Repleksyong Lasalyano by Waynely Viesta

[M1] VIESTA, Waynely V. - Repleksyong Lasalyano
1) Base sa aking personal na karanasan, ang isa sa mga pangunahing problema pagdating sa pag-gamit ng sariling wika na aking nasasaksihan sa paligid, ay ang hindi na gaanong pag-gamit ng tinaguriang Wikang Pambansa. Naririnig at nasasaksihan ko ang lenggwaheng ginagamit ng mga taong nakapaligid sa akin, kadalasan, ito ay wikang Ingles. Ito ang kanilang ginagamit at sila ay medyo hirap sa pagsabi at pag-intindi ng Wikang Filipino. Hindi lamang ito nangyayari sa ating lipunan, ngunit sa ibang karatig na bansa rin. Unti-unti nang nawawala ang kanilang tinaguriang Wikang Pambansa dahil sa pag-usbong at impluwensiya ng kultura at lenggwahe mga iba pang mga bansa.

2) Isa sa mga salik na nagpapalubha sa hamon o isyung ito ay ang colonial mentality, mapapansin natin na ang henerasyon ngayon ay hangang-hanga at iniidolo ang kultura ng ibang mga bansa lalo na ang ang Western o USA, kumpara sa pansariling atin. Dahil dito, unti-unti nang nawawala o nabubura sa pang araw-araw na gawain natin ang kinagisnang Pilipinong pamumuhay. Pangalawa ay ang pagkatuto ng Wikang Filipino na nagmumula sa tahanan. Kadalasan ngayon, Wikang Ingles na ang itinuturo sa mga bata sa loob ng kanilang tahanan, kung kaya't pagpasok sa eskwelahan, hirap silang bumigkas at umintindi ng Wikang Filipino. Pangatlo ay ang wikang ginagamit bilang materyales sa pag-aaral. Kadalasan, Wikang Ingles na ang ginagamit sa pagtuturo ng ilang mga paaralan, halimbawa na lamang niyan ay ang asignaturang Araling Panlipunan, sa iba ito ay "Social Studies" o 'di naman kaya ay "CIVICS."

3) Bilang isang Lasalyano, akin namang nakikita na mayroon ng aksyon o mga programang ginagawa ang institusyon upang matugunan ang problemang ito. Ngunit, kung ang usapan ay hakbang na ang aking gagawin upang tugunan ang isyung ito, ang gagawin ko ay simulang makipagusap sa aking mga kaibigan sa Wikang Filipino, at kung sila man ay nahihirapan, akin silang tutulungan. Sa paraang ito, sila ay natututo at nae-ensayo sa pagsasalita at pag-intindi ng ating Wikang Pambansa. Kung pampamayanang lebel naman ang usapan, aking imumungkahi na magkaroon ng mga programang maaaring ipatupad na makatutulong sa paghihikayat, pag-gamit, at pag-intindi ng Wikang Filipino. Partikular para sa mga estudyante sa elementarya at mga estudyanteng hirap sa Wikang Pilipino sa mas mataas na edukasyon.