. Parang fairy tale na sana magkatotoo sa hinaharap, at ayon sa binasa naming manunulat na si Hans Christian Andersen.

“Life itself is the most wonderful fairy tale.”

Maraming katangian ng report na ito ang tumatak sa aking isipan, partikular ang ideya ng Immaterialism at ang Esse Est Percipi (To be, is to be perceived). Ang ideya ni Berkeley na ito para sa akin ay mali sa umpisa, subalit ng lalo ko na itong pinag-isipan ay luminaw sa akin ang kahulugan na ito. Hindi sinasabi ng Immaterialism na ang mundo ay hindi totoo bagkus na ang mundo ay totoo o existing dahil sa ating pagbibigay kahulugan dito. Ang kulay na dilaw ay dilaw dahil sa mga lightwaves na nagrereflect sa ating mga mata, subalit paano kung iba ang istraktura ng ating mga mata, maaaring hindi na ito kulay dilaw. Ang mga bagay na nakapaligid sa atin ay nandyan dahil naisip at ginawa nating mga tao. Napagtanto ko na ang ibig sabihin ng Immaterialism at Esse Est Percipi ay;

"The world exists because we perceived and made it what we think the world should be.”
-Arianna Collantes.

LIM, Rovi Paulo C.
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.

Dati nanaginp ako na nanalo ako sa lotto tapos hindi ko sinabi sa parents ginawa ko sa pera bumili ako ng bagong bahay tas pinuno ko ito nang pagkain at laruan tapaos nung sinabi ko na sa kanila nagalit sila kase malapi na mabuos yung pera

2.Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

BAGUISA, Carl Benedict SD.
Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.

Ang isang panaginip na aking pinanghinayangan nang ako ay nagising ay ang panaginip na kasama ko ang aking mga pinsan sa isang mahabang paglalakbay at mayroon kaming napuntahang lugar na sobrang ganda at sobrang tahimik, sa panaginip na iyon ay lahat ng gusto namin ay nagkakatotoo, sobrang saya ng panaginip na iyon yung tipong wala kang masyadong pino problema at lahat ng iyong gusto sa buhay ay naroon narin at syempre nawala ang lahat ng ito nang may dumating na lazada.

Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

Ang tumatak na parte sa akin sa inihandang report ni Tobby ay ang “Material things have no reality except as mental perceptions.”

Ang isang bagay ay totoong umiiral lamang hangga't ito ay na obserbahan, kung hindi man, ito ay hindi lamang walang kahulugan ngunit simpleng wala.

Magpayo, Kurt Angelo DL.
Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising
Ang isang panaginip na pinanghinayangan ay ang aking namatayan na lolo(mother side) at lola(father side). Ang nangyari sa panaginip ko ay nasa may bahay kami ng aking tito at nung lumilibot-libot ako sa bahay nila nakita ko ang lolo at lola ko na hinahanap ako, kasi magpapaicture daw sila. Nung nagpicture na kami at nagflash na yung camera bigla na akong nagising. Piling ko ay nakapunta akong langit at naalala ko parin ang panaginip na iyon hanggang ngayon.

Ang tumatak na parte sa report na inihandani Tobby ay ang mga pilosopo na nabanggit sa report.

ALDAY, NICHOLAS B.
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising. 2.Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

Isang gabi, nagkausap usap kami ng mga kaibigan ko patungkol sa isang bagay na pare pareho naming naranasan muli. Habang naguusap online, napagusapan, nagbrobrowse kami ng aming mga pictures na naka save sa aming mga cellphones. Sa gabing iyon, ibinahagi namin ang aming sari sariling mga imaheng nakalagay sa selpon, at ang aming mga nagawa lamang ay mag reminisce sa mga panahon na kami'y nakakagalaw nang malaya. Mga panahong malayang lumabas at care free. Sa aking pagtulog, kahit na minsan lamang nangyayari, ako'y nagkaroon ng panaginip. Sa panaginip na ito, naranasan kong maging malaya muli. Gumising ako nang nakabihis na agad ng pangalis. Binigyan ako ng maraming pera, at sa aking paglabas, naroroon na ang aking mga kaibigan. Sama sama kaming gumala sa kung saan saang mga malls sa Pinas. Bumisita ng iba't ibang mga cafes at nakihalubilo sa pagligtas ng mga aso't kuting. Talaga ngang nakaka miss ang highschool life namin na ninakaw ng pandemya.

Ang parte ng report ni Tobby na tumatak sa aking isipan ay ang paano nakakatulong ang paraan ng pagiisip ni Berkeley. Sinabi niya sa kaniyang paniniwala na sa pagiging Immaterialist na "the only things that exist are those we perceive." And yet, one cannot actually perceive matter, only
the sensations derived from it. Sa unang beses kong nabasa ang mga salitang iyon ay nagkaroon ako ng pagdududa. Ngunit nagkaroon ako ng isang realization. Tinuturuan tayo ng paniniwalang ito na may mundo sa labas ng ating mga nararanasan. Hindi nito tayo tinuturuang maging ignorante, bagkus tinuturuan tayong maging mapili sa ating mga paniniwala. Tinuturuan tayo nitong maging open minded sa kung ano ang mga maaaring mangyari sa labas ng ating mga karanasan.

POGI MO TOBBY IIIIIDOLO.

Gallardo, Pia Denisee M. 10 - Narra
1. Ang panaginip na siguro ang isa sa mga bagay nagpapagaan o nagpapaasa sa atin ng mga bagay na posibleng mangyari. Minsan ay para tayong nabibitin kapag  nagigising tayo sa kalagitnaan nito, pinipilit din nating bumalik sa pagbabakasali na maituloy pa ito. Ngunit ang isa sa mga panaginip ko na aking pinanghihinayangan noong ako ay nagising ay ang tungkol sa lola ko. Sa dalawang taon na siyang patay, ay dalawang beses ko pa lamang din siya napapaginipan. Ayon sa aking pagkakaalala, nasa isa kaming auditorium o bulwagan, may namimigay doon ng pagkain, at ang sopas ang pinakanatandaan ko. Kami ay tumayo at kukuha na ng sopas. Nang nakakuha na ako ay lumingon ako nakitang nakapila pa siya upang kumuha ng sopas. Maya maya lamang ay nagising na ako, hindi ko alam kung dahil ba  sa sopas ang pinag-uusapan naming noon kaya umabot ito sa panaginip ko. Ngunit pinanghihinayangan ko ito, dahil ito ang mga panahong marami akong iniisip at miss na miss ko na rin siya. Iniisip ko kung sa panaginip ko na lamang pala siya makikita ulit, bakit hindi ko pa sinulit.

2. Ang parte sa report ni Tobby na tumatak sa akin ay ang mahahalagang pangungusap. Tumatak ito sa akin dahil ang kaniyang napiling mga pangungusap ay talaga namang malaman at marami kang mapagtatanto. Ang apat na mahahalagang pangungusap na ito ay makakatulong upang makapag-isip isp ka.

Abogado, Olen Simon E. • 10-Narra • 5/18/2021 • 4:58 PM
1. Madalas akong managinip tungkol sa mga hindi makatotohanang mga bagay na kadalasa'y dulot ng aking imahinasyon. Karamihan sa mga iyon ay tila napunta ako sa ibang uri ng realidad. Alam niyo ba ang konsepto ng Multiverse? Iyan ang isang magandang halimbawa ng mga napapanaginipan ko. May isang pagkakataon na nanaginip ako na sa realidad na ito ay hindi nagkaroon ng pandemya. Kagaya ng dati ay ang buong pamilya namin ay nagtungo sa dalampasigan at doon namalagi ng ilang araw. Marami kaming masasarap na pagkain noon at maging ang aking mga kaibigan ay kapiling ko din. Sa aking palagay ay tila iyon na ang pinaka masayang araw ng aking buhay. Nguni noong ako'y kukuha na ng pagkain ay bigla na lamang ako nagising, at iyon ang panaginip na nagsisisi akong nagising pa ako. Ang mabuhay sa isang mundo kasama ang mga mahal ko sa buhay ay tunay na magbibigay sa akin ng walang hanggang kaligayahan.

2. Pinakatumatak sa akin ay ang pagpapakilala niya sa pilosopong si George Berkeley. Sa aking pagkakatanda at noong binasa ko ang kabanatang ito ay hindi ko gaano napansin ang pagkakakilanlan ni Berkeley at dahil dito ay kakaunti lamang ang nalaman ko ukol sa kaniya. Ngunit sa paggawa niya ng hiwalay na pagpapakilala kay Berkeley ay mas naliwanagan ako pati na din sa paniniwala niyang immaterialism.

Dela Cruz, Curt John T.
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.

Ang panaginip na pinanghinayangan ko ng ako ay magisin ay noong nanaginip ako na nabili ako ng aking mga magulang ng lahat ng gusto ko. Nanghinayang ako dahil gusto ko pa naman talaga ng mga bagay na iyon.

2.Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

Ang tumatak sa isip ko mula sa report ay ang sinabi ni Sophie na "it's like dreaming you won a million and then just as you're getting the money you wake up" dahil parang ganito ang nangyari saakin noon ako ay nanaginip.

De Leon, Felise Anne Faith C.
1. Ang pinaka paborito ko talagang panaginip at hanggang ngayon malinaw pa sa isipan ko ang mga pangyayari ay 16th Birthday ko daw noon at pumunta ang crush ko na taga ateneo sa Party ko kasama ang mga magulang nya na boss ng nanay ko, nagulat ako noon at sabi nya sakin ay crush nya daw ako, naging magjowa kami at niyakap nya ako. hanggang ngayon kahit hindi ko na sya crush ay nararamdaman ko parin yung init ng yakap nya sakin sa panaginip nya yun, Hindi ko pa kasi sya nakikita sa Personal kaya sobrang saya ko na kahit sa panaginip ay nakasama ko sya, Nagising ako agad kaya labis lang yung panghihinyang ko kasi sana nakasama ko sya ng matagal pa kahit sa panaginip lang.

2. Ang pinakatumatak sa isipan ko ay noong inexplain nya ang Immaterialism, dahil doon ay napaisip talaga akong tunay at nakapagrealize ng madaming mga bagay tungkol sa mundo.

Fajardo, NJ O.
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.

Probably the one kung saan napanaginipan kong naging kapitbahay ko ang taong lubos kong minamahal (ngunit hindi niya ako kilala, creepy stalker girl much? yes.).  Sa aking panaginip, this was in a world without covid,  nakatira siya across the street mula sa bago naming bahay dito sa subdivision kasama ang kaniyang significant other. Ilang linggo ata o ilang buwan ang lumipas at hindi kami nag come into contact ng aking bagong kapitbahay. May parte sa akin na oo malungkot, pero hindi ko madala ang sarili ko to say hi. Until isang araw, bibiyahe dapat ako sa jeep kasama ang aking nakababatang kapatid (who is 7) at ang sakayan daw ng jeep ay na sa may eco building malapit sa bsu. Nakapila kami, nag aabang ng masasakyan ng makita kong parating ang aking kapitbahay na simple pero kaakit-akit ang suot. The standout was the fact that the person was wearing these square sunglasses, which totally suit them. I tried to hide and not draw attention to me, ngunit nag ingay ang aking kapatid at napansin kami. The person knelt down and said hi to her and then said hi to me, tapos ako'y malambing na yinakap at hinalikan sa pisngi. (the person is from the states okeh?? thus the culture) Hindi naman ako kinilig :)

2.Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

Ang pinakatumatak sa aking isip mula sa report ni Tobby ang paguulat niya nitong kasabihan ni Berkeley

"Everything is due to that spirit which is the cause of everything in everything and which all consists in"

Tumatak ito sa isip ko dahil, ako'y naniniwala din dito. Naniniwala ako na bumabalik tayo sa Universe kapag tayo'y nawala na dito sa mundo pero we're never really *not* here. You know?

Eugenio, Andre Dennise C.
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising. 2.Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

1. Nung napaginipan ko noong grade 3 ako na kami ni crush ay malaki na at naging kami at naglalakad kami sa classroom at pumapalakpak ang aking mga kaclassmate at bigla nalang nawala iyon dahil ginising ako ng aking lolo dahil may pasok.

2. Ang tumatak sa aking isipan na report na ginawa ni Tobby ay ang immaterialism na pinaniniwalaan ni Berkeley at kung ano ang ibig sabihin nito. Tinalakay niya din ito ng maayos, ang reporting ng chapter 22 ng Sophie's World.

Eugenio, Angel Dennis C.
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising. 2.Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

1. Ang panaginip na hindi ko makalimutan ay naging pastry chef ako at madami akong kinakain na dessert at bigla nalang akong nagising dahil sa lolo ko.

2. Ang aking natandaan ay ang report na ginawa ni Tobby ay ang immaterialism na pinaniniwalaan ni Berkeley at kung ano ang ibig sabihin nito. Tinalakay niya din ito ng maayos, ang reporting ng chapter 22 ng Sophie's World.

Halog, Reinan Russel Royz A.
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.

Ang mga madalas kong mapanigipan ay mga hindi makatotohanang mga bagay marahil ito'y dulot ng aking mga binabasa at imahinasyon.  Ang pinaka gusto kong mangyare na napaginipan ko ay yung meron daw akong kapangyarihan na mabasa ang iniisip ng mga tao at nakakakita daw ako 20 seconds into the future. Sa aking panaginip ay ginamit ko ang mga kapangyarihan na iyon upang kumita ng pera sa iba't ibang paraan tulad ng pustahan sa basketball, casino etc.
At sa panaginip din na iyon ay naging mag jowa kami ng crush ko sa kadahilanang nababasa at ginagawa ko ang mga nasa isip niya.

2.Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

Ang pinakatumatak sa aking isipan  ay ang topic ng immaterialism. Ako ay naniniwala din na ang mga bagay ay walang katotohanan maliban sa pananaw sa kaisipan. Para sa akin ang mga bagay ay di gaanong mahalaga sapagkat mawawala lang din lahat ng ito. Pwede itong mawala lahat kahit kailan kaya kahit na may mga bagay akong gusto, hindi ko parin ito binibigyan ng higit na importansya kaysa sa mga tao.

Blanco, Jamil Kristan M.
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising. 2.Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?

1.) Meron akong panaginip noon kami ng aking pamilya ay nasa isang bakasyon sa Palawan. Kami ay masaya nag diriwang ng kaarawan ng akin tatay. Doon sa aking panaginip wala nang virus sa mundo. Nung nagising ako randam ko ang panghihinayang dahil ayun lamang ang gusto ko manyare ang mawalan ng virus.

2.) Ang tumatak sa aking isipan sa nireport ni Tobby ay ang buod ito ay naintindihan ko ito ng mabuti.

Chico, Arvin Ryan P.
1. Hindi naman ganoon kaganda ang aking mga napapanaginipan, pero eto yung panaginip na nagbukas sa aking mga mata patungo sa katotohanan. Nakita ko dito ang kahalagahan ng buhay, na kahit gaano katagal ka pang mabubuhay kung hindi ka naman masaya, ito'y mababalewala lang din. Sa panaginip na ito ko nakita ang aking tunay na halaga, dito ko naramdaman na may nag aalala para sa akin. Nakasama ko ang aking mga kaibigan, at nawala na ang virus na kumakalat sa ating daigdig, ilang oras lang iyon sa aking imahinasyon. Kahit sa panaginip ko lang sila nakasama, iba pa rin yung pagmamahal na kanilang ipinakita sa akin. Kami'y naging malaya at nagawa namin ang aming mga gustong gawin, napuntahan ang mga lugar na kahit hindi ganoon kagandahan, ako'y kanilang sinamahan. Ilang sandali lang ako'y nagkasakit, dumapo sa akin ang virus na nagresulta ng isang pandemya at amin itong ikinabigla. Akala ko ay katapusan ko na, pero naging maayos naman ang lahat at bumalik sa normal.

2. Buong parte ng report ay maayos na inihayag at napalawak, pero ang pinakatumatak sa aking isipan ay ang pagsusuri. Sinabi dito ni Tobby na malaki ang posibilidad na sina Sophie at Alberto ay kathang isip o isang imahinasyon lamang. Sila'y isang salita lamang na umiiral sa mga pahina ng aklat ng Sophie's World. Si Sophie at Alberto ay tila nakakulong sa pakikibaka ng kalayaan tulad ni Spinoza. Tumatak din sa akin ang buod, dahil dito mas naintindihan ko ang daloy at takbo ng kabanatang ito.

Alejandrino, Johanne B.
Ang panaginip na aking pinanghihinayangan nung ako'y nagising ay ang panaginip na nakasama ko ang mahal ko sa buhay ng malaya ng walang pag aalinlangan sapagkat itoy panaginip lamng kung ano ang iyong nasa isip ay titak na matutupad dulot ng ating imahinasyon kaya minsan gusto mo nalang managinip pero ating tatandaan na hindi natin pwedeng sukuan ang realidad na minsan may pagkakataon talaga sa ating buhay na mahirap.

ang tumatak sa isip sa sa report ni tobby ay ang “A philosophical theory that material things have no reality except as mental perceptions

ESTOMO, Althea Julianna C.
Hindi ako ang tipo ng taong madalas makaalala ng mga panaginip. Kadalasan ay kung magkakaroon ako ng magandang panaginip, hindi ko na ito maaalala paggising. Ngunit mararamdaman ko pa rin ang saya at comfort na idinulot sa akin nito kung kaya’t magkakaroon ng magandang takbo ang aking araw.

Kung pag uusapan naman kung ano ang panaginip na pinanghihinayangan kong ako ay nagising, ito ay ang mga panaginip na kasama ko ang aking mga kaibigan at mahal sa buhay. Dala na rin ng quarantine dahil sa COVID-19, mahigit isang taon ko na silang hindi nakakasama. Nagdala ito ng kalungkutan sa akin dahil noong normal pa ang ating mga buhay, nasanay akong nakikita ang aking mga kaibigan sa paaralan. Kung minsan naman ay nagkakayayaan kaming magkita-kita kapag walang pasok dahil gusto lamang namin magsaya. Ngunit ngayon ay hindi na namin ito maaaring gawin dahil masyadong delikado ang lumabas sa mga panahon na ito. Kaya naman, tuwing magigising ako sa mga panaginip kung saan kasama ko sila, matindi ang kakulangang nararamdaman ko pagkagising sapagkat hinihiling kong totoo na lamang ito.

Para naman sa iniulat ni Tobby, tumatak sa akin ang konsepto ng “immaterialism” sapagkat kakaibang isipin na ang mga bagay ay walang reyalidad kundi ang mental na persepsyon lamang sa mga bagay na ito.

Mercado, Hans Raphael F. (10-Narra)
1. Para mabigyan kayo ng konteksto tungkol sa koneksyon ng panaginip na to sa aking buhay, magkukwento lang akong saglit. Noong 2010, nagkaroon ako ng nakababatang kapatid na babae - ang pangalan niya ay Anna. Sa kinasamaang palad, tatlong araw lang siyang nabuhay dulot ng kumplikasyon sa pagbubuntis ng aking nanay.

Isang gabi noong ako ay bata-bata pa, nagkaroon ako ng panaginip na mayroon akong batang babaeng inaalagaan, hindi ko maalala ang kanyang mukha ngunit naaalala ko ang kanyang ilong na kahawig ng sa aking kuya. Yun ang tanda ko na si Anna yon, dahil nasa incubator pa lamang si Anna ay inilalarawan ng aking tatay na kahawig ng ilong ng aking kuya ang kay Anna. Nagpatuloy ang aking panaginip na naglalaro lamang kami at inaalagaan ko siya, ang saya-saya ko sa panaginip na yon. 'Tila ba sa sandaling oras ay naiparamdam sa akin na nagkaroon ako ng naikababatang kapatid.

2. Ang pinakatumatak sa akin mula sa ulat ni Tobby ay ang kaniyang buod at mahahalagang pangungusap. Buod dahil naipaliwanag nang maayos ang istorya at napagkonekta ang daloy ng ito. Mahalagang pangungusap naman dahil sa pagtatapos ng kaniyang paguulat ay mayroong mga "food-for-thoughts" o mga bagay na magpapaisip sa'yo kahit ba na tapos na ang kanyang ulat.

BARTOLOME, Loraine Ann M.
1. Napanaginipan ko lamang ito kamakailan. Sa panaginip ko na ito, wala nang pandemic at nasa klasrum na ako kasama ang aking mga kaklase. Nagtatawanan pa nga kami lahat at sinabi pa ng presidente namin na wala raw titser para sa susunod na klase. Ngunit bigla nalang ako nagising ng alarm ko dahil may online class pa pala ako. Akala ko noon ay wala nang pandemic. Nalungkot na lang ako bigla at binuksan ang aking laptop bago maghilamos.

2. Ang tumatak sa akin na parte ay ang buod. Hindi ko pa man nababasa ang kabanata na ito sa Sophie's naintindihan ko naman kaagad ang nangyari rito at ang mga mahahalagang kaisipan dahil sa malinaw na pagkakakwento at pagkakapaliwanag ni Tobby,

Lopez, Louise Bernadette R.
1.Ikwento ang isang panaginip na pinanghinayangan mo ng ikaw ay magising.
Noong nakaraang linggo ay napanaginipan ko ang aso ko—si Twinkle. 11 taon na kaming magkasama at tila parang tunay na siyang tao dahil sa kanyang natatanging lambing at pang unawa. Ngunit, lumiban na siya sa aking piling noong 2019.

Napanaginipan ko siyang sinasalubong niya ako sa aking pag papasok sa aming tahanan. Sabay siyang nag tatalon nang siya’y nakalapit sa’kin at sumampa sa aking binti na para bang daang libong taon akong nawala sa kanyang piling sa higpit ng kanyang pagyakap. Parang totoong totoo iyon. Sana’y ‘di na ako nagising sapagkat doon ko na lamang siya nakapiling. Masaya—masaya ang muli naming pagkikita, kay tamis. Kapighatian—kapighatian sapagkat hindi ko alam kung mauulit pa ba. Mauulit pa ba ang aming pagkikita kahit na sa ilusyon lang ng aking isipan? Sana’y totoo ang panaginip na iyon, sana’y kapiling kita kahit doon.

2.Ang pangalawang tanong ay ano ang tumatak na parte sa report na inihanda ng reporter?
"it's like dreaming you won a million and then just as you're getting the money you wake up".