Ugnay Larawan by Roxelle Ann Abrenica

Katulad ng diskusyon ng una at pangatlong grupo. Ang wika, kultura, at ang ating lipunan ay may mahalaga na ginagampanan sa aming hinaharap na propesyun. Katulad na lamang ng wika,  ang wika ay mahalaga ang ginagampanan nito sa aming propesyun dahil ito ay ang ginagamit naming instrumento para makuha at malaman ang kalagayan ng aming pasyente. Sa gawing ito, sa pamamagitan ng pagkikipag-kumonika ng pasyente sa aming mga narses gamit ang wika. Makakabuo kami ng karagdagang mga objectibo at interbensyon para mapabuti ang kalagayan niya. Gayundin ang kultura at lipunan, sa pamamagitan ng pag-alam ng mga kultura ng aming mga pasyente maari kaming maging sensitibo sa aming mga ugali at pamamaraan ng pagbibigay ng pag-aalaga para hindi kami makasakit ng looban nila. Isang halimbawa nito, pag nalaman namin na  Jehovah's Witnesses ang relihiyon ng aming pasyente. At nangangailangan siya ng dugo, amin munang kukunin ang kanyang permiso kung papayag ba siya na salinan siya ng dugo para hindi namin malabag ang kanilang paniniwala at masaktan ang loob nila. Ito at ang iba pa ang mga rason at importansya kung bakit kinakailangan na aralin naming mga narses ang wika at kultura para makapagbigay kami ng may kalidad at ligtas na pag-aalaga sa aming mga pasyente at para narin sa ikabubuti ng aming propesyun.

Ang larawang ito ay aking kuha mula sa isang gusali ng ating pamantasan. Makikita rito ang nakapalibot na naglalakihang mga gusali at establisimyento, na patunay ng modernisasyon at pag-unlad ng lipunang ating ginagalawan. Kasabay nito ang pagbabago sa pamumuhay na ating kinagisnan, maging sa mga salitang ating ginagamit sa pang-araw-araw. Kung kaya’t, sa naging talakayan ay aking mas lubos na naunawaan ang kahalagahan ng pagpapanatili at pagtangkilik sa ating sariling wika at kultura, sa kabila man ng lahat ng pagbabagong nagaganap sa ating lipunan. Sapagkat ang mga aspektong ito ang nagbibigay ng identidad sa atin — ang naglalahad sa kung sino tayo bilang mga Pilipino at ang nagbibigay pagkakakilanlan sa ating bansang Pilipinas. Sa kadahilanang ito, kasabay sana ng pag-unlad ng lipunan ay ang pagyabong din ng ating wika at kultura.

Ang unti-unting pagkawala ng wikang Filipino ay isang isyu na nangangailangan ng atensyon at aksyon. Tulad ng mga halaman na nagbibigay buhay at kagandahan sa ating kapaligiran, ang wikang Filipino ay nagbibigay buhay at lalim sa ating kultura at identidad. Nawa’y maipakita natin ang impormasyon ng wikang Filipino, maipaalala sa bawat isa ang kahalagahan ng ating wika at kalikasan, at matulungan natin na muling buhayin at palaganapin ang paggamit ng wikang Filipino sa araw-araw na buhay.

Ito ay isang larawan ng silid-aralan na kinuha ko noong mga nakaraang semestre. Ito agad ang una kong naisip na larawan base sa mga natutunan ko sa modyul na ito. Sa modyul na ito, itinuro ang mga isyu at kalagayan ng wikang Filipino sa kasalukuyan at ito ay patuloy na nagbabago. Nagbabago sa paraang dahan-dahang na tayong humihiwalay sa sarili nating wikang Filipino, dahil habang lumilipas ang mga taon, nag iiba na rin ang wikang Filipino na nakasanayan natin. Kaya naman silid-aralan ang napili kong larawan dahil sa isang silid-aralan, maari pa nating mapausbong at mapanatili ang patuloy na paggamit sa wikang Filipino; kung kaya naman ang pagusbong ulit ng wikang Filipino ay magmumula sa isang munting silid-aralan. Bilang isang estudyante, ako ay magsusumikap upang mapalathala pa ang patuloy na paggamit natin sa wikang Filipino, hindi lamang sa pakikipag-usap, kundi pati na rin sa iba't-ibang larangan nito katulad ng mga pang-panitikan.

Ang screenshot na ito ay ang gagamitin kong halimbawa sa itinanong ng aming guro na "sa paanong paraan pa rin nasasabi na pinipili ng mga Pilipino ang wikang Filipino". Kahit madaming naglalakihang mga artista sa ibang bansa ay mas pinipili parin ng mga Pilipino na gawing idolo at pakingang ang nga musika sa Pilipinas, kagaya ng  pagtangkilik ng nakararami sa grupong BINI. Marami ang nagsasabi na mas pipiliin nila ang mga artistang pinoy dahil hindi na nila kailangan ng mga subtitles kapag nanonood ng mga interviews o mga bidyo nila. Isa ito sa kahalagahan na ang pagkakaroon ng iisang wika ang magkokonekta sa mga tao sa kinatatayuan nilang lipunan. Gaya ng sabi ng pangkat 1 at 2, ang wika ay isang mahalagang midyum upang magkaintindihan at magkaron ng identidad ang isang lipunan. Ito ang dahilan kung bakit hindi puwede maglaho ang wikang Filipino bagkus pwede itong pagyamin pa at paunlarin kahit na may mga salitang hindi na nagagamit dahil sa pagkakaiba iba ng panahon.

“paglubog ng araw”
Ang litratong ito ay kinuha ko noong November 27 sa Batangas. Mahahambing ko ang wikang Filipino sa pag lubog ng araw (sunset). Ang tradisyonal na anyo ng wikang Filipino ay unti-unting nagbabago ng mga modernasyong ekspresyon ay salita, ngunit habang lumilipas ang panahon, nagiging bagahi ng natural na proseso ng pagbabago at pag-unlad. Katulad na lamang nag pag lubog ng araw, unti-unti nang nakakalimutan ng mga Pilipino kung paano ba gamitin ang wikang Pilipino ng wasto. Kung kinakailangan nga na i adjust ang ating mga mata sa transisyong maliwanag sa dilim, ganon din ang pag adjust natin sa mga bagong likhang salita na nadadagdag sa wikang Filipino. Ang mga bagong expresyon ay nagdadala ng gulat saatin, ngunit habang lumilipad ang panahon, nasasanay na tayo at nagiging parte na ito ng pang araw-araw na komunikasyon.

Ang larawan na ito ay mula sa aking sariling kuha. Ito ang lugar kung saan madalas ginagamit ang wika at pag-intindi sa kultura at lipunan na pinagmulan ng ibang tao. Tulad nga ng sabi kanina ng ibang mga grupo, mayroong iba't ibang aspeto na ginagampanan ang wika, kultura at ating lipunan sa buhay ng bawat indibidwal. Para sa akin bilang isang estudyante na kumukuha ng kursong nursing, mahalaga na pag-aralan at alamin ang nilalaman ng akda mula sa Modyul 1. Para sa wika, ito ay mayroong malaking ginagampanan sa buhay namin upang magkaroon ng malinaw at epektibong komunikasyon sa aming mga pasyente. Kinakailangan na makuha ang tiwala ng mga pasyente gamit ang pakikipag komunikasyon upang makabuo ng nararapat at tamang pagsasagawa ng plano ayon sa interbensyon. Sa usaping wika at lipunan, naipapakita dito ang kahalagan ng mayroong sapat na kaalaman upang maging maingat sa pag-alam at pag respeto sa kultura at kinalakihang lipunan ng bawat pasyente. Hindi lamang sa aking kurso mahalaga ang tatlong konsepto na ito kundi maging sa ibang propesyon din at sa pang araw-araw na komunikasyon ng mga tao at ang patuloy na pag-unlad ng kultura at lipunan.

Wika
Ang wika ay isang instrumento na nakakapag bigay daan sa maayos at epektibong ugnayan ng bawat mamamayan. Makikita sa larawan ang mga “smiski” na sumisimbolo bilang mga mamamayan na mayroong iba’t ibang ginagawa. Sa madaling salita, ang bawat mamamayan sa isang lipunan ay maaring mayroong iba’t ibang paniniwala, kulturq, at pinanggalingan. Ganon pa man, ang wika ay parehas na nagbubuklod at nag-uugnay sa mga mamamayan na ito. Nagbubuklod sapagkat sa pamamagitan ng wika nabibigyan nito ng identidad ang isang tao. Nag-uugnay sapagkat sa kabila ng pagkakaiba patuloy tayong nag kakaroon ng koneksyon at epektibong pakikisalamuha sa isa’t isa.

Aking pinili ang larawan na ito kung saan makikita natin ang paglubog ng araw kasama ang iba’t-ibang mga gusali. Ito ay maaaring maihambing sa ating wika, kultura at lipunan. Para sa akin, madalas na naglalahad ng damdamin at emosyon ang mga litrato ng paglubog ng araw, at katulad na lamang ng wika, ito ay ating ginagamit sa pagpapahayag ng ating mga ekspresyon at saloobin. Ang wika rin natin ay patuloy pang nagbabago at umuunlad, ito ay sinisimbulo rin ng pag-iiba ng kulay habang sa paglubog ng araw. Maaari rin maging simbolo ng pagninilay ang paglubog ng araw, katulad ng ating kultura, ito ay nagbibigay daan sa ating mga tradisyon sa komunidad upang tayo ay magnilay-nilay.

Ang larawang ito ay kuha noong nakaraang taon, 2023. Ito ay isang kuha noong nagsisimula ang unang araw sa ng fiesta sa aming bayan. Maihahalintulad ko ang wika, kultura at lipunan sa larawang ito dahil kung titingnan ito makikita dito ang iba’t iba uri at aspeto ng pakikipagkomunikasyon, pakikisama at galaw ng bawat mamamayan na nakatira dito. Makikita rin dito ang mga pailaw at sari-saring mga bilihin na isa sa mga parte ng aming kultura tuwing sasapit ang fiesta sa aming lugar. Sa kabilang banda, bilang isang mamayan dito sa aming bayan,  pagtitipon at pagbabayanihan ang simbolo ng maunlad at masayang kultura na kung saan maipapakita ang wika ng selebrasyon at pagsasalo bilang pagkakaisa ng aming bayan.

Wika, Kultura, at Lipunan
Ito ang litrato ko at ng mga kaibigan ko noong hayskul. Noong nakaraan lamang kami nagkita-kita muli dahil sa magkakaiba ang kinuha naming mga programa sa kolehiyo. Nagmula kami sa iba’t ibang kultura, relihiyon at kaalaman kaya’t marami kaming naikkwento sa isa’t isa. Gamit ang lingua franca namin ay nababahagi namin sa isa’t isa ang mga karanasan namin ngayon magkakahiwalay na kami. Naituturo rin namin sa isa’t isa ang kahalagahan ng tinatahak naming daan sa aming propesyon.

Sa aking kuha na larawan ng isang klasrum, nagsisilbing inspirasyon ito upang pagnilayan ang kahalagahan ng wika, kultura, at lipunan sa ating edukasyon. Natutunan ko na ang wika ay hindi lamang instrumento ng pagtuturo kundi mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan at kasaysayan. Ang kasanayan sa paggamit ng wika ay nagbibigay-daan sa mas epektibong pakikipagtalastasan, na siyang pundasyon ng pag-unawa at pagkakaisa sa loob ng klasrum at lipunan. Ang pag-aaral ng kultura ay nagpalawak ng aking pananaw sa iba’t ibang kaugalian at tradisyon, na nagdulot ng mas malalim na respeto sa pagkakaiba-iba. Ang larawan ng klasrum ay simbolo ng isang maliit na komunidad kung saan natutunan naming magtulungan at magbahaginan ng kaalaman.