IDEOLOGY BLOG! by Geline Fajardo

ANG MGA IDEOLOHIYANG POLITIKAL AT EKONOMIKO
Ang mga uri ng ideolohiya ay maaring pangkatin sa dalawa. Ang mga ideolohiyang politikal ay may ideya, prinsipyo, at doktrina na nagpapaliwanag kun paano pamumunuan ang isang lipunan at nagbibigay ng mga paraan upang magkaroon ng kaayusan. Samakatuwid, ito ay patungkol sa paggamit ng kapangyarihan at pamamahala. Samantala, ang mga ideolohiyang  pangkabuhayan ay nagbibigay ng perspektibo kung paano pamahalaan ang ekonomiya. Ang ilan sa mga ideolohiya ay ang mga sumusunod.

1. Kapitalismo – Ito ay isang uri ng sistema na ang mga tao ay may karapatang magmay-ari ng ari-arian at magtatag ng sariling kabuhayan. Isa sa mga pangunahing layunin ng bawat indibidwal ay magnegosyo at magkamit ng tubo. Batay ito sa doktrinang laissez-faire ni Adam Smith na tumutukoy sa hindi pakikialam ng pamahalaan sa takbo ng ekonomiya. Ito ay nakapaloob sa free enterprise o free market.

2. Demokrasya – Hango sa salitang Griyego – “demos” at “kratia” na ibig sabihin ay mga “tao” at “pamamahala.” May dalawang anyo ng demokrasya, ang tuwiran at di-tuwiran. Sa tuwiran, direktang ibinoboto ng mga tao ang gusto nilang pinuno ng batas. Sa di-tuwiran, inihahalal ng mga kinatawan (representative) ng mga mamamayan ang mamumuno para sa pamahalaan.

3. Awtoritaryanismo – Isang uri ito ng pamahalaan na kung saan ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan. Makikita ito sa pamahalaan ng Iran, kung saan ang namumuno ay siya ring puno ng relihiyon ng estado, ang Islam. May napakalawak na kapangyarihan na sinusunod ng mga mamamayan ang namumuno. Mayroon ding tinatawag na konstitusyonal na awtoritayanismo kung saan ang kapangyarihan ng namumuno ay itinakda ng Saligang Batas. Ito ang tawag ng dating Pangulong Marcos sa kaniyang pamamahala sa ilalim ng Batas Militar noong 1972 hanggang magwakas ang Batas Militar noong 1981 at siya ay napatalsik bilang pangulo noong ika-25 ng Pebrero 1986.

4. Totalitaryanismo – Ang pamahalaang totalitaryan ay karaniwang pinamumunuan ng isang diktador o grupo ng taong makapangyarihan. Sa ilalim ng ganitong pamahalaan, may ideolohiyang pinaniniwalaan at may partidong nagpapatupad nito. Limitado ang Karapatan ng mga mamamayan sa malayang pagkilos, pagsasalita, at pagtutol sa pamahalaan. Pati ang pagpapahayag ng relihiyon ay hindi lubusang sinasang-ayunan, ngunit hindi rin nman tahasang ipinagbabawal. Lahat ng desisyon tungkol sa pamamahala at kabuhayan ay nasa kamay din ng isang grupo o ng diktador.

5. Komunismo – Ayon sa ideolohiyang ito, walang uri ang mga tao sa lipunan, pantay-pantay ang lahat, walang mayaman at walang mahirap. Tatanggap ang lahat ng tao ng yaman batay sa kanilang pangangailangan. Pag-aari ng mga mamamayan at ng estado ang produksyon na inilalabas sa mga pagawaan at lahat ng negosyo sa bansa.

6. Sosyalismo – Isang doktrina o sistema na nakabatay sa patakarang pang-ekonomiya na kung saan ang pamamalakad ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang pangkat ng tao. Ang pangkat nito ang nagtatakda sa pagmamay-ari at pangangasiwa ng lupa, kapital, at mekanismo ng produksiyon. Ang mga industriya at lahat ng mga kailangan sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga mamamayan ay nasa kamay rin ng pamahalaan. Hangad ng sosyalismo ang pagkakamit ng perpektong lipunan sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng produksiyon ng bansa. Binibigyang diin nito ang pagtutulungan habang ang mahahalagang industriya ay pag-aari ng pamahalaan. Ito rin ay may katangiang naaayon sa kapitalismo at komunismo.